Followers

Saturday, October 2, 2010

Eban of All Times - Part3

sorry po kung medyo natagalan ako sa pag-update..
best mahal na mahal po kita.. mwaahhh..
bunso thanks sa lahat..

bati mode:
Marquee, Darkboy13 at sa iba pa.. thanks po.. medyo madami pong problem ngayon kaya hirap magupdate..
more comments please..

BLOGSPOT : mgalahinieban.blogspot.com (Pa-follow nalang po... salamat po)
FACEBOOK : mga.lahi.ni.eban@gmail.com (pa-add nalang po... salamat po)

Paglalahad ni Enrico.

Hindi ako makatulog. Pilit na sumisiksik sa utak ko ang malambot nyang palad, ang mga ngiti nya, ang paraan ng pagtitig nya sakin.

Kung hindi ko siguro nakontrol ang katawan ko kanina siguradong bumagsak na ko sa harapan nya dahil sa panginginig ng tuhod ko. Mapapahiya pa tuloy ako.





Dahil sa nararamdaman ko, mas pinili kong kausapin muna si Nico, ang bestfriend ko.

Nic gising ka pa ba? Pwede tumawag?” txt ko sa bestfriend ko.

Ok sige tawag ka.” Kaagad na nagreply si bestfriend.

Mula pagkabata si Nico na ang kasundo ko. Magkaklase kami mula grade 5 hanggang 4th yr high school. Magkasundo sa lahat ng bagay, sa lahat ng kalokohan. Sya ang sandalan ko sa lahat ng problema lalo na ng pumanaw ang aking ina dahil sa sakit sa puso. Mag-isa lang naman kasi akong anak kaya wala akong kapatid na pwedeng makausap at malabasan ng sama ng loob. Hindi ko rin naman kasundo ang ama kong isang inhinyero na mas naging malamig pa sakin mula ng pumanaw ang aking ina.

Si Nico na lang ang naging kaagapay ko sa lahat ng bagay lalo na sa pag-ibig. Sya kasi ang nagiging tulay pag may nagugustuhan ako. Ngunit hindi talaga pwedeng hindi subukan ng pagkakataon ang pagkakaibigan namin.  

Dahil na din sa pagiging sobrang malapit namin sa isa’t isa, natuto akong magmahal sa isang taong kahit kailan ay hindi ko inisip na iibigin ko ng higit pa sa isang matalik na kaibigan. Sinubukan kong kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana.

Sa pagdaan kasi ng araw na lagi kaming magkasama eh lalong lumalim ang nararamdaman ko sa kanya lalo pa’t napakabait nya sakin. Napakasweet. Sa kabilang banda, iniisip ko na kung aaminin ko sa kanya kung ano talaga sya para sa akin ay baka maglaho lang na parang bula ang matatag na pagkakaibigan na binuo na ng panahon. Kaya nabuo na sa isipan ko ang desisyong pipigilin ko kung ano man ang nararamdaman ko sa. At para mas maging effective ang paglimot ko, panandalian muna akong lumayo.

Ngayon, ok na ang lahat sa amin. Nasabi ko na kung ano man ang mga sikreto ng pagkatao ko sa kanya at tinanggap naman ako ni Nico kung ano talaga ako.



Dinial ko ang number ni bestfriend at agad naman nyang sinagot ito.

“Hey best. Musta?” tanong ko kay bestfriend.

“Dude kanina lang magkasama tayo huh? Miss mo na ko agad? hehe” sagot ni bestfriend.

“Tado! Hindi lang ako makatulog. Wala akong maka-usap eh.”

“Hmm. Bakit naman dude? May problema ka ba?” nag-aalalang tanong ni bestfriend.

“Dude pare hindi ko alam kung paano ko uumpisahan eh” sabi ko.

“Pare I smell something fishy huh? hahaha” sabay halakhak ng siraulo.

“Gago ka talaga Nico. May problema na nga yung tao pagtatawanan mo pa.” Pagmamaktol ko.

“Hehe peace dude! Easy ka lang best. Hmm, para kasing may idea na ko kung ano yang problema mo eh. Hehe” mukhang may ideya na nga ang loko.


“Is this about Mich?



o about Eban?”

Kilalang kilala na talaga ako ng bestfriend ko kaya hindi na ko nagdalawang isip na sabihin sa kanya kung ano nga ang gumugulo sa isip ko.

Para namang gustong kapusin ng hininga ko ng banggitin ni Nic ang pangalan ni Eban. Ewan ko ba, kahit pangalan nya iba talaga ang epekto sakin.


“Uhm, pare mukhang tagilid talaga ako pagdating sa pagpili ng mamahalin eh.” Nahihiya kong tugon kay bestfriend.

Sabay naman ng pag-amin kong MULI ay ang kagago gagong halakhak ng bestfriend ko.

“Tangna ka best. Pinagtatawanan mo ba ko??” naaasar kong turan kay Nico.

“Haha. Sabi ko na nga ba eh! Tarantado ka talaga best. Nadampian ka lang ng palad, naghawak lang ang kamay nyo iba na agad nararamdaman mo?” tangna mukhang ayaw maniwala ng bestfriend ko ah.

“Pare iba to promise. Iba to sa lahat ng naikwento ko sayo. Iba to sa lahat ng nakita’t naramdaman ko pare.” Pangungumbinsi ko kay bestfriend.

“Hmm mukhang seryoso tayo dude huh? haha” pangaasar pa ni Nico.

“Tangna ka best naasar na ko sayo huh? Seryoso ko! Ano ka ba?!” asar na talaga ako.

“Hehe biro lang dude. Kaw naman asar agad. Uhm, pagpapalit mo na ko kay Eban?” nakakalokong tanong ng bestfriend ko.

“Gago!”

“ Love at first sight pare! Haha” tawa lang si bestfriend.

“Sige tawa pa..”

“Hehe best naman. Parang di na nasanay sa mga banat ko. Kaya pala parang may kakaiba kanina huh? Nagkakailangan ba? Haha.” Nanggagago pa din si Nic.

“Anyways, alam mo naman best na lagi kong sinusuportahan mga kagustuhan at desisyon mo di ba? Pare notice your feelings, let them flow. Kung talagang gusto mo ang isang tao, edi sige, go for the goal. Nga lang, hindi ko alam kung magkalahi kayo ni Eban. Basta dude andito lang ako. Malay mo di ba?” Seryosong pahayag ni bestfriend. Haaayy, siguro kung hindi ko nararamdaman tong pagmamahal na to kay Eban siguradong maiinlove na naman ako sa bestfriend ko. Sino ba namang hindi? Eh napasweet at maalalahanin nitong bestfriend ko bukod pa sa may itsura.

“Thanks dude. Maaasahan ka talaga.”

“Oh pare baka mainlove ka na naman nyan sakin huh? haha” banat na naman si loko.

“Gago.”

“Hehe. Oh ano best ok ka na?”

“Uhm ok na best. Thanks talaga Nic.” Pagpapasalamat ko sa bestfriend ko. Medyo gumaan na kasi ang pakiramdam ko lalo’t alam kong may sumusuporta sakin. Hindi man sigurado kung may magandang resulta itong nararamdaman ko, atleast siguradong may sumusuporta sa kung ano man ang gagawin kong hakbang. Basta gagawa ako ng paraan para mapalapit ako kay Eban.

“No problem dude. Para saan pa’t naging magbestfriend tayo kung hindi naman nagdadamayan di ba? Di ba? Di ba?! hehe”

“Adik ka talaga best. Sige na thanks ulit and good night.” Pagpapaalam ko kay nico.

“Good night kiss wala ba? Haha” banat na naman si loko.

“Tarantado. Sige na baka mahalikan mo kamao ko.”

“Haha. Sige na nga. Good night dude.” Pagkasabi nito’y pinindot ko na din ang end call. Malaki ang pasasalamat ko dahil binigyan ako ng kaibigang maunawain. Bukas ang isip sa lahat ng aspeto ng buhay. Positibo kung mag-isip. Nga lang, maloko din.


Bumaba ako upang kumuha ng tubig. Ngayon ko lang napansin na halos tuyo na pala ang lalamunan ko dahil sa uhaw.

Pagka-inom ng isang basong tubig, pumanhik din ako agad sa kwarto ko. Inayos ko ulit ang higaan ko at humiga para makapagpahinga na. Pero makulit parin ang mga pangyayari. Hindi maalis alis sa isip ko ang nakangiting mukha ni Eban.

Tumayo ako. Humarap sa salamin. Tinignan ang lahat ng anggulo ng aking mukha. Pinuna ko isa isa ang mga parte nito. Ngayon ko lang naisip, may itsura pala talaga ako. Itsurang namana ko sa aking ina. Itsurang ipinagmamalaki ng aking ina hindi lang sa mga kamag-anak namin, kundi pati sa lahat ng kakilala at sa iba. Siguro talagang wala lang akong kompiyansa dati sa sarili. Mahiyain kasi ako. Naisip ko tuloy, kung nagtiwala lang siguro ako dati sa mga kakayahan ko siguro kahit papaano masaya si Mama bago sya kinuha ng Diyos. At siguro kahit papaano naging malapit ako sa aking ama.

Bata palang kasi ako pangarap na nila mama na maging isang modelo ang kanilang nag-iisang anak. Nuong tumuntong ako ng highschool, may mga nag-alok na sa akin para maging isang modelo. Pero dahil ayaw ko eh wala ring nangyayari sa mga pagtiyatiyaga ng mga nag-aalok. Pangarap ko kasi maging isang writer. Bukod kasi sa maaari akong makapagbigay ng kasiyahan sa iba, matutulungan ko pa ang sarili kong mailabas kung ano man ang saloobin ko sa pamamagitan ng pagsusulat.

Hindi na din ako pinilit ni mama dahil tulad ng isang mapagmahal at ulirang ina, lagi syang sumusuporta sa kung ano man ang desisyon ng kanyang anak. Pero si papa hindi sang-ayon sa kagustuhan ko. Lagi nyang dahilan, nag-iisang anak na nga lang nila ako hindi ko pa mabigay ang pangarap nilang magkaroon ng isang modelo at sikat na anak. Tutol din sya sa hilig ko,ang pagsusulat. Duon nagsimulang lumayo ang loob ni papa sakin.

Hindi din talaga mapapantayan ang pagmamahal ng isang ina. Hindi ko napigil ang pagdaloy ng luha ng pangungulila sa isang ina. Para tuloy gusto kong sisihin ang sarili ko.



Bumalik ako sa higaan ko. Pilit na hinahagilap ang antok.  Maramin paring mga bagay ang naglalaro sa isip ko. Nanduon yung mga nakaraan kong pag-ibig. Yung masasayang araw namin nila mama nung nabubuhay pa sya. At ang pangarap at pangako kay mama bago sya nawala na magbibigay ako ng isang masayang pamilya at magiging isang ulirang ama.

Kinabahan ako. Natakot ako bigla. Naalala ko si Eban. Si Eban na hindi ko pa man nakikilala ng lubos ay alam kong mahal ko na. Mahirap paniwalaan pero oo. Mahal ko na sya unang pagkikita palang namin. Pero natatakot ako. Natatakot akong hindi ko maisakatuparan ang pangako ko kay mama.

Pumikit ako at pilit na inaalis sa puso ang pangamba at unti unting bumalik sa isipan ko ang pangyayari kanina. Ang unang pagkikita naming ni Eban…


“Nice meeting you Eban. I’m Enrico. Ric na lang for short.” Pagkasabi nito’y inabot ko ang kamay ko para makipagkamay sa kanya. Pilit akong ngumiti ng pagkatamis tamis para maitago ang kaba.

“Likewise.” tipid na sagot ni Eban sabay ngiti.

Napatitig ako sa mga mata nya. Unang beses ko palang syang nakita pero bakit ganito agad ang nararamdaman ko?

Tenyonado. Nanginginig talaga ako sa kaba.

Napansin siguro ng bestfriend ko na si Nico at ni Mich ,na dapat na ka-eyebol ko, ang pagtititigan at matagal na pakikipagkamay namin ni Eban sa isa’t isa.

“Ehem” si Mich. Saka lang ako natauhan. Nahiya tuloy akong bigla. Mabilis pa sa alas-kwatro kong kinalas ang kamay ko sa kamay ni Eban.

“Tara order na tayo?”biglang  tanong ko sa kanilang tatlo na parang wala lang. Sumang-ayon naman agad si Mich. Mukhang gutom na eh.

Hindi ako nakakain ng maayos. Paano naman panay kasi ang tingin sakin ni Eban. Lagi tuloy nagtatagpo ang mga mata namin ngunit syempre kahit na kabado eh ibayong kilig naman ang dulot nito sakin.

“Eban ang kalat mo palang kumain. hehe” pagkasabi nito’y agad kong pinunasan ng tissue ang kapiraso ng kanyang kinakain sa malapit sa nya. Kinakabahan padin ako pero nagawa ko to. Gusto kong magpapansin. Gusto kong magpakitang gilas.

Napatingin naman si bestfriend sakin sa ginawa ko. Tila nagpapahiwatig na tigilan yung ginagawa ko dahil pangit nga naman sa mga lalaki ang magpunasan ng labi di ba? Pero tumingin din ako kay bestfriend na nagpapahiwatig na hayaan ako sa ginagawa ko dahil gusto ko yun.

Pagkatapos kumain syampre gumala kami. Nanuod din kami ng sine at nilibot ang buong mall. Madami kaming napag-usapan. Nandyan ang highschool life, pamilya at syempre ang buhay pag-ibig. Usapang pamilya, doon ako nagumpisang mag-kwento.

“Buti nga kayo buo ang pamilya. May mga kapatid, mapagmahal na ina at ama. Ako, eto, ilag sa ama. Ulila na sa ina.”

Napatingin sakin si Eban. Nababasa ko, may awa sa mga mata nya. Sa napagandang mga mata nya. Sinuklian ko lang ng ngiti ang pagtitig na iyon.

Madalas si Mich at si bestfriend ang bangka sa kwentuhan namin. Para tuloy sila ang magka-eyebol. Mukhang nagkakahulihan na din sila ng loob. Pero paminsan minsan naman sumisingit pa din kami ni Eban sa usapan.

Nung napagusapan ang buhay pag-ibig hindi ko naiwasang mailang. Syempre hindi pa nila alam na bi ako at ngayon nga eh parang pinana na naman ako ni kupido ngunit nagkwento padin ako tungkol sa mga nakaraang pag-ibig ko sa babae.

Madami akong nalaman kay Eban. Tuwing nagkikwento kasi sya eh nakikinig ako ng mabuti. Nandyan yung kung paano sila nagkakilala ni Michelle. Kung gaano naging kahirap para sa mama nya na palakihin sila ng nag-iisa. At doon ko nalaman na parehas pala kami na iisa na lang ang magulang.

Mag-aalas-dyes na ng magdesisyon kaming umuwi.

“So guys, thanks sa time. Masarap kayong kasama. Lalo kana Mich. hehe” pagpapasaamat ng bestfriend ko na may kasama pang kindat. Ako naman parang nalulungkot kahit na alam kong eventually eh maghihiwalay hiwalay din kami.

“Yup, thanks din huh? So ano? Kita kita ulit tayong apat bukas?” si Michelle.

Bigla naman akong natuwa sa pag-anyaya na yun ni Michelle.

“Yeah sure! Ano Eban? Pwede ka din ba bukas?” tanong kong bigla kay Eban.

Nakita kong tinignan ni Michelle si Eban. Kasabay naman nun ay ang pagpayag niya.














itutuloy...

1 comment:

  1. Amp eban!

    Bat ganun...

    Ric pangalan ko at nico rin bespren ko!

    Wah at dati rin loves ko si bespren nico ko!

    wah bwisit!

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails