Followers
Friday, February 1, 2013
Ang Patagong Pagmamahalan - Pt. 15
"Ang Patagong Pagmamahalan pt. 15"
---Ikalawang Yugto---
By. Iam Kenth
Sinubukan kong muling makipag-usap sa embassy na America, ngunit naging mahigpit sila. Hindi na akong napabalik pang muli sa kanilang bansa.
Kaya gabi-gabi ay pinagsisisihan ko ang sobrang inilagi ko doon kasama si Ryan.
Pagkausap ko siya sa phone, magsasabi siya ng "Goodmorning Myk." at ang isasagot ko naman ay "Goodnight Ryan."
Parati ko sa kaniyang sinasabi na sobra ko na siyang namimiss. Ilang gabi na akong nasasabik sa kaniyang mga yakap, halik at haplos.
Nakatanggap ako ng balita na bumalik sa Pilipinas ang buong pamilya ni Ryan dahil sa yumao na ang aming dating Mayor na ama ni Herminia ng dahil sa sakit.
Sa aking pagdadalamhati. Muli ay may kumatok sa aking pintuan.
Agad akong lumabas ng kwarto at binuksan ang pinto.
Isang mahigpit na yakap mula kay Ryan ang sumalubong sa akin noong binuksan ko ang pinto.
Mainit na halik. At isang mabilisang pagtatalik.
"Hindi ako maaring magtagal." malungkot na sabi ni Ryan, nakatingin siya sa akin.
Kulang ang isang oras na pagkikitang iyon upang ikwento sa kaniya ang lahat lahat ng mga panyayaring naganap sa akin noong wala siya.
Kaya sinulit lang namin ang isang oras na iyon upang sabihing mahal na mahal namin ang isa't isa. Kung gaano kami nasasabik para sa isa't isa.
"Stay with me Ryan. Wala na ang Papa ni Herminia. Wala na tayong ipangangamba." Sabi ko sa kaniya.
Humawak siya sa pisngi ko.
"Yeah, I know. Pero hindi ito ang tamang oras at araw para pagusapan natin iyon, kamamatay lang ni Papa. Baka mabigla si Herminia kung sasabihin kong bigla na makikipaghiwalay na ako sa kaniya. Ano nalang ang iisipin ng ibang kamag anak namin? at isa pa, may inaasikasu pa akong problema Kampanya." Sabi niya.
Hindi ako kumibo, nakaramdam ako ng pagkahiya sa sinabi ko. Hindi na nga namang tama na gamitin namin ang pagkakataong iyon para sa aming dalawa.
"But, don't worry. Pagbalik ko dito... magsasama na tayong dalawa. Magfifile ako ng Divorsed kay Herminia. Alam naman niyang hindi nagwowork ang pagsasama naming dalawa, nagsasama lang kami dahil sa mga anak namin at sa kasunduan papel, kasal kami dito sa Pinas, kasal din kami doon. Pero, huwag kang mag-alala.. aasikasuhin kong lahat ng iyon. Just to with you... forever." Sabi niya, humalik siya sa aking noo.
"I have to go now... you'll be fine here promise me." Nakahawak siya sa kamay ko.
Tumango ako, pero bakas sa akin ang kalungkutan. Bumangon na siya at nagbihis. Pero bago siya lumabas ng bahay ay niyakap niya ako ng sobrang higpit.
Hinalikan niya ang ng pagkatagal tagal.
Nakitang kong lumuha siya bago siya lumabas ng bahay. Meron siyang dalang sasakyan noon na hiniram niya sa kaniyang bayaw.
Bumalik ako ng kwarto, at hindi nawawalan ng pag-asang makakasama ko din si Ryan.
Makakasama ko din siya na paraang hindi namin na kailangan pang itago ang aming relasyon, iyong araw araw ko siyang makakasama, makikita, mayayakap at mahahalikan.
Kagaya ng aming ginagawa noon ay nagpapalitan kami ng sulat upang magpadala ng litrato ng isa't isa. Magkakausap kami sa phone.
Mabilis ang mga araw para sa aming dalawa. Hindi namin napapansin ang pagpalit ng taon, hindi namin napapansin ang aming edad.
Paglipas ng 3 taon ay bumalik si Ryan.
Hindi na kami mga bata, pero sa tuwing makikita ko siya paglipas ng ilang taon ay tila bumabalik ang aming pagkabata.
Magkatabi kami sa kama, magkayakap.
"Ayaw pang pumayag ni Herminia na magkahiway kami, ayaw pa niyang pirmahan ang papel. Pero sinabi ko sa kaniya na sa ayaw at gusto niya, pumirma man siya o hindi... iiwanan ko na siya. Hindi ko naman siya minahal." Sabi ni Ryan sa akin habang hinahaplos niya ang buhok ko.
"Anong sabi niya sa iyo?"
"Tinanong niya kong nagkikita daw ba tayo. Sinabi ko sa kaniya ang katotohanan. Wala na siyang magagawa ngayon. Wala siyang magagawang tanggalan ako ng karapatan sa Kampanya, dahil sa akin ipinangalan ni Papa ang pagpapamana ng kampanya, kaya nga bilang pasasalamat, inaalagaan ko ang Kampanya. Nagkaroon man ng problema, pero nagawan ko naman ng paraan. Kaya okay na ngayon. Pwede na tayong magsama Myk." Nangiti niyang sabi.
Sa wakas sa loob ng napakahabang panahon ng paghihintay ay makakasama ko ng talaga si Ryan.
"Pero hindi na ako makakasama sa iyo doon." Sabi ko.
"Huwag kang mag-alala... ako ang babalik dito sa Pilipinas, nagpaplano na akong bumalik dito para makasama ka. May mga maghahandle na naman ng Company, babalik balik nalang ako doon. Pero i'll spend my my whole life with you. Madaming taon ang nasayang sa ating dalawa. At gusto kong bunuin iyon na makasama ka habang buhay." Humalik siya sa aking labi.
Masaya akong marinig ang lahat ng iyon mula sa kaniya.
At sa mga araw na inilagi niya sa bansa ng mga panahong iyon ay nagawa naming bumalik sa probinsya na walang inaaalalang balakid.
Masaya sila Mama at Papa na makita kaming dalawa na muling magkasama. Matanda na sila Mama at Papa.
"Kamusta na kayong dalawa ni Ryan?" tanong ni Mama sa akin habang nasa loob kami ng kusina. habang si Ryan at si Papa naman ay nasa labas at masayang nagkukwentuhan.
"Okay naman po kami Ma." Sagot ko.
"Mabuti kong ganun, masaya ako para sa iyo. Masaya ako at nagkakasama na kayong dalawa ng hindi na kailangan pang ilihim sa lahat." Sabi ni Mama. Natigil ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko, hindi ko alam kung bakit sinabi iyon ni Mama.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ako ni Mama sa kamay. Bakas sa mga puting buhok niya ang katandaan.
"Ina mo ako Makyo, at nararamdaman ko ang nararamdaman ng anak ko dahil sa akin ka nanggaling. Alam ko noon pa na merong nangyayari sa inyong dalawa ni Ryan. Napag-usapan na namin ng Papa mo iyon. Nauwaan namin kung bakit kinailangan mong bumalik ng Manila, hindi dahil para doon makapagtrabaho, kung hindi dahil mas malulungkot ka kong maiiwan ka dito habang ang taong mahal mo ay nasa malayong lugar. nandito ang inyong mga alaalang dalawa, mahirap para sa parte mo iyon kung mamamalagi ka pa dito." sabi niya.
May gumuhit na luha sa aking mga mata.
naisip ko na kahit gaano pala namin itago ni Ryan ang relasyon naman, hindi man nila nakikita pero nararamdaman nila.
"I'm sorry Ma, natakot akong hindi nyo matanggap na nagmamahalan kami ni Ryan. Nahihiya ako sa inyo dahil alam kong hindi ko kayo mabibigyan ng apo dahil sa isang lalaki din ako umiibig." Niyakap ako ng mama ko na parang isa akong bata na inaway ng aking mga kalaro.
"Nauunawaan kita anak, nauunawaan ka namin ng Papa, hindi naman kasi nakikita ang pagmamahal, nararamdaman iyon. At dumarating iyon sa lahat. Maging sino kaman, maging ano ka man."
Hindi ko napigilan ang pag-iyak ko. Masarap sa pakiramdam na, nauunawaan ako ng aking mga magulang.
Pinunasan ko ang luha ko. Tumingin ako kanila papa, ngumiti sa akin si Papa. Kumaway sa akin si Ryan kagaya noong ginawa niya noon.
Tumungo kami ng lambak ni Ryan.
Magkatabi kaming dalawa.
"Ryan.. alam na nila Mama at Papa ang relasyon nating dalawa." Mahina kong sinabi.
"Huh? sinabi mo?" Pagkabigla niya.
"Hindi... nalaman lang nila, hindi naman sila nagalit, kaya huwag kang mag-alala." Nakangiti kong sabi.
Pumatong sa akin si Ryan na may ngiti sa labi at hinalikan niya ako.
"mabuti kong ganun... mahal na mahal kita Myk."
"Ganun din ako sa iyo...."
Ilang araw kaming namalagi doon, magkatabing matulog, sabay kumain. Pumunta din kami kaila Ryan.
Makalipas ang ilang araw pa ay bumalik sa Maynila.
Dahil kinakailangan ng bumalik ni Ryan sa Amerika.
At sa pagbalik niya ay magsasama na kaming dalawa.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
No comments:
Post a Comment