by: bx_35
e-mail address/YM ID: bx_35@yahoo.com
Chapter 4 – First, first
Mas lumalim pa ang pagiging mag-kaibigan namin ni Ethan. Mas lalo pa kaming naging open sa isa’t isa, kung ano-ano pa ang napapagusapan namin, parang wala kaming pakialam sa mga taong nakapalibot sa amin, ang sa amin ay wala naman kaming nasasaktan sa aming ginagawa. Madalas ay mas sensual na ang usapan namin sa text, pero andoon pa rin yung respeto sa isa’t isa, walang bastusan.
Kadalasan ako lang ang naiiwan sa amin tuwing araw ng Linggo, may kanya-kanyang lakad ang magulang at kapatid ko.
“Bro, punta ka naman sa bahay mamayang ala una, wala kasi akong kasama” text ko kay Ethan.
“Sige, hintayin mo na lang ako, pero sunduin mo ulit ako sa kanto pagdating ko” reply niya sa akin.
“Ok, basta text mo lang ako kapag malapit ka na para punta na ako sa kanto” sagot ko sa kanya.
Pagka-alis pa lang ng mga magulang ko ay inayos ko na ang kwarto at pumunta na ako sa kanto kasi alam ko na padating na rin si Ethan. Kaagad naman kaming dumiretso sa kwarto at niyakap at hinalikan ang bawat isa bilang salubong. Nagyaya akong mahiga para kahit na hindi ako makatulog ay marelax naman ang katawan ko at siya naman at nakayakap sa akin.
Habang nagkukwentuhan kami ay bigla na lang kaming nakaramdam ng kakaiba. Walang ibang tao sa bahay, naka-lock naman ang pinto. Dalawa lang kami sa kwarto pero apat na ulo ang nag-uusap. Nang di na kami naka-tiis, pinagpatuloy namin sa banyo ang kwentuhan. Doon naganap ang di dapat maganap, pinaglaruan ang di dapat paglaruan, at nakita ang di dapat makita. Ang init.
“Bro, happy monthsarry!” Ang text sa akin ni Ethan.
“Para saan?" reply ko naman sa kanya.
“Isang buwan na kasi simula noong magkakilala tayo, napaka-importante kasi sa akin ng araw na iyon kaya gusto ko na laging maalala” paliwanag ni Ethan.
“Salamat. Hindi ko naman kasi inaasahan na babatiin mo ako, sige babawi ako at lalabas tayo mamaya, mag-dinner tayo” pambawi ko.
“Sige magkita tayo mamaya” sagot naman ni Ethan.
Isang buwan pa lang pala ang nakalipas simula noong birthday ko, di ko akalaain na ganoon pala ka-importante sa kanya iyon, ang araw na tinuring niya ring simula ng aming pagkakaibigan. Isang buwan pa lang, pero ang daming bagong nangyari sa buhay ko dahil sa kanya. Isang buwan na puno ng kasiyahan, kulitan, at tawanan. Isang buwan na laging napupuno ng text messages ang inbox ko.
Gabi na ng magkita kami ni Ethan at kagaya ng napag-usapan ay kumain kami sa labas bilang selebrasyon ng aming isang buwan ng pagkakaibigan.
“Bro, punta ka muna sa bahay, maaga pa naman at pwede ka pa matulog bago ka pumunta sa trabaho” pagyaya ni Ethan sa akin.
“Sige, walang problema” pagsang-ayon ko.
Pagdating sa kanila at dumiretso kami sa kwarto niya. Pagka-lock pa lang ng pinto ay niyakap niya ako at hinalikan sabay bati ulit ng “Happy Monthsarry”. Gumanti din ako ng halik sa kanya hanggang sa naging mapusok na ito, dala na rin ng kasayahan namin dahil sa munting okasyon. May nangyari at nakatulog kami pagkatapos. Makalipas ang ilang oras ng pagtulog ay pareho kaming nagising, naghilamos at nagbihis lang ako tapos ay inihatid na sa kanto para mag-abang ng bus papunta sa trabaho ko.
“Siyanga pala, may ibibigay ako sa iyo. Regalo ko sa’yo, pagpasensyahan mo na, di ako nakabili kasi alam mo naman na gipit ako ngayon sa pera” sabay abot ng isang papel sa akin ni Ethan.
“Ako nga ang dapat mag-sorry kasi wala man akong naibigay sa’yo, di ko naman kasi inaasahan na ganito” paliwanag ko kay Ethan.
“Ano ka ba, sapat na yong ikaw ang gumastos sa lakad natin, nahihiya na nga ako sa’yo kasi laging ikaw na lang ang gumagastos kapag may lakad tayo. Mamaya mo na buksan yan pagdating mo sa office. O, eto na ang bus, sige sakay ka na para maaga ka rin makarating sa office nyo” sabi ni Ethan sabay para sa bus.
Patuloy pa rin ang pagte-text namin habang nasa bus ako at sinabing hindi daw siya matulog hanggang di ako makarating sa office.
“Andito na ako sa office, pwede ka nang matulog. “Happy monthsarry” ulit” text ko kay Ethan.
“Mabuti naman kung nasa office ka na, sige hayaan mo lang at maya-maya lang siguro ay makakatulog na ako. Basta kapag hindi na ako nag-reply, ibig sabihin tulog na ako. “Happy monthsarry” muling pagbati sa akin ni Ethan.
Hindi ko inaasahan na ganoon kahalaga ang araw na iyon, siya pa lang ang unang kaibigan ko na gumawa ng ganoon pero naisip ko, ang sweet nga, pinagdiriwang ang friendship. Noong masolo ko na ang office ay kaagad ko naman binasa ang sulat sa akin ni Ethan. Pagkabasa ko ay gumawa naman ako ng reply sa sulat niya. Alam ko na tatawanan lang kami ng ibang tao kung may makaka-alam sa mga ginagawa namin, kasi naman lagi kaming nagte-text at nagtatawagan, tapos ngayon meron pang sulat. Balak ko sanang ibigay sa kanya ang sulat noong susunod na araw pero hindi ko nagawa dala ng sobrang antok at mas pinili kong matulog na lang muna sa bahay. Naibigay ko lang sa kanya ang sulat ng susunod kaming magkita.
Di nakakasawa ang araw-araw na pagte-text namin ni Ethan. Di pa rin ako nakuntento at sinulit ko pa ang promo ng PLDT noon, yung P10 unlimited call for Smart subscribers. Pero di pa rin ako nakuntento, iba pa rin ang pakiramdam na kasama ko siya, at alam ko, siya rin ganoon ang gusto niyang mangyari, pero di naman pwede na araw-araw siyang nasa amin, kaya naisip ko, kung di pwede sa amin, baka ako naman ang pwedeng magpunta ng madalas sa kanila. Magandang ideya.
Daily routine ko kapag pang-gabi ako. Labas sa office, mag-abang ng bus, pagkadating sa bahay magbibihis ako at haharapin ko na ang naghihintay na almusal sa akin, pahinga ng konti, punta sa bahay ng lola ko, makikipagkulitan sa mga pinsan ko, seryosong manonood ng Pokemon, tulog, kain ng tanghalian, ligo, tulog ulit, manood na balita at maghihintay ng oras para punta ulit sa trabaho. Isip ulit, pwede ako pumunta kina Ethan in between. Magandang ideya na naman.
Isang araw, di talaga ako mapakali, di naman ako pressured sa trabaho, siguro miss ko lang si Ethan. Eto na ang pagkakataon para magamit ko ang ideyang iyon. Pagkatapos kong maligo at nagbihis, nagpaalam ako sa nanay ko, sabi ko sa kanya na may pupuntahan ulit ako, buti pumayag. Nagtext ako kay Ethan, sabi ko sa kanya na matutulog ulit ako, pero ang totoo, nakasakay na ako ng jeep papunta sa kanila.
“Sunduin mo ako sa kanto nyo” text ko kay Ethan.
“Akala ko ba natutulog ka na? Ayoko nga, baka naman pinagtitripan mo na naman ako, kung totoong nasa kanto ka, punta ka na lang sa bahay nasa kwarto lang naman ako” reply niya.
No choice, kaya dumiretso na ako sa kanila.
“Mabuti at naiisipan mong magpunta dito, wala naman sa usapan natin. Sige, kumuha ka na lang ng damit sa drawer at pagkatapos mo ay sabay na tayong matulog” masungit na pagsalubong ni Ethan.
“Eto naman, na miss lang kita, gusto lang kita i-surprise kaya kita pinuntahan. Masama ba iyon? Kung gusto mo ay uuwi na lang ako at sa amin na ako magpapahinga” pagtatampong sagot kay Ethan, pero kumukuha na ako ng damit niya para makapag-bihis ako.
“Binibiro lang naman kita at alam mo naman na gusto rin kitang makita, di naman kasi pwedeng lagi akong pumupunta sa inyo at wala tayong privacy doon. Mabuti nga at naisipan mong pumunta dito, kahit na pagod ako ay nawala naman ng makita kita” paglalambing ni Ethan sa akin.
“Alam mo naman na kahit pagtabuyan mo ako ngayon ay hindi kita iiwan, sobrang na miss lang kita kasi ilang araw na tayong hindi nagkikita” sagot ko kay Ethan.
“Sige na, tapos ka na rin magbihis at tabihan mo na ako dito, gusto ko rin kasi matulog” pagyaya ni Ethan sa akin.
Ilang minuto rin ang nakalipas pero di kami nakaramdam ng antok kaya napagpasyahan muna naming magkwentuhan at magbilang ng tupa baka sakaling makatulog. Pero wala pa rin, di pa rin kami inantok, dala siguro ng excitement ng muli naming pagkikita. Maya-maya ay lumapit sa akin, yumakap at humalik, sinubukan muli naming matulog, pero wala pa rin. Kwentuhan ulit pero ngayon apat na ulo na naman ang kasali, pagkatapos mapagod ay nakatulog din kami.
Nagising na lang ako na may nakahain ng pagkain sa kwarto, hinihintay na lang pala ako ni Ethan na magising para maghapunan kami.
“Uy, nakakahiya naman sa magulang mo, bakit kasi lagi mo akong pinapa-kain sa kwarto, gusto ko naman sana na maka-sabay ko rin silang kumain” paki-usap ko kay Ethan.
“Huwag ka ng makulit, dati pa naman ay sinabi ko naman sa’yo na kapag may bisita ako ay dito ko sila pinapa-kain sa kwarto at wala naman kaso sa magulang ko yon kasi nasanay na rin sila” paliwanag ni Ethan.
“Para naman kasing bastos naman ang labas ko niyan, ako na lang ang nakiki-kain tapos tinago mo pa ako dito” sabi ko kay Ethan.
“Huwag ka ng makulit, basta dito na tayo kumain, ok” pagpipilit ni Ethan.
Kumain kami sa loob ng kwarto ni Ethan at hindi niya talaga ako pinalabas hanggang sa magpa-alam na ako sa kanya para pumunta sa trabaho.
Pagkatapos noon ay sinabi sa akin ni Ethan na pwede akong pumunta sa kanila kahit anong oras, solo naman kasi niya ang kwarto at pwede namin gawin doon ang gusto naming gawin. Ako naman ay sineryoso ko ang sinabi niya kaya naman kapag naiisipan kong pumunta sa kanila ay pupunta ako. Alam ko na nakakahiya ang ginagawa ko kasi halos araw-araw na lang akong pumupunta at nakiki-kain sa kanila, pero wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao, at alam kong darating ang araw na magkaka-problema kami dahil doon pero hindi ko inisip yon, ang mahalaga sa akin ay makasama ko palagi si Ethan.
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
No comments:
Post a Comment