Love Never Dies - 02 |
by
PrinceSky
Part 2
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nasa kalagitnaan
ako ng kalsada habang patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan. Hindi ko alam kong
ano ang aking gagawin. Napag-isipan kong umuwi na ng bahay at mag mumuni-muni
sa susunod na tatahaking landas. Masakit para sa akin ang mga binitawang salita
ni Arbie. Alam ko naman na hanggang kaibigan lang ang kaya niyang ibigay sa akin.
Pero hindi ko kayang pigilan ang aking sarili.
Napag-desisyunan
ko nang umuwi ng bahay at magpahinga. Napagod din ako sa trabaho at dagdagan pa
ng mga pangyayaring hindi ko naman naisip mangyari.
Kinaumagahan
ay tumawag ang isa kong kaibigang si Jon.
“Pare may
gigs tayo mamaya. Pwede ka ba? Si jon sa kabilang linya.
“O sige
pare, off duty ko naman e” tugon ko sa kanya habang nakahiga pa rin sa kama.
“Sige
pare magkita nalang tayo sa pirates” sagot ni jon.
Mag aalas-dose
na ng tanghali ng ako ay bumangon sa kama. I took my lunch at nanood nang TV.
Maya’t-maya ay tumawag si Arbie.
“Hey bro? Sorry sa inasal ko kagabi ha. May
pinuntahan kasi akong importante” si Arbie sa kabilang linya.
“Ok lang
yon Arbs. Naiintindihan naman kita. Isa pa siguro gawa lang ng pagod ko na
imahinasyon ang mga nasambit ko kagabi” sagot ko naman habang kinukuha ang
tuwalyang pangligo.
“Kita
tayo mamaya ha? May ipapakilala ako sa iyo?” sambit ni Arbie.
“Huh?
Agad-agad? Ano ba naman yan Arbs. Kaka busted mo lang kay Jeff kagabi tapos
papalitan mo agad? Tanong ko na may halong inis at lungkot.
“Don’t worry
bro. See you ha?” sagot ni Arbie na parang wala bahid na emosyon.
“May gigs
kami mamaya sa pirates. Doon nalang tayo magmeet” suhestiyon ko sa kanya habang
papasok ng banyo.
“Ok. I’ll
be there at 10PM” sagot ni Arbie at tinapos ang tawag.
Magaalas-siete
na ng gabi at pinuntahan ko ang aking grupo. Sabay na rin kaming nagdinner sa
breakthrough. Malapit din lang naman kasi ang resto na iyon sa lugar na
pupuntahan namin mamaya.
After
dinner ay tinungo na naming ang pirates at kinausap na ang manager. Maya’t-maya
ay nagsisi-datingan na ang mga tao.
Maraming tao ngayon kasi sabado. Inayos na rin namin ang aming mga instrument
at hinintay ang huling kanta na inaawit ng unang banda.
Maya’t-maya
ay nakita ko namang pumasok si Arbie kasama ang isang lalaki. Sa tantya ko may
edad 21. Gwapo, mataas may nasa 5’11” ang heigt. Moreno, matangos ang ilong at
semi-kalbo. Maganda rin ang pangagatawan at astigin talaga kung kumilos.
Kumaway sa akin si Arbie at sinuklian ko rin naman siya ng ngiti.
Nakita ko
siyang umupo sa harapan namin. “Galingan mo bro” sigaw ni arbie habang
kumakaway sa waiter. Nakita ko namang nag-uusap sila ng lalaking kasama niya
sabay turo sa akin. Maybe he is just telling his date na kaibigan niya ako.
OO at
malaking OO talaga. Kaibigan niya nga lang ako at hindi niya nakikita sa mga
kilos ko na higit pa sa kaibigan ang gusto kong mangyari sa aming pagsasamahan.
Naka-puwesto
na kami sa stage at tinitest ng mga kasamahan ko ang kani-kanilang instrument.
Patuloy pa rin akong nakatitig sa kanilang dalawa. May bahid na pagseselos ang
naramdaman ko habang patuloy pa rin silang nag-uusap.
Sobrang
sweet nila at may pakiliti-kiliti pa. Napakasakit talagang isipin na andiyan ka
sa harap ng taong mahal mo tapos hindi naman niya nakikita ang ginagawa mo. At
ang mas masakit pa ay makita mo siyang masayang-masaya sa piling ng ibang tao.
Parang
gusto ko nang umalis sa lugar na iyon dahil ayaw kong makita si arbie na may
tao naman siyang wawasakin ang puso.
Sa gabing
iyon napagdesisyunan ng grupo na tumugtog ng upbeat songs pero dahil ako naman
ang vocalist ng banda humingi ako ng hiling kong pwede po bang ako muna ang
pipili ng unang kanta.
Hindi
naman nag-argue pa ang mga kasamahan ko. Kaya ng ok na ang set-up ng mga gamit
naming ay sinimulan ko na ang pagkanta. Pero bago ko naman ito kinanta ay
napag-isipan ko muna na mag salita sa mikropono .
“Good
evening guys, I would like to thank you for coming tonight. We really
appreciate your continuous patronage to pirates. We are here to perform upbeat
songs to heat up the Saturday night. However, before we start I would like to
sing this song to someone out there who don’t even care about the essence of
love. I hope you like it”
No I can take one more step towars
you
Coz’ all the waiting is regret….
And don’t you know I’m not your ghost
anymore
You lost the love, I love the most…
I’ve learned to live, half alive
And now you want me, one more time…
And who do you think you are?
Running round, leaving scars..
Collecting your jars of hearts
And tearin’ love apart
You gonna catch a cold
In the ice inside your soul
So don’t come back to me
Who do you think you are…
Habang
kinakanta ko ang Jars of Hearts ay nakita ko namang nakatingin si Arbie sa akin
na parang naiinis. Hindi ko na siya
pinansin at patuloy pa rin ako sa pagkanta. Narinig ko na naghihiyawan ang mga
tao kasi I have given so much justice sa kanta.
Yong
tipong bigay na bigay lahat na emosyon. Kahit nga ako hindi makapaliwanag sa
sarili na kinaya kong kantahin ang isang song na hinawi pa sa rock na niche.
Husky kasi ang boses ko kaya nagawa ko ng mabuti ang kanta. Nagtitilian ang mga
babae sa kabilang table at nakita kong maraming tao na ang nanonood sa amin.
I wished I had missed the first time
that we kiss
coz you broke all your promises.
Habang
kinakanta ko ang part ng song nai yon ay nakita ko namang namumula ang pisngi
ni Arbie. Siguro nadala na rin ng matinding emosyon ko sa pag deliver ng song.
Unti-unting dumadaloy ang luha sa aking mata at doon ko na lang namalayan na
lumuluha na ako.
And now your back…
But you don’t get to get me back
Ibinuhos
ko ang lahat na makakaya ko sa part ng kantang iyon. Ngunit ng nakita kong
tumayo si arbie at umalis ay kinabahan ako. Ngunit pinagpatuloy ko pa rin ang
kanta at hindi ko na pinansin ang reaksyon ni arbie.
Natapos
ko rin ang kanta at ibinigay ko sa back-up vocalist namin ang mic.
Tinungo
ko ang CR at nakasalubong ang ibang mga tao doon. Maraming kumakamay,
nagtitiliang mga babae at bading. May iba pang umaalok ng drinks pero hindi ko
pinansin.
Pagdating
ko sa CR nakita ko naman si arbie.
“Arb what
happened? Bat umalis ka? Tanong ko sa kanya.
Hindi
niya ako pinansin at sinukilan pa niya ako ng galit na mata.
“Are you
mad?” tanong ko sa kanya habang seryosong tinititigan ang mata niya.
“What yo
dou want me to react? What was that for?” tanong ni Arbie na may kunting galit.
“Huh?
There is nothing ridiculous with the song Arbs. I just wanted to sing that
song.” Sagot ko sa kanya.
Ngumiti na
lang si Arbie at sumagot
“Never
mind. But you know what siguro kung hindi kita kaibigan alam ko na ako ang
tinitira ng kanta mo”.
Hindi ko
na pinatulan pa ang mga sinambit ni Arbie at pumasok nalang ako sa CR.
Pagkalabas
ko ng CR ay bumalik din ako sa stage at kumanta pa. Nakita ko naman si Arbie
kasama pa rin ang newly met guy.
Natapos
din ang gig namin at pinuntahan ko si Arbie.
“Bro, si
Matthew pala” sambit ni Arbie habang nilalaklak ang beer.
Nakipag
shake hands din naman ako kay Matthew.
“Ang galing
mong kumanta” sambit ni Matthew habang patuloy rin sa pag-inom ng beer.
Nakisabay
na rin ako sa kanilang inuman at mag-aalas dos na ng umaga ng napagdesisyunan
ko ng umalis. Ngunit pinigilan ako ni Arbie.
“Bro,
where are you going? The party didn’t even started yet?” si Arbie habang
hinahawakan ang aking kamay.
Tugon
iyon na pinipigilan niya akong umalis.
“Gusto
niyo doon tayo sa Annex?” suhestiyon naman ni Matthew.
Sa harap
lang naman ng Pirates ang Annex. Isa din itong bar na may mga VIP KTV rooms
kung saan puwede kang kumanta.
Hindi na
ako nagpapigil pa at sumabay na lang sa kanilang gusto. Pagkatapos nilang
bayaran ang inorder na inumin ay tinungo na naming ang Annex.
Nasa likuran
ako nilang dalawa at kitang-kita ko na ang sweet nila. Magkahawak pa ang
kanilang kamay habang lumalakad papunta ng Annex.
Kinausap
ni Matthew ang receptionist kung may bakanteng VIP room.
Nasa room
5 kami at doon umorder ng umorder sila ng foods at drinks. Hindi naman ako
nakapag-hindi sa kanila kasi nga hindi ko namang kayang tangihan si Arbie.
Kahit
medyo nagseselos ako or nasasaktan sa ginagawa niya pero pilit kong nilalabanan
iyon.
Nasa loob
na kami ng room at nag-uusap silang dalawa. Ako naman ay patuloy na lumlagok ng
beer. Nasa ganoon kaming set-up ng kinausap ako ni Matthew.
“Bro,
pwede bang kumanta ka?” tanong ni Matthew habang patuloy pa rin sa
paglalampungan kay Arbie.
Kitang-kita
ko naman si Arbie na masayang-masaya sa piling ni Matthew. But at the back of
my head, ito ang simula ng iyong pagkawasak Matthew. Sayang ka, you seem to be
nice naman at complete package pero mali ang pagpili mo ng iyong makakasanga.
Medyo
natawa naman ako doon sa inisip ko kasi siguro kong meron lang akong listahan
ng mga binusted ni Arbie, malamang na complete na niya ang buong alphabet. “X”
na lang siguro ang kulang.
Pinagbigyan
ko naman si Matthew sa kanyang request. Pero wala na siyang magawa kung ano ang
kakantahin kong song. Kaya ang napili ko nalang ay yong “Lucky ni Jason Mraz”.
Do you hear me? Talking to you
Across the water.. across the deep
blue ocean
Under the open sky
Oh my.. but baby im trying
Pinagmasdan
ko silang dalawa at masayang-masaya si Arbie. Ganun din si Matthew nagkukulitan
silang dalawa na parang newly weds.
Kung
pwede lang sana na ihampas ko ang mic sa ulo ng mga iyon para matuluyan na
silang magsama habang-buhay pero hindi ko ginawa. Pinagpatuloy ko nalang ang
pagkanta.
I’m lucky I’m in love with my best
friend
Nang
nasambit ko na ang liriko ng song na iyon ay biglang natigilan naman silang
dalawa. Dahil sa inasal nila ay natigilan din ako sa pagkanta. Nakita kong
nakaharap si Arbie sa akin. Parang may gusto siyang ipahiwatig pero hindi ko mainterpret
kung ano man ang nasa wavelength niya.
Hindi ko
na pinagpatuloy pa ang pagkanta sapagkat alam ko na medyo naiinis na si Arbie
sa mga choices of songs ko.
Kaya
iyon, uminom nalang ako ng beer.
“Bat
hindi mo pa tinapos ang kanta? Parang damang-dama mo nga eh!” sambit ni arbie habang
nagkukulitan pa rin kay Matthew.
Hindi ko
na siya pinansin at patuloy pa rin ako sa pag-iinom ng beer. Maya’t-maya lang
ay tumayo si Matthew sa harapan namin. Nagulat din naman ako pero ang sumunod
na pangyayari ay hindi ko maipaliwanag.
“Arb, I’m
starting to like you!” sambit nit Matthew habang titig na titig kay arbie.
(Ayan na
ang katapusan mo mokong ka!) sa isip ko lang.
Hindi na
naka pag-salita sa Arbie at patuloy pa rin sa pagsusuyo si Matthew kay Arbie. Nakatitig
si Arbie sa akin na parang humihingi ng back-up kaya eto naman ako. Siyempre
walang magawa kung hindi gawin naman ang makasaysayang responsibilidad ng buhay
ko sa aking best friend. Iyan ay ang tagalinis at mag panggap na BOYFRIEND!
“Tol,
huwag mo nang pilitin pa si Arbie. Hindi ka niya mahal. At isa pa walang
panahon si Arbie sa mga rela-relasyon na iyan. Alam mo ba kung bakit? Dahil
nobyo niya ako!” mahabang litanya ko.
Tumawa
lang ng malakas si mMatthew sa mga pinag-sasabi ko.
Kahit si
Arbie ay nagulat din sa mga binitawan kong salita.
“Bro, are
you okay?” tanong ni Arbie sa akin.
Naalimpungatan
na lang ako na sa sobrang kalasingan ko ay kung ano-ano ang pumasok na
imahinasyon sa aking isip. Doon ko nalang narealize na sa sobrang kalasingan ko
ay nabitiwan ko ang mga salitang iyon.
Tumakbo
ako palabas ng room ngunit hinabol ako ni Arbie. Nasa hagdan na ako ng hinablot ako ni arbie.
“Bro what
the hell are you doing?” tanong ni arbie habang hinihingal sa kakahabol sa
akin.
Hindi ko
na siya sinagot at patuloy pa rin ako sa paglalakad. Lumabas ako ng bar at
bumili ng sigarilyo. Sinindihan ko ito ng bigla namang kinuha ni Arbie.
“Since
when did you learn to smoke?” tanong ni Arbie at tuluyang itinapon ang
nasindihang sigarilyo.
“Ano ba
ang problema mo Arbie?” giit ko sa kanya na may bahid na inis.
“What?
After what you did tapos ako ang tatanungin mo kung ano ang problema ko?
Pamamaktol na tanong ni Arbie.
Hindi ko
na siya pinansin at umupo na lang ako sa bakanteng table sa labas ng Annex.
Maraming nakatingin sa aming tao na parang pinagmamasdan ang madrama naming
pag-uusap.
“Bro can
you just leave me alone? Sambit ko sa kanya habang kinukuha naman ang isang
stick ng sigarilyo.
“In one
condition, pag-ok ka na. Please bumalik ka na sa room. Nakakahiya ang ginawa mo
bro” sambit ni arbie habang pinipigilan naman akong mag-sigarilyo.
“Ano ba Arbs?
Huwag mo namang pakiilaman ang paninigarilyo ko!” galit na sambit ko sa kanya.
Ngunit
tuluyan pa ring kinuha ni Arbie ang sigarilyo at itinapon.
Maya’t-maya
ay nakita ko namang dumating si Matthew.
“Oh! Arbs
kamusta na ang best friend mo? Mukhang malaki ang tama nito ah” sambit ni Matthew
na may pangisi-ngisi pa.
Parang
gusto ko siyang suntukin pero wala naman akong maisip na dahilan kung gagawin
ko iyon.
“Bro, I
have to go” sabi ko kay Arbie at tumayo na sa kinauupuan ko.
“Ok ka
lang bro?” tanong ni Arbie na may kunting pag-aalala.
Hindi ko
na siya sinagot pa at tuluyang umalis na sa Annex.
Pumara
ako ng taxi at sumakay. Pero bago pa naman umalis ang taxi ay nakita kong
nakatingin pa rin silang dalawa sa aking kinaroroonan. Binuksan ko ang window
shield ng taxi at kumaway na lang sa kanila.
“Ok lang
ako Arbs and Matt. Just enjoy the night”
At saka
sinara na ang bintana. At the back of my head, kawawa ka Matthew. Pagsisisihan
mo ang gabing ito.
Kina-umagahan
ay parang bangag pa rin ako sa kalasingan. Naisip ko tuloy ang mga
pinang-gagawa ko kagabi. Ngunit pinilit ko ang aking sarili na huwag nang
isipin pa. Masasaktan lang ako.
Mahal ko
si Arbie pero pinipigilan ko lang ang aking sarili. Ayaw ko na mang mawala siya
sa akin. Siguro mas ginusto na lang ni Arbie na maging best friend kami kasi
ayaw niya ring mawala ako sa kanya. Iyon kasi ang magiging hudyat ng hiwalayan kong
malalaman ni Arbie na ma-iinlove na ang tao sa kanya. Pero hanggan kalian ito?
Lumipas
ang isang ligo at wala akong balita na nakuha galling kay arbie. Maya’t-maya ay
nag riring ang cellphone ko.
Si Arbie
ang tumatawag.
“Bro,
asan ka? Pwede ba tayong magkita mamaya? Si Arbie sa kabilang linya.
“Ok Arbs.
Saan at anong oras?” sagot ko naman sa kanya.
“Susunduin
nalang kita sa ospital. Ok lang ba?” suhestiyon ni Arbie.
“Bakit?
Oras na ba ng paglilitis?” mala insultong tanong ko sa kanya.
“Hay naku
bro. Kilala mo nga talaga ako” seryosong sagot ni Arbie.
“So? Ano
naman ang magiging role ko? Baka naman kasi may pahalik-halik ka pa at mabigla
ulit ako. Buti na iyong planado na ang lahat” mahabang paliwanag ko sa kanya.
“Oo. Same
drama. Same set-up. Walang personalan ha?” mahabang paliwanag din ni Arbie.
Mag-aalas
dos na ng hapon at papasok na ako sa ospital. PM shift ako at sa ER ang duty
ko. Bandang alas 4 na ng hapon ng may isinugod na pasyente. Intoxication ang
kaso niya.
Inobserbahan
ng doctor ang pasyente habang ginagawa naman naming ang emergency intervention
sa ganitong kaso. Napag-alaman ko nalang na ang dahilan ng kanyan pagkalolong
sa alcohol ay dahil umibig siya sa taong hindi naman pinag-halagaan ang kanyang mga ginawa.
Medyo nag-hysterical
naman yong babae na sa isip ko ay baka asawa niya. Ngunit nagulat ako ng
binasag ng babae ang sitwasyon at sumisigaw na papatayin niya ang tao na siya
ang dahilan sa pagkawalay ng kanyang kasama.
Napag-alaman
ko din na ikakasal pala itong patient naming at ang babaeng sumisigaw ngunit
mga ilang araw bago ang kasal nila ay napagdesisyunan ng patient namin na hindi
na ituloy ang kasal. Ang masaklap pa ay ang taong involve sa kanilang problema
ay isang lalaki din na minahal ng lubusan ng patient namin.
Parang
binuhusan ako ng malamig na tubig sa mga nakuha kong impormasyon galing sa
folks ng patient namin. Parang nakakarelate ako sa kanyang sitwasyon.
Parehong-pareho
talaga sa kalagayan ko ngunit inisip ko na mangyayari din kaya ito sa akin? Ayaw
kong mag conclude dahil kaya ko namang kontrolin ang aking emosyon para kay Arbie.
Napag-isipan
ko na baka sign ito na binigay sa akin ng may kapal upang hindi ko na
ipagpatuloy pa ang aking nararamdaman kay Arbie. Kasi kung gugustuhin ko man
ang sinasambit ng puso ko ay baka dadating din ang panahon na ganito rin ang
mangyayari sa akin.
Ayaw kong
mawalan ako ng pag-asang makakarecover kong ganito lang ang mangyayari sa
pagmamahal ko sa bestfriend ko.
Na
endorse ko na ang patient sa ICU kasi maselan yong case niya. Habang pababa na
ako ay hindi ko naman maalis sa isip ko ang nasaksihang kondisyon ng patient
ko. Naisip ko nalang na sana hindi ito mangyari sa akin. Nakarating na rin ako
sa ER ng bigla ko namang nakita si Arbie.
Si arbie
na magiging dahilan kung sakaling mangyari din sa akin ang nangyari sa patient
ko.
To be
continued…
ee mukang si arbie din ang lalaki na tinutukoy a!! hehehe..hanep sa guwap nman nitong si arbie.. wla pa bang role model..tok?
ReplyDeleteBy using Sociable, you'll entice your readers to submit your blog entries to Digg as well as to other similar web services. Tweet - Meme Retweet Button This plug-in allows option to your blog for retweeting through visitors. This method is considered one of the fastest ways to get your blog indexed by Yahoo.
ReplyDeleteMy homepage; WP Social Press Review