Astig Kong Mahal - 13 |
Bawal na Pag-ibig: Astig Kong Mahal
By Prince Sky
(Part 13)
Exactly 1 in the morning ng nagring ang phone
ko.
"Hello? Honey? Si Jessica to. Kakarating ko
lang from US"
"Ha? Hi… Napatawag ka? 1AM na"
Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto at kinausap
si Jessica sa phone.
"Honey, naayos ko na ang mga papeles mo.
Umuwi ako para maasikaso na natin an gating kasal at sa ganoon pwede ka nang
sumabay sa akin pabalik ng US"
(SHIT! Isang malaking shit! Paano na ito?) sa
isip ko lang. Hindi ako makapagsalita sa balitang iyon.
"Okay Honey, I'll talk to you later. I'm
sure natutlog ka na at naisturbo pa kita. Kakausapin ko nalang ang mama mo
bukas tungkol dito. Asikasuhin mo na rin ang resignation mo sa skul. Ingat. I
love you honey"
Natulala ako sa balitang iyon. Hindi maari. Hindi
ko kayang iwanan si Philip. Ngayon na nagkaroon na ako ng lakas na loob para
ipagmalaki ang aming relasyon tapos dumating si Jessica. Napasuntok ako sa wall
ng bigla ko namang naramdaman si Philip sa likuran ko.
"Paps? Is there something wrong?"
"Ah eh. Wala Naks. OK lang"
"Hindi Paps. Kitang-kita ko na sinuntok mo
ang wall. Alam kong may problema ka"
Hindi ko na sinagot si Philip ng tumunog ang
cellphone ko. Kinuha ito ni Philip. Aagawin ko pa sana sa kanya ngunit huli na
ang lahat.
"Andito na pala ang fiancée mo at
magpapakasal pala kayo"
Sasagot pa sana ako ng biglang umalis si Philip
at lumabas. Hahabulin ko pa sana siya pero mabilis ang kanyang paglabas.
Sumakay sa kotse at umalis.
Tinawagan ko si Philip pero hindi niya ito
sinasagot hanggang si pinatay niya na ang kanyang cellphone.
Bumalik ako sa apartment at umupo sa sala.
Nag-iisip kong ano ang tamang gawin. Sinusubukan kong tawagan ulit si Philip
pero hindi ko na siya macontact. Hindi na ako makatulog dahil sa nangyari.
Nagalala rin ako. Hindi ko rin naman pwedeng disturbuhin si Prince dahil pagod
na pagod siya at kailangan niya ng pahinga.
5AM na ng gumising si Prince.
"Kuya? Gising ka na pala? Asan si Naks mo?
Sinimangutan ko na lang si Prince at nagtimpla ng
kape.
"Kuya, may problema ba?"
"Prince. Bumalik si Jessica"
"Si Ate Jessica? Yong Fiancee mo?"
"Oo Prince at balak nyang magpakasal na kami
dahil maayos na ang papeles ko"
"Shit! Paano si Naks mo?"
"Hindi ko rin nga alam eh"
"Sino ba ang mas importante para sa iyo
kuya?"
Hindi ko alam ang isasagot kay Prince. Mahal ko
pa rin naman si Jessica pero nasaktan ako dahil pinili niyang pumunta ng States
over me. Ikakasal na nga sana kami kaso nagdesisyon siyang umalis. Ngayong
umiba ang ihip ng hangin at umibig ako sa isang lalaki pero hindi ko rin naman
maidedeny sa sarili na importante rin si Philip sa akin.
"Kuya. Masasaktan si Philip!"
"Alam ko Prince. Naguguluhan ako. Hindi ko
alam ang aking gagawin"
"Kuya, pag-isipan mo ng mabuti. Alam kong
kaya mo iyan. Andito lang ako. Basta palagi mo lang tatandaan na dapat piliin
mo ang isang tao na makapagpapasaya sa iyo"
"Salamat bunso"
Niyakap ako ni Prince. Niyakap ko rin siya ng
mahigpit. Maya't-maya ay naligo na rin si Prince at inubos ko na rin ang kape.
Naligo na rin ako at sabay na kami ni
bunso na pumunta ng skul.
8AM na at magsisimula na ang class ko ngunit wala
si Philip. Hindi siya dumating. Sinubukan kong tawagan siya ngunit nakaoff pa
rin ang phone niya. Nakita ko si Prince na parang abalang-abala at hindi
mapakali sa aking sitwasyon.
Sinimulan ko na ang aking class ngunit
halatang-halata naman na wala akong gana sa mga ginagawa ko. Dumating rin si
Mr. Araque at hiniram si Prince dahil may practice sila. Umalis silang dalawa
at pinagpatuloy ko na rin ang aking class.
Pagkatapos na class ay tinawagan ko ulit si
Philip. Hindi ko pa rin siya macontact kaya ng send nalang ako ng message.
"Naks. Please. Mag-usap tayo"
Lumabas na ako ng classroom ng ngring ang
cellphone ko.
"Hello anak?"
"Ma, napatawag ka."
"Oo anak. Naparito kanina si Jessica.
Nag-usap na kami tungkol sa papeles mo. Anak nasagot na ng Diyos ang matagal mo
nang hinihiling. Ang makasama mo si Jessica. Anak. Matutuloy na talaga ang
kasal niyo"
Sumakit bigla ang aking dibdib. Hindi ko alam
kung magiging masaya ako sa balitang ito. Alam ko naman na matagal ko ng
gustong makasama si Jessica pero sa tagal ng panahon na nawala siya sa akin pero
kahit isang tawag or liham man lang galing sa kanya ay wala akong natanggap.
Pinilit ko siyang kalimutan pero hindi ko naman maiaalis sa aking sarili na may
nakaraan kaming dalawa. Iyon nga lang dahil wala kaming closure kaya siguro
akala niya ay kami pang dalawa.
"Anak? Andyan ka pa ba? Luluwas na ako dito
in awhile para pagusapan natin ang kasal niyo sa sabado"
"Ha? Agad-agad Ma? Bakit sa sabado na?"
"Ano ba Patrick! Uuwi na kasi si Jessica sa
US kaya nga minamadali niya ito ay para makaalis ka na rin sa mga susunod na
buwan"
"Sige Ma. Pagusapan nalang natin iyan
pagdating mo dito"
"Anak, may problema ba?"
"Wala po Ma. Sige hihintayin ko kayo dito.
Sa apartment nalang kayo dumiretso"
"Sige anak. Ingat ka diyan"
"Okay Ma. I love you. Bye"
(Shit! Parang sasabog ako. Ang bilis ng
pangyayari. Kahapon lang ay masayang-masaya ako kapiling ang mahal kong si Naks
pero ngayon parang mawawala lang bigla. Ano ba ang dapat kong gawin? Diyos ko.
Hindi ko alam ang susunod na hakbang)
Aalis na sana ako ng skul ng nagtext si Mr.
Araque. May meeting kami para sa acquaintance party. Bumalik ulit ako at
tamang-tama naman ay nagkasalubong kami ni Prince.
"Prince. Dadating si mama sa apartment.
Umuwi ka muna dahil may meeting pa kami"
"Sige Kuya. Natawagan mo na ba si
Philip?"
"Hindi ko siya macontact eh"
"Kuya? Sigurado ka na ba?"
Hindi ko na sinagot si Prince at nginitian nalang
siya. Umalis na rin ako sa kinaroroonan namin at pumasok ng dean's office. Mga
kalahating oras din an gaming meeting. Nakita kong nakatingin sa akin si Borj
at parang nahalata niyang wala ako sa mood.
Lumabas ako ng dean's office at sumunod na rin si
Borj.
"Pat, What's wrong?"
"Borj.. hindi ko alam ang aking
gagawin?"
"Bakit? May problema ka ba? Pwede naman
nating pagusapan iyan. Baka may maitutulong ako"
Pumunta kami sa may parking area at doon kami
nagusap.
"Borj, ipinagtapat ko na kay Philip ang
aking nararamdaman"
"That's great! Eh bakit parang hindi ka
masaya? Hindi k aba niya mahal?"
"Mahal niya rin ako"
"Eh iyon naman pala eh. Bakit malungkot ka
pa rin"
"Kasi Borj, umuwi na ang fiancée ko at balak
niyang magpakasal na kami sa sabado. Inayos niya na kasi ang mga papeles ko
kaya mabilisan ang mga pangyayari."
"Lagot! Malaking problema yan. Alam na ba ni
Philip ang tungkol dito?"
"Iyon nga ang masama kasi siya mismo ang
nakabasa ng message ni Jessica at ikinagalit niya talaga"
"Syempre naman Pat. Kung ako iyon magagalit
rin naman ako. Kasi parang pinaasa mo lang akon eh"
"Kaya ng Borj tinatawagan ko siya para
maexplain ko ang side ko. Ngunit hindi niya ako kinakausap. Ang masama pa ay
hindi siya pumasok ngayon. Puntahan ko kaya siya?"
"Huwag Patrick. Leave it for awhile. Masakit
talaga iyon lalo na kapag minahal ka nga ya. Bakit ano baa ng plano mo?"
"Hindi ko nga alam Borj, gusto ko rin namang
makapunta ng US pero hindi ko kayang iwan si Philip"
"Paano iyan pat? Ganito nalang. Pagisipan mo
ng mabuti kung ano ang gagawin mo. Basta piliin mo ang taong makapagpapasaya sa
iyo"
(Parehong payo ang nakuha ko kay Borj at Prince.
Siguro tama nga sila. Aanhin ko naman ang magandang buhay kung hindi naman ako
magiging masaya. Oo aaminin ko matagal ko ng pinangarap ang makaalis ng bansa
pero dahil nakilala ko si Philip, bumago ang takbo ng buhay ko)
"Salamt Borj, sige.. uuwi muna ako. Dadating
kasi si mama at paguusapan namin ang tungkol sa kasal ko"
"Kelan baa ng kasal mong iyan?"
"Sa sabado na kasi"
"Agad-agad? Hindi naman malandi ang fiancée
mo no. Joke. Sige ingat ka. Balitaan mo nalang ako"
"Sige Borj. Salamat!"
Sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa apartment.
Pagkadating ko ng apartment ay nakita ko namang kakarating lang ni mama at
kausap si Prince.
"Ma! Andito na ako"
"Oh Anak! Ang pogi mo pa rin. Kamusta?"
"Ok lang po Ma. Kayo po ma? Kamusta po
kayo?"
"Eto, okay lang naman. Prince, pwede ba iwanan mo muna kaming dalawa ni Patrick? May pag-uusapan lang kaming dalawa"
"Eto, okay lang naman. Prince, pwede ba iwanan mo muna kaming dalawa ni Patrick? May pag-uusapan lang kaming dalawa"
Umalis rin si Prince at bumili ng pagkain para sa
pnanaghalian. Umupo kami ni mama sa sala at nag-usap.
"Anak, ipagtapat mo nga sa akin"
"Ang ano ma?"
"Sinabi na sa akin ni Prince ang lahat"
"What do you mean?"
"Anak. Tanggap ko kung ano ka at sino ka.
Ang sa akin lang naman kasi ay ang makita kang masaya"
Hindi ako makapagsalita dahil nagulat ako sa
sinabi ni mama. Hindi ko akalaing gagawin iyon ni Prince. (Putik) sa isip ko
lang. nahihiya ako at nakayuko lang ng biglang inakbayan ako ni mama.
"Anak. Maiintindihan kita. Kung ano ang
magpapasaya sa iyo, doon ka"
"Ma, please…"
"Anak. Huwag mo ng ideny pa. pasensya na
kung nalungkot ako sa mga sinabi ni Prince pero hindi ko naman gustong ipagkait
sa iyo ang kasiyahan na gusto mong makamit"
Nakinig lang ako kay mama at hindi pa rin
makasalita.
"Alam mo anak. Bago namatay ang iyong ama ay
humingi siya sa akin ng patawad"
"Bakit po ma"
"Pasensya na kung ngayon ko lang ito
ikukwento sa inyo. Mas mabuti na sigurong malaman mo ang totoo"
Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ni mama.
Meron ba siyang sikreto sa kanyang nakaraan na hindi ko alam? Ano kaya iyon?
"Alam mo anak bago pa naman kami naging mag-asawa
ng papa mo ay may minahal na akong iba. Minahal ko ang lalaking iyon at alam
kong mahal na mahal niya rin ako. Ngunit nagkahiwalay kaming dalawa dahil hindi
pabor ang aming mga pamilya sa aming dalawa. Hindi ako gusto ng inay niya at
hindi rin siya gusto ng itay ko."
"Naghiwalay kaming dalawa. Hanggang sa hindi
ko na siya nakita. Wala na akong nakuhang impormasyon tungkol sa kanya. Nawalan
na ako ng pag-asa pero hindi pa rin nawala sa puso ko ang pagmamahal ko sa
kanya"
"Lumayas ako sa amin at naglakad kung
saan-saan. Muntik na akong madisgrasya dahil walang laman ang isip ko kung
hindi siya. Mabuti nalang at nandoon ang papa niyo. Tinulungan niya akong
makatayo. Binuhay niya ang patay kung puso ngunit kahit anong gawin niya ay
hindi pa rin magbabago ang pag-ibig ko sa unang lalaki na minahal ko"
"Isang gabi bago kami ikakasal ng papa mo ay
gumawa ako ng sulat. Magpapaalam na lang ako dahil hindi ko kayang magpakasal
sa lalaking hindi ko naman mahal. Umalis ako at hinanap ang lalaking minahal
ko. Ngunit wala akong nagawa."
"Bumalik ako sa amin at humingi ng patawad
sa papa mo. Kaya nagpakasal kaming dalawa. Pagkatapos ng aming kasal ay nakita
ko naman ang lalaking minahal ko. Nasa labas siya ng simbahan. Ang sakit-sakit
kasi dahil wala akong magawa. Hindi ko naman pwedeng balewalain ang kasal na
iyon. Kahihiyan lang ang maidudulot ko kapag umalis ako"
Pinutol ko ang mga kwento ni mama.
"Pero ma, bakit ganon?"
"Anak, hindi ka tunay na anak ng papa niyo.
Buntis ako ng mga panahong iyon"
Nagulat ako sa mga sinabi ni Mama. Parang
lumulutang ako sa ere dahil sa natuklasang balita. Ang sakit! Namuo ang aking
mga luha pero pinipilit kong tanggaping ito.
"Ma bakit? Bakit ngayon mo lang
sinabi?"
"Anak pasensya na. Alam kong magagalit ka
kapag sinabi koi to sa iyo pero ito na ang tamang panahon para malaman mo na
anak kita sa ibang lalaki. Magkapatid lang kayo ni Prince sa akin. Pero
magkaiba ang inyong ama"
Tumayo ako at sinuntok ang pintuan. Humagulhol
ako sa sakit na naramdaman ko. Hindi pa nga ako naka getover sa pangyayari
tapos nadagdagan pa ng isa. Shit na buhay to!
Lumapit si mama sa akin at niyakap niya ako.
"Anak. Please patawarin mo ako. Alam kong
galit ka pero sana maintindihan mo. Hindi naman kami nagkulang ng papa mo sa
pag-alaga sa iyo"
"Ma please, you don't have to say sorry. Mas
importante sa akin ang andyan ka. Hindi ko man lubos matanggap ang mga sinabi
mo pero pipiliti kong tanggapin ito"
Mas hinigpitan ni mama ang pagyakap niya sa akin
at hinalikan ko nalang siya sa noo.
Itutuloy…
ang bilis na,3 more chapters to go :) go Pat at Philip! Kaya nyo yan ^_^
ReplyDeleteWats up Tze!
DeleteHello bro. Haist nakakahallenge pala gumawa ng kwento. What if kung gumawa kaya ako ng kwento tungkol sa writer at reader na nainlove dahil sa msob? Siguro meron ditong nagkita, nagkakilala at naging magsyota.
Umamin nga kayo diyan. Msobians! Share niyo naman para mainspire rin kami sa pagsulat. Hehehe. Tnx tzekai. Happy hearts day. Mwah! :-) peace
Ay ako parang inlove na ako sa yo haha. Hanggang pantasya nalang siguro ako.
DeleteMagkapatid pa siguro sila ni Philip huhuhu
ReplyDeleteEto na medyo nakabawi ka na sa chapter na to. Ang ganda ng twist po. Sana pataas ang excitement hanggang hapi ending.
ReplyDeleteGood job mr. author!
Suggestion lang po, wag nang bigyan pansin pa ang panggugulo ni Prince. Focus ka na sa lovelife nina Philip at Pat coz patapos na ito. Kilig to da max na at hapi ending. Tapos wag yong bitin. Mas mabuti kung may epilogue para malalaman pa namin ang susunod na kabanata ng love story nila. So demanding na yata ako hehe...
ReplyDeleteThanks.
Hello!
DeleteAlam mo ikaw yong nagchallenge sa akin last time. Hehe. Dahil sa iyo mukhang lumalabas ang lahat na naiisip kong ideas para sa kwentong ito.
Para sa iyo. Gagawan ko ng epilouge. Kuya ganito kasi iyon. Sa 3 stories na ginawa ko, may iba't-ibang uri ng ending. Ang purpose ko kasi is to know which of them has the most views and comments. Dahil ito ang magiging basehan ko for future stories. Diba ansama naman kung gumawa tayo ng stories na hindi naman naapreciate. Ansakit na sa ulo bigo pa. Hehehehe.
Someone mailed me last time to create a story na uniqur at kakaiba ang niche. I was thinking kung ano ang maganda
1. Horror
2. Action
3. Fantasy
Kasi puro love story at comedy na ang mga kwento. Anyways, sige magdemand ka pa tol. Hehehe. Kung hindi ka makuha sa salita, hahalikan na kita!
Alam mo, di pa talaga ako nakapagmove-on sa knight and his shining armor. Pinatay mo kasi ang bida. Kung alam ko lang na ganon ang ending di na akong magtiyagang magbasa.
DeleteSa next story sana yomg detective story na may halong bromance. Astig ano?
Eeewww...hahalikan talaga? Kinilig tuloy ako! Joke! Kung alam mo lang nainlove na ako sa yo. Jusme! Bat ko nasabi ang feelings ko! Kakahiya naman!
tapos baka ang tatay nya e ung Chancellor na tatay naman ni Phillip naku pag nagkataon incest pala sila... tsk tsk...
ReplyDeletesuper wild guess.. hehehe
Wats up Jos?
DeleteTnx for the hypothesis. Hehehe. Alam na alam mo yata ang magiging takbo ng kwnto ah. Aaminin ko predictble nga ang 1st book pero ifmgiven a chace maraming twists ang gagawin ko sa book 2. Hehe. I hope maka leave ka ng comment sa final chapter. Tnx bro. :-) peace
Happy hearts day. :-)
Hay naku, if magkapatid sila, di rin pala magkatuluyan at si jesic sanchez pa rin ang magwawagi. Ang pangit naman! Ang consolation nalang natin guys if adopted lang din si philip ni chance. Sana ganito nalang ang twist para hapi ending pa rin.
ReplyDeleteSam
Hi Sam!
DeleteHanep ng hypothesis natin ah. Hehehe. Malay mo.. Pero I will assure you iba ang ending nito compare sa knight and shining armor.
Nalungkot nga rin ako kasi instead na mapapasaya ko ang mga nagbabasa ng kwento ko eh nagiyakan pa ang mga nagpost ng comments. Haist! Ansama ko talaga.
Sige na nga.... total hearts day naman ngayon! Mwah!
:-) peace!
hala magkapatid c pat at phillip?
ReplyDeleteHi Mars,
DeleteMars ka, earth ako kasi kahit magsimula ng magunaw ang mundo magkatabi pa rin tayo. Hehehe. Musta?
Magkapatid nga ba? Hehehe. Nice guess. Malalaman niyo rin iyan sa mga susunod na chapters. :-) peace.
Happy hearts day. :-)
Hi guyz,
ReplyDeleteMusta po kayo? I'm sure happy kayong lahat dahil hearts day ngayon. Anywys, salamat nganpala sa pagsubaybay ng kwntong ito. Im still in the process of decidimg whether to make another book for this story. So far, marami-rami na rin ang nagview ng previous chapters. Ill take note of the comments posted by our readers.
I'm so happy kasi maraming hypothesis na parang bullseye ang dating. Ganoon na ba talaga ka predictble ang story? Hehehe. I hope to hear ur words sa last part. Sa mga nagaabang ng notes on the wall, ill be posting the next chapter on 16 pasensya na pala kung d ko sya naupdate agad kasi pinagkaabalahan ko ang kwentong ito.
I'm doing my best to meet the criteria from you and I hope na sana mameet ko iyon. Pasensya na in kung medyo hindi ako maxado fluent sa pagtatagalog. Nahirapn din kasi ako minsan.
Once again, thank ypu very much. Chapter 14 will be posted in a while. :-) malalaman na rin ninyo guys kung ano ang magiging movement ni patrick sa acquaintance party.
Abangan:
Matutuloy nga ba ang kasal ni Patrick kay Jessica?
Sino kaya ang ama ni Patrick?
May magagawa pa ba si Philip?
Sundan sa BMP: Astig Kong Mahal
Happy heart's Day Every Juan!
saklap nman ng life ni patrick....nakakarelate ako s bagong problema ni patrick being adopted its so complicated but thats the reallity so embrace...
ReplyDeletethanks po.....