By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
--------------------------------------
“Loy, tinatamad na ako dito, pagod na pagod na. Gusto ko nang umuwi!”
Isang ordinaryong text message ko lang iyon kagabi, normal na pagpalabas ng mga sama ng loob at hinagpis sa trabaho na naibulatlat ko sa pamangking si Loloy sa tila walang katapusang sakripisyo dito sa Saudi.
Si Loloy ay isa sa pinakamalapit kong pamangkin. May kapansanan ito (cleft palate) dahilan upang tuluyang talikuran nya ang pag-aaral. Hindi nya nakayanan ang mga panunukso at pangungutya ng mga kaklase. Hindi lang kasi siya ngongo kung magsalita, may kahinaan din siya sa klase.
Noong hinikayat naman namin siyang magpa-opera, umayaw ito noong nasa pangatlo at huling operasyon na sana dahil sa sobrang takot. Muntik kasi itong mamatay sa daming dugong lumabas sa kanya sa naunang operasyon. Para sa kanya, mas gugustuhin pa daw nyang maging buhay na ngongo kesa normal nga pero patay naman.
Kaya iyon, hindi nakatungtong ng college at mahirap ang trabahong kinasadlakan.
“Tiyo… wag kang sumuko. Ako nga dito umaakyat ng puno ng niyog, nag-aararo, nagtatanim ng palay. Mahirap. Pero ginagawa ko dahil wala akong ibang trabahong alam. Ngunit mahal ko ang trabaho ko. Kasi, iyong ibang tao nga walang trabaho, o kaya hindi na kayang makapagtrabaho pa. Ikaw pa? Maraming umaasa sa iyo Tiyo… Ikaw ang inspirasyon naming lahat.”
Simpleng sagot lang ni Loloy sa text ko ngunit tila may sibat na bull’s eye na tumama sa akin. Pakiwari ko ay bigla akong nagising at namalayang kong tumulo na lang kusa ang aking mga luha. “Oo nga… malayo ako sa mga mahal sa buhay, halos burado na ang personal na kaligayahan dito sa gitna ng disyerto at ang puso ay puno ng pangungulila. Ngunit maswerte pa rin ako; may trabaho, nasa opisina ang pwesto, mas malaki ang kinikita, nakakatulong sa mga kapatid at nakakapagpaaral pa sa mga pamangkin. Mahirap ngunit...”
Mistula akong nasampal text ni Loloy na iyon.
Ah… akala ko’y wala na akong matutunan pa sa isang taong katulad ni Loloy. Bagkus, sya pa itong nagbukas ng isip ko sa kahalagahan ng aking trabaho. Sa text nyang iyon naramdaman kong luminaw ang aking isipan, lumakas ang loob at di maitatwa ang pagka-proud ko sa kanya.
“Oo Loy. Di ako susuko. At hindi ko bibitiwan ang trabahong ito. Salamat sa pagbukas mo sa isipan ko. At ikaw din d’yan. Tiyaga ka lang muna sa trabaho mo. Kapag nakaipon na ako ng sapat na halaga, matutupad din ang pinapangarap mong maliit na sari-sari store…” Ang sagot ko na lang sa kanya...
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
No comments:
Post a Comment