Now Playing Chapter 7
We Made You
"When you walk to the door
It's clear to me
You're the one they adore
Who they came to see.."
- Jessica Simpson, We Made You by Eminem
-------
"Goodmorning sir! I'm sorry, I'm late!" ang bati ko ng makarating sa classroom. Nagtinginan ang mga kaklase ko sa akin. Nako. Hindi ata ako nakilala.
"Ah.. Yes? Estudyante ba kita?" ang tanong ng aming prof. Naku, 2 taon ko nang instructor ang damulag na ito. Mabait naman si Engr. Vasquez. Hindi tulad ng ibang prof na aloof, iba itong si sir. Ka-vibes namin ito. Alam kong nagtataka ito kung sino ang binatang palapit sa kanya. Hay, naku naman.
"Sir, eto po, oh" sabay abot ng aking registration card at class card sa kanya. Lumaki ang mata nito ng mabasa ang pangalang nakasulat doon.
"You are Mr. Edgar Chase Villegas? Are you sure?" ang namamanghang turan nito. Natawa ako sa sagot niyang iyon.
"Yes sir. VERY sure" ang natatawa kong sagot.
At biglang umingay ang klase.
"Edge? Anong nangyari sa'yo? Ikaw na ba talaga iyan?" ang halos sabay-sabay na sabi ng mga classmate ko. Hahaha, ang OA naman nilang maka-react. Maliban lang naman sa tumangkad ako (5'8" na ako ngayon) at pumuti, kuminis lang naman ang mukha ko, at nag-iba ng hairstyle. Mga echoserang mahilig sa nachos. Nginitian ko nalang silang lahat. Matapos mapirmahan ang registration card ko, humanap na ako ng mauupuan. Sa likuran ako naupo. Kailangan kong makatakas sa mga questioning looks ng mga classmates ko. Hay nako, mahaba-habang araw ito.
-------
Ang klase namin ng umagang iyon ay mula 9:00 am hanggang 11:00. Kaya ng matapos ang klase, kailangan ko nang umeskapo. Tumayo na ako sa upuan at nagsimula nang humakbang palabas nang may magsalita ng malakas
"What do you think you're doing?" Si Lex, ang class president.
-------
Si Lex Arthur Baxter ay ang class president namin simula nung 3rd year kami. Tinatanong 'nyo kung ano ang papel ng class president? At sa college? Ewan, pero sila ata ang representative ng class sa mga Councils sa campus, at sa kaso namin, sa Engineering Student Council Siya ay 20 anyos, moreno, may height na 5'7", matangos ang ilong, may biloy sa magkabilang pisngi, mga matang singkit at kulay berde (mahilig kasi itong magsuot ng contacts. Ako palang ata ang nakakita ng tunay na kulay 'nun. Kulay bakal). Kainis 'tong mokong na 'to. Hmmp.
-------
"Exactly how the Engineering Student Council is abbreviated, Mr. President. ESC. Escape. Escaping" ang nangingiti kong sagot.
"Nope, not a chance. Sasama ka sa amin sa ayaw o sa gusto mo, Mr. Villegas" ang nakangising sagot naman niya. At ngumiti siya ng pagkatamis-tamis. "Kamusta ka naman?" ang dugtong pa niya.
"Buhay pa naman ako, kung iyon ang ibig mo'ng sabihin" ang natatawa kong turan.
-------
Hay nako, tambay mode na naman. 3:00 pm pa ang next class namin.
-------
Bale 27 pa kaming regular sa klase naming mga 5th year. Marami-rami rin kami kung tutuusin. 39 kaming lahat ng 5th years, irregular lang ang iba dahil may mga back subjects.
Kumain muna kami ng lunch bago tumambay. Mahirap kasi makisabay sa lunch break, siksikan sa cafeteria. 10 kaming magkakasama, kabilang ang isang lalaking ngayon ko lang nakita. Sino kaya ito? Sa isip ko. Takte, GWAPO. Naman. Bakit ba kahit saan ako magpunta, ang daming gwapo at magaganda? Tiningnan ko ang grupong kasama ko. Binatukan ko ang sarili ko sa isip ko. Tang'na, eh ang ga-gwapo at ang gaganda ng mga kasama ko. Tungaw talaga ako.
Una na diyan si Lex. Gwapo talaga ito, good boy pa. Kung sakali mang magbago siya ng sexual preferrence, ako ang unang sasalo sa kanya. Hahaha.
"Hoy Edge, saang lupalop ka naman nagtago n'ung summer?" sabi ni Kier sa akin.
-------
Nako, si Kirby. Kirby Bryce Cervantes, o Kier sa mga kaibigan. Alam nyo ba, crush ko talaga itong mokong na ito. Cute talaga. Adik talaga ako. Sa lahat ng cute siya lang ang nagustuhan ko. Hahaha. 20 anyos, 5'7", Chinito, moreno, tight abs, tight jeans.. Shet. Ang cute niya talaga. Lagi pang spiky ang buhok, na talagang kahinaan ko sa mga lalaki. Pero straight! At ayoko kasi sa mga straight. Wala lang. Kanya-kanyang trip.
-------
"Wala naman, diyan lang sa tabi-tabi. Hahaha" at nginitian ko siya.
"Shut up, Edge. Seryoso, s'an ka nga nagtago?" sabat naman ni Mac.
-------
Si Marky Paul Miller naman ay isa pang papable sa grupo. 19 anyos (oo, siya ang bunso), 5'6", slim build, maputi, makinis. Rugged ang kanyang looks, pero guwapong-gwapo. Feel ko malansa din ang mokong, pero unidentified specie pa rin siya sa libro ko.
-------
"Well, sa Manila ako nagtago, as you said. Wala lang, para maiba" ang pagsagot ko naman sa kanyang tanong.
"'Dun ka nag-OJT?" Patanong ngunit as-a-matter-of-fact na tono ni Ash.
-------
Si Jake Ashton De Vera, o Ash naman ay masasabi kong 'beefy'. Mukha siyang bouncer. Malaking tao (5'10"), malaking biceps, pecs, abs, etc, etc. Macho. At straight. Maliban sa grupo, madalas niyang kasa-kasama ang mga dumbell, threadmill, at iba pang excercise equipment. Gwapo rin ito, habulin ng chicks. Siya nga ang madalas bumangka ng mga sexcapades sa grupo, much to the embarassment ng mga maria.
-------
"Yup, sa isang telecommunications company. Gala na rin pagkatapos" ang pagsasara ko sa topic. Bakit ba kailangan pang i-kuwento eh lahat naman kami nag-OJT. Well, whatever, wala ata ako sa mood mag-kuwento.
"Eh di nagpaka-wild ka na naman?" ang tanong ni Crys sa akin.
-------
Si Crystal Lagdameo naman ay isa sa mga Maria ng grupo. 20 anyos, morena, mahahabang pilik mata, matangos na ilong, wavy hair. Maraming lalaking naloloko sa kanya. Pero stick to one naman 'yan. Flirt nga lang. Hahaha.
-------
"You knew me too well, my dear. Alangan namang magkulong ako sa bahay kapag libre ang araw ko? Besides, 'boring' does not exist in my vocabulary anymore" ang natatawa kong turan sa kanya.
"For sure marami na namang 'lobong' ginamit iyan" ang makahulugang wika ni Tobi.
-------
Si Tobby Demafiles naman ay ang 'Stuffed Toy' ng grupo. Sa edad na 20, may height na 5'8", bedroom eyes, pointed nose, at makinis na complexion. Gwapo, syempre. Bakit suffed toy? He's large. Hindi siya chubby. He's fat. Minsan nga 'Tabs' ang tawag namin sa kanya. Pero kahit gan'un, siya lang ang nag-iisa at walang kapantay na teddy bear ng grupo.
-------
"Hush, Tobi. 'kala ko ba secret natin iyon?" ang nakangisi kong turan.
"Your antics were never a secret, Eddy" ang malanding turan ni Kitty.
-------
Si Keisha Trinity Ochoa o Kitty naman ay isang sosyalerang frog na sumasama sa amin. Ang hitad na ito, malandi talaga. Hehehe. Pero may karapatan naman talaga itong magtaray. 20 years old, mestiza, model-material. Just think of Prescilla Meirelles. Gan'un kaganda. Mayaman pa. Pero 'wag ka, pinaka-sensitive iyan sa grupo. Siya ang 'ate' namin dito. Mukha lang overconfident pero napakabait, to the point na niloloko na siya ng kasintahan. But that's another story.
-------
"Will you please let me keep at least one secret?" ang nangingiti kong sagot. Neknek 'nyo. Oo nga, alam nyo na I sometimes do one time things with strangers, pero hindi nyo pa alam na may secret life ako. I am a proud bisexual, and you don't even have a single clue about that. I smiled devilishly in my mind.
"Whatever, Edge. Pero I- we missed you, really." si Pat iyon. Teka, did he just said that he missed me?
-------
Si James Patrick Achilles naman ay ang tunay na prinsipe ng grupo. Ay mali, erase- prinsipe ng campus. Siya ang reigning Campus Prince ng university. Kaya naman kaliwa't-kanan ang suitors niyan, mapa-babae o lalake. 20 years old, 5'8", maputi, matangos ang ilong, kissable lips, malamlam ang mga matang animo'y laging nangungusap. Gwapo talaga. Hands down. Pero may sasabihin ako sa inyo. Secret lang natin ito ha? Siya ang kauna-unahang lalaking inibig ko. Opo, siya. Ganito kasi iyon.
-------
Magkaklase na kami simula elementary. Magbestfriend nga kami ng mokong. Lagi kaming magkasama niyan. Sa bahay nga, dire-diretso na iyan sa kwarto ko, walang hiya-hiya. Kapag kinakating gumala, iyan pa ang hihila sa akin patayo sa kama at maghahalungkat sa cabinet ko ng mga damit na isusuot ko. Kapag may nang-aaway sa akin, lagi niya akong pinagtatanggol. Ako ang damulag, siya ang barumbado. Kapag naman nag-aaway kami, kasalanan ko man o hindi, siya ang laging nauunang mag-sorry. Ayaw na ayaw niyang natatapos ang araw na hindi kami nagkakabati. Oh diba?
Nagbago lang ang set-up ng tumungtong na kami sa highschool. Lalo siyang naging outgoing, ako naging introvert. Ang hirap kasi noon eh, hindi ko alam kung saan ako lulugar. Straight at gays lang ang grupo noon. Paano ang bisexual? Sa gitna? Kaya nga naging 'indie' ako noon. Independent. Ay mali pala- indie-kasali. Loner. Pero kahit na gan'un, nandiyan pa rin siya, laging nangungulit sa akin. Pero dumating yung point na minahal ko siya ng higit pa sa isang kaibigan. Sh*t talaga. Ang hirap. Hindi ko sinabi ang nararamdaman ko, syempre. Takot akong ma-reject n'un. Lalo na ng ipinakilala niya sa akin ang Gf niya.
Masakit, sobra. Pero wala akong karapatang magalit. Kaibigan lang ako. Kaya ang ginawa ko? Lalo akong nagkulong sa loob ng sarili kong daigdig. Sa loob ng isang shell. Nakakalungkot. Pero lagi pa rin niya akong kinukulit. Hindi ko na nga pinapansin ang loko. Pero sige pa rin. Nandiyan na hihilain ako papuntang cafeteria, kikilitiin ako para pansinin siya, guguluhin at aayusin ang buhok ko, babatuhin ako ng bolang papel, o susulat sa akin makuha lang ang atensiyon ko. Taragis. Naglagay ako ng gap sa pagitan naming dalawa. Ang hirap kasi.
Lalo pa kaming nagka-gap simula ng lumipat kami ng tirahan. Hindi na niya ako makukulit, hindi maisasama sa gala, hindi makikita. Mabuti na iyon, para sa akin. That's why I don't do straight guys.
Masakit tanggapin ang katotohanang ang salitang imposible ay mananatiling imposible habang buhay.
Friends pa rin kami ngayon, pero not as close as before.
-------
"Excuse me?" ang pagpapa-ulit ko sa kanyang sinabi.
"Woy, naku naman.. Cheesy!" sabat ni Tobi.
"Sa wakas" ang sabi ni Lex.
"The torpedo has been launched" ang sabi ni Crys. At sabay-sabay silang nagtawanan.
"Hey, what are you laughing at? Am I missing something?" ang nagtataka kong tanong sa kanila.
"WALA!" ang sabay-sabay nilang sabi. Hmmpp. Fishy. Tinignan ko si Pat, at nakita kong nakatingin siya sa akin. Nang mapansin niyang nakatingin na ako sa kanya, namula siya at nagbaba ng tingin. Hay, ano na naman ba ito.
"By the way, Edge, this is our new classmate, Clyde. Transferee siya, from the main campus. Clyde, meet the infamous, our most beloved classmate, Edge" ang mahabang pakilala ni Lex sa amin.
"What's the 'beloved' thingy for?" ang sabi ko kay Lex. Sabay tingin at abot ng kamay sa lalaking kanina ko pa pinagmamasdan.
"Edge, pare. Edgar Chase Villegas" ang sabi ko sa kanya.
"Clyde Mitchell Aragon" ang matipid nitong sabi. Nagkamayan kami. At may isang bagay akong naramadaman.
Spark.
Teka, bakit nakukuryente ako sa lalaking ito? Ang kamay niya, malambot ang mga ito. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng lalaking nasa harapan ko. Tantiya ko siya ay nasa 5'9", maputi, may mga matang malamlam at kulay- teka, gray din? Matangos ang ilong, may biloy sa magkabilang pisngi, mapupulang labi, pantay at mapuputing ngipin, kilay na lalong nagpapungay sa kanyang mga mata, mahabang pilik mata, chocolate brown na buhok. Maganda ang hubog ng katawan nito. Tight. Sh*t, am I just checking out another guy?
"Transferee? Bakit naman?" ang tanong ko sa kanya.
"Ah, family matters" ang matipid na naman niyang sagot.
"Ehem! Ang kamay!" ang malakas na sabi ni Pat. Kamay? Noon ko lang napansin na magkahawak kamay parin pala kami. Oopsie.
"It's nice to meet you, pare" ang sabi ko nalang bago bitawan ang kamay ni Clyde.
"Yup, me too" ang tila natauhang sabi nito sa akin. Teka, namumula ba siya? No way.
"Mukhang may karibal na agad si torps ah" ang natatawang sabi ni Ash.
Kahit clueless ako sa pinagsasasabi ng mga lokong ito, joyride nalang ako.
-------
Pagkatapos naming kumain ng lunch, nagpasya kaming tumambay sa isang carinderia sa labas ng campus. Actually, 4th year palang kami ay d'un na kami tumatambay. Maluwag kasi ang lugar, malamig kahit tanghaling tapat, at ka-vibes ang may ari. O diba? Wala namang kakaiba sa grupo, maliban sa nadagdagan kami ng isa. Si Clyde. Naman oh. Hindi ko maiwasang tumingin sa kanya. GWAPO kasi. Pero may isa pa akong nakikita sa kanya.
Si Micco.
Sh*t, hanggang ngayon ba naman? Kasi ba naman, pareho ang kulay ng mga mata nila. Gray. Bakal. Oo, gray din ang mata ni Lex, pero nakatago naman iyon sa likod ng mga contact lenses niya.
Micco...
Nasa kalagitnaan ako ng pag-alala ng may bumati sa akin.
"Hi" si Clyde.
"Hey.." ang medyo nagulat kong sagot.
"Mukhang may iniisip kang malamlim, ha. Naistorbo ba kita?" ang tanong nito sa akin.
"Ah, no, not at all. Wala lang iyon, may naalala lang" ang sagot ko naman. "So, sa main campus ka pala galing" ang pag-iiba ko sa usapang balik sa kanya.
"Ah, oo. Nagkaroon kasi ng hindi inaasahang pangyayari kaya lumipat kami dito" ang sabi niya sa akin.
"Hindi ka ba nanghihinayang? Syempre, marami ka nang kaibigan doon. Hindi mo rin sila kasamang ga-graduate. At saka, panibagong pakikisama na naman ang gagawin mo, hindi ka kaya mahirapan?"
Mula doon ay tuloy ang pagkukwentuhan namin. Marami-rami rin kaming napag-usapan. Doon ko nalaman na bunso siya sa apat na magkakapatid. Graduate na ang 3 niyang kapatid. Sa *** ****** sila nakatira (aba, halos magkalapit lang ang bahay namin. Isang subdivision ang lugar nila, at sa labas lang kami ng subdivision na iyon nakatira). May Gf siya n'un (which gave me a pang of jealousy) ngunit napilitang makipag-break dahil sa paglipat niya (which made me happy... Hahaha adik). Halata namang matalino ito, nagpapaka-humble lang ang mokong. Masarap siyang kausap, at sa maikling panahon na nagka-usap kami, napatawa niya ako ng husto. Kapag kasi wala ako sa mood, wala akong ganang makipag-kwentuhan at makipag-tawanan. Pero iba itong isang ito. Iba ang dating sa akin. Sa totoo lang, ang pabango niya, nakakalma ang kalooban ko. Teka.. Inaamoy ko ang pabango niya? Hay...
"Ehem.. Mukhang masayang masaya ang isa diyan ah" ang pagpapapansin ni Pat sa amin.
"At mukhang wasak na wasak naman ang isa" ang pagsawsaw naman ni Ash. Nako, ano na naman ito?
"Slow kasi" ang gatong naman ni Kitty. Habang nag-aasaran ang mga higad na ito sa isang topic na out-of-this-world dahil hindi ko alam, tumingin ako kay Clyde, na nakatingin rin pala sa akin. Humingi nalang ako ng dispensa sa kanya.
"Hey, pasensya ka na sa mga mokong na iyan, ha? Clueless talaga ako sa pinag-uusapan nila" ang paliwanag ko sa kanya.
"It's okay" ang sabi naman niya, sabay ngiti.
Nginitian ko nalang din siya pabalik.
[ITUTULOY]
Followers
Saturday, October 9, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
Pwede ba mag transfer sa school nila ang dami yatang cute, engineering din naman ako dati eh hahahahha
ReplyDelete