Astig Kong Mahal - 10 |
Bawal na Pag-ibig: Astig Kong Mahal
By Prince Sky
(Part 10)
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Habang patuloy ako sa pagsusubo ng pagkain kay
Philip ay hindi pa rin tumitigil si Prince sa kanyang paglalambing at pag-aagaw
ng eksena sa akin. Paminsan-minsan ay nahahalata ko na parang kulang na lang ay
agawin na niya ang atensyon ni Philip sa akin.
"Prince! Diba may kasintahan ka sa atin?
KAMUSTA naman kayo ng GIRLFRIEND MO? I'm sure MAHAL na MAHAL ka niya at hindi
mo naman maidedeny na MAHAL na MAHAL mo rin siya." Paemphasize ko sa mga
salitang iyon.
"Hahaha. Kanino mo naman iyan nasagip na
balita kuya? Nakakatawa naman ang mga pinagsasabi mo?" sagot ni Prince
habang patuloy sa pagsusubo rink ay Philip
Pinagmasdan ko si Philip pero parang namumula
siya at pinipigilan ang sarili na magsalita.
"Eh ikaw kuya. Di ba may FIANCEE ka? Bakit
hindi mo pa sundan ang magiging ASAWA mo. I'm sure MAHAL na MAHAL ka niya at
hindi mo rin maidedeny na MAHAL na MAHAL mo rin siya!" mahabang sambit ni
Prince
Hindi ako makasagot dahil parang iba na ang
patutunguhan ng discussion namin. Nanahimik ako ngunit nakita ko si Philip na
bahagyang nakatingin sa akin at ang kanyang mukha ay parang nadidismaya.
Nagsalita bigla si Prince.
"Kaya ako sa iyo Bro, ang piliin mo ay iyong
walang sabit."
(Parang nagpapalapad talaga ng papel si Prince.
Hindi pwede!)
"Tama siya Philip. Piliin mo iyong walang
sabit pero kaya kang BUHAYIN!" sambit ko habang nakatingin kay Philip.
"Talaga kuya? Buhayin? Hay naku Philip,
aanhin mo iyang bubuhayin ka nga pero parang hindi ka naman kayang ipagmalaki.
Palaging patago!"
"Teka! Pinariringan mo ba ako Prince?!"
"Huh? Anong ibig mo sa bihin kuya? Bakit
tinatamaan ka ba?"
Nagkatinginan kami ni Prince na parang
nagsisimulang magliyab ulit ang aming mga mata ng biglang binasag ni Philip ang
aming bangayan.
"Tama na nga iyan. Parang nahihilo ako sa
mga sinasabi niyo eh"
Hahawakan ko sana si Philip ng biglang inakbayan
naman siya ni Prince.
"Kuya sa room na kami at doon na mamahinga
si Philip"
"Excuse me. Prince! Parang talo ako ah. Ako
na nga ang bumili ng pagkain tapos parang ako pa itong magliligpit ng gamit?
Dehado tayo niyan tol!"
Wala na ring magawa si Prince kaya binalikan niya
ako sa lamesa at sinimulang ligpitin ang mga kinainan.
Hindi na rin ako nagdalawang-isip pa at nilapitan
si Philip at pumasok sa kwarto ko.
"And by the way Prince, If I were you, you'd
better start doing what I asked you to do."
Hindi na sumagot si Prince. Pagkapasok namin sa
room ay bigla kong hinalikan si Philip. Pinalitan rin niya ito ng mainit na
halik.
"Naks. Ano ba? Type mo ba ang kapatid
ko?"
"Paano mo naman nasabi iyan paps? Nagseselos
ka ba?"
"Hindi no! Ayaw ko lang kasi siyang
madamay"
"Ano ang ibig mong sabihin?"
"Kasi baka ano ang gawin mo sa kanya. Ayaw
kong gawin moa ng mga bagay na ginagawa mo sa akin"
"Yan lang ba ang dahilan?"
"Bakit ano bas a tingin mo?"
"Eh kasi akala ko mahal mo na talaga ako
paps"
Hindi ako makasagot sa kanya. Alam kong
unti-unting minamahal ko na si Philip dahil siguro tama nga ang kanilang mga
sinasabi na kapag masyadong intimate ang ginagawa ng dalawang tao ay
nagkakaroon ito ng attraction. Pero ayaw ko namang sabihin ito sa kanya dahil
hindi ko alam kong san ito hahantong. Kaya iba ang lumabas na mga salita sa
aking bibig.
"Hindi. Ginagawa ko lang ito kasi…."
"Kasi ano?"
"Kasi… Hawak mo ako sa leeg"
Bigla naman akong tinulak ni Philip at lumabas
siya agad ng room. Hahablutin ko pa sana siya pero hindi ko na nagawa. Umupo
nalang ako sa bed at nag-isip ng malalim. Sinapak ko ang aking sarili. (Bakit
ko nasabi iyon) sa isip ko lang.
Alam kong mali ang mga sinabi ko pero hindi ko naman
kayang aminin na nagkakagusto na ako sa kanya. Lumabas ako ng room at nakita
kong tinutulungan ni Philip si Prince. Nagkukulitan silang dalawa habang
nagnanakaw ng tingin si Prince sa akin. Alam kong alam ni Prince na may inis sa
aking mukha pero hindi niya ito pinapansin.
Biglang nag ring ang cellphone ko. Si Sir Araque
ang tumatawag.
"Hello Borj napatawag ka?"
"I need Mr. Prince Sandoval now. May
practice kasi para sa production number nila"
"Ganon? Oh sige. Sasabihan ko siya"
"Thanks. Bye."
Salamat at makakaalis na rin si Prince. Siguro
ito na ang tamang panahon na pag-usapan namin ni Philip an gaming status. Gusto
ko rin naman siyang mahalin ngunit tama nga si Prince. Hindi ko kayang ipakita
sa buong mundo na mahal ko si Philip dahil na rin sa aking dignidad. Ayaw ko
kasing mabahidan ng masama ang matagal ko ng pinagiingatang dignidad.
"Prince. Tumawag si Mr. Araque. May practice
daw kayo ngayon sa skul para sa production number niyo. Ipagpaliban mo nalang
muna ang reports"
"Sige Kuya"
Umupo ako sa may sala at pinipilit na pakingan
ang usapan ni Prince at Philip ngunit hindi ko talaga makuha yong mga sinasabi
nila. Maya't-maya ay lumapit sa akin si Philip.
"Sir sasamahan ko nalang muna si
Prince"
Magsasalita pa sana ako ngunit tinalikuran ako
bigla ni Philip. Nagulat lang ako kasi parang walang kalaman-laman ang mga
sambit ni Philip. Parang biglang umiba ang kanyang pakikitungo sa akin. Kaya
pinatulan ko na rin siya.
"Okay Mr. Silverio. Ikaw ang bahala"
Hinarap rin ako ni Philip. Tumayo ako at nang
nagtapat ang aming katawan ay bigla kong hinawakan ang kanyang likuran at
kinindatan siya ngunit bigla niya itong inalis at lumakad papalayo sa akin.
Inakbayan niya bigla si Prince. Humarap siya sa
akin at nginitian niya ako. Naiinis ako sa kanyang inasal kaya pumasok na ako
ng room at sinarado ang pintuan. Narinig ko ang mga yapak nila. Pumasok sila sa
room ni Prince at maya't-maya ay lumabas na rin.
Lumabas rin ako sa kwarto para malaman kung ano
ang ginagawa nila ngunit nakita ko nalang sila na lumabas na rin at sumakay ng
kotse. Kaya lumabas na rin ako at gusto ko sanang sumama pero nakapasok na sila
sa kotse at umalis na rin.
Gusto kong bantayan silang dalawa dahil baka ano
ang mangyari sa kanila kaya pumara na rin ako ng taxi at nagpahatid sa skul.
Pagkadating sa skul ay sinundan ko silang dalawa. Tinungo nila ang faculty
room. Hindi na ako lumapit doon at bahagyang nakatayo lang ako sa kanto kung
saan pwede ko silang makita na hindi nila ako mapapansin. Maya't-maya ay
lumabas na rin silang dalawa.
Sinundan ko sila. Papunta pala sila ng covered
gym. Narinig ko rin ang malakas na music at siguro dito na ang practice nila
Prince. Pumasok silang dalawa sa loob haban ako naman ay dahan-dahang sumusunod
sa kanila.
Pumasok na rin ako sa loob at umupo sa gilid.
Sinunsundan ng mata ko ang bawat hakbang nilang dalawa. Umupo si Philip habang
si Prince ay umakyat ng stage. Nagsimula na rin ang kanilang practice. Ngayon
ko lang nakitang sumayaw si Prince. Hanep rin pala ang utol ko sa sayawan.
Nakita ko naman si Philip na parang aliw na aliw sa kanyang nakikita.
Na sa ganoon akong sitwasyon ng biglang may
tumabi sa akin. Hindi ko rin ito pinansin ngunit nagulat nalang ako ng
nagsalita siya.
"Ahemm! Binabantayan mo siya no?"
Hinarap ko kung sino ang nagsasalita. Si Mr.
Araque pala.
"Hindi no! Bakit mo naman nasabi iyan?"
"Patrick! Aminin mo na kasi."
"Excuse me! Hindi ko mahal si Philip
noh!"
"Bakit mo naman nasabi iyan?"
"Borj, sa tono pa lang ng mga tanong moa lam
kong dinidiin mo talaga sa akin na aminin ito"
"Wala akong sinabi. Sa bibig mo mismo
nangaling iyan. Ang ibig kong itanong lang kasi eh si Prince."
"Huh?"
"See.. ikaw kung ano-ano ang… I see! Andyan
pala si PHILIP mo!"
Hindi ko na pinatulan ang kanyang mga bintang sa
akin. Alam kong gusto lang akong asarin ni Borj.
"Pat, kung ano man iyan huwag mong itago
yan. Pero palagi mong tatandaan na hindi tama ang ginagawa mo. Nararamdaman
kong meron kang tinatago. Hindi naman ako kontra diyan dahil naranasan ko na
rin ang umibig sa di tamang oras at lugar. Iyon nga lang nabigo ako. Pero hindi
dahil ako ang iniwan." Mahabang paliwanag ni Mr. Araque.
"Ano ang ibig mong sabihin?"
"Matagal na iyon Pat. Nainlove rin ako sa
aking student. Naging kami pero patago. Pero ako iyong nagputol ng aming relasyon
dahil natatakot akong malaman ng lahat tungkol dito. Mahal na mahal ko siya at
alam kong minahal niya rin ako. Pero hindi ko na siya kinakausap mula ng kami
ay naghiwalay. Mahirap ang sitwasyon ko noon dahil wala akong mapagsabihan
tungkol sa nararamdaman ko"
"Kaya iyon. Tinapos ko an gaming relasyon at
hindi na nagkausap hanggang sa nakatapos siya sa kolehiyo."
Nakinig lang ako sa kanyang kwento pero lumalabas
naman ito sa kabilang tenga ko. Hindi ko kasi lubos maisip kong bakit rin ako
nagkakaganito. Alam ko naman na may nararamdaman ako kay Philip pero ayaw ko
ring mabahidan ng eskandalo ang aking pangalan. Malaki ang respetong ibinibigay
sa akin ng mga kasamahan ko dito. Ngayon pang narerecognize na ako ng
chancellor namin. Ayaw kong madisappoint sila sa akin.
Nasa ganoon akong pag-iisip ng nakita kong
papalapit si Philip sa kinaroonan namin. Bigla namang inakbayan ako ni Mr.
Araque. Kitang-kita ko ang biglang pagiba ng tingin ni Philip sa akin. Huminga
siya ng malalim at yumuko. Dumaan siya sa amin at hindi niya ako pinansin.
Inalis ko kaagad ang kamay ni Borj sa aking
balikat.
"See. Confirm!"
"What do you mean?"
"Wala lang. Nakikita ko lang ang sarili ko
sa iyo Pat. Sige alis na ako. Palagi mong tandaan, andito lang ako para making
sa iyo Pat. Ipaglaban mo iyan at baka magsisi ka pa."
Umalis na rin si Mr. Araque. (Ano ba ang kanyang
ibig sabihin? Naguguluhan ako.) sa isip ko lang.
Bumalik na rin si Philip at may bitbit na
pagkain.
Dumaan siya sa harapan ko. Nginitian ko siya
ngunit nakasimangot lang siya.
"Philip? Pwede ba tayong mag-usap?"
Lumakad papalayo si Philip. Parang wala lang
siyang narinig. Bigla namang kumirot ang dibdib ko dahil sa inasal ni Philip.
Nakita ko nalang siyang umakyat ng stage at ibinigay ang bitbit na pagkain kay
Prince. Kinuha rin niya ito at umupo silang dalawa sa gilid ng stage.
Masayang-masaya sila.
Nagseselos ako pero wala akong magawa. Hindi
naman sa ma pride akong tao pero siguro tama nan gang ganito nalang. Mag-iwasan
nalang siguro kami. Bahala na siya kung ano ang kanyang gawin sa kapatid ko.
Siguro hindi naman niya ilalagay sa alanganin si Prince. Mukhang masaya naman
silang dalawa. Aalis na lang sana ako ng biglang pumasok sa isip ko ang mga
sinabi ni Borj.
(Ipaglaban mo iyan at baka magsisi ka pa) paulit-ulit
itong pumapasok sa isipan ko kaya instead na umuwi nalang ako ay dinala naman
ako ng paa ko sa unahan. Kitang-kita ko na nakatingin silang dalawa sa akin at
mas lalong nagkulitan silang dalawa. Umupo lang ako sa harapan at nanood sa mga
practice nila habang ang dalawa naman ay patuloy lang sa kanilang ginagawa.
Maya't-maya ay biglang tumayo silang dalawa na parang papasok sa likuran ng
stage.
Tumayo na rin ako ngunit tumingin sila sa akin.
Nagulat rin naman ako sa aking kilos kaya umupo ulit ako. Kitang-kita ko na
pumasok silang dalawa sa likuran. Naghintay ako. Isa, dalawa, tatlong minuto at
hindi pa rin sila nakalabas. Nagaalala na ako baka kasi anon a ang kanilang
ginagawa. Tumayo ako at dahan-dahang umakyat sa gilid ng stage. Nasa stage na ako
at bahagyang lumakad papunta sa kinaroroonan nila. Pagpasok ko ay nakita ko
naman silang dalawa na nakatayo. Nginitian lang nila ako. Alam kong
pinagtitripan nila ako pero wala na akong pakiaalam. Sinuklian ko sila ng galit
na tingin at umalis na ng stage.
Bumaba ako at patuloy pa ring lumakas palabas ng
covered gym. Hindi na ako humarap pa at tingnan silang dalawa. Nainis ako dahil
halatang-halata na parang may gusto silang malaman tungkol sa akin.
Nakikikuntsaba na rin bas i Prince? Hindi maaari. Alam kong hindi iyon gagawin
ng kapatid ko.
Nasa tapat na ako ng faculty room ng biglang
lumabas si Mr. Araque.
"Are you okay?"
Nginitian ko nalang si Mr. Araque at patuloy na
lumakad papalayo sa kanya. Ngunit hinabol pa rin niya ako.
"Pat, alam kong hindi ka okay. Aminin mo na
kasi sa akin na mahal mo si Philip"
Hindi ko pa rin siya sinasagot pero kinukulit
talaga ako ni Mr. Araque. Hindi ko na nakayanan ang kanyang mga ikinikilos kaya
sinagot ko na rin siya.
"OO! Bakit may magagawa ka ba?"
"Iyan lang naman ang gusto kong malaman eh.
Halika nga dito at pag-usapan natin"
"Mahal mo pala eh. Bakit ka
nagkakaganyan?"
"Borj! Alam mo naman diba? Sabi mo nga
nahirapan ka sa sitwasyon mo noon dahil delikado. Kaya ng iniwan mo diba? Ano
kaya sa tingin moa ng ginagawa ko?"
"Pat, maraming bagay ang wala noon na meron
ka ngayon. Alam natin na mali ito pero hindi iyon sapat na dahilan paran
pigilan moa ng iyong sarili. Pat. Nagmamahal ka. Huwag mong ipagkait sa sarili
moa ng maging masaya. Hindi lang naman ikaw ang nasasaktan niyan. Pati si
Philip ay sinasaktan mo rin"
"Talaga? Bakit? Do you think mahal din ako
non? Alam mo madali lang naman sabihin iyan eh. Malay ko kung pinagtitripan
lang ako nun"
"Pat, alam ko kung saan ito hahantong.
Kitang-kita ko naman sa mga inaasal ni Philip. Nararamdaman kong gusto ka niya
ngunit hindi siya sigurado kung mahal mo rin siya"
"Anong gagawin ko?"
"Ikaw? Ikaw naman ang may alam niyan at ikaw
lang ang makakagawa ng paraan Pat. Bahala ka, baka maagaw pa siya ng iba diyan.
Ang masama pa ay. Hehehehehe.. Magkapatid, magkaribal!"
"Ulol!"
"Pero in fairness lang Pat, mas cute si
Prince. Lagot ka!"
Tumawa na lang ako sa sinabi ni Mr. Araque at
inakbayan ko nalang siya. Nagtatawanan kaming dalawa habang lumalakad palabas
ng skul. Nasa ganoon kaming sitwasyon ng biglang may nagsalita sa likuran
namin.
"Ahemmmmm! Excuse me po mga SIR"
Si Philip
Itutuloy…
Nice....inaabangan ko to at first time ko po mag-comment dito..
ReplyDeleteEd, kailan next posting ng Notes on the Wall? Thanks!
ReplyDeleteBitin namn..hehe astig tlaga
ReplyDeletegusto ko toh! Huwag naman sana magka sex scene c philip at prince,tama na ung paselos factor lang. Hay Pat kumilos kana b4 ka ma late.
ReplyDeleteMaarti lang talaga si pat!
ReplyDeleteI guess philip also loves patrick at hindi sex lang ang habol. it's getting exciting! Prince, kay Mr. Araque ka na lang, ok?!!!!
ReplyDeletenung una hindi ko to masyado gusto.. pero i must say na one of my favorites na sya.. nakakakilig
ReplyDeleteHello guys!
ReplyDeleteMusta po kayo? Salamat sa positive remarks para sa kwenting ito. Ill be posting the updates on daily basis. Thank you for reading this story. We are now nearing the last part of the story and hopefully you will still continue reading this story.
Updates of Astig kong Mahal
Feb 11 : Chapter 11
Feb 12 : Chapter 12
Feb 13 : Chapter 13
Feb 14 : Chapter 14
Feb 15 : Chapter 15
Feb 16 : Chapter 16 (Final Chapter)
Ill be poting 3 short stories soon.
Watch out for my new story Bawal na Pag-Ibig: Tsinoy Love Story
A Drama and Action story between two persons who fought for their freedom to love each oter despite of the odds. Abangan
si Samuel isang pinoy na lumaki sa hirap at naging right hand ng isang malaking sindikato sa Tondo, Manila.
Si Tseng isang lalaking intsik na anak ng mayamang chinese businessman. Panganay na anak pero marami ringnpinagdaanan
Si Carlo kapatid ni Samuel. Nagkahiwalay sila ni Samuel sa isang trahedya.
At an pagbabalik ni Dennis Gonzales (Bmp: knight and his shining armor char) isang pulis na naniniwala sa wagas na pagibig. Magiging instrumento sa pagkita ng magkapatid ngunit may maidudulot na malaking problema sa pagitan ni Samuel at Tseng.
09307103030, i need someone na magiging knight in shining armor ko,pls text me....
ReplyDeleteastig talaga............tnx po
ReplyDelete