This is the second part. Enjoy lang po. I'll be posting chapters 2-11 today, and the latest update, chapter 12 tomorrow, 10.10.10
-------
Now Playing Chapter 2
Over You
"Well, I never saw it coming
I should've started running
A long long time ago
And I never thought I doubt you I'm better off without you
More than you, more than you know.."
- Chris Daughtry, Over You
-------
"Pumunta lang ako ngayon dahil may gusto akong sabihin" ang panimula ko habang ang mga kamao ko ay nakatikom, halos mamuti na dahil sa higpit ng pagkakatikom ko dito. Inipon ko ang galit na nararamdaman ko. Ngunit wala talaga akong lakas na saktan siya. Ang mala-anghel niyang mukha ay hindi ko kayang lapastanganin. Hindi ko kaya.
"Simula ngayong gabi, wala na tayo."
----------
Hindi ko akalain na magagawa ko iyong sabihin sa kanya. At sa harap pa ng buo niyang pamilya. Alam kong nagulat sila sa mga sinabi ko. Sino ba naman ang hindi. Oo nga, legal kaming dalawa sa mata ng aming mga magulang, pero sino ba naman ang mag-aakala na ang dalawang taong pinagsamahan namin ay matatapos lang sa ilang katagang namutawi sa aking mga labi. Iniisip ng lahat na masayang masaya kaming dalawa. Ngunit nagkamali sila. Masakit. Ngunit ano pa nga ba ang magagawa ko? Ang magpaalipin sa katangahan at patuloy na masaktan, o iwanan ang pag-ibig na hindi tapat at patuloy na mananakit sa akin. Ngayong gabi, buo na ang isip ko.
"No Edge, you can't do this to me. Please, please say it's just a joke, will you? Edge I lo-..." ang sabi niya, ngunit agad ko siyang pinutol. Hindi ko napigilan ang galit na lumalabas sa aking katawan. Maging ako ay natatakot na sa aking sarili.
"Shut up, Micco. Ayoko na. Ayoko nang magpakatanga sa'yo. Micco, sa pangalawang pagkakataon, bakit mo ito nagawa sa akin?" halata ang pagkabigla niya sa aking naging sagot. Napuno ang mga mata niya ng guilt, at lalo namang nadurog ang aking puso.
"O ano, akala mo ba hindi ko alam? Sa pangalawang pagkakataon nahuli ko ang pagtataksil mo sa akin! Akala mo ba hindi ko alam ang kakatihan ninyong dalawa ng tang'nang bestfriend mong si Benji?" at nakita kong napangiwi ang talipandas sa likod.
"Ang sakit Micco. Sana noon pa lang sinabi mo na katawan ko lang ang nais mo. E di sana hindi kita inibig ng ganito kalalim" ang sabi kong halos mangiyak-ngiyak na. Ngunit pinigil ko ang daloy. At nagawa ko.
"Don't say that Edge, mahal na mahal kita!" ang napataas-tonong sambit niya.
"Yeah, right. And I'm the President's son. Sige na Micco, kaysa magkasakitan lang tayong dalawa, ibibigay ko nalang sa'yo ang kalayaan mo. Hindi ako madamot, lalo na sa mga taong nagmamahal din sa'yo" sabay baling ng tingin kay Benji, at alam kong nagulat din siya sa kaalamang naisiwalat ko. Ngumiti ako sa kanya, na alam kong ikinagulat ng lahat. Magaling akong magpanggap na masaya, kahit halos mamatay na ako sa sobrang kalungkutan. Ayoko sanang gawin ito, ngunit sa pagkakataong ito, kailangan.
"Everyone, listen. This will be the last time na makikita 'nyo ako dito sa bahay na ito. From now on, I'm exiting Micco's life. Tito Giovan and Tita Tess, thanks for everything. You two are the best parents a kid would ever want. Kuya Elton at ate Janine, thanks sa kulitan ha? I will miss you both" ang sabi ko. Kahit para akong tangang nagbibigay ng speech sa isang commencement excercise, tuloy pa rin. Kailangan kong pigilan ang pagdaloy ng mga luhang ano mang oras ay handang trumaydor sa akin.
"Benji, pare, o ayan, sa'yo na si Micco. Ingatan mo siya para sa akin, kasi MAHAL NA MAHAL ko ang taong yan" pagbibigay-diin ko sa mga katagang iyon. Alam kong medyo nagiging sadista ako mentally, pero kailangan. Kunsensya ang dapat tamaan.
"At ikaw naman Micco, ingatan mo ang sarili mo ha? Mag-aral ka ng mga lessons mo ha? Yung mga damit mo dapat pinaplantsa mo bago matulog para kinabukasan ready na. 'Wag mong kalimutang uminom ng mga supplements mo. Pumunta ka lagi 'dun sa coffee shop para matikman mo ang paborito mong frappuccino. At saka.." sabay pakawala ng isang malalim na buntong hininga. Nahihirapan na akong magpanggap na ayos lang ang kabaliwang ginagawa ko.
"'Wag mo nang uulitin ang kagaguhan mo sa susunod na taong iibigin mo. Masakit kasi. Sana, ako na ang huli" ang sabi ko na punung puno ng pait. Sa pagkakataong ito umiiyak na si Micco. Tiningnan ko sila isa-isa. Si ate Janine lumuluha, si kuya Elton nagulat, si tito Giovan ay nagpipigil ng pagluha, si tita Tess ay humihikbi na. At si Benji ay nagigitla pa rin. Hay, buhay.
"Sige po, aalis na po ako, nagawa ko na ang pakay ko" sabay humakbang paalis ng lugar na iyon. Masakit. Pero kailangan. Ngunit pagkatapos ng tatlong hakbang muli akong humarap sa kanya. Ang anghel ko sa loob ng dalawang taon.
"Oo nga pala, I think ito ay hindi na para sa akin" sabay alis sa singsing na nasa aking daliri. At inilapag iyon sa ibabaw ng coffee table. Dahil 'dun napahagulgol si Micco. Tang'na. Hindi ko talaga kayang makita siyang ganyan. Ayaw kong inaalipin siya ng labis na kalungkutan. Ngunit wala na talaga. Kailangan. Kailangan. Kaya bago pa man ako tuluyang lamunin ng taksil na damdaming hanggang ngayon ay nasa puso ko pa rin, humakbang ako palabas ng bahay na iyon. Ang bahay na naging tahanan ko rin sa loob ng mahabang panahon. Nagtagumpay naman akong nakalabas sa lugar na iyon. Ngunit hindi ang pagpigil sa daloy ng kalungkutang nagsimula nang umagos.
-------
Teka, nasabi ko bang ngayon ay birthday ko? Oo. Birthday ko. Maliban sa 2nd year anniversary namin ni Micco, dapat ise-celebrate din namin ang birthday ko. Tss. Kainis diba? Oo, birthday ko nung lumabas kami nung gabing nagka-aminan kami ni Micco. Ang saya, diba? 'Lang'yang birthday 'to. Wala na ngang regalo, wala pang minamahal. Hay nako. Iniisip 'nyo siguro kung ano ba ang nangyari bago ang break-up? Eto o.
-------
Alas 4 ng hapon nang dumating ako sa bahay nila Micco. Mula sa amin, mga 30 minutes ang byahe. Sasakay pa kasi ng tricycle, tapos bus. Medyo malayo kasi talaga. May balak kasi kami na gumala sa ******* City bago umuwi sa kanila at maghapunan. Malling dapat kasi kami. Madalas tambay kami sa arcade, parang mga bata na sabik sa mga video games.
"Good afternoon tito!" ang masaya kong bati kay tito Giovan. Lumapit ako sa kanya at nagmano.
"Iho happy birthday. Ang gwapo gwapo naman ng anak ko. Ilang taon ka na nga ba?" ang ngingiti-ngiting sabi ni tito Giovan.
"Si tito naman parang nung nakaraang taon hindi ako dito nag-celebrate ng birthday. 20 na po ako tito. Regalo ko ha? Hehehe" ang natatawang tugon ko sa kanya.
"20 ka na? Eh bakit mukha ka lang 18?" ang nakangising paglalambing niya. Oo, tatay siya ni Micco, pero talagang ganyan kami ka-close niyan. Mas close pa ako sa kanya kaysa sa tatay ko.
"Talaga tito?" ang pagpapa-cute ko sa kanya. Haha ayaw na ayaw ko ngang tinatawag ako ng cute, pero pa-cute naman daw ako. Adik.
"Oo naman. Totoy na totoy ka pa nga eh" ang pahalakhak niyang turan. Dahil 'dun natawa naman din daw ako. Ang saya ng birthday ko.
"'Nga pala tito, si Micco po?" ang tanong ko sa kanya.
"'Andun sa kwarto niya kasama si Benji. Sige na at akyatin mo na para makagayak na kayo" ang naging sagot niya. Pagkarinig ko pa lang sa pangalang Benji, kinabahan na ako. Si Benji? Sa kwarto ni Micco? Natural walang magtataka, mag-best friend sila eh. Pero ako nagdududa. Dahil minsan ko nang nasaksihan at napatunayan ang namamagitan sa kanila.
F*ck Buddies.
Friends with benefits.
Sh*t, hindi ko dapat pinag-iisipan ng masama ang dalawang iyon, pero hindi ko mapigilan. Minsan ko na kasing nakita ang mahalay na eksenang iyon.
"Ah, sige po tito." ang paalam ko sa kanya. Sa pag-akyat ko sa hagdanan, lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Putsa, kinakabahan talaga ako. Habang pataas nang pataas ang hagdanan, pabigat ng pabigat ang aking mga paa, at pabilis ng pabilis ang pagtibok ng aking puso. Nang makalapit ako sa pintuan ng kanyang kwarto, nagpantig ang tainga ko sa mga narinig.
"Ooohh" ang mahinang daing na nagmumula sa likod ng pinto. Tang'na, anong nangyayari?
"Mics.. Sh*t.."
"Aahh.. Sige.." bwisit. ANONG NANGYAYARI? Inaalipin na naman ako ng galit. Hinawakan ko ang pihitan ng pintuan at binuksan ang pintuang sagabal sa akin. At nakita ko ang lahat.
Sa ikalawang pagkakataon, nakapaibabaw ang anghel sa demonyo.
Halata sa mga mukha nila ang pagkagulat. Sa kabila ng galit na nararamdaman ko, nanatiling blangko ang isipan ko. Biglang kumalas si Micco sa sugpong ng kanilang katawan at nagsalita
"E-Edge? T-teka, let me explain" habang hindi magkanda-ugaga sa paghagilap ng ipantatakip sa kanyang katawan.
"Magbihis ka. Hihintayin kita sa baba" ang tangi kong nasabi bago tumalikod at isinara ang pinto. Dali dali akong bumaba para pansamantalang maibsan ang sakit na aking nararamdaman. Sa pagbaba ko ng hagdan, bumungad sa akin ang isang babaeng naging nanay ko na rin sa loob ng 2 taon. Si tita Tess.
"Iho! Happy Birthday! Ang gwapo gwapo mo!" sabay halik sa aking pisngi. Gusto kong umiyak sa kanyang dibdib, pero alam kong hindi ko dapat gawin. Kailangan kong maging matatag. Niyakap ko siya ng mahigpit, at hinalikan siya sa pisngi. Bigla kong naisip na isuot ang aking maskara. Dapat hindi niya makita. Dapat.
"Salamat po tita. Na-miss ko po kayo" ang sabi ko sa kanya.
"Eto iho mag juice ka muna. 'Asan ba si Micco?" ang tanong niya sa akin.
"Ah, eh, pababa na po iyon tita" ang balik ko sa kanya, kasama ang isang pilit na ngiti. Ang hirap magpanggap.
"O sige, d'yan ka muna ha, at yung niluluto ko sisilipin ko muna" ang wika ni tita sabay lakad papuntang kusina. Tango lang ang naisagot ko.
Nilalamon ako ng galit. Ang hirap. Kasabay nito ang pagkalunod ko sa kalungkutan at pagkawasak ng aking puso. Masakit. Bakit ba niya ito ginawa sa akin? Bakit?
Deja vu.
Ganitong ganito rin ang nangyari sa akin dati. Ganitong set-up. Si tito, nasa harapan ko. Si tita, nasa kusina. Ako, nakaharap kay tito, kagagaling lang din sa kwarto ni Micco. Ang anghel, nakaibabaw sa demonyo. Ang kaibahan nga lang, hindi nila ako napansin na nakatingin. Malumanay na isinara ang pinto at kalmadong hinintay silang matapos. Niyakap siya at nakangiting nakipag-usap sa kanya. At hindi ko birthday 'nun.
Pero iba na ngayon.
Ang tali ay kailangan nang putulin.
"Edge, ayos ka lang ba? May problema ba tayo, iho? Pansin ko kasi, medyo tahimik ka" ang sabi ni Tito Giovan.
"Ayos lang po tito, medyo pagod lang po siguro ako. Sa byahe, I guess" ang naging tugon ko.
And the rest is history.
-------
Ang anghel ay nakapaibabaw sa demonyo.
At buong gabi, gin ang kaulayaw ko.
[ITUTULOY]
Followers
Saturday, October 9, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
Hahahah love how you make flash backs,
ReplyDeleteThe way you write is very... straightforward.
keep it up pag pupursigihan ko basahin lahat ng chapters kahit may trabaho pa ako mamaya ^^.
nararamadaman ko kasi na makakarelate ako dito.
hahahah