Followers

Friday, February 22, 2013

LOVE. SEX. INSECURITY 1

Hi! Ive been reading your blog for quite a while and i've been inspired to express myself as well through my writing... This would probably be the first story that ill be writing... If you find my story quite interesting i hope u can find time to post this in your blog, if not no hard feelings nmn i know bz k dn nmn po like me :)... Btw my name is ky... I hope i would meet ur standards sir mike... More power and God bless!

-----------------

"Love. Sex. Insecurity."
 By: CRAYON


Chapter 1

For the record, hindi ko na naman alam ang mga pinaggagawa ko kagabe. Alam ko naka- isang bucket ako ng san mig lights bago ko magsimulang magsasayaw at makipagflirt sa bar na pinuntahan ko kagabe. At tulad ng inaasahan may naka-take home na naman sa akin.

Nakahiga lang ako ngayon sa kwarto ko, pagod sa mga nangyari ng nakaraang gabe. Tulala at iniisip ang nagiging takbo ng buhay ko. Walang direksyon, sabay lang sa agos puro saya.

Ako nga pala si Kyle, 21 yrs old, working na dahil tinatamad ako tapusin ang aking pag-aaral. Chinito ako sabi nila, medyo maputi, 5'5 o 5'6 ang height, may pagka-chubby ako pero alam kong cute ako. Hindi man ako tipong pang-model pero alam kong i can turn heads around kahit papano. Tipikal na kabataan mahilig gumimik at pumorma. At the age of 8, i know what i'll become 10 yrs from that time. Katulad ng mga taong nagbabasa ng blog na to, i'm gay, bi, tripper, bicurious whatever label u want to put on it, basta alam kong may pagtatangi ako sa kapwa ko lalake. I began exploring my sexuality when i was 18, discreet ako,in a sense na hindi halata sa kilos o salita. Siguro years of being inside the closet made it easier for me to act straight around people. Kahit mga tao sa school, office, o sa family walang may alam. Only some of my friends know my true identity, lima o anim lng ata sila.

Ang sabi ko sa sarili ko nung bata pa ako, i won't give in to being a gay till i was 18. Siguro i was really destined to be one kaya a month after my 18th birthday, i had sex with a guy. Casual sex lng, no feelings involve, nothing special, just an act to satisfy my need and curiosity. Simula non hanggang ngayon nasanay ako sa ganung kalakaran sa mundo ng third sex.

"beep! Beep!" , nahinto ako sa aking pagmumunimuni dahil sa tunog ng cp ko.

I got a message from Renz.

Renz: Hoi! Bahay ka na ba? Anyare sau kagabe dre? Bigla ka na lng nawala.

I replied to his txt right away.

Ako: yup, bahay na ko, ikaw? Ikaw din naman nawala e, kaya umalis nko.

Beep.beep.

Renz: haha! Enjoy ka ba kagabe. Mukang nka-jackpot ka ah.

Ako: lol! Tado ka. Ikaw nga ang mukang may nabiktima kagabe e.

Renz: di ah. Behave kaya ako. :))

Ako: guk, kaw pa. Cge na po. Pahinga muna ako, pagod eh. ;)

Renz: haha! Yan tau weh. Cge pahinga ka na po. Txt mo ko maya paggcng mo ah?


Hindi ko na nireplyan si Renz. Napabuntung hininga na lang ako sa aming pag-uusap. Mahigit isang taon ko na ding kaibigan si Renz. I've met him on one of the bars na pinupuntahan ko noon. Napangiti na lang ako nung naalala ko ang una naming pagkikita.

I was about to go home that time, it's past 3am in the morning and i was just puffing on my last stick of cigarette. A tall guy about 6' ft 2" inches tall approached me. Nakisindi sya ng yosi niya. He introduced himself as Renz, he's full of confidence not to mention his overly seductive smile, such a stunner. He had a very fair complexion, almost perfect nose, thin lips with a very sexy smile. He was wearing a black polo shirt which was embracing his muscular chest, black jeans and a pair of chucks. He's not so buff just lean enough to excite your senses. and his scent was irresistably good, walang nagawa ang usok ng yosi. Nung na-examine ko ang kabuuan niya, isa lang ang nasabi ko, "pasok sa banga!". we just stood there quietly, naiinis na nga ako kasi hindi pa sya nagsasalita and paubos na yung yosi ko. i keep on giving him quick glances, enough cues for him to know na ineteresado ako sa kanya pero wala hindi niya ako pinapansin. Filter na lang ang natira sa yosi ko at ayaw ko naman ng sagarin yon dahil kawawa naman ang baga ko. since mukang walang mangyayari samin ngaun ng gwapong mokong na to, tinapon ko na yung yosi ko. napalingon sya sa akin pagkatapos kong patayin yung yosi ko.


"Pauwe ka na?" , bigla niyang sabi sa akin.

"Oo. Medyo mag-uumaga na e." sagot ko naman, sabay ngiti.

Ngumiti din naman sya.

 "Sayang di man lang tayo nagkainuman." sabi nya.

"di bale, may next time pa naman." mabilis kong sagot. Lalakad na sana ko paalis ng pigilan niya ako.

"Uhmmm, nga pala, pinapakuha kasi ng kabarkada ko yung number mo. ok lng ba?" sabay abot ng cp niya.

Kinuha ko naman yung cp at ini-enter yung number ko.

"Kyle." sabay balik ng cp sa kanya at dumirecho na ako ng lakad ng palayo. Parang napahiya kasi ako.

Narinig kong muli ang boses niya na tinatawag ang kasama niya at sinasabing panalo daw sya sa pustahan.

Nagpantig ang tenga ko sa narinig ko pero hinayaan ko na lng. Sobra kasing nasaktan yung ego ko. Pero naisip ko kasalanan ko din naman masyado akong assuming na gusto niya ako. Nakalimutan ko na ung paniniwala ko na: 

"You are more likely to be in a relationship with a guy that has your same level of attractiveness." 

And that guy back there was way above my level of attractiveness. Yan ang panuntunan ko sa LOVE.

beep.beep.

Nabalik ako sa realidad dahil sa txt na namn na mula kay Renz.

Renz: oi di ka na nagreply? :( tulog ka na? txt ka paggcng mo. may sasabihin ako.

Ako: pano kita ittxt paggcng ko e, ayaw mo nga ako patulugin muna!

Renz: haha! ansunget mo. cge na matulog ka na. wala ng matira sa mata mo kundi eyebags.

Hindi ko na pinatulan ung pangaasar nia na yun. Ganyan naman kasi si Renz, puro biro. Itinabi ko na ang cp ko at ipinikit ang mata ko.


....to be cont'd....

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails