Followers

Saturday, October 9, 2010

Now Playing Chapter 08

Now Playing Chapter 8
Crush

"Do you catch your breath when I look at you?
Are you holding back like the way I do?
Because I try'na try'n to walk away
But I know this crush ain't goin' away.."
- David Archuleta, Crush
-------
Simula ng araw na iyon, naging magkaibigan kami ni Clyde. Hay naku, sino ba naman ang hindi makikipagkaibigan sa kanya? Mayroon ata itong tag sa noo na may nakasulat na 'MR. CONGENIALITY'. Hahaha. Napakabait niya, down-to-earth, at masarap kasama. Simple, kahit alam mong may ibubuga. Minsan nga, sinasabihan ko siya ng 'pa-demure' o kaya 'pa-virgin' kapag nagpapa-humble o nagpapa-cute ang mokong. Tuluyan niyang binago ang opinyon ko sa salitang 'cute'. I already like the word. Hahaha. At simula rin ng araw na iyon, natanggap na bilang bahagi ng grupo si Clyde.

Si Pat naman ang medyo hindi ko ma-gets. Ang bait-bait sa akin. Nandiyan na lagi akong tinitext ng kung anu-ano. Binabati ng 'goodmorning' ng walang palya, minamasahe ako, inaagaw ang gamit ko at nagpi-presinta na siya na daw ang magdadala, at minsan nililibre ako ng ice cream. May times din na hinahalikan ako sa pisngi (hindi na bago sa akin iyon, dati na niya iyong ginagawa, pati sa iba niyang mga kaibigan), much to the enjoyment of the group, and to my so much embarassment. Tsk. Kahit matagal ko nang ibianaon ang nararamdaman ko sa kanya, hindi ko pa rin naiwasang kiligin. Ikaw kaya ang halikan ng prinsipe ng campus?
-------
Naman. Akala ko tuluyan ko nang malilimot ang sakit. Hindi pa pala.
-------
Sabado n'ung araw na iyon. May klase kame, from 9:00 am to 12:00 pm, at magre-resume ng 1:00 pm to 4:00 pm. Yep, 6 hours. Isang subject. Isang araw. Ang saya, diba?

Sabi ng instructor namin n'ung araw na iyon na si Engr. Bautista, 2 pm na daw kami bumalik dahil pupunta muna siya sa bangko at magde-deposit ng kanyang kayamanan. Hmmp, simpleng mayabang. Kaya napagdesisyonan ng grupo na sa labas kumain. 'Dun kami sa paborito naming kainan.

"Edge, ano'ng order mo?" ang tanong sa akin ni Clyde. Ganito na kami simula n'ung naging close kami. Salitan kami sa pag-libre sa isa't-isa. Pero may pagkakataon na ayaw niyang magpalibre. Gusto siya na lang ang magbayad, pati ng kinain ko. Tsk. Sige kako. Bahala ka. Naaalala ko na naman si Micco. Ganitong-ganito kami nuon. Kapag magde-date kami, salitan. Pero mas madalas sa hindi, siya ang nagbabayad. Hay, naman.

At ganitong-ganito rin kami ni Pat. Oo, n'ung elementary. Hahaha.

"Sweet" ang sabi ni Pat. Hindi nakaligtas ang sarcastic na tono n'un sa akin. Ah, ganun ha?

"Alin, parang ganito?" sabay halik sa pisngi niya. Bull's eye. Huli ka. Namula tuloy ang mokong. Natuwa naman ang mga kabarkada kong kumag.

"Well, well, well. If isn't that an improvement!" ang malanding turan ng hitad na si Kitty.

"Ayii, kinikilig ako!" ang nalolokang sabi ni Crys.

"Woi, painom ka na!" ang sabi ni Tobi.

"Naks naman torps" ang sabi ni Kier na nangingisi.

"Magtigil nga kayo!" ang sabi ni Pat na namumula pa rin. Hahaha, akala mo ha.

"Gustung-gusto mo naman!" ang sabi ni Lex na natatawa.

"Ayan, natikman na rin niya ang panandaliang langit" ang sabi ng nakangiting-demonyo na si Ash.

"Langit? Sabagay, anghel naman itong si Edge" ang sabi ni Mac.

Natahimik ang lahat at tumingin kay Mac.

"What?" ang nakataas-kilay na pagtataka ni Mac.

Mga loko-loko.

Sakto namang dumating si Clyde. At tila naguguluhan ito sa katahimikan sa lamesa.

"What happened? Tahimik ninyo." ang nagtatakang turan ni Clyde.

"Wala naman, nagkakalokohan lang" ang sabi ko kay Clyde, sabay kuha sa dala-dala nitong tray. "Akin na at tulungan na kita" ang dugtong ko.

Hindi ko naman sinasadyang mahawakan ang kamay niya nang kunin ko ang tray mula sa kanya. Sh*t, nakuryente na naman ako. Muntik ko nang mabitawan ang tray. Mabuti't nasalo rin niya. Ngunit sa halip na ang tray ang hawakan niya, kamay ko ang hawak niya. Nagkatitigan kami. Sh*t talaga, ang mga bakal na matang iyon, nakakalusaw. Tsk.
Naman oh.

"Ah, eh, uhm.." ang parang tanga kong nasambit.

"Uh.." ang tangi niya lang ding nasabi.

"Ehem! EHEM!" Ang malakas na sabi ni Pat na nagpakawala sa akin sa panandaliang panaginip. God, what's happening to me? Why did he have this effect on me?

"Ah.. Clyde, ako na." ang sabi ko sabay hatak palapit sa akin ng tray.

"No, Edge, let me" ang bawi ni Clyde sa tray. Nagpumilit ako.

"No, ako na-" naputol ang sinasabi ko nang magsalita ulit si Pat.

"Hayaan mo siya, Edge. Pasaway ka kasi" ang tila naiinis nitong turan. Bakit kaya?

"Okay, sige." ang tangi ko nalang nasabi. Hawak pa rin niya ang kamay ko hanggang ngayon. Tinaasan ko siya ng kilay. Nakuha naman niya ang ibig kong sabihin. Nagulat ako nang bigla siyang mamula. Hala.. Binigyan naman niya ako ng apologetic look. Nginitian ko naman siya.

"Naku, talking without words. Tsk, tsk. Kinikilig na naman ako!" ang sabi na naman ni Crys na abot-tainga ang ngiti. "Ano ba kasi papa Edge, sino ba kasi talaga? Si Pat ba o-" ang naputol nitong sinasabi dahil tinakpan ni Pat ang bibig nito.

"Shut up, Crys!" ang sabi ni Pat sa kanya.

"Hey, what's that all about? And what about you?" tanong ko kay Pat. Natigilan ang barkada. Nagtataka talaga ako sa mga ito.

"Wala." ang monotone na sagot ni Pat sa tanong ko.

"Really?" ang balik ko, halatang hindi kumbinsido sa sagot niya.

"Yes." ang sagot ulit niya. Alam kong may 'something' dito. Okay, I need to find a way to extract this secret.

"Kung gan'un, tumingin ka nga sa akin" ang hamon ko sa kanya. Hindi siya kumilos. Naghintay muna ako ng ilang saglit bago magsalita ulit. At napansin ko rin na tahimik ang barkada. Para bang may hinihintay silang marinig o mangyari.

"Okay, I get it. You're-" naputol ang sinasabi ko nang biglang mag-ring ang phone ko.

0939*******

Si Xander.

"Xander?" ang sabi ko. Tumayo ako mula sa upuan, at lumayo muna sa mesa. Naramdaman ko ang mga matang nakatitig sa akin. Bakit kaya? Pakiramdam ko isa akong bacteria sa ilalim ng isang microscope. Nahagip ko ng tingin si Pat na nakabusangot ang mukha, at si Clyde naman na bahagyang nagdilim ang mukha. Ano naman yun? Well, whatever. Bahala kayo diyan.

"Hi Edge. Kamusta?"

"I'm good, I'm good. May I know what I did to deserve this call from a prince?" ang nagbibiro kong tugon.

"Wala lang. I just.. I'd like to invite you to.. A... Uh.. L-lunch.." ang nauutal nitong sabi. Hala, si Xander, nauutal? No way! Never, as in NEVER pang nagkaganyan si Xander. Hmmmppp..

"You mean YOU'D WANT TO HAVE A DATE WITH ME" ang nangingiti kong sabi. Hahahahaha, ang sarap talaga niyang asarin.

"Uh.. Uhm.. I.." ang putol-putol pa rin nitong sabi. Bakit kaya pakiramdam ko nag-blush ang mokong? At parang umabot pa sa tainga ko ang init sa kanyang mukha?

"Xandy, relax. Hahaha. I'm just kidding." ang natatawa ko pa ring sabi sa kanya.

"Uhm.. Y-yeah.. Uh.. W-what if.. I- I suddenly want to.. D-date you.. Err.. Take you out f-for lunch?" ang sabi niya.

OMG.

Did he just say.. He'd take me out on a date?

No way.

NO FREAKIN' WAY.

"Uh..." ang nablangko kong tugon. I suddenly felt uneasy. Is he joking? Yeah, I guess. Bakit kaya? Lumalabas naman kami paminsan-minsan nitong si Xand, pero bakit gan'un? Parang iba ang dating nito sa akin. Parang..

"Edge?" ang sabi ni Xander. Mukhang hindi lang ako ang hindi malaman kung ano ang gagawin.

"I- uh.. I'm sorry Xand, I kinda spaced out. Uhm, you mean LUNCH, diba?" ang sinabi ko nalang.

"A date- I mean, yes, YES, a lunch-da- hehehe" ang utal pa rin niyang tugon.

I can't believe this is happening.

Well, baka naman joke lang ito.

Assuming ka masyado, dude.

"Uhm, Xandy, listen. Well, lunch? I'd love to, kaya lang eto nga oh, kaka-order lang namin. Maybe next time?" ang pagtanggi ko sa kanya. Aba, oo nga naman. Baka nanjo-joke lang itong si Xand. Pero hindi, eh. If he wanted to go out with someone, at kapag inaya ka niya, totoo iyon.

He wants to go out with me.

Hay.. Ewan. Basta. Mabuti nang safe, 'no.

"Uh, g-gan'un ba? Okay.." ang tila nalungkot naman na tugon niya sa akin. Oh.. That means..

"Well, Xandy, next time. I promise, okay?" ang paninigurado ko sa kanya. Tsk, ano na naman kaya ito? Hay..

"Okay" ang tugon niya. Saglit pa kaming nag-usap bago siya tuluyang nagpaalam. Nasa Jollibee daw kasi siya ngayon. May pinuntahan daw kasi siyang kaibigan kaya nandito siya sa bayan. Hmm.. At iyon na nga. Baka daw lumamig na yung pagkain ko. Oo nga pala, I'm supposed to eat lunch nga naman.

So that's not a joke.
-------
"Si Xander" ang sabi ko sa barkada. Wala naman silang tinatanong, pero nakita ko naman ang mga mata nilang naghahanap ng sagot.

"Xander?" ang tanong ni Kitty. "Kaano-ano mo naman iyon?" ang dugtong niya. Alam ko, lahat sila nakatingin sa akin.

A devilish thought entered my mind.

"Boyfriend ko." ang sagot ko. Sinadya kong gawing as-a-matter-of-fact ang tono ng sagot ko sa kanila. Hahaha.

At dito na nagkagulo ang lahat.

Lex dropped his fork. Kier stabbed his burger steak a little forcefully. Nabulunan si Tobi. Tinulungan naman siya ni Mac na napanganga sa narinig. Bahagyang naibuga ni Ash ang tubig na iniinom. Napatakip naman ng bibig si Kitty. Namali ng pagsubo si Crys dahil sa gulat, kaya kumalat ang sauce ng pagkain niya sa pisngi. Si Pat ay kagaya ni Kier, nasaksak din ng madiin ang steak niya. Mas lalong nalukot ang mukha nito. At si Clyde? Parang may bagyong dumating sa itsura nito.

Oh my God. And they're actually believing this bluff. Hahaha.

"Hahahahaha!" ang hindi ko mapigilang pagtawa. "Hahahahaha, look at you, guys! Oh my.. You ACTUALLY believed that? Look at you! Haha.. Oh, ho.. Hahaha." ang dugtong ko. Sa kalagitnaan ng pagtawa ko, bigla kong naramdaman ang pagtama ng isang malambot na bagay sa aking noo, na bumagsak sa plato ko. Tinignan ko kung ano iyon.

Bacon.

"No! You are NOT to start a FOOD FIGHT!" ang sabi ko sa kanila. Naku, umiral na naman ang pagiging isip bata namin. Hahaha

"It's your fault! Akala mo ba nakakatuwa 'yon?" ang sumbat ni Crys, halatang hindi makapaniwala sa ginawa ko.

"Well, dear, it's funny. And besides, the hell you care if I had a boyfriend-" hindi na natapos ang sinasabi ko nang bigla nila itong pinutol.

"WE CARE!" ang halos sabay-sabay nilang sabi. What the? Pati sila Pat at Clyde, gan'un din ang sinabi.

What the hell?

"And why would you care about that?" ang tanong kong naguguluhan.

"Alam mo Edge, we really don't. But someone, or shall I say, some-'two' here does." ang sabi naman ni Lex. Ano daw? Para namang robot na tumango sila, maliban kay Pat na parang hindi mapakali at kay Clyde na nakayuko lang. Ano ba kasi ang nangyayari? Pasensiya na, paminsan-minsan slow ako eh. At naive sa mga bagay na ganito.

"And that would be?" ang tanong ko ulit sa kanila.

Sa isang kisap-mata, biglang nawala ang tuwang nararamdaman ko.

Hindi na nila nasagot ang tinatanong ko nang biglang sumulpot ang isang taong naging sanhi ng kabiguan ko. Ang taong sumira sa 2 taong pag-ibig na pinag-alayan ko ng buong puso ko. Ang taong nagpamukha sa akin na hindi ako karapat dapat na ibigin ng isang taong kagaya ni Micco. Ang taong pinagkatiwalaan ko at sumaksak sa akin ng patalikod.

"Edge."

"Benji."
[ITUTULOY]

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails