Followers

Sunday, May 26, 2013

318 (Ang textmate ko) Chapter 9.1





318 (Ang textmate ko)


By: ImYours18/Nyeniel/ Niel
Email and FB Account: nielisyours@yahoo.com.ph          
Wattpad Username: Nyeniel



Authors note:


Hello guys =) Update na! :D sana magustuhan niyo kahit na medyo ni-rush ko ang dulo, hindi masyadong ma-function ang utak ko ngayon e haha! Anyways, this is the first part of chapter 9, hopia like it! :D


Thank you po sa mga patuloy na nag-cocomment, nagadd sa akin sa fb, nag-eemail, at nagbabasa ng aking akda =) God bless po sa inyong lahat.


And thank you po very much po pala kay Sir Mike Juha dahil pinahintulutan niya akong magkaroon ng appearance ang isa sa mga character ng kanyang paborito kong akda. Maraming salamat Sir Mike.


Abangan na lang po natin sa mga susunod na chapter kung sino.. Hmmm?


PS: Pa-add naman po sa fb (nielisyours@yahoo.com.ph) hehe, tumal pa po ng friends e :D

Warning:


Some words used in the story are foul words. Also, there are scenes which are seductive and not appropriate to the minor readers. This story is a work of fiction only and any parallel scenes, places and names to the reality are absolutely unintentional.



Any reaction, praise, violent reaction, complains and comments regarding to my story, please contact me:



Email and facebook account: nielisyours@yahoo.com.ph





About the cover photo:


I do not own this image. Any complaint arising out of its use, please contact (nielisyours@yahoo.com)  and the image will be immediately removed.





ENJOY READING =)




Chapter 9.1


“Kanino naman kaya to?” Tanong ko sa sarili, siguro ay sa kapitbahay namin na kaibigan ni Karen, baka nagcocomputer na naman sila sa loob.


Pagkapasok na pagkapasok ko ng aming bahay ay bumungad sa akin si Mommy at si Ate Grace na nakangiti. Noong mabaling ko ang aking mga mata sa bandang kaliwa ng bahay ay nakita ko ang isang lalaking may dala dalang bag pack. Tila nanlaki ang mga mata ko sa sobrang pagkabigla at pagkamangha sa nakita ko sa aking harapan.




Ang taong sobrang napamahal na sa akin…





“Bes?!” Gulat kong tugon. Shit! Bakit? Bakit siya nandito? Wala namang nababangit si Xander na pupunta siya dito ah? Gosh! Namiss ko tong bestfriend kong to!


Kitang kita ko sa mga mukha ni Xander na nakangiti ito at tila sabik na sabik na rin sa akin. Kaya kumaripas ako ng takbo at niyakap ko siya.


“Grabe bes! Ginulat mo naman ako! Namiss kita sobra!” Maluha luha kong sabi habang nakayakap sa kanya. Alam mo yung pakiramdam na nakayakap ka sa bestfriend mo? Yung secured na secured ka? Yung hindi ka natatakot maging malungkot dahil alam mong nandito siya.


“Miss na miss din kita bes.” Maluha luha din niyang sambit habang hinahaplos haplos ang ulo ko. Oo! Ganito talaga si Xander, sobrang malambing. Kung tutuusin nga ay para kaming mag-jowa. Actually sa sobrang closeness namin noong high school ay napagkakamalan kaming mag-jowa ng mga classmates namin at ng ibang mga estudyante sa campus namin noon, dahil sa sweet kami sa isa’t isa at kung nasaan siya at nandoon din ako at nasaan man ako ay nandoon din siya.


Siya nga pala si Xander James Villanueva, ang bestfriend ko noong high school up to now. Bihira na kami magka-communicate ni Xander dahil busy ako sa pag-aaral at kay Tristan at alam kong siya rin ay busy sa pag-aaral niya, nasabi niya kasi sa akin dati na pinipilit niyang maging dean’s lister upang makapag-maintain ng grades at gumraduate ng may honor. Kaya naman ganun na lang ako maglambing sa kanya dahil sobrang namiss ko na siya.


Last April pa kasi kami huling nagkita ng bestfriend ko, noong hinatid ko pa siya sa terminal ng bus papuntang Baguio. Grabe! Almost half year na din pala kami nagkikita ng bestfriend ko. I admit, namiss ko ng sobra ang bestfriend ko.


Natatandaan ko nung high school, kung saan napakaraming mga kababaihan at mga kalahi ko ang nagkakagusto kay Xander. Madalas nga kapag dumadaan ito sa hallway ng school ay may mga estudyanteng sinasadyang lumabas ng kanilang mga classrooms upang makita at masilayan nila ang tinaguriang ‘campus crush’ ng aming school. Kaya naman napaka-swerte ko kay Xander.


Pero, may mga pagkakataon na napapahamak ako dahil sa sobrang closeness namin ng bestfriend ko.
Minsan habang mag-isa akong gumagawa ng rush na project sa classroom namin ay biglang may bumato sa mukha ko ng crumpled papers. Nagulat naman ako at nagmadaling lumabas ng classroom upang tignan kung sino ang bumato sa akin ng papel. Ngunit pagkalabas ko ng classroom ay wala na ang mga nambato ng papel ngunit may mga naririnig akong tunog ng tao na mistulang nagmamadaling bumaba ng hagdan. Bumalik ako sa kinauupuan ko at tinignan ang nilalaman ng papel. Laking gulat ko noong nakita ko ang nakasulat sa papel ‘Layuan mo si Xander!! Maharot!’ ngunit dahil mahal ko ang bestfriend ko ay hindi ko na lang ito pinansin.


Ngunit, ang nakapagpabahala sa akin noong high school ay yung muntikan na akong maaksidente dahil nga sa closeness namin ng bestfriend ko. I admit, sobrang sweet naman kasi kami dahil may mga pagkakataon na naghaharutan kami at may mga pagkakataon na kini-kiss ko siya sa cheeks, wala namang malisya sa kanya at sa akin iyon ngunit tila may mga mata talagang hindi tumitigil hanggat hindi ako nareresbakan dahil sa sobrang selos nila.



Fourth year high school kami noon at mayroon kaming play sa English. At dahil may purpose naman ang pag-stay ng hanggang 8p.m. sa school ay doon na kami nag-practice. Naglalakad ako noon sa hallway, ako lang mag-isa dahil umuwi na si Bes noon dahil mataas ang lagnat nito, pinagpahinga na siya dahil sa makalawa na ang aming play at siya ang gaganap na bida. Habang naglalakad ako ay may narinig akong tunog ng yapak ng mga paa. Lumingon ako sa aking likuran ngunit wala namang tao. Hindi ko na lang pinansin.


Nang makarating ako sa labas ng building namin. Laking gulat ko noong may bumagsak na paso di kalayuan mula sa ulo ko. Napasigaw nga ako sa mga oras na yun! Syempre ikaw ba naman muntikan na mabagsakan ng paso sa ulo. Nanginginig kong tinaas ang aking ulo upang tignan kung sino ay gumawa noon ngunit wala namang tao dun. May narinig lang akong mga yapak ng at mga hagikgik na sa tingin ko ay mga babaeng estudyante.


Kinabukasan ay sinabi ko ito kay Xander. Sa sobrang pagaalala niya ay niyakap niya ako at nag-sosorry siya sa akin.


“Bakit ka nag-sosorry bes?” Tanong ko sa kanyang habang nakayakap sa akin.


“E dahil sa akin kaya ka muntikan mapahamak e.” Malambing niyang sagot.


“Okay lang ako bes! Ano ka ba? Hayaan mo sila, kung ano man ang gusto nilang isipin, isipin nila, basta ayokong mag-sorry ka dahil wala kang ginagawang masama sa akin. Hindi na’tin kasalanan kung bakit magkaibigan tayo at wala na silang pakielam kung magkaibigan tayo.. Masaya ako sa atin bes! Huwag lang natin pansinin yung mga epal na yun..” Pagpapakalma ko sa kanya..


Hanggang sa gumraduate kami ni Xander sa school na iyon ay hindi pa rin nawawala ang mga bitter naming schoolmates. Andyan ang makakatanggap ako ng mga text messages ngunit hindi ko na ito pinapansin, ang mahalaga sa akin ay nandyaan ang kaibigan.


^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^


“Sinadya talaga ni Xander na huwag ipaalam sa iyo ang lahat upang surpresahin ka!” Maligayang sabi ni Mommy. Teka? Kasabwat ba sila dito ni Ate.


“What do you mean mom?”


“Alam namin, actually 2 days nang nandito sa Manila si Xander..” Pagsisiwalat ni Ate Grace.


“Huh? Eh bakit hindi ako pinupuntahan ng lokong to? Haha.” Sabay turo kay Xander, ooopppss! Ganito lang kami magbiruan ni Bes hehe. “Ikaw! Nakakatampo ka ha? Bakit ngayon ka lang nagpunta dito?” Sabay hampas sa kanyang dibdib na parang batang nagtatampo.


“Pssssshhh, nagtampo na siya? Haha! Syempre bes gusto kitang sopresahin..”


“Pa-surprise surprise ka dyan. Pitikin ko pancreas mo e!” Pagbibiro ko.
Tawanan kaming apat.


“Sayo ba yung bike sa labas?” Tanong ko kay Xander. Actually, kanina ko pa gusto galawin yung single bike na yun e, mahilig kasi ako magmaneho ng bike, tinuruan ako ni Xander dati.


“Hindi sa akin yun Bes.”


“Huh? E ikaw lang naman ang bisita namin dito e?”


“Hindi nga sa akin yun bes! Sayo yun! Pasalubong ko sayo kasi alam kong matagal mo nang gusto magkaroon ng bike pero ayaw ka payagan nitong si tita bumili kasi nagaalala sayo at delikado daw..”


“Talaga bes? Wow naman! Thank you bes..” Sabay yakap uli sa kanya. Narinig ko naman na nagtawanan sila mommy at ate, wala rin namang malisya sa kanila yun e, alam nila na parang kapatid ko na kung ituring si Xander.


“Oo bes! At pinaalam ko na din yan kay Tita na pwede ka ng gumamit ng bike..” Ang lakas talaga nitong si Xander kay mommy. Palibhasa mas matanda sa akin at malaki din ang tiwala niya kay Xander.


“Oooopppsss… Pero kailangan kasama mo yang si Xander kapag magbabike ka, ikaw engot ka naman mag-bike, nakakailang beses ka ng sumemplang!” Concern na sabi ni Mommy. Haha! Nga pala dati kasi noong tinuturuan ako ni Xander ng bike at ilang beses na rin akong sumemplang. “Oh sya! Mag-dinner na tayo mga hijo’t hija, lalamig na ang pinahanda ko..” Pagyayaya sa amin ni Mommy.


Masaya kaming kumain ng dinner. Ako, si Xander, si Mommy, si ate Grace at si Karen. Nandito daw pala sa buong sembreak si Xander, pumunta talaga siya dito upang magbakasyon lang ayon kay mommy. Syempre nalungkot naman ako sa sinabi ni mommy sa akin dahil dalawang linggo ko lang pala maaring makasama ang bestfriend ko. E halos kalahating taon kong namiss to e. Sayang! :\


Sinabi din ni Mommy na sa buong dalawang linggo daw ay sa bahay muna mamalagi si Xander. Ininsist ni Mommy na sa guest room daw mamalagi si Xander, kahit airconditioned ang guest room namin ay hindi ako pumayag na doon matulog si Xander.


“Mommy! Sa kwarto ko na lang matutulog si Bes! Marumi ang guest room saka gusto ko siya maka-bonding!” Pag-iinsist ko. Napa-oo na lang si mommy ngunit itong si ate ay tumingin sa akin at tila ngumingisi. Anong akala niya? Hindi ko nakukuha ang point niya? For sure iba iniisip nito! Hahaha Loka loka tong si Ate! Pinagkamalan pa akong pinagnanasahan ko si Xander? Ehem! May Tristan na ako, hindi naman ako salawaan noh?! Haha.


At pagkatapos nga namin kumain ay dumeretso na kami ni Xander upang doon makapag-kwentuhan at makapag-bonding.


“Bes? Kamusta na! Miss na miss kita..” Sambit ko sabay kurot sa tagiliran niya.


“Okay lang naman ako bes, ikaw? May lovelife ka na ba bes?” Pagusisa niya. Para naman akong nabusalan sa tinanong niya, hindi niya pa kasi alam na may lovelife na ako. Hindi ko na nasabi dahil bihira na kami magkatext ni Xander.


“Ah.. Ehh.. Oo bes, may boyfriend na ako..” Tugon ko , napatango na lang ako dahil wala pa siyang alam. Syempre, bestfriend ko siya at dapat isa siya sa mga taong unang makaalam sa mga pangyayari sa buhay ko, lalo na pagdating sa lovelife. “Sorry bes, hindi ko agad nasabi sayo..” Pagpapaumanhin ko sa kanya.


“Nako bes! Okay lang yun, naiintindihan ko naman yun.” Pagpapaliwanag niya. “Anyway, anong pangalan niya bes? Saka saan mo siya nakilala?”


“Tristan ang name niya bes! Nako ang komplikado kaya ng pagkaka-kilala ko sa kanya! Haha.”


“Huh? Bakit naman bes?”


At isiniwalat ko na nga kay Xander ang kwento namin ni Tristan simula pa lang noong makuha ko ang number niya sa isang facebook page, noong magkatext kami, nang naging kami habang nakakubli ako sa katauhan ni Vince, noong nalaman ni Tristan ang lahat at noong naging mag-on kami ulit na hindi na ako nagkukubli sa pekeng katauhan. Kita kita ko sa mukha ni Xander ang pagkamangha sa kwento namin ni Tristan.


“Grabe bes! Ang daming twist ng kwento niyong dalawa. Haha.” Pagkamangha niya.


“Oo nga bes e, kaya lalo akong na-inlove kay Tristan, kasi hindi ko inaakala na tatangapin niya ako sa kabila ng lahat ng nagawa ko..”


“Boto ako sa kanya bes! Pangalan pa lang mukhang mapagkakatiwalaan na..”


“Oo naman.”


“Pero bes, wag ko lang malaman laman na lolokohin ka ng Tristan na iyon ha?! Hindi niya alam kung sino ang makakabanga niya kapag ginawa niya iyon..”


“Haha! Oo naman bes, ikaw ata ang superhero ko..” Paglalambing ko sa kanya. “Ikaw bes? Kamusta love life mo?” Tanong ko sa kanya.


“Tigang! Haha, after namin magbreak ni Cynthia noong 3rd year pa tayo e hindi na muna ako nag-girlfriend kasi sakit sa ulo e, saka nakakabawas ng ka-gwapuhan bes, you know?” Pagmamayabang ni Xander sabay hawak sa kanyang baba.


“Hahaha! Hangin here!” Pangaalaska ko.


Tawanan.


“Bes! May surprise ako sayo..” Kinabahan naman ako bigla, ewan ko ba kung bakit sa tuwing nakakarinig ako ng surprise bigla akong kinakabahan haha.


“Wag ka nang pa-suspense bes! Ano yun?”


“Pikit muna..” Pamimilit niya.


“Luh? Daming alam neto oh? Wag na, ano yun dali?!”Pagmamatigas ko.


“No.. Walang surprise kapag hindi pumikit..” Ang daming echos nitong si Xander! Haha. Tadyakan ko ano nito e! Ooopppsss, ang harot, bestfriend ko to. Kalma Colby! Haha!


“Tse! Daming alam.” Sabay irap sa kanya. “O siya, pipikit na!”


“Wag kang madaya ah? Be sure na hindi lang kalahati ang nakapikit sa mata mo.” Paninigurado ni Xander.
Habang nakapikit ako ay narinig ko naman ang pagbubukas niya ng zipper. Gosh! Zipper? Wag bes! May Tristan na ako.


“Bes? Ano yang binubuksan mo? Hmmm? Zipper?” Tanong ko sa kanya habang natatawa ng konti.


“Oo Zipper ko!” Shit! Wag naman Xander, wag mo ko i-tempt! “Dumi ng utak mo bes! Zipper ng bag ko to haha!” Pssssshhh -_- Ano pahiya ka Colby?! Haha.


“Wahahaha!” Tawanan namin habang nananatili pa rin akong nakapikit.


“Dilat ka na bes..” Utos niya sa akin.


Pagkadilat na dilat ko ay nakita ko ang isang brown envelope na minumwestra niya sa harap ko. Huh? Anong meron sa brown envelope?


“Ano naman yan?” Tanong ko sabay busangot ng mukha.


“Ay? Akala ko pa naman matutuwa ka?” Pagtatampo niya at parang napahiya.


“Nako bes! Syempre, nakabalot sa envelope! Makikita ko ba yan? Haha!”


“Oo nga noh? Haha! Valedictorian shunga? Haha bawiin ang honor.”


Tawanan kami.


Kinuha ko sa kanya ang brown envelope at binuksan. Nagulat naman ako sa mga papeles na nakalagay sa envelope. Inisa-isa ko ito at nandoon ang kanyang first semester grade, transcript of records, certificated of dismissal at iba pa niyang mga papeles. Maluha luha naman ako sa nakita ko.


“Ayan huh? Pinaghirapan ko kuhanin yan bes!” Sambit niya habang ako ay tila may namumuong luha sa mga mata.


“Adik ka! Magta-transfer ka?” Tanong ko sa kanya, inaway ko pa pero ang totoo ay nangingilid na ang luha ko sa tuwa sa nakitang kong mga papeles.


“Ayaw mo ba? Sige kung ayaw mo babalik na ako ng Baguio?” Pagbibiro niya.


“Hahaha! Syempre naman gusto, naluluha na nga sa sobrang tuwa e, thank you bes!” Tuwang tuwa kong tugon sabay yakap sa bestfriend ko. “Bakit ka nga pala lilipat bes?”


“Kasi dito na-aasign si papa sa manila branch ng trabaho niya, e wala namang maiiwan sa akin doon kaya sinama niya na ako. At syempre ikaw, namiss kaya kita..” Pagpapaliwanag niya.


“Ganun? E bakit ang sabi ni mommy buong sembreak ka lang dito?”


“Haha! Syempre sinabwat ko para masurprise ka!”


“Loko ka huh?! Pati sila mommy kinukuntsaba mo! Pitikin ko yang putotoy mo e!” Pagbibiro ko.


Tawanan.


At napako ang aking mga mata sa hawak kong mga papeles, napansin ko ang report card niya at halos puro 1.00 at 1.25 ang grade niya at ang nakita kong pinakamababa niya ay 1.75. Nalungkot naman ako sa nakita dahil kapag nag-transfer siya ng school, ibig sabihin ay magiging irregular student na siya at hindi na siya pwedeng maging honor student.


“Bes sayang naman, wala ka ngang bahid ng dos sa report card mo oh? Tapos magiging irregular student ka lang? Hindi ka na magiging summa cumlaude or magna cumlaude niyan tulad ng gino-goal mo?” Pagaalala ko sa kanya.


“Okay lang yun bes! Ano ka ba? Sa work naman hindi naman kailangan yang mga cumlaude cumlaude na yan e, ang mahalaga yung skills mo at yung ability mo para ma-accomplish mo yung trabaho mo!” Pagpapaliwanag niya, sabagay may point siya.


“Sabagay bes, thank you talaga ha?”


“Wala yun! Ikaw naman, espesyal ka sa akin e.” Paglalambing niya sa akin.


At sa gabing iyon. Walang humpay na biruan at tawanan ang ginawa namin ng bestfriend ko. Grabe! Sobrang namiss ko siya, almost half a year ba naman kaming hindi magkita e, sino ba naman ang hindi makakamiss? At tulad ng hiling ko kay mommy ay sa kwarto ko na natulog si Xander. Hiniling ko kay Mommy na dun na din mamalagi si Xander ng buong sem break upang magkaroon kami ng bonding magbestfriend, pumayag naman si mommy ngunit ang sabi sa akin ni Xander ay magpapaalam daw muna sa sa papa niya.


Pansamantala ko ring nakalimutan ang selos na naramdaman ko noong makita kong may kalarong iba ang boyfriend ko sa basketball court. Inalis ko na lang ang mga agam agam sa utak ko, siguro nga ay nagkakatuwaan lang sila at wala naman dapat akong ikaselos e, dahil wala naman akong nakitang hindi maganda e. Masyado lang siguro akong paranoid na mawala ang taong mahal ko.


Kinabukasan, pumunta kami ni Xander sa school. Sinabi niya na balak niya daw na sa parehas na school na kami mag-aral. Labis ko naman itong ikinatuwa.


Habang nasa registrar office kami upang mag-inquire nakita ko naman si Tristan na kasama ang mga classmate namin.


“Xander, after mo diyan ipapakilala kita sa boyfriend ko..” Bulong ko sa kanya.


“Okay bess, baka may klase ka ngayon ah? Baka nakakaistorbo ako? Kaya ko na to.”


“Hindi bes, mamaya pang alas-11 ang klase ko, saka ayos lang, sabay sabay na tayong mag-lunch nila Tristan..” Pagyayaya ko sa kanya. Sumangayon na lang si Xander.


Habang nasa windows kami ng registrar’s office ay nakita ko naman si Nerrisse na kasama si Lemuel.


“Teh!” Tawag ko sa kanya.


“Oh teh?” Gulat niyang tugon, “Kamusta? Kanina ka pa hinahanap ni Tristan ah? Anong ginagawa mo dito?”


“Ahhh, teh, Lemuel, si Xander nga pala, bestfriend ko..” Pagpapakilala ko sa kanila kay Xander. Nginitian naman ni Nerrisse si Xander at ganun din si Xander. Nakwento ko na pala kay Nerrisse ang tungkol kay Xander kaya hindi na sa kanya bago ang bestfriend ko.


“Nice to meet you..? teh?” Nagtatakang pagbati ni Xander. Haha! Hindi ko nga pala tinawag sa tamang pangalan si Nerrisse at ‘teh’ lang ang napantawag ko sa kanya kanina. Tawanan naman kaming apat at maging si Xander ay natawa din sa sinabi niya.


“Hahaha! Nerrisse.” Ani ni Nerrisse, (ay hindi ako?! :D)


“Ahh, nice to meet you Nerrisse, bestfriend ka din pala ng kumag na to?” Sabay turo sa akin ni Xander. 


“Sabihin mo po sa akin kapag may ginagawang kalokohan to ah?” Sabi ni Xander sabay tawa. Nakitawa na rin ang mag-jowa.


“Oo, Xander. Ikaw din, matagal na kitang kilala, nake-kwento ka rin ni Colby sa akin.” Pagbubunyag ni Nerrisse, “Uhm? Xander, si Lemuel nga pala, boyfriend ko..”


“Nice to meet you tol.” Si Lemuel


“Nice to mee you din pare..” Si Xander.


“Oh sige teh, may aasikasuhin pa akong papeles e, maiwan muna namin kayo ah? See you in class..” Pagpapaalam ni Nerrisse sa akin.


“Okay, kitakits later.” Pagpapaalam ko rin.


Alas-10 ng umaga at malapit na magalas-11, malamang? Haha! I was looking for Tristan pero hindi ko siya makita sa classroom, sinubukan naming hanapin ni bes sa gymnasium ngunit wala rin ito, kaya naman naisipan ko buksan ang cp ko. Nagulat naman ako dahil sandamakmak na text messages mula kay Tristan ang natangap ko.


Tristan: Morning love!


Tristan: Love saan ka na?


Tristan: Ba’t hindi ka nagrereply?


Tristan: Love?


Tristan: Nakita kita kanina sa may registrar, kahiya naman sayo saka sa kasama mo e!


Tristan: Yaw magreply? K.


Natigilan naman ako mga message niya. Shit! Kanina pa pala ako hindi nagbubukas ng cp. At, napagseselosan niya si Xander? Nako naman, sana naman ay paniwalaan niya ang paliwanag ko, kasi yun naman talaga. Saka, eto talaga yung kinakatakutan ko, kasi sobra talaga ang sweetness namin ni Xander kahit na mag-bestfriend lang kami, at sana ay hindi siya pagselosan ni Tristan. Nakow! Pano ba ituu?


Tumakbo agad kami ni Xander sa park kung saan madalas tumambay si Tristan at ang mga tropa niyang classmate namin. Laking tuwa ko ng makita ko doon si Xander na masaya at nakikipag-kwentuhan sa mga kaklase namin. Tinignan lang ako ni Tristan noong makita niyang kasama ko si Xander. Wow ha? Inismiran lang ako ng loko, pero ang totoo, kinikilig ako kapag nagseselos siya, ibig sabihin kasi nun ay pinahahalagahan niya ako.


“Love? Usap tayo..” Sambit ko sa kanya noong lumapit ako sa upuan nila. Ngunit, inismiran niya lang ako at tinuloy ang paguusap nila ng mga classmates ko. Taray neto ha? Snabero lang? “Love?” Tawag ko ulit sa kanya ngunit tulad ng kanina ay hindi niya ulit ako pinansin.


Hanggang sa nakailang ulit pa ako ng pagpupumilit sa kanya ngunit para akong isang hangin lang na nagsasalita sa harap niya at sa harap ng mga classmates namin.


“Tol, pansinin mo na si Colby..” Payo ng isa naming kaklase ngunit hindi niya ito sinagot. Grabe lang ah?
Habang nakatayo ako dun ay bigla akong hinila ni Xander palayo kay Tristan, nabigla naman ako dahil hindi ko alam kung bakit niya yun ginawa. Napansin ko na parang galit si Xander. Hanggang sa makalayo kami kila Tristan ay hindi niya pa rin ako binibitawan.


“Bes? Bes? Bakit mo ginawa yun?” Tanong ko sa kanya pagkatigil namin mula sa pagkakahila niya sa akin.


“Bes? Nakita mo ba yun? Pinahiya ka niya? Boyfriend bang maituturing yun bes?” Galit niyang tugon habang nakapamewang pa. Syempre, na-touch ako sa ginawang pagtatangol ng bestfriend ko, pero kasalanan ko din naman kung bakit nagalit si Tristan eh, kaya siguro ay deserve ko na rin kung bakit yun ginawa ni Tristan sa akin. “Bes, buksan mo nga yang mga mata mo, napapahiya ka na pero hala sige ka pa ring nilululon yang pride mo?!” Galit niyang tugon sabay walk out, hinabol ko naman siya agad.


“Bes! Wait bes, saglit lang, bes!” Tawag ko sa kanya habang nagwawalkout, hinawakan ko ito sa kamay at tumigil din ito.


“Nagaalala lang naman kasi ako bes e, ayoko ng pinapahiya ka, sorry.” Pagpapaumanhin niya habang nakatungo at tila nahihiya sa kanyang ginawa. Actually, wala naman siya dapat ikahiya e, naiintindihan ko ang concern ng bestfriend ko.


“Bes? Okay lang sa akin yun, naiintindihan ko yung concern mo. Kasalanan ko din naman e, hindi ko siya na-entertain kaya okay lang sa akin..” Sambit ko habang niyakap ko siya.


“Pero sana bes wag kang magpakamartir para dun, please wag mo din ibibigay ang lahat, hindi kita pinu-push na makinig sa hinain ko bes pero, depende pa din sayo, pinapayuhan lang kita..” Pagalala ni Tristan.


“Oo bes, wag kang magalala.” Nasabi ko na lang sabay hawak sa mga kamay niya at hinila ko pabalik sa may park, saktong sakto pagpunta ko doon ay nandoon si Tristan at magisa na lang.


“Tristan, sorry din pala kanina, si Xander nga pala bestfriend ko..” Pagpapakilala ko kay bes kay Tristan. Napansin kong kunot noo pa rin si Xander, I know may galit pa rin siya sa ginawa ng boyfriend ko.


“Nice meeting you pare..” Pagpapaunlak ni Tristan, hmmm? Ewan ko lang ha? Pero yung mga tingin ni Tristan? Iba e, parang napipilitan alang upang hindi ako mapahiya? I know, nagseselos pa din siya kay Xander, dahil sa ginawa kong pagkalimot sa kanya, sorry naman di ba? Tao lang din, saka hindi ko naman sinasadya na hindi ako mabaling sa phone ko. Sinamahan ko lang din naman ang bestfriend ko.


“Nice to mee you too..” Sambit ni Xander sabay nakipagkamay kay Tristan.
At dahil nakakaramdam na ako ng pagka-awkward ng sitwasyon nila ay hinila ko muna si Tristan upang makapagusap kami privately at upang ipaliwanag sa kanya na mag-bestfriend nga lang kami ni Xander.


“Wait lang bes..” Paalam k okay Xander sabay hila kay Tristan palayo.


“Love? Nagseselos ka ba?” Seryosong tanong ko sa kanya.


“Huh? Hindi ah?” Pag-dedeny niya. Nakakatawa kaya siya mag-deny! Halatang halata na nagde-deny.


“Sige, tumingin ka nga sa dalawang bright and shimmering eyes ko at sabihin mong hindi ka nagseselos? 
Tumingin ka!” Pananakot ko sa kanya, pero syempre nilalambing ko lang din naman si Tristan.


“Hmmp! Love naman kasi e, sino ba kasi yun?” Sabay akbay sa akin. Kinikilig? Yeah! XD


“Love, siya yung bestfriend ko since high school pa, si Xander, dito na kasi siya mag-aaral sa school na’tin kaya tino-tour ko lang siya..” Pagpapaliwanag ko.


“Eh bakit hindi ka nagrereply sa mga text ko? Bakit hindi mo muna ako hinanap at ipakilala mo sa akin yang bestfriend mo, kailangan pa talagang magalala ako? Kailangan pa talagang makita ko muna kayong sweet sweetan bago mo siya sa akin ipakilala? Kailngan muna magselos ako?” Pagseselos niya.


“Hindi naman sa ganun love, nagmamadali din kasi kami. Actually after namin mag-inquire sa registrar ay pupunta talaga ako sayo para ipakilala si Xander. Sorry na, wag na tayo tampuhan, kay?” Pagaamo ko sa kanya.


“Okay.” Simpleng sagot niya, I know may tampo pa siya.


Bumalik na kami sa park ni Tristan, nakita ko naman doon si Xander na nakaupo at binabasa ang brochure na nakuha namin kanina sa registrar office.


Umalis na kaming tatlo sa park, bumalik na kami ni Xander sa classroom namin at pinauwi ko na rin si bes sa amin, oo nga pala, sa susunod na tatlong linggo pa daw pala darating si tito Tony, ang tatay ni bes kaya doon muna siya sa amin mamalagi ng tatlong linggo.


Nag-take na muna kami ni Tristan ng exam sa isang subject at saka kami umalis ng school. Last subject na rin kasi namin yun. Hindi na siya sumabay sa akin pauwi dahil iyon ang araw ng game nila. Ayaw niya na naman ako panuorin dahil baka daw kung anong oras na matapos ang game at baka gabihin lang daw ako. Hindi niya rin daw ako mahahatid kasi pinapauwi agad siya ni Tita Claire after the game.


Kaya napagdesiyunan kong umuwi ng magisa..


Alas-6 ng gabi naisipan kong tumambay muna at magmuni muni sa mini park sa aming subdivision bago umuwi ng bahay. Sobrang napaka-memorable para sa akin ng lugar na iyon. Doon kasi nakaukit sa lugar na iyon ang mga alaala namin ni Tristan, mga mabubuti man at masasama na nangyari at pinagdaanan ng relasyon namin.


Habang naka-upo ako sa lugar na iyon ay tila bumalik naman sa isip ko ang mga ala-ala namin ni Tristan sa lugar na iyon. Sa simula pa lang noong kinantahan niya ako dito, pangalawa noong nabuko ang sikreto ko sa kanya, at ang sa tingin ko ang pinaka-masayang nangyari sa buhay ko kung saan naging kami ni Tristan ay doon din nangyari sa lugar na iyon.


Ngunit, sa kabila ng mga iniisip ko ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga agam-agam na baka isang araw ay mabawi sa akin ang lahat ng kasiyahan na nararamdaman ko ngayon. Napagisip isip ko tuloy, totoo kaya ang sinabi doon sa horror film na napanuod ko na kakambal ng swerte ang kamalasan? Ang sagot ko ewan, pero siguro baka nga, kapag maganda ang isang samahan, hindi pa rin maalis na may pagdadaanan kayo, but i think it depends upon the couple kung paano nila iha-handle yung sitwasyon.


Para sa akin, sobrang perfect kasi ng relasyon namin ni Tristan e, wala na akong mapaghahambingan pa, kung tutuusin, happy ending na e, pero bakit ganito? Hindi mawala sa mga isip ko ang katanungan? Bakit minsan nakakaramdam ako ng ibayong kaba patungkol sa masaya at magandang samahan namin ni Tristan. Iyon bang pakiramdam mo na may mangyayaring hindi maganda? Pero hindi ka naman sigurado kung mayroon nga.


Habang nasa ganun akong pagiisip ay bigla ko namang naramdaman ang tapik ng isang kamay (ay hindi paa? XD) sa aking balikat, nilingon ko kung sino ito..


“Tristan?”


“Yeah, ako nga ang gwapo mong boyfriend..” pagmamayabang niya.


“Anong ginagawa mo dito? Di ba may laro kayo?” Nagtatako kong tanong.


“Oo nga, tapos na love, syempre lam na! Tambak ang kalaban kaya natapos agad ang game.” Pagmamayabang niya.


“Hangin!” Pangaalaska ko.


“Hahaha!” Tawanan namin.


“Anyway congratulations love!” Bati ko sa kanya.


“Anong congratulations? Kiss dapat.” Hirit ng mokong.


“Adik. Oh siya!” Sabay bitaw ng smack kiss sa kanyang pisngi.


“Pisngi lang?” Pagtatampo niya. Anong gusto mo Tristan sa lips? Gusto mong ma-julie vega tayo dito?! XD


“Syempre! Gusto mo bang may makakita and worse baka si mommy pa ang makakita.” Paliwanag ko sa kanya.


“Okay lang, mamaya na lang! hindi lang sa lips. Hehe!”


“Manyak! Haha!” Pangaasar ko sa kanya.


Tawanan.


“Love? May tanong ako sayo..” Pagpuputol ko sa tawanan namin.


“Ano at mukhang seryoso yang mukha mo?” Sambit niya habang hinahawakan niya ang kamay ko.


“Hmmmm? Mahal mo ba talaga ako love?” Tanong ko.


“Nag do-doubt ka? Hindi pa ba sapat yung pagseselos ko para matawag na mahal kita?”


“Hindi naman sa ganun love? What I mean is naguguluhan lang  kasi ako, kasi.. kasi..” Sambit ko at tila hindi matuloy ang sasabihin.


“Hmmm? Ano na naman ba yang naglalaro sa isip mo love?” Pagaalala niya.


“Kasi love? Tignan mo sa ginawa ko sayo saka sa itsura ko minahal mo ako..” Nahihiya kong sabi.


“Ano bang meron sa itsura mo love? Cute ka naman e.”


“Hindi kaya..” Pagdodown ko sa sarili.


“Cute ka love, kaw talaga, saka love, kapag mahal mo ang isang tao, balewala ang lahat ng bagay at description na nakabalot sa buong katauhan niya. Kapag mahal mo yung tao, kahit bulag siya, pipi, bingi, at kahit may putok pa siya o mukha mang naputukan ang mukha niya, hindi mo iindahin yun, kasi mahal mo yung tao. Kahit pa sabihin mo na kung ano yung nakaraan nyo, at kung ano man ang pinagdaanan ng bawat isa sa inyo na maaring ika-turn off ng isa ay hindi hadlang kapag nagmamahal ka. Tandaan mo love, puso ang umiibig, hindi mata at ang isip.Tandaan mo love, ang pagibig ay hindi mapanghusga”


Na-amaze ako sa sinabing yun ni Tristan, ewan ko ba, madalas ko na ring marinig yung kasabihan na wala sa itsura at sa nakaraan ang pagmamahal ngunit iba ang dating sa akin ng pagpapahayag ni Tristan. Yun bang damang dama mo?  Yun bang tagos na tagos sa buto?


“I love you love..” Sambit ko sa kanya at may tumulong luha sa aking mga mata.


“I love you too.. Oh bakit ka na naman umiiyak?”


“Natatakot kasi ako love e, baka isang araw mapalitan ang lahat ng pagsasaya ng puso ko ng pagdadalamhati, I know kasama ang risk kapag nagmamahal ka pero natatakot ako, kasi baka iba yung kahitnanan ng risk na yun, ayokong mawala ka..” Sambit ko sa kanya at  hindi ko na mapigilang tumulo ang kaunting namumuong luha sa mga mata ko.





“Hindi kita iiwan love, kahit anong mangyari.. pangako yan..”








-          I  T U T U L O Y


Kamusta character sa inyo ni Xander guys? Like it or not? 

103 comments:

  1. Ang swerte nmn nitong si Colby. 2 guys, isang jowa at isang bestfriend. >.< nakakakilig din si Xander. anu ba yan! hahaha buti nlng meron to para kiligin din ako hihihi :3 Thanks Niel

    ReplyDelete
  2. I like the character of Xander Mr,Author very kind supportive and understanding friend.

    ReplyDelete
  3. Wow..gnda nman..mabait nman pla si bestfriend haha..npapagkamalang bf kc sobrang sweet :))

    Nxt na po

    ReplyDelete
  4. I love Xander! Parang ang twist nito ay sila ni Colby ang magatuloyan.

    Feeling ko love na rin si Xander kay Colby ng more than a bestfriend but tinatago lang nya ito at nag antay lang ng right time. Ang kyut talaga ng story. Ang galing ng author. Kudos!

    ReplyDelete
  5. Mr. Author, magiging sila ba ng magbestfriend? Sawsawero ko lang haha...sana nga!

    ReplyDelete
  6. mas bagay si Colby at Xander.

    ReplyDelete
  7. nakakalito ang mga lines na ito:

    ...sabi ni xander...wag ko lang malaman na lolokohin ka ng xander na yan...(tristan kamo).

    ...tumakbo kami ni xander sa park at nakita namin si xander na kausap mga kaibigan nya (again, dapat tristan).

    ayosin naman ang pag proofread mr. author!

    ReplyDelete
  8. ANG GANDA NA NG STORY. SUPER KINILIG AKO. GOOD JOB MR AUTHOR.

    -JESSICA-

    ReplyDelete
  9. Sila nalang dapat ni Xander ang magjowa. Mas bagay sila.

    ReplyDelete
  10. Yeheyyyyyy!!! Panalo ang twist na to. Ito na ang subaybayan ko. Ayaw ko na sa iba ang gulo na. Solved na ako sa 318. LOLS

    ReplyDelete
  11. para akong ewan kinilig habang nagbabasa. love ko ang eksenang bukas zipper haha nakakarelate lang!

    ReplyDelete
  12. Niel, ikaw na ang magaling. Ikaw na ang panalo! Nag advance ka sa chapter na ito kesa ibang authors. Dagdagan mo pa ng kilig moments sa next chapter.

    ReplyDelete
  13. next chapter na plsssss...

    ReplyDelete
  14. A MUST-TO-READ STORY IF ALL TIME. NEIL, IKAW NA TALAGA!

    ReplyDelete
  15. I WISH FOR AN IMMEDIATE UPDATE. CHAPTER 9.2 NA PLS.

    ReplyDelete
  16. halatang inlove na si xander kay colby. di ba mr. author? - ramon-

    ReplyDelete
  17. Bakit palaging ang bestfriend lagi ang magkaibigan? Ito oh so obvious na Xander-Colby love team na naman ito. Pero boto ako sa kanila.

    ReplyDelete
  18. Ang sweet ni Xander. Mukhang magiging sila ng bida natin. Ang kyut talaga!

    ReplyDelete
  19. kailan po ba ang next update? ang ganda na kasi wheeeeeeew!

    ReplyDelete
  20. Love na talaga kta Niel ang galing galing mooooooooooo!

    ReplyDelete
  21. Hmmm...ayos to nakakakilig na hahaha. Next na pls.

    ReplyDelete
  22. Si Xander ay mabait at sweet! Super concern pa kay Colby. May hudden agenda kaya sita? Abangan ang susunod na kabanata.

    ReplyDelete
  23. NABITIN AKO. NEXT NA PLS.

    ReplyDelete
  24. parang lalayo ang story na to sa title nya. hula ko lang.

    palitan nalang ang title ng ANG BESTFRIEND KO

    ReplyDelete
  25. parang common ang plot ng story. buti nalang may pagkakalog ang author ayon naging unique tuloy hahaha. ok na rin.

    ReplyDelete
  26. Here comes the PAST. Bestfriend ni Colby and the ex-lover of Tristan. :D

    Colby: Hindi ka man totoong BABAE, pero malakas ang intuition ng mga BABAE. You need proofs na lang.

    Tristan: Nanalalamig na siya, kasi puro selos eh. Si Colby nga hindi nagbigay ng meaning sa KA-LARO mo.

    Xander: Bestfriend na lover-in-disguise. Hahahaha. Sweet and caring. Napaka-thoughtful pa.

    Nakakainggit talaga ang mga bida sa stories dito.
    Ako, ito SINGLE na ata habangbuhay.

    Good job!

    Maiiba ata ang ending ah.
    -YEOJ

    ReplyDelete
  27. Buti pa dito walang requirement kung ilang comments kailangan. Ano ba yan, palimos ng koments?

    ReplyDelete
  28. Baka matulad din ito sa saltwater room!

    Kakainis naman kung ganern ang mangyayari!

    ReplyDelete
    Replies
    1. saan mabasa itong saltwater?

      Delete
  29. Ok sa akin si Xander. Masarap itong magmahal.

    ReplyDelete
  30. ABG HABA NG BANGS NI COLBY!!! MAY DALAWANG FAFA!!!!

    ReplyDelete
  31. Wow ang ganda talaga Niel., ikw n talaga pra skin..jeje
    Hndi ko talaga mapigilan ang isip ko sa tuwing nagbasa ako s kwento mo pati isip ko nkikisalo at ramdam ko ang kwento.,prang mai something kai tristan na lihim n nagkikita cla ng Ex nia.. ikw tristan ha pag malaman kung sinasakatan o niloloko mo 2ng c colby isusumbong talaga kita ni xander patay ka pag nalaman nia..jeje

    Nxt part plz....

    :D julmax :)

    ReplyDelete
  32. Si XANDER ay panalo para sa akin. Sweetness ang peg!

    ReplyDelete
  33. the story is getting better. i like it now. go go go mr author! ur the best!

    ReplyDelete
  34. I think Xander is the perfect partner of Colby. Ang protective kasi niya. So sweet!

    ReplyDelete
  35. sana update kaagad. Pls po wag namang tagalan.

    ReplyDelete
  36. Parang may problemang darating sa inaasal ng bida. Sorry ng sorry nakakainis na. Ayaw ko sa twist na to. Kay Tristan pa rin ako.

    ReplyDelete
  37. SI XANDER AY PAMPAGULO LANG NG KWENTO NAKAKAINIS. MUKHANG AAHASIN SI TRISTAN. MAG INGAT KA TRISTAN WAG KANG TUTULOG TULOG SA PANSITAN!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Di nman bakla si Xander dba? :)

      Delete
  38. Kilig much talaga!

    ReplyDelete
  39. next chapter na po pls. very exciting ang wentong ito.

    ReplyDelete
  40. ayos! ayon may selosan factor na haha. magandang labanan na ito(^-^)/

    ReplyDelete
  41. I like Xander. Pero bakit hindi man lang diniscribe physical appearance nya?

    ReplyDelete
  42. Si Xander ay isang anaconda. Pero ok na rin.

    ReplyDelete
  43. Ikaw na Niel ang mahabang hair haha...ayos naman ng twist mo! Panalo to!

    ReplyDelete
  44. for me, Xander is just a third party of the romance of our main characters. Take note, the title is referring to Tristan only. So go off Xander asap!

    ReplyDelete
  45. WALANG Binatbat si Tristan kay Xander the great!

    ReplyDelete
  46. Pasaway si Xander. Sayang naman yong aim nyang mag graduate with flying colours.

    ReplyDelete
  47. Xander is genius. Bagay sila ni Colby hihi. Ang protective pa sa kanyang bestfriend. Hmmm...something fishy ahead...

    ReplyDelete
  48. hayyyy bitinnnn!

    ReplyDelete
  49. Gud job! may panglaban na si Tristan. Konting pagkakamali mo lang, si Xander na ang panalo lols

    ReplyDelete
  50. MAS MAGALING SI XANDER KESA KAY TRISTAN. ANG TALINO PA HAHA KABOG!

    ReplyDelete
  51. 2 thumbs up for the author!

    ReplyDelete
  52. insecured lang si Tristan kay Xander. love triangle ang mangyayari nito. as usual, bff ang panalo. yan ang bonggang twist!

    ReplyDelete
  53. So excited and cant wait for the next chapter! Grabeeeee na to!

    ReplyDelete
  54. pasok sa banga si xander. i like him. akin nalang sya ahhhhrrrrzzzzz \(^-^)/

    ReplyDelete
  55. Minahal ni bestfriend? Pwedeng pwede lolz

    ReplyDelete
  56. This is it na! Xander will be Colby's knight and shining armour. Hula hula rin pag may time.

    ReplyDelete
  57. next chapter agad agad pls. demanding lang haha....bitin kasi!

    ReplyDelete
  58. Bakit hindi man lang nagulat si Xander sa revelation ni Colby na may boyfriend na ito? Alam na ba niya dati na bading si Colby?

    Confused talaga ako.

    BOBOY OF QATAR

    ReplyDelete
  59. Feel so hot with this story. Hot na hot to read lol...ang haba lang ng hair ni Colby. Siya na!

    ReplyDelete
  60. Kailan din kaya darating si RAFAEL aka RAP-RAP.
    - siya ang magpapagulo sa pag-iibigan nina Tristan at Colby, pero buti nalang nan diyan ang bestfriend nyang si Xander.

    COLBY - mahal ni tristan, bestfriend ni xander.
    TRISTAN - mahal ni colby, ex ni rafael.
    XANDER - bestfriend ni colby.
    RAFAEL - ex ni tristan na sobra nyang minahal at sobra syang nasaktan noong maghiwalay sila.

    ♥ fb username - kinikilig ♥

    ReplyDelete
  61. MAgaan ang loob ko kay Xander. Mabait sya at mapagbigay pati bike ahaha over na to sa kilig!

    ReplyDelete
  62. Tulog na me kasi finished na nag read. Ganda. Kilig. Harot. Selos. Inis. Tampo. Suyo. Bati. Name it all at andito na lahat. Naks!

    ReplyDelete
  63. next chapter na plsssssss

    ReplyDelete
  64. Dear Niel,

    Sana may update kaagad ito. Huwag mo kaming paghihintayin ng matagal para di maputol ang excitement.

    Alam mo, ang ganda na ng flow ng story. Sana may twist ka pang maganda na kakabogin ang iba diyan. Atat na talaga ako sa next chapter.

    Love,
    Silent Avid Reader

    ReplyDelete
  65. kaabang abang na! shoot!

    ReplyDelete
  66. Xander na forever! at si Colby ay magiging torn between two lovers. Feeling like a long hair bwahahaha

    ReplyDelete
  67. xander, YES!

    tristan, NO!

    ReplyDelete
  68. XANDER is Cool! Bagay sila ni Colby.

    ReplyDelete
  69. NEXT NA PLEASE...

    ReplyDelete
  70. walang himalaaa!!! ikaw na Colby!

    ReplyDelete
  71. Kilig much ako. Lol na lol =))

    ReplyDelete
  72. pwede na tong gawan ng pelikula. di ba?

    ReplyDelete
  73. OA lang din si Tristan nagsiselos ng wala sa right reason. Love talaga nya si Colby. So affected. Nakakarelate hehe...2 thumbs up!

    ReplyDelete
  74. good chapter. sana better ang next.

    ReplyDelete
  75. just finished reading. ang ganda na. next pls. tnx mr author.

    ReplyDelete
  76. Niel thanks sa update. Update agad ha?

    ReplyDelete
  77. Yay, next chapter please.

    ReplyDelete
  78. like ko si xander. bow!

    ReplyDelete
  79. Wala na bang torrid? Sana may Xander-Colby torrid moment. lolz

    ReplyDelete
  80. Go ako kay Xander.

    ReplyDelete
  81. maswerte si Colby may 2 choices na siya. kakainggit naman!

    ReplyDelete
  82. ANO BA YAN NABITIN AKO. CHOZ!

    ReplyDelete
  83. OMG! ang daming comments sa chapter na ito. Tinalo pa yong may quota LOL...

    Avid Fan
    φ(゜゜)ノ゜

    ReplyDelete
  84. ayos din ang trip nitong si colby. patay dito ngayon si tristan. abangan!

    ReplyDelete
  85. Boto ako kay Xander.

    ReplyDelete
  86. Yay naman baka magkatuluyan ang mag bestfriends lagot si Tristan hihi...next pls.

    ReplyDelete
  87. ang ganda ganda na. so excited na talaga what's next xD

    ReplyDelete
  88. HAY NAPACOMMENT TULOY AKO SA GANDA.
    OK SI XANDER.

    ReplyDelete
  89. next chapter na sana pls

    ReplyDelete
  90. nice story love it

    joseph of tondo

    ReplyDelete
  91. Ok naman kahit rush ito. Mganda at kilig kilig din XD XD

    ReplyDelete
  92. bakit parang maharot na ngayon si Colby? ewan ganun siguro pag di na virgin ahahaha. choz!!!

    ReplyDelete
  93. TRISTAN PA RIN AKO. PATUNGKOL SA KANYA ANG TITLE EH

    ReplyDelete
  94. ay wala pa ring update?

    ReplyDelete
  95. hula ko lang mag.aaway sila ni xander at tristan dahil kay colby. ayan na nga nagsisimula na. malaking guli ito...abangan.

    ReplyDelete
  96. Xander for now. Mabait kasi at matalino.

    ReplyDelete
  97. pahamak naman itong si Xander. Ayon oh nagselos tuloy ang jowa.

    ReplyDelete
  98. Nakakainis! Next part please;)

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails