Chapter 3
-AN-
“Alright class, it looks
like we have a foreigner in our class that’s why I’ll speak in English”, ang paunang
sinabi ng aming PE instructor na sa tingin ko ay nasa mid-30s lang.
“My name is John Dela Cruz and I will be your instructor
in this PE. Once you enter this rubber
mat, which will be our ‘dojo’, you must call me ‘sensei’” habang itinuturo ang
aming tinatayuan. “I will give you a hand-out of the course requirements and
some more guidelines that must be followed while we are in here. But first, I want you to introduce yourself
giving us your name, nickname, course and something about yourself.”
Habang nagsasalita si ‘sensei’, palihim pa rin akong
tumitingin sa direksyon ni little Japanese guy.
Mukhang bigla na namang me gumuhit na ngiti sa kanyang labi na bigla
ring nawala. Bumalik na naman siya sa kanyang mukhang walang ekspresyon. Hindi ko na narinig ang unang nagpakilala
dahil bigla na lang siyang nagsalita.
“For the benefit of everyone, sasabihin ko pong marunong
akong mag tagalog” nagulat ako sa kanyang sinabi. Napansin ko ring nagulat rin ang iba kong
kaklase pagsinghap na aking narinig. Si
Katrina naman ay mukhang nafreeze sa kinatatayuan nya. Mukhang napahiya yata siya dahil me nakita
akong mga matang nakatingin sa kanya na alam kong nakapanood sa aming munting
eksena sa labas.
“Ako nga pala si Yuriel De Leon. Tawagin nyo akong Yuri. Kumukuha ng kursong inhinyerong
pang-agrikultura. Ang masasabi ko lang
po tungkol sa aking sarili ay dito na ako pinanganak at lumaki sa Pilipinas
kaya tagalog po talaga ang pangunahin kong lenguahe. Hindi po talaga ako marunong mag nihonggo kaya
huwag nyo po sana akong kausapin ng ganun.”
Bigla na lang akong tinamaan sa huli nyang sinabi. Mukhang sa akin niya yata sinasabi ito kahit
sa aming ‘sensei’ siya nakatingin. I
can’t say he’s insulting us because he is wearing his default, expressionless
face. I can’t even see a glimpse of
smile upon his face. Napansin ko na
lamang na me ibang mga mata na tumuon sa akin because of what he said. Unti-unti ko namang tinanggal ang aking paningin
sa kanya ng mapansin ko ito.
“Wow! Marami namang salamat dahil akala ko mauubusan ako
ng ingles dito sa section na ito. Mukha
ngang mas malalim ka pang magtagalog sa amin eh” Ang tinuran ni ‘sensei’
pagkatapos magsalita nung mukhang hapon. Teka nga, hapon naman talaga iyon ah. Hindi ako nagkakamali dahil marami na akong
nakasalamuhang hapon at alam ko ang kanilang mga itsura.. “Talagang inhinyerong pang-agrikultura pa, ah. Akala ko rin mapapraktis ko ang nihonggo ko sa
iyo. But anyway, lets’ proceed with the
lady next to you.”
Sabay-sabay namang tumingin ang tao sa gawi ni Katrina
dahil ilang sandali rin ang lumipas pero hindi siya nagsasalita. Nang mapansin ito, saka lang siya
naalimpungatan at nagpakilala. Mukhang hindi siya nakamove on agad dun sa
pagkapahiya nya kanina kaya hindi nya narining agad ang tawag.
Pinakilala ko rin ang aking sarili pagkatapos ni Katrina. Mahinang nagtitilian pa ang aking ilang
classmate na halatang kinikilig habang ako’y nagsasalita. Parang nabura agad ung
aking pagkapahiya kani-kanina lang. Ang
sinabi ko lang about myself ay sana maging kaibigan ko silang lahat na lalo
namang ikinalakas ng mga tilian. Sinaway
na sila ni ‘sensei’ sa puntong ito upang manahimik.
“Next meeting
wear a white shirt and a jogging pants.
If you have a karate gi, wear it.
And if you don’t have any question, give me your class cards and see you
next meeting.” Ang sinabi ni ‘sensei’ upang
idismiss na kami pagkatapos magpakilala ng huli. Makailang beses din akong tumingin kay Yuri
para tingnan ang kanyang mukha pero hindi nagbabago ang kanyang ekspresyon.
Hinila naman
ako bigla ni Katrina pagkabigay ng aming class card upang makaalis agad sa
building na iyon. Tinungo namin ang
aking sasakyang nakaparada sa tabi ng building.
Nasa loob na kami ng sasakyan ng,
“HUMANDA ‘YANG
PANDAK NA YAN. MALALAMAN NYA KUNG PAANO AKO MAGALIT”, Ang biglang sigaw ni
Katrina nang kami’y nasa loob na ng sasakyan.
Mukhang galit na galit siya kay Yuri. Hindi ko na siya sinagot dahil
ayokong humaba pa ang usapan. Napabuntung-hininga
na lang ako at pinatakbo ang sasakyan papalayo sa lugar na iyon.
-Yuri-
Natuwa naman ako sa aking nakuhang PE dahil tiyak
kong mag-eexcel ako dito. Pagkatapos nito,
dumiretso na ako sa pag-uwi sa amin. Pagdating
sa bahay, nakita ko si ina na nakaupo sa terrace, tila malungkot habang
nakatingin sa malayo. Tapos na siguro
siyang maghanda nang hapunan at iniintay na lang siguro ako para makakain na
kami.
“Ina, wag po
kayong malungkot. Alam ko naman pong
ginagabayan tayo ni ama kahit malayo na siya” ang aking sinabi sa kanya kasabay
ng aking ngiting pamatay na tanging sa mga magulang ko lang naipapakita.
“Kasi naman
hindi pa ako makahanap ng mapagkakakitaan.
Baka maubos na ang ipon ng iyong ama at wala na tayong gastusin” ang
kanyang alalang-alala tinuran. Hindi
naman kasi nakaranas maghanap buhay si ina noong buhay pa si ama. Tanging gawaing bahay lang ang kanyang
alam.
Kahit may ‘dojo’ si ama, hindi naman basta pwedeng
pumunta doon si ina dahil iba nga ang kanyang istilo. Hindi siya nakapagtayo ng ‘dojo’ katulad ni
ama dahil hindi naman sikat ang ‘aikido’.
Tanging kami lang talaga ni ate ang tinuruan nya nito. Si kuya naman ang nagpatuloy ng gawain ni ama
sa kanyang naiwang ‘dojo’. At dahil me
katandaan na rin si ina, mas nahihirapan pa siyang makahanap ng papasukan.
“Huwag na
kayong mag-alala ina, matagal tagal pa naman bago maubos iyon. Kasi naman hindi nyo pa ako payagang
magtrabaho eh. Kaya ko naman pong isabay
yan sa pag-aaral” habang hindi pa rin nawawala ang aking ngiti. Kahit anong pilit kong sabihin sa kanya na
ako’y magtatrabaho, ayaw nyang pumayag.
Gagawin raw nya ang lahat para ako’y kanyang maitaguyod tulad ng
pagtaguyod ni ama. Tutal naman, dalawa
na lang daw kami.
“Naku tumigil
ka diyan sa pinagsasabi mo. Pag sinabing
huwag, huwag” ang kanyang pagtapos sa usaping iyon. Pag ganon na ang tono ni ina, hindi na ako
sumasagot sa kanya dahil alam ko namang hindi talaga siya papayag.
“Teka nga, parang hindi nawawala ang ngiti mong iyan. Me
nakita ka na naman, ano?” ang ngingiti ngiti na rin niyang sinabi. “Kumain na muna tayo at pagkatapos mo na lang
ikuwento iyan.”
Kilala na talaga ako ni ina. Wala na talagang
makakaligtas sa kanya. Sinundan ko na
siya sa hapag at tahimik na kumain kasabay siya. Pagkatapos naming kumain, ako ang nagligpit
ng aming kinainan. Habang naghuhugas, si ina naman ay umupo sa may upuan
malapit sa lababo senyales na handa na siyang makinig sa aking sasabihin.
“Ina, sa klase ko sa PE, mayroon akong classmate. AN ang pangalan, sobrang gwapo” ang kinikilig
kong panimula habang sinasabunan ang kalderong pinaglutuan ng kanin. “Kaso parang mayabang. Ang angas kasi ng pagbati nya sa akin. Nagnihonggo pa talaga siya. Akala nya siguro sasagot ako sa ganun” ang
aking idinagdag ng nakangiti. Idinagdag
ko pa yung tungkol sa eksena namin nung girlfriend ni AN at kung paano ko
pasimpleng ipinahiya ang dalawa.
“Hay naku. Dumale
ka naman sa iyong pagkamaldita” ang nakangiti na lang nyang nasabi. “Kaya naman walang basta-bastang lumalapit sa
iyo dahil na rin dyan sa ugali mong iyan.
Wala ka tuloy kaibigan na kaedad mo” ang medyo paseryoso na rin nyang tinuran.
“Ina, hindi ko na kailangan pa ang mga kaibigan hangga’t
nariyan pa kayo ni ama.” Nagulat ako sa huli kong nasabi dahil wala na nga pala
si ama. Nasanay ko na kasing sinasabi
ito tuwing magagawi sa ganitong usapan.
Hindi pa rin ako sanay ng wala siya.
Bigla namang lumungkot ang ekspresyon ni ina. “Ibig sabihin ko po ay habang binabantayan
nyo ako ni ama.”
“Basta anak pilitin mong makipag kaibigan ha? At tsaka bawasan
mo na yang pasimple mong pagmamaldita para makahanap ka naman ng mga
kaibigan. Subukan mo kayang sumali sa
mga student organization dun sa inyo?” ang sinabi ni ina ng makabawi sa aking
maling tinuran.
“Ina, gastos lang ang pag sali dun. Naririnig ko kasi sa aking mga classmate na
lagi silang me binabayarang dues sa org nila” ang aking tinuran bilang pagtutol
sa pagsali sa mga orgs. “Pero sige po
susubukan ko pong makipag kaibigan sa iba kong kaklase” ang tangi ko na lang
sinabi bilang bawi ko sa pagtutol.
“Basta anak ipangako mo yan ha? O siya matutulog na ako. Ikaw rin pagkatapos ng assignment mo matulog
ka na rin.” ang kanyang paalala bago
siya pumasok sa kanyang silid.
“Ina, wala pa kaming assignment. Unang pasukan pa lang me assignment agad? Cge
tulog na po kayo. Ako rin po tutulog na
pagkatapos nito.”
Pumasok na rin ako sa aking silid. Pagkahiga ko sa aking kama, hindi agad ako
dinalaw ng antok. Pumasok na naman kasi
sa isipan ko si AN. Kahit hindi ko masyado
itong napagmasdan, saulo ko na agad ang mukha nito. Naalala ko rin ung mataray nitong girlfriend.
Naalala ko rin ung sinabi ni ina na piliting
makipagkaibigan sa ibang tao. Hindi
naman sa sinusuway ko siya, pero napakahirap namang magbago na lang bigla. Mas inaalala ko pa na baka madiskubre nila
ang aking pagkatao at madisappoint ko si ama.
At naalala ko na naman si ama. Sinasariwa
ko ang aming mga naging samahan ng hindi ko namalayan ang pagtulog kasabay ng
pag-agos aking mga luha.
No comments:
Post a Comment