Followers

Friday, February 1, 2013

Ang Patagong Pagmamahalan - Pt. 16



"Ang Patagong Pagmamahalan pt. 16"
---Ikalawang Yugto---


By. Iam Kenth


Naghihintay nalang akong bumalik si Ryan noon.

Lagi parin kaming nagtatawagan.

Inaasikasu na daw niya ang mga taong aasikasu ng Kampaniyang iiwanan niya.

Nasabi niya sa akin na nagmamatigas parin daw si Herminia at ayaw pirmahan ang papel na magwawalang bisa ng kasal nila.

Nag-aaway daw sila pero sabi niya sa akin na huwag akong mag-alala dahil ginagawa lang niya kung ano ang nararapat.

Sa kalagitnaan ng taon ng aking paghihintay ay biglang naputol muli ang komunikasyon namin ni Ryan.

Wala akong natatanggap na balita mula sa kaniya.

Sumulat ako sa kaniya, pero wala akong natatanggap na sulat sa kaniya.

Bigla akong nag-alala sa kaniya.


Isang balita ang kipinanghinaan ko ng lakas.

Nakatanggap ako ng sulat mula kanila Mama.


"...Dear Makyo, kamusta ka na diyan? kami ng Papa mo okay naman kami dito....


...lagi kang mag-iingat diyan, lagi naming pinagdarasal na sana'y laging mabuti ang iyong kalusugan...

...lakas mo lang ang iyong loob...


...nalaman namin ang nangyari kay Ryan..."



biglang tumulo ang luha ko...noong pinagpatuloy ko ang pagbabasa. Halos hindi ako mahinga, hindi ako makakilos, mabilis ang tibok ng puso ko.

"...nalaman namin may Brain tumor si Ryan at nasa critical stage na siya ngayon, pero sabi naman ng Pamilya nya... ginagawa ng mga doctor ang best nila para maisalba ang buhay ni Ryan... Huwag kang mag-alala lagi naming pinagdarasal na sana't malampasan iyon ni Ryan...


...mahal na mahal ka namin ng Papa mo, maging matatag ka diyan, may awa ang diyos...

...may dahilan ang lahat kung bakit kailangan mangyari ang mga bagay na ito...

...lagi kang magdarasal...

..mag-iingat ka diyan...

...kung may malalaman pa kaming balita, asahan mo na babalitaan ka namin...


...mahal na mahal ka namin, tibayan mo ang loob mo.



-Mama at Papa."


Hindi ko alam kung paano ko ibabangon ang sarili ko noong nabasa ko ang sulat na iyon.

Wala akong kaalam alam na may sakit na pala si Ryan,  naalala ko na laging sumasakit ang ulo niya, pero lagi niyang sinasabi sa akin na dahil lang iyon sa pagod. hindi ko inisip na magiging malala iyon.

Gusto ko siyang makita, gusto ko siyang puntahan sa Amerika, pero hindi ko magawa dahil hindi na ako mapunta doon.

Gusto ko siyang makausap man lang, gusto kong nasa tabi niya.

At alam kong ganoon din ang nais niyang mangyari.


Naging balesa ako. Inisip ko na kung kailan malapit na mging okay ang lahat tsaka naman nagkaroon ng ganitong uri ng problema.


BAKIT GANITO! bakit kailangang sa amin pa ni Ryan mangyari ang mga bagay na ito. Wala akong nakikitang maling dahilan para pagdaan namin ito, at kung mawawala man siya ng tuluyan ay hindi ko na alam pa ang gagawin ko.


Paglipas pa ng ilang araw ay nakatanggap ako muli ng sulat.

Mula iyon sa ibang bansa.

galing iyon kay Ryan.

pero hindi niya iyon sulat.


"Mahal ko, kamusta ka na diyan, huwag mo akong masyadong alalahanin dito... nasaHospital nga pala ako ngayon, pero siguro napapansin mo na hindi ko ito sulat. Anak ko ang nagsusulat nito para sa akin, hindi ko na kasi maikilos pa ang mga kamay ko..."

naluha ako. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa.

"...alam na ng panganay ko ang about sa iyo, gusto ka nga daw niyang makita..


... huwag kang mag-alala sabi naman ng doctor, magiging okay lang ako, kailangan ko lang ng operation. basta, huwag kang mag-alala...

...hindi ko alam na magiging seryoso ang pagsakit ng ulo ko, malakas naman kasi ako...

...meron akong brain tumor, pero huwag kang mag-alala ha? I will be fine. promise me na pagbalik ko diyan malakas ka pa din, huwag mong pabayaan ang sarili mo diyan. Dahil pag naging okay na ako, gusto ko dapat ikaw okay din...

...pasensiya na din kung ngayon lang ako nakasulat sa iyo...


...mahal na mahal kita Mike...lagi mong tatandaan iyan. sobrang mahal na mahal kita.

...magkikita pa tayo, siguro kung hindi man ngayon... sa susunod na buhay..."

naluha ako sa huling sulat na iyon.

gusto kong sumigaw, gusto kong magwala.

meron pang kasamang sulat iyon.


"Tito Mike, si Hernan po ito, panganay ni Papa. Naikwento ka na sa akin ni Papa. Mahal na mahal ko ang papa, kaya nauunawaan ko ang relasyon ninyong dalawa. Noon ko pa napapansin na hindi magkasundo si Mama at Papa. Siguro nga, dahil sa ikaw talaga ang mahal ni Papa.

...Noong una, gusto kong magalit sa iyo, dahil sinisira mo ang relasyon ni Papa at Mama, pero mali ako.. noong naikwento ni Papa ang tungkol sa inyong dalawa, nauwaan ko po kayo.. mas naunawaan ko po iyon, dahil sa mga sulat ninyo para sa isa't isa...

...huwag po kayong mag-alala, babantayan ko si Papa hanggang sa maging okay na siya...


...mag-iingat po kayo diyan...


...at salamat po sa pagmamahal na binibigay ninyo sa Papa namin. Sa tuwing naikukuwento ka ni Papa sa akin, damang dama ko na masaya siya kasama ka, ibang iba iyon sa tuwing magkasama sila ni Mama..

..kaya maraming salamat po...




-Hernan."

Ako naman ang sumulat.

Una kay Ryan.

"Mahal ko, hindi ko na alam pa kung paano ko sisimulan ang sulat kong ito... basta kusa nalang sumusulat ang ballpen na gamit ko...

...aaminin ko sa iyong hindi ako okay dito gayung alam hindi okay ang sitwasyon mo diyan. Huwag kang mag-alala sinusubukan kong maging okay, pinapalakas ko ang loob ko...

..pinagdarasal ko ang paggaling mo at maging successful ang operasyon..

..hindi ko mapigilang hindi maluha noong nalaman ko kung anong nangyari sa iyo..

..gusto kong puntahan ka diyan, pero hindi ko magawa.. gusto kitang makausap, pero hindi ko alam kung paano.. gusto kitang mayakap, mahalikan, makita... pero hindi ko alam kung paano...

..hindi ko alam kung bakit kailangan mangyari sa atin ito... ang lakas lakas mo, at sa ating dalawa ako itong mahina, pero bakit kailangan sa iyo pa mangyari iyan, dapat sa akin nalang.. dahil kung mawawala man ako, may mga anak kang mapagbabalingan ng pagmamahal mo. pero dahil sa ikaw ang nasa kalagayang iyan... hindi ko na alam ang gagawin ko, ayaw kong mag-isip ng kung ano ano pero hindi mo mawawala sa isipan ko kung anong pwedeng mangyari..

...3 beses akong pumupunta sa simbahan araw araw para ipagdasal ka, sa umaga, sa tanghali at bago ako umuwi.. nagdadasal din ako bago ako matulog...

...lakasan mo ang loob mo, dahil hindi pa akong handa na mawala ka sa akin...

..Ryan, ikaw ang buhay ko... kaya kung mamawala ka, handa na din akong mawala...

...mahal na mahal kita, at alam mo iyan! At alam kong alam na ng lahat ngayon na nagmamahalan tayo, kaya please naman oh, lakasan mo ang loob mo. Nangako ka sa akin na magsasama pa tayo diba? kaya, please, tutuparin mo iyon diba? diba?...

...mahal na mahal kita... sobrang mahal na mahal.. huwag na huwag mong sasabihin sa akin na magmamahalan tayo sa susunod na buhay natin, dahil gusto kong ngayon natin ipagpapatuloy ang pagmamahalan natin, magmamahalan pa tayo kaya ipangako mo sa aking magiging okay ka..

...mahal na mahal kita...mahal na mahal Ryan.

-Myk"


Sumulat din ako kay Hernan.

"Hernan, maraming salamat sa pag-unawa sa amin. Ipangako mo sa akin na babantayan mo ang Papa mo, balitaan mo ako tawagan mo ako, kalakip ng sulat na ito ang numero ng opisina ng pinagtatrabahuan ko..

...lagi mong sasabihin sa Papa mo na mahal na mahal ko siya, mahal na mahal ninyo siya.. mahal padin siya ng mama mo kaya sabihin mo na magpagaling na siya dahil maraming taong malulungkot kapag nawala siya...

...mag-iingat ka yo diyan..

..maraming salamat ulit...


...aasa ako sa mabuting balita...

-Tito Myk."




At mula sa araw na iyon ay naghintay ako  sa balita. Ipinagpatuloy ko ang pagdadasal ko dahil iyon nalang ang tangin alam kong paraan para maging okay na is Ryan.




Umaasa ako na gagaling siya.



Aasa ako isang araw na tatawagin niya ako mula sa likod ko at yayakapin niya ako na parang walang nangyari.

Na okay ang lahat.


Pero ang lahat ng iyon ay pawang nasa isip ko lang na nais kong mangyari.



1 comment:

  1. Grabe ndi ko mapigil ang pag iyak ko... Akala ko nga ndi ko matatapos tong chapter na to...

    Salamat po sa author Nito sa pagbabahagi mo ng kwentong Ito. It keeps me inspire tO lOve...

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails