Followers

Showing posts with label the knight and his shining armor. Show all posts
Showing posts with label the knight and his shining armor. Show all posts

Wednesday, February 6, 2013

Bawal Na Pag-Ibig: The Knight and His Shining Armor - Final Chapter

The Knight and His Shining Armor



Bawal Na Pag-Ibig: The Knight and His Shining Armor
By PrinceSky
Part 9 (Final Chapter)
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Paalam Jayson at Dennis.
Salamat sa mga bumasa at sumubaybay ng Kwentong ito.
I’ll take this Opportunity to say thank you to my friend who permitted me to post his pic as my main character. Thank you pare for allowing me to use your photo.

Secondly, I would like to thank Boss Mike for giving me the chance to post my story. I have never imagined this before. Hindi rin naman kasi ako mahilig sa mga ganito until I read Boss Mikes’s “Si Utol ang Chatmate Ko”. That story simply inspired me to write my own stories, as well.

Thanks to my love “migz” for giving me support especially sa mga time na parang nawawalan na ako ng gana sa pagsusulat ng kwento. Kasi minsan guys madali lang makahanap ng mga concept pero pagnasa kalagitnaan ka na ng pagsusulat ay nawawala na ang kulay ng kwento.

Finally, I would ike to extend my heartfelt appreciation to everybody who reads this story. Sorry kung minsan may mga technical problem sa stories but I’ll do my best to keep it right. Hindi ko na kais masyadong inievaluate through proofreading ang mga naisulat na kwento. Sana maintindihan niyo po.

Sa huli, salamat sa lahat.

Your’s truly,
PrinceSky of Roxas City

Peace J
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pagpasok ko sa room ay nakita ko na punong-puno ito ng mga drawings. Mga drawings na iginuhit gamit ang lapis. Ito ay mga larawan ng mga bagay na mayroong koneksyon na nakaraan namin ni Jason.

Inisa-isa kong pagmasdan ang bawat larawan na ginuhit sa papel hanggang sa nadatnan ko ang pinaka-sulok na bahagi ng kanyang room. Nakita ko ang litrato ko.

“Bakit nandito ka? Paano mo nalaman na..” naputol na sambit ni Jason ng hinarap ko siya at niyakap ng mahigpit.

“Jay, alam ko na ang lahat. Masakit para sa akin ang itago moa ng buong katotohanan. Hindi ko man ito tanggap pero naiintindihan kita”

Niyakap rin ako ni Jayson at nakita kong dumaloy ang mga luha sa kanyang pisngi. Pinahiran koi to ng aking panyo.

“Tahan na Jayson. Huwag ka nang umiyak. Halika, labas tayo”

Natigil na rin si Jayson sa kaiiyak pero alam kong pinapalakas niya lang ang kanyang loob. Ganoon din ang aking ginawa. Pinalalakasan ko lang ang aking loob kahit ramdam kong masakit ang mga nangyayari. Pinipilit kong intindihin ang tadhanang ito pero wala na akong magagawa kung hindi pasayahin si Jayson hanggang sa huling hininga niya.

Lumabas kami ng ospital at tinungo ang park kung saan kami huling nagkita. Umupo kami sa malapit na bench at sabay pinagmasdan ang langit.

“Jay? Alam mo bang kay tagal kitang hinanap?”

Hindi sumagot si Jayson. Alam kong hindi niya kayang sagutin ang aking tanong kaya ang ginawa ko nalang ay ipinasandal ang kanyang ulo sa aking balikat. Inakbayan ko rin siya para maging komportable. Habang nakasandal ang kanyang ulo sa aking balikat ay naikwento ko sa kanya ang mga nangyari sa akin habang wala siya.

Ngunit sa kalagitnaan ng pagkwento ko ay biglang naradaman ko ang mabilisang hininga ni Jayson. Nahihirapan na pala siyang huminga kaya tinawagan ko si Alex at humingi ng tulong sa kanya. Maya’t-maya ay dumating na rin ang ambulansya at isunugod pabalik si Jayson sa ospital.

Nasa labas ako ng ospital at nakaharap sa tapat ng bintana ng room ni Jayson. Bumuhos ang napakalakas na ulan at patuloy lang akong nakatayo at nakaharap pa rin dito. Basang-basa ako ng ulan at ramdam kong nilalamigan na ako ngunit tiniis koi to. Mas gustuhin ko pang ako nalang ang mamatay kaysa ang pinaka-matalik kong kaibigan ang mawala sa aking buhay.

Nang sumunod na araw…

Pinaki-usapan ko ang Lolo ni Jayson. Kinausap ko rin si Alex na tulungan akong gawin ang plano kong pasayahin si Jayson kahit sa huling sandali.

Naset-up na ang lahat na mga gamit. Kinausap ko rin ang doctor at nurse ni Jayson pero kahit labag ito sa kanilang patakaran ngunit nagmakaawa ako. Pinahintulutan rin naman nila ako kaya pumasok na ako sa room ni Jayson. Nakita ko siyang nakahiga. Nilapitan ko siya at niyakap. Nagulat rin si Jayson at nakita ko siyang ngumiti.

“Bakit nandito ka Dens?”

“Wala lang, gusto lang naman kitang bisitahin eh. Jay?”

“Ano iyon Dens?”

“Pwede bang samahan mo muna ako?”

“Saan tayo pupunta?”

“Basta sumama ka lang sa akin. May sorpresa ako sa iyo”

Nginitian ko si Jayson at niyakap ng mahigpit. Tinulungan ko siyang makatayo sa pagkakahiga. Dahan-dahan kaming lumakad patungo sa wheelchair at lumabas ng room. Sumakay kami ng taxi at tinungo ang daan papunta sa lugar kung saan kami unang nagkakilala. Sa paaralan namin ng bata pa kami.
Pagkadating naming doon ay bumaba kami sa daan kung saan dito rin kami unang nagkita. Lumapit sa amin ang Lolo ni Jayson bitbit ang kanyang lumang bag. Andito na rin Tiyo Bert at bitbit na rin ang aking lumang bag. Sumakay ako sa bike at humarap kay Jayson. Nagsimulang pinadyak ni Tiyo Bert ang bike at naglakad na rin sina Jayson at ang kanyang Lolo. Habang nasa kalagitnaan kami ng daan, sinimulan ko na rin ang walang kamatayang “London Bridge” na kinanta ko noong una kaming nagkita.

“London bridge is falling down.. falling down.. falling down.. London bridge is falling down.. I’m your first knight!”

Patuloy lang ako sa pagkanta at nakita kong umiiyak si Jayson. Nagsimula na ring namuo ang aking mga luha sa mata ngunit pinigilan ko ito. Kailangan kong magpakatatag para kay Jayson ngunit maya’t-maya ay parang nahihilo si Jayson. Bumaba ako at dali-daling nilapitan si Jayson.

“Jay Ok ka lang?”

“Medyo Dens. Nahihilo kasi ako”

“Lakasan mo lang ang iyong loob Jay. Halika bubuhatin na lang kita”

Sumakay si Jayson sa aking likura. Kahit ang bigat niya pero tiniis ko ito dahil ayokong mahirapan pa si Jayson. Tinahak namin ang daan patungo sa harap ng paaralan namin. Nasa tapat na kami ng gate ng..

“Jay? Gusto mo bang makita ang sorpresa ko sa iyo?”

Hindi sumagot si Jayson pero naramdaman ko ang paghigpit ng kanyang pagkahawak sa akin. Tugon iyon na gusto niyang makita ito. Kaya sumenyas na ako kay Alex na buksan ang mga ilaw.

Maya’t-maya ay nakabukas na ang ilaw at nagulat si Jayson sa kanyang nakita.

Mayroong red carpet sa harapan namin. Mahabang red carpet na pinalilibutan ng maraming bulaklak at lobo. Sa dulo nito ay mayroong isang mesa at dalawang upuan. Maraming pagkain na niluto pa ni Tiyo Bert. Mga pagkain na paborito ni Jayson.

Inalalayan ko si Jayson patungo doon at sa bawat hakbang niya ay mayroon akong inilagay sa gilid na mga bagay na magpapaalala sa kanya tungkol sa mga nangyari sa amin.

Naroon ang isang kulungan na mayroong salamander. Nasundan ito ng isang stick na ginamit ng guro namin sa pagpalo ng aming mga kamay noong pinagalitan kami. Kasunod nito ang mga piraso ng blackboard eraser at walis paypay kong saan ito ang mga ginamit namin ng kami ay naparusahang maglinis ng room.

Sinundan ito ng tshirt na ibinigay ko sa kanya ng muli kaming nagkita. Isang maliit na barko na pinuntarahan pa ng ginto dahil naalala ko na naniniwala si Jayson na mayroong barko na dumadaan sa kabilang tulay kung kaya palagi itong nasisira. Naroon din ang mga papel at lapis na ginamit ni Jayson ng kami ay gumagawa ng drawing sa bahay ng Lolo niya. Naroon din ang mga bato, natuyong tatlong rosas, basket at telang ginamit ko ng sinorpresa ko si Jayson at naroon din ang posas na ginamit ko ng muling nagkita kami ni Jayson sa prisento.

Pagkarating namin sa may flagpole ay pinaupo ko siya at sinimulang subuan siya ng pagkain.
Kitang-kita ko ang bakat ng kasiyahan sa kanyang mukha. Patuloy ring dumadaloy ang kanyang mga luha.

“Pare bakit mo ginagawa ito?”

Hindi ko na siya sinagot at sinibuan ko nalang siya ng sphagetti at garlic bread. Pagkatapos naming kumain ay nilapitan ko siya at niyakap. Maya’t-maya ay suminyas ako kay Alex. Biglang pinatay ang mga ilaw na nakapaligid at dahan-dahan akong umalis sa tabi ni Jayson. Narinig kong nagulat si Jayson at pasigaw na hinahanap ako ngunit hindi ko siya sinasagot.

Pagkatapos ng ilang minuto ay biglang pinasindi ko ang mga ilaw na nakapalibot sa flagpole. Nakita rin ito ni Jayson at nagulat siya dahil sa gilid ng flagpole ay ang isang malaking kalesa. Bumaba ako sa kalesa at naguat rin si Jayson sa kanyang nasaksihan.

Nakasuot ako ng armor, helmet, boots at pants. Ito ay mga basic na equipment ng isang knight. Hawak-hawak ko rin ang isang sword. Lumapit ako kay Jayson. Patuloy pa ring nakatingin sa akin si Jayson at kitang-kita ko ang saya sa kanyang mukha. Pagkalapit ko sa kanya ay inangat ko ang aking kamao. Nagfist toss kaming dalawa. Kinuha ko ang kanyang kamay at inalalayang tumayo sumakay siya sa aking likuran at binuhat patungo sa kalesa. Dahan-dahang bumaba si Jayson sa aking likuran at inalalayan ko siyang sumakay ng kalesa. Pagkapasok namin ay ibinigay ko sa kanya ang wooden shield na nakuha ko sa bata  doon sa ospital.

“Jay, sana huwag mo nang ipamigay ito. Isusuli ko ulit sa iyo ang binigay ko noon. Tanda ito ng ating pagkakaibigan. Mahal kita Jay, alam kong alam mo na mahal kita higit pa sa pagiging magkaibigan. Hindi ko rin ng naintindihan pero bata pa tayo naramdaman ko na ito”

Ibinigay ko sa kanya ang wooden shield. Ngumiti lang si Jayson pero nahihirapan na siyang huminga.

“Jay, pwede ba kitang mahalikan?”

Pinikit ni Jayson ang kanyang mata at dahan-dahan kong itinapat ang aking bibig sa kanyang bibig. Naghalikan kaming dalawa kahit alam kong hirap na hirap na si Jayson sa kakahinga.

Niyakap ko siya at niyakap niya rin ako. Nagsimulang dumaloy ang luha sa kanyang mata at ganoon din sa akin. Alam kong malapit na kaming magkakahiwalay ulit ni Jayson pero ang masakit dito ay ito na ang huling hiwalayan at pagkikita namin ni Jayson.

Naramdaman kong biglang humina ang pagkayakap ni Jayson ngunit hindi pa rin nakaalis ang kanyang mga kamay sa pagkayakap. Hinigpitan ko ang aking pagkayakap sa kanya ng biglang kinuha ni Jayson ang kanyang mga kamay at hinarap ako.

“Dens, mahal na mahal kita. Tatandaan mo iyan. Palaging nasa isip kita. Simula ng tayo ay naging magkaibigan, hindi ka na nawala sa aking pag-iisip. Alam kong alam mo rin na mahal na mahal kita. Naramdaman ko rin na mahal mo ako. Pero wala na akong magagawa. Hindi ko rin namang gustong saktan ka Dens, kasi alam kong balang araw ay mawawala rin ako kaya pinili kong lumayo sa iyo. Ngunit hindi ko kayang mawala ka, kaya binabalikan kita.”

“Jay, please..”

“Dens?”
“Aaaanooooooo iii iiiiyoooo yooon Jaaaaay?”

“Pwede bang humingi ng pabor?”

“Oo. Jay baa baaaki baakkkiitt?”

Lumabas kami ni Jayson sa kalesa. Tumayo kami sa harap ng flagpole.

“Jay?”

“Pweede bang tuuumaaliiikoood kaaaa?”

“Plleeeeeaaassseee. Jaaaaayyyyy. Kaaaaahiiiit saaaa huuuuliiing ssaaaaanddaaaallliiiii”

“Deennnsss,, pleaaaaasseeee”

Humagulhol na ako sa sakit dahil ito na ang oras ng paghihiwalay namin ni Jayson. Masakit na masakit. Parang hihimatayin ako ngunit nilabanan ko ito. Alam kong hindi ko kayang mawala si Jayson pero tulad ng dati, ayaw ko siyang suwayin.

Tinaluran ko si Jayson at mas lalong dumaloy ang aking mga luha. Sumisikip na ang aking dibdib sa pagkahinga. Nahihirapan na rin akong huminga. Gustuhin ko mang lingunin si Jayson pero pinipigilan niya ako. Sinuntok ko ang aking dibdib sa sobrang sakit. Mas lalong tumindi ang paghagulhol ko ngunit naramdaman kong niyakap ako ni Jayson.

Ramdam ko ang hirap na paghinga ni Jayson pero tiniis niya ito. Hinigpitan ni Jayson ang kanyang pagkayap sa akin at may ibinulong.

“Dens, salamat sa lahat”

“Ito na ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko. Ang makita kang muli. Ikaw ang pinakamamahal kong tao sa buong buhay ko dahil kahit papaano ay ipinaramdam mo sa akin ang tunay na halaga ng pagmamahal. Maituturing rin nilang bawal na pag-ibig ito ngunit naging masaya ako sa huling sandali.”

“Ikaw ang knight with shining armor ko”

“Deeeennnnnnssss…. IIiiiiiiingggggaaatttt aaaaatttt paaaaaaaaalllllaaaammmm”

Nakawala si Jayson sa pagkayakap at narinig ko ang pagkatumba niya. Hinarap ko siya at niyakap ng mahigpit.

“JAYSON!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!””
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Pagkalipas ng ilang buwan…

“Sir, ano po ba ang order niyo?”

“Ah isang sphagetti at garlic bread lang”

“Okay, isang spaghetti with garlic bread, coming up”

Pagkatapos kong mailatag ang inorder ng customer namin ay lumabas ako ng restaurant. Bitbit ko ang isang pirasong box kung saan nakalagay ang ID ni Jayson. Binuksan ko ito at kinuha sa loob. Hinalikan koi to dahil kinasanayan ko nang halikan ito araw-araw sa parehong oras. Ito ang oras kung kailan huling nahalikan ko si Jayson bago kami tuluyang naghiwalay.

Kinakausap ko rin palagi ang ID ni Jayson at ikinukwento ang mga bagay na nangyayari sa akin araw-araw. Pagkatapos ko sa aking litanya ay tumingala ako sa langit.

“Jays, kung nasaan ka man ngayon. Palagi mong tatandaan. Ikaw ang una at huli kong mamahalin”

Biglang may nakita akong falling star. Natuwa rin naman ako dahil naalala ko kaagad ang kinantang London bridge noong una kaming nagkita ni Jayson. Kaso nga lang hindi bridge ang nahulog kung hindi isang star.

Pinikit ko ang aking mata at nanalangin. Maya’t-maya ay hinalikan ko ulit ang kanyang ID, ipinasok sa loob ng box at bumalik na rin sa loob ng restaurant.





The End…

I Would like to extend my heartfelt gratitude to everyone who read my stories. I know that it is not fair enough for someone who hold on to their love but no matter how they tried still they failed. Moreover, this is just a test of how much we love someone. It is not about the extent of time that we spent on them but it is the quality of feelings that we invest into it. As what they always say "true love never dies". Admittedly, I am on the verge of emotional situation right now. Sorry if I ended this story in this way. I hope you understand that not all stories has good endings.

Sincerely, PrinceSky



Soundtrack for Bawal na Pag-Ibig: The Knight and Hist Shining Armor
PagLisan by Color-It-Red

Kung ang buhay ay isang

Umagang nakangiti
At ikaw ay ang lupang
Sinusuyo ng bituin



Di mo man silip ang langit
Di mo man silip
Ito'y nandirito pa rin



Kung ang lahat ay may katapusan
Itong paglalakbay ay makakarating
Din sa paroroonan
At sa iyong paglisan
Ang tanging pabaon ko ay pag-ibig



Sa pagbuhos ng ulan
Sa haplos ng hangin
Alaala mo ay nakaukit
Sa pisngi ng langit



Di man umihip ang hangin
Di man umihip
Ika'y nandirito pa rin



Kung ang lahat ay may katapusan
Itong paglalakbay ay makakarating
Din sa paroroonan
At sa iyong paglisan
Ang tanging pabaon ko ay pag-ibig

Bawal Na Pag-Ibig: The Knight and His Shining Armor - 08

The Knight and His Shining Armor - 08

Due to my busy schedule for tomorrow, I'll be posting this last chapter today instead. Thank you very much for reading the story. Watch out for the upcoming stories to be posted soon.
Entitled "Bawal na Pag-Ibig: A ChiNoy Love Story

Thank you very much!
Bawal Na Pag-Ibig: The Knight and His Shining Armor
By PrinceSky
Part 8

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Makalipas ang ilang buwan…

“Pare! Puntahan mo muna kami dito sa ospital. Manganganak na si misis” si Alex sa kabilang linya

“o sige pupunta na ako diyan.”

Pagkadating ko sa ospital ay nakita ko si Alex. Excited maging ama

“Finally magiging ama na rin ako!”

“Mabuti ka pa. Ako walang love life”

“Ikaw naman kasi. Maraming magaganda diyan. Este gwapo rin pala”

“Ulol!” inis kong sagot at sinapak ko sa ulo

“Arekop! Parang hindi ka naman mabiro!” galit na sambit ni Alex sabay haplos sa kanyang ulo

Tinungo namin ang deliver room ngunit ng lumiko na kami ay parang may nakita naman si Alex

“Pare parang si Jayson iyon ha?”

Sinundan ko naman ang tinuturong lalake ni Alex at parang si Jayson nga.

Hinabol ko ang lalake na lumalakad papalayo. Mabilis ang kanyang paglakad ngunit binilisan ko rin ang paghabol

“Jayson?”

Hinahabol ko ang lalaki ng biglang hinablot siya ng isang nurse

“Mr. Dela Cruz kanina ka pa hinahanap ng doctor” sambit ng nurse at tuluyang umalis ang lalaki at ang nurse.

Binalikan ko si Alex.

“Pare si Mr. Dela Cruz iyon. Baka kamukha lang ni Jayson.”

“Ganun?”

Nalaman nalang namin na nanganak na ang asawa ni Alex

“Congratulations it’s a baby boy” sambit ng nurse

“YES! YES! YES!” pasigaw-sigaw ni Alex

“Pare congratulations ha. At least happy ka na. paano iyan? Magkita nalang tayo ulit ha?” mahabang sambit ko.

“O sige pare. Tatawagan na lang kita ka pag Ok na si Misis”

Umalis na rin ako ng ospital at umuwi.

Pagkadating ko ng bahay ay kinuha ko ulit ang ID ni Jayson at hinalikan.

“Jay, alam mo may baby na si Alex at ang asawa niya”

“Sana andito ka para makita mo rin kung gaano siya kasaya”

Namuo ulit ang aking mga luha at bahagyang dumaloy na ito sa aking mukha

“Miss na miss na kita Jayson.”

Patuloy lang ang pagdaloy ng aking luha hanggang sa nakatulog ako at hawak-hawak ang kanyang ID.

Nang sumunod na araw ay naalimpungatan naman ako sa tawag ni Alex

“Pare! Punta ka na dito sa ospital. Andito na si Baby Lucas”

“O sige pare. Maliligo lang ako at pupuntahan na kita diyan”

Pagkatapos kong maligo ay dumiretso na ako kaagad sa ospital.

“Pare! Si Baby Lucas” si Alex hawak-hawak ang kanyang baby

“Ang pogi-pogi naman ni Baby Lucas”

“Oo nga eh. Ang puti-puti nga. Hawig sa kangyang ina”

Kinuha ko ang baby at hinaplos-haplos ang kanyang ulo. Maya’t-maya ay dumating ang nurse

“Excuse me sir hanggang dito nalang po ang oras ng pagbibisita sa baby. Kailangan na po siyang ibalik sa NICU” sambit ng nurse

Ibinigay ko naman ang baby sa nurse at kinamayan si Alex

“Pare nauuhaw ako. Puwede bang bababa muna ako sa canteen?” sambit k okay Alex

“O sige. Bumalik ka kaagad ha?”

Bumaba na ako at tinungo ang canteen. Ngunit sa kalgitnaan ng daan ay nakita ko naman ang isang bata na nakadamit pasyente rin.

Tiningnan ko siya ng mabuti at parang may pamilyar sa batang iyon.

Nilapitan ko ang bata at nakita kong hawak-hawak niya ang isang wooden shield.

“Bata puwede bang makita ang hinahawakan mong laruan?”

Ibinigay na man ng bata ang kanyang hinahawakang wooden shield.

Nagulat ako ng nakita ko ang mga letrand “J” at “D”. Alam ko na iyon ang ibinigay kong wooden shield kay Jayson nong bata pa kami.

“Bata kanino mo ito nakuha?” tanong ko sa bata

Ngunit nawala na ang bata. Hinanap ko ang bata ngunit hindi ko na siya nakita.

Kinutuban ako nab aka andito lang si Jayson sa ospital kaya ang ginawa ko ay pinuntahan ang ER.

“Excuse me sir. Meron ba kayong pasyente na ang pangalan ay Jayson Martinez?” tanong ko sa nurse

“Ay sorry sir pero wala sa listahan eh. Check mo nalang po sa admitting section baka andun” sagot at paliwanag ng nurse.

Pinuntahan ko naman ang admitting section at nabigo rin ako.
Wala na akong magawa kaya binalikan ko si Alex. Nasa ikalawang palapag na ako ng nakita ko ulit ang bata.

Sinundan koi to at maya’t-maya ay hinablot din naman siya ng isang nurse.

“Aaron andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap” sambit ng nurse

Nilapitan ko silang dalawa at kinausap ang bata ngunit hindi nakapagsalit ang bata at dahil sa takot at biglang umiyak.

Hindi ko na pinilit pang tanungin ang bata kaya pinagisipan ko na ang nurse na lang ang tanungin.

“Maam excuse me po. Magtatanong lang sana ako kung meron kayong pasyenteng nagngangalang Jayson Martinez?”

“Sorry po sir pero mas makakabuti kong ang resident doctor nalang po namin ang inyong tanungin” sagot ng nurse.

“saan ba puwedeng mahanap ang doctor niyo?

“Pumasok na lang po kayo sa kabilang kuwarto”

Pinuntahan ko naman ang nasabing kuwarto at hinahap ang doctor

“Good morning. Doc? Excuse me po? Parespetong tanong ko sa doctor

“Good morning din. Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo?

“Doc, magtatanong lang po ako sana kong meron kayong pasyenteng nagngangalang Jason Martinez?”

“Ay sorry Sir pero hindi kita matutulungan diyan. Kasi highly confedential po ang mga bagay na iyan”

“Doc sige na po. Matagal ko na po siyang hinahanap eh”

“Sir sorry pero hindi talaga puwede ang gusto mo eh”

“Doc, police po ako siguro naman po meron akong karapatang magimbestiga”

“Meron ka bang search warrant? Kasi kung wala hindi kita matutulungan. Isa pa aalis na ako at sa susunod na buwan na ako babalik” mahabang sagot ng doctor

Hindi na rin ako nakasagot at umalis na rin ang doctor.

Wala na akong maisip pang ibang paraan at ayaw ko namang gamitin ang aking pagiging pulis par a lang sa ganitong bagay.

Kaya ang pinagisipan ko ay puntahan ang bahay ng lolo ni Jayson. Bago ako umalis ay pinuntahan ko muna si Alex.

“Pare aalis muna ako. May aayusin lang akong importanteng bagay” sambit ko kay Alex.

“O sige mag-ingat ka pare”

Umalis na ako ng ospital at tinungo na ang bahay ng lolo ni Jayson.

Pagkadating sa bahay ng lolo ni Jayson ay nakita ko namang naka-upo ang lolo niya.

“Lolo. Pasensya na kong nakaisturbo ako pero kailangan kong malaman ang totoo. Nasaan ba si Jayson?”

Hindi sumagot ang lolo ni Jayson kaya hindi na ako nagdalawang isip pa at kinuha ang baril sabay tutok sa aking ulo.

“Sir. Magpapakamatay ako sa harap mo kung hindi mo sasabihin sa akin ang totoo”

Hindi na nakapagtimpi ang lolo ni Jayson kaya naikwento na niya sa akin ang katotohanan.

“Umupo ka muna at sasabihin ko sa iyo” sambit ng lolo ni Jayson

“Nung bata pa si Jayson. Masayang-masaya sila ng mama at papa niya. Ang papa ni Jayson ay president ng isang malaking kompanya”

“marami ang naiingit sa kanya lalo na ang mga kalabang kasamahan sa kompanya.”

“Nakatanggap ng maraming death threat ang papa ni Jayson at hindi naman niya ito ipinaubaya sa awtoridad”

“Hanggang sa pinagbantaan siyang papatayin ang kanyang asawa at anak na si Jason”

“Kaya napagisipan na nilang umalis na lang ngunit ng nalaman ng kalaban niya ay hinabol sila”

“Mabuti na lang at may isang pulis na nakausap ang papa ni Jayson at siya ang tumulong sa kanila”

“Nasa kalagitnaan na ng daan ng nalaman ng ama ni Jayson na hinahabol sila ng mga kaaway”

“Nakarating sila sa post ng pulis na tinawagan ng ama ni Jayson ngunit sa kasamaang palad ay pinag babaril sila. Unang tinamaan ang mama ni Jayson at ang sumunod ay ang papa naman nito.”

“Mabuti na lang at bumanga ang sasakyan nila Jayson sa isang malaking kahoy”

“Nakadating ang pulis na tinawaganng ama ni Jayson at tinulungan ito. Nakita niya ang mga kalaban at pinag-babaril ng pulis. Tinamaan ang isang salarin sa pagpaslang sa mag-asawa”

“Napahandusay ang criminal at nilapitan ng pulis. Patay na ang kriniminal at tinawagan ng pulis ang iba pang kasamahan. Binalikan ng pulis ang kotse at doon nakita si Jayson. Kinuha ng pulis ang bata at ibinigay sa dswd. Doon nalang namin nalaman ang masaklap na pangyayari sa mag-asawa”

“Kinuha ko si Jayson sa dswd at hinanap ang pulis”

“pinasalamatan ko ang pulis sa kanyang ginawa. Dala-dala ko ang bata ng pinuntahan ko ang pulis”

“Maya’t-maya ay may dumaan na isang kotse at kitang-kita ng pulis na nakatotok ito sa amin kaya ang ginawa nito ay niyakap kami at siya ang sumalo ng lahat na bala”

“Namatay ang pulis sa harapan ko mismo at ng napahandusay siya ay nadaganan naman ako”

“sa di inaasahang pangyayari ay nabitawan ko ang bata at nabagok ang ulo nito sa isang bato”

“Humingi ako ng tulong at nakita kong nagsilabasan na rin ang mga pulis ngunit hindi na nila naabutan ang mga criminal”

“Dinala kami sa ospital at ginamot din kami ni Jayson”

“Nakaligtas din kami sa panganib ngunit ng makalipas ang ilang taon ay naobserbahan kong sumasakit ang ulo ni Jayson”

“Pinatingin namin sa doctor ang kanyang kalagayan at doon na lang namin napag-alaman na may sakit si Jayson”

Nagulat ako sa mga ikinuwentong lolo ni Jayson. Nanatiling tahimik ako at patuloy na nakinig sa kanyang kuwento

“Dennis. Please. Alam kong mabibigla ka pero may cancer si Jayson”

“Ipinadala na namin siya sa ibang bansa para magamot ngunit malignant ang sakit nito”

“Napag-isipan ko nalang na iuwi si Jayson dito kasi wala rin namang magagawa ang mga doctor sa ibang bansa.”

“Dennis. May ilang araw na lang na natitira si Jayson. Ginusto ni Jayson na hindi na ipagpaalam sa iyo ang kanyang kondisyon dahil alam niya na masasaktan ka”

“Oo aaminin ko sa iyo. Dennis alam kong mahal niyo ang isa’t-isa. Masakit rin para sa akin kung mawawala na si Jayson. Siya lang ang natitirang alaala ko sa aking anak”

“Ayaw ko naman siyang suwayin sa kanyang kagustuhan kaya hindi ko na sa iyo ipinaalam ang mga nangyayari sa kanya.”

“Dennis. Sana maintindihan mo ako. Sa ngayon nasa isang ospital si Jayson at doon na namamalagi para maobserbahan ng doctor”

“Alam kong hindi na magtatagal si Jayson kaya pinili kong manatili siya sa ospital at binibisita araw-araw”

“Nakikisuyo si Jayson sa akin tungkol sa iyo at alam niya ang bawat nangyayari sa buhay mo”

“Gusto niyang malaman kong ano ang mga nangyayari sa iyo dahil hanggang doon lang ang puwedeng magawa niya upang maging masaya. Ang malaman niyang masaya ka”

Nanglumo ako sa aking mga natuklasang balita sa lolo ni Jayson. Hindi ako makasalita. Ni hindi ko maigalaw ang aking sarili dahil dito. Parang gusto kong mamatay na.

Humagulhol ako ng sobra hanggang sa nanikip ang aking dibdib. Ang huling naalala ko nalang ay nawalan na ako ng malay.

“Asan ako?” mahina kong tanong

“Andito ka sa bahay Dennis. Nawalan ka ng malay kanina kaya minabuti ko na pumarito ka nalang keysa dalhin pa kita sa ospital”

“Pupuntahan ko ngayon si Jayson lolo” mabilisan kong sambit sabay tayo sa pagkahiga

Hindi na sumagot pa ang lolo ni Jayson. Lumabas ako ng bahay at minabuting puntahan si Jayson sa ospital.

Habang tinatahak ko ang daan patungo sa ospital ay patuloy pa rin ako sa pag-iiyak. Hindi ko kayang tanggapin ang mga balitang hindi na magtatagal si Jayson.

Alam kong dadating ang araw na iiwan na ako ni Jayson ngunit gugustuhin kong tanggapin ang sakit na maihahatid ng kanyang pagkawala basta makasama ko lan g siya kahit sa mga huling sandal niya sa mundong ito.

Pagkarating ko ng ospital ay tinungo ko kaagad ang room ng asawa ni Alex.

Naikuwento ko sa kanya ang tungkol kay Jayson at ang kanyang kondisyon kaya napag-isipan naming gumawa ng isang bagay na hinding-hindi malilimutan ni Jayson.

Kinausap ko na rin ang iba pang mga nurse at doctor tungkol dito dahil gusto kong mapasaya si Jayson kahit sa huling sandal niya dito sa mundo.

Pagpasok ko sa room ni Jason ay nabighani naman ako sa aking nadatnan.

Itutuloy... 

Sundan bukas ang huling bahagi ng kwentong Bawal Na Pag-Ibig: The Knight and His Shining Armor

Tuesday, February 5, 2013

Bawal Na Pag-Ibig: The Knight and His Shining Armor - 07

The Knight and His Shining Armor - 07


Bawal Na Pag-Ibig: The Knight and His Shining Armor
By PrinceSky
Part 7
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Si Jayson.

Nginitian niya ako. Nagulat ako dahil bumalik si Jayson.

“Hihintayin kita ha?” sambit ni Jayson at umupo sa waiting area.

Hindi na rin ako nakasagot sa sobrang tuwa. Maya’t-maya ay may dumating na kumukuha ng police clearance at humihingi ng list of requirements.

“Sir, eto po ang iyong kailangan. Dalawang 2x2 picture, isang original at photocopy ng barangay clearance, resibo galing sa city treasurer at excuse me po..” naputol kong pagpapaliwanag.

Nakita kong tumayo si Jayson at parang aalis. Sinundan ko naman siya ng aking tingin at nakitang may kinukuha na isang babasahin.

Hindi ako mapanatag kasi natatakot ako nab aka mawala ulit si Jayson kaya ang ginawa ko ay tumayo, kinuha ang isang posas at nilapitan siya.

“Oh para saan na man iyan?” Si jayson habang nakatingin sa akin na pinoposasan.

“Ayaw ko kasing mawala ka pa eh kaya pinosasan na kita”

Napatingin na lang sa akin si Jayson at nahalata kong nakatingin na rin ang kasama kong si Alex. Bumalik na rin ako sa table at pinagpatuloy ang aking trabaho.

“I see, kaya pala ayaw mo sa babae” mahinang sambit ni Alex

Ngumiti na lang ako sa naging reaksyon ni Alex.

“Pogi siya!” dagdag ni Alex

Pagkatapos ng aming trabaho ay pinuntahan ko si Jayson at kinuha ang posas.

“Tara gala muna tayo” masayang paganyaya k okay Jayson

Umalis kami ni Jayson at gumala sa park, sa mall, sa beach, at kong saan-saan pa.

“Bakit mo ako iniwan?” tanong ko kay Jayson

“Pasensya na kasi emergency ang pag-alis ko. Huwag kang mag-alala. Binalikan naman kita eh”

“Oo nga. Alam mo, ang saya-saya ko kasi bumalik ka rin. Sana hindi mo na ako iiwan” malungkot kong sambit.

Hindi na nakasagot si Jayson sa mga sinabi ko.

“Punta tayo sa restaurant ni Tiyo Bert mo. Gusto kong kumain ng Spaghetti eh”

“Sa iba nalang Jayson. Kasi nahihiya ako eh”

“Sige na. Doon na. Gusto ko kasi kumain ng spaghetti”

Pinuntahan na namin ang restaurant ni Tiyo Bert at mabuti nalang wala masyadong tao kaya nagprepare si tiyo Bert ng paboritong spaghetti at garlic bread ni Jayson.

Pagkatapos naming kumain ay lumuwas kami ng bayan at nagikot-ikot ulit sa park.

“Siya nga pala. Hindi ko na naitanong sa iyo. Akala ko ayaw mom aging pulis?”

“Eh kasi diba sabi mo gusto mong makasama ang isang matapang, malakas at mabait na pulis para maipagtanggol ka at tulungang hanapin ang iyong mama at papa?” mahaba kong paliwanag.

Nakita ko namang ngumiti si Jayson at hindi na rin nakasagot pa sa aking mga ipinaliwanag.

“Dens?” mahinang sambit ni Jayson

“O ano Jay?”

“Huwag ka sanang magagalit ha?”

“Bat naman ako magagalit?”

“Kasi….”

“Kasi ano?”

“Bumalik ako para makita ka” malungkot na sambit ni Jayson habang nakatingin sa malayong parte ng park.

“bat malungkot ka?” Wala namang problema doon di ba?”

Hindi na nakasagot si Jayson at ipinagpatuloy ang kanyang naputol na paliwanag.

“Dens. Bumalik ako para sabihin sa iyo na aalis na ako at baka hindi na babalik” mahinang sambit ni Jayson

Nagulat naman ako sa kanyang sinabi. Hindi ko maipaliwanag ang kanyang mga sinabi. Parang ayaw ko nang mabuhay.

Masakit para sa akin ang mga pinag-sasabi ni Jayson.

Sa mahabang panahon na hindi kami nagsama tapos ngayong bumalik siya. Iiwanan lang pala niya ako.

Unti-unting namumuo ang mga luha sa aking mga mata at parang gusto ko nang magpapakamatay.

Hindi ko maintindihan kong bakit ganito ang aking pakiramdam. Mas sobra pa sa namatay.

Masakit na masakit at parang sasabog ang aking dibdib. Naramdaman ko ang panimulang pagsikip ng aking dibdib at parang hindi ako makahinga.

Tumayo ako at bahagyang hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng aking luha.

Hindi ko na siya sinagot at tumakbo na lang ako ng paikot-ikot sa park. Sumisigaw

“Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!”

Takbo lng ng takbo at sisigaw ulit.

“Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!”

Patuloy lng sa pagtakbo at pagsisigaw

“waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!”

Napahinto na lang ako bigla sa harapan niya dahil sa tindi ng aking galit. Napakasakit talaga pero kailangan ko itong tanggapin.

Huminga ako ng malalim at pinunasan ang mukha na puno ng mga luha galing sa aking mga mata.

Hinarap ko si Jayson at nakita ko siyang niyayakap ang kanyang sarili at humahagulhol din sa iyak.

“Puwede mo ba akong samahan?” sambit ko kay Jayson

Hindi na sumagot si Jayson at tumango nalang ito.

Pumunta kami sa firing range kung saan doon kami nagtitraining.

Sinuot ko ang mga protective gear at nagpaputok ng baril

Sa sobrang sakit na naramdaman ko ay patuloy lang ako sa pagbaril ng pagbaril.

Hanggang sa dumaloy ulit ang mga luha sa aking mga mata.

“Denz, tama na iyan. Pleases..” malungkot na sambit ni Jayson

Hindi na rin ako nakasagot sa kanya at nagpaputok pa rin ng baril

Dahil sa sobrang sakit at pagod ay huminto na ako sa aking ginagawa.

“Kailan ang alis mo?” mangiyak-ngiyak kong tanong kay Jayson

“Bukas Dens” maikling sagot ni Jayson

Napaluhod ako sa sahig at humagulhol. Niyakap ko ang aking sarili at patuloy pa rin sa pagiyak. Naramdaman kong niyakap ako ni Jayson at alam kong umiiyak na rin siya.

Nasa ganoong sitwasyon kaming dalawa at nanatili ito magkalipas ang ilang oras.

“Puwede ba kitang maihatid kahit sa huling pagkakataon?” mahina kong tugon kay Jayson

Tumango lang si Jayson at niyakap niya ako.

Umuwi kami ni Jayson at doon na kami ngstay sa bahay ng lolo niya.

Pagkagising ko ay nakita kong nakaimpake na si Jayson at ngumingiti.

Malungkot akong pinagmasdan si Jayson at naalala ko na aalis na siya at baka hindi na kami magkikita ulit.

“Jay? Puwede ba kitang mahalikan?

Lumapit si Jayson at hinalikan niya ako. Naghalikan kami na parang walang katapusan. Niyakap ko siya ng mahigpit at patuloy pa rin sa paghalik.

Nagsimula namang tumulo ang aking mga luha at ganoon din si Jayson ng bigla itong kumalas sa aking pagkakayakap.

Tumaliko si Jayson sa akin na animoy pinupunasan ang mga luha sa mata.

Biglang umalis si Jayson at tumayo na man ako kaagad sa pagkakaupo. Sinundan ko siya at nang naabutan ko siya ay may ibinigay sa akin.

Tiningnan ko ang kanyang ibinigay ay isang litrato gawa sa lapis. Pinagmasdan koi to ng mabuti at narealize ko na mukha ko ang nasa drawing

“Ginawa ko yan noon pa. natatandaan mo nong huling magkita tayo bago ka naospital ay may ginuguhit ako?

Hindi na ako sumagot pa at tumango na lang.

“Guniguhit kita kasi kahit papaano man lang ay may alaala rin ako sa iyo”

Namuo ulit ang mga luha sa aking mata at biglang niyakap ako ni Jayson.

“Paano yan. Aalis na ako” mahinang bulong ni Jayson

Hindi ako sumagot sa kanyang sambit at niyakap ko na lang siya ng mahigpit.

Umalis na rin kami sa kanilang bahay at hinatid ko siya sa airport.

“Jay? Hindi ka na ba talaga babalik?”

Nginitian nalang ako ni Jayson at kinuha ang inimpaking bag.

“Dens? Puwede bang humingi ng pabor?

“Alam ko na Jay. Gusto mong tumalikod ako para hindi mo ako makita na malungkot sa pagalis mo”

Hindi ko na hinintay ang kanyag sasabihin at tumaliko na sa kanya.

Naramdaman ko ulit ang mainit na yakap ni Jayson.

“Dens. Tandaan mong mahal na mahal kita. Ingat at paalam”

Naramdaman kong kumalas na si Jayson sa pagkayakap at pinilit na humarap sa kanya ngunit pinigilan niya ako sa pagharap.

“Dens. Please….” Mangiyak-ngiyak n autos ni Jayson

Lalong bumuhos ang mga luha sa aking mga mata habang nakatalikod.

Maya’t-maya ay narinig kong papaalis na si Jayson hanggang sa hindi ko na narinig ang bawat yapak niya. Na sa ganoong sitwasyon ako sa loob ng isang oras.

Patuloy pa rin sa pag-iyak at pagyakap sa sarili.

Alam kong nakatingin ang mga tao sa akin pero hindi ko na ito pinansin.

Itutuloy…

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails