Facebook: http://facebook.com/daredevilcute.100
E-mail: alvin1665@gmail.com
Blog: allaboutboyslove.blogspot.com
Gaya ng nasabi ko, nalalapit nang matapos ang kwentong ito. Kung bakit malalaman niyo sa pagbubukas ng susunod kong story na pinamagatang "True Love"
Muli po ay nagpapasalamat ako sa patuloy na pagbabasa lalo na sa mga masisipag na commentors.
Happy Reading!
[24]
Madaling-araw na ngunit hindi pa rin dalawin ng antok si Bryan.Habang
yakap niya ang teddybear ay inaalala niya si Andrew. Hindi siya
mapakali lalo na't alam niya na nasaktan ito sa nangyari.
Nais
na niyang puntahan ito, para sabihin at ipaliwanag na ang Mama lang
niya ang may pakana ng lahat. Na kahit masaya siya sa pagbabalik ni
Sarah ay hindi iyon dahilan para mabago ang nararamdaman niya dito.
"Sobrang
nagustuhan ko Andrew. Happy Valentines." ang kanyang sinabi matapos
mabasa ang maikling note na nilagay ni Andrew sa teddy bear.
"Thanks for this gift." ang kanyang pagpapatuloy sabay yakap dito.
Sobrang siyang nalungkot lalo nat naisip na ang maaaring maging kahinatnan ng mga nangyari.
"Hindi ito pwede." ang sabi niya sa kanyang sarili sabay lakas loob na bumalikwas ng higa at nagpalit ng damit.
Matapos iyon ay nagmadali siyang lumabas ng silid at bumaba. At napahinto siya sa taong humarang sa kanya sa pinto.
"Hindi mo siya pwedeng puntahan anak."
"Gusto ko lang siya kausapin Ma."
"At
ano naman ang sasabihin mo sa kanya? Are you going to tell him na plano
ko lang ang lahat ng ito? Masaya ka naman sa ginagawa ko di ba?"
"Thank you sa ginawa mo. Pero si Andrew lang ang kukumpleto sa kasiyahan ko." ang deretsahang pahayag nito.
"Tumigil ka na sa kahibangan mo! Fiancee mo na si Sarah."
"Ikaw
lang ang nagsabi niyan. Alam mo ba Ma, sawa na ako sa ginagawa niyong
pagkontrol sa buhay ko. Malaki na ako at may sariling pag-iisip."
"Aba
sumasagot ka na ha. Nagiging bastos ka na. Hindi ka na marunong
rumespeto. Iyan ba ang tinuro sa yo ng Andrew na iyon. O yan ang
natutunan mo sa squatters na tinitirahan nila."
"You have no right
na pagsalitaan siya ng ganyan!" tumaas na ang kanyang boses sa mga oras
na iyon. "Nakakahiya ka Ma. Mataas ang pinag-aralan mo pero hindi mo
naman ginagamit. Tama bang manghusga ng tao."
"Bryan!" napasigaw na ang kanyang ina.
"Totoo
naman di ba. Alam mo bang siya ang nagpabago sa akin. Siya ang
nakapagparealize sa akin ng mga maling bagay na ginagawa ko. Sa kanya
akong naging masaya at natutong magmahal ng totoo."
"I cant believe this." ang nagtitimping pahayag ng kanyang ina.
"Ayoko nang makipag argumento sa iyo Ma. Please lang payagan niyo na ko."
"No!"
Napapailing
na lang si Bryan na bumalik sa kanyang silid. Alam niyang hindi siya
mananalo sa kanyang ina. Bukod sa magulang niya ito at mas matanda,
nangangamba rin siya sa magiging epekto nito sa pagaaral ni Andrew, na
baka tanggalin na nito ang kanyang scholarship.
__________
"Ngayon
ko lang ulit nakita ang anak ko na sobrang malungkot matapos mamatay
ang kanyang ama." ang sabi ng ina ni Andrew sa kakauwi lang na si Troy.
"Kanina
lang kinausap ko siya at sinabi niya sa akin ang lahat. Masyado nang
sinaktan ng mag-inang iyon ang damdamin ng aking anak!" ang naibulalas
ng kanyang ina dahil na rin sa sama ng loob.
"Nung una ko pa lang
siya makita sa totoo lang ay may pag-aalinlangan ako sa motibo ni Bryan.
At sa paglipas ng mga araw ay nakuha niya ang loob ko kaya napapayag
niya agad ako sa pagkakaroon nila ng relasyon. Inunawa ko na lang si Dr.
Sebastian sa pagpapahinto niya kay Andrew. Pero iba na ngayon.
Pinagplanuhan nila ang pagpapahiya at pinaglaruan lang ng kaibigan mo
ang damdamin ng aking anak."
"Naiintindihan naman ni
Troy ang mga sinabi ng ina ni Andrew. Bilang ina ay nasasaktan din ito
sa nakikita niyang kalagayan ng kanyang anak.
"Alam ko po ang
nararamdaman niyo Tita." ang tugon ni Troy. "Ngunit tulad po ni Andrew
ay naging biktima rin si Bryan ng sitwasyon. Hindi rin niya inaasahan at
nagustuhan ang mga nangyari." ang kanyang pagpapatuloy. Sinubukan
niyang depensahan ang kaibigang si Bryan.
"Pasensya na Troy sa
mga nasabi ko. Siguro tama ka pero hindi iyon dahilan para mabago ang
tingin ko kay Bryan. Kaya nakapagdesisyon na ako. Hanggat nabubuhay ako
ay ipaglalaban ko ang aking anak. Hindi ko na pahihintulutan pang
lapitan ng kaibigan mo ang aking anak."
Kita ni Troy sa ina ni Bryan ang sobrang galit kahit pa na medyo nanghihina na ito. Kaya pinili na lang muna niya ang manahimik.
Habang nag-uusap sina Troy at ang kanyang ina ay tuloy pa rin sa pag-iyak si Andrew sa loob ng kanyang silid.
"Ngayon
na lang ako iiyak. Hindi pwede na habangbuhay na lang ako magpaalipin
sa kalungkutan dail lang sa nararamdaman ko kay Bryan. Dapat na akong
magmove-on at magsimula ulit." ang sabi niya sa kanyang sarili.
Ilang
minuto pa ang lumipas nang maisipan niyang lumabas ng silid. At doon
nakita niya ang kanyang ina na natutulog sa sofa. Agad niyang nilapitan
ito.
"Kamusta ka na anak?" ang nag-aalalang tanong ng kanyang ina nang magising ito.
"Ayos lang po nay. Huwag kayong mag-alala." ang kanyang tugon sabay ngiti.
"Mabuti naman kung ganoon. Ano na ngayon ang balak mo anak?"
"Sa
totoo lang po ay sobrang nalulungkot p rin ako. Ngunit naisip ko na
hindi dapat ito maging dahilan upang gawin kong miserable ang aking
buhay. Ako na mismo ang gagawa ng paraan nay. Naisip ko po na tuluyan ko
nang iiwasan si Bryan upang di na lumala pa ang sitwasyon. Puputulin ko
na po ang aming relasyon"
"Paano mo naman sisimulan iyon anak?"
"Balak ko pong tapusin na lang ang school year nay."
"Teka ibig sabihin nito hihinto ka sa pag-aaral mo? Paano na yung scholarship mo?"
"Hindi
po ako titigil nay. Lilipat na lang siguro ako sa isang state
university. Tungkol po sa scholarship, may pangamba na akong
maaapektuhan na ito lalo na ang Mama ni Bryan ang nagbibigay sa akin
nito. Kaya naisip ko po na mag part-time job. At habang wala pa akong
nahahanap ay babalik ako sa pangangalakal. Isasabay ko na rin ang
paghahanap ng trabahong mas malaki ang sahod."
Agad niyakap ng ina ni Andrew ang anak sabay haplos ng ulo nito.
"Hindi
madaling desisyon ang gagawin mo anak. Hayaan mo, narito lang ako para
gabayan ka. Magtutulungan tayo anak, kakayanin natin ito." ang
pagpapalakas ng loob ng ina ni Andrew sa anak.
Ang
pag-uusap na iyon ng mag-ina ay pinakinggan lahat ni Troy. Lalo siyang
humanga kay Andrew sa pinapakita nitong determinasyon at lakas ng loob
bukod sa pagiging mabait nito. Hindi niya maiwasang mapangiti kaya
pakiramdam niya ay mas lalong umusbong ang kanyang pagtingin dito. Tulad
ng kanyang narinig sa ina ni Andrew, siya rin ay susuporta at tutulong
din sa kanya sa abot ng kanyang makakaya.
_________
Isang
linggo ang lumipas ay naging usapan pa rin sa buong campus ang mga
kaganapan nung gabi ng selebrasyon ng kaarawan ni Bryan. At sa mga
panahong iyon ay pilit iniiwasan ni Andrew si Bryan. Kabaliktaran naman
nito si Bryan na gustung-gusto lapitan si Andrew upang kausapin ngunit
hindi siya makakuha ng tyempo dahil sa higpit ng pagbantay ng kanyang
mama. Dahil nasa iisang unibersidad lang sila nag-aaral ay di maiwasan
ang madalas na pagkrus ng kanilang landas.
Hanggang sa isang araw ay hindi na siya makatiis at nagpatulong na kay Troy. Kinausap niya ito sa tambayan.
"Gusto
kitang tulungan tol, ngunit nagdesisyon si Andrew na hindi ka na niya
kakausapin pa. Matindi ang sama ng loob nilang mag-ina sa ginawa niyo ni
Tita."
"Hindi ko masisi si nanay kung magalit siya sa akin. Kaya
nga gusto kong kausapin sila para magpaliwanag. Sasabihin ko rin kay
Andrew na mali ang akala niya. Hindi ko gusto si Sarah, na kaibigan ko
lang siya. At hindi magbabago ang pinangako ko sa kanya. Pipilitin kong
tuparin iyon."
"Gaya nga ng sabi ko kanina, nakapagdesisyon na
siya tol. Balak na rin niyang tapusin itong taon at lilipat na raw siya
ng school."
"What? Sa...saan naman siya lilipat? Kung aalis siya dito mawawalan sya ng scholarship, tiyak na mahihirapan siya."
"|Alam na niyang hindi na siya magiging scholar pa sa susunod na pasukan tol."
Agad
nakaramdaman ng ulit lungkot si Bryan sa kanyang mga narinig dahil ito
na ang magiging hudyat ng paghihiwalay nila ni Andrew.
"Hindi
ito maari, nangako siya sa akin na hindi siya bibitaw. Ganoon na lang
ba yun susuko na lang siya. At kung yan ang gusto niya wala na akong
magagawa pa. Kaya please naman tol, huli na to, gusto ko lang siya
talagang makausap tutal aalis na rin naman siya." ang muling pakiusap ni
Bryan. Dahil sa kanyang mga narinig ay mas tumindi ang kagustuhan
niyang makita ito at masabi ang lahat ng kanyang saloobin.
Sa
mga oras na iyon ay pinagmamasdan ni Troy ang kanyang kausap.
Kitang-kita niya ang malaking pinagbago nito sa pag-uugali. Unang
pagkakataon kasing nagpakumbaba nang ganoon si Bryan. Madalas kasing
kampante lang ito dahil sa lahat ng gusto nito ay nakukuha. Isa pa riyan
ang lungkot sa mukha nito kabaliktaran ng pagiging presko nito na
palaging nakangiti na may pagka astig. Talagang napakalaki ang naging
impluwensiya sa kanya ni Andrew.
"Kung sa bagay may punto ka." si Troy. Tama naman siya, dalawang linggo na lang ang natitira at matatapos na ang school year.
"Sige
tutulungan kita tol. Susubukan ko siyang kausapin mamaya. Sasabihan na
lang kita kung papayag siya." ang kanyang pagpapatuloy.
"Salamat tol."
________
"Sigurado
ka na ba sa desisyon mo?" ang malungkot na tanong ni Dina kay Andrew
matapos sabihin nito ang kanyang naging desisyon. Nasa corridor sila
ngayong dalawa habang hinihintay ang kanilang professor sa huli nilang
subject sa araw na iyon.
"Oo. Mawawala na kasi ang scholarship ko
sa susunod na taon. Alam mo naman na mahirap lang kami at di na kaya ni
nanay ang babayaraing tuition fee."
"Grabe na talaga yang si Mam
Sebastian. Tama ba yung pati ang scholarship mo ay idadamay niya.
Napaghiwalay na nga niya kayo ni Papa Bryan e."
"Hindi natin siya masisisi. Naninigurado lang naman siya. At mabuti na rin to. Para makapagsimula na lang ulit kami ni nanay."
"Nakakalungkot naman. Mawawalan na ako ng kaibigan dito."
"Hindi naman ako mawawala, lilipat lang kami ng ibang lugar. At saka maaari naman tayong magtawagan di ba?"
"Oo. Sige good luck na lang sa iyo. Basta balitaan mo na lang ako sa mangyayari sa iyo. Huwag mo akong kalilimutan"
|Hindi mangyayari yun." ang nakangiting si Andrew.
_______
"Hi
babe nandito na ako!" ang masayang bati ni Sarah pagkapasok nito sa
tambayan. Isang ngiti lang ang isinukli ni Bryan sa kanya.
"Oh
nagdala ako ng meryenda. Binigyan ko na rin nito si Tita kanina. Tara
kain na tayo." ang masiglang pag-aalok ni Sarah. Kabaliktaran naman nito
si Bryan na seryoso ang mukha.
"Ang lalim ng iniisip natin ngayon ah. Anong problema babe?" ang tanong nito sabay haplos sa pisngi ni Bryan.
"Wala ito. So hmmm.... nagugutom na ako tara kain na tayo!" ang nasabi na lang ni Bryan sabay ngiti.
Kahit
hindi sinasabi ni Bryan sa kanya ang iniisip nito ay alam na iyon ni
Sarah. Nabanggit na rin sa kanya ni Dr. Sebastian ang lahat. Sa sarili
niya ay nabigla siya. Hindi makapaniwala na magiging ganoon si Bryan.
Tulad ng sabi ng mama nito, naniniwala siya na baka naguguluhan lang ang
kanyang anak at naimpluwensyahan lang siya ng Andrew na iyon. At
gagawin niya ang lahat upang mapabago ito at bumalik ito sa dati. At
tulad ng gusto nito, paninindigan na niya ang pagiging fiancee ni Bryan.
Kapansin-pansin
kay Sarah ang pananahimik ni Bryan habang kinakain ang kanyang dalang
meryenda. Naisip niyang magbukas ng topic para magkausap sila.
"Babe,
ilang linggo na tayong magkasama pero hindi mo man lang ako yayain na
lumabas?" Nilagyan niya nag kaunting himig ng paglalambing ang kanyang
boses.
"Pasensya ka na. Sige saang lugar ba gusto mong puntahan
natin?" ang tanong ni Bryan. Sa sarili niya ay wala siyang interes sa
bagay na ito dahil ang focus ng kanyang isip ay kay Andrew. Ngunit
pinagbigyan na rin niya ang gustong mangyari ng dalaga.
"Gusto ko
lang naman na ibalik ang pagiging close natin tulad ng mga bata pa
tayo. Pwede tayong mamasyal sa mall o kaya ay mag date para
makapagbonding na rin."
"Sure. Sige bukas." ang kanyang pagsang-ayon.
________
Katatapos
lang ng klase ni Andrew sa araw na iyon nang puntahan siya ni Troy sa
kanilang classroom. Simula ng mga nangyari nung selebrasyon ng kaarawan
ni Bryan ay mas naging madalas na ang pagsama ni Troy sa kanya. Sabay sa
pagpasok at pag-uwi palibhasa ay nakikituloy siya sa bahay nito.
"How's you day?" ang ngiting tanong sa kanya ni Troy.
"Araw-araw mo na lang tinatanong yan ah."
"Syempre naman. Gusto ko lang malaman kung ano na ang nangyayari sa iyo."
"Bakit naman?"
"Dahil...
sabi ni Tita na bantayan kita at alamin lahat ng ginagawa mo." ang
sagot ni Troy. Ngunit sa loob niya ay iba ang gusto nitong sabihin.
"Si nanay talaga hays. Pwede bang wag na kayong mag-alala pa sa akin ok na ako oh."
"Mabuti
naman kung ganoon." Sa puntong iyon ay susubukan niya ulit na gawin ang
isang misyon, ang kanyang pingangako sa kanyang kaibigan na si Bryan.
"So good mood ka ngayon. Pwede na sigurong..." ang kanyang pagpapatuloy na agad pinutol ni Andrew.
"Ooops! ayan ka na naman Troy. Ayoko na nga sabi." Alam na agad ni Andrew kung ano ang ipapaalam sa kanya ni Troy.
"Matatapos
na ang school year tapos lilipat ka na ng school. Kaya siguro naman ay
mapagbibigyan mo na siya. Kanina habang nag-uusap kami ay nagmamakaawa
na siya sa akin."
"Troy naman. Sige kung papayag ako at
makakapag-usap kami may mababago ba? Wala di ba! Sabihin mo na lang sa
kanya na ituon na niya sa kanyang fiancee ang kanyang atensyon."
"Yan nagagalit ka na naman sa akin. Sorry na please."
Nakapagdulot
naman talaga ng inis kay Andrew ang paulit-ulit na gawaing ito ni Troy.
Ngunit agad na naglaho ito ng makita niya ang mapupungay na mata nito
at ang nakakabighaning ngiti habang humihingi ng sorry sa kanya.
"Oo na. Huli na ito ah. Ayoko nang marinig sa iyo yan."
"Kung iyan ang gusto mo, sige na po."
_________
"Kamusta na ang pag-aaral mo anak?" ang tanong ng ina ni Andrew. Kasalukuyan silang kumakain ng hapunan.
"Ayos
lang po. Medyo marami nang pinapagawa sa amin dahil malapit na nga
matapos ang sem sabayan pa ng pagrereview ko para sa final exams."
"Kaya mo yan!" si Troy. "Matalino ka naman. Makakapasa ka sa lahat ng exams mo."
"Nambola na naman siya. Kumain ka na nga lang diyan." si Andrew.
"Tsk.
Ano pa nga bang ginagawa ko?" ang pilosopo nitong sagot. "Talagang
kakain ako lalo na si Tita ang nagluto." pangiti-ngiting turan ni Troy.
"Takaw mo talaga, tignan mo sarili mo mataba ka na."
"Ows
di nga? Totoo mataba na ako?" ang kanyang tanong. "Hindi ako
naniniwala." Sabay hubad ng kanyang shirt. "Ito ba yung mataba?"
Natigil
si Andrew sa kanyang ginagawang pagbibiro kay Troy. Sa halip at
natulala ito sa kanyang nakita. Sa totoo lang bilib siya ka Troy , kahit
kasi matakaw itong kumain ay napapanatili niya ang ganda ng katawan
nito.
Napangisi lang si Troy na nagpatuloy sa pagkain.
Hindi nakaligtas sa kanya ang naging reaksyon ni Andrew. Bihira lang
niyang gawin ang paghuhubad at pagpapakita ng katawan nito sa ibang tao
ngunit kay Andrew ay nagagawa niya ito. Siguro nga ay dahil ito sa
nararamdaman niya.
"Ah nay, siya nga pala bukas aalis kami ng kaklase ko, mamamasyal lang kami." ang pag-iiba ni Andrew ng usapan.
"Ganoon ba anak, mabuti kung ganoon. Aba matagal ka na ring hindi nakakapaglibang." ang pagpayag ng kanyang ina.
"Yup dahil masyado kang focus sa pag-aaral mo. Its time na makapagrelax ka. Si Dante este si Dina ba yung kasama mo?"
"Oo. Niyaya niya lang ako, gusto lang niyang makapagbonding kami. Alam niyo naman na ilang araw na lang tapos na ang sem."
"Oh i see. Pwede bang sumama ako sa inyo?" si Troy.
Napatingin si Andrew sa kanya.
"Malapit
na kayong umalis dito ni Tita. Gusto ko rin sanang makibonding sa iyo
hanggat nandito ka pa. Sulitin ko na ang mga huling araw na magkakasama
tayo." ang pagpapatuloy ni Troy.
May nahimigang
pagtatampo at lungkot si Andrew sa tono ng boses ni Troy. Kahit siya rin
ay ganoon din ang mararamdaman lalo nat mahaba rin ang panahon ng
kanilang pinagsamahan.
"Sigurado ka ba? Baka mailang ka lang sa amin. Iba kami sa mga kaibigan mo... alam mo na... di ba?" ang tanong ni Andrew.
Nakuha naman ni Troy ang ibig sabihin ni Andrew.
"Hindi, as a mater of fact gusto ko rin namang maranasan ang sumama sa ibang tao." ang tugon ni Troy.
"Sige bahala ka." ang simpleng tugon ni Andrew.
Isang nakabibighaning ngiti ang isinukli ni Troy sa kanya.
Itutuloy...
Followers
Saturday, May 11, 2013
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
Nakuha namn ni Andrew ang ibig sabihin ni Andrew
ReplyDeleteahahha xd that's okay admin thanks for this story :)
Daredevil: Huwag ka nang magpromise, gawin mo na lang. Baka ang pangako mo mapapako na naman. Hindi magandang ugali ang mangako pagkatapos hindi gagawin.
ReplyDeleteat parang alam ko saan hahantong ang pamamasyal nla tsk tsk anung chapter kya makakabawi c andrew sobrang inaabangan ko my dear author hehehe
ReplyDeleteAtSea
Yeah bah!
ReplyDeleteang sarap magbasa. hehe
ReplyDeletemagiging book two ba nito ung bago?
-frontier
parang ganun na nga... Kasi sila pa rin nmn yung mga tauhan tapos may madadagdag pa haha
Deletehi Daredevil napakoment tuloy ako sa sobrang inis. bakit mo naman kasi hinayaang pagbigyan ni bryan si sarah ng chance? yon oh at mamamasyal pa. grrrrr!
ReplyDeleteasar over emo talaga ang peg. kakainis ka! at sa pagtatagpo nila sa mall esp. sa foodcourt ay mas lalong nakakainis.
ikaw na talaga kuya d. ang panalong mang.asar. haist! grrrrrrrrr!!!!!!
ahaha....kala ko ba di mo muna to bbsahin at hihintayin ang karugtong at napacomment ka pa hehe.... syempre papayag talaga si bryan kung ikaw ba naman yayain ka ng date ng fiancee mo syempre di ka tatanggi... Haha xD
Deletegosh! natandaan mo pa pala yong sinabi ko? dahil lang yon sa inis. affected lang kasi sa peg mo ahaha...
Deletenaku ibang story na kasi yan. it's so ironic na kunwari aayaw talaga si Bryan kasi ayaw nyang masasaktan si Andrew but then para siyang ewan na sunod ng sunod nalang kay Sarah...grrrr!
If I were him, sisinghalan ko sya at mag walkout ang peg.Ipagtabuyan ko sya para di na lalapit. Pupuntahan ko si Andrew my love haha...ako nalang ang author Kuya D. Joke!
at may plano ka palang may book 2 ito ha? true lies nalang kaya haha...peace!
ReplyDeletepwede rin yung title mo.... Kaso nakagawa na ko ng plot eh... Pag binago ko pa bka di ko na namn matapos...
Deleteaip joke lang haha...ikaw kaya ang author! dakilamg mambabasa lang ang peg haha
DeleteAng alam ko last october 2012, ang naiwan na chapter ay 26, paano ang mag-iend sa chap 26? ang story bumisita sila si Dina at Troy sa probinsiya ni andrew. Sa summary ng kwento nagpunta si bryan sa states upang magmaster, pagkatapos umuwi sa pinas. naging sila ni andrew at troy, may confrontation sina bryan at troy over andrew. ang sabi pa nga ni troy kay bryan: " bakit mo siya iniwanan" to the point na pwedeng masira ang kanilang pagkaibigan. Unless tinitwist sa author ang original format ng kwento, pwedeng maend sa chap 26.
ReplyDeletetama !! last year pa tong kwento na to ! na di pa ata natatapos ! nag copy and paste lang ata ang author dito ! ano ba yan .. at prang iniba na rin yung story?
Deletesan mo nabasa sir?
Deletehmmm
sobrang ganda ng story e..
Mike Hate: Nabasa ko to sa all about boys love blog ni daredevil; matagal na, parang 1st quarter of 2012. Daredevil is a very good writer, pero maraming issues sa attitude.
DeleteI like andrews strong determination and positive character in this story. He set as a good example.
ReplyDeleteGanda kya lang nakakabitin...next chapter na po pls :) btw open po ba sa publuc ang blog nyo mr author?
ReplyDeleteKrisluv
Next chapter na please. :3
ReplyDeleteI like the story. Hindi lang puro sweet at pa cute. May twist pa talaga. Kaya di nakakasawa basahin. Keep it up! :>
.mr author ,haBaAn U pa pls .hehe parang mas updated ung sa wattpad kesa dto . Kc hangGang part 27 ung dun e. Pls update po :D kinikilig ako haha ..
ReplyDelete-seb
.mr author ,haBaAn U pa pls .hehe parang mas updated ung sa wattpad kesa dto . Kc hangGang part 27 ung dun e. Pls update po :D kinikilig ako haha ..
ReplyDelete-seb
.mr author ,haBaAn U pa pls .hehe parang mas updated ung sa wattpad kesa dto . Kc hangGang part 27 ung dun e. Pls update po :D kinikilig ako haha ..
ReplyDelete-seb
bka mag double post ako sa susunod. just wait lang
ReplyDeleteguys...
Grabe baka Nextweek ko pa mabasa. May pasok ako sa work e. huhuuhuh Mr. Author UPDATE pleaseeeeeeeee :'(
Deletehello mr.daredevil...bakit naman nagkakaganyan,itong si bryan two timer din eh...parang ako hehehhe..salamat po sa nice story...update na po ulit...hehhe
ReplyDelete