Followers

Tuesday, October 12, 2010

SI KUYA MIKE ANG TEXTMATE KO[2]

Author’s note:
Pasensya na kayo kung matagal ako mag update kasi busy ako sa studies eh. tnt
Actually nasa part 6 na ako sa pagsusulat nito at nasa long bond paper pa po. Hehe

Binabati ko nga pala si White_pal, Erylle, Darkboy13
at royvan. :)
Ito na po ang part 2 ng kwento ko.

Announcement:

Doon pos a mga nagrerequest ng copy ng Idol Ko Si Sir ay paki email po ako together with you follower name! salamat po!
At ung AKKCNB at SUAACK gagawan ko pa ng Video. Wahahaha joke lang po!

keep on voting po kay kuya mike bukas po kayo ng tatlong windows para masaya nadyan si Mozilla, Google Chrome at Enternet Explorer ganyan po ang ginagawa ko pag boto :)



By: oonheru

email: watashioonheru03@gmail.com

facebook: oonheru@facebook.com

twitter: @oonheru

website: http://wattpad.com/oonheru


Pagpasok ko sa loob ng classroom kaunti pa lang ang tao sa loob at dahil wala pa akong kakilala sa kanila humanap ako ng pwesto at sa hulihan ako umupo.Dumating naman ang iba ko pang mga kaklase at dumating na rin ang professor namin. Makalipas ang sampung minuto may pumasok na studyante at mukhang naliligaw



“Sir excuse po Algebra po ba ang subject dito?”-ang tanong niya.


“yes”-ang maipid na sagot n aming professor.


Agad naman siyang humanap ng mauupuan at ewan ko ba sa inamirami ng bakanteng upuan ay sa tabi ko pa siya umupo. Maya-maya nagsalita siya


“Hi i’m Francis ikaw ano ang pangalan mo?”


ako naming si tanga eh nakatitig na pala ako sa kanya, syempre sayo ba naman magpakilala ang napaka gwapong lalaki sa room sa yon kung hindi ka matulala.


“Tol ayos ka lang ba?-ang tanong niya ulit na mejo nakangiti.


“ah eh ako si Prince maky, marky na lang ang itawag mo sa akin”-ang mabilis kong sagot.


“wow, nice name ah”-ang sagot nya uli.


“hehe salamat”. “Ano nga palang course mo?-ang tanong niya ulit.

“Computer Engineering ikaw ba?”.

“Computer Engineering din”-sagot naman niya.

“ah pareho pala tayo ng course”-sabi ko naman

“Ano ang kasunod mong subject after nito?” ang tanong niya ulit. In fairness ang dami nyang tanong feeling close na siya sa akin pero okey lang cute naman.

“Spherical and plane Trigonometry, ikaw ba?

“ganun din”


At napag alaman naming na mag kaklase kami sa lahat ng subject.At iyon ang simula ng pagkakakilala naming dalawa.


Alas singko na ng hapon at naisipan ko ng umuwi ng boarding house, dahil wala na akong klase sa araw na iyon. Naglalakad ako sa pasilyo ng aming building ng biglang may tumawag sa pangalan ko.


“Marky!!!!!!”


Napalingon naman ako sa pinanggalingan ng boses na iyon, nasa second floor pala ang tumawag sa akin, si Francis. Sinenyasan ko siya kung bakit at kinuha niya ang kanyang cellphone sa bag at pinindot-pindot ito. Nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin, gusto niyang hingiin ang cellphone number ko. Hindi ko naman kayang sign language ang number kaya pasigaw ko itong sinabi sa kanya dahil wala naming gaanong estudyante nung hapon na iyon.


“091224*****. “Ok na ba?-ang tanong ko sa kanya.


“Paki ulit nga”


At tatlong beses kong inulit ang number ko bago niya nakuha. Pagkatapos noon dumiretso na ako pauwi sa boarding house.


Pag dating ko nandoon na rin ang iba ko pang boardmates. Ipinakilala naman ako ni kuya sa kanila.


“Tol ito nga pala si Mark, Manuel, Martin, Michael, Marvin, at Mandy” agad naman akong tumango.


“At ito naman ang utol ko si Marky”- ang pagpapakilala naman sa akin ni kuya.Akalain mo puro letter M ang simula ng aming mga pangalan sa kwartong yon, siguro coincidence lang talaga sa isip-isip ko.


Si kuya ay Civil Engineering at second year na. Iyon kasi ang pangarap ni nanay at tatay sa amin para daw makapunta kami sa abroad kasi nga in demand daw ang mga engineer. Pangarap ko talaga ang maging isang engineer simula elementary pa lang ako. Napag alaman ko rin na puro engineering ang course ng mga kasama namin sa kwarto.


“Marky, pag may assignment ka sa math magpaturo ka sa akin magaling ako dyan”-ang pagmamayabang ni kuya Martin.


“Woo!! Magaling daw eh bagsak ka nga sa Calculus eh”-ang pagsabat naman ni kuya Mandy.


“Hoy! Nagkataon lang na si Ma’am Santos ang Professor ko kaya bumagsak ako eh nag mamagic yun ng grade eh.”-ang pag depensa naman ni kuya Martin


“hahaha ang malas mo naman”-ang sabi naman ni kuya ko.


“Kaya ikaw Marky mag-iingat ka kay Ma’am Santos pag naging prof. mo iyon lagot ka. Hehe”-ang sabi naman ni kuya Marvin.


“Hay naku Marvin isa ka pa magigi ka na ngang Magna sa Engineering Eh”-si kuya Mark.

“Anong Magna?”-si kuya Marvin

“Edi ano pa Magna nine years”-sabat ni kuya ko. Tawanan lahat kami!

“Eh ikaw nga Summa”-si Kuya Marvin


“Tama! Summa Cum Laude sa talino kong ito, puro uno yata ang grades ko hahaha”-ang pagmamayabang ni kuya Mark

“Adik ka! Summa sampung taon. Gago” Tawanan nanaman kaming lahat


“Wag ka nang magtaka mayayabang talaga ang mga engineering”-si kuya ko.


At bago kami matulog puro pasikatan sila, tawanan ng tawanan puro payabangan ang isat-isa, basta ang saya sa aming kwarto. At dahil sa ako ang pinaka bata sa aming kwarto kuya na ang tawag ko sa kanilang lahat.

Kinabukasan nagising ako dahil sa sobrang lakas ng tunog ng cellphone ko. May tumatawag pala, number lang hindi kasi naka register sa phonebook ko.

“Hello sino ito?”

“Si Francis ito tol”

“Oh bakit ang aga aga naman ng tawag mo?

“itatanong ko lang kung nakagawa ka na ng assignment natin sa Algebra?”

“ha???????”-naalala ko na may assignment nga pa lang ibinigay ang prof. naming kahapon.

“ah wala pa, nalimutan ko, ikaw ba?”

“Meron na ako, pakopyahin na lang kita mamaya”

“okey sige salamat” At pinatay ko na ang cellphone ko. Agad naman akong bumangon para mag almusal at pagkatapos noon ay naligo na rin ako.

Pagdating ko sa building naming agad ko naming tinext si Francis.

“tol asan ka?”

“Andito ako sa room 214”

“Ah sige papunta na ako dyan”

Umakyat naman ako sa ika-apat na palapag ng aming building at nakita ko sa Francis nakatayo sa may pintuan at mukhang may hinihintay. Napahinto naman ako sa aking pag lakad kasi nakita ko ang zipper ng kanyang pantalon na naka bukas



(ITUTULOY)

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails