Bawal Na Pag-Ibig: The Knight and His Shining Armor
By PrinceSky
Part 6
---------------------------------------------------------------------------------------------
Hinatid ko si Jayson sa kinaroroonan ng pinaghanda kong picnic ng biglang tumulo ang kanyang luha.
“Jay, bakit ko umiiyak? Hindi mo ba nagustuhan? Malungkot kong tanong kay Jayson.
“Dens, napaluha ako kasi first time koi tong naranasan sa buong buhay ko. Hindi pa ako nakaranas ng ganitong pangyayari. Ang saya-saya ko Dens. Ito na ang pinaka-masayang nangyari sa aking buhay” mahabang paliwanag ni Jayson habang pinupunas ang mga tumulong luha.
Niyakap ko si Jayson at hinalikan sa pisngi.
“salamat naman at naappreciate mo ang ginawa ko. Gusto ko lang naman kasi ipadama sa iyo kong gaano ka kaimportante sa akin eh” mahaba ko ring paliwanag sa kanya
Umupo na rin kami at pagkatapos ay kumuha ako ng isang plato at nilagyan ng spag at garlic bread.
“Jay, puwede bang ako na ang magsusubo sa iyo” mahina kong pag-alok
Hindi naman umimik si Jayson kaya patuloy na ako sa aking ninanais.
Ang saya-saya ko. Parang gusto ko na palaging ganon nalang kami. Gusto ko n asana magkasama kami palagi. At kung puwede lang na magkasama kami habang-buhay ay mas gugustuhin ko pa.
Sinusubuan ko lang si Jayson at nagusap kaming dalawa.
“Siya nga pala Jayson. Pwede bang malaman ang iyong pangarap?” pang-iba kong tanong kay Jayson.
“Pangarap? Hmmmmmm. Gusto ko sana makasama ang isang malakas, mabait at matapang na pulis” mahabang sagot ni Jayson.
“Huh? Paano iyan. Hindi ko naman gustong maging pulis.” Sambit ko sa sinabi ni Jayson.
“Ulol! Bakit? Ikaw ba ang tinutukoy ko?” mabilisang sambit ni Jayson.
Napahinto naman ako sa kanyang sinabi. Tinanong ko nalang siya ng follow-up question.
“Bakit naman gusto mo ng malakas, mabait at matapang na pulis?” seryosong tanong ko kay Jayson
“Eh kasi naman. Kapag malakas, mabait at matapang na pulis dahil siya ang magiging knight ko. Gusto ko siyang makasama kasi sabay kaming hahanapin ang mama at papa ko na tinangay ng monster. Gusto ko kasing kaya akong ipagtanggol ng knight ko eh” mahabang paliwanag ni Jayson.
Hindi na ako sumagot pa at pinagpatuloy na ang pagsubo sa kanya.
Pagkatapos naming kumain ay niligpit na namin ito at pumasok na sa bahay nila Jayson.
Buong araw kaming bumabad sa kuwarto ni Jayson at nagkukulitan.
Maya’t-maya ay lumabas si Jayson sa kuwarto.
Sinundan ko rin naman siya at nakita kong kumuha siya ng bond paper at lapis.
Umupo siya sa table at parang may ginagawa.
Kumuha na rin ako ng bond paper at lapis. Humarap sa kanya at may ginawa rin. Hindi niya lang alam na ginuguhit ko ang mukha niya.
Maya’t-maya ay tumayo siya at nilapitan ako ngunit bago pa man siya nakalapit ay itinago ko na ang ginawang drawing.
Hindi na rin niya ako kinulit kaya ibinalik na namin ang natirang bond paper at lapis. Pumasok si Jayson sa kuwarto niya at itinago ko naman ang drawing ko sa ilalim ng table.
Pumasok ako sa kuwarto at nakita kong nakahiga na si Jayson.
Pinagmasdan ko siya. Maamong-maamo ang mukha. Parang isang bata.
Kumakabog-kabog naman ang aking dibdib. Lumabas ako sa kuwarto at tumingala sa kisame.
“Ano ba ito? Mahal ko na baa ng bestfriend ko? Bakit ganito ang aking nararamdaman? Kung pag-ibig na nga ito sana matanggap ni Jayson” sambit ko sa sarili
Pumasok na rin ako sa kuwarto at kinuha ang kumot. Tinakpan ko ang katawan ni Jayson at humiga na rin sa tabi niya.
Masakit ang aking likod at ulo dahil na rin siguro sa sobrang pagod. Ngunit bago pa naman ako tuluyang natulog ay hinarap ko si Jayson at hinalikan sa pisngi.
“Good night Jayson. I love you” mahinang bulong ko sa kanya
8AM na akong nakagising at ang sakit-sakit ng ulo ko. Umaapoy naman ako sa lagnat.
Kaya ang ginawa nila Jayson ay isinugod ako sa ospital.
Hindi ko maimulat ang aking mga mata dahil sobrang sakit ng ulo ko. Nakatulog ulit ako. Gabi na ng gumising ako at ang unang hinanap ko ay si Jayson.
“Jay? Jay? Asan ka?” mahinang sambit ko habang nakahiga pa rin.
“Anak, wala na si Jayson. Umalis na kaninang hapon.” Boses ni tiyo Bert.
“Huh? Saan siya pumunta?” tanong k okay tiyo Bert
“Umalis na siya. Hinatid na siya ng lolo niya sa airport” sagot ni tiyo Bert
Pinilit kong tumayo ngunit hindi pa rin kaya ng aking katawan.
Sumakit ang aking dibdib dahil sa pag-iwan ni Jayson sa akin. Bakit niya naman ako iniwan? Inisip ko kong ano ang dahilan ng pag-alis niya pero wala akong maisip kahit isang dahilan. Narealize ko nalang na dumaloy na ang mga luha sa aking mga mata.
Nakalabas na rin ako sa ospital at pinuntahan ang bahay nila Jayson.
“Tao po? Lolo?” sambit ko habang kumakatok sa pintuan ng bahay nila Jayson.
Bumukas ang pintuan at nakita ko ang lolo ni Jayson.
“O Hijo. Kamusta na ang kalagayan mo?” sagot ng lolo ni Jayson
“Ok na po ako lolo. Asan nga po si Jayson?” mahinang tanong ko sa lolo ni Jayson
“Umuwi na sa kanila. Hinatid ka namin sa ospital at siya ang nag-alaga sa iyo. Ngunit noong araw na rin siya uuwi sa kanila” paliwanag ng lolo ni Jayson.
Hindi na ako nakasagot pa at umalis na lang.
Pagkadating ko ng bahay ay pumasok na rin ako sa aking kuwarto. Hinarap ko ang ID niya at kinausap.
“Jay, bakit mo naman ako iniwan? Ang sakit eh. Sana man lang sinabihan mo na ako. Kahit labag sa loob ko ang pag-alis mo pero kakayanin ko naman iyon. Kahit sa huling sandal man lang ay sana kinausap mo ako.” Mahaba kong litanya sa harap ng ID ni Jayson
Natulog na rin ako dahil sa sama ng loob.
Maraming araw na ang nagdaan at wala na akong balita na natanggap kay Jayson. Pero kahit ganoon ay palagi ko pa ring kinakausap ang kanyang ID.
Nakalipas ang 5 taon…
“Pare gusto ikaw ang maging ninong ng inaanak mo ha?” sambit ni Alex na kasamahan ko sa prisinto.
“Okay pare. Walang problema” maikli kong sagot
“Pare ano ba naman iyan. Parang palagi kang lungkot.bakit ba hanggang ngayon ay wala ka pa ring napupusuan? Maraming magaganda diyan hu. Yong trainee natig babae. Ang ganda-ganda. Maraming nagkakandarapa sa kanyang kagandahan. Alam rin naman natin na gustong-gusto ka niya. Eh bakit hindi mo siya kausapin?” mahabang sambit ni Alex.
Nginitian ko nalang si Alex at hindi na siya sinagot pa.
“Siya nga pala pare, labas naman tayo mamaya. Magshot lang. Matagal na tayong hindi nakainom ng alak eh” sambit ulit ni Alex
“Okay basta ikaw ang taya!” maikling sagot k okay Alex
“Hahahaha! Palagi nalang ako. Sige na nga!” malainsultong tawa at sagot ni Alex.
pagkatapos ng trabaho namin ay pumunta kami sa isang bar. Naginuman ang nagkuwentuhan.
“Pare tangina tingnan mo ang babae sa kabilang table. Kanina pa iyan nakatingin sa iyo. Sungaban mo na” sambit ni Alex sabay turo sa babae
Hinarap ko rin ang mga babae at nakita kong kumakaway.
“Putik pare! Sungaban mo na!” sambit ni Alex sabay sapak sa balikat ko.
Hindi ko na pinansin iyon at pinagpatuloy na lang ang pag-inum.
“Ano ba pare? Siguro iba ang gusto mo no? sabihin mo lang sa akin at maiintindihan koi to. Partner kaya kita” sambit ni Alex
Hinarap ko lang siya at nginitian.
Umuwi na rin kami at ng nakarating na ako sa bahay ay hinarap ko ulit ang ID ni Jayson. Kinuha ko ito, hinalikan at inilagay sa ilalim ng aking unan.
“Kung nasaan ka man ngayon Jayson. Sana palagi mong isipin na mahal na mahal kita.” Mahinahong panalangin ko at nagtulog na.
Kinaumagahan ay kinuha ko ang ID ni Jayson. Medyo Malabo na ang picture ngunit hinalikan ko pa rin ito.
“Good morning Jayson” sambit ko sa harap ng ID ni Jayson.
Naligo na rin ako at pumasok ng prisento.
“O pare. Good morning! Medyo maraming kumukuha ngayon ng police clearance ho” sambit ni Ales sabay kuha ng mga requirements ng nag-aaply ng police clearance.
Tinulungan ko na rin si Alex sa kanyang ginagawa. Naging busy ako sa kaka fillout ng mga information ng aplikante.
maya’t-maya ay may lumapit sa table namin at may iniabot na papeles. Hindi ko naman ito hinarap dahil busy ako sa ginagawa ko.
“Excuse me po. Puwede po bang kumuha ng police clearance?” sambit ng lalaki sa harap ng table namin.
“Sir, pumila ka nga diyan. Ang dami ng umaapply eh” sambit ni Alex
Nang hinarap ko ang lalaking kinakausap ni Alex ay natulala naman ako sa aking nakita
Itutuloy…..
oh! This is it pansit! Si jayson na ba un?
ReplyDeletefor sure si jayson n yan...... hehehehe
ReplyDelete