Followers

Thursday, October 28, 2010

Kung Kaya Mo Akong Mahalin 1


Chapter 1

-Yuri-

                'AMAAAAAAAAAAAA!!!!!' ang aking biglang naisigaw kasabay ng tuluy-tuloy na pag-agos ng mga luha, ang pag-apaw ng aking kinikimkim na emosyong sa loob ng limang araw at apat na gabi.  Ito ang araw ng paghahatid sa aking minamahal na ama sa kanyang huling hantungan.  Dahil sa aking pag-atungal, biglang napatingin sa akin ang mga dumalo sa kanyang libing. Pinagtataka siguro nila kung bakit ang taong walang kareareaksyon simula ng madiskubre siyang patay hanggang sa burol, hanggang kaninang umaga bago ang libing ay biglang bumunghalit ng malakas na iyak.
                Ako si YURIEL UESHIBA DE LEON, 19 taong gulang.  Pinalaki ng magulang sa disiplina.  Sa liit kong 5’2”, walang makakapagsabi na isa akong ekserperto sa dalawang larangan ng martial arts. Ang aking ‘sensei’ ay ang aking mga magulang. Si ina ay ang aming tagapagturo ni ate sa larangan ng aikido.  Ang aking namayapang ama naman ay sa isang istilo ng karate, ang Kyokushin na unang itinuro kay kuya. Mula pa noong 5 taong gulang pa lang ako, sinanay na ako ni ama sa istilong iyon.
Kasabay ng hinagpis sa pagkawala ng aking ama ay ang unti-unting pagbabalik tanaw sa aking mga alaala: ang mga saya, leksyon, pagsasanay at maging ang pagtatrabaho kasama siya.  Siya na nagpalaki, tumanggap sa aking pagkatao at nagturo ng mga aral tungkol sa buhay ay wala na!

Simula noong itrain nya ako, ang paggising ng alas tres ng madaling araw para sa aming ensayo ay nakasanayan ko na.  Dalawang oras na sigawan at sakitan ng katawan na punung-puno ng matututunan ay nakagawian ko bago siya umalis papunta sa bukid o sa isang inuupahang lumang gymnasium na tinatawag nyang ‘dojo’. 
Hindi nya ako isinasama sa ‘dojo’ dahil mas nais niyang matutukan ang aking pag-ensayo.  Disiplina. Iba’t ibang galaw.  Porma. Mga ‘kata’ o kung sa boxing ay ‘shadow boxing’. Ayan ang natutunan ko sa kanya.  Sabado at Linggo lamang siyang nagtuturo sa ‘dojo’.  Ang araw ng pasok sa eskuwelahan ay para naman sa pagtatrabaho sa tubohan kung saan palagi akong isinasama kahit bago pa lang akong mag-aral. 
‘Yuri, wag na wag mong gagamitin ang karate sa iyong mga kalaro kundi mananagot ka sa akin’, ayan ang lagi niyang paalala sa akin.  Pero noong nasa Grade 2 ako, napuno ako sa pang-aasar ng aking limang kaklaseng lalaki dahil sa aking pagiging maliit.  Kinuha pa nila ung kakarampot na baon na binigay ni ina.  Kahit palagi akong pinaaalahanan ni ama, nagamit ko pa rin ang aking kaalaman.  Ang resulta, naipadala ko silang lima sa ospital.  Dahil doon, katakot takot na palo ang aking natanggap mula sa kanya na hanggang sa ngayon ay hindi ko pa malimutan.  Simula nun, hindi ko na ginamit ang aking alam liban lamang sa aming ensayo.  Simula rin nun, hindi na rin ako nilapitan ng aking mga kaklase dahil sa takot nila na tila nanatili hanggang sa aking pag-graduate sa elementarya.             

Flashback
                “Bakit ganyan ka makatingin sa iyong kaklase? Bakla ka ba?” ang nabanggit ni ama ng ako’y kanyang makitang nakatitig sa aking bagong kaklase. Grade 4 ako ng may lumipat na ‘cute’ na transferee at hindi ko malaman ang aking nararamdaman.
                “Hindi po…” ang aking tanging tinuran dahil sa takot na maulit ang nangyari sa akin nung Grade 2.  Malapit ang iskwelahan sa tubuhan kaya lagi akong hinihintay ni ama para isabay sa pag-uwi at ilang beses nya rin akong nahuli na nakatitig kay classmate. 
                “Yuri, tanggap kita kahit na ganyan ka”, isang araw ng pagkatapos nyang mabanggit muli ang aking pagtitig. “Pero sana kahit papaano ay kumilos ka pa rin ng isang lalaki at wag mong ipahalata ang iyong tunay na katauhan.” Dagdag pa niya, “ Ayaw ko rin kasing masaktan ka kapag may nang insulto sa iyo.”     
                Napaiyak ako sa sinabi ni ama. Alam ko kahit papaano ay tanggap niya ako.  Bilang pasasalamat, sinunod ko ang kanyang payong na wag magpahalata sa tunay kong katauhan.  Tuwing uwian, pag napapatagal ang pagtitig ko sa aking crush, si ama ay bigla na lang akong pupukawin para hindi ako mahalata. Sinabi nya rin sa aking ina ang tungkol sa kanyang nalaman. 
                “Tuturuan kita ng Aikido tulad nang iyong ate hindi lang dahil sa ganyan ka.  Tuturuan kita dahil napansin kong napakaliit mo kumpara sa iyong mga kaklase.” Ang nasabi ni ina pagkatapos nya rin malaman.  Alam ko tanggap nya rin ako kahit bakla ako.  Ang sabi pa niya, “Ang aikido kasi ang mas nararapat sa iyong pangangatawan kasi ginagamit nito ang lakas nang iyong katungali laban sa kanila.”
                Simula noon, inensayo na rin ako ni ina sa Aikido. Dahil parehas kong inaaral ang dalawang martial arts na ito, pinagpasyahan nila ang schedule ko.  MWF, karate ni ama at TThS, ay aikido ni ina.  Linggo ay araw ng simba at pahinga.  Pagkatapos ng turo ni ama sa ‘dojo’, kaming mag-anak ay lalabas para kahit paano ay magliwaliw; maligo sa ilog o sa dagat, magpicnic sa bukirin, o iba pang pang-tanggal stress na lakarin.

Ang disiplinang nagmula sa dalawang martial arts ay marahil nagdulot nang aking pagiging tahimik, introvert, hindi pagpapakita ng emosyon at walang maituturing na tunay na kaibigan.  Kahit kasi nung ako’y nag high school, hindi pa rin ako naging pala kaibigan. 
Kung may group project o miting naman ay tinatanong ko ang aking mga kaklase kung ano ang aking gagawin pagkatapos ay umaalis na lang.  Hindi rin kasi maikakaila ang aking katalinuhan kaya kayang-kaya kong gawin kung ano man ang ibig nilang ipagawa.  Sa klase naman ay hindi ako nawawala sa top 10.  Ipinagkikibit balikat ko lamang ang aming mga naging adviser tuwing kinakausap ako na malaki ang tsantsa kong manguna kung sasali lang ako sa mga school activities.  Katwiran ko kasi ay ang mahalaga lang ay mag-aral ako ng mabuti para matutunan ang dapat matutunan na sa tingin ko ay suportado nina ama at ina. 
Nasanay rin akong sa sandaliang pagtingin sa aking mga napupusuan.  Sina ina at ama naman ang aking laging nakakausap tungkol dito kaya kahit papaano ay nasasabi at napapawala ko ang aking mga nararamdaman ukol sa mga ‘crushes’.  Sila ang tinuring kong ‘bestfriends’ kung saan nasasabi ko ang aking mga nararamdaman.  Kaya kahit hanggang sa ngayong college na ako, walang nakakaalam ng aking tunay na pagkatao.  Ang pagkakakakilala lang nila sa akin ay isang taong weird na hindi dapat nilalapitan. 
Sa tingin ko naman, marami ang nagkakacrush sa akin.  Sa lahi ko ba namang ½ Japanese, ¼ Chinese, 1/8 Spanish at 1/8 Filipino, lumitaw ang aking kakisigan.  Naging dominante kasi sa aking itsura ang pagiging hapon.  Kahit maliit na maituturing, ako ay may maputing balat na medyo mamulamula dahil sa araw, singkit na mata, may maliliit at mapupulang labi, katamtamang tangos ng ilong at athletic type na katawan na batak sa training at trabaho.
 Minsan, may naglalakas ng loob magtanong sa akin tungkol sa aking pinagmulan dahil nga akala nila ay isa akong hapon at kung bakit tagalog ang lenguwahe ko. Sinasabi ko na lang na ‘hindi ko alam’ at nawawala na ulit ang interes nila. 
Pag nagtatanong, ako kina ina at ama ng tungkol sa aming pinagmulan, ito lang ang kanilang palaging sinasabi, ‘Ang lolo mo sa ina ay isang hapon, ang lola naman ay isang intsik’, ‘Ang lolo mo sa tatay ay Pinoy na Espanyol, ang lola mo naman ay purong hapon’.  Pagtatanungin ko na ang detalye, ang tanging sasabihin nila ay ‘Wag mo nang ungkatin ang tapos na’ at hindi na nila sila nagbibigay ng detalye.

Mahigit isang oras matapos umalis ang huling nakilibing, nang kami na lamang nina ina, kuya at ate ang natira sa sementeryo, biglang bumuhos ang napakalakas na ulan na tila ba pinauuwi na kami.  Mahigit isang oras ko ring pinawalan ang nakimkim kong damdamin. 
At balik na naman sa dati!
O, ayun nga ba!?

2 comments:

  1. mukang maganda to ah, marunong sa karate at aikido. tahimik at di palakaibigan.

    bharu

    ReplyDelete
  2. RElate Aikido rin martial arts ko, ueshiba, alam ko apilyedo yun ng founder ng isang aikido organisation dito diba?? morihei , murihei ueshiba something gnaun

    -Dino

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails