Followers

Saturday, October 9, 2010

Now Playing Chapter 09

Now Playing Chapter 9
Halo

"Everywhere I'm looking now,
I'm surrounded by your embrace,
Baby I can see your halo
You know your my saving grace
You're everything I need and more
It's written all over your face
Baby I can feel your halo,
Pray it won't fade away.."
- Beyonce, Halo
-------
"Benji."
-------
"K-kamusta ka na?" ang bati niya sa akin. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Ano'ng naisip niya upang magpakita sa akin? Ang kapal ng mukha! Matapos ang kataksilan nilang dalawa ni Micco, may lakas pa siya ng loob na magpakita. Tang'na. Nabubuwisit na naman ako. Ang ganda na ng araw ko eh, panira 'to. Tang'na. Nag-alarm ang bell sa ulo ko. Ayokong gumawa ng eskandalo. Kailangan kong magpigil sa galit na unti-unting dumadaloy sa sistema ko. Naalala ko si Lady Gaga.

Poker Face.

"Oh, Benji, napasyal ka? Ayos naman ako. Halika, kain tayo" ang bati kong nakangiti sa kanya. Pero sa loob ko gustung-gusto ko siyang sapakin. Letse.

"Ah, Edge, hindi, ayos lang, may gusto lang sana akong sabihin sa iyo kaya nandito ako-"

"Nonesense! Basta halika dito sa tabi ko at kumain muna tayo. Treat ko. Halika na. Magtatampo ako sa iyo kapag hindi ka umupo dito. Dali na" at pinandilatan ko siya. Natakot ata ang mokong. Dapat lang.

"Ah, sige, salamat." ang tila nahihiyang turan nito. Nag-order pa ako ng isang kanin, ulam at softdrink para sa kanya. Hay nako. Caps lock. Pero kahit kasi masama ang loob ko sa kanya, kahit GALIT ako, hindi ko siya matiis. Sa loob ng 2 taon, siya ang naging kuya ko. Kapag nag-aaway kami ni Micco, sa kanya ako tumatakbo. Sa kanya humihingi ng payo. Kahit papaano, may pinagsamahan naman kami.
-------
Si Benjamin Del Rio ay ang bestfriend ni Micco. Siya ay 21 na ngayon, 5'8", gwapo, kahawig ni Chris Cayzer. Naging mabait naman siya sa akin. Lagi niya akong iniintindi kapag nag-aaway kami ni Micco. Sobrang sakit nga lang ng ginawa niya.

Nakakapanlumo.
-------
"Guys, by the way, this is Benji. Kuya-kuyahan ko ito, kaya bawal awayin, ha?" ang pakilala ko sa kanya sa mga kaibigan ko. Kasama n'un ang isang pekeng ngiti na naka-plaster sa mukha ko.

"Kamusta kayo" ang matipid na bati nito sa kanila. Lahat naman ng mga kaibigan ko ay natutuwa sa kanya, maliban kay Pat na nakasimangot na naman, at kay Clyde na parang naiinis. Huh? Ano naman daw yun?

Todo asikaso naman ako sa kanya. Kawawa naman kasi, hindi makasakay sa trip ng barkada. Siguro nagtataka ito dahil ang bait-bait ko sa kanya. 'Can't read my, can't read my, no he can't read my POKER FACE..'. Well, this may be just for a show, but there's still a soft spot for him in my heart. Afterall, kuya ko pa rin iyan. Tiningnan niya ako, nagtatanong. Nginitian ko nalang siya. Inilapit niya ang mukha niya sa akin at bumulong.

"Uhm, Edge.." ang sabi niya.

"Mamaya na tayo mag-usap. Ok?" ang bulong ko rin sa kanya. Bumulong ulit siya sa akin.

"Edge, kasi.."

"Ano na naman ba? Hush.." ang medyo nairita kong sagot.

"Ang sama ng titig niya sa akin" sabay tingin kay Pat. Sino daw? Tiningnan ko nga si Pat. Oo nga, ang mukha niya ay parang nilamukos na papel. Nginitian ko rin ang mokong. Nahiya naman ito at yumuko nalang.

"Pati siya" at ngumuso kay Clyde. Bakas sa mukha nito ang pagka-inis. Nginitian ko siya. At gaya ni Pat, yumuko rin ito.

"Ang saya nila, ano?" ang tangi ko nalang nasabi.
-------
Pagkatapos naming kumain, inaya ko si Benji na lumabas sa lugar na iyon. Kailangang makapag-usap kami, base na rin sa pakay niya sa pagpunta rito. Sa gilid ng kainan na iyon ay may malilim na halamanan na may nakakabit na swing sa dalawang malalaking puno ng narra. Bago kami nakalabas ay narinig kong nagsalita si Lex.

"May bago na naman.. How sad. Ahahaha" ang nakakalokong patutsada niya. Whatever.

Magkatabi kaming nakaupo sa duyan. Tahimik. Walang nais magsimula. Tuluyan ko nang hinubad ang maskara na kani-kanina lang ay isinuot ko. Naramdaman ko na naman ang lungkot na dulot ng isang taong pinagkatiwalaan mo. Akala ko talaga, tuluyan na akong nakawala sa sakit ng kahapon. Hindi pa pala.

"Ano'ng sasabihin mo sa akin?" ang malamig at walang emosyon kong panimula. Narinig ko na bumuntong-hininga siya bago nagsimula.

"Edge, nais ko lang sanang-" pinutol ko kaagad ang kanyang sinabi. Ang sakit ay muli na namang bumalik, parang asido na unti-unting tumutuklap sa aking balat, at lumulusaw sa aking kaluluwa.

"Kailangan mo pa bang ipaliwanag ang mga bagay na nakita ko na at naintindihan? No, Benji. That was enough. Ayokong- ayokong masaktan na naman sa mga ala-alang dumungis sa aking damdamin. Please, 'wag mo nang ulit-ulitin pa sa akin ang isang bagay na nagpapa-alala sa akin sa katangahan ng kahapon. I don't know what you're doing here, flaunting your egoistic and selfish self as if you didn't do any harm. You want to see me dying? How could you be so heartless? Can't you see I'M STILL BLEEDING INSIDE? Yeah, you may have caused my heartbreak. But I'm sorry, YOU CAN'T CRUSH MY SOUL" ang naluluha ngunit matatag kong usal.

"Edge, alam kong nasaktan ka sa mga nangyari. Patawarin mo ako. Alam kong kasalanan ko ang lahat. Hindi ko mapigilan ang sarili ko, eh. Siguro naman naiintindihan mo ang posisyon ko. Bestfriend ko siya, pero higit pa doon ang tingin ko sa kanya. Pero sa kasamaang palad, hindi ako ang mahal niya. Ikaw iyon Edge, ikaw. Nasaktan ako ng husto. Ngunit nakikita ko ang kasiyahan sa mukha niya kapag magkasama kayo, ang pagkabalisa niya kapag nag-aaway kayo, at ang ang pagkasabik niya kapag malayo kayo sa isa't-isa. Ikaw ang buhay niya. Kasalanan ko ang lahat. Ako ang tumukso sa kanya. Ako ang sumira ng lahat. Patawarin mo ako, Edge. Patawad.." at umiyak siya sa aking harapan. Akala ko ayos lang sa akin ang makita siyang umiiyak dahil sa balik sa kanya ng kanyang kunsensiya. Ngunit hindi pala. Ang kuya ko. Pero mapait pa rin ang bibig ko. I can't stop the flowing venom in my mouth

"Kung patatawarin kita, maibabalik mo ba ang kahapong sinira mo? Maiaalis mo ba sa ala-ala ko ang kahalayang nakita ko? Mababago mo pa ba ang takbo ng pagkakataon? No, KUYA. I thought you're a friend. A REAL FRIEND. But you broke the trust that I gave to you. YOU'RE A MAGGOT-IN-DISGUISE. I shouldn't have trusted you. I should've listned to the gut feeling that I had when I saw you look at him like that. I should've doubted him when he became cold. I should-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang napaiyak nalang ako. Sobrang sakit. Oo, naihinga ko nga kay Aries ang tungkol dito, pero talaga palang mas masakit kapag kaharap mo na ang bagyo. Kung asido ang luhang lumalabas sa mga mata ko, my face would be a of a decaying angel. Bitterness, rage, defeat and sadness consumes me devastatingly.

"Edge, I'm so, so sorry. I'm sorry, I'm sorry" ang paulit-ulit niyang paghingi ng tawad. No. Stop doing that. Hindi ko kayang nakikitang nalulungkot ang mga taong pinagkatiwalaan ko, kahit ginawan nila ako ng hindi maganda. I'm supposed to be tough, venomous and deadly at the moment. Pero hindi ko kaya. Hindi ko siya matiis. I'm not the type to keep grudges and seek revenge. I let go. Kahit magmukha pa akong tanga, ayos lang. He's a friend. And I know, once in a while, a friend would hurt me, intentionally or not. What he did just got beyond what my fragile heart can keep. It's devastatingly cruel, but for me, a friend will always be a friend no matter what.

Bumuntong hininga ako at pinahid ang luhang nasa pisngi ko. Hindi ako nagsalita. Nanatili akong tahimik. I should not be doing this. Dapat nga sinisigawan o kaya sinasapak ko siya ngayon, eh. Pero.. I can't. And I did it.

Niyakap ko siya ng mahigpit. Kahit nasasaktan ako, sige lang. At sinabi ko sa kanya na ayos na ang lahat.

"Edge.. P-patawarin mo a-ako.." ang pahinto-hinto niyang sabi.

"Ssshhh, tama na kuya, tama na." ang sabi kong humihikbi. Hindi ko mapigilan ang kalungkutan. Hindi ko siya kayang tiisin.

Pareho kaming nag-iyakan. Kahit para kaming tangang magkayakap sa swing at nag-iiyakan, ayos lang. Basta't nailabas ko ang sakit na matagal kong kinimkim. Ang mga pader na ginawa ko laban sa ganitong klaseng pagkakataon ay gumuho na. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko.

"Nasaktan ako ng husto sa mga nangyari, pero mabuti na rin siguro iyon, kasi ang hirap talaga eh. Walang perpektong relasyon sa mundo. Alam kong marami akong pagkukulang sa kanya, kaya hindi na rin nakapagtataka na maghanap siya ng iba. Tao lang tayo, marupok. Kahit masakit, tinanggap ko na ang lahat. Tanggap ko na ang lahat. May mga bagay talaga na hindi na natin mababago pa, kahit anong pilit nating gawin. At may mga bagay rin talaga na sadyang hindi para sa atin. Ayan na iyan eh. What's the sense of changing that if the very change it needs is comparable to a kid's punches thrown on the moon? Sana nga lang, Micco and I parted as friends." ang sabi ko sa kanya habang humihikbi pa rin.

"Patawarin mo ako, kasalanan ko talaga ang lahat" ang paghingi niya ng patawad sa akin.

"Ayos na kuya, pinatawad na kita. Wala na tayong magagawa pa sa nakaraan. Tapos na iyon. Tanggapin nalang natin." at nginitian ko siya ng matamis.

"Salamat, Edge, salamat talaga." ang naluluha na naman niyang turan. Muli ay niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi, para iparating sa kaniya na ayos lang ang lahat.
-------
"Edge, I don't want to sound so ungrateful, but why forgive me so fast?" ang tanong niya sa akin matapos ang ilang saglit na katahimikan.

"I don't know kuya. Maybe it's the fact that I can't do anything to change what happened. Maybe you still have a place in my heart. You've been the brother I've always wanted. Or maybe it's because I don't want to lose you as a friend. I know you did that because of love. We can't blame love for the things that caused us pain. We do those things because we want to be happy. Pare-pareho lang tayong biktima ng sitwasyon, kuya. We just have to make the right decisions para sa ikakaayos ng lahat. Basta kuya, I want us to be friends again. Don't ask again, okay?" ang nakangiti kong sagot sa kanya.

"Salamat talaga, Edge." ang sabi niya ulit sa akin.

Ang gaan sa pakiramdam.

"So, kamusta ka na, kuya? Ano'ng pinaggagawa mo sa buhay?" ang pagsisimula ko ng bagong usapin habang pinapahid ang luha naming dalawa. Dapat kalimutan ang mga kasalanan sa nakaraan. At magpatawad. For me, it's not forgive and forget. It's FORGET AND FORGIVE. Kalimutan mo muna ang masaklap na kahapon bago ka magpatawad. And then, ituloy ang buhay. Gusto kong magkaayos ulit kami.

At nagkakuwentuhan ulit kami, nagkamustahan na tulad ng magkaibigang matagal hindi nagkita. Marami kaming napag-usapan, mga nangyari sa loob ng ilang buwang hindi pagkikita. Nalaman ko rin sa kanya ang mga nangyari kay Micco.

"Hanggang ngayon Edge, hinahanap-hanap ka pa rin niya." ang panimula niya. "Simula nang gabing umalis ka, lahat ay nagbago na. Lagi siyang mag-isa, nagkukulong sa kwarto niya. Madalang makipag-usap sa kahit kanino sa kanila. Ilang araw pagkatapos ng paglisan mo, pinuntahan ka niya. Nalaman niya mula sa mga magulang mo na nasa Maynila ka na raw. Hiniling niya na ibigay ang address mo ngunit hindi pumayag ang mga magulanng mo. Mas mabuti na raw iyon para mas makapag-isip kayong dalawa. Tama nga naman sila. Hindi kayo maghihiwalay ng walang malalim na dahilan. Sa loob ng 2 buwang bakasyon wala siyang ibang ginawa maliban sa magmukmok. Inasahan niya rin na dadalo ka sa graduation niya, ngunit hindi ka dumating. Doon ko talaga napatunayan na mahal na mahal ka niya. At pinagsisihan ko talaga ang ginawa ko. Uulitin ko ulit sa iyo ang paghingi ng tawad" ang sabi niya sa akin.

"Benji" at bahagya akong natahimik sa sinabi niya. Alam kong pareho kaming nahirapan. At least, alam kong kahit papaano, minahal rin ako ni Micco.

"N-nasaan na siya ngayon?" ang tanong ko sa kanya.

"Nasa Makati siya ngayon. Nagrereview siya ngayon para sa nursing exam." ang sagot niya. Nursing kasi ang kursong kinuha ni Micco.

"Ah, gan'un ba?" ang tangi ko nalang nasabi.
-------
Kamusta na kaya siya?
-------
Hindi nagtagal ay nag nagpaalam na si Benji sa akin. Ang gaan ng pakiramdam ko ngayon, kasi kahit papaano ay nagkabati na kami. Si kuya. Hinatid ko siya sa sakayan ng jeep na sa kabilang kalye lang sa tapat ng carinderiang iyon. Hinagkan ko siya sa pisngi at niyakap. Gan'un din ang ginawa niya.

"Salamat, Edge. Salamat at napatawad mo ako. Napakabuti mong kaibigan" ang sabi niya sa akin.

"Ssshhh, akala mo ba gan'un nalang iyon?" ang balik ko sa kanya.

"Huh?" ang usal niya. Biglang lumungkot at mga mata niya.

"Hindi lang gan'un iyon, kuya. Ililibre mo pa ako ng ice cream" ang sabi ko sa kanyang nakangiti. At muling nanumbalik ang saya sa mga mata niya.

"Oo ba!" ang masigasig niyang sagot. Muli ko siyang niyakap bago siya umakyat sa jeep. Kinawayan ko siya, at tuluyan nang umalis ang sasakyan.
-------
Bago ako tuluyang makapasok sa tambayan, sinalubong ako agad ni Clyde. Hindi siya nagsalita, ngunit nakita ko sa kanyang mga mata ang pagtatanong at pag-aalala. Tinitigan ko siya. Alam kong nakita niya ang isang bahagi ko na pilit kong itinatago. Ang kahinaan ni Edge. Ang kalungkutang dala ko pa rin. Pero wala naman na akong magagawa. Nginitian ko siya, paniniguro na ayos lang ako. Ngunit nagulat ako sa ginawa niya.

Niyakap niya ako.

Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makapag-isip. Ang isang anghel na katulad niya, nakayakap sa isang makasalanang katulad ko. Isang anghel? Si Clyde? Saan nanggaling iyon? Wala akong magawa. Pakiramdam ko ay inalisan ako ng langit ng kakayahang gumalaw, magsalita, at mag-isip upang malasap ang panandaliang langit. Lalo pa akong nanghina nang maramdaman ko ang hininga niya sa aking mga tainga , at bumulong siya sa akin.

"Tandaan mo, nandito lang ako para sa iyo."

Hindi ko alam kung saan ko nahagilap ang lakas upang yakapin siya. Mahigpit. Hindi ko maintindihan, ngunit gusto ko ang pakiramdam na ito.

Mainit.

Ligtas.

Payapa.

Ang yakap ng isang anghel.
-------
BLLAAGGG!

Tunog iyon ng sadyang malakas na paglapag ng baso sa lamesa. Iyon ang nakapag-pagising sa akin sa temporary ecstasy na naramdaman ko. Iyon ang nagpanumbalik sa aking sarili. Naman. Bakit ba lagi kong nararamdaman ang ganito kapag si Clyde ang nasa harapan ko?

"Salamat" ang sinabi ko sa kanya, bago kumalas sa pagkakayakap sa kanya. Nginitian ko siya. At gan'un din ang ginawa niya. Inakay ko siya pabalik sa lamesa, upang salubungin naman ng mga nagulat na reaksiyon ng aming mga kaibigan.

"What the hell was that?" ang hindi makapaniwalang tanong ni Kitty.

"The what?" I replied. Eto na naman tayo.

"Did we just saw you HUG?" Ang OA na sabi ni Crys.

"God, it looks so.." ang sabi ni Kier, na tinapos nilang lahat ng sabay-sabay.

"Perfect."

Ano daw? Tumaas ang kilay ko sa narinig. Tiningnan ko si Clyde, at nagulat ako dahil namumula na pala ang mokong. Sh*t, ano ba ang nangyayari? Napaka-naive ko talaga sa mga ganitong bagay. Tsk.

Ibubukas ko pa lang ang bibig ko para magsalita nang matigilan ako. Tumayo si Pat at hinatak ako palabas.

"T-teka! Pat!" ang tanging nasabi ko. Tiningnan ko ang barkada. Lahat sila ay gulat ang reaction. Si Kitty nga eh, naka malaking 'O' ang bibig. Maging si Clyde ay nagulat rin sa nangyari.

"Pat, teka, nasasaktan ako! Ano ba?" ang sabi ko ng higpitan niya ang hawak sa braso ko. Parang.. Nangyari na ito dati.. Parang..

Pat.

Micco.

"Pat, ano ba?" ang napalakas kong sabi. Hinatak niya ako hanggang makarating sa duyan. Inupo niya ako doon. Tiningnan ko ang mukha niya. Ang mga mata niya. Tama ba ang nakikita ko?

Galit.
[ITUTULOY]

1 comment:

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails