email: james.wood86@yahoo.com
blogsite: akosijamesw.blogspot.com
HI to all,
Thanks to
Darkboy , Ghiin, Chack, Royvan
at sa mga bagong sina Saimy, Dion, Chino, dose12,
thank you sa lahat sa inyo
at lalo na
Thank you kuya MIKE....
para sa inyong lahat...
CHAPTER EIGHT...
NAKARAAN:
Mag aalas 6 na nang gabi ng biglang mag beep ang heart beat monitor dahil hindi nito maramdaman ang pulso ni Nick. Nataranta na kami nang mommy at pinatawag agad namin ang doctor.
Binigyan si Nick ng CPR at paulit ulit iyon, hanggang ginamitan na nila ng defibrillator. Paulit ulit, nalalamog na ang katawan ni Nick, hanggang sa i deklara ng doktor na itigil na.
PAGPAPATULOY...
AKO: “Dok” Biglang lapit ko “Parang awa nyo na, isa pa, isa pa po. Isipin nyo nalang anak nyo ang gusto nyong buhayin, sige na Dok. Sige na po...” Nagmamakaawa kong hiling sa kanya.
Dr. Rosales: “Nurse, another counts” Nagkaroon kahit papaano ng konting pag-asa sa puso ko.
At inulit nga nila ang ginagawa kanina. Pagkatapos ng pangatlong defibrillation ay saktong kitang kita ko sa malaking monitor ang pag buga ng pulso ni Nick.Napangiti ang lahat, si mommy, si daddy, Si Dr. Rosales at ang mga Nurse. Lumundag ang puso ko sa tuwa at noon ko ulit naramdaman ang kasiyahan matapos ang ilang araw na kalungkutan.
Napayakap sa akin ang mga magulang ni Nick at sabay sabay pa kaming nagpasalamat sa Maykapal.Pero hindi parin lubusan ang kasiyahan sa akin, dahil kahit alam kong napagtagumpayan ni Nick ang dalawang araw ng sinabi ng Doctor ay mauuwi naman ito sa comatose. Maaring magising si Nick nang hindi nakakagalaw o nakakapag salita o di kaya ay matulog ito na buhay ang sistema ng katawan.
Nang maayos na lahat ay dumating naman si Pau, sinabi nya sa akin na gusto akong makausap ni Ken. Nagpaalam lang ako sa mga magulang ni Nick at ginawaran ko lang si Nick ng halik sa Noo at labi sabay patak ng aking luha at nagpaalam muna pansamantala.
Sinabihan narin ako nina mommy na kumain na dahil hindi pa nga daw ako nag hahapunan. Sinabihan ko na sila na sabay-sabay nalang kami dahil madali lang naman akong babalik.
SA KWARTO NI KEN...
KEN: “Jake, patawarin mo na ako. Hindi na ako pinapatulog na konsensya ko. Pinagsisihan ko nang malaki ang nagawa ko sa pinsan ko.”
Tumayo si Ken mula sa kama at lumapit sa akin at tinignan ako ng mata sa mata, anyong nagmamakaawa at akmang luluhod.
KEN: “Kung kailangang gawin ko ito Jake para lang mapatawad mo ko”
Natauhan ako at mabuti nalang at nahawakan ko ang braso nya para hindi matuloy ang gagawing pagluhod.
AKO: “Anu bang ginagawa mo. Sinabi ko bang lumuhod ka? Ken kahit gaano kalaking kasalanan at pasakit ang ginawa mo sa amin ni Nick, hindi naman maibabalik ng galit ko sayo ang kagalingan ng kasintahan ko. Kaya pinapatawad na kita.”
KEN: “Talaga Jake? Pinapatawad mo na ako?” Napayakap sya sa akin sabay umiyak...
Naisip kong dapat maging bukas sa puso ko ang pagpapatawad at upang mabawasan narin ang dinadalang bigat ng nasa dibdib ko. Niyakap ko na rin sya tanda ng lubusang pagpapatawad.
KEN: “Jake, hindi ako nagkamali na ikaw ang minahal ko, sobrang buti ng kalooban mo, ginawa ko lang na mali ang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sayo at lubos kong pinagsisihan iyon. Kahit mahirap, magpapakalayo-layo ako para maipangakong hindi ko na uulitin ang ginawa ko. Sa malayo nalang kita mamahalin. Sige Jake... Inaantay kana siguro ni Nick...” Nasa mga luha nya nakatatak ang sensiridad ng kanyang sinasabi.
Bagaman wala akong nararamdaman para kay Ken, nakaramdam naman ako ng awa sa kanya kaya bago pa ako mapaiyak ay tumalikod na ako at umalis papunta sa kwarto.
Nang makita ko sina mommy ay naghapunan na kami sa loob ng kwarto ni Nick. Pero wala talga akong gana, hindi ko talaga magawang kumain ng maayos.
Lumipas ang isang linggo.
ANG KASALUKUYAN... (karugtong ng unang kabanata)
Iyon ang mga kabanata ng buhay namin ni Nick, kung saan kami nagsimula hanggang sa dumating kami sa yugtong ito.
Ngayon isang linggo na buhat ng malagpasan ni Nick ang pagsubok sa kanya. Pero hindi parin sya nagkakamalay. Nakaupo kami ni Pau sa isang tahimik at malamig na pasilyo. Gabi gabi nya akong sinasamahan, Isang linggo na rin akong walang tamang tulog. Ang puso ko. Ayaw pa nyang sumuko. Ramdam ko parin ang hinagpis nito. Hanggang kailan kita iintayin...
Pero nagpapakatatag ako. Dahil ito ang sumpaan namin ni NICK. Ang hindi nya ako iiwan.
PAULO: “Best sobra sobra na ang ginagawa mo sa sarili mo. Magpahinga ka naman kahit konti.”
AKO: “Hindi naman ako napapagod Best. Kaya ko naman ang sarili ko”
PAULO: “Best kahit na. Alam ko kaya mo. Pero alam ko rin na pagod na yang puso mo kaya kahit konti. Isipin mo naman ang sarili mo. Kahit konti ipahinga mo muna ang isip mo.”
AKO: “Salamat Best. Lagi mo kong inaalagaan. Miss na miss ko na siya.”
PAULO: “Best, sige na umuwi ka muna. Ako na ang bahalang magbantay ngayon. Pahinga ka naman. Ibang iba na itsura mo oh, kamukha mo na si Kokey?”
AKO: “Bakit? Sino ba yung kokey na yun? Bago mong kaibigan?” Seryoso kong tanong sa kanya.
PAULO: “Hahahaha” Hagalpak ni Pau “Hindi mo kilala si Kokey? Hehehe. Alien yun sa TV. Sikat yun” Tawa parin sya ng tawa, napatangiti na rin ako. “Si kokey lang pala ang makakapag pangiti sayo.” wika ni Pau. “Sige na pahinga ka muna sa bahay niyo. Malay mo bukas gising na si Nick, kailangan gwapo ka”
AKO: “Hehehe..”
PAULO: “Mamaya hindi ka makilala nun. Sige ka. Antagal mo syang inantay tapos madidisappoint lang sya sa itsura mo. Hahaha...”
AKO: “Best naman eh. Puro ka kalokohan. Alam mo kahit anung itsura ko sigurado ako hahalkan at hahalkan nya ako. Kasi yun ang love.”
PAULO: “Hahaha. Best hindi ka pa nya pinapalapit, I’m sure tatakbo kana at susunggaban mo na sya ng halik kasi miss na miss mo na sya. Kaya umuwi ka na at ayusin mo ang sarili mo.”
AKO: “Bakit maayos naman ako ah”
PAULO: “Hehehe...I mean mag pahinga ka naman”
Wala na akong nagawa napilitan narin na akong umuwi. Nag paalam lang ako kay tito Roman, kay kiko, at kay Leo. At umuwi na nga ako. Unang beses kong matutulog sa amin. Natuwa ang nanay sa ginawa kong dun matulog sa bahay. Sabay-sabay kaming kumain ng hapunan. Kahit alam nilang malungkot ako, pinakita ko sa kanilang kaya ko basta nandiyan sila sa tabi ko.
SA AKING KWARTO...
Na-miss ko ang kwarto ko. Sobra. Pagpasok ko palang ay inayos ko ang buong kwarto. Nagpalit ako ng bed cover. Naligo ako at uminom ng sleeping pills at gatas para makatulog dahil siguradong hindi ako papatulugin ng pag-aalala kay Nick. Pag lapat palang ng balat ko sa kama, nagkumot lang ako at sakto tuloy-tuloy ang tulog ko...
KINABUKASAN...
Mga alas 9am ako nagising. Napaniginipan ko ang pamilya ko, kaklase ko, si Pau, si Amy, pati si Issa. Maging ang mga kamag anak ni Nick nasa panaginip ko. Isa lang ang wala. Si Nick. Hindi naman ako kinakabahan. Parang normal na umaga lang katulad ng kahapon at nung nagdaan. Kaya binalewala ko nalang ang panaginip ko.
Pagkatapos mag- almusal ay nag-usap kami ni Inay.
AKO: “Nay pasensya na kung hanggang ngayon hindi pa ako nakakahanap ng trabaho.”
NANAY: “Wala yun anak. Nauunawaan kita. Alam ko pinagdadaanan mo. At hindi naman tayo nagugutom ah. Malakas kaya ang business ko. Bakasyon naman ang kapatid mo.”
AKO: “Hindi nay. Inuunawa nyo ko pero kailangan unawain ko rin ang pamilya natin. Me repsonsibilidad na iniwan si Itay sa akin, kaya sa isang linggo mag-uumpisa na akong maghanap ng trabaho”
NANAY: “Naku ang anak ko talaga, halika ka nga dito payakap nga. Alam mo anak, pinagmamalaki kita, mas gugustuhin ko pang ganyan ang kalagayan mo pero ikaw naman ang pinakanormal na anak para sa akin. Kesa naman dun sa mga lalaking lasenggero diyan sa kanto walang inatupag kundi ang hmm.. ewan. Basta anak salamat ha.”
AKO: “O bakit ka naiyak Nay?”
NANAY: “Wala naalala ko lang ang Itay mo, kagaya mo sya. Responsable, malawak ang pananaw at maalalahanin.”
LINET: “Eh ako Nay. Matino naman ako ah”
Sabay tawa namin ni Nanay. At niyakap narin namin si bunso. Nagpaalam na rin ako kay Nanay papuntang ospital para batayan ulit si Nick. Sinabi nilang susunod nalang sila mamayang hapon.
SA OSPITAL...
Pagdating ko sa kwarto ni Nick ay wala nang tao sa loob kaya dali-dali akong nagpunta sa station para itanong kung nasan na yung pasyente sa room na iyon. Ngunit bigla kong nakasalubong ang nurse at sinabing dinala na sa morgue ang labi ng pasyente. At kaninang alas 9am daw ito namatay.
Nurse: “Gusto mong samahan kita sa location?”
AKO: “Hindi, hindi, hindi, hindi” mga salitang lumalabas sa bibig ko pero kahit ako hindi ko naririnig ang sinasabi ko.
May sinasabi pa ang nurse pero hindi ko na rin sya naririnig. At dali- dali na syang umalis. Ramdam ko ang bigat ng katawan ko. Hindi ito kinakaya ng mga paa ko at napaupo ako sa bench sa labas ng kwartong iyon. Pati ang mga balikat ko ay nakalaylay at biglang naubos ang lakas ko at umagos muli ang luha ko. Nakatitig lang ako sa semento ng ospital at waring sasabog ang ulo ko sa narinig kong impormasyon. Impormasyong gustong ipasok ng isip ko sa puso ko pero tinatanggihan ito. Akala ko nailuha ko na lahat hindi ko pa pala nararamdaman ang pinakamasakit na yugto. Ngayon palang. Lahat ng ala-ala namin ni Nick bumalik mula simula. Para itong pelikulang ni-re-rewind.
Ang unang pagkakita ko kay Nick nung unang tumapak sya sa classroom. Yung mga paanyaya nya sa akin. Pag-hila nya sa akin na sumakay ng kotse nung papatak na ang ulan. Ang pagbibigay nya ng favorite food ko. Ang unang beses naming magkasamang magsimba. Ang pag-boat racing namin sa resort nila. Ang unang paghawak sa kamay ko at pagsasabing Goodnight. Ang pagdadala sa amin ni Pau sa bahay nila.
Ang pagpapakilala sa magulang at mga kamaganak nya. Ang unang pagyakap nya sa akin. Pati ang pagsama ko sa kanya sa plane papuntang Manila para manood ng concert bumabalik muli sa aking alaala. Ang pagtatapat nya sa akin. Ang pagiging official namin. Ang monthsaries namin. Ang Anniversary namin. Ang pag graduate namin. Ang pag-punta namin sa France. Ang sing-sing. Ang unang pagiisang katawan namin. At ang huling yakap at halik nya ng magkahiwalay kami sa Airport ng Davao. Lahat ng mga sandaling iyon ay nakikita kong sariwang sariwa sa isip ko na ngayon ay pinanghihinayangan ko.
Bakit ako pa, bakit kami pa ni Nick.Hindi ko matanggap na wala na siya. Dahan dahan akong tumayo para tumungo sa huling kwartong saksi sa huling mga sandali nya. Dahan dahan akong lumapit sa kama nya. Inihiga ko ang sarili ko sa kamang huling hinigaan ng mahal ko. Gusto kong malanghap ang katawan nya. Kahit sa kahuli-hulihang sandali ay maamoy ko parin sa hindi pa napapaltang kobre-kama ang samyo ng balat ni Nick. Humahagulhol kong sinasamyo lahat ng amoy na iyon, at inilalagay ng permanente sa puso ko. Kahit nagmumukha akong baliw, pero yun lang ang paraan para muli ko syang makasama.
Maalala ko kung gaano kasarap ang yakap ng mga bisig nya. Muling makita sa nakapikit kong basang mata ang mga ngiti nya. “Nick, Nick hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko. Nick bakit mo ako binitawan? Akala ko walang iwanan? Diba sabi mo magsasama tayo sa Australia sa mga lolo at lola mo? Diba sabi mo mag aampon tayo para may ituring tayong sarili anak natin? Paano ko tutuparin yun kung wala ka? Paano na ang mga bukas ko? Nick... Miss na miss na kita” Ang sakit sakit ng nararamdaman ko noon. Kung pwede nga lang tanggalin ang emosyon ng mga oras na yun. Inalis ko na.
Pinagsisihan ko nang wala ako ng mga huling oras ni Nick. Sana hindi ako umuwi, kung alam ko lang. Kung alam ko lang. Baka nagawan ko pa ng paraan para madugtungan ulit ang buhay nya. Katulad ng nangyari noon. “Ito ba ang kaunting panahon na binigay MO sa akin Panginoon. Hindi parin po kami nakakapagpaalam sa isat isa. Kahit masakit tatanggapin ko, ibinabalik ko na sya sayo.” Walang patid kong pag-iyak. “Maraming salamat at pinakilala MO sya sa akin, kahit papaano natuto akong magmahal ng lubos. Sana tulungan mo akong makabangon mula sa pagkaguhong ito, yun nalang siguro ang kailangan ko po ngayon.”
Matapos ng isang oras na pag-iyak ay nagpasya na akong bumangon. Kahit alam kong hindi ko pa kayang harapin ang pinakamamahal kong walang buhay. Kahit hindi ko pa kayang makitang nasa loob sya ng ataul. Wala akong magagawa kundi gawin kung ano ang katungkulan ko bilang isa sa pinakamalapit na tao sa puso ni Nick. Tutal pinagpasa Diyos ko na ang kalagayan ko, alam ko tutulungan nya ako sa bagay na ito.
Pumasok muna ako sa banyo. Para ayusin ang sarili ko. Sa salamin, pulang pulang mata, malaking eyebag, linya ng mga luha sa pisngi, gusot na buhok, mukha ng isang iniwan, mukha ng isang nag-iisa, mukha nang hinagpis at kalungkutan. Naghilamos ako. Inayos ko ang sarili ko. Kailangan tatagan ko to.
Pagkalabas ng kwarto ay tinanong ko sa station kung nasan ang Morgue. At tinuro naman sa akin ang lokasyon. Bago ako maka alis ng station ay biglang tumunog ang cellphone ko at nakita ko sa caller.
Mommy Glenda...
Mrs. Salvador: “Jake anak asan ka ba?” Masayang wika ni tita.
ITUTULOY...
No comments:
Post a Comment