Followers

Tuesday, October 12, 2010

Kung Kaya Mo ng Sabihing Mahal Mo Ako 3

By: DALISAY
e-mail: I could tell you... But then I have to kill you. LOL! (mura yan. :p)
blogsite: dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: I speak softly but I carry a VERY BIG stick!

Chack: Salamat sa pagbabasa. :)
Follow my blog please :) dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com

CHAPTER 3


Isang nakaka-binging katahimikian ang namagitan sa kanilang dalawa ni Gboi. Alam na niyang nakuha niya ang atensyon nito ng husto. Hindi niya akalaing ganoon kadaling makakapag-establish siya ng panibagong plano para sirain ang kapatid nito. Kailangang magbayad si Elric sa kahit na anong paraan.

“Ay!! Aym su-re Ser por ay hab islep her. Ay dedn’t min tu bi isleyping her.”

Tinig iyon ni Britney mula sa likuran. Muntik ng makapag-preno ng wala sa oras si Pancho kung hindi niya naalala na kasama nila ang talipandas na iyon sa likuran.

“Ano ka ba naman Britney! Nakakagulat ka! Sa susunod, mag-inat ka naman muna.” Naiiling na sambit ni Pancho.

Tiningnan ni Gboi ang bading sa likuran. Mukhang pinagprituhan na ng itlog ang mukha nito. Bahagya tuloy siyang napangiwi sapagkat sa kanya ito nakatingin.

“Haw ar yu ser?” nakangiting sabi nito sa kanya. Napansin niya ang bahagyang pagsulyap ng katabi niya sa kanya kaya hindi niya maangilan ang nagsalitang monster.

“I’m okay, Britney.”

At bahagya itong nginitian bago umayos ng upo.

“Ser, wud yo like to eat? Ayl by Mcdu.”

Biba pa nitong pakikipag-usap muli sa kanya.

“No, I’m okay.” At bahagya lang itong nilingon.

“Sigi na Ser. Ayl buy Mcdu por yo.” Muli nitong paanyaya.

Sasagot sana siya kung hindi lang siya inunahan ng nagmamaneho.

“Hindi yata kumakain si Sir ng Mcdo, Britney.” Nang-iinis na wika nito.

Hindi niya pinatulan ang pang-iinis sa kanya nito at sinagot si Britney.

“No, I’m still full Britney. And besides, He’s right. I don’t eat fastfood. But, maybe next time.” Sabay ngiti rito.

Nakita pa niya ang bahagyang pagsinghap nito sa pagngiti niyang iyon. Noon niya naunawaan na nagpapa-cute ito at mayroong crush sa kanya.

Tiningnan niya si Pancho na katabi niya. Nakita niya ang pagtaas ng sulok ng labi nito na parang sa isang nang-uuyam na ngiti. Hindi niya napigilang punahin iyon.

“What is your problem?” nakakunot-noong tanong niya rito. Nilingon siya nito ng nakangiti pa rin.

“Wala po akong problema Sir. Bakit kaya parang mainit ang dugo mo sa akin Sir?” tanong nito sa kanya kapag-kuwan.

Hindi siya naka-imik sa naging tugon nito sa kanya. OO nga naman? Bakit nga ba siya masyadong apektado sa mga kilos nito. Pinili niya ang manahimik na lang.

Maya-maya lang ay nasa bahay na nila sila sa Quezon City. Iyon ang lumang mansion nila sa New Manila. Ilan sa mga naunang residente doon ang pamilya nila. Iginala niya ang paningin sa buong paligid. Wala pa ring nagbago sa lugar na iyon. Maliban sa ibang renovation na ginawa, walang naging malaking pagbabago ang lugar na kinalakihan niya.

Sa isang banda, ay umalis na kaagad ang dalawang nagsundo sa kanya pagdating nila sa mansiyon. Nag-iwan pa ng isang makahulugang tingin si Pancho sa kanya habang ang malanding si Britney ay parang timang na nakatugaygay sa kanya.

“Magandang araw po Senyorito Gboi.” Bati sa kanya ng mayordoma.

“Magandang araw din Manang Mercy. Kamusta na po kayo rito?” nakangiti niyang sabi then looked at the old woman fondly. Isa ito sa mga naunang katiwala doon.

“Ay, okay lang ako at ang mga kasama ko rito Senyorito Gboi. Maayos naman ang lahat. Umakyat na muna kayo sa library at nandoon ang inyong Papa. Nagbilin siya na doon kayo dumiretso pagkarating ninyo.” Sabay talikod nito sa kanya.

Pagpasok niya ay naging nostalgic na naman ang kanyang pakiramdam. Iginala niya ang kanyang paningin at hinanap ang paboritong lugar sa mansion. Nakita niya ang portrait ng kanyang Mama. Hindi niya maiwasang ang pagpapakawala ng isang mahabang buntong-hininga.

“So the prodigal son is back!”

Isang tinig na punong-puno ng sarkasmo ang kanyang narinig. Mula iyon kay Mildred. Ang kanyang madrasta. Nakangiti ito ngunit batid niyang peke ang ngiting iyon na maaring ihalintulad sa isang bulok na mansanas. Pula sa labas. Brown sa loob.

Tiningnan niya ito hanggang sa makababa sa grand staircase nila.
Donyang-donya na ang hitsura nito samantalang 15 years ago ay napaka-submissive ng dating nito at hindi makabasag-pinggan kasama ang dalawang anak nito sa unang asawa.

Isa itong dating manggagawa sa kanilang kumpanya. Bagamat ikinagulat ng lahat ang pagpapakasal nitong muli matapos mabiyuda sa kanyang ina ay walang ni isa man ang tumutol sa naganap.

“I’m glad you’re here to welcome my return Tita Mildred. Had I known that you’ll be taking the time to come down here and talk to me, I should’ve chosen to stay in a hotel than to suffer the intolerable minutes talking to you.”

Mahaba ngunit banayad niyang pagkakasabi bagaman nakaplaster ang kanyang ngiti sa mga salitang iyon.

Naningkit ang mga mata nito sa sinabi niyang iyon.

“Kahit kalian talaga, bastos ka Gboi. You always talk like you’re some drag queen who is always trying to make ends meet. Nakakatawang isipin na ganoon ka umakto sa harap ng pamilya. Nakakahiya ka!” magkadikit ang labing wika nito.

Halos ayaw iparinig ang nais iparating. Hindi maiwasang maamuse siya sa sinabi nito.

“Oh! Now I’m a drag queen. You see Tita, you can brand me everything you want, But, Frankly my dear. I don’t give a damn. Mas gugutuhin ko pang kausapin ang mga katulong sa mansiyon na ito kaysa ang makipag-plastikan sa inyo. Baka kasi makalimutan kong “asawa” kayo ng Papa ko.”

Mas maanghang na wika niya rito sabay talikod paakyat ng hagdanan. Through the years ay nadevelop na niya kung paano tatapatan ang kawalang-hiyaan ng mga ito sa kanya kapag siya lang ang kaharap.

Nang-uuyam na muling nagsalita ito.

“So, you’ve suddenly developed an instant affection to the hired help here. Hindi ko alam na mahilig ka palang makipag-usap at kinaaliwan mo ang mga hampas-lupa.” Nakataas-kilay na salita nito.

Nilingon niya ito ng akmang hahakbang na sana siya paakyat sa library. Tiningnan n’ya ito mula ulo at paa at binalikan ang mukha nito sabay sabi kalakip ang mas nang-uuyam na ngiti.

“Sa totoo lang, Ikaw lang ang hampas-lupang hindi ko kailanman kaaaliwan.” Sabay talikod sa madrasta.

Narinig pa niya ang mahinang pagsinghap nito sa likuran niya bago ipinagpatuloy ang pag-akyat. Mukhang magiging napakahirap ng pagbabalik niyang iyon.

“Dad, I’m here.”

Kasunod ng isang mahinang katok niya sa pintuang iyon ng kanilang library.

“Come in.” boses iyon ng kanyang ama.

“Welcome back Gboi” pagbati sa kanya ng kanyang ama kasabay ng isang mahigpit na yakap sa kanya.

Tinapatan niya iyon ng mas mahigpit na yakap.

“Kamusta kayo Papa?” tanong niya sa ama.

“I’m good. I’m perfectly fine, hijo.” Nakangiti siya nitong iginiya sa isang mesa doon.

“Bakit dito ninyo ako pinapunta agad Papa? May sasabihin ka bang importante?” bungad niya rito ng maka-upo.

Napatingin ito sa kanya. Napa-iling. “Ha, ha.. Talagang kilala mo ako Gboi. Alam mo kung kailan kita kakausapin ng seryosohan. Pasensiya na kung hindi kita mapapag-pahinga muna. The Menandrez are asking kung kailan nga ba ang kasal ninyo ni Katrina. You see, you’ve been engaged for more than seven years now. When do you plan to tie the knot?” tuloy-tuloy na sabi nito.

Bagaman at alam niyang iyon ang maririnig niya sa ama ay hindi pa rin siya makasagot dito ng kongkretong kasagutan. Hindi sa wala siyang planong pakasalan si Katrina. In fact, ito lang ang nakikita niyang babaing pwedeng pakasalan niya. They’re even good in bed. Dahil nasubukan na nilang minsan ang magniig. Ang tanging pumipigil sa kanya ay ang dahilan sa pagpapakasal nilang iyon.

“Some mergers happen in Church, son. Hindi kayo ang unang gagawa noon. Besides, She’s a perfect catch for you.” May kasama pang panunudyo ang pangungumbinsing iyon ng kanyang ama.

Napabuntong-hininga siya sa narinig. Parang nabasa pa nito ata ang naisip niya.

Damn! Sabi ng isip niya.

“Okay Papa. Gagawin ko. I think it’s time na rin para tuldukan na ang katanungan ng lahat at ang kanilang paghihintay. May be we can marry in December. Tatanungin ko si Katrina mamaya.” Sabi niya sa ama.

Mas maganda ng ganito. At least. Teka? Bakit parang ang sarili niya ang kinukumbinsi niya? By doing this, he can finally have the approval of his father that he longed for all his life.

Napahugot na naman siya ng hininga.

“Magaling. Sabagay, naghahanda na sa ibaba ang lahat para sa Welcome party mo. Magpahinga ka muna hijo. May sorpresa pa ako sa iyo mamaya. Pupunta rin dito sina Katrina mamaya. Get yourself a rest. And, Welcome back ulit hijo!” Bakas ang katuwaan sa mukha nito.

Iyon ang matagal na niyang inaasam. Ang matuwa ang ama sa kaniya. Nagpaalam na siya rito pagkabitiw nito sa kanya.
Habang nasa silid ay hindi mapigilan ni Gboi ang mapag-isip.

Sumasaglit sa isipan niya ang ibang mukha. Imbes na ang kay Katrina ang kanyang makita ay ang mukha ni Pancho ang nakikita niya.

“Shit!” sambit niya.

Kailangan alisin ang talipandas na iyon sa kanyang isipan. Nasaan na nga pala iyon? Pagkababa niya ng sasakyan kanina ay tiningnan lang siya nito ng makahulugan at nagpaalam na. Dumiretso na siya pagpasok at iyon nga ay nagka-iringan sila ng madrasta.

Pinili na lang niyang mahiga at magpahinga. Ipinikit niya ang mata at salamat sa malamig na klima ng kwarto ay nakatulog na siya pagkalapat ng kanyang likod sa higaan…

Itutuloy….

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails