Followers
Friday, February 1, 2013
Ang Patagong Pagmamahalan - Pt. 13
"Ang Patagong Pagmamahalan pt. 13"
---Ikalawang Yugto---
By. Iam Kenth
Sumunod na taon. Muling bumalik si Ryan kagaya ng kaniyang pinangako.
At sa tuwing magkikita kami, parang kahapon lang ang pagitan noong huli kaming nagkahiwalay.
Wala kaming sinasayang na oras sa tuwing magkasama kaming dalawa.
Kagaya noong ipinangako ko sa kaniya noon. Ililibot ko siya sa KaMaynilaan, sa mga lugar na napuntahan ko na.
Dalawang Linggo siyang mamalagi sa Manila noon. Unang Linggo ay magkasama kaming dalawa. At ang sumunod na Linggo ay umuwi siya sa probinsiya upang bisitahin ang lugar namin. Pinilit niya akong sumama sa kaniya ngunit para makaiwas sa mga mata ni Herminia sa aming lugar ay minarapat ko nalang na magpaiwan.
Eroplano naman ang kaniyang sinakyan kaya madali siyang nakarating doon.
Kinaumagahan, ay bumalik din kaagad siya sa Manila. Sa bahay.
"Oh bakit nandito kana kaagad?" Tanong ko pagkabukas ko ng pinto sa kaniya, madaling araw pa iyon.
"Hindi ko kayang hindi ka makita gayung nandito lang ako sa bansa natin, kaya minabuti kong bumalik na kaagad dito. Para makasama ka, ilang araw lang tayong nagsasama sa loob ng isang taon. At ayaw kong aksayahin iyon ng hindi ka kasama." Sabi niya. Humawak sya sa beywang ko. Dumkit sa akin at humalik sa aking labi.
Tapos bigla siyang parang nahilo.
"Oh okay kalang?" tanong ko sa kaniya.
"Oo, nahilo lang ako sa biyahe, hindi rin kasi nakapagpahinga doon. Naglakad lakad kami sa bayan nila Papa. Tapos kumuha kaagad ako ng ticket pabalik dito sa iyo." Sabi niya, pinaupo ko sya sa isang silya. Kumuha ako ng tubig at inabot ko sa kaniya iyon.
"Sabi ko naman sa iyo, huwag mong pababayaan ang sarili mo. Okay? Dapat nagpahinga ka na muna kasi." Kumuha ako ng isang silya at tinapat ko iyon sa kaniyan. Humawak ako sa hita niya. Nakangiti siya sa akin.
"Opo. Namimiss kasi kita kaagad eh. Kaya nagdesisyon akong bumalik kaagad dito."
"Ikaw talaga, magpahinga ka muna sa kwarto." Hinawakan ko siya sa palad niya at itinayo ko siya. Dinala ko siya sa kwarto at pinahiga. Dumapa ako habang ang nakatingin ako sa kaniya, hinihimas niya ang buhok ko.
"Sumama ka na sa akin sa ibang bansa." Sabi niya.
"Huh? Eh may trabaho ako dito...atsaka, baka makita pa tayo doon ni Herminia, baka mapatay na niya ako. Hehe" Sabi ko naman at nangisi ako.
"Itatago kita, gusto ko na kasi kitang makasama. At kung makikita man niya tayo na magkasama, kaya na kitang ipaglaban ngayon, siguro noon may takot pa ako sa Papa niya at sa pamilya niya dahil siguro bata pa din talaga ako noon."
Tama siya doon, mga bata pa kami noon. Kaya may takot padin kami sa mga ganung uri ng sitwasyon. Hindi namin alam kung paano namin panghahawakan ang relasyon namin. Kaya mas naging komplikado ngayon.
"Paano ang Pamilya mo?" Tanong ko.
"May naipon na din naman ako, siguro sapat na iyon para mapagpatayo ko siya ng business nila... para sa ating dalawa." Sabi niya. at seryoso siya doon.
"pero.. paano kung may gawing masama ang Pamilya ni Herminia sa pamilya mo, sa amin... sa akin." Pag-aalala ko.
"..subukan lang nilang kantihin ang pamilya ko, ako na mismo makakalaban nila, at subukan lang nilang dampian ka nila ng kanilang mga kamay at hinding hindi ko sila mapapatawad, at baka hindi nila magustuhan ang gagawin ko sa kanila." Matalim ang kaniyang mga dila habang sinasabi nya iyon.
"Paano ang mga anak mo." Tanong ko.
Bigla siyang natahimik.
"Ayaw mo naman sigurong lumaki ang mga bata na magulo ang kalalakihan nilang pamilya." sabi ko.
"Well figure it out," hinawakan niya ako sa aking mga palad. "...sumama ka na sa akin. magsama na tayo ulit, ikaw ako. Tayong dalawa naman talaga dapat ang magkasama diba?" Sabi niya.
"Paano ang buhay ko dito? Paano ang trabaho ko dito, Ryan... gusto kitang makasama, alam mo yan, pero...dito ako masaya sa bansa natin. nandito ang pamilya ko, dito ako nabubuhay...." Sabi ko.
"So, ayaw mo akong makasama?"
"Hindi--- hindi--- gustong gusto, kasu intindihin mo naman ako."
"Hindi kita maintindihan Myk. Nagmamahalan tayo noon pa, ipaglalaban na kita ngayon pero bakit parang natatakot ka parin ngayon? I'm always at your side no matter what happen. Kung pwede lang akong bumalik na dito at dito na muling manirahan kasama ka gagawin ko, pero inaalala ko ang mga anak ko. Kaya, sumama ka na sa akin. Magiging masaya na tayong dalawa doon."
"Natatakot ako Ryan."
"Bakit? kasama mo ako."
"Hindi ko alam, mahal kita, pero hindi ko kayang sumama sa iyo doon at ikukubli mo lang ako. Mas gugustuhin ko pang hintayin kita dito taon taon, kesa magsama tayong dalawa doon habang nagtatago lang ako, sa asawa mo."
"Ano ba itong ginagawa na tin ngayon? diba nakakubli lang tayo? Gusto kitang makasama. Pumayag ka na naman oh."
Hindi ako sumagot, gusto kong sumama sa kaniya, pero ano nalang ang iisipin ng mga magulang ko. Kung bigla bigla nalang akong mawawala. Hindi ko maaring sabihin sa kanilang sasama ako kay Ryan dahil malamang sa hindi malalaman at malalaman iyon ni Herminia.
Mas lalong magiging komplikado ang lahat.
"Myk.. I'm sorry. Hindi dapat kita pinipilit sa ganitong paraan. Sorry, sarili ko lang insip ko. Basta, kung handa ka nang makasama ako, sabihin mo lang. ako mismo ang susundo sa iyo dito." Tapos hinila niya ako. at niyakap.
"Mahal na mahal kita Ryan. Masaya ako at nakakasama kita."
"Ganun din ako."
Nagkasundo kaming dalawa na pag-iisipan namin maigi ang aming pinaplanong pagsasamang dalawa.
Umalis siya, at noong sumunod na taon ay bumalik siyang muli.
Pero iyong sumunod na taon. Naghintay ako sa airport pero lumipas ang mahigit 10 oras ng aking paghihintay ay wala akong nakitang Ryan na dumating.
Ilang buwan mula sa araw na inaasahan kong dumating siya, ay nakatanggap ako ng sulat mula sa kniya na nagkaroon ng problema sa Kampaniya nila kaya hindi siya nakapunta ng Manila.
Sumulat ako sa kaniya.
"....Nilalakad ko na ang mga passport ko, nakapagpaalam na akong ng leave kaya pwede na akong makapunta diyan...." sabi ko sa sulat ko.
"...magandang balita iyan, sige Myk.. ako naman ang maghihintay sa iyo dito..ako naman ang magpapasyal sa iyo dito...maghahanap narin ako ng bahay na maari nating pansamantalang tuluyan habang nandito ka....
....miss na miss na kita Myk..." sabi niya sa sulat niya.
"...sige, hindi na ako makapaghintay na makita ka ulit Ryan...mahal na mahal kita." Sabi ko sa sulat ko.
Dumating ang araw ng pagpunta ko sa bansang tinitirahan nila Ryan.
Habang nasa eroplano ako ay nakakakadama ako ng kakaibang pananabik, una dahil makakarating ako sa ibang bansa... at ikalawa ay makikita ko si Ryan.
At lumapag na nga ang eroplano.
paglabas ko ng eroplano nanibago ako sa lugar, sa mga tao, sa klima at sa asmospera ng lugar.
Pagbaba ako ng escalator... nakita ko si Ryan na may hawak na card board na may na nakasulat na...
"Myk...." Napangiti ako.
binaliktad niya ang card board na may nakaukit na puso.
Napangiti ako.
At muli kong nayakap si Ryan noon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
No comments:
Post a Comment