Love Never Dies - 01 |
Hello,
Guys pasensya na kung madedelay yong updates ko sa ibang stories. Medyo magiging busy kasi ako. For now, I'll be posting this short story which I made few months ago. I hope you enjoy reading this story and please do keep visiting MSOB. Thank you very much.
PrinceSky of Roxas City
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Bawal na
Pag-ibig: True Love Never Dies
by
PrinceSky
Part 1
Naranasan
mo na bang paglaruan ang iyong tadhana? Paano kung ikaw naman mismo ang
paglaruan nang sarili mong tadhana? Kakayanin mo ba ang mga sitwasyong maaring
mangyari sa iyo? Ito ang mga katanungan na dapat mong pag isipan bago mo
paglaruan ang bagay na hindi dapat pag laruan, dahil sa bandang huli baka pagsisihan
mo ang mga mali na nagawa mo at ito ang magiging daan para sa iyong pagkawala
sa sarili.
Ang
kuwentong ito ay nangyari sa tunay na buhay kong saan pinag laruan mismo ang
tadhana na nakalaan sa kanya. Nagsisimula ang kuwentong ito sa taong
nakahiligan nang pagtripan ang mga taong minahal siya nag lubusan.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
“Sorry
dude pero walang spark eh!” sambit ni Arbie sa kaharap na lalaki.
Si Arbie
ay 24 na taong gulang. May taas na 5’10”, maputi, medyo chinito ang mata pero
maangas tingnan. Medyo mahaba din ang buhok at palaging gumagamit ng hair wax
at daig pa ang isang Korean star kung umangas. Mahilig siyang mag chat sa isang
m2m social networking site. Nakahiligan na rin niyang mag join sa mga grand eye
ball kung saan maraming mga guwapong lalaki ang nagpaparticipate. Matipuno ang
katawan dahil mahilig lumaro ng basketball. Sa katunayan nga ay isa siyang
varsity player sa isang unibersidad sa aming bayan.
Siya nga
pala, hindi gaanong kilala ang aming siyudad sa visayas pero sa pagkakaalam ko
ay kilala ito bilang seafood capital of the Philippines. Pero ang hindi maganda
dito ay ang pagiging tanyag ng aming probinsya bilang bayan ng mga aswang. Oo
inaamin ko that we are from Capiz at lahat na mga paratang tungkol sa pagiging
aswang namin ay sadyang gawa lamang ng mga makukulit na imahinasyon. Kaibigan
ko si Arbie at isa akong nurse na nagtatrabaho sa isang ospital sa karatig na
syudad malapit sa amin.
Nasaksihan
ko ang maluha-luhang mata ng lalaki habang hinaharap niya ang katotohanang
hindi niya ginusto.
“Dude I
gave you all I have and I love you so much” sabi ng lalaki kay arbie habang
mangiyak-ngiyak pa rin.
“I’m
sorry but I don’t have time with melodramatic people” sambit ni arbie sabay
tingin sa akin na sa palagay ko naman ay kailangan niya na ng backup mode.
“Pare
huwag mo nang pilitin pa ang sarili mo kay Arbie” sambit ko sa kanya habang
hinahawakan ko ang kanyang likod.
Tumayo
kaagad ang lalaki at biglang tinulak niya ako. Napahandusay naman ako sa floor.
Gusto ko sanang banatan siya ngunit naintindihan ko naman ang kanyang inasal.
Umalis
kaagad ang lalaki na sa tingin ko ay humahagulhol pa rin.
“Fuck
bro! Look at that guy. I just can’t seem to understand why people keep on
pushing themselves to someone who doesn’t even give a shit!” sambit ni arbie
habang inaayos ang sarili.
“Bro,
kawawa naman yong tao. bakit naman kasi pinaasa mo?” tanong ko kay arbie habang
naka tingin ng mataimtim sa kanya.
“Oh!
Where are you going? We are not done here!” dagdag ko sa kanya habang
pinagmamasdan si arbie na may dina-dial sa phone.
Hindi na
siya nakasagot sa tanong ko dahil may kinakausap siya sa kabilang linya.
“Hey bro,
come with me. I’ll meet this guy” sabi ni arbie habang ibinubulsa ang phone.
“Ha?
Agad-agad? Aren’t you satisfied sa ginawa mo doon sa lalaki?” pakikipag debate
ko sa kanya.
“Bro,
let’s put it this way. I’m just here to play! I’m not into relationship. Never
been, never was, and never will be!” firm na pagsagot ni arbie sa akin.
Wala na
akong magawa at tuluyan nang tinalikuran ang lugar na iyon.
Sinamahan
ko si Arbie at pumunta kami sa isang bar sa harap ng isang mall.
Pumasok
kami sa bar at umorder ng sex on the beach.
Naginuman
kami ni Arbie habang hinihintay ang guy na gusto niyang I-meet.
Finally,
after several minutes ay dumating na rin ang guy na iyon.
“Hi, I’m
Jeff and you are Arbie right?” sabi ng guy sabay abot ng kanyang kamay para
makipag-shake hands kay arbie.
Arbie
just stared at him intently at sinuklian din siya ng kamay. Nag-usap silang
dalawa at medyo nagkaroon na ng common
topic. Syempre eto ako naka tunganga sa dalawang gwapong nilalang at walang
magawa kundi makinig lang sa kanilang pinag-uusapan.
“Arbs,
can I go out? I just need to pee.” Pakisuyo ko sa gitna ng kanilang pag-uusap.
They just
stared at me at pinag-patuloy ang kanilang pinag-uusapan. Umalis ako doon at
tinungo ang CR. Pero bago ako nakapasok ng CR ay nakita ko naman ang guy na
binusted ni Arbie kani-kanina lang.
“Sige
enjoy ka lang. Sa bandang huli mararanasan mo rin ang mga bagay na ginawa mo sa
akin” sabi ng guy sa isang table. Narinig ko ang mga katagang iyon at inisip ko
na baka may gagawing masama ang taong iyon. Pupuntahan ko na sana yong guy
ngunit mabilis din siyang umalis ng bar. Hindi ko na siya naabutan because he
left the bar sa likod na labasan.
Tinungo
ko ang CR at umihi. Inayos ko muna ang aking sarili bago ako umalis ng CR.
Maya’t-maya ay lumabas na rin ako at bumalik sa table namin ngunit nakita ko
nalang na wala na pala sina arbie at jeff.
“Fuck!
Where the hell, are they?” sabi ko sa sarili ko habang hinahanap silang dalawa.
I called
Arbie pero hindi niya sinasagot ang aking mga tawag. Siguro mga 10 times ko na
siyang tinatawagan at nag ri-ring lang ang phone niya. Maya’t-maya ay nag text
siya sa akin.
“Bro, I
can’t take your call. I’m having a hot thing right now.” Message ni arbie.
Hindi ko
na siya nireplayan kasi nagalit talaga ako sa kanyang ginawa. Iniwan ba naman
ako sa bar dahil makikipag talik lang sa Jeff na iyon. Hindi pa nga niya
masyadong kilala yong guy tapos bibigay agad.
“What a
bitch!” sambit ko sa sarili ko habang lumalabas sa bar.
The
following day wala akong nakuha na balita tungkol kay Arbie. I tried to text
him pero hindi ko na ginawa kasi baka makakadisturbo lang ako sa kanya.
Lumipas
ang ilang araw at tinawagan ako ni Arbie.
“Bro
where are you? Can you accompany me tonight?” si arbie sa kabilang line.
“Ok.
Tatapusin ko lang ang endorsement ha?” sagot ko sa kanya habang patuloy sa page
endorsement sa incoming nurse.
After ng
endorsement ay tinext ko kaagad si arbie.
“Bro, san
ba tayo magkikita?” hindi siya naka reply sa message ko and I was about to call
him na nakita ko naman sa likod ko ang isang sasakyan na bumisina.
Beeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeep!
“ay putik!” bigla kong reaction.
Naalimpungatan
na lang ako na si Arbie pala at ang Jeff na iyon. Lumabas si arbie at pinuntahan ako.
“Bro,
sumabay ka and please huwag kang kokontra ha? Tatapusin ko lang ito.” Sabi ni
arbie sabay akbay sa akin.
Sa isip
ko lang ay ito na ang katapusan ng short-term relationship ni arbie at Jeff.
Papasok na sana kami ng kotse ngunit nakita kong sinenyasan ni Arbie si Jeff na
bumaba na lang. Maya’t-maya ay bumaba na nga si Jeff.
“Boo,
why? Is there something wrong?” tanong ni Jeff sabay labas ng kotse.
“Well, I
just want you to know that I’ts over!” sagot ni Arbie na walang
pag-aalinlangan.
Nakita ko
ang reaksyon ni Jeff sa kanyang narinig ngunit kalmado pa rin ang tado.
“What?
Are you kidding me?” tanong ni Jeff na may halong ngiti. Yong ngiting parang
hindi niya pinaghahalagaan ang mga sinabi ni Arbie.
“I’m not
joking!” mabilisang sagot ni arbie.
“What
the! Ano ito? Laru-laru lang ARBIE?” mabilisang tanong din ni Jeff.
Hindi na
sumagot si Arbie at sadyang tinalikuran na namin si Jeff.
“Bro, sumabay
ka lang ha?” paalala ni Arbie sa akin.
Naabutan
kami ni Jeff at sadyang hinablot niya si Arbie sa likuran.
“Bullshit!
Arbie don’t play with me! Who is behind this?” galit na tanong ni Jeff sa
kaibigan ko.
“Hey! Can
you cut this crap? I don’t have time for this.” Sagot ni Arbie na may halong
galit.
Gusto ko
sanang mag react ngunit parang natural na ang mga pangyayaring ito sa akin.
Palagi namang ganon si Arbie. He will meet someone and after a week he will
dumped the guy! Para bang fairytale and dating sa ibang guys pero nightmare
naman para kay Arbie.
Pero kahit
ano pa si Arbie ay hindi ko naman maikakaila na crush ko siya. Kasi kahit noong
magclassmate pa lang kami ay medyo tinamaan na ako sa lintek na kaibigan ko.
Kung si Arbie ay kinahiligan ang sports ako naman ay kinahiligan ko ang arts.
Magaling
akong kumanta at sumayaw. Naging president nga ako sa isang tanyag na
organization sa paaralan namin at palagi akong iniinvite para lang magperform.
Beyond
that, wala na akong may hihilingin pa kung hindi ang makita naman sana ni Arbie
ang aking presensya. Kahit man lang maranasan niya na may-roon akong damdamin
para sa kanya. Yong damdaming higit pa sa pagiging best friend. Iyong damdaming
mas hihigit pa sa pagiging taga-linis ng lahat niyang gusot na ginagawa.
Ngunit
natatakot ako dahil alam ko ang ugali ni Arbie. Siya nga siguro iyong tipong
mamahalin ka niya at ibibigay ang mundo ng kasarapan at pag-nalaman niya na
nahuhulog ka na sa kanya ay sadya naman niyang iiwasan ka at ang mas masama pa
ay tatapusin pa niya ang namamagitan sa inyo.
Ewan ko
nga kung bakit naging ganun si Arbie. Sa mahigit sampung taon naming pagsasama
ay alam ko na ang mga bagay na ginagawa niya. Mga gusto niya, mga hindi niya
gusto at higit sa lahat ang katarantaduhan niya. Subalit kahit meron akong feelings
na kakaiba sa kanya ay pilit ko namang nilalabanan ito.
Ang ama
ko ay isang pastor at ang ina ko naman ay isang miyembro ng religious group sa
bayan namin kaya hindi ko kayang ilabas ang aking saloobin na ako ay isang
bakla. Masakit man isipin at mahirap tangapin pero naka arrange na ang kasal ko
sa babaeng hindi ko naman mahal. Wala na akong magagawa at sa susunod na
dalawang taon ay mawawala na ang pag-asa kong magpakatotoo sa sarili.
“Why
arbie? Ano ba ng ginawa ko na hindi mo gusto?” tanong ni Jeff na may halong
pangangamba.
Hindi na
sumagot si arbie sa tanong ni Jeff at tuluyan nang tinalikuran si Jeff.
Inakbayan naman ako ni Arbie at sinimulang lumakad papalayo. Ngunit sadyang
makulit talaga si Jeff.
“Fuck You
Arbie! Just give me one damn good reason for doing this” sambit ni Jeff habang
nagsisimulang dumadaloy ang kanyang luha.
Medyo nagulat
naman ako sa inasal ni Arbie dahil hindi pa rin niya nagawang harapin si Jeff
at kausapin ng maayos.
“Hey!
Just tell me! I’m a man enough to accept your reason!” dagdag ni Jeff.
Huminto
kami ni Arbie sa gitna ng kalsada. Hinarap siya ni arbie at kitang-kita ko ang
pagtaas at baba ng kanyang chest. Siguro ay nainis na si Arbie sa kakulitan ni
Jeff.
“YOU WANT
TO KNOW THE FUCKING TRUTH?” sagot ni Arbie na may halong galit. Medyo kinabahan
ako sa inasal ni arbie ng bigla niya akong hinablot at hinalikan sa bibig.
Nagulat
ako sa inasal ni Arbie pero naalala ko nga pala na sinabihan niya akong sumabay
lang sa kanyang trip. Hindi ko naman binasag ang kanyang gusto. Pero habang
hinahalikan niya ako ay iba naman ang naramdaman ko.
First
time kong hinalikan ni arbie at sa hindi kong inaasahang pangyayari ay doon pa
mismo malapit sa ospital na pinag-tatrabahuhan ko. Sinasamsam ko ang bawat
segundo sa paghahalik ni Arbie at inisip ko na sana ako nalang ang inibig mo
pero nilabanan ko ito.
Maya’t-maya
ay naramdaman ko na kinuha na ni Arbie ang kanyang bibig at hinarap si Jeff.
Haharapin ko na sana si Jeff ngunit biglang umalis na ito at kitang-kita ko ang
mabilisang pagtapon ni Jeff sa kanyang cellphone. Nabasag ang unit niya dahil
siguro sa sobrang galit niya.
Hinarap
ko naman si Arbie at tinanong
“Bro what
was that for?”
Hindi
nakapag-salita si arbie at patuloy pa rin kaming lumalakad. Gusto ko siyang
sapakin sa ginawa niya pero hindi ko kayang gawin dahil parang mabilis ang mga
pangyayari. Kaya ang nagawa ko nalang ay tanungin siya ulit.
“Bro,
what was that for?” hinarap naman ako ni Arbie.
“What do
you mean?” tanong ni Arbie habang nakatingin sa akin.
“The
Kiss!” ang mabilisan kong sagot sa kanya.
Nakatitig
ako sa mga mata ni Arbie dahil gusto kong malaman kung ano ang ibig sabihin noon.
Iyon ba ay bahagi na ng aking responsibilidad sa paglilinis ng kanyang gusot or
may halong emosyon? Ngunit ngumiti lang si Arbie sa akin at patuloy na man kami
sa paglalakad.
“Fuck!
Arbs please tell me. What is this all about?” makulit kong tanong kay Arbie na
may halong inis.
Maya’t-maya
ay hinarap na ako ni Arbie at hinawakan ang aking balikat. Inisip ko na baka
meron siyang feelings para sa akin at ako ang naging dahilang niya kong bakit
binusted niya si Jeff.
Eh kasi
nga naman gwapo naman si Jeff. Mayaman at higit sa lahat mabait! Wala ka nang
hihilingin pa sa isang tao dahil lahat-lahat ay nasa kay Jeff na pero bakit
ginawa pa rin yon ni Arbie? Is it because my feelings ba siya sa akin?
Narealize na ba niya na matagal ko na siyang gusto?
Habang
nasa ilalim ako ng aking imahinasyon ay naalimpungatan naman ako sa kanyang
sinabi.
“Bro!
Once and for all I don’t want serious relationship. Take this as an advice from
me. When I say goodnight that means Good Bye!” sagot ni Arbie sa akin habang
patuloy pa rin siyang naka-hawak sa balikat ko.
“Oo andun
na ako arbs pero bakit pa hinalikan mo ako?” dagdag na tanong ko kay Arbie.
Tumawa
siya ng malakas at pinagpatuloy naman ang paglalakad.
Hindi talaga
ako mapanatag sa ginawa ni Arbie. Ni hindi ko nga inisip na hahalikan niya ako.
Kahit matagal ko nang gustong gawin sa kanya ngunit maraming tao ang sadyang
masasaktan pag nangyari ito. Ang masaklap pa ay malapit na akong ikakasal sa
babaeng ikinamumuhian ng ating lahi.
Patuloy
pa rin akong lumalakad at nag-iisip sa ginawa ni Arbie ng biglang
“Bro,
don’t take it seriously! It was just a friendly kiss from a devil” sambit ni Arbie
habang patuloy pa rin kaming lumalakad.
Napahinto
na kami sa bandang malapit sa drug store at patuloy pa rin kaming hindi
nagkikibuan. Siguro nakikipag ramdaman kami sa bawat isa.
Tahimik
ang gabing iyon at parang nabibingi ako sa katahimikan. Binasag ko ang
sitwasyon namin ng bigla naman niya akong hinarap at sinabihan
“Bro, You
are my friend and I’m happy with that. Always remember that no matter what
happen I will be your friend. Nothing more, nothing less” sambit ni arbie at
lumingon sa kalsada.
“Bro, but
what if..” sambit ko pero naputol agad iyon ng nagsalita naman siya
“Bro!
Don’t dare coz you won’t like it! I’m you friend and so are you! Cut those
feelings you have and give it to someone who completes you! Besides ikakasal ka
na diba?” sambit ni arbie.
Nabigla
ako sa kanyang mahabang litanya.
“Bro, I
love you!” sabi ko kay Arbie na walang pagaalinlangan.
Hinarap
niya ako at sinabi ang mga katagang hinding-hindi ko malilimutan.
“Never in
my mind that I’m falling to someone who is a friend to me and I will never fall
in love because I can’t imagine life being with someone who will NEVER be
mine!” mahabang paliwanag ni Arbie na inimphasize pa ang NEVER sabay para sa
taxi at sumakay.
Iniwan
niya akong nag-iisa sa kalsada. Masakit sa akin ang kanyang binitawang salita.
Hindi ko napigilan ang aking damdamin. Parang sasabog ang dibdib ko sa kanyang
paliwanag. Unti-unting pumapatak ang luha sa aking mga mata. Mabuti nalang ay
hindi niya nakita ang mga luha ko. Masakit man para sa akin ngunit kailangan
kong tangapin.
To be
continued
aba loko to a! at ikaw nman bro ay hindi ko ata nabasa pangalan mo kya bro ka na lang, ang gain mo e sambutin mu na lng ang tiratirahan..hahaha..joke!!..medyo naguguluhan pa kasi ako sa kuento..sensiya na!!
ReplyDeleteaba lintek nga naman sa ugali no..br nu ba pangalan mo at di ko ata nabasa, hehe..sa sambutin mu na lng kaya ang tiratirahan nya, hehehe..joke!!
ReplyDeleteSimula pa lang yan ha. I know this story will be one of the best. Lalo pa't galing pala sa kababayan ko. I never thought na may angking talino pala sa pagsusulat sa genre na ito ang isang Capizeño. Isa kang patunay author na hindi lang sa pagiging aswang sikat ang mga taga sa atin. May maipagmamalaki din. Anyways, I am proud to have read your works. Keep writing. God Bless.
ReplyDelete_xtian of ksa