Followers

Wednesday, October 20, 2010

Love at its Best (Book2 Part5)

Love at its Best (Book2 Part5)
by: Migs

Maraming salamat po sa lahat ng nagbabasa ng kwento ko. :-)
Maraming Salamat kay kuya Mike, sa pagpayag niyang magpost ako dito.
Maraming salamat sa lahat ng bumoto sa Site na ito :-)
Maraming Salamat sa lahat pa ng boboto, Madali lang promise. isang click lang. :-)

_________________________________________________________________________________




“You are never to set foot in this house again?! Do you hear me?!” galit na galit na turan ng aking ama kay Sam, nang sabihin namin ni Sam ang tungkol sa aming relasyon.


“for once Dad, try to understand.” nakayukong sabi ko.


“Oo nga po Mr. Santillan, mahal namin ang isa't isa.” sabat ni Sam.


“No! I will never understand! Being a faggot is not understandable!” tumayo siya at hinawakan si Sam sa may kwelyo at kinaladkad palabas ng bahay.


“di ka pa ba nakukuntento for being such a disappointment to me?” maanghang na sabi ng aking ama sakin matapos kaladkarin si Sam palabas ng bahay, sabay talikod at lakad palayo habang umiiling iling pa.


Napatingin ako kay Cha, nagiintay ng tanong mula sa aking paglalahad na yun. Di ko naman mapigilang mapangiti. Ngumunguya ng rebisco chocolate coated wafer si gaga, animoy nanunuod ng magandang palabas sa TV ang pagtitig sakin.


“kaloka naman baks yang tatay mo.” sinabi ni Cha, nasaid na ata ang pagiging professional ni bakla.


Well sabi nga ng teacher namin sa psyche dati, “even listening is therapeutic.” ito marahil ang ginagamit ni bruha, wala na siyang ma-icomment, wala narin siyang mai-tanong, nakikinig na lamang siya.


“biskwit gusto mo?” tanong sakin ni bruha.


“ahhmmm wag na baks, parang mumo na lang din naman yung inaalok mo sakin.” sabi ko kay Cha, at napangiti kami ng sabay.


“kumusta naman ang exercise mo with Jon?” pagiiba ni Cha sa usapan.


“tapos na ba ang session natin? Wala ka na bang ibang itatanong?” pagiiba ko rin sa usapan.


“ok ka na noh! After months of undergoing anger management classes sa isang katulad ko na pinakamagaling ay masasabi kong, there's nothing wrong with you anymore! Di mo ba napapansin? Ok na lahat ng tao sa attitude mo. You're just here para ilabas pa yung ibang natitirang sama ng loob dyan sa dibdib mo.” pagpapaliwanag ni Cha.


Marami na nga ang nagbago, di na ako bugnutin, di na basta basta nagagalit at halos lahat ng staff sa ospital ka-close ko na, meron paring ibang dumidistansya, pero halos lahat kabatian ko na.


“na approve na nga ng direktor na pwede ka ng hindi mag anger management session eh. Si Jon lang talaga yung nagpupumilit na ituloy pa.” sabi ni Cha, habang tinataob ang balat ng rebisco sa bibig niya, nanlaki ang mata nito ng mapagtantong may nasabi siyang hindi dapat sabihin.


“ha?!” takang tanong ko. “Si Jon na lang ang nagpupumilit na mag undergo pa ako ng anger management classes? Bakit?!” tanong ko sa sarili ko.


“ah eh wala. Fishball gusto mo? Meron dyan sa labas. Bilissss!” pagiiba ni Cha sa usapan, at hinila ako ni bruha para kumain ng fishball sa labas ng ospital.


00000oooo00000

“kanina pa kita iniintay ah!” galit na galit na sabi sakin ni Sam.


“sorry naman, nagextend si Sir Magaspac eh.” sabi ko.


“eh bakit yung iba mong classmates nakita ko ng lumabas?” sabi ni Sam, sabay labas ni Jon sa pinto ng classroom. Ngumiti at naglakad palayo. “kayo na lang atang dalawa ni Jon andyan eh!” selos na sabi ni Sam.


“tamang hinala ka nanaman! Nag cut ng class yung iba kong kaklase no!” at napangiti ako, ang cute kasing magselos ni mokong.


“halika babawi ako sayo.” sabi ko.


“libre mo ako?” at ngumiti na si mokong. Bilis talagang magbago ng pinaglalaban tong si mokong basta pagkain ang nakataya.


“Oo.” matipid kong sagot.


00000oooo00000


“dito mo lang pala ako ililibre! Hmpft!” sabi ni mokong habang nakasibanghot ang mukha.


“bakit masarap naman diba? Nakaka benteng fishball ka na nga eh.” sabi ko habang tuwang tuwa akong pagmasdan siyang kumain.


“bakit ganyan mo ako titigan?” tanong ni Sam.


“may sauce ka kasi sa labi.” sabi ko sabay punas.


“ayieee ang sweet sweet naman.” sabi sakin ni Sam. Tinitigan ko ulit siya natutuwa sa pagkain niya ng fishballs, parang bata na non lang nakatikim nito. Pero may mali, hindi na mukha ni Sam ang nakikita ko, mukha na ni Jon...

00000oooo00000


“huy! Doki!” bati sakin ni Jon, nasa may bilihan na pala kami ng fishball. “libre ka naman dyan.” sabi ulit ni Jon. Tinitigan ko si Jon, ganun din, sarap na sarap sa kinakain na fishballs, pero may mali, hindi na si Jon ang nakikita ko ngayon, si Sam na.


“huy doki! Tititigan mo lang ba ako o kakain ka?” takang tanong sakin ni Jon.


“bak.. ah eh doki? Ok ka lang? Namumutla ka.” nagaaalalang tanong sakin ni Cha na lumalantak din ng kwekkwek sa tabi ko.

“Tama ba ang nangyari kanina? Nakikita ko si Sam kay Jon, hindi pwede to.” Sabi ko sa sarili ko. Kumirot nanaman ang pilat na nasa kaliwang kamay ko. Nagpaalam ako sa kanila na babalik muna sa doctor's quarters. Napaupo ako sa tapat ng desk ko. Di ako makapaniwala, si Sam, nakikita ko siya sa katauhan ni Jon. Di rin ako mapakali sa loob ng quarters kaya't lumabas ako para magclinic.


May mga panakanakang nagpapacheck up, kahit papano nawala sa isip ko ang nangyari kanina. Biglang may pumasok na bata sa clinic ko.


“hello.” magiliw kong bati sa bata, nasa edad 4 years old palang ito.


“doki, pinaabot po sainyo.” tinignan ko ang hawak niya. Isa rose. Napatulala ako nang iabot niya ito. Biglang pumasok ang isang babae.


“goodafternoon po doc. Ipapacheck up ko lang po sana itong si Zeke.” sabi nung babae, inilapag ko ang rosas sa ibabaw ng aking table.


“ano po bang problema misis?” tanong ko naman sa nanay nung bata.


“ilang araw na po kasi siyang mahina kumain, tapos po sinisinat din siya.” pagpapaliwanag nung nanay.


“Zeke say ahhhh, titignan ko lang ang lalamunan mo.” sumunod naman ang bata. Namamaga ang tonsils nito. Nag explain ako sa nanay ni Zeke kung ano ang magandang gawin at mga gamot na iinumin. Napansin kong may nilalarong eroplanong gawa sa papel si Zeke.


“hey Zeke, iinom ka ng medecine ha? Para gumaling kana.” kinuwa ko ang Rx pad ko sa may drawer ng table ko at laking gulat ko na punong puno ng roses ang drawer. Hinawi ko ang ilang rosas na nakapaibabaw sa Rx pad, “damn di ko makita! Sino ba kasing naglagay ng mga rose nato dito?” sabi ko sa sarili ko. Pagkatapos kong magreseta ay tumayo na ang magina at palabas na sana ng clinic ko ng biglang bumalik ang batang si Zeke at inabot sakin ang kaniyang eroplanong papel. Ngumiti lang ang nanay ni Zeke. Tinignan ko ang papel at nakita kong may nakasulat dito.


I've been meaning to say I LOVE YOU, but I'm afraid of the silence that might follow.” napatulala ako pagkatapos basahin ang nakasulat sa papel na yon. Tumayo ako at sinubukang habulin ang bata, pero di ko na sila makita. Agad akong pumunta sa opisina ni Cha at ipinakita ang sulat na aking natanggap. Binasa niya ito at tumingin sa ilang piraso ng rosas na natanggap ko din.


“kagagawan ni Jon yan.” pairap na sinabi sakin ni Cha.


“ha eh bakit naman niya gagawin to?” tanong ko ulit kay Cha.


“obvius ba? Gusto ka niya doki.” at ngumiti sakin si Cha.


“imposible.” mahinang sabi ko.


“ano ba naman kayong mga beki kayo. Pagwala kayong makitang jowa, hanap kayo ng hanap, ngayong ayan na at nasa harapan niyo na ang future jowa niyo deny to death naman kayo. And besides sino pa ba ang may ganyang kapangit na sulat kungdi si Jon!” pabirong sabi ni Cha.


“bakit kaya pinapaextend ni Jon ang anger management classes mo? Bakit kaya kapareho ng sulat ni Jon ang sulat sa papel na ito, which I may add ay parang kinalahig ng manok? Bakit kaya kanina pa siya nakatayo sa likod mo at nakatitig sayo?” nagulat ako sa huling sinabi ni Cha. Napatalikod ako at andun nga si Jon, nakangiting gago si kumag.


“di ka naniniwalang gusto kita?” tanong sakin ni Jon.


“ah eh, imposible lang kasi.” nahihiyang sabi ko.


my gosh! You little beki's do what you've got do ha? Disappear muna si akez.” sabi ni Cha at ang bilis nakalabas ni gaga sa pinto.


“di pa ako r..ready kasi Jon, bago palang lahat ng ito sakin.” sabi ko.


“I'm willing to wait.” mahinahong sabi ni Jon.


Pansin ng ilan ang kakaibang closeness namin ni Jon, pero ang iba dahil siguro medyo ilag pa sakin ay walang lakas ng loob magtanong, ang iba naman katulad din ni Cha nagtatanong ng “status?” na ang isinasagot ko lang ay iling or kibit balikat lang. Masigasig si Jon, kala mo boyfriend ko kung magalala at magalaga, minsan iniismidan ko ang efforts niya, minsan naman di ko maitago ang kilig.



“code blue, code blue, paging all ROD's please proceed to room 302, code blue, code blue.” sabi ng paging system ng ospital. Nagmadali akong pumunta sa third floor iniisip ang kaso ng pasyente na naka admit doon sa room na yon.


“Cecilia Tan, 53 year old breast Cancer.” sabi ng utak ko, pilit kong iniisip ang lahat ng naging management sa pasyenteng yun. “what went wrong?” tanong ko sa sarili ko.


Pagbukas ko ng kwarto ng pasyente, nagtaka ako dahil wala ni isang tao dun, walang pasyente, maski ang hospital bed wala doon, agad akong naglakad palabas ng pinto at tinignan ang number sa ibabaw ng pinto. Pumasok ulit ako at dun ko lang napansin na may lamesa pala at dalawang upuan doon. May nakaahin na pagkain, ang table setting ay kala mo isang table setting sa mamahaling restaurant.


“dinner?” tanong ng lalaki sa likuran ko.


Nagulat ako sa tinuran na yun ni Jon, alam kong ilang beses na niya akong niyaya na kumain sa labas, pero ilang beses ko rin itong tinaggihan at ginawa pang dahilan ang aking hectic na schedule. Pinagmasdan ko siya. Nakalong sleeves si kumag na navy blue, nakarolyo ang sleeves nito hanggang siko, slacks at leather shoes, suutan mo nga si kumag ng white na coat mas magmumukha pang doktor to sakin eh, flawless na balat, chinitong mata at mapupulang labi. “Di ako magsasawang tignan ang isang to.” isip isip ko.


“gutom ka na ba?” basag niya sa pagtitig ko sa kaniya.


“ah eh, may nagco-code eh, hahanapin ko pa yung pasyente.” pagpapalusot ko. Umirap si mokong.


“you don't get it?” nakangising tanong sakin ni Jon.


“wha..?” naputol kong sabi.


“di mo ba nakikita? pinapakilig kita dito oh.” sabi ni Jon na nakakunot na ang noo. “lagi mo nalang iniiwasan ang invitations ko sayo na makipagdate, sasabihin mo busy ka, o kaya naman madaming pasyente. Kaya ito naisip ko, dadalhin ko ang date natin sa tarbaho mo. At tungkol dun sa pasyente mo, inilipat muna namin sila sa kabilang kwarto. She's ok, kinunchaba ko siya para dito.”


Di maproseso ng utak ko ang nangyayari. Iniupo na ako ni Jon sa silya at umupo din siya sa silya sa tapat ko. Halatang umorder sa mamahaling restaurant si mokong at dito na lang plinate lahat, bumili din ng wine si mokong. Habang siya ay pormang porma, ako naman ay nakascrub suit na blue at naka coat na white. “mukha akong pulubi sa tabi niya.”


“tatahimik ka na lang ba diyan?” tanong sakin ni mokong.


“wala naman kasi akong sasabihin.” mahinahong sabi ko habang nginunguya ang steak.


“doki, when will you let your defenses down?” tanong sakin ni Jon, napatingin ako sa kaniya, nakatitig pala siya sakin. Di ako makasagot. Di ko alam kung anong isasagot ko.


“sige na nga, kumain na nga lang tayo.” aya niya at nagkwento ng nagkwento si mokong.


00000oooo00000


“huy!” sigaw sakin ni Sam.


“ano?!” sigaw ko din.


“kasi naman andami dami ko ng nakwento, parang wala ka namang naaabsorb!” nakasibanghot na sabi sakin ni Sam.


“wala naman kasi akong sasabihin eh. Saka gusto ko lang pagmasdan yung view.” sagot ko sa kaniya. Tinignan ko ulit ang view. Nakaupo kami sa hood ng kotse ni Sam. Mula sa burol na kinalalagyan ng kotse ni Sam ay makikita lahat ng ilaw mula sa nagtatayugang building ng siyudad.


“ganda dito no?” tanong sakin ni Sam. Habang nguyanguya ang sandwich na baon namin.



“Oo, sana ganito na lang lagi.” at sumandal ako sa balikat niya.



00000oooo00000


Tinanggal ni Jon ang piring ko, may supresa pa pala siya sakin pagkatapos ng dinner, inalalayan niya ako papuntang rooftop ng ospital, nakita ko ang ilaw ng mga nagtatayugang building na kalapit lang ng ospital.



“ganda dito no?” nagecho ang boses ni Sam, parang galing sa puso ko iyong boses na iyon at hindi kung saan lang.


“talikod ka, Doki” sabi sakin ni Jon. Pagtalikod ko, nakita ko ang isang malaking puting tela, sa tapat nito ay isang projector. Isang pelikula ang magsisimula na. “One More Chance.” nakita ko ang dalawang lazy boy sa tapat ng screen. Sa tabi nito ay may lamesa na pinaglalagyan ng popcorn at softdrinks. Kinikilig ako, pero may sumisingit na ibang emosyon. Umupo ako, napansin kong ganun din ang ginawa ni Jon, asa kanan ko siya. Hinawakan nito ang kamay ko.


“tell me when you're ready to let those defenses down.” bulong ni Jon sakin.


00000oooo00000

“weeeeeh! Kinikilig ako baks!” sigaw sakin ni Cha, nung bumisita ako sa opisina niya.


“haha! Sweet si jon, di ko maitatanggi yun.” sagot ko naman kay Cha.


“Naman! So kailan mo siya sasagutin?” tanong sakin ni Cha.


“soon.” pabiro kong sagot.


“weeh! Parang thriller lang sa pelikula ah!” kinikilig na sabi ni Cha. “SOON!” panggagaya sakin ni Cha, sabay muestra ng kamay sa harapan niya na kala mo may dalang poster na may nakalagay na soon.


“anong thriller? Trailer!” maypagkairita kong sabi.


“ganon narin yun! Nagugutom na ako! Tara kain na tayo?!” sigaw sakin ni Cha.


“hindi ba si Migs ang kasabay mong kumain, baks?” tanong ko sa kaniya.


“absent ang bakla. Nageemote sa nangyayari sa lovelife niya.” paliwanag ni Cha.


“ha? Akala ko ba sila ng kapatid mo?” takang tanong ko.


“hay naku, yun ang akala mo! Ikwekwento ko sayo lahat sa hapagkainan baks. Mamaya na ang question and answer, nagrerebelde na ang large intestine ko, kinakain na niya ang small intestines ko.” sabi ni Cha habang naglalakad kami papuntang canteen, sakto namang nadaanan namin ang isang CR.


“Baks saglit lang, wee wee lang ako saglit.” paalam ko sa kaniya.


“kasi naman eh! Nagugutum an akets baks! ok...” sabi ni Cha sabay ngiti.


Pagpasok ko sa loob ng CR, umihi saglit at naghugas ng kamay, naghilamos nadin ako, pag tunghay ko, nakita ko ang kakaibang Enso, may malaking nagbago sa Enso na ito, pero ang Enso na tumitingin sa akin ngayon ay isa ring Enso na naguguluhan. Sa totoo lang hindi pa ako sigurado sa kung ano man ang pwedeng mangyari samin ni Jon, parang may isang pwersa na pumipigil sakin para tuluyang mainlove kay Jon.


“Tama nga kaya si Jon? Is it time to let my defenses down?” tanong ko sa sarili ko.


“Mahal na mahal kita Lorenso Santillan.” muli ko nanamang narinig ang boses ni Sam. Nageecho, mukhang galing sa kalooblooban ko, napabuntong hininga ako.


“Paging Dr. Santillan, paging... please proceed to the cafeteria immediately, nagugutom na po si Ms. Cha Sandoval.” sabi sa paging system ng ospital.



Itutuloy...

3 comments:

  1. ang kulit kakatuwa ka talaga cha.... hmmm for jon galit pa din ako sayo....!!! di mawawala galit ko sa mga two timer gay jerk na katulad mong hinayupak ka nagiinit angdugo ko sayo kahit gaano ka pa kagwapo di kita papansinin... hehe pede tikim lng hahahaha... joke..

    "LHG"

    ReplyDelete
  2. ansakit sa mata ng ibang chapter hahaha!!
    naging close pala si cha at enso bakit di man lang nya naikwento kay migs ito kala ko ba fag hag siya nito hahaha!!joke nakakatuwa naman yung character ni cha para tuloy gusto ko may story din sya!!

    ReplyDelete
  3. hehe kapag kilig moments ni Migs at Enzo, supportive din tong si Cha eh,, katuwa sya maging friend,, hindi sya namemersonal, cguro dahil pscychologist sya, she needs to widen her understanding and weigh up things thoroughly,,

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails