Followers

Thursday, October 14, 2010

Now Playing Chapter 13

Sorry po kung natagalan ang release ng chapter na ito. Inuna ko po muna ang mga examinations at clearances namin sa school. Marami pa akong mga dapat asikasuhin. Busy po talaga kami ngayon, eh. At enrollment na kaagad sa Tuesday. Hahaha. Goodluck sa akin.

Maraming salamat po sa lahat ng mambabasa na patuloy na sumusuporta sa kwentong ito. Para po sa inyo ang lahat ng ito.

Salamat po kay Enso sa poster sa chapter na ito. :)

Enjoy lang po, at 'wag pong kalimutang magkomento, ha? Hehe.
-------



Now Playing Chapter 13
Got Your Back

"I got your back boy
We were high
We were low
But I promise I will never let you go
Said I got I got I got I got your back boy
I got I got I got I got your back boy
(I know you got my back right).."
-T.I. and Keri Hilson, Got Your Back
-------
"Ah teka sandali po. Ano po ba'ng ibig sabihin nito?" ang tanong ko sa kanilang lahat. Saglit silang tumahimik. Pagkatapos ay biglang nagsalita ang binata. Mga salitang nakabibingi. Mga salitang sumira sa mundong inaakala ko ay tama. Mga salitang bumura sa konting kasiyahan na mayroon ako. Mga salitang humatak sa akin paibaba.

Mga salitang pumatay sa aking katauhan.

"Kami ang pamilyang Lewis. Kami ang TUNAY mong pamilya, Chase."
-------
Kami ang tunay mong pamilya, Chase.

Kami ang tunay mong pamilya..

Kami ang tunay...

Iyan ang paulit-ulit na umalingawngaw sa aking pandinig. Mga salitang panandaliang naging sanhi ng aking pagkabingi. Ano ba'ng kahibangan ito? No, this is a joke. This isn't real. It's not happening. Hindi totoo ang mga salitang iyon. Hindi ako pwedeng magpaapekto. Hindi..

"What are you talking about?" ang tanong ko sa lalaki. Kailangan sabihin niya na biro lang ang lahat ng ito. Hindi ako makakapayag na maging katotohanan ang lahat ng iyon. Hindi..

"We are your REAL family, Chase. I think I'll let Mr. and Mrs. Villegas explain" ang sabi ng lalaki sabay tingin kila mama at papa. Halatang nahihirapan din ito sa mga nangyayari. Umiiyak si mama at papa, ngunit kahit hirap, pinilit nilang magsalita.

"Edge, anak. Patawarin mo kami kung hindi namin sinabi sa iyo ang katotohanan. Mahirap iyon para sa amin. Dahil sa loob ng maraming taon na nasa ilalim ka ng aming pangangalaga, itinuring ka namin bilang tunay na anak. Ikaw ang anak namin, Edge." at tuluyan nang humagulgol si mama. It pained me to watch her cry like that. She don't deserve to feel that sadness. SIYA ANG NANAY KO. Siya lang.

"No, ma. Please tell me I'm your son, YOUR REAL SON. Please ma, please" at tuluyan na akong napaluha. Nakita ko ang katotohanan sa kanilang mga mata, mga katotohanang nakapapatay ng puso't kaluluwa. Hindi..

"Son, we're so sorry. Patawarin mo kami." ang tanging nasabi ni papa. No, don't..

And after that, I snapped.

"Sorry? Kung totoo man po ang sinasabi ninyo, then fine! Alam nyo ba kung ano ang ginawa nyo? YOU'RE ALL LIARS. Bakit hindi nyo po sinabi? Akala nyo po ba hindi ko maiintindihan ang lahat? I'M NOT DUMB. I can easily understand what the term 'adopted' means. YOU MADE MY EXISTENCE NOT A LIVING HELL, BUT A GLAMOROUS LIE. You just gave me a fake name, a fake family, and a fake life, am I right? Sana sinabi nyo po sa akin ang lahat noon pa. Kung kailan masaya ako, saka nyo ako ilulubog sa lupa? You can't do this to me, ma, pa. I'm your son! I'm your son!" ang halos mabaliw kong sambit. Ang hirap. Ang sakit. I'm supposed to be their son. I'm supposed to be Alfie's brother. I'm supposed to be Edgar Chase Villegas.

I'm supposed to be who I am.

I can't stop the tears that invaded my cheeks. Nakakapanlumo ang mga rebelasyong natunghayan ko. Parang pinipilit ng isang banal na nilalang na ihiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan. Ang sakit pala talagang paglaruan ng letseng tadhana. Kaya pala everything seems to be easy and surreal. Meron palang devastating consequence ang lahat. Letse. Unti-unti na ata akong iniiwanan ng kakaunting bait na meron ako. I should end this sh*t.

"Please, tell me the truth. Please? This isn't funny. This is devastatingly cruel. Please, please? The truth - all I want is the truth" ang umiiyak kong tugon. Nahihirapan na ako. Ang mga salitang iyon lang pala ang sisira sa masaya kong mundo.

"That's the truth, son. They're your real family. We're so sorry.." ang sabi ni papa sa akin. Iyon lang at sapat na para sa akin. Ok, sige. Bumuntong-hininga ako. Malalim. Pinahid ang mga luhang tumakip sa aking mukha. At tinitigan sila sa kanilang mga mata.

The emotionless Edge came to life.

"Can you tell me the story behind this?" ang tanong ko sa kanilang lahat. Tutal naman pare-pareho nilang sinasabi ang iisang bagay, at pare-pareho nila akong pinagkakaisahan sa isang bagay na sumampal sa akin ng buong lakas, mas mabuti na malaman ko ang kwento sa likod ng pagiging isang sampid sa pamilyang minahal ko ng husto.

"Patawarin mo kami, anak." ang panimula ng matandang lalaki. "Nagmula ako sa isang mayamang pamilya na taga Quezon. Ang nanay mo, ay ang dati naming katulong. Nagmahalan kami kahit alam namin na hindi papayag ang mga magulang ko sa relasyon namin. Itinago namin ang lahat sa pamilya ko. Ngunit isang araw, sa hindi inaasahang pangyayari, nagdalang-tao ang nanay mo kay Cedie, ang nakatatanda mong kapatid (na tinutukoy ay ang lalaking kamukha ko). Dahil mahal na mahal ko ang nanay mo, ipinaglaban ko ang pag-ibig namin. Iyak ng iyak ang mama, at galit na galit ang papa. Itinakwil niya ako, at napilitan akong itaguyod ang pamilyang ito. Wala akong alam sa buhay, dahil nga laki ako sa layaw. Pero kinaya ko. Mahigit isang taon na si Cedie nang muling nagdalang-tao ang nanay mo. At ikaw na iyon. Nahirapan kami ng labis. Sunud-sunod na dagok ang dumating sa amin. Nagkasakit si Cedie, nagkasakit ang nanay mo habang nagdadalang-tao, nawalan ako ng trabaho. Kaya nang isinilang ka, wala kaming ibang pagpipilian kundi-"

"Ang ipaampon ako." ang pagputol ko sa kanyang sinabi. That's it? Daig ko pa ang karne ng baboy na ibinebenta sa palengke. Nanghihina ako sa mga naririnig ko. It's as if my very soul is being eaten by the monsters of the past. Hindi ako makahinga. Nasasakal ako sa kalokohang ito.

"Oo, anak. Patawarin mo kami. Hindi namin alam ang gagawin. Hirap na hirap kami noon. At wala kaming magawa. Nais namin na magkaroon ka ng maayos na buhay, kaya ipinaampon ka namin sa pamilyang ito." ang paliwanag ng matandang lalaki. Ah, ok. Sige. Wala na akong ibang maramdaman nang mga oras na iyon. Wasak na wasak na ang mundo ko. Puro kalungkutan na lamang ang tanging bagay na totoo para sa akin. Unti-unti na itong dumidikit sa aking balat, at bumabalot sa aking pagkatao.

Nasisiraan na ata ako ng ulo.

"At anong dahilan kung bakit kayo nandito? Babawiin nyo ako? Nakakatuwa naman kayo. After two decades, saka lang kayo nakaalala" ang sambit kong punung-puno ng hinanakit. Wala na talaga. Ayoko na.

"Hindi sa ganoon anak. Matagal ka na naming hinahanap. Ilang taon makalipas ka naming.. Ipaalaga.. Sa pamilyang ito, unti-unti kaming nakabangon. Matapos iyon, nakatanggap kami ng balita na pumanaw na ang papa, at ang tanging hiling nito ay ang mapatawad namin siya. Hinanap kami ng mama. Muli ay tinanggap niya kami. Nagpatulong kami sa kanya na hanapin ka, ngunit huli na pala ang lahat. Nakaalis na kayo at nakalipat sa ibang lugar. Dito, dito na kayo napadpad. Anak, maniwala ka. Wala kaming ibang inisip kundi ang kalagayan mo, kung ayos ka lang, kung ano ang ginagawa mo. Anak, sising-sisi kami sa nagawa namin. Araw-araw kinakain kami ng kunsensya namin.
Patawarin mo kami" ang sabi ng matandang lalaki. Letse. Bakit ba ganito ang nangyari? Ito ba ang talaga ang katotohanan? It's like I'm being pulled down to the murky depths of the bitter reality.

I think I'm giving up.

"Bakit po inampon nyo pa ako, kung ang tunay kong magulang ay ipinamigay lang ako?" ang tanong ko kila mama at papa. Oo, sila ang kinikilala kong mga magulang.

"Anak, 'wag kang magsalita ng ganyan. Iniisip lamang nila ang kalagayan mo kaya nila nagawa iyon. Oo, may dahilan din kami kung bakit ka namin inampon. Iyon ay dahil.. Namatay ang anak naming lalaki, Edge." ang umiiyak na sabi ni mama. I can't believe this.

"So, I'm not Edge at all! I'm not Edge! I'm not Edge! I'm a fake! I'm a fake!" ang hindi ko mapigilang paghiyaw. Hindi ko na talaga alam ang gagawin. Unti-unti akong hinihigop ng karimlan. This is insanely cruel.

"Edge, anak huminahon ka" ang pagmamakaawa ni mama. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Ayoko. Ayoko. Nagpumiglas ako. Pare-pareho sila. Pinagkaisahan nila ako. Pinilit ko ang sarili ko na itigil ang pagluha ko. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko. Pinilit kong umalis sa lugar na iyon. Nawala na ang lahat. Wala na.

"Sige. Kung iyan ang totoo, ok. Fine. Just don't bother me. Aalis muna ako, we're supposed to make our thesis tonight. Excuse me" ang sabi ko habang pinapahid ang mga luha ko. Humakbang ako papunta sa kuwarto ko. Mabuti na lang at hindi sila sumunod.

I need sometime alone.
-------
Pagkasarado ko ng pinto ng kwarto ko, tuluyan na akong napaluhod. Halo-halong kalungkutan, sama ng loob, hinanakit, galit ang nadarama ko. Ang mga mata kong kumikirot na ay muli na namang naramdaman ang hapdi ng daloy ng kalungkutan. This is so cruel. Bakit ako na naman ang nakita ng baliw na tadhana? Hindi pala tunay ang naging buhay ko sa loob ng dalawang dekada. Ang sakit tanggapin ng katotohanang ito. It ripped my skin off me, and sucked my innocent blood to my internal demise. I cried, and cried, and cried. I was lost in the sea of sorrow. Bakit ganoon? Naisip ko ang mga kaibigan ko. Mga peke rin ba sila? Are they liars and traitors too? Si Patrick, is he lying to me? Si Clyde, is he hiding something from me? Si Xander, is he just showing a poker face? Si Bea, pilit ba niya akong pinapaniwala na may pag-asa sa buhay na ito?

Why did it have to be so complicated?

'It always have to be complicated, in order for us to face the every ebb and flow of it.'

Bea..

'Dumarating ang mga bagay na nagpapakumplika sa buhay hindi upang saktan at idapa ka, kundi para hubugin at tulungan kang maging matatag at tunay sa iyong sarili.'

Bea, I need you.

'Just cry, my dear. Let it all out. Naiintindihan ko ang kalungkutan mo. It's not easy being you, it's not easy being me. And it's not easy being a human being. We all have these stupid things called problems, sh*ts, or baggages. But all of these are nothing compared to the happiness we feel after we defeat these hurdles.'

Tumayo ako mula sa pagkakasalampak sa sahig. Bakit ba ako umiiyak ng ganito. Oo nga, masakit ang mga katotohanang narinig ko kani-kanina lamang. Pero may magagawa ba ang mapapait na luhang ito para mabago ang lahat? Maibabalik ba nito ang ilusyon na nilikha ng pagkakamali ng kahapon sa buhay ko? Hindi. Hindi na. Tama si Bea. Sapat na ang mga nailuha ko. Hindi ko na dapat sobrahan pa. Masasayang lang ang oras ko at lakas ko sa kakangawa. Wala namang ibang mangyayari. Patuloy lang akong masasaktan.

Naalala ko ang mga ngiti niya.

"You're right, Bea. I shouldn't be feeling like sh*t. There ain't no perfect world, anyway." ang bulong ko sa sarili ko. Ito rin ang sinabi ko sa kanya noon.

At tinungo ko na ang banyo. Gusto kong isabay sa agos ng tubig ang lahat ng kalungkutang dinadala ko.

Thank you, my goddess.
-------
Inayos ko ang sarili ko. Hinugasan ang katawan ko sa dumadaloy na tubig kasabay ng pagpapaanod sa kalungkutan. Nagsepilyo at binanlawan ang bibig kasama ang mga salitang lumabas dito. Nilinis ang tainga at pilit tinanggal ang mga rebelasyong kanina ay narinig ko. Inayos ang buhok upang pansamantalang makalimutan kung gaano kagulo ang buhay ko ngayon. At sa kauna-unahang pagkakataon, isinuot ko ang contact lenses na bigay sa akin noon ni Lex. Kailangan kong takpan ang kawalang nararanasan ko ngayon. Walang dapat makakita, walang dapat makaalam.

Iyon ay dahil hindi ko pa talaga tanggap, at hindi ko kaya na agad tanggapin ang katotohanang ito.

At sana nga, matakpan ng mga bagay na iyon ang kadiliman sa aking mga mata.
-------
Lumabas ako ng kuwarto at nakita ko silang lahat. Tahimik sila na pinagmamasdan ang bawat galaw ko. Pumunta muna ako sa kusina para kumuha ng tubig. Sumakit ang lalamunan ko. Kahit man lang sana maibsan ang kirot nito, mabawasan lang ang lahat ng nararamdaman ko.

"Chase.." ang narinig kong tawag sa akin ng isang tao mula sa aking likuran. Hindi ko siya nilingon. Alam kong makikita ko rin ang mukha ko.

"C-Chase, ako nga pala si Cedrick. Cedie nalang ang itawag mo sa akin." ang sabi niya sa akin. Nanginginig ang boses niya, malamang nininerbyos. Nilingon ko na rin siya. Ano naman kaya ang kailangan nito?

"Tubig?" ang tanong ko sa kanya. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Hindi talaga maikakaila na magkapatid kami. We share the same face, the same features. Mas matangkad lang siya sa akin, sa tingin ko 5'11" siya. We could easily pass as twins. But I know he's older than me. And his eyes.. It's of very light steel.

Katulad ng mga mata ko.

I'm always fascinated by the eye colors of my friends. Yes. Light grey ang mga mata ko. Kasi dati, I used to compare my eyes with Alfie's. Kulay hazel kasi ang sa kanya. I'm always asking mama and papa about that, but they always give me a mysterious smile.

Kaya pala.

"N-no. Gusto lang sana kitang-"

"Spill it now. It's your last chance." ang putol ko sa sinasabi niya. Noong nakita ko kasi siya kanina, alam kong marami siyang sasabihin. Ano naman kaya ang kwento niya? Bumuntong-hininga ako at hinintay ang kanyang mga sasabihin.

"It's all my fault kaya kami nandito ngayon." ang panimula niya. Ano daw? Hinintay ko nalang ulit ang sasabihin niya.

"Noon kasing bata pa ako, mom and dad sometimes call me 'Chase'. Tinatanong ko kung bakit, o kung sino iyon. Ngumingiti lang sila. Siyempre dahil bata pa ako, hindi ko nalang pinansin. And then, one time, narinig kong nag-uusap sila nila lola. Umiiyak si mom noon. I asked her why, but then they refused to tell me. They said that it's nothing. Ok, fine, but sabi ko na I'm always there to help. And last year, September 27, birthday ko. I found mom crying again, and I heard all of the things that.. Lead me to you, Chase." ang sabi niyang lumuluha na. Nanatili akong tahimik. Nais kong marinig ang kabuuan nito.

"They did everything to find you. And they kept it a secret to me and to our younger brother and sister. Yes, may kapatid pa tayo, kambal sila. I begged them to tell everything. And they did, at last. I searched, and searched. But it was futile. And one day, when I'm about to give up, the miracle came." ang sabi niya. Naintriga naman daw ako.

"Nag-organize ang class namin ng tour sa London. Sa Cambridge University nga pala ako nag-aral. Bale last tour na namin iyon. Graduate na ako last June. Anyway, sa isang coffee shop doon, nagpahinga muna kami pagkatapos naming gumala. May nakabungguan akong isang babae.."

"Si Bea." ang malungkot kong sabi. Naaalala ko ang diyosa ko. Siya talaga ang suwerte ko sa lahat. Kaya nga lang, suwerte nga ba ang bagay na ito ngayon?

"Yes. Si Beatriz Villafuente nga. We chatted, and nagkapalagayang-loob kami. Napagkamalan pa nga nya akong ikaw. I remember her saying like this: 'Naku, na-miss ko tuloy bigla si Edge. You two look exactly the same, except that he's more lovable than you'." ang sabi niya. Hala. Si Bea talaga. Kahit wala na siya dito, napapasaya pa rin niya ako.

"I asked her for her email address. She gave me her Facebook account instead. We kept in-touch with each other, siyempre. And then one time, that's last Sunday lang. She wrote on her wall about going back to London, and she uploaded some photos. Kasama ka doon." oo, naaalala ko iyon. Yung magkasama kami sa dagat. Hindi pa ako nakakapag-update, tinatamad kasi ako.

"Then I proved na talagang magkamukha tayo. I showed it to mom and dad. Mom cried, dad went incredibly silent. And then mom said it's you. But I want to make sure. I called Bea, and asked her some things that might help me. And she did helped me. A lot. Mom said na sila Mr. Arkanghel at Mrs. Rodorina Villegas ang kumupkop sa iyo. And Bea confirmed na sila ang parents mo, katulad ng nakalagay sa Facebook account mo. We-"

"Enough. My ears are deaf already. I think I had enough of this. Excuse me" ang sabi ko sabay alis. Ayoko na. Kahit ano pa rin naman ang kwentong marinig ko, hindi pa rin magbabago ang katotohanang ako ay isa lamang sampid sa pamilyang ito. A parasite in an angel costume. Lumapit ako sa kanila at tumayo sa harapan nila. Nakiusap ako sa kanila, para sa panandalian kong katahimikan.

"Maaari po bang sa ibang araw na natin ituloy itong pag-uusap na ito? Una po sa lahat, nais ko pong humingi ng panahong i-absorb ang lahat ng ito. Napakalaking.. Napakahirap pong tanggapin ng mga bagay na narinig ko. Ikalawa, kailangan ko po munang mag-isip, makiramdam at magdesisyon. Hindi biro ang lahat ng ito. At ano man po ang kahihinatnan ng lahat ng ito ay depende po sa lahat ng bagay na gagawin ko. At sa huli.. Nais ko po sanang humingi ng paumanhin sa mga nasabi ko kanina. Paumanhin kung nasaktan kayo, ngunit hindi ko po babawiin ang mga iyon, dahil ang lahat ng iyon ang sumasalamin sa tunay kong nararamdaman. Sige po, mauna na po muna ako, hinihintay na po ako ng mga kaibigan ko." ang sabi ko sabay alis sa harapan nila. I need to make an escape. I need to think, to decide and to be mature enough to face this music.

I need to overcome this, in my own way.

Sakto namang pagtapat ko sa pinto ay ang pagsulpot ni Clyde. Kilala na siya dito sa bahay, kaya dire-diretso na iyan sa kwarto ko. Kaya labas-masok na rin iyan dito sa bahay eh. Nakita ko ang nagtatakang tingin mula sa kanyang mga mata. Agad ko namang hinawakan ang braso niya at inakay ko siya palayo sa lugar na iyon.
-------
Lumilipad na naman ang isip ko. Gulung-gulo ako sa mga nangyari. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, ano ang hahawakan, o sino ang lalapitan. Nawala ako ng tuluyan sa mapanlinlang na karimlang bumabalot sa akin. Bumalik lamang ako sa realidad ng huminto ang bus na aming sinasakyan at may isang pasaherong bumaba. Napabuntong-hininga ako, at bigla akong nagulat ng may pumatak na malamig na bagay sa aking mga kamay.

Luha.

Napaluha na pala ako nang hindi ko namamalayan. Binabalot na ako ng kalungkutan. Agad kong pinunasan ang aking pisnging lunod na pala sa mapapait na luha. Hindi dapat makita ni..

Nagulat ako nang biglang may umakbay sa akin. Si Clyde pala. Nakita pala niya ang mga luha ko. Pinahid rin niya ang mga natitira pang luha sa aking mga mata, at bigla niya akong kinabig pasandal sa kanyang balikat. Bakit ganito? Ano ba'ng iniisip niya? Ano'ng sasabihin ko sa kanya? Dapat ko bang ipaalam sa kanya ang mga nangyari? At bakit ba niya ginawa ito? Parang wala siyang pakialam na maraming taong nakapaligid sa amin.

"Clyde.."

"Sige lang, Edge. Nandito lang ako. Hindi kita iiwan." ang sabi niya sa akin. Wala akong nagawa kundi ang sumubsob sa kanyang dibdib. Wala na rin akong pakialam kahit pa nasa bus kami. Ang mahalaga ngayon para sa akin ay ang pakiramdam na hindi ako nag-iisa.

Salamat. Maraming salamat.
-------
"Edge, may problema ka ba?" ang tanong sa akin ni Pat. Alam kong napansin nila na halos ayaw akong iwanan ni Clyde. Simula pa lang ng pagdating namin dito sa bahay nila Lex, nakaakbay na sa akin si Clyde. Yumayakap ako sa kanya kapag nararamdaman kong papatak ang mga luha ko. Nakikita ko ang nagtatakang tingin ng mga kaibigan namin, ngunit wala pa ni-isa ang nangahas magtanong. At alam kong namumula ang mga mata ko. Ngayon kasi sumaglit sa banyo si Clyde kaya wala siya.

"Wala naman. Ayos lang ako, hindi lang talaga maganda ang pakiramdam ko ngayon." ang sagot ko sa tanong niya.

"Edge.."

"Ayos lang ako, Pat." at wala sa sarili ay inayos ko ang buhok niya. Ngumiti ako sa kanya, kahit alam kong hindi iyon umabot sa aking mga mata. Bigla naman akong niyakap ni Pat at sinabing

"Alam kong may problema ka. Simula pa pagkabata, kilala na kita, Edge. Basta kapag handa ka nang sabihin sa akin, nandito lang ako, ha? Nandito lang ako lagi para sa iyo." ang sabi niya. Yumakap din ako sa kanya at nagpasalamat.

"I will. Salamat, Patrick."
-------
Pansamantala kong nakalimutan ang mga nangyari nang magsimula na kaming gumawa ng draft para sa thesis namin. Actually, continuation nalang ito ng thesis namin last semester, pero yung noon kasi research pa lang. Itong ginagawa namin ngayon ay nangangailangan na ng application. Gamit ang laptop ni Clyde, researh pa rin ang inatupag ko. May taga-type na rin. Hati ang gawain namin. Yung iba namang walang ginagawa ay nagkuwento na lang ng kung anu-ano.

"Hey." ang sabi ng isang boses sa harapan ko. Nang mag-angat ako ng tingin, nakita ko si Clyde na may hawak na gitara.

"O, ano'ng atin?" ang tanong ko sa kanya. Sa halip na sumagot, kinalabit niya ang kuwerdas ng gitara, at nagsimula siyang kumanta.

"Sometimes we fall down, can't hat back up
We're hiding behind skin that's too tough
How come we don't saw I love you enough
'Till it's too late, it's not too late.."

Live Like We're Dying ni Kris Allen pala ang kinakanta niya. Iniba kasi niya ang atake sa kanta. Malamyos. At ngayon ko lang nalaman na maganda pala ang boses niya.

"Our hearts are hungry for a food that won't come
And we could make a feast from there crumbs
And we're all staring down a barrel of a gun
So if your life flashed before you, what would you wish you would have done?"

Bakit ganoon? Parang alam niya ang pinagdadaanan ko gayong hindi ko naman sinabi sa kanya ang dahilan ng kalungkutang dinadala ko? Bakit parang alam niya na kailangan kong gumawa ng isang malaking desisyon sa buhay ko na babago ng husto sa mga nakasanayan ko?

"Yeah, we gotta start
Looking at the hands of the time we've been given
If this is all we got and we gotta start thinking
If every second counts on a clock that's ticking
Gotta live like we're dying.."

Sinasabi ba niyang simulan ko nang tanggapin ang katotohanang bumungad sa aking harapan? Paano? Nauubusan na ba ako ng pagkakataon? Bakit? Nahihirapan ako..

"We only got 86,400 seconds in a day
To turn it all around or throw it all away
We gotta tell them that we love them while we got the chance to say
Gotta live like we're dying.."

Ano bang alam nito sa nararamdaman ko? Siguro nga ito ang pagkakataong binigay ng langit para kilalanin at harapin ang tunay kong pagkatao. Ngunit paano ko ito haharapin kung sa bawat pagkakataong sumasagi ito sa isipan ko ay patuloy akong nasasaktan? Naluha na naman ako. Hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin si Clyde. Bakit ba lagi niya akong nababasa? Mabuti na lang at siya ang laging nandiyan para sa akin. Masuwerte talaga ako at naging bestfriend ko siya.

"Ssh, I got your back. Just cry, ok? Nandito lang ako." ang sabi niya. I hugged him tight.

How I wish everything's fine.

"Edge.." ang narinig kong sabi ni Patrick. Kumalas ako sa pagkakayakap kay Clyde at humarap kay Pat. Siya naman ang niyakap ko ngayon.

"Edge.."

"Will you hold me for a moment, Pat?" ang tanong ko sa kanya. Hindi na siya sumagot, niyakap nalang rin niya ako.

"Everything will be fine Edge. Tandaan mo yan. I'll always be here for you. Ano man iyang dinadala mo ngayon, malalampasan mo rin iyan." ang sabi niya. Wala akong magawa kundi ang yumakap sa kanya na parang siya ang huling hibla ng aking buhay.

"Sabihin mo lang kung ano ang nararamdaman mo. Makikinig kami sa'yo. Ngunit kung hindi ka pa handa, nandito lang kami lagi. Ha? Mahal ka namin, Edge." ang sabi niya muli sa akin.

Oo nga, binatukan na naman ako ng epal na tadhana. Akala ko nawala na ang lahat ng katotohanan sa akin. Ngunit may mga kayamanan pa pala akong tinataglay.

Mga tunay na kaibigan.
-------
Napagpasyahan ng barkada na mag-inuman pagkatapos ng eksenang iyon. Alam kong marami silang katanungan sa mga nangyayari sa akin. Ngunit nagpapasalamat ako at naiintindihan nila na hindi pa ako handang sabihin sa kanila ang lahat. Ngunit hindi ko rin puwedeng kimkimin ang lahat ng ito.

Matapos ang ilang tagay, palihim akong lumabas upang magpahangin. Sa may likod-bahay nila Lex ay may isang swing na nakakabit sa malaking sanga ng isang punong mangga. Umupo ako doon, at nagpakawala ng isang buntong hininga. Tinanaw ko ang mga bituin sa kulay dugong langit. Oo, kakaiba ang kulay ng langit ngayong gabi. Pula, ube, rosas, asul. Ang halo-halong kulay ng nakakatakot ngunit napakagandang langit. Tila bang nakikiisa ito sa kamatayang kani-kanina lamang ay naranasan ko.

Muli inalala ko ang mga nangyari. Sa saglit na pagkakataon mababago pala ang lahat. Isang pamilyang hindi ko pala tunay na kadugo, isang pamilyang hindi ko alam na karugtong pala ng buhay ko, isang kapatid na hindi ko kaano-ano, isang taong kamukha ko, at dalawa pang hindi ko pa nakikita. Ang tadhanang mapaglaro. Alam kaya nito ang pakiramdam ng mga napaglaruan niya? Ano kaya ang mangyayari kapag ang tadhana ang pinaglaruan mo? Nakakagago, diba?

'We all live under the same sky. And we all wanted to find a place to belong. A person to love, and a reason to live..'

"Bea.."

Ngayon nanumbalik sa akin ang lahat ng mga sinabi ni Bea. Napakalaki pala ng naging bahagi niya sa buhay ko, hindi lamang bilang isang mabuting kaibigan, naging dahilan rin siya para magkatagpo kami ng tunay kong pamilya. Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa at tinawagan siya.

"You only have zero peso in your account.." ang sabi ng letseng operator. Kung kailan kailangan ko ng karamay. Napahagulgol na lang ako sa kinauupuan.

"Bea, kailangan kita.." itinakip ko ang aking mga palad sa aking mukha. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Kumawala ang kalungkutang patuloy kong nilalabanan.

"Bakit ba iniwan mo ako? Ngayong kailangang-kailangan kita? Bea, pakiusap. Kailangan kita ngayon.." ang patuloy kong pagtangis. Naninikip na ang dibdib ko. Namamanhid ang buong katawan ko sa sobrang pag-iyak. Hindi ko na alam ang gagawin mo.

"Bakit ba hindi ka marunong makinig? Ang sabi ko sa'yo nandito lang ako lagi, diba? Tahan na. Hindi kita iiwan, hindi kita bibitawan. 'Wag mong pahirapan ang sarili mo ng ganito. Pati ako, nasasaktan sa kalungkutan mo." ang sabi ng isang taong biglang yumakap sa akin. Pilit kong tinignan ang taong iyon sa kabila ng mabigat kong mga talukap at malabong paningin.

"Clyde.."

"Tama na, tahan na. Huwag ka nang-"

"Hindi mo ako naiintindihan, Clyde. Ang sakit pala talaga kapag sinampal ka ng tadhana."

"Ssh, tahan na.."

"Tang'na! Alam mo ba ang pakiramdam ng isang talunan?"

"Edge.."

"Ampon ako, Clyde.." at napahagulgol ako lalo. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Nanlulumo na ako. Nahihirapan na akong huminga. Hindi ko na yata kaya.

"Edge?.."

At tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.
-------
2:02 am.

Iyan ang bumungad sa akin pagmulat ko ng aking mga mata. Nasaan ako? Madilim, ngunit may kaunting liwanag na nagmumula sa labas ng bintana. Nakahiga ako sa isang malambot na kama. May matabang unan sa kaliwa, at may nakahawak sa kamay ko sa kanan. Huh?

"Patrick.."

Nakadukdok ang ulo niya sa kama. Nakaupo siya sa gilid nito, at hawak niya ang kanang kamay ko. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko, at hinaplos ang kanyang ulo. Oo nga, totoo ngang hindi niya ako iiwan. Mabuti na lang at may mga kaibigan pa rin akong maaasahan.

"Gising ka na pala, Edge. Teka, uminom ka muna ng tubig." ang sabi niya. Tumayo siya at nagsalin ng tubig mula sa pitsel na nasa side table. Inupo muna niya ako at saka inalalayan para makainom ng tubig.

"Salamat.." ang sabi ko sa kanya.

"Kamusta? Gusto mo pa ba? Nagugutom ka ba? Masakit ba ang ulo mo? Gus-"

"Ayos na ako, salamat." ang sabi ko. Bakas pa rin sa mukha niya ang pag-aalala. Hinaplos ko ang kanyang pisngi. Hinawakan niya ang kamay ko na parang ayaw pakawalan.

"Ayokong nasasaktan ka ng ganyan. Kasi kagaya mo, nasasaktan rin ako. Mahal na mahal kita, Edge, at ayokong nalulungkot ka. Gagawin ko ang lahat para tulungan kang malampasan ito. Hindi kita iiwan, Edge." ang sabi niya. Lahat sila nangakong hindi ako iiwan. At katulad nga ng sinabi nila, hindi nila ako binigo.

"You're not alone, Edge." ang tanging nasabi niya. Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya, at ginawaran siya ng halik sa labi.

Sa unang pagkakataon sa pagitan naming dalawa, ako ang nagbigay ng halik. Tinugon naman niya iyon. Inilabas ko sa halik na iyon ang kalungkutang nararamdaman ko, at pinalitan naman niya iyon ng halik na bumubura rito.

'Wala na ba akong bagay na maituturing na totoo?'

'Mayroon pa, hangga't nandito kaming mga kaibigan mo, hanggang nandito ako.'

'Kakayanin ko kaya ito?'

'Ako ang magliligtas sa'yo.'

'Kailangan kong makalimutan ang kalungkutang ito.'

'Ako ang bubura sa lahat ng iyon.'

'Mangako kang hindi mo ako bibitawan.'

'Mahal kita, Edge.'

Hawak ng kanang kamay niya ang kamay ko, at hawak ng kaliwang kamay niya ang pisngi ko. Hindi siya nagdalawang isip na halikan at sambahin ang aking mga labi; hindi ako nag-alinlangang magpasakop sa kanyang init. Unti-unting dumaloy ang kuryente sa aking mga labi patungo sa bawat hibla ng aking pagkatao, at unti-unti nitong binuhay ang apoy ng pagnanasa sa akin. Sa kanyang mga haplos at halik, nawala ako sa aking sarili. Hindi ko na namalayan ang pagkawala ng saplot na nasa aking katawan. Ang tangi kong naramdaman ay ang init ng kanyang balat na pumapaso sa aking laman. Nawala ang lahat sa akin, at ako'y nasakop ng isang dayuhang damdamin. Mainit. Agresibo. Sensuwal. Ang bawat himaymay ng aking katawan ay sumusunod sa utos ng kanyang mga labi. Naramdaman ko ang kanyang pag-ibig na nakatuon sa akin. Ang bawat bahagi ng aming katawan ay mistulang konektado sa isa't-isa. Pareho naming sinamba ang isa't-isa. Ang bawat parte ng aming mga katawan ay habangbuhay na itinatak sa aming ala-ala.

"Mahal na mahal kita, Edge."
-------
At sa ilalim ng pulang langit, inalipin ako ng kanyang pag-ibig.
[ITUTULOY]

1 comment:

  1. Masuwerte ka Edge at nabuhay ka, pinakain ka, minulat sa mundo. Pasalamat ka sa kanila... ang iba jan, itinakwil pero ikaw inalaagaan at prinotektahan.. wag ng magrebelde...

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails