True Love Never Dies - 04 |
Bawal na
Pag-ibig: True Love Never Dies
by
PrinceSky
Part 4
Habang
sinasamsam ko ang pagkakataong iyon ay naramdaman ko namang nagrereact ang
katawan ni Arbie. Kumilos siya na parang hindi niya gusto ang aking ginagawa.
Gusto ko na sanang gawin ang kahalayang matagal ko nang inaasam-asam ngunit
nanaig na rin ang konsensya ko.
Ayaw kong
mawala na lang ang isang bagay na pinagkaiingatan ko sa aking bestfriend. Ang
trust na matagal naming binuo.
Kaya
instead of continuing it, napag-isipan ko nalang na hindi na gawin ang masamang
balak.
Humiga na
lang ako sa tabi niya at pinagmasdan ang maamong mukha ni Arbie.
Mga ilang
minuto rin na ganon ang aming sitwasyon.
Tumayo
ako at kinuha ang unan at kumot. Inilagay ko ang unan sa bandang ulo niya at
nilagyan ng kumot ang kanyang katawan.
Humiga na
rin ako at tumalikod sa kanya. Nanalangin na lang ako na sana balang araw matutunan
din akong mahalin ni Arbie.
Kinaumagahan
at gising na rin si Arbie.
“Good
morning bro.” saglit na pagbati ni Arbie habang inaayos ang pinag-inuman namin.
“Good
morning Arbs. Musta ang tulog mo?” tanong ko habang umupo na rin.
“Ok lang
bro. medyo masakit ang ulo at likod ko pero ok lang. ano plano mo ngayon?”
tanong ni Arbie habang patuloy pa rin sa pag-aayos ng bote at baso.
“Ikaw?
Gusto mo bang mag beach or punta tayo sa isang resort sa kabilang bayan?”
suhestiyon ko habang nakatingin pa rin sa mga ginagawa niya.
“Sige,
magbeach nalang tayo isa pa namiss ko na rin ang people’s park” sagot ni Arbie.
Naligo na
kami at umalis patungo sa people’s park.
Nakaupo
lang kami sa isang bench at nakaharap sa baybayin.
“Alam mo
bro, masaya ako dahil ikaw ang naging best friend ko” sambit ni Arbie habang
nagmamasid sa baybayin.
Hindi ko
na siya sinagot at sinuklian ko nalang siya ng isang matamis na ngiti.
(kung
matutunan mo lang sana akong mahalin. Siguro ako na ang pinaka masayang tao sa
mundo) sa isip ko lang.
Naglakad-lakad
kami sa beach hanggang narating naming ang isang seafood restaurant.
Kumain
kami doon. Inenjoy ko ang panahon na iyon at inisip ko nalang na siguro hanggang
kaibigan lang talaga kami ni Arbie. Tanggap ko na iyon at sinisimulan ko nang
turuan ang aking sarili na ibaling na lang ang pagmamahal ko sa babaeng
ikakasal sa akin.
Pagkalipas
ng dalawang araw ay bumalik na rin kami sa Iloilo city.
Pagkarating
naming sa syudad ay nagkahiwalay na rin kami.
Maraming
araw ang nagdaan at wala na akong balitang natanggap galing sa kanya. Gustuhin
ko mang tawagan o itext siya pero minabuti ko na huwag na lang. Ayaw ko namang
disturbuhin ang best friend ko at isa pa siguro busy na rin siya sa kanyang
trabaho sa isang hotel dito sa Iloilo.
Walang
pagbabago sa aking buhay simula ng nakarating uli kami sa Iloilo. Na miss ko si
Arbie pero kinokontrol ko ito. Ang problema nga lang kasi the more na hindi ko
nakikita or nakakausap si Arbie ay the more na ring namimiss ko siya.
Tinawagan
ko si Arbie ngunit hindi siya sumasagot. Tinawagan ko ulit at ganun pa rin.
Siguro busy talaga si Arbie.
Inilatag
ko na lang ang cellphone sa kama at nanood ng tv. TV PATROL PANAY (Una sa
Balita)…
Field Reporter:
Isang lalaki duguan. Isinugod sa ospital. Napagkaalaman namin na ang mamang
duguan ay galing sa isang bar. Pinagbabaril ang lalaki habang lumalakad sa
kalsada.
Anchor:
Ano na ang kalagayan ng lalaki?
Field
Reporter: Sa ngayon ay nasa critical pa rin ang kondisyon ng lalaki at naadmit
sa ICU ng Iloilo Doctor’s Hospital.
(Hay naku
siguro kong duty ako ngayon malamang dumaan ito sa akin. Patuloy pa rin ako sa
panonood ng balita at nagulat ako sa aking natuklasan.) sa isip ko.
Anchor:
Alam na ba ng pamilya niya ang nangyari?
Field
Reporter: Sa kasalukuyang sitwasyon ay hindi pa alam ng pamilya ng lalaking ito
ang nangyari sa kanya. Iniimbetigahan pa ang mga posibleng angulo sa
pag-babaril dito sa biktima.
Anchor:
Meron bang kasama ang biktima sa mga panahong ito?
Field
Reporter: Ayon sa mga nakuha kong impormasyon. Arbie Delgado ang pangalan ng
biktima na sa kasalukuyang nagtatrabaho bilang frontdesk personnel sa isang
malaking hotel dito sa syudad.
Hindi ko
na tinapos ang nasaksihang balita at sadyang umalis kaagad patungo sa ospital.
Shit!
Arbie ano ba ito? Sinisingil ka na ba ng mga taong ginago mo? (sa isip ko lang)
nakasakay na rin ako ng taxi
“Mama sa
Doctors’s Hospital po” sambit ko sa driver.
Mabilis
naman din ang takbo ng taxi at sa wakas naka rating na rin ako sa ospital.
Hindi ko na inisip pang dumaan sa ER at tuluyang tinungo ang ICU department.
“Mar, may
naadmit ba ditong Arbie Delgado?” tanong ko sa nurse on duty.
“Oo.
Bakit? Kilala mo?” tanong ng nurse habang busy sa kaka-carry out ng doctor’s
order.
“OO
kaibigan ko. Matalik na kaibigan” tugon ko naman sa kanya na may halong kaba.
“Sa kasalukuyan
ay hindi pa siyang pwedeng bisitahin at iyon ang tugon ng doctor. Baka kasi
balikan siya ng bumaril sa kanya” ang mahabang tugon ng nurse.
“Ok na ba
siya? Kamusta ang kalagayan niya?” tanong ko sa nurse habang nakatingin sa
bintana at nagbabakasakali na makita ko siya.
“As of
now, nasa critical stage pa ang pasyente pero stable na rin ang kanyang vital
signs. Iyon nga lang humahanap pa rin kami ng makukuha na dugo para isalin sa
kanya. Maraming dugo ang nawala” sabi ng nurse.
“Ako!
Willing ako magdonate ng dugo” mabilisang tugon ko sa kanya.
“Well,
sige alam mo naman siguro kong saan at ano ang gagawin” tugon ng nurse.
Tinungo
ko na ang laboratory department at nag paconsult sa residente.
“Doc, I’m
willing to donate blood to patient Mr. A. Delgado sa ICU” tugon ko sa doctor.
Hindi na
nagdalawang isip pa ang doctor at vinerify na niya ang mga impormasyon tungkol
sa akin. Maya’t-maya ay tinest na ang blood type ko at sa awa ng Diyos ay nag
crossmatch na man yong blood namin ni Arbie.
Pagkatapos
noon ay pinahiga na ako sa bed at sinimulan ang blood extraction.
Medyo
nahilo ako dahil mahigit 500mL ng dugo ang kinuha at isinalin sa blood bag.
Pagkatapos ng blood extraction ay kaagad din naman akong tumayo.
Kahit
nahihilo pa ako ay tinungo ko ulit ang laboratory.
“Sir, kelan
po ba isasalin ang dugo kay Mr. Delgado sa ICU?” tanong ko sa medtech on duty.
“Pinaprocess
na sir at isasalin din ito maya-maya” tugon ng medtech habang busy sa kanyang
ginagawa.
Naghintay
na lang ako sa labas ng laboratory. Naidlip ako dahil siguro sa pagkahilo ko na
rin. Maya’t-maya ay lumabas na rin and resulta ng dugo at ok na para isalin kay
Arbie.
Tinawagan
ng medtech ang ICU nurse on duty at inirefer naman ito sa doctor.
Tinungo
ko na rin ang ICU at hiniling kong pwede ba akong makapasok. Dahil kilala ko
naman ang isang nurse aid doon at pinapasok na rin niya ako sa ICU.
Kitang-kita
ko na nakaintubate si Arbie. Maya’t-maya ay dumating na rin ang nurse at
isinalang ang dugo. Hinawakan ko lang ang kamay ni Arbie at naramdaman kong
kumikirot ito. Alam kong ok si Arbie at naramdaman niya na hinahawakan ko ang
kanyang kamay.
“Arbs,
ako ito. Huwag kang mag-alala. Andito na ako sa tabi mo. Ako ang bahala sa iyo”
mataimtim kong bulong sa kanya.
Nakita ko
namang dumaloy ang kanyang luha sa mata.
“Arbs,
gusto mo bang tawagan ko si mommy mo? Pisilin mo lang ang kamay ko kung ayaw mo
at kung oo huwag mong pisilin ang kamay ko.” Tugon ko sa kanya habang
hinahawakan ang kanyang kamay.
Maya’t-maya
ay pinisil niya ang aking kamay sinyales na iyon na ayaw niyang ipag-paalam ko
ang nangyari sa kanya.
Ako na
ang nagbantay sa kaibigan ko. Lumabas na rin ang resulta ng kanyang CT scan at
mabuti nalang ay wala namang tinamaan na maselang part ng katawan niya. Ng
sumunod na araw ay tuluyan ng kinuha ang tubo. Ngunit isinalang pa rin si Arbie
sa isang minor operation.
Pagkatapos
ng operasyon ay itrinansfer si Arbie sa PACU at hindi na ako nakapasok.
Pinuntahan
ko na rin ang Nursing Service Office na magleleave muna ako kasi kailangan ako
ng kaibigan ko. Umalis ako ng ospital at nag withdraw ng pera para pangtustos
sa mga gastusin ni Arbie sa ospital.
Pagbalik
ko sa ospital ay natransout na si Arbie from PACU to ICU at doon na rin ako
dumiretso. Nakahiga lang si Arbie at pawang natutulog gawa siguro ng anesthesia
kaya ganun na lang kahimbing ang tulog niya. Hindi ko na rin inisip ang umalis
at kumain dahil gusto kong bantayan si Arbie at gusto ko rin na sa pagmulat ng
kanyang mata ay ako ang unang taong makikita niya.
Nang
sumunod na araw ay nagising na rin si arbie.
“Bro,
salamat ha? Hindi ko alam kong ano ang mangyayari sa akin kung wala ka.”
Mahinang sambit ni Arbie.
“Ok lang
iyon bro, and importante ay ok ka na.” tugon ko naman sa kanya habang
hinahaplos ang kanyang ulo.
Napatingin
rin ako sa mga nurse nakatingin sa amin. Hindi ko na sila pinansin dahil ang mas
mahalaga ay maalagaan ko si Arbie ng mabuti.
Na
transout na rin si Arbie from ICU to private room.
“Ayan ang
pogi mo na ulit.” Tugon ko sa kanya habang binibihisan ng gown.
“Bro,
siya nga pala sino ang may kagagawan nito?” tanong ko sa kanya.
“Hindi ko
rin alam bro. kasi naka motorsiklo sila e” sagot ni Arbie habang nakahiga.
“Sino ba
kasama mo noong gabing iyon?” tanong ko ulit sa kanya.
“Nakalimutan
ko na ang pangalan bro kasi bago lang naman kami nag meet nun” sagot ni Arbie
habang hinahaplos ang kanyang balikat na may cast pa rin.
“Iyan
kasi bro, lesson na iyan sa iyo. Ibig sabihin niyan ay itigil mo na ang mga
ginawaga mo” sambit ko sa kanya habang sinusuklay ang kanyang buhok.
Hindi na
nakasalita si Arbie sa mga pinagsasabi ko.
“Bro,
nagugutom ako” sambit ni Arbie na parang bata.
Kinuha ko
ang food at sinubuan si Arbie.
“By the
way, bro ikaw ba ang nag donate ng blood?” tanong ni Arbie.
Gusto ko
sana siyang sagutin na OO pero pinili ko nalang na hindi.
“Bro,
tumulong lang ako sa paghanap ng blood na pwedeng isalin sa iyo. Hindi kasi
tayo nag crossmatch e” mahabang paliwanag ko sa kanya.
Hindi na
rin siya nag tanong pa at patuloy na rin ako sa pagsusubo sa kanya.
Nagdaan
pa ang dalawang araw at nadischarge na rin si Arbie. Inayos ko na rin ang
kanyang papeles at binayaran ang bills sa ospital. Paglabas namin sa ospital ay
tinungo na rin naming ang police station at nagfile ng blotter si Arbie. Matagal
rin ang pag-uusap ni Arbie at ang tinyente sa police station. Pagkatapos namin
ay umuwi na kami sa apartment ko.
“Bro,
dito ka nalang muna magstay sa akin. At least, maaalagaan kita” tugon ko sa
kanya.
Hindi na
rin siya nakipagtalo pa sa akin at minabuting mamahinga na rin sa room ko.
Pinagluto
ko siya ng paborito niyang food na carbonara. Gusto ko kasi siyang sorpresahin
at kahit papaano maipakita ko naman sa kanya ang pag-alala ko bilang kaibigan.
Oo nga,
bilang kaibigan lang pero sana kahit sa ganitong paraan ay maramdaman rin ni Arbie
na malalim talaga ang aking nararamdaman sa kanya.
Pagkatapos
kong maluto ang carbonara ay tinungo ko ang room niya. Bubuksan ko na sana ang
pintuan ngunit narinig ko siyang may kausap sa phone niya.
“Bhe, ok
na ako. Andito ako ngayon sa apartment ng best friend ko. Huwag ka nang
mag-alala. Ok? I love you.”
Nang
narinig ko ang mga katagang binitawan ni Arbie ay sabay ding nabitawan ko ang
hinahawakang bowl na may carbonara.
Nagulat
ako kasi hindi ko halos maisip na maiinlove na rin si Arbie. Masakit para sa
akin ang narinig ko. Parang kinukusot ang aking puso. Hindi ko alam kong ano
ang gagawin ko. Ibinigay ko lahat-lahat na makakaya ko pero parang huli na ako.
Nasa
ganoon akong sitwasyon ng lumabas na rin si Arbie.
“Bro what
happened?” tanong ni Arbie habang nakatingin sa nabasag na bowl.
Hindi na
ako nakasalita at sadyang yumuko nalang.
“Wow bro!
You surprised me! Ikaw ba ang nagluto nito?” tanong niya.
Nakayuko
pa rin ako sumagot na rin
“Oo” maikli
at pilit kong sagot sa kanya.
“Are you
okay bro?” tanong ulit ni Arbie.
Gusto ko
siyang harapin at sapakin. Gusto ko siyang sigawan at suntukin pero hindi ko
magawa. Ano ba ang karapatan kong magalit or magselos? Eh diba nga “KAIBIGAN
LANG AKO?” sa isip ko lang.
“Ahh… o..
o.. K. lang aaa.. kkkoo.” Sapilitan at putol-putol kong sagot.
Hinarap
ko na rin si Arbie at patuloy pa rin siya sa pagtitig sa akin.
“Sorry Arbs,
nabitawan ko ang bowl mainit kasi” tugon ko sa kanya.
(Alam
niyo. Masakit talaga ang umasang mamahalin ka ng taong hindi ka naman kayang
mahalin na mas hihigit pa sa pagiging mag-kaibigan. Pero bakit ganito? Mali ba
ang magmahal? Kung mali nga, bakit naman naranasan ko pa ito?)
Niligpit
ko ang nabasag na bowl at inalalayan naman ako ni arbie.
“I’m okay
Arbs, doon ka na sa kusina. Ako na ang bahala dito. Kumain ka nalang diyan kung
gusto mo.” Monotonic na sambit ko kay Arbie.
Nakatitig
pa rin si Arbie sa akin at hindi ko na lang siya pinansin.
Maya’t-maya
ay nagring ang phone niya.
“Hello
bhe?” si Arbie habang tinutungo ang kusina.
Mas
lalong pumatak ang mga luha sa aking mata. Bakit ganon? Sa isip ko lang.
pinunasan ko muna ang aking mukha para hindi makita ni Arbie ang
mangiyak-ngiyak kong mata.
Pumasok
muna ako sa cr at naghilamos ng mukha.
Paglabas
ko sa CR ay nakita ko namang hinanda ni Arbie ang dalawang bowl na may
carbonara.
“Tara
bro, kain tayo. Gusto ko ako ang susubo sa iyo ha?” tugon ni Arbie.
“Ha?
Huwag na bro. kaya ko naman.” Sagot ko sa kanya.
Hindi na rin
ako pinilit ni Arbie at kumain nalang kaming dalawa.
Tahimik
kaming kumakain. Parang nakiki-pagramdaman sa bawat kilos.
“Bro,
alam mo parang maiinlove na ako” ang tugon ni Arbie habang patuloy pa rin sa
pagkakain.
Hindi na
ako nagsalita at pinilit ko nalang na ngitian siya kahit masakit.
“Finally,
siguro magiging masaya ka na rin at sa wakas may patutunguhan na rin ang mga
ginagawa mo.” Mahinahong paliwanag ko sa kanya.
“Oo nga.
Ang tanga ko nga eh. Sa kadinami-daming lalaki na dumating sa buhay ko at
hinintay ko pang mangyari ito sa akin para lang maramdaman ko na umiibig din
pala ako” mahabang tugon ni Arbie habang nakamasid pa rin sa akin.
“I’m
happy for you Arbs. Gusto ko siya makilala” sambit ko sa kanya at uminom ng
tubig.
“Sige
bro, makikilala mo rin siya baling araw. Pero sa ngayon sa iyo muna ang
attention ko” sambit ni Arbie habang nililigpit na niya ang kanyang kinakain.
Masaya na
rin ako sa kanyang binitawang salita. Kahit ganon lang ay masaya na ako at
kahit papaano maranasan ko rin na makakasama ko si Arbie. Ang tanging best
friend ko. Ang tanging mahal ko at mamahalin habang buhay kahit wala akong
aasahang kapalit. Masakit man pero bahala na…
Naging
ganoon an gaming set-up ni Arbie.
For the
mean time sa apartment ko pa rin siya nagpapagaling.
Bawat
araw na magkasama kami ay nilagyan ko ng kulay at buhay. Ipinadama ko sa kanya
ang aking nararamdaman.
Kahit
hindi ko alam kong ano ang pupuntahan ng mga ginagawa ko sa kanya pero alam ko
na tama ang ginagawa ko dahil dito ay nagiging masaya ako.
Ako ang
nag-aalaga sa bestfriend ko.
I even
cooked the best food for him. Binibigay ko ang lahat na hiling ni Arbie
hanggang kaya ko.
Hinahatid
at sinusundo ko siya sa kanyang pinagtatrabahuhan para lang ma secure ko na
safe siya.
Hindi pa
rin kasi maalis sa isip ko na baka maulit muli ang nangyari sa kanya.
Well at
least kung may makita akong naka bantay sa labas at uulitin ang ginawang masama
sa best friend ko ay handa akong isugal ang aking sarili, maprotektahan ko lang
si Arbie. Ganoon ko siya ka mahal. Ibibigay ko ang lahat para sa bawal na
pag-ibig nato.
Dumaan
ang ilang araw at ganoon pa rin ang naging takbo ng aming buhhay.
Hanggang
isang araw.
“Arbs,
masaya ka ba sa piling ko?” tanong k okay Arbie habang nagtitimpla ng kape.
“Oo naman
bro. Ang saya-saya ko dahil nakita ko naman ang effort mo. Pero hindi ba parang
magnobyo na tayo niyan?” sagot ni Arbie habang nakaupo sa dining table.
“Bakit Arbs?
Hindi ba pwedeng maging tayo?” walang pigil kong tanong sa kanya.
Hindi na
rin siya sumagot at alam ko namang ayaw niya kaya minabuti ko nalang higupin
ang tinimplang kape.
“Gusto mo
ba ng kape Arbs?” pang-iba na tanong ko sa kanya.
“Huwag na
bro, ako na ang bahala. Ako na ang magtitimpla ng kape” paliwanag ni Arbie
habang kumukuha ng tasa.
“Sige na
Arbs, ako na ang magtitimpla” pilit ko sa kanya.
“Ano ba
bro? Masyadong overprotective kana. May mga kamay naman ako at mas gugustuhin
ko na ako na ang gagawa ng bagay na ito. Kaya ko rin naman ha.” Mahabang
paliwanag ni Arbie na may halong inis.
Hindi ko
na pinilit ang sarili ko at nanahimik na lang.
Tumunog
ang cellphone ni Arbie
“Hello?
Oh bhe. Napatawag ka? Happy Monthsarry. Punta ka dito sa apartment ng kaibigan
ko.” Si Arbie hawak-hawak ang cellphone at nakatingin sa akin.
Tumango
na lang ako sinyales na okay lang sa akin na pumunta ang boyfriend niya.
Masakit
sa akin ang aking narinig pero pinipilit kong tanggapin ito. Umalis nalang ako
ng kusina at lumabas ng apartment.
Sinindihan
ko ang isang stick ng sigarilyo ngunit bago ko pa naman hihithitin ang sigarilyo
ay bigla namang kinuha ni Arbie at itinapon.
“Arbs ano
ba?” galit kong tanong sa kanya. Hindi na siya sumagot sa tanong ko.
“Bro,
finally magkikita na rin kayo ng bhe ko” si Arbie habang nakatingin sa labas ng
apartment.
Nanahimik
ako ng ilang segundo.
“Masaya ka
ba sa kanya?” tanong k okay Arbie na may bahid na lungkot.
“Masayang-masaya.
I’m sure na siya na talaga ang para sa akin” paliwanag ni Arbie.
Parang
binugbog na naman ang puso ko sa mga sinabi ni Arbie pero kinokontrol ko ang
pagpatak ng aking luha.
Maya’t-maya
ay dumating na rin ang boyfriend ni Arbie.
Beep…
beeeeeeep. Beeeeeeeeeepp.
“Arbs
parang may tao sa labas.” Sambit ko kay Arbie habang nanonood ng tv.
“Saglit
lng bro baka si Raymun na iyon” si Arbie.
Tumayo
siya at lumabas ng apartment. After few minutes ay dumating siya kasama niya
ang boyfriend niya. Habang nanonood ako ng tv ay tinapik naman ako ni Arbie sa
likod. Nilingon ko sila ng
“Bro, si
Raymun boyfriend ko.” Pagpapakilala ni Arbie sa akin at sa boyfriend niya.
Familiar
sa akin ang lalaking ito. Pero hindi ko na maalala. Basta alam ko nakita ko na
itong guy ngunit saan at kalian?
Siguro
palagi rin ang lalaking ito sa bar kung saan kumakanta ako. Inabot ko naman ang
aking kamay
“Nice
meeting you Ray” sambit ko sa kanya.
“Siya nga
pala Arbs. Aalis muna ako. Kayo na ang bahala dito. Ayaw ko namang makisawsaw
sa Monthsarry niyo.” Paliwanag ko sa kanya.
“Huh? Bakit bro? gusto ko nga na magkakakilala
kayo ni Ray kaya nga nagdesisyon ako na dito nalang magstay sa apartment mo.
Tapos aalis ka? Mahabang paliwanag ni Arbie.
Sasagot
pa sana ako ngunit inilabas ni Raymun ang dala-dalang alak.
Hindi na
ako nagpumilit pang umalis kaya inihanda ko nalang ang mga kakainin namin. Nasa
kalagitnaan na kami ng inuman ng nakita ko namang naghaharutan ang dalawa.
Patuloy
lang ako sa pag-iinum habang pinagmamasdan silang dalawa. Nagyayakapan,
naghahalikan, at kong ano-ano pa.
Pinilit
kong ilayo ang aking paningin sa kanilang dalawa pero naririnig ko pa rin ang
kanilang harutan. Gustuhin ko mang umalis sa sitwasyong iyon kasi nasasaktan
ako pero ano pa ba ang magagawa ko?
“Arbs, CR
muna ako” maikling tugon ko kay Arbie.
Pumasok
na ako sa CR at tumingin sa salamin. Doon ko inilabas ang sama ng loob ko.
Sinuntok
ko ang dingding at pinaagos ang luha sa aking mga mata. Patuloy kong sinuntok
ang wall at sa di inaasahang pagkakataon ay nakita ko si Arbie sa likod ko
dahil sa reflection niya sa salamin.
Hindi ko
napigilan ang aking sarili at niyakap ko siya at hinalikan.
“Arbs ako
nalang please.” Mangiyak-ngiyak kong sambit sa kanya.
Ngunit
pinilit niya akong itulak pero matindi pa rin ang pagkayakap ko at hinalikan sa
bibig.
Namalayan
ko nalang na si Raymun ay nakatingin sa amin.
“FUCK!
Mga taksil kayo!” sigaw ni Raymun sa likuran.
To be
continued.
taksil!! hunghang!anu yn ak nag luto tapos ikaw ang kakain! hahaha..
ReplyDeletekainis naman si besfren tanga, martir!! hindi ko kaya yon nko kung ayaw mo sa akin e di wag..hahaha..my sarili akong mundo..hhheheh.
bat naman hindi mabasa?...
ReplyDeletewhite is to white po kase ang font color ..an saket samata basahin napagtiisan..XD
Stupid!!! idiot!!! kainis!!!!
ReplyDelete