Followers

Monday, February 18, 2013

Bawal na Pag-Ibig: The Bloody Rose - Chapter 1

The Bloody Rose

Bawal na Pag-Ibig: The Bloody Rose
By PrinceSky of Roxas City
Genre: Suspense

Author's Note:

Guys, this will be my newest story to replace Bawal na Pag-Ibig: The Knight and His Shining Armor. This is a short story about several people who faced the vicious revenge of the tormented soul. I will update this story if it reaches my prescribed views. I hope you'll like this.


Sincerely,

PrinceSky of Roxas City
------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Luke nahihirapan na ako. Pero natatakot akong mawala ka"

"John please… Kaya natin ito. Hindi kita iiwan"

Nahihirapan na si John sa kanyang paghinga. Si John ay na diagnose ng Cancer - Terminal Stage.

"Luke natatakot akong mamatay"

"John.. kung iiwan mo ako. Mas mabuti na sigurong samahan na kita sa kabilang buhay"

Kinuha ni Luke ang isang posas at matalim na kutsilyo. Humarap silang dalawa sa pool. Nagyakapan si John at Luke. Maya't-maya ay sabay silang tumalon sa pool. Kitang-kita ni Luke ang paghihirap ni John sa kanyang kalagayan kaya mabilisan niyang pinosasan ang kanyang kamay.

Ikinabit niya ito sa ilalim na bahagi ng pool ladder at sa kabilang bahagi ng posas ay inilagay naman niya sa isang kamay ni John. Gamit ng matalim na kutsilyo, hiniwa niya ang palad ni John at ganoon din ang palad niya. Maraming dugo ang lumabas sa sugat na hiniwa gamit ang kutsilyo.



Naghawakan silang dalawa at nagtinginan.

"John. I'll die with you"

"Luke. Promise me.. Don't leave me. I'll see you sa susunod na pagkikita natin."

Naghalikan silang dalawa ng biglang sinaksak ni Luke ang kanyang sarili..

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Meanwhile…

"Hay naku Lyndon naman hu! 8th Monthsarry natin tapos kahit halik man lang hindi mo maibigay?"

"Justin, mahal ko. Nakakahiya kasi. Baka may makakita sa atin"

"Ano ba ang ikinahihiya mo? Eh wala ngang tao dito. Tumingin ka nga sa paligid mo.. May nakita ka bang tao?"

Pinagmasdan ni Lyndon ang buong paligid at sinigurado na walang tao na nakamasid sa kanilang dalawa. Niyakap siya bigla ni Justin at hinalikan siya sa pisngi. Nagparaya na rin si Justin kaya hinalikan niya rin si Lyndon.

"Lyndon, mahal na mahal kita! Happy 8th Monthsarry!"

"Just, mahal na mahal rin ki" naputol na sambit ni Lyndon ng biglang siyang sumigaw.
"Shit! Ano iyon?" gulat na tanong ni Lyndon sabay turo sa may pool.
Nilapitan nilang dalawa kung ano ang nakita ni Lyndon sa may pool ng bigla itong sumigaw ng malakas.

"Patay! Patay!"

"Justin, humingi ka ng saklolo"

Tumakbo si Justin sa loob ng resort at humingi ng tulong. Sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla namang tumalon si Lyndon sa pool at tinulungan ang dalawang tao. Hindi siya sigurado kung buhay pa ito pero nilapitan niya. Pinipilit niyang hatakin ang dalawang tao pataas ngunit may posas pala na nakakabit sa pool ladder.

Umahon siya at humanap ng kahit ano para mawasak ang posas. Mabuti nalang at nakita niya ang isang matalim na lagari at tumalon ulit sa pool. Pinilit niyang was akin ang posas. Ibinuhos niya ang buong lakas at sa awa ng Diyos ay nawasak rin niya ang posas.

Maya-t-maya ay dumating na rin si Jason kasama ang dalawang lalaki. Tumalon ang dalawang lalaki at tinulungan si Lyndon. Iniahon nila ang dalawang katawan na animo'y patay na. Dumating na rin ang lifeguard ng resort at maya't-maya ay may dumating rin ang emergency response rescuer team sa bayang iyon.

Habang ang isang lalaki kanina ay patuloy pa rin sa pag CPR sa katawan ng isang lalaki at ang lifeguard naman ay nag CPR din sa katawan ng isang lalaki.

Ngunit sa kasamaang palad, ang isang biktima ay hindi na narevive pero ang isa naman ay narevive pa.
Lumapit si Justin kay Lyndon at hinawakan niya ang kamay nito.

"Lyndon. Grabe hindi ako makapaniwala"

"Ako rin. Mabuti nalang at nakita natin. Naawa naman ako sa isa kasi hindi na talaga narevive"

Dinala ang dalawang lalaki sa loob ng ambulance at idiniretso sa malapit na ospital.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sa Ospital…

Code 00 in ER… Code 00 in ER

"Doc Marvin. May dalawang pasyente tayo ngayon. Possible drowning"

Dumating na rin si Doc Marvin.

"Ampi 1" utos ni Doc Marvin kay Nurse Helen

"Ampi 1 Doc given" sagot ni Nurse Helen

Nag CPR pa si Nurse Michael sa isang pasyente pero hindi na talaga marevive.

"Time of death 8:30 PM"
"Doc Marvin, mahina pa rin ang pulso at hininga ng isang pasyente" sambit ni Nurse Helen

"Doc, may mga sugat po sa palad at saksak sa may puson"

"Tawagan moa ng medtech ngayon!"

"Best Kyle punt aka muna ngayon sa ER"

Dumating na rin si Kyle ang medtech ng ospital at bitbit ang kanyang mga gamit.

"Doc, kunan ko nalang ng blood sample"

"Okay. Nurse Helen prepare for emergency ExLap. Tawagan mo ang OR department"

Pagkatapos ng mabilisang pagasikaso sa isang pasyente ay idineretso na ito sa OR kung saan ooperahan siya at titingnan kung may natamong sugat ang kanyang internal organs"

Tumawag na rin ang medtech at mabuti nalang ay kakatapos niya lang makuha ang blood type nito. Sa awa ng Diyos ay may natirang blood bag na kaparehong blood type ito. Ginawa na rin ni Kyle ang mga protocols dito. Pagkatapos nito ay mabilisan siyang pumunta ng OR at ibinigay ito sa isang nurse doon.

Sinimulan na rin ang operasyon habang naka intubate ang pasyente. Mabuti nalang at hindi masyadong nakabaon ang tusok ng kutsilyo at wala namang nasugatan sa internal organs nito. Maraming dugo ang nawala kaya nagrequest pa ang surgeon nito na si Doc Alex sa nurse na magprepare ng dugo para dito.

Tumawag ang OR nurse sa laboratory pero napagalaman nalang nila na wala ng extra doon kaya tumawag sila sa malapit na blood bank sa bayan. Pagkatapos ng operation ay isinugod ang pasyente sa recovery room. Doon na namalagi ang katawan ng isang lalaki habang ang isang katawan naman ay dinala na sa morgue.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Meanwhile sa resort…

"Whew! Lyndon shit parang hindi ako makatulog sa pangyayari kanina!"

"Ako rin eh. Gusto mo shot muna tayo?"

"Sige para naman mahimasmasan tayong dalawa"

Bumuli si Lyndon at Justin ng alak sa labas at bumalik ulit sa room nila. Pagpasok nila sa room ay naginuman silang dalawa.

"Justin. Happy 8th Monthsarry!"

"Happy 8th Monthsarry din Lyndon"

Pagkatapos nilang uminom ng alak ay sinimulan na rin nila ang kanilang pagtatalik. Naging maalab din ang kanilang gabi.

Maya't-maya ay pumasok si Lyndon sa loob ng banyo para umihi. Pagpasok niya sa banyo ay binuksan niya ang ilaw. Ngunit ng humarap siya sa salamin, nagsitayuan ang mga balahibo sa kanyang katawan dahil parang may nakita siyang anino ng tao.

"BULLSHIT!"

"Lynds, ano ang nangyari?" pasigaw na tanong ni Justin sa labas.

Hindi nakasagot si Lyndon dahil hindi naman siya sigurado sa kanyang nakita. Siguro resulta lang ito ng mga pangyayari kanina at isa pa medyo maykalasingan na rin siya. Umihi na si Lyndon ng bigla naman siyang may naamoy na rosas.

"Just? May naamoy ka bang rosas?"

Hindi nakasagot si Justin. Kaya ipinagpatuloy na rin ni Lyndon ang kanyang pag-ihi.

Mas lalo pang tumindi ang amoy ng rosas pero hindi na ito pinansin ni Lyndon. (Hay naku! Si Justin talaga may mga kabalastugan namang ginagawa!) sa isip ni Lyndon

"Ikaw Justin ha! May sorpresa ka sa akin ano? Bibigyan mo ba ako ng rosas ha? Mahal?"

Hindi pa rin sumasagot si Justin. (Hehehehe. Pagnagkataon 2nd round to!) sa isip ni Lyndon

After umihi si Lyndon ay lumabas na rin siya ng banyo. NakaOff ang ilaw sa labas ng kwarto.

"Justin.. andito na ako.. ikaw ha.."

Wala pa rin siyang narinig na boses ni Justin kaya minabuti na niyang tabihan ito. Madilim at hindi niya makita ang nasa paligid. Paghiga ni Lyndon sa kama ay tinabihan niya naman si Justin. Hinawakan niya ang kamay ni Justin at hinaplos-haplos ito. Ngunit nagulat si Lyndon dahil parang mabasa ang kamay nito.

"Ikaw ha. Nagpalabas ka? Hindi mo ako hinintay! Ngayon lagot ka sa akin!"

Hinubad ni Lyndon ang kanyang suot na boxer at tumabi sa gilid ni Justin pero ang ipinagtataka niya ay bakit parang hindi gumagalaw si Justin.

"Just?"

"Justin?"

"Justin naman o! Magsalita ka nga"

Pero hindi pa rin nagsasalita si Justin. Maya't-maya ay binuksan ni Lyndon ang lampshade sa gilid ng kama nila at nang pinagmasdan niya si Justin. Duguan ito at maraming tinamong saksak ang kanyang katawan. Napasigaw si Lyndon at tumakbo papalayo ng kama.

Biglang namatay ang lampshade. Sa sobrang kaba ay pumasok siya sa banyo. Nakatayo siya sa loob at nanginginig sa takot. Nang nadaganan niya ang switch ng banyo ay mas lalong tumindi ang kanyang pagsigaw. May nakita siyang nakasulat sa salamin gamit ang dugo.

"Welcome to my world!"



"Tulong… Tulong…." Pasigaw ni Lyndon"

Biglang nagOff ang ilaw sa loob ng banyo at mas lalong tumindi ang amoy ng bulaklak na rosas. Lalabas na sana siya ng banyo ng bigla naman itong sumira. Pinilit niyang buksan ngunit hindi ito mabuksan.

On…. Off…. On…. Off…  On…. ang ilaw sa loob ng banyo at bahagyang nakatingin ang kanyang peripheral visio sa salamin. Nakita niyang papalapit ang isang tao na mukhang pamilyar sa kanya.

Patuloy pa rin siyang sumisigaw at pinipilit buksan ang pintuan ng banyo ng biglang nag Off ulit ang ilaw.
Sa wakas at nabuksan rin ang pinto ng banyo.

Mabilisan siyang lumabas ng banyo at tumakbo papunta sa pintuan ng kanilang kwarto. Ngunit pagbukas niya ng pintua ay nakita niya na harap-harapan ang isang taong nakita niya sa salamin. May hawak na matalim na kutsilyo at ang isang kamay nito ay may nakakabit na posas.



"Pagbabayaran niyo ito!"

Sinaksak si Lyndon at nakahandusay ang kanyang katawan sa sahig. Nahulog ang isang pirasong red roses sa ibabaw na katawan ni Lyndon at pumasok ang tao ito sa loob ng banyo. Hinarap ang salamin at nakangisi demonyo. Biglang nagsalita ito sa harap ng salamin.

"Ikaw ang susunod!"

Itutuloy….

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

2 comments:

  1. Horror? Wow! Love it! Tama na siguro ang lungkot. Takot naman. Hehe! Pero gustong gusto ko BAWAL NA PAG IBIG. Sana magkasabay ang update nito. More power author.

    ReplyDelete
  2. This seems to be promising...siguro dapat mas maging vivid lang ng descriptions lalo naas the thrill intensifies :)

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails