Followers

Saturday, February 16, 2013

Munting Lihim [22]


By: Mikejuha
Author’s note:

Ikinalulungkot ko pong i-announce na kung hindi man ang chapter na ito, ang sunod na chapter (Chap 23) ay ang pinakahuling chapter na lamang na maaaring i-share ko sa internet. Sa sinabi ko na sa paunang chapter, ang kuwentong ito ay nakatakdang isasalibro ko.

Ngunit hindi lang po ito ang dahilan, ayaw ko na rin pong mangyari na ang aking akda ay pinagpyestahan ng ibang tao na angkinin, baguhin ang pamagat at tauhan, i-share sa internet na parang pag-aari nila na walang credit ang writer.

Klaruhin ko lamang na hindi ako tutol sa pagpost ng mga kuwento ko sa internet at naappreciate ko pa ang mga fb pages at blogspot na nag-share at may full credit ako. Ang ayaw ko lamang po ay ang angkinin ang akda ko, o kaya ay palitan ang title nito o characters, at ilagay ang mga pangalan nila bilang tunay na writers.

Pasensya na po.

Anyway, abangan na lang po ninyo ang mga unpublished final chapters nito sa book version.

Maraming salamat po.

-Mikejuha-

--------------------------------

Ako si Alvin


Ito ang kuya Andrei ko


Ito naman si Brix, boyfriend ko


At ito ang kuwento namin -

----------------------------------------------------------
Dali-dali kaming bumalik sa puntod ng aking mga magulang kung saan naroon si Lola Isyang at nagsimula nang magdasal. “Lola Isyang… pasensya na po sa abala. P-pero may nabanggit po kayo kanina at gusto ko po lamang linawin kung tama nga ang aking narinig.” Ang sambit ko.

Biglang napalingon sa amin si Lola Isyang. “A-ano iyon, Alvin?” ang tanong niya.

“Nasabi niyo po na ‘…tandang-tanda ko pa ang ang matinding saya sa mukha ni Itang noong ibinalita ko sa kanya na isang napakakisig at napakalusog na batang lalaki ang iniluwal niya’. Tama po ba?”

Nag-isip siya ng sandali. “I-iyan ba ang n-nasabi ko?”

“Opo… at alam ko pong Itang ang tawag ng mga tao sa aking inay Pacita” sabay lingon ko kay kuya Andrei na nanlaki rin ang mga mata sa napuna ko. “S-sino po ba ang nagluwal kay kuya Andrei? Ang inay Pacita po ba?” dugtong kong tanong.

Kitang-kita ko ang pagkagulat ni Lola Isyang sa aking tanong. Marahil ay hindi niya inaasahang mapansin ko ang sinabi niyang iyon na maaaring hindi rin niya sinadya. “A… e…” ang paunang naisagot niya na mistulang nag-isip sa sunod na sasabihin. “Ay… ito namang batang ito. I-iyang ang ibig kong bigkasin, hindi Itang. Aurea kasi ang pangalan ng inay ng kuya Andrei mo kaya Iyang ang tawag ko sa kanya. Hindi Itang, Iyang ang ibig kong bigkasin. Nagkamali lang ako.” ang dugtong pa niya.

Parang nadismaya naman ako sa sagot niyang iyon. Parang hindi ako kumbinsido. “Lola… hindi po Iyang ang tawag ng mga tao sa inay ko. Auring po… Wala pa po akong narinig na tumawag sa kanya ng Iyang. Ang inay Pacita lang po ang minsan ay tinatawag nilang Itang.” ang pagsingit naman ni kuya Andrei.

“A, eh… a-ako lang siguro ang tumatawag sa kanya ng Iyang.” ang sagot uli ng matanda.

“Lola… sabihin niyo na po ang totoo. Please po. Maawa po kayo sa amin ni kuya Andrei. Wala nap o ang mga magulang naming. Hinahanap po naming ang katotohanan.”

“A, e, e…” ang pautal-utal nang sagot ni Lola Isyang.

“Alam niyo po bang bago binawian ng buhay ang Tatay Berto, nasabi niya sa akin na hindi ko po tunay na mga magulang sina Nay Pacita at Tay Berto at ang tunay kong mga magulang ay sina Nay Auring at Tay Eloy? Naramdaman ko pong may sasabihin pa sana siya. Ngunit hindi na siya nakapagsalita pa. Nararamdaman ko pong g-gusto nilang ibunyag ang katotohanan sa akin ngunit hindi na niya nakayanan pa ang lahat at binawian na siya ng buhay. At ngayong nagkita tayo dito, naniniwala po ako na ginabayan niya kayo upang pumunta kayo sa oras na ito, upang magtagpo tayo, upang dito mismo sa harap ng kanilang puntod ninyo sasabihin sa amin ang katotohanan. Kaya po… Lola Isyang, sabihin niyo na po ang totoo. Nagmamakaawa po ako. Saksi ang mga magulang naming, Lola na nahirapan po kami ng kuya Andrei ko…”

“E… p-paano ba ito!” ang nasambit ni Lola Isyang na halatang naguluhan, palipat-lipat ang tingin sa amin ni kuya Andrei at sa puntod ng mga magulang ko. At marahil ay hindi na nakatiis, nilapitan niya ang nitso ng aming mga magulang, hinawkan ang mga ito sabay sabing, “Itang! Auring! Berto at Eloy! P-paano ba ito? S-sabihin ko na ang mga lihim ninyo! Patawarin ninyo ako kung labag man sa inyong kalooban ang gagawin ko.” sambit ni Lola Isyang.

“Huwag po kayong matakot Lola. Hindi po sila magagalit. Alam kong iyan din ang gusto ng aming mga magulang. Kung nasabi iyan ni tay Bert okay Alvin, siguradong gusto rin niya sanang sabihin ang lahat. Baka ayaw nilang lumisan na may bitbit na lihim na hindi nila nabunyag sa amin.” ang sambit ni kuya Andrei.

At doon na nagsalita si Lola Isyang. “A-ang tunay nga mga magulang mo Alvin, sina Eloy at Auring ay hindi magkaanak – noong una. Iyan ang nakita ko noong sinuri ko si Auring. Kung kaya lungkot na lungkot ang mag-asawa. Noong nagbuntis na si Pacita kay Andrei, nalungkot si Auring kasi nga gusto rin niyang magkariin ng anak, na babae upang i-pares kay Andrei. Ngunit dahil sinabi kong hindi na nga siya magkaanak, noong iniluwal ni Itang si Andrei, ipinagkasundo nilang ibigay ito kina Auring at Eloy dahil manganganak pa naman si Pacita. Pumayag naman si Berto dahil matalik na magkaibigan nga sina Eloy. Iyon ang kanilang usapan; na gumawa muli sila ni Pacita ng bata para sa kanila na talaga. Ngunit hindi natupad ang kanilang planong iyon. Tinubuan ng bukol ang matris ni Pacita at kailangang tanggalin ito, kasama na ang matris niya. Kung kaya ay hindi na sila nagkaanak. Kaya sina Auring naman ang nalungkot at na-guilty sa kalagayan nina ni Pacita. Nagpatulong sila sa akin na gumawa ng paraan. Sabay sa pagdarasal nila, sa pagpipilgrimage sa Birhen, ang pag-alay ng sakripisyo ng inay Aurea mo kagaya ng paglalakad na nakaluhod patungo sa simbahan, binigyan sila ng milagro. Noong ipinagbuntis ka pa lang, nag-arrange na silang ipakasal kayong dalawa paglaki ninyo kapag naging babae ka. Gusto raw nilang magkarugtong ang mga pamilya ninyo sa pamamagitan ng kasalan ng mga anak. Ngunit marahil ay kapag nanghingi ka, pagbibigyan ka lamang ng sapat, iyong naaayon lamang sa plano ng nasa itaas. Lalaki ang isinilang ni Pacita. At ikaw iyon, Alvin. May kaunting lungkot silang nadarama ngunit napag-isipan din nila na sa mga anak na lang ninyo itutuloy ang pagdugtong ng mga lahi. Kapag nagkaanak kayo ng lalaki at babae, dapat daw na ipapakasal ang mga ito, ang mga apo nila. Ganyan sila ka seryoso, o ka desperado sa kanilang mga pangarap na magdugtong ang mga dugo at pamilya ninyo.”

Hindi ko lubos maintindihan ang tunay kong naramdaman sa pagkarinig sa rebelasyong iyon. May lungkot dahil parang ang hirap na hiningi nilang magkaanak ako sa babae at ganoon din si kuya Andrei. At may saya din na nalamang hindi pala kami magkapatid at malaya na kaming magmahalan.

Agad kong naramdaman ang kamay ni kuya Andrei na humawak sa aking kamay. Pinisil-pisil niya ito ng malakas. At noong tiningnan ko ang mukha niya, binitiwan niya ang isang nakakabighaning ngiti. Alam ko ang ibig sabihin ng ngiting iyon. Sa puso niya, nag-uumapaw ang dulot na saya. Alam kong sa isip niya, wala nang hadlang pa ang pagmamahal niya sa akin.

“Maraming salamat po Lola Isyang.” ang nasambit na lang namin ni kuya Andrei. Nagpaalam muli kami sa puntod ng aming mga magulang at nagpasalamat na rin na sa wakas, nalaman din namin ang buong katotohanan sa kanilang lihim.

“Alam mo kuya, parang sinadya ang lahat na magkita tayo ni Lola Isyang dito sa puntod nila bago tayo tuluyang makaalis. Para bang ayaw nilang tuluyang lisanin nila tayo na hindi natin nalalaman ang buong katotohanan.” sambit ko habang naglakad na kami patungo sa kotse ni Brix na minamaneho ni Noah.

Nginitian ako ni kuya Andrei at inakbayan. “Tama ka… At alam mo, mas mabuti na rin na ganoon ang ginawa nila sa atin, ang ipagpalit tayo. Kasi, tingnan mo naman, silang apat ay mahal ko bilang mga magulang. Parang isang pamilya lang talaga tayo.”

“Atsaka ako rin po… mahal na mahal ko rin po silang apat, si Tatay Berto, Nanay Pacita, ang Tatay Eloy at Nanay Auring” Napahinto ako sandali. “M-medyo masakit nga lang kasi hindi ko nakasama ng matagal ang tunay kong mga magulang.”

“Hayaan mo na. At least, alam mo na sila ang tunay mong mga magulang. At mahal mo ang anak-anakan nila.”

“At mahal mo rin ang tunay nilang anak”

“At mahal ko rin ang anak-anakan ng tunay kong mga magulang”

“At mahal ko rin ang tunay nilang anak.”

“Ang gulo!”

Tawanan.

Tahimik.

“Marahil ay talagang oras na nilang lumisan sa mundo, ano kuya?”

“Bakit mo naman nasabi iyan?”

“K-kasi di ba, nakakabilib ang kanilang pagiging magkaibigan. Pinangarap nilang magsama, walang iwanan kumbaga. Hanggang sa huling sandali ng buhay nila, hayan, nagsama rin sila. At ang mga lihim nila ay nabunyag din sa atin, sa araw mismo ng kanilang paglisan.”

“Oo tama ka d’yan. Parang sinadya ang lahat… At sana, panatag na ang mga kalooban nila kung saan man sila naroon.”

“At siguro naman ay wala silang tutol na nakita nilang nagmahalan tayo.”

Kinurot ko lang ang kanyang tagiliran. “Iba ang kanilang gusto. Mga apo nila ang ikakasal...”

“O e di maganda, imbes na sa mga apo, sa atin na. Shortcut lang.”

“Hindi ah! Hindi!”

“Puwede iyon!”

“Paano magdugtong ang lahi natin? Di naman ako manganganak!”

“Di naman kailangang manganak para magdugtong eh!”

“Basta hindi iyan! Mali ang pagkaintinde mo!””

Iyon an gaming argument habang naglakad kami patungo sa kalsada.

“Woi ang sweet naman ng mag-kuya! Kakainggit! Kakain love!” ang biro ni Noah na nakatayo sa tabi ng driver’s seat sa kotse ni Brix. Habang nag-aargumento kasi kaming naglalakad, inaakbayan ako ni kuya Andrei. At inilingkis ko rin ang isa kong braso sa kanyang beywang. At wala pang kaalam-alam si Noah na hindi kami tunay na magkapatid ni kuya Andrei.

Ngingiti-ngiti lang si kuya Andrei. Ako naman, dedma. Pinsan kaya niya si Brix. At ayaw ko ring malaman ninuman ang tungkol sa amin ng kuya Andrei ko. Iyan na lang ang natitirang kaisa-isang munting lihim namin. Ang alam lang kasi ni Noah ay iisa an gaming mga magulang ni kuya Andrei.

Mag-aalas 6:20 noong nakarating kami sa mismong bahay naming. Hinatid lang kami ni Noah at nagpaalam din si siya na uuwi na. Hinahanap na raw kasi siya sa kanila at may problema sa bahay nila. Ni hindi na nga lang siya pumasok pa ng bahay. Gusto sana niyang iwan sa amin ang kotse ni Brix at magcommute na lang siya pabalik ng syudad ngunit ayaw ni kuya Andrei dahil gabi na at mahirapan na si Noah sa paghanap ng masakyan. At isa pa, sasabayan din naman daw ako ni kuya Andrei kinabukasan pagpunta sa aking paaralan. Kukuuha pa kasi ako ng special exams sa finals at si kuya Andrei ay tutungo na rin sa trabaho niya upang magsumite ng resignation. Nadadaanan kasi ang syudad kung saan naroon ang unibersidad ko sa rota ni kuya Andrei patungo ng Mindanao.

Kaya noong nakaalis na si Noah, kaming dalawa na lang ni kuya Andrei ang naiwan.

Sobrang lungkot na ng bahay noong pumasok kami. Para bang pati ang kapaligiran ay dumamay sa nararamdaman naming paghinagpis. Hindi ko maimagine kung makayanan ko ang matinding lungkot na iyon, kung wala si kuya Andrei sa piling ko.

Muli na naman akong napaiyak. Kapag ganoong oras kasi, nagluluto na ang inay ng aming hapunan at kung ganoong parating ako at nakita niya, itatanong kaagad kung saan ako nanggaling, kung nagutom ba ako, o di kaya ay tawagin ako sa kusina upang tulungan siya.

Ngunit sa sandaling iyon, walang nagtanong sa akin. Sinilip ko ang kusina. Tahimik ito at tila nagluluksa rin. Sobrang tahimik. Pati ang kadalasang pabugso-bugsong hangin na siyang nag-iingay sa aming bubong kapag ang mga sanga ng puno ng kaimito ay sumasagi rito ay tahimik na tahimik rin, tila nakisimpatiya sa aming dinadalang kalungkutan.

Sobrang sakit...

“N-nagugutom ka ba tol?” ang biglang pagsingit ni kuya Andrei.

“H-hindi kuya. Matulog na lang ako. Pagod na pagod ako eh. Ikaw? B-baka gusto mong kumain?”

“Busog din ako…” sagot niya.

Kaya dumeretso na lang kami sa kuwarto.

“A-ano ang plano mo ngayon?” ang tanong niya noong kapwa nahiga na kami at nagtabi sa aking kama, nakatagilid siyang paharap sa akin.

“W-wala… di ko alam. Wala naman akong choice di ba? Ipagpatuloy ko ang aking pag-aaral na parang wala lang nangyari sa buhay ko. Mahirap pero, kaya ko naman siguro. Ang sakit lang kuya…” ang mahina kong sagot. Naramdaman ko na naman kasi ang pagdaloy ng aking mga luha.

Inilingkis niya ang kanyang braso sa aking beywang. “Huwag kang mag-alala, kapag nakapagresign na ako, ako ang mag-alaga sa iyo. Ituloy ko ang mga trabaho ng itay sa bukid. May naipon naman akong kaunting pera, ibibili ko iyon ng maliit na sakahan habang patuloy ko pa ring sasakahin ang lupaing dati na sinasaka ng itay.”

“P-paano iyan, e hindi ka na magsundalo?”

“Ok lang sa akin. Ang mahalaga, narito ako para sa iyo. Para sa panahong uuwi ka ng bahay, may tao rito, masaya ka pa rin. Hindi ka mag-iisa.”

“G-gagawin mo iyan para sa akin?”

“Oo naman. Mahal ko kaya ang bunso ko…”

Syempre, touched ako. “I love you kuya…” ang nasambit ko na lang, sabay yakap sa kanya.

“Bukas, ihahatid muna kita sa iyong paaralan at ako naman ay dideretso sa aking headquearters. Magfile ako ng resignation with immediate effect at sana in two or three days nakakabalik na ako rito. Sa pagbalik mo galing school panibagong set-up na ang madatnan mo sa bahay natin.”

“Salamat kuya sa pagtulong mo sa akin. Mahal na mahal po kita…”

“At mahal na mahal ko rin ang bunso ko. Kahit anong mangyari, hindi kita iiwan. Lahat ay gagawin ko para sa bunso ko.”

Hindi na ako umimik. Hinigpitan ko na lang ang pagyakap sa kanya. Kahit papaano, may tuwa rin akong nadarama dahil nariyan si kuya Andrei na hindi ako iniwan.

Hanggang sa naalimpungatan ko ang paglapat ng aming mga labi. At sa pagkakataong iyon, nangyari ang inaasam-asam ni kuya Andrei na mangyari sa amin. Mapusok, nag-aalab ang aming pagniniig sa gabing iyon.

“Hiwalayan mo na si Brix.” ang casual na sabi niya noong humupa na ang bugso ng init ng aming katawan at nakahigang magkayakap.

Bigla akong nasamid sa pagkarinig sa kanyang sinabi. “P-po???” ang nasisagot ko na lang.

“Si Brix… hiwalayan mo na siya. Wala nang hadlang para hindi natin ipagpatuloy ang ating relasyon, di ba?”

“E…” and nasambit ko bagamat parang hindi ko kayang sa ganoon-ganoon na lang ay hihiwalayan ko na siya. Sobrang mabait kasi sa akin si Brix. Malaki ang naitutulong niya sa akin at parang hindi tama na biglang hihiwalayan ko siya na wala man lang malaking dahilan para gawin ko ito.

“Bakit hindi ka makasagot ng deretso? Mahal mo ba siya?”

“K-kuya naman eh. Syempre, boyfriend ko iyong tao.”

“At bakit ako?”

“K-kapatid...”

“Hindi lang kapatid. Boyfriend pa!”

 “K-kahit papaano, may pinagsamahan din kami. Malaki ang naitulong niya sa akin.”

“So hindi mo siya kayang hiwalayan?”

“H-hindi naman po sa ganoon. Kailangan ko lang po ng panahon. N-naaawa kasi ako sa kanya kuya eh.”

“O sige… bibigyan kita ng panahon. Pero basta, hiwalayan mo siya.”

“S-sige po…”

Iyon lang. At nakatulog akong ang bagay na iyon, kasama ng matinding pangungulila ko sa aking mga magulang, ang nakaukit sa aking isip.

Nagising ako kinabukasan dahil sa paggising sa akin ni kuya Andrei. “Tol… tol…”

“K-kuya???” sagot ko.

“Kain na tayo. Di ba babalik ka na sa unibersidad mo at ako rin tutungo na sa Mindanao sa araw na ito?”

“Ah… oo nga pala.” Sabay balikwas sa higaan. “M-magsaing pa po ako kuya.” ang nasambit ko. Wala na kasi ang inay kung kaya naisipan kong ako na ang maghanda sa aming agahan.

“Tapos na akong magsaing. Nakahanda na ang pagkain. Maligo ka na at hihintayin na kita sa kusina ha?”

“N-nagsaing ka na kuya?”

“Oo… Ngayong wala na sina inay at itay, ako na ang magiging nanay, tatay, at kuya mo. Ako ang bahala sa lahat.”

At muli na naman akong napaiyak. Hindi ko alam kung para saan ang pag-iyak kong iyon. Para kasing naawa ako sa sarili ko, at nakaramdam din ng natuwa na nariyan si kuya Andrei na handang magsakripisyo para sa akin. O baka rin naalala ko lang ang aking mga magulang. Naghalo-halo na kasi ang ang aking emosyon.

“O sya… ligo ka na dali! Nilagyan ko na rin ng tubig ang drum sa banyo. Hintayin kita sa kusina. Dalian mo.”

“O-opo kuya…” sabay tumbok ko sa kabinet ng aking mga damit at tuwalya.

Pagkatapos kong maligo, sabay na kaming kumain.

“Ako na ang maghugas ng mga plato, magbihis ka na lang. Nakabihis na ako.” sambit ni kuya Andrei.

“O-opo…” at pumasok na ako sa kuwarto ko.

Ilalagay ko na sana ang mga gamit na dadalhin ko para sa boarding house noong napansin ko sa gilid ng kuwarto ko ang mga bagahe ni kuya Rom. At sa tabi nito ay ang aking knapsack na may mga laman na rin. Nilapitan ko ito at binuksan ang aking knapsack. Nagulat ako noong naroon na rin pala ang aking mga gamit. Damit, pantalon, brief, may toothbrush at toothpaste rin.

“Kuya, inayos mo na pala ang mga gamit ko?”

“Oo… para magbihis ka na lang.”

Napahanga na lang ako sa ginawa niya. Bigla ko na namang naalala ang aking inay. Ang pagmamahal niya, na hinahanap-hanap ko ngunit pinunan ni kuya Andrei.

Sumakay kami ng tricycle at tinungo ang terminal. Noong nakarating na kami sa terminal. “Natandaan mo pa ba rito?” habang umupo kami sa mga upuang nakahilera para sa mga pasahero.

“Opo… maraming bagay po ang natandaan ko rito kuya.”

“Kagaya ng ano?”

“N-noong una mong pag-alis. Iyak nang iyak ako rito. Binigyan mo ako ng pera, tapos nag videoke tayo, nagpalitrato. Kinantahan mo pa ako ng ‘Old Photographs’”

“Tapos, ano pa?”

“Iyong sunod mong pag-alis na hinabol kita. Kahit hindi ko alam ang patutunguhan mo at tama lang ang pera ko sa aking pamasahe patungo sa San Pedro City, hinabol pa rin kita, sumakay ako ng bus na mag-isa, kahit noon pa lang ako nakasakay nang walang kasama.”

Inilingkis niya ang kanyang bisig sa aking beywang. “Mahal mo ba si kuya?”

“Opo… mahal na mahal po kita kuya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala ka…” at naramdaman ko na naman ang mga luha na nangingilid sa aking mga mata.

“O sya, o sya… mahal na mahal ka rin ni kuya. At promise ko sa iyo, hindi kita iiwan at hinding-hindi kita pababayaan.”

“Salamat kuya…”

“Gusto mo dadaan muli tayo sa videoke bar. Kakanta muli tayo, tapos, pa-picture uli.”

“S-sige po kuya. Na-miss ko na po iyong kanta mo sa akin.”

At nag-videoke nga kami at nagpalitrato uli, nilagay ko na naman sa aking wallet. Noong nasa loob na kami ng bus, nanumbalik din ang aking alaala noong sabay kaming naupo patungo ng San Pedro City. Iyon ang isa sa pinakamasayang alaala ko sa kanya.

Nakarating din kami sa syudad ng aking unibersidad. At talagang inihatid pa niya ako sa mismong boarding house ko. Hindi lang niya ako hinatid, nagpakilala pa sa siya aking mga ka-boardmates, nakipagkuwentuhan at nakipagusap din siya sa aking landlady.

Noong nakaalis na si kuya Andrei, kinausap ako ng aking landlady at biniro na, “Ngayon na wala ka nang mga magulang, ako na ang mag-aalaga sa iyo Alvin. Alam mo kung bakit?”

“B-bakit po?”

“Kasi, kami ng kuya Andrei mo na ang magsilbing ama at ina mo.” sabay tili ng, “Ang guwapo-guwapo niya!!!”

Ganoon din ang reaksyon ng mga kasama ko sa boarding house na magbarkadang mga bakla, kinikilig kay kuya Andrei.

At pinanindigan naman ni kuya Andrei na sinabi niyang siya na ang mag-aalaga sa akin. Noong nasa Mindanao na siya, halos oras-oras ay may text siya sa akin, nagtatanong, nagrereport sa mga ginagawa niya, minsan naman ay tumatawag. Halos magkakasabay na nga lang palagi ang mga texts nila ni Brix na natatanggap ko. Si Brix naman ay concerned na concerned din sa akin, awang-awa sa aking kalagayan. Habang emotional support at pag-aalaga ang ibinigay sa akin ni kuya Andrei, financial naman ang kay Brix. At lalo pa niyang nilakihan ang perang ipinapadala niya sa akin para sa aking mga pangangailangan.

Sa pang-apat na araw simula ng bumalik si kuya Andrei sa trabaho ay ibinalita niya sa akin na na-approved na raw ang resignation niya bagamat may hinihintay pang mga papeles. Ngunit puwede na raw siyang umuwi. Pumayag naman ako. Sabi ko sa kanya, siya na ang bahala sa mga gawaing naiwan ng itay pati na ang mga inaalagaan niyang mga hayop.

Sa totoo, nagdadalawang-isip din ako sa ginawa niyang desisyon. Kasi, puwede naman siyang patuloy pa rin na magtatrabaho habang nag-aaral ako. Kaso desisyon niya ang ganoon. Habang nag-aaral pa raw ako, sa bahay lang siya. Sa kabilang banda, naisip ko rin na nakakatakot ang trabaho niya bilang sundalo. Kung kaya nga namatay ang aming mga magulang ay dahil sa pagsusundalo niya. Kaya pumayag na rin akong huminto na siya sa pagiging sundalo.

At natapos ang isang lingo. Natapos ko rin ang lahat ng aking mga special tests sa finals. Kahit kulang ang aking paghahanda sa pasulit, masasabi ko namang nasasagot ko ng maayos ang mga tanong. Alam kong kahit papaano, hindi masyadong naapektuhan ang aking grado.

Dahil tapos na ang semester, umuwi na uli ako, excited na makitang muli ang aking kuya Andrei. At hindi naman ako nabigo. Nasa daan pa lang ako patungo sa aming bahay, nakita ko kaagad siya sa harap ng bakuran, gumawa ng upuan sa lilim ng puno ng malaking mangga na kanyang itinanim para sa akin noon. Malaki na kasi ang dalawang puno ng manggang itinanim niya para sa akin. At makapal pa ang mga dahon at sanga ng mga ito. Nakahubad ang pang-itaas na kataawan, punong-puno ng pawis ang mukha at katawan, nakatayo siyang nakangisi sa akin noong nakita akong parating.

“Kuya, nandito na po ako…” sambit ko sabay abot sa kanya sa binili kong puto na binili ko sa terminal bago ako sumakay ng tricycle. Paborito ko kasi ang puto at sabi niya, paborito na rin niya ito dahil sa kabibili niya nito para ipasalubong sa akin.

Tinanggap niya ang bigay kong puto atsaka inunat ang mga bisig.

Dali-dali akong yumakap sa kanya. Wala akong pakialam kung puno man ng pawis ang kanyang katawan. Pinakawalan ko ang matinding pananabik ko sa kanya. Nagyakapan kami. At dahil nasa labas kami ng bahay, sa pisngi ko lang siya hinalikan. “Ang ganda kuya!” tukoy ko sa ginawa niyang upuan sa ilalim ng puno ng mangga. May sandalan kasi ang ginawa niyang upuan. Malapad, at puwede pang gawing tulugan. Nilagyan din niya ito ng bubong panagga sa init at ulan.

“Syempre, itinanim ko ang mga punong ito para sa iyo, di ba? Kaya ngayong narito na lang ako sa bahay, aalagaan ko ito… para sa bunso ko.” Nahinto siya. “Pasok ka muna sa loob upang magbihis. Kumain ka na ba? Nagugutom ka?”

“Kakakain ko pa lang po.” ang sagot ko naman habang tinumbok na ang looban ng bahay. Nang nakapasok na ako, nagulat naman ako sa mga nakitang pagbabago. Napakalinis, masinop, at ang mga butas-butas na atip na nipa ay inayos, tinapalan na ng bago. At noong pumasok naman ako sa aking kuwarto, pinalakihan na niya ang aming kama at may mga kurtina na. “Ang ganda!” sigaw ko sa aking sarili. Ang saya-saya ko sa sandaling iyon.

Lalabas na sana ako ng kuwarto noong bigla namang pumasok si kuya Andrei. “Nagustuhan mo?” ang tanong niya.

“Opo. Ang ganda-ganda na po ng kuwarto natin.”

“Wala man lang akong kiss d’yan?” biro niya.

“Puno ka kaya ng pawis.”

“Yaan mo na, kiss lang naman.”

Nilapitan ko siya at hinalikan sa bibig. “Mwah”

“Sarap talaga ng kiss ng bunso!”

“Hmm… Anong plano mo ngayon?”

“E, di maligo na, para mabango.”

“Parang alam ko na ang sunod na mangyayari.” ang sagot kong binitiwan ang isang ngiting nakakaloka.

“Alam mo na pala eh, di bilisan ko na!”

Tawanan.

At syempre, ano pa ba ang puwedeng mangyari pagkatapos niyang maligo? Pareho kaming sabik sa isa’t-isa. Pareho naming gustong gawin iyon…

Kinabukasan, si kuya Andrei uli ang gumising sa akin. Siya pa rin ang naghanda ng agahan. Pagkatapos naming magalmusal, nagpaalam siyang pupunta sa niyogan na tinatrabaho ng itay. Nagpaalam akong sasama dahil gusto ko ring makita ang lugar. Pumayag naman siya. Ngunit bago kami nagpunta roon, pinakain muna niya ang mga alagang baboy at manok, nilinis ang mga pig pens, pinaliguan ang mga baboy. At syempre, manual iyon kung kaya sa pagbubuhat pa lamang ng balde na puno ng tubig ay nakakapagod na. Nang natapos na kami, saka na kami tumungo sa niyugan.

At doon ko na nakita kung gaano kahirap ang trabaho. Siya mismo ang umaakyat sa niyog, isa-isa niyang inakyat ang lahat. At ang ibang puno ay matatayog pa. Parang gusto ko siyang pigilan na huwag na lang umakyat. Natakot kasi akong baka malaglag siya. Ngunit nagpumilit siya. Iyan naman daw ang trabaho ng itay kung kaya ay ok lang. Kaya niya ang lahat. At pagkatapos pa niyang akyating ang bawat puno, iipunin naman niya ang mga niyog at pisikal na bubuhatin ang mga ito at ilagay sa bahay-bahayan na pondohan. Tumulong din ako sa pagbubuhat.

“Kaya ikaw… pagbutihin mo ang iyong pag-aaral dahil kapag nakapagtapos ka na, iahon mo ako rito sa kahirapan.” ang sagot niyang pagbibiro, feeling siya ang itay ko.

Natawa na lang ako bagamat sa kaloob-looban ko, humanga ako ng labis sa kasipagan ng aking mga magulang, naawa sa kanilang dinanas na hirap. At naramdaman ko na naman ang lungkot. Kasi, pumanaw sila na hindi man lang naranasan ang bunga ng aking pagsisikap, ang katuparan sana ng aking mga pangarap na iahon sila sa kahirapan. Binitiwan ko na lang ang isang buntong-hininga.

Mag-aalas dose na ng tanghali noong tumigil siya sa pag-akyat ng niyog. Noonng pauwi na kami, nangolekta naman siya ng mga panggatong para raw gamitin namin sa aming dirty kitchen. At mapagkakitaan din naman daw iyon kasi napag-alaman niyang may mga dumadayo sa lugar namin upang bumili ng mga panggatong.

Napatingin na lang ako sa kanya. Hangang-hanga ako sa ipinakita niyang kasipagan. Parang sanay na siya sa ganoong trabahao. Parang sa bukid na iyon na talaga siya lumaki. Parang ang aking itay lang...

Noong nakarating na kami ng bahay, dumeretso naman siya sa kusina at nagsaing. Parang nakonsyensya rin ako. Dapat pala ay ako na lang ang nagsaing, kagaya ng ginagawa ng inay na minsan ay hinahatiran ang itay ng pagkain sa niyogan.

“Bukas kuya, ako na ang magluluto at hahatiran na lang kita ha?”

“Huwag na. Gusto kong kasama ka doon.”

“Ah pwede akong sumama sa iyo pero kapag mga alas 10 na, uuwi na ako upang magsaing, Dadalhan kita ng pananghalian sa niyogan.”

“Puwede…”

At iyon nga ang naging routine namin.

“Alam mo kuya, wala talagang kaduda-dudang tunay kang anak ni tatay Berto.”

“At bakit mo naman nasabi iyan?”

“Ang sipag-sipag mo kasi. Ngayon ko lang narealize kung gaano pala kahirap ang mga gawain niya.”

“Oo… ginawa niya ang lahat para sa iyo, sa kinabukasan mo. Kung kaya gusto kong gawin talaga ang trabahong ito dahil gusto kong maranasan din ang hirap ng itay, nang sa ganoon ay para na ring naramdaman ko siya at mas lalo ko pa siyang makilala. Kahit papaano ay makabawi man lang ako sa kanya, na hindi ko lubos nakilala, hindi ko lubos na nakasama. At para na ring ipinamana niya sa akin ang trabahong ito. Kaya, happy ako. Naaalala ko palagi ang itay. Kung nagkataon lang sigurong ito na ang ginawa ko noong buhay pa siya, sigurado, mas gagaan ang trabaho niya.”

Kaya, iyon na ang napagdesisyonan naming takbo ng aming buhay sa bukid. Mahirap ngunit masaya. Simple ang pamumuhay ngunit wala namang polusyon, walang ingay, walang pressure, hindi nagmamadali. Para lang kaming nagreenact sa buhay at pag-ibig ng aming mga magulang.

Akala ko ay wala na talagang hadlang ang aming kalagayan ni kuya Andrei. Ngunit siguro totoo ang sinabi nilang habang buhay pa ang tao, hindi ito nilulubayan ng mga pagsubok. At lalo na sa kalagayan ko, na isang lalaki ang minahal. At lalo pa kung ang lalaking iyon ay lapitin pa ng mga babae at bakla.

Isang araw, nagyaya si kuya Andrei. “Gusto mo, maligo tayo sa ilog? Kagaya ng dati lang noong maliit ka pa at ako ay teenager pa lamang...”

Na-excite naman ako sa kanyang sinabi. Syempre, ang tagal tagal na simula noong nakasama ko siyang naligo. Isang paslit pa lamang ako at palagi pa kaming nag-aasaran. “S-sige po kuya!”

Ay iyon… naligo kami sa ilog. Hubo’t-hubad dahil kami lang naman ang tao. At kung noong paslit pa lamang ako ay naghahanap ako ng pagkakataon upang lihim na itago ang kanyang mga damit habang siya ay naliligo, sa pagkakataong iyon, sumama na ako sa kanya sa ilog mismo, nakipagharutan, nakipaghabulan, nakikipagtsansingan. At malaya kong ginagawa ang mga kabulastugan ko sa kanya. Nariyan iyong lihim kung sisirin ang ari niya at hahawakan iyon. Nariyan iyong hihilahin ko siya sa ilalim ng ilog at doon kami maghahalikan. Nand’yan din iyong kunyari ay magkaharap kaming nag-uusap ngunit ang aking isang paa sa ilalim ng tubig ay hinihipo-hipo na pala ang kanyang pagkalalaki.

At ganoon din siya sa akin. Minsan, sisisid sya at biglang kagatin ang puwet ko, o di kaya ay tatampalin. Tapos iyon na, maghahabulan na kami. Ang saya.

Nasa ganoon kaming pagnamnam sa sarap ng aming bonding at pribadong oras noong biglang, “Hi Andrei!”

Bigla kaming napalingon sa may pampang kung saan nagmula ang boses. At doon nakita ko ang dalawang babae na kasalukuyang nagtatanggal ng kanilang mga damit at sa tingin ko ay lulusong din sa ilog.

“Hi!” ang sigaw din ni kuya Andrei sa kanila na kumaway pa.

Hindi ko masyadong kilala ang mga babaeng iyon sa baranggay namin. Ang alam ko lang ay magkapatid sila at ang kanilang ina ay nakapag-asawa ng Autralyano ngunit naghiwalay din. Kaya ang mga babaeng iyon ay lumaki ng Australia at noong naghiwalay na ang mga magulang nila, sa baranggay na namin sila tumira may isang taon na ang nakalipas. Sila ang may pinakamalaki at pinakamagandang bahay sa baranggay namin. Sila rin ang pinakamayaman. Suportado pa rin kasi sila sa ama nilang Australyano. At pag-aari nila ang ekta-ektaryang niyogan sa aming baranggay. Ngunit hindi ko sila kaibigan. Hindi ko nga rin alam kung kilala nila ako.

“P-paano ka nila nakilala?” ang lihim kong pagtatanong kay kuya Andrei, may bahid na selos ang aking boses. Kung may barometro lamang na magmi-measure ng kaligayahan, nasa tuktok na sana ito ng scale ngunit bigla ring bumulusok sa baba sa pagpasok ng dalawang babeing iyon sa eksena na halatang kinilig, excited na excited makita si kuya Andrei na naligo sa ilog.

“Noong isang araw lang, sa palengke. Noong namalengke ako, nagkataong nagkasabay kaming namimili sa isang tindahan. At iyon, nakipagkaibigan. Alangan namang iisnabin ko.

Wala na akong nagawa. Hindi na lang ako umimik, biglang umayos at hindi na nakikipagharutan kay kuya Andrei, tiningnan silang dalawa na nag-hubad ng damit hanggang sa ang natira na saplot na lamang ay ang kanilang suot na two-piece na pampaligo. Marahil ay talagang plano nilang maligo sa ilog. Ang nakatatanda na sa tingin ko ay mas bata nang may apat na taon kay kuya Andrei ay kulay blue na terno ang suot, at ang bunso na halos kaedad ko lang sa tingin ko ay may suot na kulay pink. At ang si-sexy nilang dalawa, ang gaganda pa.

“Hi Andrei!” ang sambit uli noong nakatatanda sa dalawa nang nakalapit na sila sa amin. “Kumusta?” ang dugtong na tagalog bagamat halata sa tono na hindi ito sanay sa salitang pinoy.

“I’m good. How about you, Jane?” ang sagot ni kuya Andrei sa nakatatanda. At nakangiti si kuya Andrei na parang nakakaloko lang.

“I’m okay! Magsalita ka ng tagalog. Gusto kong matuto” sagot naman noong Jane ang pangalan. “And by the way, this is my younger Sister, Michelle!”

“Hi Michelle! Nice to meet you!” ang sagot ni kuya Andrei sabay pakikipagkamay niya. “And here’s my little bro, Alvin!” muewestra ni kuya Andrei sa akin.

“Wow! He’s so handsome, Andrei! Just like you!” ang papuri niya. At baling sa akin, “Kumusta Alvin?” ang tanong niya na sinagot ko naman ng “Mabuti”. Pagkatapos, ang bunsong babae naman ang nakikipagkamay sa akin sabay sabi ng “Hi!” na may kasamang ngiti.

“Hi!” ang maiksi ko ring tugon.

Iyon lang at hindi na ako mapakali. Nakikipag-usap ang Jane sa kuya Andrei ko at hinawakan pa talaga ang braso niya at hinila palayo ng kaunti sa amin na parang gusto niyang kami rin ng kapatid niya ang mag-usap.

Syempre, hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko sa babae eh. Ang alam ko lang sa mga babae ay ang pagiging nanay nila, pagiging classmate nila sa klase, pagiging guro… Hindi ko alam kung anong topic ang bubuksan. Alangan namang pag-uusapan namin ang gulo sa Syria o ang palitan ng dolyar. Hindi rin puwedeng tanungin ko siya kung ano ang square root ng 5 to the power of one thousand, o kung ano ang ibig sabihin ng theory of relativity, o iyong anti-matter, o di kaya ay iyong bagong tinatawag nilang god particles. “Sabagay, baka alam din niya kung ano ba talaga ang adhikain ni Mahatma Gandhi at ang naging epekto nito sa mundo” sa isip ko lang.

Ewan, bad trip talaga ako sa biglang pagpasok ng dalawa. Pero pinilit ko na lang na magsalita. “You speak Tagalog?” ang tanong ko na lang.

“A bit.” ang sagot niya.

“So puwede akong magtagalog?”

“Go ahead. I’ll try my best to understand.” sabay tawa.

Natawa na rin ako bagamat gumagapang na ang selos sa aking utak kina kuya Andrei at Jane. “S-saan ka n-nag-aaral Michelle?” ang tanong ko pa.

“Ateneo?”

“Manila?”

“Davao.”

“Why not UP?”

“Mom chose it for me.”

Ganoon lang ang mga pinag-uusapan namin. Isang tanong, isang sagot. Hanggang sa hindi ko na talaga natiis ang sarili sa selos at inis lalo pa noong nakita ko sina kuya Andrei na pagkatapos ng biruan at tawanan ay tila natahimik na parang seryosong bagay na ang pinag-uusapan. Kaya, “E-excuse me, Michelle, I remember there is something I need to do at home.”

“Okay…” ang sagot niya.

“Kuya! Mauna na ako. May gagawin pa ako!” ang sigaw ko kay kuya Andrei.

“Ok tol… sabay na ako!” ang sagot naman niya.

Sumunod naman talaga siya. At noong nasa dalamapasigan na kami, dahil nga pareho kaming hubo’t hubad, narinig ko ang pagtatawanan ng magkapatid.

Hindi ko sila pinansin. Sa tindi ng selos at inis ko pa naman. Ngunit si kuya Andrei, nagawa pang lumingon at nakitawa rin. Iniindayog pa ang puwet na parang nanukso.

Dali-dali akong nagbihis. Gayon din si kuya Andrei. At noong malayo-layo na kami, doon ko na siya tinanong, ang boses ay halatang pinipigil ang galit. “Anong pinag-usapan ninyo???”

“Wala… noong nalaman niyang sundalo ako at huminto na dahil sa pagkamatay ng mga magulang natin, naawa siya, sa atin. Kaya nagshare din siya sa kanyang mga hinanakit sa mga magulang dahil sa paghihiwalay nila.”

Hindi na ako umimik. Nanaig pa kasi sa isip ko ang selos, at syempre, takot na baka madevelop o mahulog na naman ang loob niya sa babaeng iyon na hindi lang mestisa, maganda pa, mayaman, at mukhang liberated.

Siguro, naramdaman ni kuya Andrei na nagselos ako kung kaya ay inakbayan niya ako. “Huwag kang mag-alala, hindi ko na hahayaang masaktan pa ang utol ko.” sabay kurot sa aking pisngi na parang nangigigil. “Hmmmm! Cute talaga nito!”

Pinalampas ko ang pangyayaring iyon. Nakita ko naman na talagang hinabol ako ni kuya Andrei at kung paano niya ako pinanindigan.

Ang buong akala ko ay hanggang doon lang ang maranasan kong sakit. Ngunit isang araw noong umuwi ako ng bahay upang maghanda ng pananghalian niya, pagbalik ko sa niyogan, habang palapit na palapit na ako sa lugar bitbit ang inihanda kong pagkain, may narinig akong tawanan.

Boses ni kuya Andre at isang babae!

Bigla akong huminto at nagtago sa isang puno ng niyog na di kalayuan sa kanila. At noong nasilip ko na sila, si Jane pala ang babae at nakaupo silng dalawa sa damuhan na nilatagan ng isang sapin, at sa harap nila ay mga pagkain. Mistulang kumakain silang dalawa. At sa nakita ko pa sa reaksyon ni kuya Andrei, parang ang saya-saya niya. Parang feeling ko talaga ay gustong-gusto niya rin na naroon si Jane. Para silang magsing-irog kung tingnan.

Pakiwari ko ay isa akong kandilang natutunaw sa aking nasaksihan. Nawalan ng lakas. Parang may narinig akong bumulong sa aking isip at nag-utos na umuwi na lang at hayaan na lang si kuya Andrei at ang babae sa kung ano man ang ginagawa nila.

Ngunit nilabanan ko ang sarili. Humanap ako ng buwelo at pilit na iwinaksi sa aking isip ang aking nakita. Nagpatuloy ako sa paglakad patungo sa kinaroroonan nila.

“Ay mabuti at nandito ka na tol… hinihintay ka namin.” sambit ni kuya Andrei.

“How are you Alvin!” ang pag greet naman sa akin ni Jane.

“I’m okay…” ang maiksi kong sagot, binitiwan ang isang hilaw na ngiti. Parang nanliit naman ako sa aking dala. Ang aming lagayan ng mga pagkain ay mga yari lamang sa lata at ang kutsara ay lumang-luma na may mga gasgas at mumurahing klase samantalang ang nakalatag na mga dala ni Jane ay mga babasagin pa, mga porselana, mga bago na halatang mamahalin. May wine glass pa siya, may magandang pitcher na may juice samantalang ang sa akin ay plastic na gasgasing pitcher na ang laman ay tubig at ang baso naman ay plastic din na may batik-batik na dahil sa kalumaan. At dagdagan pa sa ulam kong dala na talagang pang mahirap samantalang ang mga ulam na dala niya ay may kare-kare, may fried chicken, may adobong baboy. At may cake pa siya at ice cream!

“O sige, kain na tayo.” ang sambit ni kuya Andrei habang binuksan ang lagayan ng mga inilatag kong pagkain. Doon ko nalaman na hindi pa pala kumain si kuya Andrei, si Jane lang pala ang kumain dahil nagugutom na raw ito.

“Waaahhh! Ang sarap ng tinolang isda na may malunggay! Saan ka nakakuha ng isda tol?” tanong sa akin ni kuya Andrei.

“May dumaan sa bahay na naglako kaya tsamba na nakabili ako.”

“Sarap ng sabaw!”

“May sabaw din ng baka na dala ko Andrei…” ang pagsingit ni Jane.

“Sige, sige. Tikman ko rin iyan. Dito muna ako sa sabaw ng utol ko.” sabay naman kindat sa akin. “Lika upo ka sa tabi ko tol.” dugtong pa ni kuya Andrei.

Naupo naman ako sa tabi niya. At hinalikan pa talaga ako ni kuya Andrei sa pisngi, sa harap ni Jane.

At noong binuksan pa ni kuya Andrei ang isang lagayan ng ulam, “Hmmmm. Paborito ko, paksiw!” turo niya sa ulam. At tiningnan ako. 

Parang gusto ko ring matawa sa kanyang sinabi. Kasi, ang ulam na iyon ay tira pa namin sa nakaraang gabi at siya ang nagluto. At noong kumain na kami at natikman niya ito, ang sabi kaagad niya ay, “Takte! Ang alat ng timpla ko tol! Pwe! Ayaw ko na niyan!”

Tawa ako ng tawa noon kasi ako ang nagrequest na lutuin niya iyon dahil gusot kong makatikim ng paksiw. Kaya hindi namin naubos iyon sa gabing nakaraan. At dinala ko iyon sa kanya kasi gusto ko naman ang paksiw at mahilig ako sa maalat. At nagbakasakali rin akong maubos iyon, hindi siya masayang.

In fairness din naman kay kuya Andrei, ipinakita niya sa akin na talagang inubos niya muna ang inihanda kong mga pagkain bago tumikim sa dala ni Jane na mga ulam na ang sasarap pa naman. Pero konti lang ang kinain namin sa dala niya. Naiinis kasi ako.

“Tol… sila na pala ni Jane ang may-ari ng niyogang sinasaka ng itay. Hindi ko akalain. Nagkataon namang napadayo siya kung kaya ay bumalik siya at nagdala ng pagkain. May bahay din pala sila d’yan sa di kalayuan o” turo niya sa itaas ng gulod. “Hindi lang nakikita rito pero kapag nasa tuktok ka ng puno ng niyog, makikita mo ang bahay nila. Ang ganda”

Tumango lang ako. Ramdam ko kasi ang kirot sa aking puso. Naglalakbay din ang aking isip at nagtatanong ng “Paano na lang kapag nasa eskuwela ako at ang kuya Andrei ko lang ang naiiwan? Baka mangyari na naman ang kagaya ng dati?” mga ganyang takot.

“Bagong tayo lang namin iyan, since we bought this land. Maganda kasi sa taas, nakikita mo ang kapaligiran. Masarap pa ang simoy ng hangin. Kaya parang retreat house na rin namin, …” dugtong naman ni Jane.

“Pakialam ko…” ang mataray kong bulong sa sarili.

Hindi ko talaga alam ang aking gagawin sa sandaling iyon. At dahil feeling ko ay parang ako ang na out-of-place, nagpaalam na lang ako. “Kuya… uuwi na lang muna ako. Ihahatid ko lang itong mga lagayan ng pagkain at babalik din ako ha?” ang pag-aalibi ko na lang.

“S-sandali. Puwede namang mamaya na lang iyan sa pag-uwi natin, di ba?”

“M-may gagawin din ako kuya eh. Ako na ang magpapakain sa mga alagang baboy at manok.”

“Dito ka muna tol. Sabay na tayo… Sige na please???”

Nilingon ko si Jane na nakatingin din sa akin. At para bang nabasa ko sa tingin niya na gusto rin niyang iwanan ko talaga sila ni kuya Andrei. Ni hindi man lang ako pinigilan.

“No kuya… sandali lang ako at babalik din, promise.”

“Babalik ka ha?”

“Opo.” Sagot ko, sabay dampot sa mga gamit at pagkatapos ay dali-dali nang umalis, iyong bang parang nagdadabog, pinigilan lang ang sama ng loob.

Halos magtatakbo na ako sa pagmamadali upang makalayo lang sa kanila. Lalo akong naawa sa aking sarili sa bagong nakakainis na sitwasyon. “Ano ba…??? Palagi na lang may babae sa buhay niya! At parang gusto rin naman niya!”

At hindi ko namalayang pumatak nap ala ang mga luha ko. Sa bilis kasi ng aking pag-alis at sa tindi ng aking pagseselos, parang hindi lumapat ang aking mga paa sa lupa at hindi ko napansin na nakarating na pala ako ng bahay.

Dali-dali akong nagkulong sa kuwarto. Nag-iiyak. Hinid ko maiwasang manumbalik ang mga alaala ng aming mga magulang at ang kagustuhan nilang magdugtong ang aming mga lahi sa pamamagitan ng aming mga anak ni kuya Andrei. Habang iniisip ko iyon, napagtagpi-tagpi ko kung bakit gusto nilang ipakasal ang mga anak namin ni kuya Andrei. Dahil dahil hindi naman pala talaga kami tunay na magkapatid. At kahit pa magmahalan kami ni kuya Andrei at hindi kami kasal, hindi rin naming maidugtong ang aming mga lahi. At kung ganyang wala rin kaming anak, ano ang meaning ng pagdugtong ng lahi?

At sa pagaanalisa ko sa mga pangarap ng aming mga magulay ay tila nalinawan din ang aking isip. Parang unti-unting napawi sa isip ko ang pagseselos. Pakiwari ko ay may nag-udyok sa aking isip na sa tanggapin ko ang katotohanang kailangang mag-asawa ng babae si kuya Andrei at ganoon din ako upang matupad lamang ang kagustuhan ng aming mga magulang. Sa panig ni kuya Andrei ay walang problema. Sa akin lang mayroon dahil bakla nga ako at mahal na mahal ko siya. Ngunit kung masakit man, dapat siguro ay kakayanin ko, sa ngalan ng hiling ng aming mga magulang. At siguro naman ay maintindihan din ako ni Brix…

Iyon ang takbo ng aking isip habang nag-isa lang ako sa kuwarto at nagmuni-muni sa kalagayan namin ni kuya Andrei.

Wala pang alas-dos ng hapon, dumating na si kuya Andrei. Dapat sana ay alas 6 ang uwi niya. Ngunit dahil siguro hindi ako bumalik kung kaya napaaga siya. “Tol!” ang pagtawag niya sa akin.

“Nasa kuwarto ako kuya…”

Dali-dali siyang pumasok at syempre, maraming tanong. “Bakit hindi ka na bumalik? Antay nang antay ako sa iyo? Anong nangyari sa iyo?”

“May bisita ka eh. Nakakahiya naman, amo mo pa naman iyon…”

“Ah… ayaw ko ng ganyan tol. Nagseselos ka, alam ko.” Ang tila pagdadabog niya noong napansin ang pagseselos ko.

At doon na ako tumagilid patalikod sa kanya. Totoo naman kasi. Natumbok niya. Nagseselos ako. “Gusto mo ba siya kuya?” ang tanong ko bagamat nangingilid ang luha sa aking mga mata.

“Ano ba iyang tanong mo? Anong gusto?”

“Si Jane?”

“Ano ba namang tanong iyan tol... Kaibigan, amo, oo.”

“I mean… naa-attract ka ba sa kanya, sexy ba sya, maganda?”

“Tol naman… eh! Babalik na naman tayo eh.”

“Kasi… type ka niya kuya.”

“Sussss!!!”

“Nakita ko kayo bago ako dumating, ang saya-saya ninyo. Para kayong magsisng-irog. Bagay na bagay kayo kuya. Mayaman pa siya.”

“Narinig ko na ang mga sinasabi mong iyan dati pa. Inirereto mo ako sa babae. At ano ang nangyari? Ako rin ang sinisi mo sa bandang huli. Hindi ka pa ba natoto?”

“Iba ito kuya. Kasi ito ang katuparan ng hiling ng ating mga magulang.”

“Ano?”

“S-sa iyo si Jane, sa akin naman si Michelle…”

Kitang-kita ko ang paglaki ng mga mata ni kuya Andrei. Hindi makapaniwalang nasabi ko iyon. “Ano???!!!”

(Itutuloy)

50 comments:

  1. mas gumaganda ang flow ng story. but mejo sad ako sa naging decision mo frend na di muna tatapusin d2 ang kwento kundi sa iyung libro na ipapalimbag. enewey naiitindihan ko aman cause its ur choice, kc pinaghirapan mo aman tlaga e2. goodluck sau and hopefully mas maging successful ka sa lahat ng iyung mga pangarap. ur freind robert mendoza.

    ReplyDelete
  2. kung yan ang nararapat kuya mike na isalibro ito para matigil na ang kawatan.. approved ako jan.

    ReplyDelete
  3. hmmm.... very interesting. mature talaga mag-isip si Alvin, pero parang masasaktan lang silang dalawa sa mga desisyon niya. nawala na ata sa story yung unang aak ni Andrei. Sana nga lang mabasa ko pa ang mga susunod na kabanata.

    ReplyDelete
  4. Im very sad sa decision niyo po idol mike coz all this time im an avid fan of this series and im patiently waiting for each chapter to be published.. But then again kung yan po decision niyo i will still support you. :'( Maghihintay nalang ako sa libro niyo po.. Sana naman di na maulit pa ang pagnanakaw po ng mga stories na pinaghirapan niyo. :(

    ReplyDelete
  5. kuya mike wag nman po ninyo itigil yung pg post neto d2 sa blog...huhuhu kaka sad! ang ganda po neto sobraaa..eto pinaka aabangan ko sa lahat..gustong gusto q ung mga characters..napamahal na tong story na to sken...eto ung pinaka gusto and favorite q sa lhat ng naging novel mo at sa lahat ng bromance stories na nabasa q... halos everyday b visit aq sa blog mo pra lng mag check qng may update na neto. Pls...sna taposin nu po yung kwento.

    ~kym

    ReplyDelete
  6. please dont mind them nalang micheal. alam mo bang adik na adik ako sa munting pangarap. please naman if decision mo yan pede bang send mo na lang s email ko story mo. kasi sobrang ganda. i want to read the story till the end. parang awa mo na. heres my email paoloenrico11@gmail.com dont worry safe story mo sakin. kahit nga sa work ko binabasa ko parin story mo at kahit 1am na ok lang basta matapos ko isang chapter

    ReplyDelete
  7. Ay SuS!!! Eto na naman si Alvin, gumagawa na naman sya ng sarli nyang misery sa buhay.

    ReplyDelete
  8. Opinion lang po bilang mambabasa i respect your decision but bilang author you must know the consequences na pwede itong ma copy once u put in online then all of the sudden bigla mo ititigil ang pag post and ipag patuloy nalang sa libro, sana umpisa palang di mo na to nilathala online. Be responsible and grow up author mike, ano to promotional ek ek sa new book mo sori for a hursh comment. Still your avid fan


    Arsteve

    ReplyDelete
    Replies
    1. ganyan din po naiisip ko.

      Delete
  9. nakakadisappoint. Maganda yung kwento, pero sana hindi na pinaabot hanggang sa chapter na ito ang pagpublish kung bibitinin naman pala sa ending para bilhin yung book version.

    Naiintindihan kita kuya mike, thank you sa pagshare ng magagandang stories, pero ending na naman po pala, patapos na, bkit kailangan pa pong itigil, umasa pa naman kami at matyagang naghintay.

    ReplyDelete
  10. Tama idol Mike. Please post nalang kelan ung book lalabas. TY IDOL...

    ReplyDelete
  11. Love this story of ML and ALSB! Since nasa malayo ako, kailangan ko pang antayin ang pag-uwi kong muli, hopefully in 2014 para makabili ng libro mo at mabasa ang mga susunod na kabanata! But i do understand your reason, talagang unfair sa iyo ang ginagawa ng mga magnanakaw ng iyong magagandang akda so i am all out support on your decision. More Power and God Bless!

    ReplyDelete
  12. Prang d yta mganda ung suggestion ni Alvin. Kung mgppksal cla s mgkptid at mgkakaanak cla ng babae at lalake pno ipkksal un eh mgiging mgpinsan un! D rin tangap ng lipunan at ng simbahan!

    ReplyDelete
  13. Ang labo nmm mag isip ni alvin tig isa cla sa magkapatid na babae para lng mapagdutong ang lahi nila eh paano nmn ung part ng sa nanay nh mga anak nila magkapatid ang mga nanay nila kung sakali eh di magpinsan din ung magiging abak nila so hindi rin pede un ipkasal maliban lmng kung sa india at pakistan cla dun pede ipskasal ang magpinasn bengot nmn ni alvin

    ReplyDelete
  14. Ang labo nmm mag isip ni alvin tig isa cla sa magkapatid na babae para lng mapagdutong ang lahi nila eh paano nmn ung part ng sa nanay nh mga anak nila magkapatid ang mga nanay nila kung sakali eh di magpinsan din ung magiging abak nila so hindi rin pede un ipkasal maliban lmng kung sa india at pakistan cla dun pede ipskasal ang magpinasn bengot nmn ni alvin

    ReplyDelete
  15. Ang labo nmm mag isip ni alvin tig isa cla sa magkapatid na babae para lng mapagdutong ang lahi nila eh paano nmn ung part ng sa nanay nh mga anak nila magkapatid ang mga nanay nila kung sakali eh di magpinsan din ung magiging abak nila so hindi rin pede un ipkasal maliban lmng kung sa india at pakistan cla dun pede ipskasal ang magpinasn bengot nmn ni alvin

    ReplyDelete
  16. Ang labo nmm mag isip ni alvin tig isa cla sa magkapatid na babae para lng mapagdutong ang lahi nila eh paano nmn ung part ng sa nanay nh mga anak nila magkapatid ang mga nanay nila kung sakali eh di magpinsan din ung magiging abak nila so hindi rin pede un ipkasal maliban lmng kung sa india at pakistan cla dun pede ipskasal ang magpinasn bengot nmn ni alvin

    ReplyDelete
  17. Kuya mike i admire your passion for writing. Isa ka sa mga naging inspirasyon ko sa pagsusulat. Sa toto lang, hindi ko naman talaga gusto ang pagsusulat pero nang nabasa ko ang si utol ang hatmate ko, it changed my life.

    Kuya, kung alam mo lang kung gaano mo nabago ang pananaw ko sa ganiyong industriya. Naiintindihan ko ang saloobin mo. Kahit nga ako, bago2 pa lang sa msob may haters na rin ako. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ganyan. Wala naman tayong ginagawa na masama diba?

    Ang sa aki lang, kung may mga nangaaway sa msob or sa tingin nila ay mapipigilan nila tayo hinding-hindi mangyayari ito. Kailan may hindi ako sumuko sa mga bagay na inumpisahan ko. I salute you noss mike. Kung alam lang nika sana kung gaano kahirap gumawa ng isang bagay na ikakasaya ng lahat kahit walang kapalit.

    Sa mga msob loyalist, maraming salamat sa patuloy na pagbabasa niyo ng kwento dito sa blog na ito. Being one of the entry writers here, ill do my beat to uphold the msob family and will always continue to bring happiness for everybody.

    MSOB!
    FEEL IT! LOVE IT!

    ReplyDelete
  18. natawa ako sa comment nung dalawa, Oo nga naman magpinsan yung magiginga anak nila, hindi ko naisip yun. Haha! At napaka drama ni alvin..ang babaw.

    ReplyDelete
  19. Parang nawalan ako ng gana na sundan pa ito. Ang buhay ng dalawang bida ay naging komplikado na at ngayong nagkaroon ng pagkakataon isa-ayos... may dagok na namang "haharapin" - sa puna ko nga eh ang tapos salita ay "yayakapin".
    Wagas na pagmamahalan na ang mayroon. Kung anuman ang kagustuhan ng kanilang magulang ay mapapawi naman ng tunay nilang pagmamahal. Sa pag-pipilit nilang tuparin ang kagustuhan nila (mga magulang), nawala na ang personalidad nila Andrei at Alvin. Naging sunod-sunoran na lang sa pangarap ng iba. Naging mahina silang (lalo na si Alvin kung itutuloy nilaang pag-isang dibdib kina Jane at Michelle) tao na di kayanag ipaglaban ang pag-iibigan. Hindi sa pagsunod sa kagustuhan ng iba dapat umikot ang buhay ng isang tao (o dalawa sa kasong ito).
    Lumabas pating masyado namang manggagamit na itong si Alvin. Nasunod ang mga kompormiso sa tadhana dahil kay Brix - pinapadalhan pa siya nito ng pera ngunit naandiyan na si Andrei.
    Hihintayin ko pa rin ang susunod na kabanata ngunit nawala ang gana ko sa mga mungkahi ng bida. Siya na mismo ang naghahanap ng sakit ng ulo't puso nila ni Andrei. Di na tamang kaisipan. Para na siyang teleseryeng mataas ang rating, kung kaya't kailangan pahabain at kunita sa mga sponsors at advertisers.

    ReplyDelete
  20. Sa pagka-alala ko, payag naman si Mang Berto na magkatuluyan sina Alvin at Andrei pagkatapos nitong malaman na bading pala si Alvin. Di man matupad ang pangako ng mga magkakaibigan, basta sila ang magmahalan. Sana'y binanggit ito ni Alvin kay Andrei.. At pina-alala rin sa sarili niya. Masayang pagwawakas na sana. DI lahat ng balak ng magulang natin ay matutupad o natutupad - katotohanan ng buhay yon.

    ReplyDelete
  21. Ang labo naman eh di hindi mo na sana pinaabot sa ganitong chapter... Magpopost ka nang 22 chapters tapos bibitinin mo lang readers mo. buti sana kung lahat ng national bookstore meron yung libro mo, wala nga dito sa Baguio, kailangan pang pumunta ng manila para bumili ng libro mo.

    ReplyDelete
  22. meron n po b ito s mga NBS?,,, gus2 q ng mbasa ang mga su2nod n chapter eh

    ReplyDelete
  23. Hayyyyy salamat kuya finally natapos ko na ring Basahin, medyo sad LNG ako kc matatagalan pa bags mabasa next chapter ang tAnong ko kuya may books na bang available para naka order na ko excited nko sa susunod na mangyayari

    ReplyDelete
  24. actually nalungkot ako sa opening remarks ha.. Pero im quite disappointed sa decision mo kuya pero nirerespeto ko yan.. But please here us out..

    Tama yung sinabi na sana di mo nalang sinimulan dito sa blog tong story kung di mo din siya tatapusin dito sa blog. Nakakabitin kasi kapag ganun. And besides not all of us eh makakabili ng book mo dahil tulad ko closet gay po ako.. Hindi po basta basta makakapasok mga ganyang material sa loob ng bahay.. And sa hirap po ng buhay sa free lang po kami umaasa.. :D

    pero nirerespeto ko po iyan.. Nakakalungkot lang..

    ReplyDelete
  25. one thing and for sure... the story really went well... as to my biggest regret.. i keep on remembering what was the title of the story between andrei and alvin... and suddenly it pop up in to my mind that it was munting lihim.. which was cut by the author due to malicious intent of some people..

    but i guess... unfair for mr. Mark if somebody take a part of you and getting the credit of it, TRUE

    but for the readers who did take take time, sleepless and readily forgets what to do next after reading the intro of this chapter, again it's UNFAIR

    now mr. reader.. what you want to do?

    me as an avid reader and fan... i've learned a lot from this story... the twist the pacing of and the chronological order is well crafted by the author... but mr. mike.. am begging you to please continue... beg beg beg beg...

    ReplyDelete
  26. hello po san ko po ba makita ang chapter 23 nagandahan po ako sa story na to na lungkot ako dahil hndi ko makta 3days ko binasa hanggang sa na ka 22 na pala ako dahil nagka enteres ako pero wala pa ang karugtung san po ba makita kuya pls... email nyu naman sa akin mabigat sa kaluuban ko na di ko mabasa at matapos meron ba yan dito sa bacolod city....

    ReplyDelete
  27. helo po san po ba makita ang chapter 23 nito masakit pala sa dibdib pag nabitin no yun po naramdaman ko dhil diko na tapos ang kwentong ito nag kainteres ako dito sa pag basa sa totoo lng di ako mahilig magbasa nito kaso na buksan ang aking isipan nung nabasa eto na antig ang puso ko sa kwento ng munting lihim napukaw ang aking isipan na basahin ito meron ba sa book yan san ba mabibili yan meron ba dito sa bacolod city san yun mabili 2days ko yan binasa alas 4am na ko natutulog at 3beses ako mag charge dahil fone lng gamit ko at para lng subaybayan at na bitin ako dahil wala na ang chapterc 23 sana padala nyu po sa akin ang lahat na chapter pls....... e email yu sa akin eto ngayun ang aking pinag puyatan ay yung musmos na lng dahil wala na pls anu po yung chapter 23 ng munting lihim pls......

    ReplyDelete
  28. sir mike, dalian nyo na po ang pagsasalibro nito please! pipilahan ko to! kaka bitin :) pati name ni kuya Rom napasulat mo na dito nghindi sinasadya (miss natin siyang lahat alam ko- kuya romwel)
    bakit hindi na siopao? puto na hehehe
    michaelG

    ReplyDelete
  29. San
    n chapter 23?

    ReplyDelete
  30. Nasan n ung next chapter???

    ReplyDelete
  31. Author Mike, First of all Salamat sa mga naggagandahang story mo na naishare mo na sa amin. Tanong ko lang kung available ba sa Digital copy yung mga book mo para aming mga nasa labas ng Pinas ay madaling makaka purchase through Internet such as Google store atb pa. to tell you the truth, yung mga nabibili ko na mga story at yung iba book, na nagkakahalaga ng from $4 (short story about 10pages) up to $15 (yung complete book) ay walang binatbat sa mga story na nababasa ko dito, kaya since nadiscover ko na tong blog na to, di na ko nag aksaya ng pera to spend to those sories and books. Pero kung ang mga stories ay kasing gaganda ng mga nandito sa MSOB, I am more than willing to spend. Sana ma tap nyo din yung ganung market para kumita kayong mga author at mas madali sa aming mga reader na matapos ang bawat stories/books.
    Maraming Salamat from Ben (australia) GOD Bless you all!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Im planning ot have this in digital... sana malapit na iyon.

      Delete
    2. sir mike till now po ba wla pring release ng book ang munting lihim?kung meron man po saan makakabili?

      Delete
    3. To anonymous. May digital na po ito, please go to buqo.ph sila po ang distributor. Salamat.

      Delete
  32. try this Ben: http://www.vibebookstore.com/santuwaryo-tatlong-kuwento-ng-pag-ibig.html its my first e-book.

    ReplyDelete
  33. Mganda ang kwento kso nabitin aq wla n plng susunod hehe,,nsa bookstore na cguro libro ni2...

    ReplyDelete
  34. Kuya Mike, nasa bookstore na ba itong "MUNTING LIHIM"?

    ReplyDelete
  35. Kuya Mike, nasa Bookstore na ba itong series mong "Munting Lihim"?

    ReplyDelete
  36. Meron pa ba nito sa bookstore? Hehe.. na-hooked ako sa story, kaso nakakabitin dahil walang next chapter.

    ReplyDelete
  37. Ang sakit nman nun

    ReplyDelete
  38. GREAT IDEA ALVIN! Para macontinue ang lahi, Andrei and Jane, Alvin and Michelle. Sounds very Appropriate and Acceptable. Ang lalake ay para sa
    Babae. - Mr. Matchmaker.

    ReplyDelete
  39. please kuya gusto kuh lng po mabasa ang next chapter nito bitin po kasi akuh eh... send nlng po sa acct kuh... bigay kuh sau ang acct kuh pero ky carl olivaris sales muh lng isend yung next chapter kuya... at heto po ang true acct kuh... jgayanoche@ymail.com...

    ReplyDelete
  40. kuya please next chapter po kasi bitin akuh eh... isend muh n lng sa fb kuh yung next chapter nito... ky carl olivaris sles lng po.... at heto naman po ang acct kuh n isa jgayanoche@ymail.com.... pero dun muh nlng ky carl isend ang next chapter kuya... PLEASE!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nasa book version na kasi ito kaya hinid na puwedeng ilabas sa net... thnks

      Delete
    2. Sir, where i can buy the book? Im one of your avid fan thanks.

      Delete
    3. Sir, you can email me at marjoxxx1992@gmail.com where i can buy the book. The story really hit me.

      Delete
    4. e-book po. PLease search buqo.ph sila po ang distributor. Salamat.

      Heot po ang link - http://www.buqo.ph/Shop/Book/3e324624-b5d0-47e2-918c-916781269bbe

      Delete
  41. hanggang ngayon o ba wla pang book release ng munting lihim?ang tgal ko n po kasing ngaantay ng book nito ngtitingin ndin ako ng mga national bookstore bka meron pero wla pdin poh!sir mike kelan po ang release ng book moh?thank you and happy new year po!

    ReplyDelete
  42. Kuya ...ipilabas muna ang chapter 23 to 30 oh.....walong chapter nalang naman ang natira eh tapos hindi ilalabas....cge na kuya michael para mabasa ko na kaagad.....ang sad kasi eh..ilabas mo na lang ang chapter 23 - 30 kuya cge na plsss.....yun lang po ang hinihiling koh.....

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails