Followers

Saturday, October 9, 2010

Now Playing Chapter 04

Now Playing Chapter 4
Lying Is The Most Fun A Girl Can Do Without Taking Her Clothes Off

"Let's get these teen hearts beating faster, faster
So testosterone boys and harlequin girls
Will you dance to this beat and hold a lover close?"
- Panic! At The Disco, Lying Is The Most Fun A Girl Can Do Without Taking Her Clothes Off
-------
"Weeehh, ang cute cute mo talaga." sabi niya sabay pisil sa ilong ko. Kainis ito ha. Alam na ngang ayaw ko na tintawag akong cute. Sinimangutan ko nga ang gago.

"Ito naman, naglalambing lang.." sabay akap sa akin mula sa likod.

Sabay kaming napatalon sa gulat ng marinig namin ang sadyang pagbagsak ng mga plato sa lamesa. Pagtingin namin, nakita namin si Erol, hindi maipinta ang mukha.
-------
"Woi tol, mag-ingat ka naman sa mga plato, baka mabasag" ang pagsita ni Aries sa nakababatang kapatid.

"Nag-iingat naman PO, nadulas lang sa kamay ko PO. Bitawan mo nga si kuya Edge at pabayaan mo siya" ang pagsagot naman ni Erol sa kuya.

"Bakit ba? May MAGAGALIT ba kapag niyakap ko siya?" ang pagbibigay diin naman ni Aries sabay akap sa akin. "Wala naman, DIBA?" dugtong pa nito.

"Meron. MERON!" ang pagigil na sagot ni Erol. Naku, amoy away ito. Dapat na akong umentra bago pa mag-wrestling ang dalawang ito.

"Hep, hep. Magtigil nga kayong dalawa. Ikaw Aries, alisin mo nga iyang malagkit mong braso sa akin. Maligo ka muna, mabaho ka na" ang pang-aalaska ko sa kanya. "At isa pa, tigil-tigilan mo ang panghaharot mo SA AKIN, baka may PUMASOK na IDEYA sa utak ko, at hindi mo magustuhan" ang banat ko. Haha, huli. Namula ang mokong. Ang sarap i-embarass ang mga straight guys. Lalong gumagwapo. Napansin ko namang napangiti si Erol. Malas nga lang niya, dahil hindi siya lusot.

"At ikaw naman Erol. Mag-ingat ka, mahal ang plato. At nga pala, sino naman ang MAGAGALIT sa paglalandi ng kuya mo sa akin, MALIBAN sa girlfriend niya?" ang patama ko naman sa kanya. Bull's eye! Two points! Huli ka din mokong! Namula rin itong si Erol. Na ginatungan naman ni Aries na naka-recover na mula sa pagka-embarassed.

"Oo nga naman tol, sinong magagalit bukod kay Sherrie?" gatong nito, na ikinamulagat ng mata ni Erol. Naku. Lalong namula ang loko. Mas mapula sa makopa.

"Sige nga, sabihin mo sa amin?" ang dugtong nito. Bakas sa boses nito ang tagumpay.

"Aaarrgghh! Wala! WALA!" ang pasigaw na sabi ni Erol. Padabog itong umalis, iniwan akong nagtataka at si Aries na nakangisi. Naman. Kawawa naman.

"Aray! Tae, para s'an naman yun?" ang sabi ni gago pagkatapos kong batukan.

"Ikaw, inasar mo na naman yung kapatid mo. Loko ka talaga. Amuhin mo iyon mamaya! Ha?" ang sabi ko sa kanya. Pinandilatan ko siya ng mata.

"Wag mo nang pansinin 'yung mokong na iyon, TORPEDO 'yun ay" ang sagot naman nito.

"Torpedo? Torpe? Kanino?" ang tanong ko. Na-curious naman daw ako bigla sa sinabi niya.

"Wala, wala." ang tugon niya. Ngunit bumulong siya ng mahina, na medyo narinig ko naman.

"... Kahit kailan talaga, manhid... "

"Ano'ng sinabi mo?" ang tanong ko sa kanya.

"Wala, wala. Mamaya tol, usap tayo ha? MADAMI kang sasabihin sa akin, ok?" ang sabi niya. At ginawa niya ang isang bagay na ikinawala ko sa sarili, at ni sa panaginip ay hindi ko naisip na mapapasaakin.

Hinalikan niya ako sa labi.

Smack lang naman iyon, pero nagulantang talaga ako dun. Ang gwapo kong pinsan, hinalikan ako! Ayiii! Putsa, ang tuhod ko. Nalulusaw na ata ako. Ang diyos ng Olympus, bumaba sa langit at hinalikan ang isang hampas-lupa. Waaahh! Nabuo ang araw ko!

Pagkahalik naman ni mokong sa akin, dali-dali itong tumakbo paakyat sa kanyang kwarto. Nakangising-demonyo pa ito. Tsk. Naku naman. Kagagaling sa break-up, lumalandi na naman. Hitad. Hahaha.

Matagal bago ako nakagalaw ulit. Sinampal ko pa ang sarili ng ilang ulit. Oo, hindi ako nananaginip. Naisip ko lang, may tag ba ako sa noo na may nakasulat na: KISS ME. ANY GENDER ALLOWED. Napailing nalang ako at itinuloy ang pag-aayos ng mesa.

Ang mga ito talaga. Ako na naman ang napag-trip-an.

Naman.
-------
Habang kumakain, syempre super kwentuhan ang nangyari. Halos isang taon na rin ang nakalipas noong huli kaming magkita-kita. Masaya talaga dito sa mga Maclor, magugulo silang lahat. Muli, sa tulong nila, naibsan ang sakit na nararamdaman ko hanggang ngayon. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon. Sa totoo lang, makita nga lang si Aries ay naaalala ko pa rin si Micco. Pareho kasi silang mga prinsipe sa buhay ko. Si Aries ang prinsipeng best friend ko, si Micco ang Prince Charming ko.

Tang'na. Did I say Micco is my Prince Charming?

Sh*t!

Kailan ba ako makaka-get-over sa iyo, Micco?. Bigyan mo naman sana ako ng kapangyarihang kalimutan ka. Hay.
-------
Syempre, pansin ko pa rin ang tensyon kila Aries at Erol. Magkatabi kami ni Aries, sa kaliwa ko siya, si Mikka sa kanan (Mikka, Micco. Tsk. Erase erase.). Katabi naman ni tita Vivian si Erol. At nasa puno ng lamesa si tito Oliver.

Nakakapaso ang gabing ito. Si Aries naman ngayon ang todo-todo kung maka-asikaso sa akin. May papisil-pisil pa ng ilong ko, at papahid-pahid ng labi. Sabay ngingiti ng kanyang 'megawatt smile'. Pakshet, kakakilig. Naman. Ano bang nasa isip ng mokong na ito? Si Micco naman, este si Mikka (Aaarrgghh, kainis!) naman gaya gaya sa kuya niya. May pahalik-halik pa sa pisngi ko. Palagay-lagay pa ng ulam sa plato ko. Tss. Ang lalakas mang-trip ng mga ito ah.

Habang pinagti-trip-an ako ng dalawang ito, sobrang sama naman ng pagkakatitig ni Erol sa amin. Ano ba'ng problema nito? Tumingin ako sa kanya, at nakita ko ang mga mata niya. Teka, selos ba iyong nakita ko? Ano ba ang nangyayari? Bigla rin namang nawala iyon at napalitan ng galit. Galit? Tiningnan ko nalang siya at nanghingi ng dispensa sa mga nakikita. 'Pagpasensyahan mo na ang kuya mo, ha?' ang mensahe ko sa aking mga titig. 'Bahala ka sa buhay mo' ang nakita ko naman sa mukha niya. Tsk. Masama ito.
-------
Sa buong hapunan, maingay kaming lahat bukod kay Erol. Nanatili itong tahimik na kumakain. Kapag tinatanong siya nila tita Vivian at tito Oliver, puro one-word answers lang ang sinasagot nito. Ngunit dahil nga masaya sila sa pagdating ko, hindi nila napansin ito. Ano nga kaya, ang tangi kong naisip.

Ayokong mag-isa lang si bunsoy.
-------
Pagkatapos ng masaganang dinner, tumulong naman ako sa pag-ligpit sa pinagkainan. Napansin ko naman na biglang nawala si Erol. Tinanong ko naman si Mikka kung nasaan ang kuya niya.

"Ewan, malamang nag-e-emote na naman. Jelly Ace kasi." ang sabi nito.

"Jelly? Bakit naman?" ang tanong ko sa kanya. Bakit nga kaya nagseselos ang mokong?

"Oopsie, I have to pee" ang sabi nito habang nakatakip ang bibig. Halatang may itinatago ito. Hinawakan ko siya sa kamay at pinigilan siya sa binabalak na pag-eskapo.

"Am I.. Missing something?" ang tanong ko sa kanya. Nakita kong tumatakbo ang mga makina ng utak niya. That's it. Huli ka.

"Ah, eh, wala naman, hahaha" ang halatang natatarantang turan nito.

"Talaga?" ang sunod kong banat.

"O-opo ku-kuya" ang sambit nito. Lagot ka.

"Talagang-talaga?" ang pangungulit ko.

"Ah, opo kuya. Talaga!" ang medyo mataas-tonong sagot niya. Hahaha. Sa tingin ko, pilit niya akong kinukumbinsi na wala talagang kakaibang nangyayari. Sorry ka nalang, pero alam ko na may pinagtatakpan ka. Pero sige na nga, patatakasin ko na lang siya.

"Ok" ang sabi ko, sabay bitiw ng kanyang kamay, at halik sa kanyang pisngi. Wala kang maitatago sa akin. Hehehe.

"Oy, oy, ano yan?" ang taas-kilay na sabi ni Aries. "Hindi ka pa ba nakuntento sa akin? Pati ba naman si Mikka? Akala ko pa naman.. " Agad ko naman siyang pinutol at sinabing

"Oy ka rin. Magtigil ka Aries ha? Kanina ka pa. Pasalamat ka't pinsan kita, baka kanina pa kita kinapon" ang sabi kong nang-aalaska.

"Hoy kuya umayos ka nga dyan" ang sabi naman ni Mikka. Pinandilatan nito ang kuya niya.

"Bakit ba?" akma na naman itong yayakap sa akin, pero umiwas ako. Kainis ito, pinagti-trip-an na naman ako. Ok, fine. Kinikilig ako. Hahaha. Pero hindi ito ang oras para sa kalokohan.

"Oy, oy, s'an ka pupunta?" ang sabi nitong nagtataka.

"Hahanapin si Tutoy" ang sinabi ko. At tinungo ko na ang kwarto ni Erol.

"Teka, kiss ko." ang sabi naman nitong nakakaloko. Taena 'to, ha. Humanda ka.

"Kiss, o sige, tara oh. Game!" ang sabi ko namang nakataas pa ang kilay.

"Kuya!" ang pagputol ni Mikka sa eksenang ito. "Hala, sige na, kuya Edge. Puntahan mo na si kuya Erol. Gora na. Go!" ang dugtong pa nito. Nagkibit-balikat nalang ako at nagsimula nang humakbang patungo sa kuwarto ni Erol. Hindi pa man ako nakakalayo ay narinig ko na ang bulungan ng dalawa.

"Hoy kuya Aries umayos ka nga. Pabayaan mo na si kuya Edge kay kuya Erol. Sawsaw ka naman masyado..." ang sabi ni Mikka sa kuya niya. Ano daw? Tama ba ang narinig ko? Sa pag-aakalang trip na naman ito, hindi ko nalang iyon pinansin at tumungo nalang sa pupuntahan ko.
-------
ENTER AT YOUR OWN RISK.

Ito ang nakapaskil sa pintuan ng kwarto ni Erol. Masayahing bata si Erol, maloko pa. Kaya hindi na ako nagtataka kung may mababasa ka pang ibang kabulastugan sa pintuan ng kwarto niya gaya ng 'I am Barney's Son', 'Stop Farting In My Face', 'Go Away, You are the Bad Breath's Face,' at kung anu-ano pa. Kaya nagtataka talaga ako kung bakit kakaiba ang mood niya ngayon.

"Erol?" ang pagtawag ko sa kanya. Kumatok ako sa pintuan ng kanyang kwarto. Walang sumagot.

"Erol? Alam kong nandiyan ka. Mag-usap tayo bunsoy" ang sabi ko. Dahil siya ang bunsong lalaki, tinatawag ko rin siyang bunsoy. Wala na namang sumagot.

"Bunsoy, nagtatampo ka ba sa akin? " ang tanong ko ulit. Sa pagkakataong ito, bumukas ang pinto. Nagulat ako sa itsura niya. Halatang umiyak ito. Sabi na nga ba, may problema. Dali dali ko naman siyang niyakap. Inalalayan ko siya papasok ng kanyang kwarto habang nakayakap ako sa kanya. Mahigpit din ang kanyang pagkakayakap sa akin. Isinara ko ang pinto at inalalayan siya diretso sa kanyang kama. Hinahaplos ko ang kanyang likuran dahil nagsisimula na naman siyang humikbi.

"Ssshhh, 'wag nang iiyak. Andito na ako. Sabihin mo lang sa akin kung ano 'yang dinadala mo. Sige na, nakikinig ako" ang sabi ko sa kanya, pinapaamo.

Matagal siyang tahimik, ngunit halata pa rin na pinipigilan niya ang paghikbi. Hinaplos ko naman ang likuran niya, at patuloy na inalo.

"Sige na bunsoy. Sabihin mo na sa akin. Paano ko naman malalaman ang ikinalulungkot mo kung hindi ka magsasalita?" ang sabi ko sa kanya. Tuloy pa rin siya sa paghikbi. Naman. Pero hinintay ko na lang na maging magaan ng kaunti ang kanyang nararamdaman, bago ko ulit siya piliting magsalita.

"K-kuya?" ang sabi niya matapos ang matagal na sandaling pananahimik. Sa wakas, sa isip ko.

"Hmmm?" ang sagot ko naman. Nakahiga na kami sa kama, nakaharap siya sa akin at nakayakap. Nakapatong ang ulo niya sa dibdib ko, at nakayakap ang kanang kamay ko sa likod niya. Hinahaplos ko ang buhok niya gamit ang kaliwang kamay ko. Naku, para kaming mag-jowa. Napangiti nalang ako. Ngunit nawala iyon nang bigla siyang magsalita.

"Ano'ng gagawin mo kapag sinabi ko sa'yo... Na... G-gusto kita?"
[ITUTULOY]

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails