The Knight and His Shining Armor - 07 |
Bawal
Na Pag-Ibig: The Knight and His Shining Armor
By
PrinceSky
Part
7
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Si
Jayson.
Nginitian
niya ako. Nagulat ako dahil bumalik si Jayson.
“Hihintayin
kita ha?” sambit ni Jayson at umupo sa waiting area.
Hindi
na rin ako nakasagot sa sobrang tuwa. Maya’t-maya ay may dumating na kumukuha
ng police clearance at humihingi ng list of requirements.
“Sir,
eto po ang iyong kailangan. Dalawang 2x2 picture, isang original at photocopy
ng barangay clearance, resibo galing sa city treasurer at excuse me po..”
naputol kong pagpapaliwanag.
Nakita
kong tumayo si Jayson at parang aalis. Sinundan ko naman siya ng aking tingin
at nakitang may kinukuha na isang babasahin.
Hindi
ako mapanatag kasi natatakot ako nab aka mawala ulit si Jayson kaya ang ginawa
ko ay tumayo, kinuha ang isang posas at nilapitan siya.
“Oh
para saan na man iyan?” Si jayson habang nakatingin sa akin na pinoposasan.
“Ayaw
ko kasing mawala ka pa eh kaya pinosasan na kita”
Napatingin
na lang sa akin si Jayson at nahalata kong nakatingin na rin ang kasama kong si
Alex. Bumalik na rin ako sa table at pinagpatuloy ang aking trabaho.
“I
see, kaya pala ayaw mo sa babae” mahinang sambit ni Alex
Ngumiti
na lang ako sa naging reaksyon ni Alex.
“Pogi
siya!” dagdag ni Alex
Pagkatapos
ng aming trabaho ay pinuntahan ko si Jayson at kinuha ang posas.
“Tara
gala muna tayo” masayang paganyaya k okay Jayson
Umalis
kami ni Jayson at gumala sa park, sa mall, sa beach, at kong saan-saan pa.
“Bakit
mo ako iniwan?” tanong ko kay Jayson
“Pasensya
na kasi emergency ang pag-alis ko. Huwag kang mag-alala. Binalikan naman kita
eh”
“Oo
nga. Alam mo, ang saya-saya ko kasi bumalik ka rin. Sana hindi mo na ako iiwan”
malungkot kong sambit.
Hindi
na nakasagot si Jayson sa mga sinabi ko.
“Punta
tayo sa restaurant ni Tiyo Bert mo. Gusto kong kumain ng Spaghetti eh”
“Sa
iba nalang Jayson. Kasi nahihiya ako eh”
“Sige
na. Doon na. Gusto ko kasi kumain ng spaghetti”
Pinuntahan
na namin ang restaurant ni Tiyo Bert at mabuti nalang wala masyadong tao kaya
nagprepare si tiyo Bert ng paboritong spaghetti at garlic bread ni Jayson.
Pagkatapos
naming kumain ay lumuwas kami ng bayan at nagikot-ikot ulit sa park.
“Siya
nga pala. Hindi ko na naitanong sa iyo. Akala ko ayaw mom aging pulis?”
“Eh
kasi diba sabi mo gusto mong makasama ang isang matapang, malakas at mabait na
pulis para maipagtanggol ka at tulungang hanapin ang iyong mama at papa?”
mahaba kong paliwanag.
Nakita
ko namang ngumiti si Jayson at hindi na rin nakasagot pa sa aking mga ipinaliwanag.
“Dens?”
mahinang sambit ni Jayson
“O
ano Jay?”
“Huwag
ka sanang magagalit ha?”
“Bat
naman ako magagalit?”
“Kasi….”
“Kasi
ano?”
“Bumalik
ako para makita ka” malungkot na sambit ni Jayson habang nakatingin sa malayong
parte ng park.
“bat
malungkot ka?” Wala namang problema doon di ba?”
Hindi
na nakasagot si Jayson at ipinagpatuloy ang kanyang naputol na paliwanag.
“Dens.
Bumalik ako para sabihin sa iyo na aalis na ako at baka hindi na babalik”
mahinang sambit ni Jayson
Nagulat
naman ako sa kanyang sinabi. Hindi ko maipaliwanag ang kanyang mga sinabi.
Parang ayaw ko nang mabuhay.
Masakit
para sa akin ang mga pinag-sasabi ni Jayson.
Sa
mahabang panahon na hindi kami nagsama tapos ngayong bumalik siya. Iiwanan lang
pala niya ako.
Unti-unting
namumuo ang mga luha sa aking mga mata at parang gusto ko nang magpapakamatay.
Hindi
ko maintindihan kong bakit ganito ang aking pakiramdam. Mas sobra pa sa
namatay.
Masakit
na masakit at parang sasabog ang aking dibdib. Naramdaman ko ang panimulang
pagsikip ng aking dibdib at parang hindi ako makahinga.
Tumayo
ako at bahagyang hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng aking luha.
Hindi
ko na siya sinagot at tumakbo na lang ako ng paikot-ikot sa park. Sumisigaw
“Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!”
Takbo
lng ng takbo at sisigaw ulit.
“Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!”
Patuloy
lng sa pagtakbo at pagsisigaw
“waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!”
Napahinto
na lang ako bigla sa harapan niya dahil sa tindi ng aking galit. Napakasakit
talaga pero kailangan ko itong tanggapin.
Huminga
ako ng malalim at pinunasan ang mukha na puno ng mga luha galing sa aking mga
mata.
Hinarap
ko si Jayson at nakita ko siyang niyayakap ang kanyang sarili at humahagulhol
din sa iyak.
“Puwede
mo ba akong samahan?” sambit ko kay Jayson
Hindi
na sumagot si Jayson at tumango nalang ito.
Pumunta
kami sa firing range kung saan doon kami nagtitraining.
Sinuot
ko ang mga protective gear at nagpaputok ng baril
Sa
sobrang sakit na naramdaman ko ay patuloy lang ako sa pagbaril ng pagbaril.
Hanggang
sa dumaloy ulit ang mga luha sa aking mga mata.
“Denz,
tama na iyan. Pleases..” malungkot na sambit ni Jayson
Hindi
na rin ako nakasagot sa kanya at nagpaputok pa rin ng baril
Dahil
sa sobrang sakit at pagod ay huminto na ako sa aking ginagawa.
“Kailan
ang alis mo?” mangiyak-ngiyak kong tanong kay Jayson
“Bukas
Dens” maikling sagot ni Jayson
Napaluhod
ako sa sahig at humagulhol. Niyakap ko ang aking sarili at patuloy pa rin sa
pagiyak. Naramdaman kong niyakap ako ni Jayson at alam kong umiiyak na rin
siya.
Nasa
ganoong sitwasyon kaming dalawa at nanatili ito magkalipas ang ilang oras.
“Puwede
ba kitang maihatid kahit sa huling pagkakataon?” mahina kong tugon kay Jayson
Tumango
lang si Jayson at niyakap niya ako.
Umuwi
kami ni Jayson at doon na kami ngstay sa bahay ng lolo niya.
Pagkagising
ko ay nakita kong nakaimpake na si Jayson at ngumingiti.
Malungkot
akong pinagmasdan si Jayson at naalala ko na aalis na siya at baka hindi na
kami magkikita ulit.
“Jay?
Puwede ba kitang mahalikan?
Lumapit
si Jayson at hinalikan niya ako. Naghalikan kami na parang walang katapusan.
Niyakap ko siya ng mahigpit at patuloy pa rin sa paghalik.
Nagsimula
namang tumulo ang aking mga luha at ganoon din si Jayson ng bigla itong kumalas
sa aking pagkakayakap.
Tumaliko
si Jayson sa akin na animoy pinupunasan ang mga luha sa mata.
Biglang
umalis si Jayson at tumayo na man ako kaagad sa pagkakaupo. Sinundan ko siya at
nang naabutan ko siya ay may ibinigay sa akin.
Tiningnan
ko ang kanyang ibinigay ay isang litrato gawa sa lapis. Pinagmasdan koi to ng
mabuti at narealize ko na mukha ko ang nasa drawing
“Ginawa
ko yan noon pa. natatandaan mo nong huling magkita tayo bago ka naospital ay
may ginuguhit ako?
Hindi
na ako sumagot pa at tumango na lang.
“Guniguhit
kita kasi kahit papaano man lang ay may alaala rin ako sa iyo”
Namuo
ulit ang mga luha sa aking mata at biglang niyakap ako ni Jayson.
“Paano
yan. Aalis na ako” mahinang bulong ni Jayson
Hindi
ako sumagot sa kanyang sambit at niyakap ko na lang siya ng mahigpit.
Umalis
na rin kami sa kanilang bahay at hinatid ko siya sa airport.
“Jay?
Hindi ka na ba talaga babalik?”
Nginitian
nalang ako ni Jayson at kinuha ang inimpaking bag.
“Dens?
Puwede bang humingi ng pabor?
“Alam
ko na Jay. Gusto mong tumalikod ako para hindi mo ako makita na malungkot sa
pagalis mo”
Hindi
ko na hinintay ang kanyag sasabihin at tumaliko na sa kanya.
Naramdaman
ko ulit ang mainit na yakap ni Jayson.
“Dens.
Tandaan mong mahal na mahal kita. Ingat at paalam”
Naramdaman
kong kumalas na si Jayson sa pagkayakap at pinilit na humarap sa kanya ngunit
pinigilan niya ako sa pagharap.
“Dens.
Please….” Mangiyak-ngiyak n autos ni Jayson
Lalong
bumuhos ang mga luha sa aking mga mata habang nakatalikod.
Maya’t-maya
ay narinig kong papaalis na si Jayson hanggang sa hindi ko na narinig ang bawat
yapak niya. Na sa ganoong sitwasyon ako sa loob ng isang oras.
Patuloy
pa rin sa pag-iyak at pagyakap sa sarili.
Alam
kong nakatingin ang mga tao sa akin pero hindi ko na ito pinansin.
Itutuloy…
tangna,napaiyak ako ah,eto ang tunay na bromance. Hayst sarap magmahal.
ReplyDeleteHi!
DeleteSorry kung napaiyak kita bro. I hope na patuloy mo pa rin na basahin ang kwentong ito hanggang sa huling bahagi. Salamat ulit sa iyong pagsubaybay. Cheers! Peace! :-)
ay nkka lungkot naman..parati nlng iniiwan ni jayson si denz ...=(
ReplyDeleteWhat's Up?
DeleteMusta po kayo bro? Oo nga nakakalungkot pero ganun talaga ang flow ng kwento. Gustuhin ko man na baguhin ang takbo ng kwento pero nakikisabay lang talaga ako sa nangyayari sa buhay ko. Kung masaya ako, masaya na rin ang kwento. Pero kung malungkot ako, iyon nagiging malungkot rin ang kwento ko.
Thank you for reading Sen Janus. Cheers! Peace! :-)
Shit! U made me cry! Ang galing mo mr. PrinceSky. Idol talaga kita. Sa totoo lng ito ang pnaka least favorite ko sa 3 mong story pero as the story goes on nagiging favorite ko na ito. Kelan po ang next update?
ReplyDeleteHello!
DeleteThank you for reading po. Matagal niyo na po bang nabasa ang kwnetong ito? Salamat naman at binasa mo lahat2 na mga pinost kong kwento. Cheers! Peace! :-)
Ed. Ito na ba ang kwento na sinulat mong tungkol sa police right? Shocks! Hindi ako nagkamaling ipahiram sa iyo ang pic ko. Ang ganda ng story. Please send me a copy of this story.
ReplyDeleteHello Jay!
DeleteOist! Thanks for reading ha. Hehehe. Mailonggo lang ko ah. Huo gani. thank you guid sa pagpahulam mo sa akon sang picture mo. Pasensya lang kong medyo madugay akon pagupdate. Sako man ko dabi. Thank you guid liwat. Cheers! Peace! :-)
Ouch! Nakarelate ako dito. Ganda ng story mo. I agree with u tzekaaaii. Nakakaiyak ang kwento. Sana happy ending lng.
ReplyDeleteHello po!
DeleteThank you for reading the story. Malalaman mo na rin ang ending tol kasi napost ko na lahat2. Sa uulit. Salamat po. Cheers! Peace! :-)
Kakainis naman! Bkit plaging nawawala si Jason? I can smell something. Don't tell me mamatay dito si Jason. Shit! Sana wag lang mr. Author.
ReplyDeleteHello Bro!
DeleteSalamat sa pagbabasa ng kwentong ito. Malalaman mo rin ang ending. Napost ko na po ang final chapter. Thank you for reading po. Cheers! Peace! :-)
bat anlungkot?
ReplyDeleteHello Meloh!
DeleteKamusta po kayo? Pasensya na kung malungkot po ang kwento ko. Ang gusto ko lang naman kasi ipakita sa lahat ang mga bagay na maaring mangyari sa kalagitnaan ng pagmamahalan. Hindi naman kasi lahat may happy ending. Kaya eto. Hehehe. Salamat po! Cheers! Peace! :-)
bakit d na sya babalik? anu nangyare?
ReplyDeleteHi Rob..
DeleteMalalaman mo na rin tol kung ano ang mangayari sa huli. I already posted the final chapter of the story. Pasensya na po kung sad ang ending nito. Sana maapreciate niyo pa ang ibang kwento ko. Salamat sa pagbasa po. Cheers! Peace! :-)
May taning na buhay ni Jayson? Kaya ba lagi na lang siya lumuluwas? :(
ReplyDeleteHi Doc!
DeleteWhat's up Doc? Thank you for reading my story. Hehehe. Alam mo isa ka sa mga naginspire sa akin na gumawa ng entry para sa MSOB Anthology. Di ko lang alam kong papasa ba iyon kasi ginawa ko lang iyon within couple of days. Tungkol iyon sa doctor! Hehehe. Salamat nga pala sa pagbasa mo na kwentong ito. Alam ko na sa simula pa lang ay nagparamdam ka na sa mga naunang chapter. Salamat talaga sa patuloy na pagabang ng kwentong ito hanggang sa huli. Sa uulit, maraming salamat po. Cheers! Peace! :-)