WARNING: This post contains explicit scenes and is not suitable for readers below 18.
By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
Author's Note:
Ewan... lumabas lang itong kwento na ito noong nagchat kami ni Migs dito kung saan pumasok sa isip ko at nabanggit sa kanya ang sinabi minsan ng dati kong "babes" sa akin kung sakaling itatanong daw ng mga kaibigan ko kung saan ko siya napulot, ang isasagot ko daw ay napalalunan ko lang siya sa "raffle"... Sabi kasi niya na kapag nakatingin sa kanya ang mga kaibigan ko ay para daw siyang lalamunin ng buo. Sana ay madugtungan ko ang kuwento na ito. Hindi pa sure, hehehe. I need your reactions kung kailangang ituloy o ibasura, lol.
Para sa mga contributors pala... kung gusto ninyong magpost din ako sa blogspot ninyo, you can invite me. Kung intersado lang po kayo. Atsaka, kung gusto ninyong i-add ko ang blogspot ninyo sa MSOB blogroll pede din po pero please email me your url. Likewise, pede din po ninyong i-add sa blogroll ninyo ang MSOB.
Nalimutan ko rin palang banggitin si si kulit bladez_six; sa kanya na lang daw ang papa ni Zach na army dahil 30 something pa lang naman ang age noon at mukhang 20 something lang kung tingnan, atsaka machong-macho pa (Hmmm, gusto niya ang army huh!). O sige sa iyo na sya, sa amin naman si Kuya Erwin at Zach, isali na natin sina Ormhel at Dave.
Sa mga bagong entries sa book cover contest, pasensya na hindi pa na upload ni newbie. Bz sya masyado sa work. (Hmpt! Sana sa work nga - lol!)
Sa mga followers, maraming salamat. Wait lang kayo for the next scene na exclusive lang para sa inyo.
Mga commenters! Para sa may pinakamaraming comment, your name will be used bilang isa sa mga characters sa story ko, wait lang, maghahanap pa ako kung sino iyon. Pero ang comments ay not necessarily sa kwento ko kundi sa kwento na rin ng iba pang mga writers sa MSOB. Please magcomment kayo sa lahat ng akda dito para ipakita ang inyong support para mas gaganahan at ma-inspire pa silang bigyan kayo ng magagandang kwento.
Waaahhh! Daming gustong si Kuya Erwin ang maka-tuluyan ni Enzo sa Poll natin??? Hmmmmmm. Pede kaya iyon? Abangan na lang, hehehe. Madamig questions sa kwento, nalilito na ako, hehehe.
Salamat muli sa inyong suporta! Happy reading po!
-Mikejuha-
--------------------------------------
“Jun! Jun!” ang sigaw ng best friend kong si Fred habang nagtatakbo itong lumapit sa akin, bakat sa mukha ang ibayong saya. Nasa library ako noon, nagbabasa ng libro. Dahil sa di napigilang pagsigaw niya sa pangalan ko, lahat ng tao sa loob ng library ay napalingon.
Si Fred ay ang ang kauna-unahan kong kaibigan sa school na iyon. Transferee lang kasi ako at nasa first year ng kursong Liberal Arts. Confirmed gay si Fred ngunit acting straight naman bagamat paminsan-minsan ay lumalabas din ang tunay na kulay.
“Hinaan mo nga ang boses mo! Ano ka ba? Nakakahiya sa mga taong nag-aaral!” ang pigil na boses kong sagot sa kanya.
“Nakabili ako ng raffle ticket! Heto o, tig-iisa tayo!” sagot niyang pinigilan na rin ang pagsigaw.
“E, ano ngayon? Ano ba ang mayroon sa mga tickets na iyan at para kang natatae na hindi makahanap-hanap ng kubeta?” ang sagot kong pigil din ang boses.
“Doon na nga tayo sa botanical mag-usap para hindi tayo nakakaistorbo rito!” Mungkahi niya.
“Sige nga, sabihin mo sa akin kung ano ang mayroon sa ticket na iyan kung bakit para kang inaatake ng kalandian sa inasta mo?” ang tanong ko kaagad noong makaupo na kami sa damuhan sa lilim ng malaking mahogany ng botanical garden.
“May narinig ka ba tungkol sa taonang pinakaaabangan at kinababaliwang paraffle dito sa campus?” tanong niya sa akin.
“Hindi. Bakit? Ano ba ang nakakabaliw sa paraffle na iyan?” ang sagot kong may kaalituhan sa ibinigay niyang trivia.
“Hindi mo alam talaga? As in virginly innocent ka kung ano ito? As in wala talagang nakapagsabi man lang sa iyo kung anong klaseng paraffle mayroon ang campus na ito taon-taon?”
“Wala nga at hindi ko alam, ano ka ba? First year college pa lang ako, ngayon pa lang nakatungtong sa college na ito, ikaw pa lang ang kaibigan ko dito at wala namang tsismoso na lumapit sa akin, ikaw p lang! Ano yan?”
“Ay oo nga pala. Wala ka pala talagang kamuwang-muwang. O sige, ito, sasabihin ko na at huwag kang mabigla ineng ha? Itong paraffle na ito ay paraffle ng mga… lalaki!” napahinto siya at pinagmasdan ang aking reaksyon.
Syempre, lumaki ang mga mata ko sa gulat, hindi malaman kung matawa o mainis sa iniisip na niloko lang ako ng kaibigan.
“O ano? Nagulat ka…” sabi niya sabay tawa. “
“Ibig mong sabihin totoo talagang lalaki ang papremyo sa paraffle na iyan?” tanong ko uli.
Tumango siya, bakat sa mukha ang pigil na pagtawa, ang mga mata ay nakatutok sa akin.
Syempre naman, hindi ko lubos maisip na mayroon palang ganyang klaseng pa-raffle. Sa biro lang naman nangyari ang ganyan kasi, gaya ng “umulan ng mga lalaki”, “bumaha ng mga tite”, at ngayon pala, “parafle ng mga lalaki!” Parang weird. “Sandali, paano nangyari iyan? At sino ang may pakana niyan?” tanong ko uli.
“Sabi ko na nga bang magka-interes ka eh.” Ang biro ni Fred.
“Hindi ako interesado ah! Nawiweirdohan lang ako!” ang bigla ko ding pagtutol.
“That is exactly the point! Iyan ang purpose ng grupo ng mga estudyante na ito – isang activity na bago, non-traditionl, attention-grabber, weird; something that astounds the mind. At ito ang mensheng gustong iparating nila sa mga kapwa kabataan: huwag matakot mag-innovate, huwag matakot mag-experimento, huwag matakot gumawa ng hakbang na bago at naiiba… Sa taon na ito, nag tema nila ay ‘Magpapansin sa pagtulong’. O di ba bongga? At ang grupo ng mga guwapong mga estudyante na iyan ay ang makalikom ng sapat na pera para sa mga sinusuportahan nilang scholars na anak ng mga mahihirap na pamilya. Iyan ang taonan at kinababaliwang fund-raising na inaabang-abangan ng lahat! Isang henyo ang nakaimbento niyan!”
At napa-“Wow!” naman ako. Naiiba kasi talaga ang approach nila at napakaganda rin ng hangarin. “At ano naman ang gagawin ng mga nanalo sa kanila?”
“Hmmmm! Malisyoso ang tanong mo ano?” Ang biro naman ni Fred na pabirong inismid ang mukha.
“Syempre naman may malisya talagang naglalaro sa utak ko. Kahit sino naman siguro ang makakarinig niyan, ang iisipin ay may bahid malisya. Ikaw ba naman ang manalo ng lalaki, ano ba ang gagawin mo sa lalaki?” Ang pabalang ko ring sagot sabay tawa g malakas.
“Ganito iyan, hija, este hijo pala… halimbawa, may ipapagawa kang assignment sa school, gusto mo ng bodyguard, gusto mo ng kasama at makausap, gusto mong magpaturo ng kung anu-ano sa kanya, gusto mong may magbasa ng novel sa iyo, may magmasahe sa iyong katawan, maghihilod sa iyonog likod sa paliligo mo, houseboy, maglinis ng iyong kwarto, kubeta, bahay, magtanim ng saging sa iyong bakuran, mag-ani ng mais o palay, magbungkal ng lupa, magpakain sa iyong mga alagang baboy, driver, o escort, kahit mag strip tease pa at pasayaw-sayawin mo sa iyong harap… bahala ka. Kahit ano basta hindi masama o nakakasakit. Slave mo siya kumbaga. Ngunit may kontrata iyan, may mga limitations din upang klaro ang arrangement. Kagaya ng dapat ay walang illegal na ipagagawa o labag sa batas ng bansa at eskwelahan, walang ipagagawang malalagay sa peligro ang buhay. At heto ang nakakaloka, ‘…tasks which are intimate, personal, or adult in nature must be consensual. And any emotional or romantic attachments arising out of the stint shall be borne by the parties involved without prejudice to the school or the organization.’ Ibig sabihin, kung may kahalayan ang ipapagawa, depende na kung payag ang prize-boy mo. Otherwise, illegal na iyan.”
“Waahh! So talagang ina-anticipate nila na may mangyaring something!”
“Siguro! At… malay natin.” sabay bitiw naman ni Fred ng nakakalokong tawa.
Parang may excitement din akong naramdaman. Iyong bang ang isip na naglalaro at nagtatanong kung ano ang mangyayri kung sakali… lalo na sa side ko na confused pa sa aking sexuality at hindi pa naka-experience ng sex sa kahit kanino. “M-marami bang bumibili ng tickets? O mga estudyante lang?”
“Maraming-marami, grabe, palaging nagkaka-ubusan ng tickets. Kaya nga tuwang-tuwa ako na naka-kuha eh kasi naubusan na nga. Kasi, kahit sino, pwedeng bumili. Open ito sa lahat basta may perang pambili lang, kahit out-of-school pa, senior citizen, lalaki, babae… Iyong iba nga may mga asawa na, tulong na lang at suporta sa fund raising. Kapag nanalo sila, ang lalaki nila ay gawin nilang house boy or utusan… or katuwaan na lang.”
“Ganoon ba? E… gaano naman katagal ang serbisyo ng prize-boy?”
“365 hours lang naman! Di ba may 365 days ang isang taon, pedeng one hour per day or pwedeng mas mahigit pa hanggang makumpleto ang 365 hours. Kung straight 24 hrs per day ang serbisyo, tatakbo ng two weeks and 2 hours lang iyan. Pero lugi ka kung sa gabi ay tulogan ka lang niya, hehe. Basta depende na iyan sa usapan ninyo.”
“Waaahhh!” Lalo tuloy akong na-excite at nag-iinit. “S-sinu-sino naman ang mga pa-premyo nilang lalaki?”
“Hay naku, sampu ang kanilang napili ngayon at puro guwapo at yummy! Puro kasi nag-gigym, kasi required sa grupo nila. At bago sila nagpalabas ng desisyon kung sino sa kanila ang ipa-premyo, gumawa muna ng campus survey ang grupo. At ang pa-premyo nila ngayon ay ang top ten na lumabas sa ginawa nilang survey. Pero ang jackpot prize nila ay laging top secret na hindi kasama sa grupo. Last year ay ang anak ng mayor ang jackpot prize. At isang buwan na tinapos niya ang ‘task’.”
“Talaga? Mabuti at game din sila ano?”
“Oo. Malakas at sikat na kasi ang grupong iyan dahil may mga political connections. At dahil na rin sa kanilang magandang advocacy at tapang na gumawa ng kakaiba at kakwela-kwela, kaya pumatok talaga at tinangkilik ng masa.”
“Ayos din iyong naisip nilang concept ano?”
“Oo. Kaya pili ka na! Malayo ang maaabot ng perang ibinili natin sa mga tickets na iyan. At malay mo, makakatikim ka na rin ng lalaki sa wakas!” Sabay bitiw uli ng nakakalokang tawa.
Alam kasi ni Fred na naguguluhan pa ako sa sexuality ko. At palagi niyang sinasabi sa akin ang kanyang “EEE” advice - Explore, Experiment, Enjoy. Kasi, wala naman daw mawawala sa akin kapag nag-eexplore ako, o nag-iexperiment. Kasi nga hindi naman ako mabubuntis, at bagkus, ay madagdagan ko pa ang experience. Tama nga naman. Kaya kapag may nakita siyang lalaking guwapo, sikretong ituturo kaagad niyan sa akin at sasabihin, “Ayan, na-aatract ka ba d’yan?” o “Naga-gwapuhan ka ba sa taong iyon?”
Iniabot ni Fred ang dalawang ticket sa akin. Binunot ko ang isa at binasa ang number nito: DOC-098238171.
(Itutuloy)

Exciting.. hmmm.. :)
ReplyDeleteang ganda ng pagkakaumpisa ng story.. xciting po sya kuya mike :)
ReplyDelete