Followers

Tuesday, May 14, 2013

Ang mamaw sa Laboratory Chapter 09,10,11


Written by: Tzekai
facebook: http://www.facebook.com/granddiosa
wattpad: http://www.wattpad.com/user/yortzekai
email: balasonilo@gmail.com


NOTE: hwag sana kayo malito sa ibang characters,tulad ng sabi ko sa mga naunang chapters,mga bharacters sila sa mga nauna kong story sa wattpad,
.


AGAIN thanks po sa oagbasa at pag iiwan ng comment,kung may mapansin kayong mali,sorry po,baguhan lang ako,please dont bash me and say it  in a constructive way ;))



HAPPY READING =)


___________________________________________________


CHAPTER 09


Kreyd's POV :3


Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa party na pupuntahan,bukod sa first time ko ay parang may iba din akong nararamdaman,pero sa kabilang banda masaya ako.


Biruin mo ako ang date ni Prue? Nakakatuwa diba? At itong dalawa nyang pinsan mga kwela naman at tinanggap ako,binibiro biro pa nga nila kami ni Prue habang bumibyahe eh.


"Nako kuya Pao tantanan mo ako ah? Bakit hindi yung girlfriend mo atupagin mo? At ikaw Janssen na pangit! Kung magkaka boyfriend ako eh gusto ko yung cute mag gwiyomi at sexy mag gentleman hahaha!" sagot ni Prue sa biro ng mga ito.


Ah! Ganun pala ha? Gusto nya ng naggigwiyomi at gentleman? Mapag aralan nga ang mga yon ^o^
"Narinig mo yon Kreyd? Pag aralan mo na mga yon" singit ni Paige.


"Oo nga tol! Para makita ko naman na magka boyfriend tong pinsan namin" dagdag ni Janssen,napapakamot na lang ako sa batok eh.


"Tse! Hindi ko sya type no! May crush akong iba" sabi naman ni Prue,medyo nakaramdam ako ng kirot,at hindi ko maintindihan kung para saan? Hindi ko naman itatanggi na gusto ko pagkatao ni Prue pero hanggang dun lang yon.


"Indenial ka talaga kahit kailan" sabi ni kuya Pao na abala sa pagdadrive. "Kreyd anong surname mo?" dagdag pa nito.


"Montenegro po" sagot ko.


"Ah... Hindi ka naman siguro kunektado sa mga tropa naming Montenegro?" anito
"Hindi ko po alam" sabi ko na lang.


"Montenegro apilyido mo? Bakit iba sa apelyido ng mga magulang at kuya mo?" gulat na tanong ni Prue. Oo nga pala,wala syang alam tungkol sa akin.


"Ampon lang kasi ako" sagot ko,at lahat sila ay tumahimik.


"Nandito na tayo" anunsyo ni kuya Pao,tumigil kami sa tapat ng isang napaka laking bahay,medyo maingay na.


Sa mga katulad kong hindi lumaki sa mga karangyaan ay talagang napanganga ako.


"Ayan ka na naman sa pag nganga mo,tara" aya sa akin ni Prue at sya na mismo ang umabrisyete sa kanang braso ko at nagpatiuna kami sa pagpasok. Garden agad nabungaran namin at napaka lawak,madaming bisita,may sumasayaw,may mga nag uusap sa kani kanilang table at may mga nakatayo.


Ng lumakad na kami ay inunahan kami ni Kuya Pao,sundan daw namin sya at ipapakilala nya kami. Lumapit kami sa isang kumpol ng grupo na masayang nagtatawanan,lahat ng tingin ay nadako sa amin, or sa akin?


Pero mas nagulat ako sa lumapit na bagong dating din agad.


"Kuya Page?!" pagtawag ko dito,ang lakas ng kabog ng dibdib ko.


Ngunit tinitigan ako nito na parang kinikilala. Nagulat ako ng magsalita ang katabi nyang lalaki. Pamilyar sya sa akin.


"Kreyd?" sabi ng lalake. Tinitigan ko din sya.


Ng makilala ko sya ng husto ay hindi ko mapigilang mapaluha. Ang weird,kalalaki kong tao umiyak ako,nakakahiya sa mga nakapaligid samin.


Bigla akong niyakap ni kuya Page at sumunod ang lalaking katabi nya.


"Im so sorry Kreyd at hindi na kita nabalikan.Ang daming nangyari sa akin.Sorry talaga" sabi ni kuya Page.
"Thank God at dito lang pala tayo magkikita,11years ka naming hinanap"


"Kuya Ian,kuya Page,kamusta na ang Daddy ko?" tanong ko at nagpahid ng luha ng maghiwahiwalay kami ng yakap.


Kita kong gulat at pagtataka ang mga nasa mata at mukha ng mga nakapaligid sa amin,lalo na si Prue.
Sasagot na sana si kuya Ian ng may lumapit pang dalawang lalaki na kilalang kilala ko.


"Kuya Dex,kuya Kurt" pagtawag ko. Halata namang nagulat ang mga ito.


"Kreyd?" sabay nilang sabi. Ngiti ang sinagot ko. Agad din nila akong niyakap.


"Sa wakas nakita ka din namin! Salamat sa Diyos! Ang laki mo na ah?" nakangiting sabi ni kuya Dex.


"Montenegro ka nga! Lumaki kang gwapo!" dagdag ni kuya Kurt na ikinatawa namin.


"Saglit nga! Anong nangyari? By the way guys,this is my brother Janssen,and this is my cousin Prue and his friend na Paige din ang name kaso magkaiba ng spelling" singit ni kuya Pao. Malugod namang nakipag kilala sina Prue,Janssen at Paige.


"Ang gandang reunion nito" sabi ng isa sa mga kasama namin.


"Hintayin pa natin sina Gelo at Argel,Im sure magugulat si Argel na makita at malaman ang lahat,pati kung papa ano na naman tayo naging kunektado" sabi pa ng isa. Pasensya na hindi ko kasi matandaan ang mga pangalan nila dahil sa dami nila. Ang tangi lang pumukaw sa akin ay napaka open ng tropahan nila sa same sex relationship.


Naupo kami habang nagkekwentuhan sila,nakikinig lang naman kami nina Prue,Janssen at Paige,mga bago kasi kami eh.


"Itong si Page ko ay kapatid ni Venn na tropa naman nina Pao,Yuweh at Argel tama?" sabi ni kuya Ian.


"Ganun na nga insan,at itong si Eiko ko ay mahal na mahal ko" biglang sabi ni kuya Kurt. Inulan tuloy sya ng tukso.


"Hindi ko talaga ma imagine tol na makakahanap ka ulit,tingnan mo ang tagal nyo na din ni Eiko,akala ng lahat ng mabigo ka kay Yuri dati mamamatay ka na lang ng single hahaha" buska ni kuya Dex na ikinatawa namin.


"Pero aminin nyo,nung una nagulat kayo na magkakilala kami ni Page" singit nung Eiko.


Nakakatuwa silang tingnan,hindi ko lubos maisip na magkaka kunekta ang kwento ng buhay namin.


"Mamaw,psst! Tara pahangin muna tayo" bulong sa akin ni Prue. Ngumiti ako then nagpaalam nga kami. Hindi pa kami nakakalayo ng may mga makasalubong kami.


"FRIIIEEEENNDDD" Oh great! Ang triplets =__= samin tuloy napunta ang atensyon ng lahat. Ano ba yan,akala ko makakapag usap kami ni Prue ng kaming dalawa lang.


"Anong ginagawa nyo dito?" sabi ni Prue. Tiningnan muna ako ng triplets,nginitian ko sila then tiningnan ko mga kasama nila.


"Ikaw lang ba may karapatang mag party friend?" - Phoebe.


"At talagang si Kreyd ang escort mo ah?" ani Philip at nag thumbs up. Loko to ah,para san yung thumbs up?


"Diba ang taray,nagkita kita tayo dito"- Piper.


"Kids,maya na ang kamustahan,puntahan muna natin ang mga kaibigan namin,by the way Im Gelo,this is my lifetime partner Yuri" sabi nung isang lalaki.


"And Im Argel and this is my wifey Yuweh,kuya kami ng tatlong itlog na yan"


"Ako po si Kreyd,kaibigan ni Prue at pinsan ko po sina kuya Kurt,Ian at Dex" pakilala ko at nakipag kamay din sa kanila.


"And Im Prue,cousin of Paolo Gutierrez" pagpapakilala ni Prue.


"Wow! Thats great,ang ganda talaga ng purpose ng reunion na to" sabi nung kuya Gelo.


"Tara na sa table nila" aya nung Argel.


"Prue pwede ka ba maka usap mamaya? Tayong dalawa lang?" bulong ko kay Prue habang naglalakad pabalik sa grupo.


"Sure!" naka ngiti nyang sagot.


May gusto kasi akong malaman,kung totoo ang sinabi nyang may iba syang gusto para malaman ko kung ano ang mga hakbang na dapat kong gawin.



CHAPTER 10


Kreyd's POV


Masaya naman itong Party,masaya ako at pakiramdam ko nabuo ulit ang pagkatao ko,medyo nagulat lang din ako na si kuya Page ang partner ng pinsan kong si Kuya Ian.


Tumayo si kuya Dex,ang pinaka matanda sa aming magpipinsan,pinagpaalam nya sa mga kasama namin na kakausapin lang daw nya ako,at alam ko tungkol iyon sa akin,sumunod na tumayo sina kuya Kurt at kuya Ian at sumunod. Habang naglalakad palayo ay naisipan kong lumingon,at sakto nahuli kong nakatingin si Prue kaya kinindatan ko hahaha!


Habang naglalakad kami palabas sa malaking bakuran ay napaisip ako,si kuya Kurt at kuya Ian ay tulad ni Prue ang piniling mahalin,iba talaga si kupido pag namana, at sa palagay ko ay natutulad na ako sa kanila.
Ng nasa labas na kami ay nagulat na lang ako ng mag si upuan sila sa gutter. Napangiti ako,mga cowboy pala mga pinsan ko.


"Kreyd" tawag pansin ni kuya Dex.


"Kuya" simpleng tugon ko.


"Tinatanong mo kung kamusta na ang Dad mo diba? I'll be honest with you,namatay sya dahil sa depression ng mawala ka at hindi namin mahanap" panimula nito. Para akong sinapak ng isang libong beses sa narinig ko. Oo nga at saglit ko lamang nakasama si Dad,pero mahal ko sya,at kahit nagalit ako sa pag aakalang hindi nya ako hinanap ay hindi mababago ang katotohanang dugo't laman nya ako kahit pagbali baliktarin man ang mundo. Hindi ko maiwasang manginig. Bata palang ako ng mawala si Mommy at ngayon ito pa ang malalaman ko?


"We did everything para mahanap ka,pero sadyang mapaglaro ang tadhana sa atin,sa kamag anak ka pala ni Page iniwan ngunit hindi ka na nya nabalikan dahil sa sariling problemang pinagdaanan namin" si kuya Ian ang nagtuloy. Tanggap ko at naiintindihan ko kung bakit hindi na ako nabalikan ni kuya Page,hindi nga ba't umiiyak sya nung una kaming magkita? Hindi ko na napigilan ang lumuha. Ang malas ko naman,lumaki akong malayo sa mga tunay na magulang at malalaman ko na lang na wala na pala ang ama ko,ang saklap.


"Lahat ng naiwan ni Tito ay nakapangalan sayo,ang bahay,mga negosyo,pera sa banko,lahat,siniguro nyang sa pagbabalik mo ay nakahanda at ayos na ang lahat" dagdag ni kuya Kurt.


"Pero pano sina Inay at itay? Pati si kuya Khyron? Hindi ko sila basta basta pweding iwanan,sila na ang pamilya ko" pagkuway sabi ko.


"Seventeen ka na diba? Alam mo na ang dapat" nakangiting sagot ni kuya Dex.


"Tama si Kuya,wag mong hintaying maging haunted house ang bahay nyo" pag sang ayon ni kuya Kurt.


Nakuha ko ang gusto nilang ipahiwatig,napangiti na din ako dahil don,tama! Isasama ko sila at dun na kami titira sa bahay na naiwan ni Dad!


"Yan ganyan nga,ngiti lang,sa mga nasa edad mo hindi mo dapat masyadong pinoproblema ang mga bagay bagay,take it light" singit ni kuya Ian. " Tara na ulet sa loob,namimiss ko na ang Pie ko,saka baka hinahanap na si Kreyd ng Prue nya" dagdag pa nito na tinawanan ng magagaling kong mga pinsan.


"Samahan ka namin mamaya sa inyo Kreyd,at bukas na bukas ay lilipat na kayo" ani kuya Dex at ginulo buhok ko saka ako inakbayan. Ang tatanda na nila =__=


Papasok na kami ng si Prue naman ang makasalubong namin. Nagulat pa ako ng itulak ako ni kuya Dex sa harap ni Prue, paglingon ko sa kanya tumatawa silang papunta na sa mga kasama namin.


"Oh tapos na kayo mag usap? Bongga ka ah! Na shock ako sa mga revealations" bati sa akin ni Prue. Nahihiyang napakamot ako sa aking batok.


"Ah eh.. Ako din eh.. Ahm san ka pupunta?" Nak ng pitumput pitong puting tupa! Bakit kinakabahan ako? Tss!


"Sa CR,puputok na kasi pantog ko eh kaya dyan ka muna" anito at agad akong nilampasan,mabilis kong nahawakan ang kamay nya,parang may kuryenteng gumapang sa kamay ko mula sa kanya,siguro naramdaman din nya kasi agad nyang binawi ang kamay nya. Ang weird!


"Samahan na kita" sabi ko,ito na kasi ang pagkakataon ko para makausap sya ng solo at para maitanong ko na yung kanina pa bumabagabag sa akin.


>///< - si Prue yan.


"Bakit?" taka kong tanong at tinitigan sya,namumula ba sya? Ang cute :3


"Wala sige na" anito at nagmadali ng pumasok sa mansyon. Doon ko lang narealize na kaya sya namula ay dahil baka nahiyang sumabay sa akin mag CR.


Agad akong sumunod sa kanya,pagkapasok ko ay naghuhugas na sya ng kamay kaya ako naman ang nagbawas,at kinausap ko sya habang ginagawa yon.


"Salamat at sinama mo ako dito" sabi ko. Hindi sya sumagot kaya nagtaka ako at lumingon,dun ko lang napansin na nakatagilid pala ako at kita sa reflection ng salamin ang aking Big bird >_<


O_O - Prue


Ang tagal nyang tulala,matapos magbawas ay tumabi na ako sa kanya para maghugas din ng mga kamay.
"Pervert" sabi nya kaya napahagikgik ako.


"Anong hinahagikgik mo dyan?" pagtataray pa nya sa akin na sinuklian ko lang ng kindat,lalo tuloy sya namula hahaha!


"Wala naman,wala na pala akong maitatago sayo eh,nakita mo na kayamanan ko" natatawa kong sagot.


"Ang bastos mong mamaw ka!" singhal nito sa akin na lalo ko ikinatawa. First time siguro nya makakita ng ari ng ibang lalaki.


"Hahaha! Hindi naman sadya yon" sabi ko at tinapos ang paghugas ng kamay,kumuha ng tissue sa may gilid at nagpunas. "Yung sinabi mo kanina,totoo ba yon?" dagdag ko pero sa seryosong tono.


"Alin dun? Marami akong sinabi mula kaninang umaga" pabalang nitong sabi ngunit hindi ko na pinansin.


"Yung sinabi mong hindi mo ako gusto dahil may gusto kang iba,sino sya?" seryoso ko paring sabi,halata namang nagulat sya,sinong hindi diba? Bigla bigla na lang akong magtatanong ng ganitong mga bagay.


Ang pagkagulat nya ay napalitan ng kinang ng kanyang mga mata.


"Oo,crush ko si Popoy kahit dati pa,kababata ko sya" naka ngiti nyang sabi,hindi ko maintindihan ang nangyayari pero nakaramdam ako ng kirot sa puso.


"Ah" tangi ko na lamang nasabi.


"Teka nga? Why do you care to know?" biglang sabi nya na ikinagulat ko at nasabi ko ang hindi dapat.


"Dahil gusto kita" huli na para bawiin ko,kaya paninindigan ko na lang,sya naman ang parang nagulat.
Popoy pala ang pangalan ng karibal ko ah? Pwes! Lets get it on!



CHAPTER 11



Prue's POV


WHAT THE?! Totoo ba itong narinig ko mula kay mamaw?! Susme! Hindi pa nga ako nakaka get over sa mga pangyayari buong gabi at heto sya'y dinagdagan pa ng another shocking revelation.


I was caught off guard. Hindi ko alam ang sasabihin ko,at hindi ko alam kung maniniwala ako,panong hindi? Eh halos magdadalawang linggo pa lang kaming magkakilala tas magsasabi sya ng ganyan? Sungalngalin ko sya eh! >_<


But on the other hand,nakaramdam ako ng mga mumunting kiliti sa kaibuturan ng napaka dalisay kong puso,in my 17 years of living in this pulloted world ay ngayon lang may lalaking nagpakita ng interes sa akin aside from Popoy,well Popoy is an excemption,kababata ko sya,normal lang na mag care sya sa akin,dahil kung hindi ipapalapa ko sya sa mga buwaya sa Manila Zoo! Chos lang! ^_^V


Pero itong si Mamaw este Kreyd pala ay kakaiba huh? Malakas ang loob,nakakabilib ang fighting spirit nya huh?


"Dalawang minuto ka ng nakatulala,ganyan ka na lang ba hanggang sa paglabas dito?" sabi ni Kreyd na nagpabalik ng kaluluwa ko sa aking katawang lupa.


"Hmp! Dyan ka na nga!" sabi ko ng makabawi at akmang lalabas na sa CR ng magsalita sya.


"Ganon lang yon? Okay lang,basta tandaan mo Prudencio,hindi mo ako matatakasan" sabi nya and before I knew it mabilis nya akong hinalikan sa kaliwang pisngi.


"Pangatlo na yan diba? Dont worry refundable yan,pwede mong ibalik" naka ngisi nitong sabi at iniwan ako.
GGGGGGGRRRRR! >.<


First,second at third kiss ko sa kanya lahat napuntaaaaaa!! Mamaw ka talagaaaaa! =__=


Bago pa ako tuluyang magwala sa CR ay lumabas na din ako,kinalma ko ang aking sarili at bumalik na sa mga kasama,nandun na si mamaw at todo ang ngiti.


Mamaw! Humanda ka sakin! At tiningnan ko sya ng masama,kung may lazer power lang ako kanina pa tunaw ang mamaw na to.


"Friend akala ko na flush ka na sa toilet bowl" ani Paige.


"O baka naman may ginawang milagro si insan" dagdag pa ni Janssen.


"Tantanan nyo akong dalawa ah? Pagbuhulin ko kayo" sagot ko at humagikgik lang ang mga animal. Sige lang,huling hagikgik nyo na yan hahaha!


Masaya naman ang party,nakakatuwa at madali silang nakagaanan ng loob,who would have thought na magkaka dugtong ang kwento ng mga buhay namin.


Hindi namin masyado naka usap ang triplets dahil busy din sila sa pakikipag daldalan sa mga kasama namin. Ang dami ko nalaman at natutunan. Medyo nainggit pa nga ako dun kina Kevin at Arvin kahit mukhang nasa mid 30's na eh sila pa din hanggang ngayon,at ang gwapo nila huh? Sayang ang lahi, pati dun sa Prinz at Pipay,bagay na bagay sila, kahit dun kina kuya Enzo at Eiko,Kuya Gelo at Yuri,ang pinaka kumuha ng atensyon ko eh sina kuya Argel at Yuweh,interesting ang lovelife nila,sina Kuya Ian at Page din nakaka inggit,ipinakilala pa nila kami sa pinaka ugat daw ng lahat ng pagkaka ugnay namin, sina Tito Paul at ang lifetime partner nito na beki din, si Tzekai o Te'khai kung tawagin nila,matatanda na pero bakas sa mga mukha ng mga ito ang kaligayahan at kakontentohan sa buhay,nakaka inggit diba? Sana ako din umabot sa ganung punto.


_____________________________________________


Hahay! Monday na naman! Second subject na namin,nothing special bukod sa dito kami sa may pool area at kasama ang mga Architecture students,basically ang department nina Kreyd,ewan dito sa Prof namin,basta ang sabi nya madami daw syang hinahabol na lessons kaya pinag sabay na nya,bakit nga ba kasama sa subjects ng mga Architecture students ang swimming? Eh kami namang Com.Eng eh wala,kaya lang kami nandito ay dahil nga sa walang kapararakang rason ng prof namin,baka bet din nya makilangoy kami sa mga Architecture students? XD


Wala namang problema sana kung hindi lang ako maya't maya kinikindatan ni Kreyd everytime na mapapatingin ako sa kanya.


Ano ba nangyayari sa isang yon? Seryoso ba sya sa sinasabi nya nung sabado? Hanggang ngayon kasi parang hindi ko pa din mapaniwalaan eh.


Kesa mag isip ako ng mag isip,nakisama na din ako sa mga classmates ko na nakiki tampisaw habang nakikinig sa prof namin,nakatayo lang ako sa gilid habang sila mga naka upo at nakalublob ang mga paa sa pool,biglaan tong lesson na to eh.


At may kung sinong biglang tumulak sa mga paa ko para malaglag ako sa pool,dahil sa gulat at nerbyos nakalimutan kong marunong ako lumangoy,8ft pa naman pinaghulugan ko,sa taranta ko ay nagpakiwag kiwag ako,nakita ko na lang si mamaw na agad tumalon sa tubig,ilang saglit pa at nakalapit na sya sa akin,niyakap ako at inalalayan hanggang sa gilid ng pool.


"Ayos ka lang?" puno ng pag aalalang sabi ni Kreyd,parang hinaplos ang puso ko dahil dun. Bago ako sumagot ay tiningnan ko ang pwesto ko kanina at kung sino mga katabi ko at kung sino ang posibleng tumulak sa akin. Pero wala akong mapaghinalaan kung sino.


"Oo,ayos lang ako,salamat" sagot ko,medyo kumakabog kabog ang puso ko,hindi ko alam kung dahil sa nangyari o pagkakalapit namin.


"Friend ayos ka lang?" ani Phoebe,katabi si Piper they stretch their hands to me para maka angat ako mula sa pool.


Ang mga classmates namin at mga Architecture Students panay bulungan na.


"Villacruz,magpalit kana lang ng damit,youre excuse for now,at kung sino ang may kasalanan ng nangyari ay mananagot sa dean" seryosong sabi ng prof namin,natahimik ang lahat.


Naglakad na kaming apat palayo,kasunod namin pala si Kreyd.


"Wala akong dalang damit,mabuti na lamang at nasa bag ang phone at gadgets ko" sabi ko habang naglalakad kami.


"Yon pa inisip mo? Ako iniisip ko sino gumawa nun,imposibleng bigla kana lang mahulog no?!" inis na sabi ni Paige.


"At saka marunong kang lumangoy diba? Alangang magpapansin ka at maglulunod lunudan don" dagdag ni Phoebe.


"Kahit sinong marunong lumangoy,pag nabigla at nataranta eh nakakalimutang marunong lumangoy,sadya yon! May galit kay Prue ang gumawa nun" inis namang sabi ni Piper,napangiti na lang ako sa pag aalala nila sa akin.


Sino nga kaya yung gumawa nun? Hindi ko matandaan kasi kung sino mga katabi ko kanina eh.


"May mga extra akong damit sa locker,pwede ko syang pahiramin"sabi ng boses sa likuran namin.


"Ay Kreyd! Andyan ka pala,mabuti at sumunod ka,samahan mo munang magbanlaw to sa CR at pahiramin mo na din ng damit,may aayusin lang kami" ani Piper dito. Hindi ako naka imik dahil ang bilis umalis ng tatlo,Im sure iimbistigahan nila kung sino gumawa nun sa akin.


"Tara na,samahan na kitang magbanlaw" aya sa akin ni Kreyd. Tango lang ang sinagot ko at sumunod sa kanya.


Ng makapasok na sa CR o shower room ay nilock nya ito,napalunok tuloy ako,kaming dalawa lang ang tao dito obviously. Baka kung ano gawin nya sa akin,hindi pa ako handa! >_<


Nasa ganun akong pag iisip ng paglingon ko sa kanya ay hubo't hubad na sya,napanganga ako,pakiramdam ko nalaglag ang panga ko sa tiles.


Ganito ba talaga ang lalaking to? Oo nga at nakita ko na ang kayamanan nya,pero ito ang first time na makita ko itong kasing tayog ng flag pole!


"Enjoying the view?" naka ngisi nitong sabi at tumapat na sa isang shower at nag shower na.


"Tse! Pervert ka talagang mamaw ka! Bakit naka ganyan yan?" inis kong sabi at nag shower na din at pilit iniiwasang tingnan sya,ang lahat sa kanya ay nakaka tukso,hindi mo maiiwasang magkasala.


"Bakit hindi? Ikaw ang kasama ko eh,saka nakita mo na naman to diba?" maloko nitong sagot.


"Hmp!" tinalikuran ko nga sya at pinagpatuloy ang pagsa shower,nadinig ko pa syang tumawa ng mahina.


Kakaiba talaga tong mamaw na to! Naliligo na kami lahat lahat,malamig ang tubig pero pakiramdam ko napaka init ng paligid.


Ganon sya ka Hot?!


Ng matapos kami ay pinahiram na nga nya ako ng damit nya,kahit underwear,mukha namang hindi pa nagagamit dahil may Tag pa haha! Maluwag sa akin ang damit at pantalon nya,pero ayos lang kesa mag burles ako no?


Tinatawanan pa ako ng gagong to,mukha daw ako mascot? Tampalin ko wisdom tooth nya eh! Kasalanan ko bang malaki damit nya? Ugh!


Pero infairness,mabango naman sya at presko sa pakiramdam,ganito siguro pakiramdam ng mga nakaduster? Hahaha!


Sakto 3rd subject na namin,hinatid ako ni Mamaw sa room at sinalubong ako ng The Charmed One's, thats for two reason,ang natuklasan nila at makiki tsismis sila sa naganap sa shower room =__=

12 comments:

  1. CUTE!! Hahaha love it! :-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. thank you po sayo,kaisa isang nagcomment :)

      Delete
  2. Galing at cute ng pasimula ng lovestory nila mamaw at prue...di ko lang masundan paano inampon c mamaw kung mayaman cla? Tnx. Tzekai

    Randzmesia of QC

    ReplyDelete
    Replies
    1. nasa isang story ko sa wattpad kung pano napunta si Kreyd sa mga umampon sa kanya,at ang bida sa story na yon ay si Page at Ian :3

      Delete
  3. Kakilig naman ang kwento na to..sna admin maepost na ung sunod na chapter....nice job admin....:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha! Hindi po ako Admin dto,pero Thanks po :D

      Delete
  4. hahaha, naaliw ako sa bathroom scene. :)) Next chapter na po author! :)

    -K

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha malakas kasi loob ni Kreyd xD

      Delete
  5. hi pede mag request plsss.. penge nmn aq ng title at qng cno ung pairs dun sa reunion plss.. gus2 q basahin lahat mukhang kikiligin aq plssss

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails