Author's Note:
keep on voting po kay kuya mike bukas po kayo ng tatlong windows para masaya nadyan si Mozilla, Google Chrome at Enternet Explorer ganyan po ang ginagawa ko pag boto :)
Batian portion:
Binabati ko nga pala si kuya mike. tnt Ingat ka dyan palagi. Nakaka inspired talagang mag sulat. hehehe :)
SAKA SI darkboy18 at Chack :)
By: oonheru
email: watashioonheru03@gmail.com
facebook: oonheru@facebook.com
twitter: @oonheru
website: http://wattpad.com/oonheru
Kitang kita ko ang kulay puti niyang brief sa loob ng kanyang pantalon at sigurado ako na malaki iyon. Hehehe Nang makita na niya ako halos abot tenga naman ang ngiti ng mokong.
Agad naman niyang ibinigay sa akin ang assignment namin sa algebra.
"tol kopya ka na para hindi ka na mahirapan mag isip ng isasagot at wala ka na ring time magsagot kAsi malapit na tayong mag time"
"okey okey pero bago ang lahat isara mo nga yang zipper mo, siguro may ginawa ka kanina ano?" sabay tawa ako ng malakas.
"hahaha wala kaya, automatic talaga itong bumubukas"
"Ah ganon?" Sabay tawa ulit.
Tumawa naman si Francis at ewan ko parang may ibig sabihin ang kanyang mga ngiti pero hindi ko na lang iyon pinansin dahil normal lang iyon sa kanya. hehehe
Actually GWAPO si Francis, nasa 5'8 ang kanyang tangkad, makinis ang mukha at ang pinaka gusto ko sa kanya ay ang kanyang dimple sa pisngi. Napakagandang tingnan noon lalo na kapag ngumingiti siya, parang si Rico Yan ba?(sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa).
At kapag nakita mo siyang nakangiti sayo mahihipnotismo ka talaga kaya minsan natutulala ako kapag magkausap kami tapos bigla naman niyang pipindutin ang aking ilong sabay tawa. Para nga kaming mag jowa. hahaha.
Lumipas ang mga araw, linggo, buwan at taon sa wakas thirdyear college na kami. wala ring nagbago sa pagkakaibigan namin ni francis ganun pa rin tulad ng dati na laging magkasama, kumakain sa labas, at magkatulong palagi sa mga assigment namin lalo na sa programming.
Araw ng linggo noon at talagang nakakainip sa boarding house dahil kami lang ni kuya ko ang tao dun kasi ang mga boardmates namin ay nagsipag uwian sa kanilang mga bayan. kami lang siguro ni kuya ang malayo ang bayan kasi tawid dagat pa. Syempre hindi kami mag eeffort na umuwi kasi 12hours ang byahe papunta sa amin.
Oo 12hours talaga at nakakabagot sa byahe sobrang hirap talaga kaya nga minsan pag summer o seambreak lang kami umuuwi minsan ay tinatamad kaming umuwi ni kuya lalo na kapag malakas pa ang dagat. Hay buhay pero napipilitan parin kaming umuwi dahil na mimiss na namin ang aming bayan at syempre ang aming mga kapamilya.
Binuksan ko ang television at nanood ng cinema one ang panget na palabas, iyon at iyon na lang lagi ang napapanood ko. Tanda ko na ang mga mangyayari dahil paulit-ulit lang ito. Nilipat ko ulit ang channel at wala talagang magandang palabas ng araw na iyon. Bwisit! Talaga!
"Tol nakakainip dito sa boarding house tara mag gala?" si kuya
"Saan naman tayo pupunta?" ang sagot ko
"Mag e SM tayo!"
"Libre mo ba?"
"Hahaha adik ka. Sige na diba kapapadala pa lang ni mama sa ATM?"
"Ayaw ko nga dito na lang ako" ang pagpapakipot ko, pero gusto ko talagang sumama. Hehehe
"Dali na bunso ko" ang pagmamakaawa nya
"Hmmmmmmm pg iisipan ko ng matagal... oh sige na nga" haha ang tagal kong mag isip noh?
"Yan ang bunso ko." sabay yakap naman ni kuya sa akin.
"Oh sige maliligo na muna ako para fresh na fresh ang dating"
"Sabay na tayong maligo tutal malawak naman ang banyo" si kuya
"Ayaw ko ng may kasabay maligo"
"At bakit naman? nahihiya ka ba sa akin?"
"Hindi, basta ayaw ko lang ng may kasabay"
"Asus anu ka ba magkapatid naman tayo at meron din ako nyan" sabay kapa sa harapan ko.
"Arrrayyy ko!"
Tumawa naman siya at wala akong nagawa kundi ang umuo na lang.
At dali daling kumuha ng kanyang tuwalya at brief sa kanyang locker. Walang malisya iyon sa kanya pero sa akin meron.hehehe chos! Kumuha na rin ako ng tuwalya at brief at pumasok na ako sa banyo.
As usual naliligo ako ng walang suot kahit ano. Kayo ba? Binuksan ko na ang shower at nagsabon na rin ako ng aking katawan. Maya-maya bumukas ang pintuan at pumasok si kuya agad agad naman siyang naghubad na parang walang kasama.
Pagkatapos naming maligo nagbihis agad kami at pumunta na ng SM. Tuwang tuwa naman ako dahil naglaro kami sa Quantum ng Dance Maniax. Hehehe parang tanga namin doong dalawa tawa kami ng tawa ni kuya kasi nag cocontest kami sa pagsasayaw. Magaling talaga ako sumayaw ganun din si kuya. Totoo yun. :)
Nang mapagod na kami kumain muna kami sa Jollibee, si kuya ang umorder ng pagkain namin at ako ay humanap ng mauupuan namin. Sa paghahanap ko ng upuan nakita ko si Francis na may kasamang babae. Ewan ko ba parang may kung anong selos ang aking naramdaman. Ang sakit, at bakit ako magseselos eh magkaibigan lang kami? Ano itong nararamdaman ko? Tama ba ito? Ah ang gulo ng aking isipan! Ah ewan ko!!
Nakita ako ni Francis at tinawag niya ako!
"Uy Marky, anong ginagawa mo dito?"
"Ah namasyal kami ng kuya ko wala kasing magawa sa boarding house, ikaw anong ginagawa mo dito?"
"Ah namamasyal lang din, si Ana nga pala girlfriend ko" Ang pagpapakilala niya sa kanyang jowa.
Pag kasabi niya na girlfriend niya ang kanyang kasama parang dumaloy lahat ng dugo ko papunta sa aking ulo.
"Anooooo???? GIRLFRIEND mo? (ang pag emphasize ko sa salitang girlfriend) Bakit hindi mo sinabi sa akin?”
"Hehe nahihiya kasi ako sayo eh"
"Ah ok!" iyon na lang ang naisagot ko sa sobrang pakabadtrip ko. Bwisit bwisit, sa isip isip ko!
"Dito na kayo umupo tutal malawak naman ang lamesa namin.
Maya-maya dumating na si kuya.
"Oh Bunso, nakahanap ka na ba ng lamesa natin?"
"Ah oo dito na lang tayo makikishare sa kanila, kuya si Francis nga pala, Bestfriend ko at Ang Girlfriend niya"
Agad namang kinamayan ni kuya si Francis at ang kanyang girlfriend.
"Bakit hindi mo pinakikilala sa akin ang bestfriend mo?" si kuya
"Ah wala!" ang matipid kong sagot.
Hindi naman inusisa ni kuya ang pagsagot ko dahil yata sa gutom na siya.
"Ok kain na tayo nagugutom na ako eh" si kuya.
"Sige sabay sabay na tayo" si Francis.
Habang kumakain kami walamg imikan parang hindi namin kilala ang isat-isa.
"Oh bunso bakit parang biyernes santo ang mukha mo dyan, eh kanina ang saya-saya mo?"
Hindi ko naman alam ang isasagot ko. Alangan namang sabihin ko na nagseselos ako sa girlfriend ni Francis. Baka bigla na lang akong batukan ni kuya doon sa loob ng Jollibee.
"Ah napagod kasi ako sa pagsayaw natin kanina"
"ah ganoon ba?"
"Ah Francis ilang buwan na kayo ng Girlfriend mo?"
Si kuya feeling close agad. Ganyan talaga si kuya makwento sa mga bago niyang kakilala.
"Ah One month pa lang kami"
"Ah ganun ba? Kumusta naman ang pag-aaral ninyo?"
"Ok naman. ikaw ba?
"Ok lng din. Hindi ba nagloloko ang kapatid kong ito?" sabay tingin sa akin ni kuya.
"Hindi naman ang sipag nga nyang pumasok eh at lagi siyang nakakasagt sa recitation."
"Wow magaling pala ang bunso ko!" sabay gulo sa buhok ko ni kuya.
Syempre kinilig din ako ng kaunti pero mas nananaig pa rin ang selos ko! Pagkatapos naming kumain inakit ko na si kuyang umuwi.
"Kuya uwi na tayo"
"OH bakit? akala ko ba mamaya pa tayong gabi uuwi."
"Ah basta napapagod na ako" ang pag a alibi ko.
"Kayo ba Francis saan na kayo pupunta?"
"Pauwi na din kami."
"Oh sige sabay-sabay na tayong umuwi" si kuya
Wala naman akong nagawa. Kung kelan umiiwas ka sa isang tao saka naman palaging nandyan.
Nasa Van na kami pauwi sa boarding house napansin ko na ang sweet ng mag jowa na ito, animoy lalanggamin na ang sarap buhusan ng mainit na tubig! Hhmmpp! kaya inaliw ko na lang ang sarili ko sa pagbabasa ng libro ng Jokes na binili ko kanina.
Sa wakas nakarating na rin kami. Agad akong bumaba ng Van at nagpara ng Tricycle, hindi ko na sila hinintay pang makababa. Pagdating ko sa boarding house agad humiga sa aking kama.
maya-maya dumating na si kuya.
"Bakit iniwan mo kami? ang kanyang boses ay may halong pagtatampo.
"Sorry kuya napagod kasi ako sa byahe eh kaya nagmadali akong bumaba"
Tila nawala naman ang tampo ni kuya sa akin at naiintindihan niya ako.
"Ah ganoon ba sige magpahinga ka na at magpapahinga na rin ako"
Sa sobrang pagka badtrip ko nakatulog na pala ako.
Nagising ako mga bandang alas nuebe ng gabi at kumakalam ang aking tiyan. Bumangon ako at ginising ko si kuya para sabay kaming kumain.
"Kuuuuuyyyyyyyyaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!! Sunog-sunog!!"
Agad naman si kuyang nagising at nataranta sa sinabi ko.
"Ha anooo????Saan???" ang kanyang mata ay nanlalaki sa sobrang pagkabigla.
Tumawa naman ako ng malakas.
"Hahaha Joke lang kuya, tara kakain na tayo nagugutom na ako eh.
Bigla naman akong binatukan ni kuya.
"Arrrraaaayyyy!! ko"
"Yan ang dapat sayo lagi mo na lang akong pinag ti-tripan ng ganyan".
Ganoon talaga lagi ang pang gising ko kay kuya kahit nasa bahay pa kami. Hehehe Minsan pa ng hahampasin ko ang ding-ding ng kwarto namin at sisigaw pero hindi iyan nagagalit sa akin kadalasan hahabulin ko niyan at babatukan pero hindi naman masakit ang pagbatok niya sa akin.
Pagkatapos naming kumain nagpahangin muna ako sa rooftop ng aming boarding house. Iyon kasi ang paborito kong tambayan. Kitang kita mo ang buong paligid sa taas nito. Nasa ikalimang palapag ito.
Hindi parin talaga ako dalawin ng antok kaya bumaba na lang ako at humiga sa aking kama. Alas dos na noon ng madaling araw pero talagang ayaw parin akong dalawin ng antok kaya kinuha ko ang cellphone ko at nakinig na lang ng FM Radio.
"Nasaan na ba dito ang FM Radio? Ang hirap naman gamitin ng cellphone ko na ito kaasar." puro text lang kasi ang ginagawa ko. Sa pag explore ko ng pag explore ng mga folders nakita ko rin.
Ayon at pinakinggan ko ang paborito kong istasyon, ang Radyo Natin FM. Maya-maya nagsalit na ang DJ at ayon puro batian portion ang ginawa. Nagtext ako sa DJ ay nerequest ko ang paborito kong kanta at maya-maya pa pina play na ito.
Mula ng makilala ka
Nagkaroon ng bagong sigla
Nagkaroon ng kulay ang aking buhay
Nawala ang lumbay at luha
Langit ko ay ikaw
Halik ng isang anghel
Liwanag ng araw
Ang pag-ibig natiy di magmamaliw o giliw
Ang pusong ito’s sa iyo lamang mahal
Mula ng makilala
Meron na akong mapupuntahan
May karamay nangarap kahit mahirap
Lagi kang nandyan
Langit ko ay ikaw
Halik ng isang anghel
Liwanag ng araw
Ang pag-ibig nati’y di magmamaliw o giliw
Ang pusong ito’y sa iyo lamang mahal
Nang matapos na ang tugtog nagbasa uli ang DJ.
"Ok magandang umaga ulit sa inyo mga listeners, may humihingi nga pala ng number mo oonheru, kung nakikinig kapa baka pwede mong ibigay ito sa nanghihingi."
Nacurious naman ako sa humuhingi ng number ko kaya ibinigay ko ito. Sino naman kaya iyon? at bakit hinihingi niya ang number ko?
(itutuloy)
Followers
Thursday, October 14, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
No comments:
Post a Comment