The Bloody Rose |
By PrinceSky of Roxas City
Genre: Suspense
Author's Note:
Guys, this will be my newest story to replace Bawal na Pag-Ibig: The Knight and His Shining Armor. This is a short story about several people who faced the vicious revenge of the tormented soul. I will update this story if it reaches my prescribed views. I hope you'll like this.
Sincerely,
PrinceSky of Roxas City
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Luke nahihirapan na ako. Pero natatakot
akong mawala ka"
"John please… Kaya natin ito. Hindi kita
iiwan"
Nahihirapan na si John sa kanyang paghinga. Si
John ay na diagnose ng Cancer - Terminal Stage.
"Luke natatakot akong mamatay"
"John.. kung iiwan mo ako. Mas mabuti na
sigurong samahan na kita sa kabilang buhay"
Kinuha ni Luke ang isang posas at matalim na
kutsilyo. Humarap silang dalawa sa pool. Nagyakapan si John at Luke.
Maya't-maya ay sabay silang tumalon sa pool. Kitang-kita ni Luke ang paghihirap
ni John sa kanyang kalagayan kaya mabilisan niyang pinosasan ang kanyang kamay.
Ikinabit niya ito sa ilalim na bahagi ng pool
ladder at sa kabilang bahagi ng posas ay inilagay naman niya sa isang kamay ni
John. Gamit ng matalim na kutsilyo, hiniwa niya ang palad ni John at ganoon din
ang palad niya. Maraming dugo ang lumabas sa sugat na hiniwa gamit ang kutsilyo.
Naghawakan silang dalawa at nagtinginan.
"John. I'll die with you"
"Luke. Promise me.. Don't leave me. I'll
see you sa susunod na pagkikita natin."
Naghalikan silang dalawa ng biglang sinaksak ni
Luke ang kanyang sarili..
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Meanwhile…
"Hay naku Lyndon naman hu! 8th
Monthsarry natin tapos kahit halik man lang hindi mo maibigay?"
"Justin, mahal ko. Nakakahiya kasi. Baka
may makakita sa atin"
"Ano ba ang ikinahihiya mo? Eh wala ngang
tao dito. Tumingin ka nga sa paligid mo.. May nakita ka bang tao?"
Pinagmasdan ni Lyndon ang buong paligid at
sinigurado na walang tao na nakamasid sa kanilang dalawa. Niyakap siya bigla ni
Justin at hinalikan siya sa pisngi. Nagparaya na rin si Justin kaya hinalikan
niya rin si Lyndon.
"Lyndon, mahal na mahal kita! Happy 8th
Monthsarry!"
"Just, mahal na mahal rin ki" naputol
na sambit ni Lyndon ng biglang siyang sumigaw.
"Shit! Ano iyon?" gulat na tanong ni
Lyndon sabay turo sa may pool.
Nilapitan nilang dalawa kung ano ang nakita ni
Lyndon sa may pool ng bigla itong sumigaw ng malakas.
"Patay! Patay!"
"Justin, humingi ka ng saklolo"
Tumakbo si Justin sa loob ng resort at humingi
ng tulong. Sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla namang tumalon si Lyndon sa
pool at tinulungan ang dalawang tao. Hindi siya sigurado kung buhay pa ito pero
nilapitan niya. Pinipilit niyang hatakin ang dalawang tao pataas ngunit may
posas pala na nakakabit sa pool ladder.
Umahon siya at humanap ng kahit ano para mawasak
ang posas. Mabuti nalang at nakita niya ang isang matalim na lagari at tumalon
ulit sa pool. Pinilit niyang was akin ang posas. Ibinuhos niya ang buong lakas
at sa awa ng Diyos ay nawasak rin niya ang posas.
Maya-t-maya ay dumating na rin si Jason kasama
ang dalawang lalaki. Tumalon ang dalawang lalaki at tinulungan si Lyndon.
Iniahon nila ang dalawang katawan na animo'y patay na. Dumating na rin ang
lifeguard ng resort at maya't-maya ay may dumating rin ang emergency response
rescuer team sa bayang iyon.
Habang ang isang lalaki kanina ay patuloy pa rin
sa pag CPR sa katawan ng isang lalaki at ang lifeguard naman ay nag CPR din sa
katawan ng isang lalaki.
Ngunit sa kasamaang palad, ang isang biktima ay
hindi na narevive pero ang isa naman ay narevive pa.
Lumapit si Justin kay Lyndon at hinawakan niya
ang kamay nito.
"Lyndon. Grabe hindi ako makapaniwala"
"Ako rin. Mabuti nalang at nakita natin.
Naawa naman ako sa isa kasi hindi na talaga narevive"
Dinala ang dalawang lalaki sa loob ng ambulance
at idiniretso sa malapit na ospital.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sa Ospital…
Code 00 in ER… Code 00 in ER
"Doc Marvin. May dalawang pasyente tayo
ngayon. Possible drowning"
Dumating na rin si Doc Marvin.
"Ampi 1" utos ni Doc Marvin kay Nurse
Helen
"Ampi 1 Doc given" sagot ni Nurse
Helen
Nag CPR pa si Nurse Michael sa isang pasyente
pero hindi na talaga marevive.
"Time of death 8:30 PM"
"Doc Marvin, mahina pa rin ang pulso at
hininga ng isang pasyente" sambit ni Nurse Helen
"Doc, may mga sugat po sa palad at saksak
sa may puson"
"Tawagan moa ng medtech ngayon!"
"Best Kyle punt aka muna ngayon sa ER"
Dumating na rin si Kyle ang medtech ng ospital
at bitbit ang kanyang mga gamit.
"Doc, kunan ko nalang ng blood sample"
"Okay. Nurse Helen prepare for emergency
ExLap. Tawagan mo ang OR department"
Pagkatapos ng mabilisang pagasikaso sa isang
pasyente ay idineretso na ito sa OR kung saan ooperahan siya at titingnan kung
may natamong sugat ang kanyang internal organs"
Tumawag na rin ang medtech at mabuti nalang ay
kakatapos niya lang makuha ang blood type nito. Sa awa ng Diyos ay may natirang
blood bag na kaparehong blood type ito. Ginawa na rin ni Kyle ang mga protocols
dito. Pagkatapos nito ay mabilisan siyang pumunta ng OR at ibinigay ito sa
isang nurse doon.
Sinimulan na rin ang operasyon habang naka
intubate ang pasyente. Mabuti nalang at hindi masyadong nakabaon ang tusok ng
kutsilyo at wala namang nasugatan sa internal organs nito. Maraming dugo ang
nawala kaya nagrequest pa ang surgeon nito na si Doc Alex sa nurse na
magprepare ng dugo para dito.
Tumawag ang OR nurse sa laboratory pero
napagalaman nalang nila na wala ng extra doon kaya tumawag sila sa malapit na
blood bank sa bayan. Pagkatapos ng operation ay isinugod ang pasyente sa
recovery room. Doon na namalagi ang katawan ng isang lalaki habang ang isang
katawan naman ay dinala na sa morgue.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Meanwhile sa resort…
"Whew! Lyndon shit parang hindi ako
makatulog sa pangyayari kanina!"
"Ako rin eh. Gusto mo shot muna tayo?"
"Sige para naman mahimasmasan tayong
dalawa"
Bumuli si Lyndon at Justin ng alak sa labas at
bumalik ulit sa room nila. Pagpasok nila sa room ay naginuman silang dalawa.
"Justin. Happy 8th
Monthsarry!"
"Happy 8th Monthsarry din
Lyndon"
Pagkatapos nilang uminom ng alak ay sinimulan na
rin nila ang kanilang pagtatalik. Naging maalab din ang kanilang gabi.
Maya't-maya ay pumasok si Lyndon sa loob ng
banyo para umihi. Pagpasok niya sa banyo ay binuksan niya ang ilaw. Ngunit ng
humarap siya sa salamin, nagsitayuan ang mga balahibo sa kanyang katawan dahil
parang may nakita siyang anino ng tao.
"BULLSHIT!"
"Lynds, ano ang nangyari?" pasigaw na
tanong ni Justin sa labas.
Hindi nakasagot si Lyndon dahil hindi naman siya
sigurado sa kanyang nakita. Siguro resulta lang ito ng mga pangyayari kanina at
isa pa medyo maykalasingan na rin siya. Umihi na si Lyndon ng bigla naman
siyang may naamoy na rosas.
"Just? May naamoy ka bang rosas?"
Hindi nakasagot si Justin. Kaya ipinagpatuloy na
rin ni Lyndon ang kanyang pag-ihi.
Mas lalo pang tumindi ang amoy ng rosas pero
hindi na ito pinansin ni Lyndon. (Hay naku! Si Justin talaga may mga
kabalastugan namang ginagawa!) sa isip ni Lyndon
"Ikaw Justin ha! May sorpresa ka sa akin
ano? Bibigyan mo ba ako ng rosas ha? Mahal?"
Hindi pa rin sumasagot si Justin. (Hehehehe.
Pagnagkataon 2nd round to!) sa isip ni Lyndon
After umihi si Lyndon ay lumabas na rin siya ng
banyo. NakaOff ang ilaw sa labas ng kwarto.
"Justin.. andito na ako.. ikaw ha.."
Wala pa rin siyang narinig na boses ni Justin
kaya minabuti na niyang tabihan ito. Madilim at hindi niya makita ang nasa
paligid. Paghiga ni Lyndon sa kama ay tinabihan niya naman si Justin. Hinawakan
niya ang kamay ni Justin at hinaplos-haplos ito. Ngunit nagulat si Lyndon dahil
parang mabasa ang kamay nito.
"Ikaw ha. Nagpalabas ka? Hindi mo ako
hinintay! Ngayon lagot ka sa akin!"
Hinubad ni Lyndon ang kanyang suot na boxer at
tumabi sa gilid ni Justin pero ang ipinagtataka niya ay bakit parang hindi gumagalaw
si Justin.
"Just?"
"Justin?"
"Justin naman o! Magsalita ka nga"
Pero hindi pa rin nagsasalita si Justin.
Maya't-maya ay binuksan ni Lyndon ang lampshade sa gilid ng kama nila at nang
pinagmasdan niya si Justin. Duguan ito at maraming tinamong saksak ang kanyang
katawan. Napasigaw si Lyndon at tumakbo papalayo ng kama.
Biglang namatay ang lampshade. Sa sobrang kaba
ay pumasok siya sa banyo. Nakatayo siya sa loob at nanginginig sa takot. Nang
nadaganan niya ang switch ng banyo ay mas lalong tumindi ang kanyang pagsigaw.
May nakita siyang nakasulat sa salamin gamit ang dugo.
"Welcome to my world!"
"Tulong… Tulong…." Pasigaw ni
Lyndon"
Biglang nagOff ang ilaw sa loob ng banyo at mas
lalong tumindi ang amoy ng bulaklak na rosas. Lalabas na sana siya ng banyo ng
bigla naman itong sumira. Pinilit niyang buksan ngunit hindi ito mabuksan.
On…. Off…. On…. Off… On…. ang ilaw sa loob ng banyo at bahagyang
nakatingin ang kanyang peripheral visio sa salamin. Nakita niyang papalapit ang
isang tao na mukhang pamilyar sa kanya.
Patuloy pa rin siyang sumisigaw at pinipilit
buksan ang pintuan ng banyo ng biglang nag Off ulit ang ilaw.
Sa wakas at nabuksan rin ang pinto ng banyo.
Mabilisan siyang lumabas ng banyo at tumakbo
papunta sa pintuan ng kanilang kwarto. Ngunit pagbukas niya ng pintua ay nakita
niya na harap-harapan ang isang taong nakita niya sa salamin. May hawak na
matalim na kutsilyo at ang isang kamay nito ay may nakakabit na posas.
"Pagbabayaran niyo ito!"
Sinaksak si Lyndon at nakahandusay ang kanyang
katawan sa sahig. Nahulog ang isang pirasong red roses sa ibabaw na katawan ni
Lyndon at pumasok ang tao ito sa loob ng banyo. Hinarap ang salamin at
nakangisi demonyo. Biglang nagsalita ito sa harap ng salamin.
"Ikaw ang susunod!"
Itutuloy….
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Horror? Wow! Love it! Tama na siguro ang lungkot. Takot naman. Hehe! Pero gustong gusto ko BAWAL NA PAG IBIG. Sana magkasabay ang update nito. More power author.
ReplyDeleteThis seems to be promising...siguro dapat mas maging vivid lang ng descriptions lalo naas the thrill intensifies :)
ReplyDelete