Now Playing Chapter 6
New Perspective
"Stop there, and let me correct it,
I wanna live a life from a new perspective
You came along because I love your face,
And I admire your expensive taste
And who cares, divine intervention
I wanna be praised from a new perspective
But leaving now would be a bad idea,
So catch me now I'm getting out of here.."
- Panic! At The Disco, New Perspective
-------
At sa aking pagdating, magsisimula ang lahat.
-------
Sa loob ng isa't-kalahating buwan ko sa Maynila, marami ang nangyari sa akin. Dahil sa OJT marami akong natutunan. Dahil sa paglibot ko, marami akong napuntahan. Maraming bagong nakilala, naging kaibigan. Mga bagong experience na natutunan. At kasabay n'un ang pagbabagong pisikal. Kasalanan ito ni Aries, eh. Hahahaha. Well, at least, mas gusto ko ang nakikita ko ngayon sa salamin. Pero gan'un talaga. Nagpapasalamat na rin ako at nagbago ang lahat.
Ang lahat.
Tumangkad ako. Mas lalo akong pumuti. Nagka-masel. May six-pack na rin. Luminis ang mukha dahil sa mga dermatological treatment. Nagbagong bihis. Lahat lahat ng pagbabagong pisikal. Nope, walang retoke. Hahaha.
Ginawa ko ito dahil sa isang dahilan.
Kailangang takpan ko ang sakit na dulot ng Anghel.
Moving on.
Sabi nga sa napulot kong quote sa internet, "hate can be a positive emotion whenever it forces you to better yourself." Hate? Oo, I hate myself for being such a moron. Tanga kasi ako eh. Galit ako hindi lang sa kanya, maging sa aking sarili. Ngunit kahit na gan'un, ginawa ko rin ang lahat ng makakaya ko para kalimutan ang galit na iyon. Kailangan ko siyang patawarin kahit ano pa ang nagawa niya. Ayokong mabuhay sa galit at lamunin nito. Hindi ito ang makabubuti para sa akin. At kailangan ko ring patawarin ang aking sarili, at ipangako na hindi na uulitin ang minsang pagkakamali.
At isa pa, kahit papaano, pinaranas niya sa akin ang pakiramdam ng magmahal at mahalin.
Ang ikinakatakot ko lang, maging gan'un pa rin kaya ang tingin sa akin ng mga taong nakakakilala sa akin?
Sana, hindi ako magmukhang superficial sa mga mata nila.
At sana rin, hindi tuluyang dumikit sa akin ang maskarang ilalagay ko sa akin.
-------
Wednesday, Enrollment day.
Hindi na ako magtataka kung bakit maraming tao. Dapat kasi puro Engineering students lang ang mag-eenrol sa araw na ito, pero may mga pasaway kasi na estudyante ng ibang kurso na nagpa-importante pa. Ayan tuloy. Nahuli na sila. Hindi na rin ako nagtaka kung bakit ang lagkit nilang makatingin sa akin. Now, all the physical changes is starting to creep me out. Adik talaga ako, ano? Ayoko ng atensiyon, pero kasalanan ko naman ito. Pauso kasi. Hay. Naku naman. Hindi na bale. Binuksan ko nalang ang iPod ko , isinukbit ang headset, at nagpatugtog.
"Stop there, and let me correct it,
I wanna live a life from a new perspective
You came along because I love your face,
And I admire your expensive taste
And who cares, divine intervention
I wanna be praised from a new perspective
But leaving now would be a bad idea,
So catch me now I'm getting out of here.."
Ano ba yan. Pati ang kanta, papipam.
"I wanna live a life from a new perspective"
"..new perspective.."
Dapat masanay na ako dito. Ito ay kagagawan ko naman lahat. Hay nako. Naman.
-------
Gaya ng inaasahan, medyo toxic ang naging enrollment. May mga nagpapapansin. Maging mga gurang na staff. Kainis. Kadiri. Hahaha. Hindi na bale. Sa palagay ko kasi, hindi nila ako makikilala, maliban na nga lamang kung mababasa mo ang pangalan ko sa aking enrollment slip. Nagulat nga si Ma'am Cashier (Yung tao sa may cashier, yun kasi yung nakasanayan naming itawag sa kanya) nung makita ako. Nginitian ko nalang.
Ang ipinagtataka ko lang naman ay kung bakit wala akong nakita ni-isa sa mga classmates ko. Hindi kaya mamayang hapon pa sila mag-e-enroll? Hay, mga adik talaga.
11:46 na daw, ang sabi ng orasan ko. Sakto. Dahil tapos na akong mag-enroll, umalis na ako ng campus. Naisipan ko namang dalawin nalang ang kumpare ko mula pagkabata.
Si Jollibee.
-------
"Sir, welcome to Jollibee! May I take your order?" ang bati ng cute na babae sa counter.
"Uhm, teka, I'll take.. Chicken BBQ nalang, isang large coke, large fries, zert pie at sundae. Dine in." ang sabi ko sa kanya. Hindi ba halatang GUTOM ako? Ay, hindi. Hahaha. Kapagod kasi mag-enroll, ay.
Habang hinihintay ko ang order ko, hindi ko naman sinasadyang marinig ang bulungan ng dalawang babaeng nasa katabing pila ko.
"Grabe, ang cute naman niya. Sa tingin mo mare, artista kaya siya?" bulong ni girl-pasosyaling-frog.
"Mare, ewan ko, pero, papable!" sabi naman ni girl-uhm-chicksilog-pala.
"Hoy tukling ka magtigil ka, chaka mo" ang sabat naman ng isang lalaking effem. Bi ito malamang. At sa tingin ko, syota niya si girl-uhm-chicksilog-pala.
"Si Rich ko, selos!" sabay smack sa lalaking effem. Sabi na nga ba.
"Magtigil kayong mga echoserang frog! Sakin si papa!" ang sabat ni girl-pasosyaling-frog. Hay nako. Akala kasi nila hindi ko sila naririnig. Nakapasak kasi sa tainga ko ang headset eh. Pero nauna ko nang pinatay ang iPod ko bago pa ako um-order. Nagngitian ang iba pang nasa counter. Taas kilay naman ang supervisor na nakamasid lang din. Whatever.
"Uhm, hi. Have we met before? I thought I saw you somewhere. May I know your name?" ang sunod-sunod na sabi ni girl-pasosyaling-frog matapos ang isang kalabit. Tinanggal ko ang headset at kunwaring hindi ko narinig ang kanyang sinabi.
"I'm sorry?" ang tugon ko sa kanya.
"I said hi. Have we met before? I thought I saw you somewhere. May I know your name?" Tsk. Scripted? Trying-Hard Bitch.
"Nope, never-" naputol ang sinasabi ko nang dumating na ang order ko.
"Enjoy your meal, sir!" ang magiliw na bati ng cute na babae. Nginitian ko siya ng ubod ng tamis. Napasobra ata ang ginawa ko, dahil namula yung babae. Pati yung mga ibang staff at supervisor kinilig. Kinuha ko nalang ang order ko at humanap ng puwesto. Muli kong narinig ang tinig ng makulit na babae.
"Hey! Cutie! What's your name?" Cutie? Aba't? Bahala ka d'yan. Nginitian ko na lang din siya at umalis na.
"Sorry ka sis, wa epek ang byuti mo" sabi ni girl-uhm-chicksilog-pala. "Suplado si papa" ang huli kong narinig.
-------
Marami pa rin ang nakatingin sakin habang papunta ako sa lamesang pinili. Gusto ko kasi doon sa may bintana. Masaya kasing tignan ang mga tao sa labas ng establisyimentong iyon. Makikita mo ang iba't-ibang gawain ng mga tao. Animated. May mga tricycle driver na nag-aabang, may mga taong bumababa mula sa kotse nila, mga taong sumasakay sa pampasaherong jeep, mga pamilyang masayang papasok sa establisyimentong ito, at mga magkasintahang lalabas. Hay, naman. Mula sa lugar na ito, hindi ko mapigilan ang kalungkutang nararamdaman ko.
Ang puwestong ito.
"Hahaha Edge, 'wag ka nang maarte. Nganga na, eto na ang eroplano."
Ang bintanang ito.
"Edge, tignan mo yung babaeng iyon, oh. Ang ganda niya, diba?"
Ang lamesang ito.
"Edge, teka i-usog mo nga iyang pagkain mo, hindi na kasya itong sa'kin."
Ang lalaking sa harapan ko nakaupo.
"Alam mo, Edge, mahal na mahal kita."
Ang lalaking minahal ko ng buong puso.
"Micco.." ang wala sa isip kong naibulalas. Nagsimulang tumulo ang luha ko nang mga sandaling iyon. Mabuti nalang at may shades ako. Dali-dali ko iyong isinuot. Hay nako. Nagpakawala na lamang ako ng isang buntong hininga, tinapos ang pagkain, at nilisan ang lugar na iyon.
Ang hirap mo naman kalimutan.
-------
Halos isang linggo pa bago magsimula ang klase. Sobrang bored ako, at hindi ko alam ang gagawin. Naman, nakakainis talaga. Hindi ko naman mahagilap ang mga kaklase ko. Na-snatch kasi ang cellphone ko n'ung nasa Maynila pa ako. Nakabili naman ako ng bago, pero hindi ko alam ang mga numero nila, maliban sa iilang taong sobrang malapit sa akin. Tama! Hahahahah. May naiisip akong magandang ideya.
-------
0939*******
"Hello, this is Xander."
-------
Si Jet Alexander Sinclair, o 'Xander', ay isa sa mga tinuturing kong bestfriend ko. 21 taon na siya, 5'10", maputi, mukhang foreigner (dahil English gentleman ang tatay niya, at half Pinoy half Irish ang nanay niya), gwapo. Bakit andami kong kakilalang gwapo? Naaalala nyo pa ba ang sinabi kong eyeball ng isang community site? Oo, 'yun nga. Ang mga taong tinutukoy ko na mga bestfriend ko ay doon ko nakilala. Ayos, diba. Mabait itong si Xander. May sakit nga lang, sakit ng rich and famous - bored. Lagi kasi sa trabaho ang nanay, nasa ibang bansa ang tatay, kahit sunod sa layaw, may mga bagay na hinahanap-hanap pa rin.
-------
"Xand, this is Edge." ang sagot ko.
"Edge? Oh my God. Edge! What the hell happened to you, lad? Where have you been this last two months?" ang parang nababaliw nitong tanong. Patay. Oo nga pala, hindi na ako nakapagpaalam sa kanila.
"Xandy, relax. Naging busy ako eh. Bakit naman parang gulat na gulat ka at tumawag ako? Pasensya na kayo ha at hindi na ako nakapagpaalam pa sa inyo." ang sabi ko naman sa kanya.
"Gulat? Eh ang akala kasi namin namatay ka na. Ang tagal mong hindi nagparamdam. Ni hindi nga namin ma-contact 'yung number mo. Anong nangyari sa iyo?" ang balik niya.
"Hay nako buds mahabang kuwento. Ok, listen. Available ka ba today? Gala naman tayo oh, bored na ako." ang sagot ko naman sa kanya.
"Okay, game. I'll call the guys. Humanda ka samin loko ka, marami kang ipapaliwanag. Pumunta ka dito sa tambayan" ang sabi nitong nagbabanta.
"Opo dad. I'll be there in an hour" ang sagot ko, natatawa.
-------
Sinclair Residence, Den
Ang bahay ng mga Sinclair ay matatagpuan sa ******* City. Opo, magkababayan sila ni Ex. Naman. Siya na naman. Oo nga pala, isa ito sa mga bagay na hindi ko nasabi sa kanila. Mauulit na naman ang mga ala-ala.
Malaki ang bahay ng mga Sinclair. Gan'un naman lagi 'pag mayaman, diba? Ang basement nito ay ginawang den para mapaglibangan ng mga bisita at mga kaibigan, ayon na rin sa kagustuhan ni Xander, na dali-daling pinagbigyan ng mga magulang. Spoiled. Pero hindi brat. Kung titingnan mo sa labas si Xander, mayayabangan ka dito. Palibhasa mayaman, maganda ang porma. Alaga ang katawan. Lakas ng dating. Nag-uumapaw sa confidence. Pero sa loob, isa lang siyang musmos na naghahangad ng atensiyon at pagmamahal mula sa mga magulang.
Dahil wala naman palagi ang mga magulang ni Xander, malaya kaming nakalalabas-pasok sa bahay nila. Kilala na kami ng mga kasambahay ng pamilya, dahil halos gawin na naming bahay namin ang tahanang iyon. Ang den ang opisyal na tambayan ng grupo.
Pinindot ko ang door bell. Sa pangatlong pindot ko, bumukas ang gate. Lumabas si Nanay Precy, ang mayordoma ng pamilya Sinclair. Nakita kong inuusisa niya ang binatang nakatayo sa kanyang harapan. Napangiti ako.
"Sino po sila?" ang tanong niya sa akin.
"Kamusta na po kayo, Nanay Precy" ang bati ko sa kanya. Nakita kong namumukhaan niya ako, pero hindi niya mawari kung sino talaga ako.
"Ah, eh, ser, kilala 'nyo ho ako? N-nako ser, pasensya na ho, pero sino ho kayo?" ang alangan niyang sagot sa akin. Natawa naman ako sa tinuran niya.
"Si nanay naman, nakakatampo naman kayo. Saglit lang naman akong nawala, nakalimutan 'nyo na ako. Ako ho ito nay, si Edge" ang nangingiti kong sabi.
"Senyorito Edge? Hala, kayo na ba iyan? Ser, kamusta na kayo? Ang tagal 'nyong hindi nagpakita. Aayyy, ang gwapo gwapo mo ser! Hayy!" ang natutuwang sambit nito. Hahaha. Si nanay talaga.
"Nanay! Hehehe na-miss mo 'ko 'no? Hahahaha. Ayos naman po ako 'nay." ang natutuwa kong sagot sa kanya. Kahit kasambahay si aling Precy, hindi ito nakaramdam ng pagiging iba mula sa pamilya Sinclair. Kamag-anak ang tingin nila dito. Kaya hindi na rin iba ang tingin ko sa kanya. Siya ang nanay-nanayan namin dito.
"Nako senyorito, pasok ka, pasok ka. Deretso ka na ser sa den, nandoon na silang lahat. Maghahanda lang ako ng miryenda" ang sabi ni nanay.
-------
Bumaba ako ng hagdanan, at nakita ko sila. Masaya silang nagkukwentuhan, nagtatawanan. Sila ang mga kaibigan ko.
"Kamusta? I'm sorry, I'm late" ang pagpukaw ko sa kanilang atensiyon. Natahimik silang lahat, at tumingin sa direksiyon ko. Alam kong hindi nila ako gaanong nakikita sa lugar na iyon, kaya lumapit pa ako sa mas maliwanag na bahagi.
"Hi guys" ang sabi ko, sabay ngumiti.
"Edge!" ang sabay-sabay nilang sabi. Para silang batang dali-daling tumayo at nag-unahan papunta sa akin. Naunang nakalapit si Xander.
"God, Edge, you look great! Oh geez, I missed you so much, boy" ang sabi nito sa akin, sabay yakap ng mahigpit. Natuwa naman daw ako sa inasta niya. Hoy, makulit kong puso. 'Wag kiligin. Ahahaha. At katulad ng mga nakakakilala sa akin ng lubos, hinagkan niya ako sa pisngi.
Pakshet. Ayii!
"Get out of the way you brute! Let me kiss the boy, too!" ang sabi ni Sharpay.
-------
Si Sharpay Andi Sinclair ay ang twin sister ni Xander. Kapag nakikita ko ang babaeng ito, ang tanging naiisip ko ay GENETIC INJUSTICE. Walang kapantay ang kagandahan ng babaeng ito. Hazel eyes, curly brown-blonde hair, pouty lips, pointed nose. Such a sweetheart. Babaeng-babae. Sa height nitong 5'6", hindi man katangkaran (for a model, I guess), ay modelong-modelo ang dating nito. Pero 'wag ka, mas matured pa ito mag-isip kaysa kay Xander, kahit ito pa ang huling lumabas sa sinapupunan ng ina.
-------
"Edge, you jerk! We missed you so much! Come here" sabay hatak sa akin palayo sa kakambal. Binigyan niya ako ng smack sa labi, na labis kong ikinatuwa.
Weeehhh, heaven na naman. Hahaha.
"Psst, mokong, ako, 'di mo iha-hug?" ang natutuwang bati ni Just.
-------
Si Justine Zachary Miranda ay nakilala ko naman sa pamamagitan ng magkapatid na Sinclair. Matagal nang magkakakilala ang tatlong ito. Threesome nga eh, hehehe. Pero nang maglaon, naka-close ko rin ang lokong ito. 20 anyos na rin si Just, 5'8", moreno, macho. Gwapong-gwapo. Chinito pa. Woy, chinito. Hahaha. Pero nope, off limits. Straight din eh.
-------
"Just, loko ka. Kiss, gusto mo rin?" sabay tawa ng malakas. Namula ang mokong. Ang sarap asarin, gumagwapo.
"Loko loko ka, anong nangyari sa iyo? Halika dito, magkukwento ka ngayon na!" ang natatawang turan ni Xander sa akin.
-------
Ang sarap magbalik sa mga taong pinapahalagahan mo ng husto.
-------
Naikuwento ko sa kanila ang lahat ng mga ginawa ko sa Manila, mga kalokohan ko doon, ang tungkol sa mga nangyari sa mga pinsan ko, sa OJT, sa image change epek, hahaha. Ngunit matalas talaga ang mga ito, alam nila na may nilaktawan ako.
"Napansin ko lang, hindi mo suot ang singsing ni Micco. Maaari bang malaman kung bakit?" ang sabi ni Xander. Biglang napawi ang mga ngiti ko. Nagsimula na naman akong lumubog sa kumunoy ng kalungkutan.
"We're not together anymore."
At muli, ikwinento ko ang lahat.
-------
Mabuti nalang at naintindihan nila ako. Mabuti at naunawaan nila na hanggang ngayon ay napakasakit pa rin sa akin ang mga nangyayari. Pero mula sa kumunoy na humihila sa akin pababa, hinila nila ako pataas. Hindi nila ako hinayaang malungkot. Kaya sa buong linggo bago ang pasukan, sila ang naging musika ng buhay ko.
"Don't be sad, Edge. We love you naman, eh" ang sabi ni Sharpay.
"Tama siya, Edge. Just let it all go. Nandito lang naman kami lagi para sa iyo." ang sabi naman ni Just.
"Guys, salamat talaga sa inyo ha? You always make me feel happy whenever I'm down. I really don't know what I did to deserve you all, but whatever that is, I'm so grateful that you're all here. Thank you so much, guys. I love you all." ang sabi ko namang naluluha sa kanila.
"Edge, no worries, ok? And enough of this drama. Smile na, please?" ang sabi naman ni Xander. Nagulat naman ako sa ginawa ni Xander na siyang nakapagpangiti talaga sa akin.
Hinalikan niya ako sa labi.
"Xander!" ang gulat na sabi nila Sharpay at Just.
"What? Pwede ba, OA 'nyo. Look, oh. Nakasmile na siya. Hahaha" ang sabi ni Xander habang nakatingin sa akin. Alam kong namula ako. Eeeehhh. Naman eeh. Kinikilig ako. Habang tumatawa si Xander, nakisabay na rin ako. Para kaming timang na tawa ng tawa. At makalipas ang ilang saglit, maging sila Sharpay at Just ay tumatawa na rin.
-------
Ngayon, napagtanto ko na na hindi pala ako dapat magsuot ng maskara.
I'll be who I really am, whether people love me or not.
-------
At oo nga, new perspective. Pero ang mga taong ito? Hinding-hindi ko bibitawan.
-------
"Kkkrriiinnggg!!"
Letse, istorbo. Hay, ano ba?
Tinignan ko ang nang-uuyam na mga berdeng bilang sa bagay na iyon.
8:47 am.
Monday.
Sh*t! Oo nga pala, first day of classes ngayon! At may 9:00 class ako! Takte, male-late pa ata ako! Naman!
At dali daling naging kuneho si pagong.
[ITUTULOY]
Followers
Saturday, October 9, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
No comments:
Post a Comment