Followers

Showing posts with label Eban of All Times. Show all posts
Showing posts with label Eban of All Times. Show all posts

Saturday, October 2, 2010

Eban of All Times - Part3

sorry po kung medyo natagalan ako sa pag-update..
best mahal na mahal po kita.. mwaahhh..
bunso thanks sa lahat..

bati mode:
Marquee, Darkboy13 at sa iba pa.. thanks po.. medyo madami pong problem ngayon kaya hirap magupdate..
more comments please..

BLOGSPOT : mgalahinieban.blogspot.com (Pa-follow nalang po... salamat po)
FACEBOOK : mga.lahi.ni.eban@gmail.com (pa-add nalang po... salamat po)

Paglalahad ni Enrico.

Hindi ako makatulog. Pilit na sumisiksik sa utak ko ang malambot nyang palad, ang mga ngiti nya, ang paraan ng pagtitig nya sakin.

Kung hindi ko siguro nakontrol ang katawan ko kanina siguradong bumagsak na ko sa harapan nya dahil sa panginginig ng tuhod ko. Mapapahiya pa tuloy ako.





Dahil sa nararamdaman ko, mas pinili kong kausapin muna si Nico, ang bestfriend ko.

Nic gising ka pa ba? Pwede tumawag?” txt ko sa bestfriend ko.

Ok sige tawag ka.” Kaagad na nagreply si bestfriend.

Mula pagkabata si Nico na ang kasundo ko. Magkaklase kami mula grade 5 hanggang 4th yr high school. Magkasundo sa lahat ng bagay, sa lahat ng kalokohan. Sya ang sandalan ko sa lahat ng problema lalo na ng pumanaw ang aking ina dahil sa sakit sa puso. Mag-isa lang naman kasi akong anak kaya wala akong kapatid na pwedeng makausap at malabasan ng sama ng loob. Hindi ko rin naman kasundo ang ama kong isang inhinyero na mas naging malamig pa sakin mula ng pumanaw ang aking ina.

Si Nico na lang ang naging kaagapay ko sa lahat ng bagay lalo na sa pag-ibig. Sya kasi ang nagiging tulay pag may nagugustuhan ako. Ngunit hindi talaga pwedeng hindi subukan ng pagkakataon ang pagkakaibigan namin.  

Dahil na din sa pagiging sobrang malapit namin sa isa’t isa, natuto akong magmahal sa isang taong kahit kailan ay hindi ko inisip na iibigin ko ng higit pa sa isang matalik na kaibigan. Sinubukan kong kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana.

Sa pagdaan kasi ng araw na lagi kaming magkasama eh lalong lumalim ang nararamdaman ko sa kanya lalo pa’t napakabait nya sakin. Napakasweet. Sa kabilang banda, iniisip ko na kung aaminin ko sa kanya kung ano talaga sya para sa akin ay baka maglaho lang na parang bula ang matatag na pagkakaibigan na binuo na ng panahon. Kaya nabuo na sa isipan ko ang desisyong pipigilin ko kung ano man ang nararamdaman ko sa. At para mas maging effective ang paglimot ko, panandalian muna akong lumayo.

Ngayon, ok na ang lahat sa amin. Nasabi ko na kung ano man ang mga sikreto ng pagkatao ko sa kanya at tinanggap naman ako ni Nico kung ano talaga ako.



Dinial ko ang number ni bestfriend at agad naman nyang sinagot ito.

“Hey best. Musta?” tanong ko kay bestfriend.

“Dude kanina lang magkasama tayo huh? Miss mo na ko agad? hehe” sagot ni bestfriend.

“Tado! Hindi lang ako makatulog. Wala akong maka-usap eh.”

“Hmm. Bakit naman dude? May problema ka ba?” nag-aalalang tanong ni bestfriend.

“Dude pare hindi ko alam kung paano ko uumpisahan eh” sabi ko.

“Pare I smell something fishy huh? hahaha” sabay halakhak ng siraulo.

“Gago ka talaga Nico. May problema na nga yung tao pagtatawanan mo pa.” Pagmamaktol ko.

“Hehe peace dude! Easy ka lang best. Hmm, para kasing may idea na ko kung ano yang problema mo eh. Hehe” mukhang may ideya na nga ang loko.


“Is this about Mich?



o about Eban?”

Kilalang kilala na talaga ako ng bestfriend ko kaya hindi na ko nagdalawang isip na sabihin sa kanya kung ano nga ang gumugulo sa isip ko.

Para namang gustong kapusin ng hininga ko ng banggitin ni Nic ang pangalan ni Eban. Ewan ko ba, kahit pangalan nya iba talaga ang epekto sakin.


“Uhm, pare mukhang tagilid talaga ako pagdating sa pagpili ng mamahalin eh.” Nahihiya kong tugon kay bestfriend.

Sabay naman ng pag-amin kong MULI ay ang kagago gagong halakhak ng bestfriend ko.

“Tangna ka best. Pinagtatawanan mo ba ko??” naaasar kong turan kay Nico.

“Haha. Sabi ko na nga ba eh! Tarantado ka talaga best. Nadampian ka lang ng palad, naghawak lang ang kamay nyo iba na agad nararamdaman mo?” tangna mukhang ayaw maniwala ng bestfriend ko ah.

“Pare iba to promise. Iba to sa lahat ng naikwento ko sayo. Iba to sa lahat ng nakita’t naramdaman ko pare.” Pangungumbinsi ko kay bestfriend.

“Hmm mukhang seryoso tayo dude huh? haha” pangaasar pa ni Nico.

“Tangna ka best naasar na ko sayo huh? Seryoso ko! Ano ka ba?!” asar na talaga ako.

“Hehe biro lang dude. Kaw naman asar agad. Uhm, pagpapalit mo na ko kay Eban?” nakakalokong tanong ng bestfriend ko.

“Gago!”

“ Love at first sight pare! Haha” tawa lang si bestfriend.

“Sige tawa pa..”

“Hehe best naman. Parang di na nasanay sa mga banat ko. Kaya pala parang may kakaiba kanina huh? Nagkakailangan ba? Haha.” Nanggagago pa din si Nic.

“Anyways, alam mo naman best na lagi kong sinusuportahan mga kagustuhan at desisyon mo di ba? Pare notice your feelings, let them flow. Kung talagang gusto mo ang isang tao, edi sige, go for the goal. Nga lang, hindi ko alam kung magkalahi kayo ni Eban. Basta dude andito lang ako. Malay mo di ba?” Seryosong pahayag ni bestfriend. Haaayy, siguro kung hindi ko nararamdaman tong pagmamahal na to kay Eban siguradong maiinlove na naman ako sa bestfriend ko. Sino ba namang hindi? Eh napasweet at maalalahanin nitong bestfriend ko bukod pa sa may itsura.

“Thanks dude. Maaasahan ka talaga.”

“Oh pare baka mainlove ka na naman nyan sakin huh? haha” banat na naman si loko.

“Gago.”

“Hehe. Oh ano best ok ka na?”

“Uhm ok na best. Thanks talaga Nic.” Pagpapasalamat ko sa bestfriend ko. Medyo gumaan na kasi ang pakiramdam ko lalo’t alam kong may sumusuporta sakin. Hindi man sigurado kung may magandang resulta itong nararamdaman ko, atleast siguradong may sumusuporta sa kung ano man ang gagawin kong hakbang. Basta gagawa ako ng paraan para mapalapit ako kay Eban.

“No problem dude. Para saan pa’t naging magbestfriend tayo kung hindi naman nagdadamayan di ba? Di ba? Di ba?! hehe”

“Adik ka talaga best. Sige na thanks ulit and good night.” Pagpapaalam ko kay nico.

“Good night kiss wala ba? Haha” banat na naman si loko.

“Tarantado. Sige na baka mahalikan mo kamao ko.”

“Haha. Sige na nga. Good night dude.” Pagkasabi nito’y pinindot ko na din ang end call. Malaki ang pasasalamat ko dahil binigyan ako ng kaibigang maunawain. Bukas ang isip sa lahat ng aspeto ng buhay. Positibo kung mag-isip. Nga lang, maloko din.


Bumaba ako upang kumuha ng tubig. Ngayon ko lang napansin na halos tuyo na pala ang lalamunan ko dahil sa uhaw.

Pagka-inom ng isang basong tubig, pumanhik din ako agad sa kwarto ko. Inayos ko ulit ang higaan ko at humiga para makapagpahinga na. Pero makulit parin ang mga pangyayari. Hindi maalis alis sa isip ko ang nakangiting mukha ni Eban.

Tumayo ako. Humarap sa salamin. Tinignan ang lahat ng anggulo ng aking mukha. Pinuna ko isa isa ang mga parte nito. Ngayon ko lang naisip, may itsura pala talaga ako. Itsurang namana ko sa aking ina. Itsurang ipinagmamalaki ng aking ina hindi lang sa mga kamag-anak namin, kundi pati sa lahat ng kakilala at sa iba. Siguro talagang wala lang akong kompiyansa dati sa sarili. Mahiyain kasi ako. Naisip ko tuloy, kung nagtiwala lang siguro ako dati sa mga kakayahan ko siguro kahit papaano masaya si Mama bago sya kinuha ng Diyos. At siguro kahit papaano naging malapit ako sa aking ama.

Bata palang kasi ako pangarap na nila mama na maging isang modelo ang kanilang nag-iisang anak. Nuong tumuntong ako ng highschool, may mga nag-alok na sa akin para maging isang modelo. Pero dahil ayaw ko eh wala ring nangyayari sa mga pagtiyatiyaga ng mga nag-aalok. Pangarap ko kasi maging isang writer. Bukod kasi sa maaari akong makapagbigay ng kasiyahan sa iba, matutulungan ko pa ang sarili kong mailabas kung ano man ang saloobin ko sa pamamagitan ng pagsusulat.

Hindi na din ako pinilit ni mama dahil tulad ng isang mapagmahal at ulirang ina, lagi syang sumusuporta sa kung ano man ang desisyon ng kanyang anak. Pero si papa hindi sang-ayon sa kagustuhan ko. Lagi nyang dahilan, nag-iisang anak na nga lang nila ako hindi ko pa mabigay ang pangarap nilang magkaroon ng isang modelo at sikat na anak. Tutol din sya sa hilig ko,ang pagsusulat. Duon nagsimulang lumayo ang loob ni papa sakin.

Hindi din talaga mapapantayan ang pagmamahal ng isang ina. Hindi ko napigil ang pagdaloy ng luha ng pangungulila sa isang ina. Para tuloy gusto kong sisihin ang sarili ko.



Bumalik ako sa higaan ko. Pilit na hinahagilap ang antok.  Maramin paring mga bagay ang naglalaro sa isip ko. Nanduon yung mga nakaraan kong pag-ibig. Yung masasayang araw namin nila mama nung nabubuhay pa sya. At ang pangarap at pangako kay mama bago sya nawala na magbibigay ako ng isang masayang pamilya at magiging isang ulirang ama.

Kinabahan ako. Natakot ako bigla. Naalala ko si Eban. Si Eban na hindi ko pa man nakikilala ng lubos ay alam kong mahal ko na. Mahirap paniwalaan pero oo. Mahal ko na sya unang pagkikita palang namin. Pero natatakot ako. Natatakot akong hindi ko maisakatuparan ang pangako ko kay mama.

Pumikit ako at pilit na inaalis sa puso ang pangamba at unti unting bumalik sa isipan ko ang pangyayari kanina. Ang unang pagkikita naming ni Eban…


“Nice meeting you Eban. I’m Enrico. Ric na lang for short.” Pagkasabi nito’y inabot ko ang kamay ko para makipagkamay sa kanya. Pilit akong ngumiti ng pagkatamis tamis para maitago ang kaba.

“Likewise.” tipid na sagot ni Eban sabay ngiti.

Napatitig ako sa mga mata nya. Unang beses ko palang syang nakita pero bakit ganito agad ang nararamdaman ko?

Tenyonado. Nanginginig talaga ako sa kaba.

Napansin siguro ng bestfriend ko na si Nico at ni Mich ,na dapat na ka-eyebol ko, ang pagtititigan at matagal na pakikipagkamay namin ni Eban sa isa’t isa.

“Ehem” si Mich. Saka lang ako natauhan. Nahiya tuloy akong bigla. Mabilis pa sa alas-kwatro kong kinalas ang kamay ko sa kamay ni Eban.

“Tara order na tayo?”biglang  tanong ko sa kanilang tatlo na parang wala lang. Sumang-ayon naman agad si Mich. Mukhang gutom na eh.

Hindi ako nakakain ng maayos. Paano naman panay kasi ang tingin sakin ni Eban. Lagi tuloy nagtatagpo ang mga mata namin ngunit syempre kahit na kabado eh ibayong kilig naman ang dulot nito sakin.

“Eban ang kalat mo palang kumain. hehe” pagkasabi nito’y agad kong pinunasan ng tissue ang kapiraso ng kanyang kinakain sa malapit sa nya. Kinakabahan padin ako pero nagawa ko to. Gusto kong magpapansin. Gusto kong magpakitang gilas.

Napatingin naman si bestfriend sakin sa ginawa ko. Tila nagpapahiwatig na tigilan yung ginagawa ko dahil pangit nga naman sa mga lalaki ang magpunasan ng labi di ba? Pero tumingin din ako kay bestfriend na nagpapahiwatig na hayaan ako sa ginagawa ko dahil gusto ko yun.

Pagkatapos kumain syampre gumala kami. Nanuod din kami ng sine at nilibot ang buong mall. Madami kaming napag-usapan. Nandyan ang highschool life, pamilya at syempre ang buhay pag-ibig. Usapang pamilya, doon ako nagumpisang mag-kwento.

“Buti nga kayo buo ang pamilya. May mga kapatid, mapagmahal na ina at ama. Ako, eto, ilag sa ama. Ulila na sa ina.”

Napatingin sakin si Eban. Nababasa ko, may awa sa mga mata nya. Sa napagandang mga mata nya. Sinuklian ko lang ng ngiti ang pagtitig na iyon.

Madalas si Mich at si bestfriend ang bangka sa kwentuhan namin. Para tuloy sila ang magka-eyebol. Mukhang nagkakahulihan na din sila ng loob. Pero paminsan minsan naman sumisingit pa din kami ni Eban sa usapan.

Nung napagusapan ang buhay pag-ibig hindi ko naiwasang mailang. Syempre hindi pa nila alam na bi ako at ngayon nga eh parang pinana na naman ako ni kupido ngunit nagkwento padin ako tungkol sa mga nakaraang pag-ibig ko sa babae.

Madami akong nalaman kay Eban. Tuwing nagkikwento kasi sya eh nakikinig ako ng mabuti. Nandyan yung kung paano sila nagkakilala ni Michelle. Kung gaano naging kahirap para sa mama nya na palakihin sila ng nag-iisa. At doon ko nalaman na parehas pala kami na iisa na lang ang magulang.

Mag-aalas-dyes na ng magdesisyon kaming umuwi.

“So guys, thanks sa time. Masarap kayong kasama. Lalo kana Mich. hehe” pagpapasaamat ng bestfriend ko na may kasama pang kindat. Ako naman parang nalulungkot kahit na alam kong eventually eh maghihiwalay hiwalay din kami.

“Yup, thanks din huh? So ano? Kita kita ulit tayong apat bukas?” si Michelle.

Bigla naman akong natuwa sa pag-anyaya na yun ni Michelle.

“Yeah sure! Ano Eban? Pwede ka din ba bukas?” tanong kong bigla kay Eban.

Nakita kong tinignan ni Michelle si Eban. Kasabay naman nun ay ang pagpayag niya.














itutuloy...

Monday, September 13, 2010

EBAN of All Times!!! - Part 2

Hi po ulit. Eto na po ang next part ng story ko.

Salamat po sa mga nagcomment sa first part ng story. Si Enso at rat.. hehe

Thanks po ulit… more comments please..

BLOGSPOT : mgalahinieban.blogspot.com (Pa-follow nalang po... salamat po)
FACEBOOK : mga.lahi.ni.eban@gmail.com (pa-add nalang po... salamat po)

“Hi! I’m Ej” pagpapakilala sakin ng isang estranghero na sa hinagap ay hindi ko kailan man nakita.

Pagkaabot na pagkaabot ng nanginginig at mamasa masang palad ko sa kanya para makipagshake-hands, biglang dumampi ang kanyang malalambot na labi dito.

“Oh God! Nasa heaven na ba ako?” Naibulalas ko sa aking isipan dahil na din sa nababalot ng kulay puti ang paligid. Sinubukan kong kapain at hanapin ang pakpak ko. Wala naman akong nakapa. Baka wala pa ko sa heaven. Hindi din naman ako sinalubong ni San Pedro.

“Siguro naman hindi si San Pedro tong nasa harap ko. Gwapo kaya! Eiiyyy!!” kinikilig pa ang inyong lola.

Napakagulo ng set-up. Kanikanina lang eh napaka puti ng paligid. Ngayon ay tila nasa simbahan.

“Ikakasal ba ko? Pero teka, bakit sya pa din tong kasama ko?”. Tanong kong muli sa sarili ko. Nakakapagtaka naman kasing nasa harapan ako ng dambana kasama ang isang napakagwapong lalaki na hindi ko kilala eh hindi naman ako lumalandi sa mga lalaki.

Nilibot ko ang aking paningin. Nakita ko si Mich, ang bestfriend ko. Naka-gown pa ang loka. Si mama, ang mga kapatid ko. Mga kaibigan ko.

Teka naguguluhan ako. Ano bang nangyayari dito? Bakit may papable sa harap ko?

Akmang hahalikan na ng estranghero ang aking mga labi at magpapaubaya na sa kagustuhan ng gwapong lalaki sa harapan ang inyong lola ng biglang…



“EEBBBAAANNNNNNN!!!!”.

Napabalikwas na naman ako sa lakas boses ng isang halimaw. Correction, babaeng baklang halimaw.

Si bestfriend.

“Langya ka best! Anong ginagawa mo huh?! Ganyan ka na ba? Hindi mo na iniisip ang nararamdaman ng bestfriend mo? Kinalimutan mo na ang future ko? Bakit ka ganyan best? Sinasaktan mo ang damdamin ko.. huhuhu” sunud sunod na pagdadrama sakin ni bestfriend.

“Teka ano bang kadramahan yan best? Ano bang meron sa future mo?” sabi ko habang pupungas pungas pa ng mata.

“Kadramahan? Naririnig mo bang sinasabi mo best? Look, we’re getting late? Anong oras na?! Pano nalang si papable na imimeet natin? Wala na kong mukhang maihaharap sa kanila pagnalate tayo. Paano na ang future namin? Paano kami makakagawa ng madaming anak kung ngayon palang mauudlot na ang pagkikita namin? Huh best?! Paano?!”.

Plakk..

“Aray! bakit may batok??!”

“Tae ka best. Drama mo! Hello!!??? Alas-tres palang! Ang usapan nyo alas-sais! Tatlong oras pa best tatlong oras pa! Kaasar to. Ganda ganda ng panaginip ko nang-iistorbo!” singhal ko kay lukresia.

“Ay sorry naman! Hindi ba pwede magsorry? Hindi ba? Huh? hehe Teka ano bang panaginip mo at parang may hahalikan ka kanina?” pagbabagong mood ni gaga..

“Eh nakalimutan ko na. Ang gulo eh. Nagulo pa ng malahalimaw mong boses. Hmp! Basta ang alam ko may nakilala daw akong lalaki. Ewan ko ba. Tapos bigla na lang nasa simbahan kami. Ganda mo nga sa panaginip ko eh. Nakagown ka pa. Ngayong hindi ko maalala yung mukha nung lalaki. huhuhu” pagkikwento ko kay lukresia.

“Ay naku best! Baka yan na ang tadhana mo! Magkakajowa ka na.. bwahahaha!!”

“Baliw! Jowa ka jan. Hindi pwede. Kita mong lalaki ako sa paningin nila mama eh. Baka bugbugin ako ni kuya. O kaya sampal sampalin at sabunutan ni ate. Adik to”

“Ok lang yan best. Basta pag-umamin ka ng bongang bonga, panindigan mo din ng bongang bonga. Oh di ba? Bonga! hahaha”

Plakk..

“Aray! nakakailan ka na huh?!” kunwaring iiyak na sabi ni bestfriend.

“Tumigil ka na nga. Baka samain ka ng bonga sakin dyan.”

“Dapat nga magpasalamat ka dahil full-support sayo besfriend mo eh!”

“Oo na! Thank you na! Thank YOU!” sabay irap ko kay lukresia

“Welcome” mahinang sagot ni bestfriend habang nakangiti. Hindi talaga tinablan ang gaga sa pagtataray ko.

“Oh sige na best mag-asikaso ka na. Dali! Magpagwapo kana! Punta taong mall. Maraming papable dun. Dun din natin imimeet sila papables dali!” sabi ni bestfriend habang hinihila ako papuntang banyo. Baliw talaga tong bestfriend ko.

Wala na kong nagawa kundi ang sundin ang kagustuhan ng malandi kong bestfriend.



Habang naliligo hindi pa rin maalis alis sa isip ko ang panaginip ko kanikanina lang.

“Sino kaya yung gwapong lalaking yun? Bakit hindi ko na maalala itsura nya? Bakit sya magpapakasal sakin? Bakit ganun yung panaginip ko? Ano ba ibig sabihin nun?” mga tanong na naglalaro sa isip ko habang naliligo. Hindi ko man mahanap ang kasagutan sa ngayon, alam kong balang araw ay maliliwanagan din ako sa kung ano man ang ibig sabihin ng panaginip ko na iyon.




Habang hinihintay namin ni besfriend ang ka-eyebol nya, hindi ako mapakali sa aking upuan. Bukod kasi sa hindi maalis alis sa isip ko yung panaginip ko kaninang hapon lang eh parang kinakabahan ako ng wala namang dahilan.

“Best uwi na tayo. Next time mo na imeet yung papable mo please”. Pag mamakaawa ko kay bestfriend.

“Ano!? Sabunot gusto mo? Kutos? Kalmot? Kurot? Tigilan mo nga ko best. Malapit na sila oh. kakababa lang daw nila sa car tapos ngayon pa tayo aatras?” sabi ni lukresia habang halos ingudngod na mukha ko ang cellphone nya.

“Kasi best kinakabahan ako eh.” Patuloy pa din ang pagmamakaawa ko sa bestfriend ko.

“Gaga! Kinakabahan!? Umayos ka nga best. Malapit na sila ok? Mas excited ka pa sakin eh… oh ayan na sila best.. eeiiyyy!!! Magpakatino ka Emanuel huh?! Sasabunutan kita dyan..” pagkasabi nya nun ay sabay nya saking itinuro ang dalawang lalaking papalapit sa amin.


Parang huminto ang buong paligid.

Napako ang tingin ko sa isa sa kanila.


Matikas, moreno, katamtamang laki ng pangangatawan, may nangungusap na mga mata, matangos na ilong at mga labing tila nag-aanyaya ng isang mapusok na halik. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko pero parang hindi ako makakilos. Parang pamilyar din sakin ang lalaking ito.




Biglang tumayo si bestfriend at nakipagkilala sa dalawang lalaking lumapit. Napatayo na lang din ako bigla.

“Hi there! So ikaw si Michelle?” tanong ng lalaki na kanina ko pa tinititigan. Hindi ko alam kung anong bagay ang nag-uudyok sakin upang pagmasdan syang maigi. Basta ang alam ko lang ay gusto ko ang ginagawa ko.

“Yeah! Ako si Michelle. Mich na lang for short. Ikaw si Enrico right? Ito pala bestfriend ko, si Eban.” Sabay hila ni bruhilda sa kamay ko para makipagshake-hands.

Nang maghawak ang aming mga kamay, tila may milyong boltahe ang dumaloy sa buong katauhan ko.

Nang mapadako ang aking paningin sa maamo nyang mukha ay sya namang pagtatagpo ng aming mga mata. Nagkatitigan kami.





Panandalian kaming napahinto…









Ninamnam ko ang sandaling magkahawak ang aming kamay.

Nanginginig ang mga tuhod ko. Tila ano mang oras ay bibigay na ang mga ito at matutumba ako. Nalulusaw ako sa pagkakatitig nya, ngunit gusto ko ang pakiramdam. Parang ayaw kong matapos pa.

.
.
.
.









“Nice meeting you Eban. I’m Enrico. Ric na lang for short.”









Sabay bitiw ng nakahuhumaling na ngiti.






Itutuloy…..

Saturday, September 11, 2010

EBAN of All Times!!!

Hi there! This will be my very first story ever! Hindi naman kasi talaga ako mahilig magsulat, just that wala akong magawa dito sa office. Anyway, sana magustuhan nyo tong kwento ko.

Sa mga writer na friends ko, hulaan nyo kung sino ko!!! Hehe...

Enjoy reading…

Mga.lahi.ni.eban@gmail.com

mgalahinieban.blogspot.com


_______________________________________________________________________________

EBBBAAAAAAAAANNNNNN!!!!!!!”.

Ginising ako ng napakalakas na boses na nanggaling sa bibig ng halimaw, este, ng nanay ko pala.

“Ano ka bang lalaki ka? Wala ka na bang ibang aatupagin sa buhay mo kundi ang matulog? Matulog ng matulog ng matulog? Eh kung patayin na kaya kita ng hindi ka na magising para habang buhay ka ng tulog??!” bulyaw ni nanay sabay hampas ng unan at kumot sa mukha ko kahit na nakapikit pa kong bumangon… haay buhay...

“araykop! Nay naman ito na nga lang libangan ko eh!!” angal ko.

“Amputa!! Libangan? Ulol! Libangan mo mukha mo! Tarantado ‘tong batang to. Bilisan mo at plantsahin mo na ang gown ko! Bilis at maliligo pa ko!”.

“San na naman bang lakad mo nay?” inis kong tanong kay nanay habang patamad na tumayo.

“Bakit ba?! Ang dami mong tanong huh?! Magplansta ka na lang at malelate na ko sa appointment ko! Bilis!! Ang bagal!!! Ano ka ba? Turtle? Turtle?” sigaw na naman ni nanay sakin. Nanlalaki pa ang mga mata. Kala mo kakainin na ang gwapong anak nya.

“Madami ba yun? Isa lang yun huh? Saka ang dami nyo ng alam nay huh?. May pa apo-appointment, pa turtle turtle pa kayo.” Naaasar na natatawa tuloy ako.

“Syempre sexy!” kumekembot pa habang nanghahalungkat ng dakit sa kabinet.

“Anong connection kaya nun?” sa isip isip ko.

Hindi ko alam kung ngingiti ako o ano..

Haayy... inaantok pa ko eh.

Bakasyon naman kaya dapat nagpapahinga lang ako. Kaso no choice dahil ako ang pinakamatanda dito sa bahay dahil si kuya at ate eh nagtatrabaho na. Pagkagraduate ko parang katulong na tuloy ako. Hindi naman kasi kami mayaman pero hindi din kami mahirap kaya hindi namin kayang kumuha ng katulong.

Ayaw ko namang tatamad tamad din ako dahil ako lang naman walang gagawin sa bahay. Mga bata pa ang mga sumunod sakin. Si nanay naman nagtatrabaho din.

Matagal na din kasi mula nung pumanaw si tatay dahil sa sakit sa puso. Nasa lahi na kasi namin yung sakit na yun kaya si nanay na ang nagtaguyod sa aming anim na magkakapatid. Mag-isa lang ni nanay pinag-aral si ate at kuya. Ng makagraduate sila ate, tumulong na sila kay nanay.

Ngayon hindi ko alam kung saan na naman tutungo si nanay. Basta ang alam ko para din sa aming magkakapatid ang ginagawa nya.


Ito ang buhay ko... gaya ng iba may lihim na itinatago. Ako nga pala si Emanuel Benedicto Lopez, Eban for short, ewan ko ba kung saan nakuha ng magulang ko ang Eban na yan...

Habang nag-paplantsa ako sa kwarto ni nanay, may isang malanding baklang babae ang lumitaw mula sa ilalim ng lupa.

BULAGA!!

“Ay p*ta!” muntikan ko ng masuntok mukha ng bestfriend ko.!

“P*cha naman best! Ano ka ba? Kita mo ng nagpaplantsa ako eh!” parang gusto kong ihampas sa mukha ng bestfrend ko yung plantsang hawak hawak ko.

“hahaha to naman parang di na mabiro. Saka masyado mo naman kasing dinidibdib yan best. Wala ka namang dibdib. Wala kang suso oh tignan mo oh. Saka ang gwapo gwapo mo bestfriend taga-plantsa ka lang? haha” pinisil pisil pa dibdib ko..

“Adik! Natural lalaki ako kaya wala akong dibdib. Saka wala kaming katulong dahil mahirap lang kami. Yabang neto porke may yaya sila. Mayaman kayo eh!”

Plakk..

“ouch! Ano ba?”

“Drama mo best! Tampo tampo ka pa”. Sabay irap ni lukresia..

“Kelangan talaga may batok? Huh?”

“Hahaha syempre! Bilisan mo na nga jan. Anong oras na oh!” baliw talaga tong bestfriend ko. Tatawa tapos biglang simangot..

“Tae naman! Madami pa kong gagawin best. San mo na naman ba ako dadalhin nyan? Tae ka best, magpopokpok ka na lang isasama mo pa ko?”

“Gaga! Pokpok ka jan? Remember imimeet natin ngayon yung txtmate ko? Saka sa ganda kong to? Magpopokpok ako? Duh?!”.

Pucha. Landi talaga netong bestfriend ko.. tsk tsk.. sino na naman kaya tong imimeet ni bestfriend? Nung isang buwan mukhang adik, tapos last week mukhang lolo. Ano naman kaya ngayon? Alien na ba? Alien? Haay...

“Oh ano na? Natahimik ka? Tandaan mo bestfriend PAPA to! PAPA! Bwahaha!! Ang gwapo neto best!!!!!!! Grabe ang gwapo gwapo nya sa facebook!! Isasama din daw nya bestfriend nya!!! At papable din best!! Tig-isa tayo best!! Mag kaka papa na din ang bestfriend ko!!” may mapikit pikit pa.. parang kinikilig na nangdidiri lang..

“Taena itikom mo nga muna yang pekpek ng bibig mo. Mamaya may makarinig sayo”

“Naku best promise papable to! Eeeiiiyyyy!!! Basta sama ka best huh? Samahan mo ko? Pero wag mo aagawin si papa sakin ok? Sayo na yung bestfriend nya.. hehe.. Antayin kita sa bahay. Pakamusta na lang kay tita!! babuusshhh!!” pakembot kembot pang lumakad si lukresia kahit na palo-palo ang mga hita..

Yan ang bestfriend kong si mich. Naging classmate ko mula 1st to 4th yr sa high school. Feel at home na yan kasi kasundo nya ang buong pamilya ko kaya kahit sang parte ng bahay namin eh malayang naglalakbay yang mokong na yan.

Lukresia madalas tawag ko sa kanya. Sa kabila kasi ng pisikal na kagandahang taglay nya eh isang baklang babaeng baliw ang makikita mo pagnakilala mo sya ng lubusan. Yun ang naging dahilan kaya gumaan ang loob ko sa kanya. Hangang sa naging magbestfriend kami at sinabi ko ang mga sikreto ko sa kanya. At take note huh? Certified single yang best ko.

“Haayy. Landi talaga nitong bestfriend ko” sa isip isip ko.

“Pero sige sasama na din ako. Malay mo kalahi ko din yung isa dun sa sinasabi nyang papable na imimeet namin tapos magkagusto sakin? Hehe. Landi ko din pala” natawa na lang ako sa mga iniisip ko..


Itutuloy…….

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails