Followers

Thursday, October 28, 2010

Kung Kaya Mo Akong Mahalin 2

Chapter 2

-Yuri-
               
                3 AM. Gising na agad ako. Walang patumpik-tumpik, pagkamulat, deretso agad sa pag tayo.  Sa 15 taon ng aking mga pagsasanay, natutunan ko ng bumangon alas 3 AM ng walang nanggigising at tumayo pagkamulat ng mata.   Nakasalubong ko ang aking ina sa pinto ng kuwarto at sabay kaming naghilamos, magsipilyo at deretso sa warm-up exercises.  Dahil Martes ngayon, araw ng Aikido.  Kaya naman diretso training agad kami ni ina. 
                Sa loob ng 30 mins, sasanayin namin ang ilang basic na galaw sa Aikido.  Sabay na sabay namin ginagawa ang mga ito ni ina habang siya ang nagsasabi kung ano ang aming gagawin.  Dahil eksperto na nga kaming matatawag, kung ibang tao ang mag-iisip, dapat ang mga basic na galaw hindi na namin ginagawa.  Pero ang sabi ng aking mga magulang, ang basics ay ang pundasyon ng kahit anong martial arts kaya hindi dapat nawawala ito sa pagsasanay.   
Dahil sa Aikido, ang ‘kata’ ay pwede sa pagitan ng dalawa, ginawa na namin ang nakasanayan.  Palitan kami sa pagiging ‘uke’, ang taga tangap ng atake at ‘nage’, ang gagawa ng teknik ng aikido.  Sa loob ng kalahating oras, kami ni ina’y magbabalibagan, magbabalyahan, magtutulakan, at minsan may gamit na kahoy na pamalo, espadang kahoy, o kutsilyo habang iniuumang sa bawat isa hanggang matapos ang ritwal. 
Sa loob naman ng 30 min, kami mag sasariling ‘kata’ habang pinapanood ang bawat isa na pwedeng walang gamit o may kahoy na pamalo.  Pagkatapos, 15 min na ‘sparring’ namin ni ina.  Kalimitan, ako lagi ang talo sa kanya.  Pero nitong mga nakaraang araw, parang lagi ko na siyang natatalo.  Malamang apektado pa rin siya sa pagkamatay ni ama pero pilit lang din siyang nagpapakatatag.
                Ngayon ay dalawang linggo na buhat ng ilibing si ama.  Hindi na namalagi sina Kuya at Ate sa bahay pagkalibing ni ama dahil may sari-sarili na rin silang pamilya.  Sa laki ba naman ng tanda ng aking mga kapatid sa akin, kay kuya ay 15 years, kay ate ay 10 years, 10 taong gulang pa lang ako, ako na lang ang nananatiling anak nina ama sa bahay pagkatapos makahanap ni ate ng mapapangasawa. 
Noong unang linggo, sa aking training sa karate matapos mamatay ni ama, napapansin kong tumutulo ang aking luha ng hindi ko namamalayan.  Buti na lang at magkahiwalay kami ni ina kapag nagsasanay ako ng karate kaya hindi nya ito nakikita. 
Noong umagang namatay kasi si ama ng dahil sa bangungot, noon ko lang nakita si ina na labis na naghihinagpis.  Pero kinabukasan bumalik na naman siya sa pangkaraniwan nyang ekspresyon ng mukha sa harap ng ibang tao.  Kaya ako rin dapat hindi magpaapekto sa nangyari.  Isinumpa ko rin kasi sa sarili na ang aking pag-iyak noong libingan ay ang huling pagkakataon na mayroong taong makakakita ng aking paghihinagpis kahit si ina. 
                Noong isang lingo, natapos ko nang magpa-enroll para sa aking ikalawang semester, ika-apat na taon sa  kolehiyo.  Kumukuha nga pala ako ng kursong agricultural engineering sa isang prestihiyosong unibersidad.  Ang kurso ko ay marahil mula sa impluwensya ni ama dahil sa kanyang pagtatrabaho sa bukirin kaya ito ang aking kursong nakuha. Hindi rin naman ako nagsisi dahil masasabi kong nadagdagan pa ang aking kaalaman sa agrikultura.

Unang araw lang ng pasukan, kaya ang aking 3 subject ay mabilis na dismiss.  Sa aking vacant time, kung saan-saan lang din ako tumatambay. Malayo naman ang aming bahay sa unibersidad kaya pinili ko na lang na hindi umuwi.  Dapat din kasi akong magtipid sa pamasahe dahil malapit na kaming kapusin ni ina. 
Hindi pa rin kasi nakakahanap ng mapagkakakitaan si ina at umaasa lang kami sa ipon ni ama na kanyang naiwan.  Kung hindi makakahanap si ina ng mapagkakakitaan, malamang hindi ako makapasok sa susunod na pasukan.  Hindi rin namin maasahan sina kuya at ate dahil sapat lang din ang kanilang kinikita para sa kanilang pamilya.

Mag-aalas kuwatro ng hapon, habang naghihintay sa aking huling subject, napagpasyahan ko na lamang na tumambay sa labas ng aming magiging silid.  Habang nakaupo, may nakita akong matangkad at gwapong lalaki na niyayakap sa kamay ng isang babae na halos kasing tangkad rin nya.  Unang tingin ko pa lamang, alam ko ‘crush’ ko ung lalaki.  Sasabihin ko na lamang mamaya kay ina na may nakita na naman akong crush.
Katulad ng iba kong ‘crush’, hahayaan ko na lang din sila sa buhay nila.  ‘Bagay sila’, sabi ko pa sa aking sarili.  Dahil sanay na nga ako sa pag-iwas, ipinako ko na lang ang aking paningin sa isang parte at nagmuni-muni.
“Konichi wa”, sabi ng isang baritonong tinig. Alam kong bumabati lang ito ng magandang hapon pero pag may nagsabi sa akin ng ganito, lalong hindi ko pinapansin.  Ikinaiinis ko kasi sa lahat ung mayayabang at tingin ko sa taong nagsasalita nito ngayon ay mayabang.
“Yabang!  Siya na nga ang binabati ng isang ALEXANDER NEIL RAZON, siya pa ang may ganang di mamansin.  Akala mo kung sinong gwapo eh pandak naman!”, sabi ng may malanding boses. 
Lihim akong napangiti.  Akala nya siguro hindi ako nakakaintindi ng tagalog kaya kung anu-ano na lang ang pinagsasassabi.  Sa normal na tao, nagpanting na siguro ang tainga ng sinabihan, pero dahil sanay na ako sa ganitong eksena at dahil sa isa sa itinuturo ng martial arts ay self-control, hindi ko na lamang pinansin.. 
Naramdaman ko na lang na umalis ang magsyota sa aking harapan nang hindi man lang natinag ang ekspresyon ko sa mukha.  Nang nakita kong nagsisipasukan na ang ibang estudyante, nagmadali ko na ring tinungo ang aming silid.
Ito kasi ang inaabangan kong klase sa buong araw. Ang PE 2 – Karate…

-AN-
               
                “There you are” ang affectionate na bati ng aking recent girlfriend na si Katrina.  She then kissed me passionately as if no one is looking.    
Ako nga pala si ALEXANDER NEIL ZAMORA RAZON, one of the three heirs of RAZON Group of Companies.  Sa edad kong 19, wala na akong mahihiling pa.  Rich and loving family, beautiful and sexy girlfriend, great and kind circle of friends.  Halos lahat ng gusto ng mga babae at bakla pampisikal ay nasa akin na.  Height of about 5’9”, mapuputing kutis, gorgeous eyes, prominent nose, mapupulang labi, well-built muscles na alaga sa pag-gygym. 
Sa unibersidad na ito, ang circle of friends namin ang tinatawag na ‘campus royalty’.  Bukod ba naman sa mga guwapo at macho kaming magkakaibigan, we are heirs of our own family businesses.  At ako ang PINAKAGUWAPO at PINAKAMAYAMAN sa kanilang lahat... BWAHAHAHAHA….
A proof is that I caught the most beautiful and sexy girl of the university, si Katrina. Parehas kaming business related ang course pero mas younger siya sa akin ng one year.  On a closer look, parang mas matanda siya sa akin kasi sobrang liberated nyang mag-isip.  Katulad na lang ngayon, papasok kami sa building ng PE class namin ng bigla nya akong sinubasob ng halik. 

We entered the building and someone caught my eyes.  Hindi ko iniintidi ang sinasabi ni Katrina because I focused on a little man sitting near the doorstep of our classroom.  Mukhang classmate namin sa PE.  Di pa kasi time kaya di pa rin pwedeng pumasok at andun siya. 
‘Wow! Me classmate kaming Japanese.’, I said to myself.  Though his skin is slightly darkened by the sun, masasabi mo pa rin siyang maputi. ‘Baka tumatakbo kaya medyo nangitim’, ang kanyang nasabi.  
What strikes me is his facial expression.  For a moment, nakakita ako nang lungkot sa kanyang mga mata.  But in an instant, his facial expression turns blank. Yung tipong hindi mo talaga mababasa kung masaya ba siya o malungkot. 
He was staring at a point for about 5 min when I decided to search for my Japanese vocabulary to greet him.  I turned to Katrina and said, “Babe, let’s say hi to him. Bihira lang tayong magkaroon ng kaklaseng Japanese”, pointing to the little Japanese guy. 
Biglang nagfrown si Katrina.  Mukhang nahalata niya yata na hindi ako nakikinig sa kanyang pinagsasabi.  I headed to the direction of the Japanese and pulled my hand which Katrina hugs kaya napasama na rin siya.
‘Konichi wa”, on a clear, loud at parang nahihiya kong boses.  Ewan ko ba kung bakit ako nahihiya, eh sanay naman ako sa mga ganitong scene.  Hindi ko inaalis ang tingin sa kanyang mukha.  30 sec had passed from the time that I said that but his ‘blank’ expression never changed.  Mukhang malalim ang iniisip. 
Noong hihilahin ko na si Katrina para umalis, biglang nagsalita siya.  ‘“Yabang!  Siya na nga ang binabati ng isang ALEXANDER NEIL RAZON, siya pa ang may ganang di mamansin.  Akala mo kung sinong gwapo eh pandak naman!”. 
‘Grabe naman si Katrina’ sabi ko sa aking sarili.  ‘Kung naiintidihan lang siguro nito ang sinabi nya ay sigurado magagalit ito sa kanya’.  He was in this thinking while looking at the little Japanese when he saw again something strange.
Did he just shown his happy expression?  For a second, I thought that this little Japanese smiled.  But then, it disappeared again and his default ‘blank’ expression returned.  ‘Baka namalik mata lang ako.’

Katrina pulled me inside because our instructor just gestured the students to get inside the room.  I saw the Japanese walking passing us and the other students.  ‘Wow, ang bilis nya.  Mukhang tumatakbo nga.’ 
The instructor told us to fall in line in three groups and spread our two arms while facing the instructor and sideways.  Nakita ko naman siyang pumuwesto agad sa gitnang linya sa unahang pila wearing his default expression.  Parang gusto ko pang obserbahan siya kaya pumuwesto kami ni Katrina sa rightside nya.  Si Katrina sa unahan, ako ang nasa likod nilang dalawa.  Gusto ko yun kasi kitang kita ko pa rin siya nasa tingin ko naman ay hindi niya mapapansin o ni Katrina. 

At nagsimula na nga ang klase … 

1 comment:

  1. aba, mukang interesado na talga ako ah. kahpon kopa ito nakikita pero diko pinapassin. siguro dahil sa iba yung inaabangan kong kwento. hehe. kung hindi pa ako naboring e diko mapapansin itong kwentong ito. hindi ito mukang magandang kwento kundi sa palagay ko e napakagandang kwento. thank you po mr. author.

    bharu

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails