Followers

Monday, May 13, 2013

Ang Mamaw Sa Laboratory Chapter 07 and Chapter 08



Written by: Tzekai




CHAPTER 07




Kreyd's POV :3
Yesss!! Biyernes na! Excited na ako sa sasabihin ni Prue! Natuwa talaga ako sa nangyari ngayong buong week,ewan ko ba? Lalo na nung hinalikan ko sya twice,sa cheeks at lips, hindi ko din alam kung anong masamang hangin ang sumanib sa akin at ginawa ko yon.
Pero hindi naman ako nagsisisi,siguro talagang natutuwa lang ako sa isang yon,hindi na nga ako tinantanan ni Artemis ng mga pang aalaska, pinapabayaan ko lang ang ungas,basta ako masaya ako.
Kaya kapansin pansin ang pagiging masaya ko kahit sa mga klase namin. Halos hilahin ko na nga ang oras para dumating na yung uwian at yung duty ko ng paglilinis sa building nina Prue,panigurado syempre gabi na naman uwi nila tulad nung nakaraan.
Ano ba ang ginawa sa akin ng taong yon at ganito na lang epekto nya sa akin? Naalala ko tuloy sa kanya ang isang taong tumulong sa akin.
Kamusta na kaya si kuya Paige? Matanda na siguro yon ngayon,ang tagal tagal na ng huli kaming magkita. Sa totoo lang mas hinahanap ko sya kesa sa tunay kong pamilya na hindi man lang nagtangkang hanapin ako noon,lalo na ang ama kong parang walang paki alam sa pagkawala ko, mabuti na lang at mababaet ang mga kumupkop sa akin,na kamag anak pala ni kuya Paige, si kuya Khyron,tulad ko ay ampon din pero hindi namin naramdamang iba kami. Mahal namin ang pamilya namin.
Napalingon ako sa mga classmates kong busy sa kung anu-anong kabalbalan na nilelecture ng prof namin. Hayst! Tagal matapos!
Ng maramdaman kong may bumato sakin ng papel galing sa likod ko,malamang si Art lang yon,sya lang naman ang may kakayahan sa mga ganung bagay haha! Pinulot ko yung papel dahil alam ko may naka sulat dun.
'Tol ilakad mo ako sa kaibigan ni Prue! Dun sa Piper'
Napailing na naka ngiti ako ng mabasa yon,kumuha ako ng isang page sa notebook ko at nagsulat.
'Sige hintayin mo ako maya matapos sa duty ko'
Nilamukos ko yung papel at ibinato ko sa likod ng hindi naka tingin.
"Ano ba Kreyd!!" sigaw ng isa sa mga kaklase ko,nilingon ko ito. Si Jaeza.
Patay na!
"Jaeza! Bakit bigla bigla ka sumisigaw?" pagpansin din ni Sir, naloko na! Bakit pa kasi ginaya ko pa si Art eh! Malamang demerit na naman ako nito. Lahat ng classmates namin ay napunta kay Jaeza ang atensyon.
"Si Kreyd at Artemis po kase Sir! Nagbabatuhan ng nilamukos na papel" pag susumbong nito. Kahit kelan talaga tong Jaeza na to kinokontra lagi ako!
"Kreyd,Artemis,stand up,go at the back and face the wall" walang patumpik tumpik na sabi ni Sir. Kamot ulo akong tumayo at nagpunta sa likod kasama si Artemis at humarap kami sa pader.
"We have 30minutes left for our lecture,so 30minutes din kayo dyan" sabi ni Sir at pinagpatuloy ang lecture.
"Hindi ka kasi tumitingin sa pinagbatuhan mo tol eh,mukha bang tapunan ng papel si Jaeza?" bulong ni Artemis saka humagikgik.
"Gago ka kasi eh! Tinatamad ako lumingon para ibato yung papel,malay ko bang sasaluhin ni Jaeza ang kame hame wave kong papel" sagot ko din sa mahinang boses at humagikgik.
Matapos ang tatlumpong minutong pagdurusa at pagtayo na dismiss na din. Grabe! Parang nanginginig ang tuhod ko at namamanhid pa! Kakaibang parusa din to eh!
"Nangawit ako don" reklamo ni Artemis saka tiningnan si Jaeza.
"Oh bakit?" mataray nitong sabi saka bumaling sakin.
"Hoy ikaw Kreyd Montenegro sumosobra ka na ha!" anito sabay labas ng room.
Tama kayo ng basa,kahit naman ampon na ako nina Nay at Tay ay Montenegro pa din ang gamit ko pwera kay kuya Khyron na inampon nila nung baby pa. I hate my surname! Buti na lang din walang nakakakilala dito sa lugar na to.
Lumabas na ako ng room at sumunod si Artemis,naglakad na kami,pupunta muna ako sa Deans office para mag time in.
"Oy tol ano? Ilalakad mo ba ako kay Piper?" pangungulit sa akin ng kulugo. Nakaisip tuloy ako ng kagaguhan.
"Oo naman!" naka ngisi kong sagot.
"Talaga? Walang bawian yan ah? Kelan?"
"Gusto mo mamaya? Alam ko oras ng last subject nila"
"O sige! Sa wakas magkaka girlfriend na ako!" masaya pang sabi ng ungas kaya natawa ako.
"Pero sa isang kundisyon"
"Ha? Bakit may kundisyon pa?"
"Ilalakad kita o hindi?" pang ba brive ko haha!
"Sige na nga! Anong kundisyon yan? Ayus ayusin mo lang gago ka" inis na sabi ni Artemis.
"Mamaya malalaman mo kung ano yon" sagot ko,sakto nasa tapat na kami ng Deans office,kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok sa loob.
---
"Langya naman tong kundisyon mo eh! Tagaktak na pawis ko! Pano pa ako magugustuhan ni Piper?" reklamo ni Artemis habang nagmamap ng sahig,ganun din ang ginagawa ko,nasa 2nd floor pa lang kami ng bldg nina Prue, maya pa ng konti siguro mag start ang last subject nila.
"Huwag ka na magreklamo,buti nga ito lang,gusto ko kasi maaga matapos para maaga din kita mailakad" pang uuto ko pa habang patuloy pa din sa ginagawa.
"Ulol! Sabihin mo gusto mo lang makita agad ang sirenang si Prue"
"Tarantado!" sabi ko na lang dahil totoo naman ang sinabi nito.
"Maiba ako tol,bakit pinagtyatyagaan mo ang ganito? Hindi ba sapat ang kinikita ni tito sa pagdadriver?" maya maya ay tanong nito.
"Sapat naman,pero gusto ko lang magkaroon ng sariling pera,nakakahiya na din kasi sa kanila,balak ko ngang mag part time job pa eh,para maka ipon na din" mahaba kong sagot.
"Sabagay maganda din yung may sariling pera saka ipon para sa future nyo ni Prue" sagot naman nito na tinawanan ko na lang. Wala naman ako mapapala pag nangatwiran pa ako.
Ilang saglit pa nasa 4th floor na kami kung san nandun ang Laboratory kung san din kami unang nagkakilala ni Prue sa kakaibang paraan. Napapangiti na lang ako pag na aalala ko iyon.
"Ito na ang last kaya matatapos na kalbaryo mo Art"
"lul! Dalian na lang natin at nanlalagkit na ako,buti may extra akong damit sa locker,ikaw ba?"
"Syempre meron"
Tulad ng inaasahan,maaga nga kaming natapos, nagpunta muna kami ni Artemis sa Shower room para makapag refresh after that bumalik kami sa bldg nina Prue.
Pumwesto kami ni Artemis sa corridor,kita ko agad si Prue na napatingin sa amin na parang nagulat pa.
Bakit sya nagulat? Ngayon ang araw ng pangako nya ah? Alam kong parang OA na dahil lang sa panyo,but you cant blame me,gusto ko magkaroon ng remembrance mula sa kanya.
Hindi katagalan ay dinissmiss na sila ng Prof nila. Agad naman lumapit si Prue kasama ang mga kaibigan nya.
"Hi Kreyd! Hi Art!" sabay sabay pa nilang sabi.
"Hello" kaming dalawa ni Artemis.
"Sinong hinihintay nyo?" ani Piper.
"Ikaw/Si Prue" sabay na naman naming sabi ni Artemis,napahagikgik ang mga ito.
"Oy Prue,yung promise mo?" nakangisi kong sabi sa kanya.
"Friend anong promise yon?" usisa ni Page at Phoebe.
"Ah eh...Wala yon,saglit lang ah?" ani Prue at hinila ako,nadinig ko pang nagsalita si Phoebe.
"Go girl! Make a move! Yayain mo na!"
Yayain? Ng ano?
Biglang may kung anong pumasok sa isip ko,kaya medyo kinabahan ako, handa na ba ako? Magpapa ubaya ba ako?
Ng medyo nakalayo na kami ay may kinuha sa bag nya si Prue. Ang panyo!
"Ibibigay ko na sayo to sa isang kundisyon" sabi pa nya kaya lalo ako napaisip.
"Uhm..Ano, Prue sigurado ka ba dyan? Hindi pa tayo parehong handa,bata pa tayo" pilit ang ngiting sabi ko. Agad namang nangunot ang noo nito sa sinabi ko.
"Ano bang sinasabi mo? Ikaw ah? Kung anu-ano iniisip mo!" inis nyang sabi kaya nagtaka ako lalo.
"Ha? Eh ano bang kundisyon yon?" napakapit ako sa batok dala ng pagkapahiya. Shet talaga!
Ang dumi ng utak mo Kreyd! Sa tingin mo magagawa yon ni Prue? Ang sabi ng kabilang bahagi ng isip ko.
"Sayo na yang panyong yan" kinuha nya ang kanang kamay ko at nilapag dun ang panyo. "Pero sana pumayag kang maging date ko bukas sa party na pupuntahan namin ni Paige" dagdag nya.
Napanganga ako. Totoo ba yon? Niyaya nya akong maging date nya sa party?
"Sara mo bibig mo! Baka pasukan ng lamok" natatawa nyang sabi at natawa na din ako.
Yes! Date ako bukas ni Prue! First time ko din na aattend sa Party! Nakaka excite!


AUTHOR's NOTE;
Hwag sana maguluhan sa susunod na chapter,tulad ng sabi ko may mga lalabas na characters dun galing sa mga nauna kong stories na nakapost sa wattpad ;))



CHAPTER 08

Prue's POV *:)
I just cant believe na nayaya ko na ng tuluyan si mamaw! Hindi naman pala ganon kahirap! Though parang may ibang iniisip ang impaktong yon nung nilayo ko sya sa mga chismosa kong kaibigan haha :D
At eto nga,uwian na,dahil gabi na nga ako nakakauwi every friday eh naabutan ko pa silang nagdidinner kaya sumabay na ako.
Papa and Mama were talking and talking about their bussiness,and Im not interested kaya pinagsawa ko na lang ang aking bibig sa masasarap na pagkain,syempre si Manang ang nagluto nyan!
Speaking of Manang,anak ni Manang yung dumating nung Monday,kababata at crush ko,si Popoy ^_^
Sobrang excited ko nun kaya nagmadali ako umuwi,kaso naman hindi kami nagpapang abot. Ewan ko ba,mag iisang linggo na sya dito hindi pa kami nagkikita. Kung hindi busy sa trabahong inapplyan daw,nasa school naman. Si Papa and Mama kasi nag alok na pag aralin si Popoy,at si Popoy naman nagtrabaho din. Ang sipag lang nya ah?
Nang lumapit si Manang para lagyan ng juice ang aking baso ay tinanong ko na sya.
"Manang si Popoy?" sabi ko dito.
"Nasa trabaho pa,gusto ka na din nya makita,kaso hindi talaga kayo mag pang abot,pero bukas wala syang pasok sa school at work,dito lang sya sa bahay tutulong sa mga gawaing bahay" mahabang paliwanag ni Manang.
"Manang pwedeng huminga" banat ko na ikinatawa din nina Mama at Papa.
-----
Saturday,maaga ako nagising,ewan ko ba,kung kelan weekend dun ako maaga nagigising.
Nag unat unat pa ako bago tumungo sa Cr na nasa loob din ng kwarto ko,dun ay pinagsawa ko ang aking ngipin at bibig sa toothbrush haha! Then naghilamos na at lumabas ng Cr.
Sumilip muna ako sa may bintana para tingnan kung tirik na ba ang araw,bet ko kasi mag swimming,since ang kwarto ko ay bandang gilid,at ang garden ay kita mula doon, hindi araw ang nakita ko kundi Adonis na nagdidilig ng mga flowers!
Shit! Si Popoy na ba yon? Ang gwapo ng impaktong to ah? Though mas gwapo si Kreyd.
WTF? Bakit napasok si Mamaw dun? Tsk tsk! Pakiramdam ko talaga hinipnotize ako ng mamaw na yon.
Agad akong lumabas ng kwarto at nagmamadaling tinungo ang garden, pumwesto ako sa pinto at sumandal.
"Mukhang hindi na malulungkot ang mga flowers ngayon" sabi ko na ikinalingon ni Popoy.
Tungunu lang! Ang gwapo nya ngayon! Pinoy na pinoy,shet lang! Nakakakilig lalo na nung ngumiti sya,gusto ko himatayin mga ate!
"Uy Prue! Magandang umaga" nakangiting bati nya sa akin,this time lumapit na ako.
"Buti naman at nagpang abot din tayo,kamusta ka na Poy? Its been a while" sabi ko.
Ngumiti sya at ipinagpatuloy ang pagdidilig.
"Oo nga eh,huling kita natin nung sumama ka sa probinsya namin,supot ka pa non at dun din nagpatuli,pero ngayon dalaga ka na talaga" natatawa pang sagot nito.
=__=
Batukan ko kaya to? Kailangan pa bang ipaalala yon? >_<
"Grabe ka huh! Kailangan pa ba ipaalala yon? Gusto mong isama kita sa mga halamang dinidiligan mo?"
"Hahaha! Ito naman,hanggang ngayon mabilis ka pa din mainis,sige ka papangit ka nyan"
Hayst! Nakakahawa ang mga ngiti at pagiging masayahin ni Popoy,no wonder hanggang ngayon crush ko pa din sya.
"Tara Poy samahan mo ako maligo sa pool" yaya ko sa kanya.
"Ayos lang ba? Hindi ba nakakahiya? Saka hindi pa ako tapos dito sa pagdidilig eh" nahihiya pa nitong sabi pero hinila ko na sya papunta sa likod kung saan naroon ang aming pool.
"Huwag ka mahiya,dito ka naman nakatira,para kang others eh" sabi ko umupo na sa gilid ng pool at sya naman ay naghubad na ng pang itaas.
Napa WOW talaga ako sa well built ng katawan nya,hindi malaki,hindi macho pero proportion. Ang sexy! Then yung pants naman ang hinubad nya hanggang naka boxer na lang sya.
Grabe lang parang uminit yung pakiramdam ko,parang gusto ko agad lumublob sa pool para mabawasan yung init na nararamdaman ko.
At yon nga tumalon ako agad sa pool >_<
"Oh? Nagmamadali ka?" natatawang pansin sa akin ni Popoy at lumusong na din sa tubig. Naglaro lang kami at nagkarera tulad nung ginagawa namin nung bata pa kami sa ilog dun sa probinsya nila.
Hindi namin namalayan ang oras at alos dose na pala ng tanghali kung hindi pa kami tinawag ni Manang para sa pananghalian,nagbanlaw muna kami bago kumain. Maya maya ay nagpaalam si Popoy na may pupuntahan daw sya,ako naman naging abala sa paghalungkat sa closet kung ano ang pwedeng isuot sa party mamaya.
Nainis na ako kaya tinawagan ko na si Paige.
"Hello Teh,pwede mo agahan ang punta dito para hindi ka na namin sunduin?" bungad ko agad ng masagot ang tawag.
"Napaka harsh mo ha! O sige maliligo na ako,teka nga bakit parang aburido ka?"
"Kaya nga pinapapunta na kita ng maaga,hindi ako makapili ng isusuot" sagot ko.
"Sabe na eh! Sige wait mo ako ah? Tawagan ko lang din si Janssen" anito at ibinaba na ang tawag. Ako naman ay sinimulang ligpitin ulit ang mga damit na hinalungkat ko kanina.
Ng matapos ay nahiga ako at pumikit.
Nagising na lang ako na may yumuyugyog sa akin,pagdilat ko si Paige.
"Langya,natutulog ka lang pala? Maligo ka na,alas sais na oh?! Dalian mo para matulungan na kita sa isusuot mo,kanina pa ako dito pero pinabayaan muna kitang matulog" ani Paige at umupo sa kama ko saka humalukipkip.
"Oo na! Ang daldal mo,hintayin mo ako sa living room" sabi ko at saka bumangon at tinumbok ang Cr.
Ng matapos na ang preparation at makahanap na ng damit na babagay sa akin ay bumaba na kami ni Paige sa sala at don hinintay sina kuya Pao at Janssen.
Wala pa din si Popoy,nabusy na siguro sa pinuntahan.
By 7pm dumating ang sundo namin,I told them na daanan namin ang date ko,si mamaw >_<
At jusme naman nung nasa kotse na kami,walang tigil sa paghaharutan sina Paige at Janssen. Yung totoo? Nagkakahiyaan pa daw sila nyan ah? My gulay!
Ng marating namin ang lugar nila Mamaw ay ako na lang ang bumaba at pumunta sa bahay.
Kakatok pa lang ako ng bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang isang Prinsipe!
How maaayy gaaasss! Si mamaw ba to? Hayuuuppp sa gwapo at bango >_< gusto ko sya yakapin at singhutin ng singhutin,nakaka adik lang talaga!
"Oh Prue? Tara na ba?" naka ngiti pa nitong sabi. At ang ngiting yon ang parang nagpa abnormal sa pagtibok ng puso ko at sa paghinga ko.
Shet lang! Mamaw talaga to! Anong ginagawa nya sakin?
Shunga! Wala pa syang ginagawa! Assumera ka. Sabi ng maldita kong konsensya.
"Ah...Eh..Sige.Tara na,at ipapakilala na din kita sa mga pinsan ko" nahihirapan kong sagot. Ngumiti ang mamaw at hinawakan ako sa braso,napapitlag talaga ako kasi para akong kinuryente.
Nu ba yon? May super powers ba tong si Mamaw? =__=
"Bakit?" takang tanong nito.
"Ah.W-wala..Tara na" at nagpatiuna na ako papunta sa kotse.
Ngayon bigla tuloy ako naguluhan kung anong nangyayari sa akin? Bakit ako nagkakaganun?



-- HELLO COMMENTS NAMAN DYAN ;)))


17 comments:

  1. nice1 keep it up

    ---blllalalala

    ReplyDelete
  2. kakaaliw ang mga linya.....hehehe....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sana maaliw ka pa sa mga susunod na chapters xD HAHA thanks po :*

      Delete
  3. Hala ka prue dalawa prince charming mo...choose d best. Cute ng story. Tnx tzekai.

    Randzmesia of QC

    ReplyDelete
  4. BWAHAHAHHAA! pangisi-ngisi ako rito . :DDD
    kakaliw talaga ng story mo tziks.
    pati ako kinikilig ee. HAHA :">

    ReplyDelete
    Replies
    1. mabuti naman kung ganon haha! Lets just smile xD HAHAHA

      Delete
  5. Hahhaha love it sobra tlaga!!harry from dubai..

    ReplyDelete
  6. http://www.wattpad.com/user/gravityoflove

    Hello guys! Share ko lang po yung wattpad ko. I made a story entitled Still Into You. Hope you try reading it. And please do leave a comment too! :)

    ReplyDelete
  7. Ihahanda ko na lang ang sarili ko sa mga hurtful moments.
    Ngayon lang 'tong mga kilig moments. Hahaha. In-enjoy ko lang.
    Swerte naman ni PRUDENCIO, may childhood friend na gwapo at may PRINSIPE pa. Hahaha.

    How I wish, that was me.

    Keep it up po. More twist and turns!

    ReplyDelete
    Replies
    1. OMG! Naramdaman mo na yung huricane na padating sa kanila? Haha Im sorry pero brutal ako sa ganun haha! Abangan :)

      Delete
  8. nakakakilig na nakakatuwa! hihihi bet na bet ang love story tzek! love it!

    ReplyDelete
  9. Hahaha ganda nito mx update na magbabasa muna ako masaya ksi to eh.

    ReplyDelete
  10. Friend paganda ng paganda to ahh at pahana ng pahana ang hair ni prue... Jheslhee here..

    ReplyDelete
  11. pweding malaman wattpad mo author ?

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails