Followers

Monday, May 6, 2013

Ang RnB 8



Sa bawat Province, Bayan , Intersection, Stoplight at Gas Station na madaanan ng Revo nina Wax pabalik sa Manila ay kasabay na inuunti-unti ni Wax ang pagtanggap niya sa kaniyang sarili sa kung ano talaga ang kasalukuyang situation nila ng kaniyang Best Friend na si Josh.
Habang payapang binabagtas ng Revo nina Wax ang High-Way ay nanatnatiling tahimik na nakatingin si Wax sa labas ng bintana kasabay ng mapanuksong paglaro-laro sa isipan nito ang mga ala-ala niyang kasama si Josh.
"Basta magPromise tayong dalawa na hindi natin makakalimutan ang isa't-isa." Ang ani ng batang si Joshua sa kaniyang Best Friend habang naka-upo silang dalawa sa bubungan ng bahay nito.
"Sige! Pinky Promise!" Ang sambit naman ng batang si Wax sa kaniyang kaibigan kasabay ng pagkakapit nilang dalawa ng kanilang mga hinliliit.
"Best Friends tayo kahit ano pang mangyari!" Ang sambit ng batang si Joshua kasabay ng lalo pang paghigpit ng kaniyang hinliliit sa kanilang pagpiPinky Promise.
"Kahit malayo tayo sa isa't-isa at kahit lumaki na tayo eh best Friend pa din tayo!" Ang sagot naman ng batang si Wax at hinigpitan na din nito ang kaniyang pagpiPinky promise.
"PROMISE!" Ang sabay na sinambit na malakas ng dalawang bata sa isa't-isa.
Malalim na nagbuntong hininga si Wax pagkatapos na maglaro sa kaniyang diwa ang pangakong binitawan nila ni Josh sa isa't-isa noong mga bata pa sila.
"Ayokong mawala ka sa akin..." Ang hindi mapigilang naalala ni Wax na sinabi sa kaniya ni Josh noong silang dalawa'y nakaupo sa bubungan pagkagaling nilang dalawa sa Capulahan Beach.
Ikinurap-kurap muli ni Wax ang kaniyang dalawang mga mata dahil hindi talaga niya mapigilang mamuo ang kaniyang mga luha sa kaniyang mga mata.
Labis na dinamdam ni Wax ang kaniyang nararamdamang hinagpis ng mga saglit na iyon dahil talaga namang hindi niya matanggap-tanggap ang kakaibang nangyari sa kanila ni Josh.
Hindi talag maipaliwanag ni Wax kung gaano kasiya noon nang makita niyang muli itong si Josh at nang makasama't makapiling niya muli ito.
Hindi na napigilan ni Wax ang pagbagsak muli ng kaniyang matatabang luha mula sa mga namumugto niyang mga mata.
Naaalala pa din niya na puno siya ng pag-asang sumunod kay Josh sa Calauag Quezon at talaga namang ninamnam niya ang bawat saglit na kasama niya ang kaniyang Best Friend sa Probinsya.
Napangiti si Wax habang patuloy ang kaniyang pagluha nang maalala niya na nagkaroon siya ng Crush kay Josh habang nasa Calauag siya't hindi talaga niya inaasahang ipinaalam din sa kaniya ng kaniyang Best Friend na ganoon din pala ang nararamdaman nito para sa kaniya.
Sobra ang kaligayahan na naramdaman ni Wax sa mga panahong iyon at kung kailan ay nasa Rurok na sila ng kanilang pagkakaintindihan ni Josh ay bigla-bigla namang mangyayari ang hindi nila inaasahan.
Nang mga sandaling iyo'y gustong magwala't sumigaw ni Wax sa loob ng Revo dahil napakasaklap talaga ang sinapit niya dahil kung gaano katamis at kasaya ang naranasan niya habang nasa Probinsiya siya't kapiling ang taong minahal niya'y ganoon din naman ang pumalit na kapighatiang naranasan niya.
Ang akala talaga ni Wax ay napakaOA talaga ng mga napapanood niyang Movies pero ngayo'y talaga namang nanininiwala na siyang totoo palang nangyayari iyon sa mga broken hearted based on what he experienced.
Iyon ang unang pagkakataong talagang naInlove si Wax at sa Best Friend pa niyang si Josh kaya nama'y labis-labis ang sakit na kaniyang naramdaman.
Alam din ni Wax na hindi siya labis na masasaktan kung ordinary na break-up lang ang nangyari sa kanilang dalawa ni Josh pero talagang masaklap sa kaniya na sa isang iglap lamang ay nakalimutan ni Josh ang kanilang pinagsamahan sa Calauag at ang kapalit nito'y ang pagka-ala-ala muli ni Josh ng kaniyang Childhood Memories na kasama siya.
Ang kanilang Mutual Understanding at ang pagkakaroon nila sa bawat isa ng Love na more than just Best Friend ay parang bulang naglaho at napalitan at bumalik muli sa pagiging magBest Friend.
Nag-inhale and Exhale si Wax at kahit ayaw man niyang gawin ay nagDecide siya rightaway at that moment na tanggapin na lamang ang kanilang Destiny ni Josh na hanggang magBestFriend na lamang sila.
Alam ni Wax na it will take time para matanggap niya ang reality na iyon ngunit wala siyang magagawa kung iyon talaga ang kanilang kapalaran.
Pag-aaralan niyang maAbsorb ang Fact na iyon ng paunti-unti kasabay ng pagHilom at pagRecover ng kaniyang Broken Heart.
"Haaaissst..." Napabuntong hininga na lamang si Wax dahil napakalaki ng question mark sa kaniyang isipan kung kailan kaya dadating ang time na magiging okay na siya.
"Mahirap talagang maFirst love." Ang nasambit ni Wax sa kaniyang sarili.
"Oist Dre! Okay ka lang ba dyan?" Ang concern na tanong kay Wax ng Drummer na si Dennis.
"Don't worry. NamiMiss ko lang sila." Ang matamlay na sagot na lamang ni Wax dahil hindi na niya naitago ang kaniyang pag-iEmo sa kanilang Drummer.
Wala na siyang pakialam kung makita siya nitong si Dennis sa ganoong situation dahil na kita na din naman niya itong naHeartBroken at mas masahol pa ito sa kaniya kung Mag-Emo.
"Kain tayo." Ang biglang pagyaya ni Dennis kay Wax habang nagdriDrive ito. Malapit na kasing magtakipsilim sa mga oras na iyo't hindi sanay si Dennis na hindi nagmeMerienda.
"Sige. Text ko lang sila." Ang mahinang sambit ni Wax kay Dennis habang kinakapa niya sa kaniyang bulsa ang kaniyang iPhone para iText ang kanilang mga kaBandMates na nasa ibang sasakyan.
"Nasa BackPack ko ata yung Phone ko. Pahiram nalang ng phone mo." Ang sambit ni Wax kay Dennis nang malaman niyang wala sa bulsa niya ang kaniyang iPhone.
"Sabihin mo sa kauna-unahang Jollibee na madadaanan natin." Ang sambit naman ni Dennis kay Wax habang iniabot niya dito ang kaniyang iPhone.
"Ayaw mong mag Mang-Inasal?" ang tanong naman ni Wax kay Dennis.
"Jollibee na lang." Ang sambit muli ni Dennis.
"Sige na nga." Ang reply naman ni Wax sa kaniyang Drummer habang nagsisimula na siyang magCompose ng SMS message para iSent sa mga kasamahan.

*********************************

Nang wala nang maipatak na luha itong si Josh ay nagpalipas na lamang siya ng oras sa panonood ng paghampas ng mga alon sa batuhan ng Capaluhan Beach at nang magsawa na ito ay naglalakad-lakad siya sa kahabaan ng dalampasigan at pilit na iniaalis nito sa kaniyang isipan ang larawan ng kaniyang Best Friend na si Wax.
Gustuhin mang ibalik ni Josh ang nakalipas na gabi't bawiin ang lahat ng kaniyang sinabing kasiungalinga'y it's very impossible na and he doesn't have any choice at all but to Continue na lamang ang kaniyang pagsisinungaling at pagPapanggap sa lahat.
Alam ni Josh na nasaktan niyang labis si Wax dahil kitang-kita't ramdam na ramdam niya ang kalungkutan ng kaniyang Best Friend matapos niyang sabihing hindi niya naaala-ala ang kanilang pagsasama nang nagStay ito sa kanilang bahay for almost a week.
Ang pinakamahirap sa lahat para kay Josh ay siya mismo ang labis na nasaktan sa kaniyang ginawa dahil katulad ni Wax ay ito din ang pinakaunang pagkakataong maInlove itong si Josh.
Sa napakahabang panahong ikinubli ni Josh sa lahat ang kaniyang real Sexuality at sa napakahabang panahon din niyang pagtatago ng kaniyang totoong damdamin towards the same sex ay kay Wax lang siya nagpakatotoo't nakaranas kung gaano kasiya't kasarap ang magkaroon ng ka-M.U.
Noon lang naranasan ni Josh ang umakbay at makayakap ng wagas sa kaniyang kapwa gender at napatunayan ni Josh sa kaniyang sarili na napakasarap pala sa pakiramdam at sa puso na ginagawa mo ito sa taong mahal mo.
Kahit na naging maikli lamang ang pinagsamahan nila ni Wax ay hindi iyon naging isang hindrance na magOut siya't ihayag ang kaniyang true feeling at magtapat sa kaniyang kaibigan.
Kahit na hindi maipaliwanag ni Josh sa kaniyang sarili kung bakit ganoon na lamang kalallim ang kaniyang feelings para kay Wax ay hindi na niya ito inalintana. Basta ang alam niya'y masaya siya kapag nakikita niyang masaya si Wax at ang pakiramdam niya'y kumpleto na ang kaniyang pagkatao tuwing kapiling niya ang kaniyang Best Friend na si Wax.
Mas lalo pang naliwanagan itong si Josh nang bumalik ang kaniyang Childhood Memories niya kay Wax at napagtanto niya na kaya naman pala ganoon na lamang ang kaniyang Feelings kay Wax ay dahil parte na ito ng kaniyang buhay at nasa kaniyang puso na ito sa simula't sapul pa lamang.
"Haiissssttt..." Ang nasambit na lamang ni Joshua just like Wax dahil wala na din siyang magagawa kung hindi just go with the flow sa kaniyang nasimulan.
Hindi naman masisisi itong si Josh dahil just like many Bisexuals ay nahihirapan din siyang tanggapin ang kaniyang buong pagkatao't kahit in His age and all the information na alam niya'y hindi pa din siya handang magOut at ipaalam sa lahat ang kaniyang tunay na pagkatao kaya niya nagawa ito kay Wax.
After a few hours ng pagStay ni Josh sa Capaluhan Beach ay nagDecide na din itong umuwi na at kahit anumang gawin niya'y hindi maibsan ng magandang scenic view ng papalubog na araw sa horizon ang naramramdaman niyang kalungkutan.
"Kasalan mo ito..." Ang nasambit ni Josh para sa kaniyang sarili dahil alam niyang panghabambuhay niyang pagsisisihan ang kaniyang ginawa.

*********************************

Hindi na namalayan ni Josh na naglalakad na pala siya sa kanilang kalsada ng kanilang Baranggay papauwi sa kanilang House dahil ang laman lamang ng kaniyang isipa'y itong si Wax. Bumalik lamang sa Earth ang kaniyang diwa nang maudlot ang kaniyang pagreReminisce ng mga times na kapiling niya si Wax nang makita niya ang nakaharang sa kaniyang kalsadang kaniyang dadaaan.
Kahit na nasa maximum level ang pag-iEmo ni Josh ay hindi niya mapigilang mapangiti nang makita niya ang buong tropa ng mga Sigang Askal na nasa gitna ng kalsadang dadaanan niya.
Hindi naiwasang magtama ang mga paningin ni Josh at ang matalim na paningin sa kaniya ng Askal ni Tandang Sora na nasa center ng Grupo.
"Grrrr.... Grrrr... Grrrr... GRRR..." Ang ungol lang ng Askal ni Tandang Sora sa papalapit na si Josh.
"GRRR... GRRR... GRRR..." Ganoon din ang ungol ng mga nakapalibot na tropa ng Askal ni Tandang Sora kay Josh. Kitang-kita nila kasi sa mga ngiti sa labi ni Josh na may masama itong binabalak sa kanilang leader.
"Hindi kayo makakahol ano?" Ang nakangising panunukso ni Josh habang pumupulot siya ng mga batong ipampupukol sa mga aso.
"GRRR... GRRR... GRRR..." Ang malakas at galit na pag-ungol ng Askal ni Tandang Sora habang kinakabahan niyang pinagmamasdan ang pagpili ni Josh sa mga batong pinupulot nito.
"GRRR... GRRR... GRRR..." Lalo pang nilakasan ng Askal ni Tandang Sora ang pag-ungol upang masindak itong nakakalokong si Joshua pero deep inside ay nangangatog na ang mga tuhod ng sigang leader ng mga Askals.
Kakatapos lang kasing makipagSex ang Askal ni Tandang Sora at nakaConnect pa siya sa kaniyang Partner nang matyimpuhan silang makita ni Josh.
Halos nanlaki at namilog ang dalawang mata ng Sigang Leader ng mga Askal nang makita niyang nag-Aim na ang kaniyang kaaway na si Josh at talagang natakot siya dahil napakalaki ng batong hawak-hawak ni Josh at sure na sure ang Askal ni Tandang Sora na siya ang Target ng malokong Barista.
"Grrr... Grrr... Grrr..." Kahit na ang mga kaTropa ng Askal ni Tandang Sora'y nanginginig na din sa takot para sa kanilang leader dahil ilang seconds lang ay pauulanan na ito ng mga bato ni Josh.
"Sayang! Hindi man lang nakita ito ni Wax..." Ang wala sa isipang biglang masayang nasambit ni Josh bago niya batuhin ang nakaVolt-In na Sigang Askal.
Matapos kasing awayin noon ng Askal ni Tandang Sora at ng mga kaTropa nito sina Josh at Wax ay naging kaugalian na ng magBestFriend na sa tuwing makikita nilang nakikipagSex sa gitna ng kalye ang Sigang Askal ni Tandang Sora'y hihintayin nila itong matapos at saka nila ito pagbabatuhin habnag nakaVolt-in pa ito sa kapartner nito.
Ito ang dahilan kung bakit talaga namang kumukulo ang dugo ng Askal ni Tandang Sora sa magBestFriend dahil naging Hobby na ito ng dalawang bata hanggang sa lumuwas at tumira na nga itong si Wax sa Manila.
"Grrr... Grrr... Grrr... GRRR... HMMMM???" Ang biglang naiusal ng Askal ni Tandang Sora dahil sure na sure siya na ipupukol na talaga sa kaniya ni Josh ang hawak nitong napakalaking Bato.
Nagulat talaga ang Askal ni Tandang Sora nang makita niyang matamlay na ibinaba ni Josh ang nakaambang kamay nito't matamlay na binitawan ni Josh ang kaniyang hawak na malaking bato. Hindi talaga makapaniwala itong Askal ni Tandang Sora dahil everytime talagang matitiyempuhan siya ni Josh na nakaVolt-in sa mga nakaSex niyang Random Guys na Dog ay binabato talaga siya nito.
Kung gaano kasaya at kaExcited si Josh at that moment ay biglang naging Gloomy ang kaniyang mood at talaga namang nalungkot siya nang maala-ala niya ang kaniyang Best Friend na si Wax.
Bagsak ang dalawang balikat at nakaHunch na nakaPamulsa't tahimik na naglakad at nilagpasan na lamang ni Josh ang Grupo ng Askal ni Tandang Sora at wala siyang pakialam kahit na pinagtitinginan pa siya ng mga ito.
Hindi naiwasang magtama muli ang mga mata ni Josh at ng nakaVolt-in na Askal ni Tandang Sora nang lagpasan ni Josh ang kanilang grupo.
Hindi maintindihan ng Pet ni Tandang Sora kung anong nangyari at bakit ganoon na lamang ang ikinilos ni Josh. Medyo naBothered ang Sigang Askal ni Tandang Sora nang makita niya ang malulungkot na mga mata ni Josh.
Tahimik na pinagmasdan na lamang ng Askal ni Tandang Sora at ng kaniyang mga kaTropa ang matamlay na paglalakad ng kanilang kagalit na si Josh dahil affected na affected sila sa matinding kalungkutan ng Barista.
Hindi na namalayan ng Askal ni Tandang Sora na Disconnected na pala siya sa kaniyang kapartner dahil sinusundan pa din ng kaniyang paningin ang naglalakad na si Josh papauwi sa bahay nito.
Kahit na ayaw aminin sa sarili ng Pet ni Tandang Sora ay aminado itong parang kinurot ang kaniyang puso dahil sa hitsura ng bagsak at talunang mukha ni Josh.

*********************************

"Fuck naman!" Ang galit na sambit ni Wax habang nakaupo siya sa Jollibee kasama ang kaniyang Band.
"Anyare?" Ang sambit ng kanilang Bassista kay Wax.
"Wala dito ang iPhone ko!" Ang reply naman ni Wax habang nagsisimula muli siyang halughugin for the 5th time ang loob ng kaniyang 'The NorthFace' na backpack.
"Hinanap mo ba ulit sa loob ng Revo?" Ang tanong naman ng kanilang Keyboard player kay Wax.
"Oo..." Ang mahinang sambit naman ni Wax. Hindi na niya nakain ang 2 pieces Chicken Joy with Rice na inOrder niya.
"Baka naman nakalimutan mo sa bahay nina Aling Myrna." Ang sambit naman ni Dennis kay Wax na bigla namang ikinatigil at ikinatahimik ng isa.
"Text mo na lang sila at ipaCheck kung naiwan mo yung iPhone mo." Ang sambit muli ng kanilang Bassista. Nanatiling tahimik lamang si Wax dahil kanina pa pumasok sa kaniyang isipan ang possibility na iyon.
"May Number ako ni Ate Helen. Wait lang... Text ko." Ang sunod na sambit naman ni Dennis.
Hindi alam ni Wax ang dahilan kung bakit biglang pakiramdam niya'y para bang bumabaligtad ang kaniyang sikmura't para ba siyang maiihi na ewan.

*********************************

"SAN KA GALING?!" Ang galit na pagsalubong ni Aling Myrna nang makapasok na si Josh sa bahay.
"Anyare?" Ang biglang naitanong ni Ate Helen nang makita niyang matamlay na naupo ang kaniyang kapatid sa Sofa.
Tahimik na nagtinginan ang mag-inang Aling Myrna't Helen at pagkatapos ay pinagmasdan nilang muli si Josh na nakasalampak sa Sofa't nakapikit na para bang pagod na pagod. Normal na kasi sa mag-inang makita't marinig na sasagot at mangangatuwiran itong si Josh kaya nama'y labis-labis ang kanilang pagtataka nang nanatiling tahimik lamang ito.
"Josh..." Ang mahinang sambit ni Ate Helen sa kapatid.
"Ano yun Ate..." Ang matamlay na reply naman ni Josh. Nananatiling nakapikit pa rin si Josh.
"Wala..." Ang biglang sagot naman ni Ate Helen sabay hila sa isang kamay ng kaniyang Nanay papasok sa loob ng kusina. Kilalang-kilala na ng mag-ina itong si Josh kaya nama'y napagdesisyunan nilang kausapin na lamang ito mamayang hapunan at ramdam na ramdam nilang may kakaiba kay Joshua.

*********************************

"Hindi ka ba talaga mapagsabihang huwag ng magkape sa kuwarto mo?!" Ang biglang nasambit ni Aling Myrna sa anak habang naghahapunan na sila.
"Ha?! Eh hindi na naman po ako nagkakape sa kuwarto ah!" Ang defensive na sambit agad nitong si Josh. Lagi na lamang kasing pinagtatalunan ni Aling Myrna at nitong si Josh ang hobby nitong pag-inom ng Coffee sa kuwarto't pag-iiwan ng tasa sa bedside table nito.
"Huwag ka ngang sinungaling! Nilabhan ko na yung ibinabad mong bedsheet! Nagkape siguro kayo ni Wax sa kuwarto!" Ang sambit naman ni Ate Helen na biglang ikinaputla ni Josh.
"Halatang guilty ka! Kahit na ibinabad ko pa ulit sa Ariel at pinaikot ko na ng ilang beses sa washing machine ang bedsheet mo eh hindi pa din matanggal-tanggal ang mantsa!" Ang sunod na sinambit muli ni Ate Helen na siyang lalo pang ikinaputla ng mukha ni Josh.
Nakalimutan na kasi ni Josh na asikasuhin ang ibinabad niyang Bedsheet na namantsahan ng Dugo ni Wax noong isang araw.
"Pasalamat ka't kasama mo si Wax na nagkape!" Ang sambit naman ni Aling Myrna dahil pinalagpas niya ang anak sa kaniyang panenermon.
"Oo nga pala. NagText sa akin si Wax. Nakalimutan niya yung iPhone niya. Nakita ko sa may kusina. PakiLBC na lang daw sa kaniya." Ang sambit ni Ate Helen nang maalala niya ito.
"HOY! NAKIKINIG KA BA?!" Ang biglang bulyaw ni Ate Helen sa kapatid nang nanatiling nakatanga at nananahimik ito.
"HA?! Ah... Eh... Si-sige Ate..." Ang nagulat at nauutal na nasambit na lamang ni Josh.
"Bukas." Ang pagtatapos na sinabi ni Josh kay Ate Helen.
"Okay ka lang ba anak..." Ang hindi maiwasang pag-aalala ni Aling Myrna sa anak. Kinukutuban talaga itong si Aling Myrna sa anak nang hindi ito sumama sa paLunch ni Banessa at sa matamlay at kakaibang ikinikilos ni Josh nang umuwi ito.
Nanatiling tahimik lamang si Josh hanggang sa matapos ang kanilang hapunan at mahugasan na nito ang kanilang pinagkainan.
"Ang aga mo namang magtatarangka?" Ang gulat na sambit ni Aling Myrna sa anak nang mapansin nilang naglaLock-up na itong si Josh.
"Gusto ko na pong magpahinga." Ang mahinang sambit lamang ni Josh sa kaniyang Nanay.
"Sige na. Kami na lang pagkatapos ng pinapanood namin. Matulog ka na." Ang sinabi naman ni Ate Helen sa kapatid. Tahimik na lamang na tinignan ng mag-ina itong si Josh nang umakyat na ito sa taas.
"Problema nun?!" Ang naibulalas na nasambit na lamang ni Aling Myrna habang itinuon na nilang mag-ina sa kanilang pinapanood na TeleNovela ang kanilang buong attention.

*********************************

Tahimik lamang na nakahigang pinagmamasdan ni Josh ang kaniyang hawak-hawak na iPhone ni Wax.
Hindi niya napigilang tignan ang mga features nito't sa bandang huli'y kaniyang tinignan ang photo album sa iPhone ni Wax.
Gumuhit ng unti-unti ang ngiti sa mga labi ni Josh habang pinagmamasdan niya ang mga images sa photo album sa iPhone ni Wax.
Nakita niya ang mga nakunang mga moments sa sa buhay ni kaniyang Best Friend sa iPhone nito.
Ang mga still imagaes habang tumutugtog si Wax sa stage ng isang Bar, may mga images pa ito na kasama ang kaniyang Band at lalo pang ikinatuwa ni Josh ng mga sandaling iyon nang makita niya ang mga images na nakunan sa iPhone ni Wax noong kasama pa nila ito sa bahay.
Nandoon ang images na kasama ni Wax si Ate Helen at ang Nanay niya, Silang magkaClassmate noong nag-iinuman sila sa Sari-sari Store ni Tandang Sora, Ang Gabi ng paSanta Cruzan ni Banessa at ang mga images noong Fiesta at last ay ang group picture nilang magkaClassamte nang nagNight Swimming sila sa Capaluhan beach.
Muling inisa-isa ni Josh ang pagtingin niyang muli sa mga images at napatigil siya kasabay ng kaniyang magbuntong hininga.
Matagal niyang pinagmasdan ang image na iyon na nakaSave sa iPhone ni Wax.
Unti-unting nalusaw ang stress na buong maghapong naramdaman ni Josh ng mga Sandaling iyon at ang kaniyang kalungkutang naramramdam sa kaniyang puso'y napalitan ng pag-asa habang masaya niyang pinagmamasdan ang picture nila na magkasama ni Wax na nagluluto ng Buko Pie.
Hindi maipaliwanag ni Josh ang bigla niyang naramdaman sa mga sandaling iyon kaya nama'y ipinikit na lamang niya ang kaniyang dalawang mata kasabay ng pagpatong niya sa kaniyang dibdib ng kaniyang kamay na may hawak sa iPhone ni Wax.
Bago makatulog si Josh ay nagnais siyang makita muli itong si Wax.
Nais niyang ituwid ang lahat-lahat.
Kahit na may nararamdamang slight na Fear sa kaniyang Heart itong si Josh ay nabuo ang kaniyang Decision na magpaalam na ng maayos sa kaniyang BestFriend na si Wax.
Si Wax na minahal niya ng totoo't walang pag-aalinlangan.

*********************************

Kung gaano kaRelax ang tulog ni Josh ng gabing iyo'y kabaligtaran naman ang nangyari sa kaniyang BestFriend na si Wax.
Tuloy-tuloy itong si Wax sa kaniyang Room nang maka-uwi na sila ni Dennis sa kanilang Apartment. Hindi na nagpalit ng pambahay si Wax at hindi na din nito ibinababa sa kaniyang Revo ang kaniyang mga gamit.
Nakatulog na lamang si Wax dahil sa sobrang pagkapagod sa pag-iyak at pag-iEmo nito dahil talagang hindi siya makaGetOver sa nangyari sa kaniya't buong gabi siyang nagSelfTorture hanggang sa makahimbingan na lamang niya ang kaniyang ginagawa.

*********************************

Muling nagpaalam muli kinabukasan kay Wax ang kanilang Drummer na si Dennis na uuwi muli ito sa kanila sa Laguna at nagbilin na lamang siyang iText na lamang siya sakaling kinakailangan siya.
Bago umalis itong si Dennis ay pinilit talaga niya itong si Wax na sumama na lamang sa kaniya dahil concern siya sa kanilang Lead Vocal and Guitarist dahil sa unusual sad behavior nito.
NagExplain na lamang si Wax kay Dennis na baka ihatid ng LBC ang kaniyang iPhone mamaya dahil naalala ni Wax na nagText nga pala itong si Ate Helen kay Dennis kagabi na today ng umaga nila ipapaLBC ang naiwang iPhone ni Wax sa kanila at baka dumating nga ito ngayong hapon.
Hindi na nagpumulit pa itong si Dennis at tumanggi ulit ito nang inalok siya ni Wax para ihatid sa Terminal. Alam ni Dennis na may kung anong kakaiba sa kaniyang kaibigang si Wax ngunit just like before ay hihintayin na lamang niya itong magOpen up and ikuwento ang dinadala nitong probema.

*********************************

Halos walang ginawa si Wax pagkaalis ni Dennis kungdi'y abalahin nito ang kaniyang sarili sa kung ano-anong gawain.
Nadoon ang maglinis siya ng kaniyang Revo at pagkatapos nama'y isinunod niya ang labas ng kanilang apartment. Hindi din pinaligtas ni Wax na linisin ang loob ng kanilang apartment at pati na din ang loob ng kanilang maliit na ref. Last na nilinis ni Wax ay ang kaniyang Room.
Pagkatapos na masatisfy ni Wax ang kaniyang sarili sa paglilinis ay naglaba ito ng kaniyang mga pinagdamitan from his stay in Calauag at pati na din ang mga labahan ni Dennis ay isinama na rin niya.
Nang matapos na makapaglaba itong si Wax ay saka lang siya naligo at habang naliligo siya'y isinabay na din niya ang paglilinis niya ng kanilang banyo sa apartment.
"Come on!" Ang angal ni Wax nang maupo siya sa kaniyang Bed dahil nakita niya ang time na wala pa palang 11:00am.
Nagdadabog na humiga itong si Wax sa kaniyang bed at talaga namang kahit ayaw niyang maalala muli ang masaklap na nagyari sa kanila ni Josh ay wala siyang nagawa.
Wala pang ilang seconds nang ipinikit ni Wax ang kaniyang mga mata upang simulan na muli ang kaniyang pag-iEmo'y biglang tumunog ang kanilang DoorBell.
"Ampotah! Panira naman ng Moment!" Ang galit na nasambit ni Wax kasabay ng mabilis niyang pagbangon. Papatulo na kasi ang kaniyang mga luha nang marinig niyang may nagDoorBell.
"Ang bilis naman." Ang muling nasambit ni Wax nang biglang pumasok sa kaniyang isip na baka ito na yung kaniyang iPhone na ipinaLBC ni Ate Helen.
Nagpunas muna si Wax ng kaniyang mga mata gamit ang likod ng kaniyang kamay at tumingin muna siya sa Wall Mirror nila sa maliit na sala ng kanilang apartment bago tuluyan niyang binuksan ang pintuan ng kanilang Apartment.
"Josh..." Ang hindi makapaniwalang nasambit ni Wax nang makita niya ang kaniyang BestFriend na nakatayo sa Gate ng kanilang Apartment.

*********************************

"Im so sorry Wax..." Ang nahihiya't mahinang nasambit na lamang ni Josh habang pinagmamasdan niya ang kaniyang BestFriend na nakatungo't humihikbi.
Buong tapang na nagtapat kasi itong si Josh at humingi ng paumanhin kay Wax para sa ginawa niyang pagpapanggap at pagsisinungaling dito.
"Wax..." Ang muling sambit ni Josh nang hindi niya maringgan ng reply ang kaniyang kaharap.
"Sorry talaga..." Ang muling binigkas ni Josh kay Wax at hindi na siya nakatiis pa't tinabihan na  niya ang kaniyang BestFriend sa Sofa't mahigpit na niyakap. Just like his BestFriend Wax ay hindi na rin napigilan ni Josh ang pagpatak ng kaniyang mga luha.
Kahit na masakit at mahirap na tanggapin sa kanilang mga sarili'y naRealized at napagDesisiyunan na ng Rakista at ng Barista na mas magandang maging magBestFriend na lamang sila't mas lalo pa kasi silang mahihirapan sakali mang ituloy nila ang kanilang Relationship dahil sa nalalapit na pag-aAbroad nitong Rakistang si Wax.
"So this is it..." Ang mahinang sambit ni Wax.
Nananatili siyang nakatungo't hindi matignan-tignan ang kaniyang Best Friend. Niyakap na lamang siya ng mahigpit ni Josh bilang pagConfirm dahil hindi makahugot ng sasabihin itong si Josh.
"I'm so sorry..." Ang muling sinambit ni Josh.
"I'm so sorry too..." Ang reply naman ni Wax.
Pareho ang nararamdaman nina Josh at ni Wax ng mga sandaling iyon.
They feel so Sorry for each other dahil hindi nila napigilang mahalin ng mas higit pa sa kaibigan ang bawat isa. Alam nilang napakaChildish ng kanilang ginawa pero in Reality nama'y tanggap nila ang Consequences ng pinasok nila.
Nagpakatotoo lamang silang dalawa at alam nila sa kanilang mga sarili na baka mas lalo pa silang masaktan kapag pinagpatuloy pa nila ang kanilang Relationship.
"I love you Josh..." Ang hindi mapigilang masambit ni Wax na lalo pang nagpahirap sa kanilang mga nararamdaman.
"I love you too..." Ang mahinang reply naman ni Josh sa kaniya.
Mga paghikbi't pagsinghot na lamang ng dalawang magBestFriend ang narinig sa apat na sulok ng maliit na sala ng apartment nina Wax at nanatili ang dalawa sa kanilang matagal na pagkakayakap.
"Can you stay for the night..." Ang mahinang sambit ni Wax sa kaniyang BestFriend na si Josh.
"I can..." Ang mahinang reply naman ni Josh at hindi niya mapigilang marahang ilapat ang kaniyang mga malalambot na lips sa forehead ng yakap-yakap niyang kaibigan.

*********************************

Wala nang inaksayang mga sandali't ninamnam nina Josh at Wax ang bawat saglit na kapiling nila ang bawat isa...
Sa bawat paglalapat ng kanilang mga halik sa labi ng bawat isa...
Sa bawat  paglalapat ng kanilang mga katawan...
Sa pagdampi ng kanilang mga labi sa katawan ng bawat isa...
Sa paghaplos ng kanilang mga palad sa kanilang mga balat...
Muling pinagsaluhan ng dalawa ang huling gabing makakapiling nila ang bawat isa...
Ang bawat saglit ng kanilang huling gabi na maipapakita na mahal na mahal higit pa sa isang kaibigan ang bawat isa...




To Be Continued

49 comments:

  1. Embedded music comes from Leah Salonga's
    Friend Of Mine and Bakit Labis Kitang Mahal

    Good Evening Po :)))

    Take Care po kayong palagi and Regards to your families :)))

    I already updated my of the story, Click the title below if you want too read it :)))

    Nakitulog Ang Kumpare Ng Daddy Ko 2

    ReplyDelete
  2. Replies
    1. Siempre naman kasi Uno ang name mo kuya Uno :)))
      (Corny hahaha)

      Delete
    2. una, uno, haha natawa aq dun xD

      Delete
  3. Wow my upadate thanks ponse...

    ReplyDelete
  4. ayeeeeeee.. kinilig ako sa last part

    pero ang dami kung tawa sa chapter na'to sa eksena ni Josh at Pet ni Tandang Sora hahahahha at ang nagbigay sa akin ng super halakhak ay ang "KAPWA GENDER" hahahahahah ang sosyal mo talaga mag salita hahahah taga Forbes Park kaba Kuya Ponse? haahhahahha super Conyo

    ReplyDelete
    Replies
    1. parang hindi tayo magkaFB kuya PJ :))) Hahaha :)))

      Delete
    2. hahahaha saan na si negra at kalbo?

      Delete
    3. gagawin ko pa :))) kuya PJ :)))

      Delete
    4. gawin mo na plsss hehehe like ko talaga itong si charito kasi conyo din hahahaha

      Delete
  5. Bat ganun affected ako sa nangyari ky Josh at Wax...
    Nalungkot tuloy ako...😞

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganyan talaga kuya Richie dahil malapit ng matapos :)))

      Delete
  6. Sad. :( nakakalungkot naman..

    - gavi

    ReplyDelete
    Replies
    1. tenchu po mr.Gavi sa pagbasa't pagIwan ng Comment :))) Just trust Ponse on this one :)))

      Delete
  7. ay bkt? kala q ba aayusin? bt hwalay pa dn? at my breakup sex pa? tsk tsk d q gs2 mga ngyayari alpy :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. inayusan naman Lawfer ah...??? Inayusan nila ang pagbabaBye :)))

      Delete
    2. ayoko, alpy! ayoko ng babay :(

      Delete
  8. Naloka ako sa mga askal ni Tandang Sora ...:) hindi kc maiwasan na mapag usapan sa group ung mga Askal ni Tandang Sora ...

    Mas excited ako sa ending nito , gaya nung sinabi mo sa akin bgo mo pa simulan itong gawin ...

    ReplyDelete
    Replies
    1. malapit na Ate Joy at dalawang postings na laang ito :))) katapos bago na naman ulet :)))

      Delete
  9. Kuya p kahit ako affected. Bakit kelangan maghiwalay tapos magsesex.? Hayyyy anyways i trust ur story na magkakaroon ng magandang twist at happy ending pa din.
    Speakibg of aso ni tandang sora, bigyan mo naman ng name yung mga un. In fairness buti pa sila may sexscenes. Hahaha.
    Hala kuya p may dala bang band aid si josh? Baka sya naman ang mangailangan nun hehehe... exchange roles.

    Keep it up kuya p. Mwahhhhh

    ReplyDelete
    Replies
    1. tawag doon Mr.Stan Break Up Sex :))) Uso ypo yun :))) Hahaha! :)))

      Delete
  10. Ouch naman ng chapter na 'to. Baket ganun na lang lagi sa ganitong relasyon, laging naghihiwalay? Laging me limitasyon? Humpf! Pero mas ok na siguro ang ganito para kena Josh at Wax. Tsk tsk!

    Ahrael

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wala namang nakalagay na naghiwal kaya sila Jec :))) May tinigil lang nila ang kanilang Relationship na more than just a friend :))) kaya :)))

      Delete
    2. Wah, sa sinabing mong iyan Kuya Ponse, tama ba na mag-assume ako na pwede pa ding maging sila? Assuming-much lang ako. Hahaha!

      P.S.: Oh no, bigla tong pumasok sa isip ko. Hahaha! Magiging FuBu(?) sila?

      Ahrael

      Delete
    3. Eeeeennngggg! Maling hula Jec :)))

      Delete
    4. Whoa! Okey Kuya Ponse, masama bang magsuggest? Hahaha

      Ahrael

      Delete
  11. Sa katulad kong adik neng , kinikig ako sa tambalan nilang dalawa ...:))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naman Ate Joy :))) hahaha!!! :)))

      Delete
  12. na iimagine ko sobrang passionate nilang nag sex nila Josh at Wax.After that wala na -_-sad naman :(( anyway, I'm seeing a guy right now I hope it would go well... :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi mo naman siguro naging bestfriend yang Guy na yan kuya Papz :))) ???

      Delete
    2. hindi naman newly found friend! >:) ahaha mahirap na sa bestfriend >:)

      Delete
  13. Ang lungkot nmn ng chapter n to hay,,buti nlang pinangiti ako ng kape mo.at npatawa talaga ako asa pet mo hehehe,,pano kaya kung ung mga tao ganon din na di din agad naghihiwalay hahahha ang pangit siguro,,Salamt po kuya astig k talaga,nkakalunkot ngalang at mttapos n slmat..hi!! marian,,,,,

    ReplyDelete
  14. Ang lungkot nmn ng chapter n to hay,,buti nlang pinangiti ako ng kape mo.at npatawa talaga ako asa pet mo hehehe,,pano kaya kung ung mga tao ganon din na di din agad naghihiwalay hahahha ang pangit siguro,,Salamt po kuya astig k talaga,nkakalunkot ngalang at mttapos n slmat..hi!! marian,,,,,

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi ko yun Pet kuyang Anon :))) Pet yun ni Tandang Sora :))) Hahaha! :)))

      Delete
    2. Hello! Alam mo bang nangyari yang ganyang case ng Vaginal Lock kina Shaina at John Lloyd. Sinugod sila sa ER!

      Delete
  15. Ang kulet pati yung mga aso may gangap din. Hahahahaha! Pero over all, maganda yung story. Good job Mr. Ponse. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamuch po sa pagbasa't pagIwan ng Comment kuyang Anon :))) Ponse na laang at wag mo ng lagyan ng 'Mr.' :)))

      See you after three days po :))) regards po senyong Family :)))

      Delete
    2. Luh, three days pa. :( Pero oks lang, worth the wait naman yung mga story mo Mr. Ponse eh. Btw, I'm Boom nga pala, nakalimutan kong lagay name ko sa taas. :)

      Delete
    3. Nice to meet you Mr.Boom :)))

      Delete
  16. Aww so this is the end...2 chapters pa...ano kaya ang twist? Sana maganda ang twist. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mababaw siempre ang twist Mr.LoveDoctor :))) Hahaha! :)))

      Delete
  17. Nakakaloka yang aso ni Tandang Sora Kuya Alponse!hahaha!pero in all fairness naawa talaag kay Josh..

    Sana sila pa din sa huli..kalungkot tong chapter na to Kuya.anyway mukang malapit na yata ang ending nito..

    Thanks Kuya Alponse :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Uu Mr.Delima... hanggang 10 laang yang story nina Josh at Wax :)))

      Delete
  18. wow.sana naman ay may magandang mangyari sa kanilang relayon..mas masarap ang magkaibigan na magmahalan...:)

    ReplyDelete
  19. ang sakit sakit!!huhuhuhu...sana ipagpatuloy nalang nila relasyon nila...hahaist....



    next chapter na heheheh

    ReplyDelete
  20. Ang lungkot naman ng chapter na ito. Sana they could work things out.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails