Followers
Friday, February 1, 2013
Ang Patagong Pagmamahalan - Pt. 12
"Ang Patagong Pagmamahalan pt. 12"
---Ikalawang Yugto---
By. Iam Kenth
Hindi ako lubos makapaniwala na dumating si Ryan pagkalipas ng 5 taon naming hindi pagkikita, pero kinailangan niyang muling bumalik sa bansa kung saan sila nakatira na ngayon.
Sa kalagitnaan ng taon, mayroon akong natanggap na sulat mula sa kaniya.
"Dear Myk,
How are you? Sana ay okay ka lang diyan. Ako ito? babad sa trabaho at laging pagod, pero sa tuwing naalala kita, nawawala ang pagod ko. Ilang buwan nalang naman at babalik na ako ulit diyan. Magkikita na tayong muli.
Namimiss na kita ng sobra, pasensya na ngayon lang ako nakasulat sa iyo, Dapat noon ko pa ginawa ito.
Sa ngayon nandito ako sa opisina habang sinusulat ko itong liham ko para sa iyo, madaling araw na dito, pero malamang diyan sa mga oras na ito tirik na ang araw, o kung hindi naman, malakas ang ulan.
Namimiss ko din naman na ang bansa natin, kagaya ng pagkasobrang pananabik ko na muli kang makita, mayakap at mahalikan.
..............
Mag-iingat ka parati diyan. Tandaan mo, mahal na mahal kita.
P.s. kung susulat ka, dito mo nalang iaaddress, kasi hindi naman napunta dito si Herminia. Pero syempre, susulat ka huh? aasa ako, gusto ko kasing malaman ang mga ginagawa mo diyan, kung kamusta ka ba diyan. basta magkwento ka.
Mahal na mahal kita, at hindi ako nagsasawang paulit uliting isulat ang mga salitang mahal na mahal kita.
-- ? Ryan"
Gumuhit sa labi ko ang ngiti na parang nadidinig ko ang boses ni Ryan habang binabasa ko ang sulat niya para sa akin, pakiramdam ko ang lapit kapit lang niya sa akin.
Agad ako kumuha ang papel at ballpen upang sulatan ko siya.
"Dear Ryan,
Natanggap ko na ang sulat mo, kung alam mo lang kung gaano mo ako pinasiya sa sulat mong iyon, pakiramdam ko ikaw ang nagbabasa noon habang binabasa ko angbawat linya ng sulat mo. Okay naman ako dito, masigla. malayo sa sakit, ikaw diyan, huwag mo masyadong pagurin angsarili mo sa pagtatrabaho, baka bigla kanalang bumigay. At ayaw kong may mangyari sa iyong hindi maganda diyan. Okey?
Mahal na mahal din kita, at sobra na din akong nanabik sa pagbabalik mo.
Sobrang saya ko talaga noong bigla kang dumating, hindi na ako nalungkot noong umalis ka, kasi alam kong babalik ka ulit. Handa akong maghintay ng matagal para lang makita kang muli.
Ano mga ginagawa ko dito? Katatapos lang ng company outing namin, alam mo bang noong nandoon ako, iniisip ko na sana kasama kita doon. Siya nga pala, may mga kalakip na litrato ko sa outing ang sulat ko, marahil ay pinagmamasdan mo na ngayon ang mga iyan.
.......
aantayin kita dito. Mahal na mahal na mahal na mahal po kita Ryan.
P.S. padalan mo din ako ng mga litrato mo, kasi ang litrato mo sa akin dito ay noong mga bata pa tayo, kaya sobrang nanibago ako sa iyo noong bigla kitang nakita."
Inilagay ko sa sobre ang liham ko kasama ang mga iilang litrato.
At kagaya noong dati, nagpalitan kami ng sulat. Buwanan ako nakakatanggap ng sulat mula sa kaniya. At sa tuwing makakatanggap ako ay agad din naman akong sumusulat.
"...natanggap ko na sulat mo Myk, nakakatuwa na parang bumabalik tayo sa pagkabata, pero damang dama ko ang bawat pangungusap mo para sa akin...
...siya nga pala..nahospital ako noong nakaraang Linggo, alam kong mag-aalala ka, pero okay na din naman ako..." <---sulat niya.
"...Ingatan mo kalusuga mo diyan...mabuti at okay ka na... lagi kitang pinagdarasal na sana nasa lagi kang nasa mabuting kalagayan...
...bumalik nga pala ako sa atin, sa probinsya, pero 2 araw lang ako doon... may kinuha akong mga importanteng papel ko... pumunta ako sa lambak... alam mo bang nandun padin iyong inukit mo.. naalala tuloy kita bigla...
...siya nga pala, si bokbok... wala na siya, siguro dahil na din sa katandaan... nasa 10 taon na kasi ata iyong aso na iyon eh... nasabi lang sa akin ng Mama mo.. napadaan kasi ako sa inyo..." <--sulat ko.
"...ah talaga, nakaukit padin? hindi kasi ako pwedeng bumalik sa probinsya na kasama ka.. nauunawaan mo naman siguro iyon diba? may mga mata si Herminia doon.. pero siguro pwede tayong magkita doon ng wlang nakakaalam kagaya ng ginagawa natin noon... gusto ko kasing umukit ulit ng pangalan natin sa puno na kasama ka...
...ang lungkot naman, wala na pala si bokbok. Pero, mabuti nalang at may isang tao na hindi parin nawawala sa akin... ikaw yon. kahit na malayo ako sa iyo.. ramdam ko na kasama lang kita parate..." <--- sulat niya.
"....ganoon din ako.. dinadama ko sa bawat sulat mo ang presensiya mo, gabi gabi kong binabasa ang mag sulat mo habang nakatingin ako sa bituin na sinasabi mo na malapit sa buwan, sa ganoong paraan.. naalala kita ng malinaw sa aking isipan...
...wala bang makakakita sa atin kung sakaling magkikita tayo sa probinsiya? Balita ko nga pala, hindi na ang Papa ni Herminia ang Mayor, balita ko din pupunta daw iyon diyan sa States. Siguro diyan na rin maninirahan...
...miss na miss na kita..." <--sulat ko.
"...kagaya mo, sa tuwing gabi dito, nakatingin ako sa langit habang pinagmamasdan ko ang bituin, pakiramdam ko nasa tabi lang kita habang nakahiga ka sa akin braso...
...ah Oo, pupunta dito si Papa, pero.. babalik din iyon diyan sa Pilipinas kasi si bayaw ang tatakbong Mayor, si Reynante...
Miss na miss na din kita...mahal na mahal kita Myk..." <---sulat niya.
"...mahal na na mahal din kita... hindi na ako makapaghintay pa na muli kang makita...." <---parte na sulat ko.
Para lang kaming naguusap sa tuwing nakakatanggap ako ng sulat galing sa kaniya.
"....Sa susunod na buwan, pupunta na ako diyan. Business meeting ulit. Yearly kasi, kaya taon taon tayong magkikita..." <-- sulat niya muli.
"....aabangan ko pagdating mo...miss na miss na kita..." <---sa akin
Sabik na sabik na akong muli ko siyang makita.
At dumating nga ang araw na iyon.
Nag-abang ako sa kaniya sa terminal ng Paliparan dahil nakalagay sa sulat niya ang araw at oras ng pagbalik niya sa Pilipinas. Sinabi niya sa akin na sa waiting area nalang daw ako maghintay at doon niya ako hahanapin.
"Kanina ka pa diyan?" Boses iyon ng lalaking inaabangan ko. Halos 3 oras na din akong naghihintay doon.
"Umupo ka muna." Sabi ko, alam kong ilang oras din siyang nakaupo sa loob ngeroplano pero, hindi ko kasi alam kung ano ang una kong sasabihin. Mahigit sa isang taon ko siyang hindi nakita eh, "...hmm. tatlong oras akong naghihitay dito, mas maigi na iyong maaga ako, mas sigurado ako."
"Ikaw talaga." Tapos umakbay siya sa akin. Tumingin tingin siya sa paligid tapos bigla niya akong hinalikan sa pisngi.
"Oy, ano kaba! adik naman to oh." Sabi ko, pero nakangiti ako noon. Natuwa ako sa ginawa nya.
"Namimiss na kasi talaga kita eh." sabi niya.
PAGDATING namin sa bahay...
mabilis niyang hinubad ang kaniyang damit habang kami ay naghahalikan, sabik na sabik ako sa kaniyang mga halik.
Hinubad niya ang aking kasuotan.
Pumatong siya sa akin.
At dinama niya ang init ng aking katawan, nakayakap ako sa kaniya habang nakadagan siya sa akin.
Naging mas maanit ang tagpo namin iyon.
Hanggang sa kapwa namin nakamit ang init ng kaligayahang hatid ng aming pagmamahalan.
Nakatingin ako sa kaniya, pinagmamasdan ko ko siya. Iginuguhit ko sa aking isipan ang bawat detalye ng kaniyang itsura, ang bawat linya at guhit na makikita ko sa kaniya. Ang mga mata niya, ilong labi at pisngi. Ang bawat nunal niya sa katawan. Ang bawat pilat na bakas ng kaniyang kabataan. Ang lahat ng iyon ay itinatatak ko sa aking isipan.
Hinahayaan lang niya akong pagmasdan siya.
Ayaw kong malimutan ang bawat detalye niya. Nais kong itatak lang iyon sa aking isipan.
"I love you Myk..." nakangiti niyang sabi sa akin.
"I love you too..." sagot ko.
Tila muli akong nabubuo sa tuwing kasama ko siya. Tuwing hawak ko ang kaniyang mga palad.
Wala kaming inaaksayang sandali na magkasama kaming dalawa.
Walang gabi na hindi namin pinagsaluhan ang init ng aming mga nararamdaman para sa isa't isa.
Magkasabay kaming mag-aalmusal, maliligo, lalabas. Papunta ako sa office at siya sa inaasikasu niyang business.
At sa gabi, maghihintayan kami sa isang lugar at sabay na uuwi sa aking tinutuluyan.
Ang ilang araw na pamamalagi niya ay katumbas ng isang taon na pagkawalay niya sa akin.
Hindi ko siya inaangkin bilang sa akin dahil alam kong meron na siyang pamilya, pero sa mga sandaling iyon. Nais kong maging sa akin muna siya. Dahil darating muli ang araw na babalik nanaman siya sa bansa kung nasaan ang Pamilya niya.
"Humiling sa akin si Herminia ng isa pang anak, kaya pinagbigyan ko siya. nagsesex kami, oo. Pero...para mailabas lang ang init ng aking katawan. Pero, hindi iyon madalas. Sa tuwing nakatabi ko siya, iniisip ko na sana ikaw nalang siya. Gigising ako sa umaga na wala ka, pero sa tuwing makikita ko ang mga anak ko. nagiging masaya ako..." Sabi niya, nakahiga kaming dalawa. Nakapalibot ang braso niya sa akin habang nakahiga ako sa dibdib niya.
"ako sa tuwing gigising ako sa umaga, litrato mo kaagad ang sinisilip ko...sa ganoong paraan, nararamdaman ko na malapit ka lang sa akin. At ngayon nga, bukas makalawa... aalis ka na ulit." Natahimik ako.
"Ano kaba? babalik ako ulit, matatagalan nga lang. Pero babalik ako. Pangako ko iyan."sabi niya. at muli niya akong hinalikan.
Hindi na niyang nagawang umuwi noong sa probinsiya dahil nagahol siya sa araw.
Sa huling gabi niya, muli ay pinagmasdan ko siya... at ganun din siya sa akin.
Hindi ako natulog noon, hindi ko napapansin ang oras, at ganun din siya. Hindi kami nag-uusapan. Hinahaplos lang niya ang aking mukha ng kaniyang kamay at maya't mayang humalik sa aking labi.
At ng dumating ang takdang oras ng pag-alis niya.
"I love you... mag-iingat ka parati." Sabi niya.
"I love you more, oo, mag-iingat ako. Ikaw din ha?" nakangiting sabi ko.
Hinatid ko siya sa Terminal ng paliparan.
at muling maghihintay ng isang taon makasama ko lang siyang muli.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
No comments:
Post a Comment