Followers

Thursday, October 28, 2010

“Another Cinderella Story” Part 3

ANG BUHAY NI JERI JONES


By                    :           JERI.JONES
email               :           bubuygas@yahoo.com
Blogsite           :           jerijonesstories.blogspot.com
Other details   :           09264333053



Sa mga taong nagsayang ng oras sa pagbabasa ng series kong ito SALAMAT poh sa inyo, salamat poh sa pagtatanggol sakin laban ke anonymous 1.
Anonymous 1 salamat sa yong criticism, I must admit challenging yung sinabi moh na pangit yung style ng pagsusulat ko. Gusto ko kasi na parang journal/diary ang style ng aking story, as u all know it’s a true story. Pero thank u pa din sayo. Salamat at binasa mo pa rin kahit di mo gusto. Kung tutuo mang nabasa mo ang kwento ko simula sa part 1 siguro meron ka ng idea kung anung uri ng pagkatao meron ako. SALAMAT


TANGGAP KO NA, NA AKO LANG MAG-ISA. KAKAMPI KO LANG AY ANG SARILI KO. HINDI NILA AKO MAHAL.  



Ok  na ok ang pag aaral q sa college kahit 3 years lang ang course na iyon ay ok lang, pinagbuti ko talaga ang pag aaral para maka shift ako kaagad ng cursong gusto ko. Malapit na matapos ang 1st  sem  kaya kinakabahan na ako. Sana matata-as grades ko para makakuha ng scholarship at mkapag shift na ng course sa 2nd sem. Dininig naman ng diyos ang panalangin ko  nagging free tution fee ako, ang babayaran ko na lang sa 2nd sem ay 350 pesos na lang pero di ako dapat mag shift kasi ang scholarship na yun ay intended lamang sa course namin. Napag isip isip kung wala din naming kwenta kung ipagpapatuloy ko ang course na electrical engineering technology kasi  di ko naman linya yun.  

Binalak ko na sana na mag shift kaya lang kelangan ng ate ko ng  malaki-laking halaga para sa OJT nya,  graduating na sya at running cum laude sa university, ayoko namang  maging hadlang sa karangalang iyon kaya nagparaya ako. Pinagpauloy ko na lang ang naunang kurso ko para sa kanya.  At timing namang  Inalok ako ng  tita ko [sa mother side] na mag working student sa kanila, hindi  ko na pinag isipan pah tinaggap ko na agad yung offer nya kasi ang trabao ko lang naman ay magluto, bantay sa tindahan nya pag walang pasok, hugas ng plato at mag bantay sa 3 years old na anak niya. Lahat ng atensyon ay naka ate nah, wala ng pinoproblema ang mama at papa ko para sa pag aaral ko, syempre nag paalam din ako ng maayos sa tito ko na una kung tinuluyan ng bago palang ako sa university at naunawaan naman nya na gusto ko lang tumulong sa mga magulang ko.

Kung alam lang nila ang buhay ko dun kina tita, 5 oras lang ang tulog ko kada araw dahil sa tambak tambak na trabaho. Kahit  me lagnat ako pinag tatrabaho pa din ako, ni hindi na ako makapag aral ng mabuti at puro bagsk na ako sa exams. Natapos ang 2nd sem , may konting salo-salo  sa pagigimg cum laude ni ate,. Ninais ko pa sanang magpatuloy sa pag-aaral kaya lang talagang hinang hina na ako sa trabaho dun sa tita ko, ayoko namang humingi ng tulong kina papa at mama para pag-aralin ako. Alam kong sermon lang ang aabutin ko pag pinaalam ko sa kanila na ayoko nang  mag working student, sinabi ko na lang na pagod na ako sa kaaaral kahit labag sa kalooban ko.

Ang ate ko nagtatrabaho sa SM pansamantala habang hinihintay pa ang resulta sa board exam,  ako balik sa bahay,  at bukid. Balik na naman ako sa pagiging maid/boy sa sarili naming bahay, ewan ko bah kung bakit ang init ng dugo ni papa sakin. Habang tumatagal lumalakas na ang loob kung lumaban sa kaniya, na para bang ayuko nang maapi at apihin pah. Nagagalit na ako sa sarili ko na palaging umiiyak at hindi lumalaban. Minsan  inuutusan niya ako ng hindi ko sinunod nag-away kami nun pero wala akong nagiging laban sa halip binato niya ako ng malaking bato. Ang sakit nun, pero hindi na ako humagulhol,  tumulo ang luha ko OO pero hindi na ako papa apekto pah. Yung tampo, inggit at pagnanais na mapansin nila ako ay napalitan na ng galit ant pagkamuhi. Hinding hindi na ako iiyak para sa pagmamahal ko sa kanila, hindi na ako iiyak katulad ng nasa bukid kami.

FLASH BACK

MAY 200 [MAG se 2nd year high school]


Napansin kung nawawala ang pera ko na naiwan ko malapit sa pintuan, hinanap ko pero wala talaga. Para pa naman yun pambaon ko sa eskwela pagdating ng pasukan. Tinanong ko si kuya kung nakita bah niya at hindi nga ako nagkamali siya nga ang nakakita, pero tinutukso pa niya ako na wala na daw bawian kasi nakita na niya iyon, tumatawa tawa sya, siguro joke lang niya yun pero nainis talaga ako kasi talagang pikon ako pagdating sa kanya, hindi ko naman sya malabanan kaya umiyak na lang ako at binuhos ko ang galit ko sa sampayan namin hindi naman yun nasira pero nakita ako ni papa sa ginagawa kung yun, kumuha sya ng kahoy ng bayabas  at pinapalo niya sa akin. Mga ilang palo lang yun pero parang iba ang hapdi ng dulot ng palong yun, nung habang pinapalo niya ako umiyak ako dahil sa inis sa kuya ko pero ng matapos na iyon nakita ko sarili ko, may mga sugat sa kamay, legs, sa likod ay meron din. Dumudugo angbawat sugat na dulot ng palong yun, naaawa ako sa sarili ko ng panahong yun. Nakita ni mama ang mga sugat nay un, nakita nila lahat .Parang na guilty si kuya , naawa si ate at mama pero lahat walng sinabi. Hinintay ko na sana meron kahit isa sa kanila ang magtanong kung ok lang ba ang nararamdaman ko pero wala. Bakit ba to nangyayari , umabot na ako sa puntong hinangad ko na sana mamatay na si papa o kaya naman ay parusahan ng diyos, alam ko mali yun pero hindi ko na naisip yun.

Lumipas ang mga buwan nagkaskit c papa, meron syang ‘’tuberculosis’’.  Naisip ko siguro nadinig din ang panalangin ko, palagi sya nasa bahay naawa ako sa kanya pero konti lang ni hindi ako umiyak ng malaman ko. Isang gabi nagsusuka siya ng dugo, marami; talagang nataranta si mama kami lang kasi ang tao sa bahay nun. Sumaklolo ang aming mga kapit-bahay, maraming usyusero. Dumating si ate sa ospital pagkatapos ng klase nya umiiyak sya pagpasok pa lang sa ospital, humahagulhol talagang nakaka-awa sya sa paningin ng ibang tao. Kinapa ko ang sarili ko, hindi ko maramdaman ang kalungkutang nadadama niya para k papa, kahit konti kahit isang patak ng luha ko ay hindi tumulo kahit pinilit ko, nanaig ang aking pagkasuklam sa kaniya. Pagkasuklam na sa bawat pagsakit ng aking tagiliran, sa bawat nakikita ko ang mga peklat na dulot ng pagpalo niya ng kahoy ng bayabas ay bumabalik sa akin ang lahat ng pagpapasakit niya at pag mamalabis sa akin. Hindi ko na hinahangad ang pagmamahal niya ngayon hinding hindi nah.

Siguro napag isip-isip din nya ang mga kasalanan niya matapos makabalik sa bahay galing ospital. Wala siyang ibang anak na tinatawag kundi ako, ako palagi nag aasikaso sa kaniya. Sa totoo lang hindo ko gustong pagsilbihan sya pero para makabayad man lang ako sa pagsilang nila sakin ni mama kaya inawa ko ang pagsilihan sya. Wala na ang respeto ko sa kaniya nawala nah,  respeto na lang sa pagiging tao ang mero ako na para k papa. Kapag nadidinig ko siyang tumatawag sakin kumukulo na ang dugo ko, hindi din naman nila ako masisisi kung bakit ako nagkaganito. Kahit si mama ay napuna ang pagbabago ko, nadinig niya ang pag aaway namin ni papa minsan. Sinabi ko ang mga katagang

‘’NASAAN NA NGAYON ANG MGA PABORITO MONG MGA ANAK ? , SANA SILA ANG NAGSISILBI SA IYO NGAYON, SANA SILA ANG INUUTUSAN MONG MAGPAHID NG LANGIS DIYAN SA LIKOD MOH. BAKIT WALA SILA NGAYON?, BAKIT AKO PALAGI ANG INUUTUSAN MOHDAHIL BA SA ALAM MO PA NA AYAW NILA, KASI AYAW NILA MALANGISAN ANG MGA KAMAY NILANATATAKOT KANG PANDIRIHAN KA NG YUNG MGA PINAKAMAMAHAL NA ANAK, KASI MASASAKTAN KA HA GANUN BAH?

Nakita kung maiyak-iyak si papa sa sinabi ko, pero ewan ko ba hindi ko napigilan ang sarili ko. Huli na ang pagsisisi ko nasabi ko nah ang nilalaman ng damdamin ko sa tagpong yun.

KASALUKUYAN



Nalulong ako sa bisyo, nagkaroon ako ng mga kaibigang merong ibubuga. Ginagawa nila akong tagadala ng gamit, at utusan pero ok lang yun sanay na ako. Pumupunta kami sa ibat ibang klaseng bar, inuman dun disco ditto lalaki dun at sex ditto. In short maling impluwensya ang nasamahan ko. Pero dun ko lang nadadama na naggiging Masaya ako kahit sandali. Hindi na ako mapagsabihan nina mama at papa, nag rebellede na ako. Total hindi naman ako nag-aaral, anu ang gagawin ko magpa alila sa kanila ulit, hindi na oi sawa na ako. Nagsusugal ako, bingo at tong its sinuswerte naman ako kaya nagkakapera ako at iniipon ko ang panalo ko.
Fully recovered na si papa at syempre balik na naman ang kulo ng dugo sakin, lalong lalo na ngayun na lulong ako sa ibat-ibang uri ng bisyo. Marami sila naririnig sa mga tsismosa samin na kesyo naglalandi na daw ako, eh pakialam naman nila wala naman silang ebidensyang mapapakita. Kinausap nila ako tungkol ditto ang sinabi ko lang ‘’ BAKIT KAYO NAGAGALIT, DAHIL BA SA AYAW NINYO MASIRA ANG PANGALAN AT REPUTASYON NINYO, ANU KAYO MGA CELEBRITY AT ARTISTA NA DAPAT PANGALAGAAN ANG REPUTASYON.’’  Sampal ang inabot ko.




Naramdaman kung sumasakit tiyan ko minsan,  inutusan ako ni papa pero hindi ako umuo kasi sakit ng tiyan ko siguro sa kidney yun. Namimilipit ako sa sakit sinabihan lang niya ako na nagpapanggap lang para hindi mautusan. Ni hindi nga sila nag atubiling bumili ng gamot para sakin eh, nasanay na ako na ako ang bumibili at sariling pera ang ginagamit para sa sarili ko, salamat sa sugal at nag kakapera ako.

Nabuwag ang grupo namin, hindi na din ako nagpupunta sa bar. Hinihikayat ko ang mga kabataang babae samin na mag overnight sa chat. 3 times a week kami kung makapag over night. Sinasaway ako ni papa, nagpapakababa daw ako nakakahiya daw. Akala niya siguro scammer ako at ag papanggap na babae para makapanloko sa kapwa. Sa chat nakakakilala ako ng mga taong may gusto sakin, at tanggap ang pagigiging bakla ko. Isa na ditto c BRYAN [eglish]. Marami kaming napag uusapan, sinabi ko sa kanya ang mga napag daanan ko, naawa daw sya sakin kasi grabe daw mga panlalait na nakukuha ko. Nakilala ko din si JACK [american] mabait at palaging nagbibigay sakin ng advise at nangakong tutulong saking makabalik sa college. At si   KARL [german] na pabalik balik na sa pinas at bibisita sakin 1 month after nung unang chat namin.


Pasensya na sa part 3 ng series ko maraming dull moments ang nasasali, pero malapit na ang hinihintay na pagbabago sa buhay ni jeri jones, at alamin kung sino kina BRYAN, JACK, AT KARL ang aahon sa kanya at magbibigay ng pagmamahal at pagmamalasakit na higit pa sa kanyang mga magulang.

2 comments:

  1. well in that case GOODLUCK.

    ReplyDelete
  2. ayan, rebelde na si anak. gud luck s pag-aaral.

    rhon

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails