Now Playing Chapter 3
Mad World
"All around me are familiar faces
Worn out places, worn out faces
Bright and early for their daily races
Going nowhere, going nowhere..
.. The dreams in which I'm dying are the best I've ever had.."
- Tears For Fears, Mad World
-------
Sh*t!
Hay, ang sakit ng ulo ko. Kainis. Teka, anong.. Ah, oo nga pala. Naalala ko na ang nangyari kagabi. Naalala ko nga pala na lumaklak ako ng ilang bote ng gin. Eto nga't nakangisi sa akin si Arkanghel Miguel. Tss. Kainis. Tumayo ako ng dahan dahan. Hay grabe, parang binibiyak ang ulo ko dahil sa sobrang sakit. Hindi na pala ako nakapagpalit ng damit kagabi. Pero kahit paaano, naisipan ko pa ring umuwi. Pumasok ako sa banyo, tumapat sa lababo at naghilamos. Tumingin sa salamin at nakita ko ang mukha ng isang taong hindi ko kailan man nakilala.
Miserable.
Oo nga, nagpadaig na naman ako sa kalungkutan. Minsan kasi, masarap magpadala dito, lalo na kapag wala kang malapitan. Ang pagtangis ang tanging bagay na magagawa mo para maibsan ang labis na kalungkutan. Hay nako.
Pero naiinis pa rin ako. Bakit ganito? Mukha na nga akong taong grasa dahil nanlilimahid na ang itsura ko, mukha pa akong lobster. Bakit? Ganito kasi talaga pag napaparami ako ng inom. Sh*t. Polka dots. May blisters pa. Tsk tsk. Buti nalang at wala sa mukha ko. Hay nako. Kumuha ako ng gamot sa sakit ng ulo sa medicine cabinet ko, at dali daling nilulon iyon. Sabay hablot sa tuwalya at nagsimulang mag-shower. Ay hindi. Maliligo ako. Buwisit.
-------
Habang nararamdaman ko ang pag-agos ng tubig sa aking katawan, hindi ko rin mapigilan ang daloy ng mga ala-ala ng nagdaang araw. Ganoon pala kasakit ang malaman ang katotohanan sa likod ng isang mapanlinlang na sitwasyon. Ngunit ang katotohanang ito din lamang ang makapagpapalaya sa akin. Bakit ba umabot pa sa ganito ang lahat? Alam ko namang may mga pagkukulang ako, ngunit ano naman kaya sa mga pagkukulang na iyon ang nagtulak sa kanya upang gawin ang bagay na iyon? Talaga bang ganoon lagi ang takbo ng mga pangyayari? Lahat na lang ng mga taong inibig ko ay iniwan rin ako sa bandang huli.
Naman. Pati mga ex-girlfriends ko pumasok na rin sa isip ko. Kasi ba naman, pare-pareho sila. Oo nga at naging kaibigan ko pa rin ang iba, ngunit masakit pa ring tanggapin ang katotohanang ako ay kanilang iniwan.
'Patawarin mo ako, Edge. Kung hawak ko lang ang pagkakataon, hindi ko hahayaang magkalayo tayo. Basta tandaan mo, mahal na mahal kita. Ayaw kitang saktan, ngunit nagawa ko na. Kaya sana mapatawad mo ako. Kahit saan man ako dalhin ng mga paa ko, hinding-hindi kita malilimutan.' si Geneviv.
'Edge, I'm so sorry. If I knew that this would happen, then I shouldn't have had done that. I love you, Edge. I'm sorry. I'm sorry..' si Gwen.
'Please understand, Edge. I love him! I'm sorry, but please, just try to- I love you too, Edge. But I love him more. I'm sorry..' si Amber.
'Edge! Makinig ka! Hindi ko gustong iwan ka! Ang pag-alis ko ay hindi ko talaga gusto, pero sana intindihin mo. Ito ang pangarap ko, ang makapag-aral sa ibang bansa. Patawad kung ngayon ko lang nasabi, alam kong nabigla ka. Basta ang alam ko, mahal kita, at lagi kitang mamahalin habang ako'y nabubuhay..' si Arcee.
'Edge, I'm so sorry! Naging marupok ako! Patawarin mo ako. Hindi ko sinasadya ang lahat. Sana maniwala ka. Alam kong galit ka sa akin, pero sana pakinggan mo ang mga sinasabi ko sa iyo. Mahal kita. At patuloy na mamahalin. Alam kong hindi na natin maibabalik ang dati. Kaya sa huling pagkakataon sasabihin ko sa iyo: mahal kita..'
si Charie.
I'm sorry. Lahat ata sila iyan ang common denominator, maliban sa 'I love you'. Kung ganoon ba, lahat ng taong binigyan mo ng pagkakataong ibigin ka ay may karapatan nang saktan ka? Naisip ko na naman si Micco. Well, technically ako ang nakipagkalas, ngunit para kasi sa akin, oras na traydurin mo ako, wala na rin iyong kaibahan sa pag-iwan sa akin. Iniwan akong tanga. Sh*t talaga. Napahawak ako sa aking dibdib. Kasabay ng pag-agos ng tubig sa aking katawan, pinakawalan ko ang sakit na kahapon lamang ay sumira sa akin. Ang mga ala-alang kay sarap balikan ay muling nanumbalik, ngunit nakadagdag lang sa sakit ng katotohanang ang mga ito ay mananatiling ala-ala na lamang.
'I love you, Edge.'
'You are my life.'
Yeah, right. And you killed me just yesterday, on my f*cking birthday.
Give me a break.
-------
Deal with it now, fall apart later.
After you fall apart, let it all go.
And live your life once again.
-------
Pagkatapos ng munting 'drinking scene' at 'shower scene', hindi na naulit pa iyon. Bakit pa? Tama na ang isang araw ng paghihirap ng kalooban. Masyadong masakit, ayokong maalala. Well, hindi naging anghel ang demonyo sa loob ng isang gabi. Alam kong matagal-tagal pa bago ako makapag-move on ng maayos. Sariwa pa ang lahat.
Lahat ng mga bagay na makapagpapaalala sa akin kay Micco ay inalis ko. Kumuha ako ng kahon at inilagay ko doon ang lahat ng bagay na ibinigay niya sa akin. Stuffed toys (oo, yung mga napanalunan namin sa arcade), damit, pantalon, sapatos, libro, CDs, headset, unan, bulaklak, pabango, cards at iba pa. Lahat iyon itinago ko maliban sa isa - ang black and white polo na ibinigay niya na hapit na hapit sa akin. Kahit papaano kasi naging bahagi siya ng buhay ko. Ibinukod ko iyon at isinama sa mga damit ko. Nung minsan kasing isinuot ko iyon at gumala kaming dalawa, hindi magkamayaw ang mga tao sa pagtingin sa akin. SA AKIN. Nagmukha kasi akong si Ivan Dorschner plus Akihiro Sato na 5'7" lang ang height. Ang kapal. Ambisyoso. Hahahahaha. Well hindi naman ganun ka-gwapo pero lumevel naman. Tuwang tuwa ako 'nun, kasi pilit silang nagpapapansin sa akin, mapa lalaki at babae. Siya naman buwisit na buwisit. Selos na selos. Sana daw ay hindi na niya ibinigay sa akin yung damit na iyon. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung saan niya nabili iyon. Ayaw niyang sabihin dahil baka daw may magpapansin na naman kapag bumili ako sa pinagbilhan niya. Hindi ko akalain na magagawa pala ng isang damit ang pisikal na pagbabago mo, up to that extent. Kailangan ko ng isang bagay na kapag nakita niyang nasa akin pa rin, maiisip niyang nakapag-move-on na ako. And this is perfect.
Nag-ayos ako ng kwarto, iniba ang pagkakaayos sa lahat. Kailangan mawala ang mga bakas ng kahapon at ang kalungkutang kasama nito. Kailangan kong mag-liwaliw, at alam ko kung saan ako tutungo.
Tuloy ang buhay ko.
-------
Habang kumakain kami ng hapunan, nagsalita ako
"Wala na kami ni Micco."
Napatingin sila sa akin, at ako naman ay matamang nakatingin sa kanila.
"Kuya, bakit kayo naghiwalay? Diba masaya naman kayong dalawa?" ang sabi ng kapatid kong si Alfie. Siya ang nakababata kong kapatid na babae. Siya ngayon ay 16 na.
"Gan'un talaga. May mga bagay na kailangan mong bitiwan, dahil iyon ang hinihingi ng pagkakataon" ang tangi kong nasabi. Ayokong umiyak. For cripe's sake, 20 years old na ako. Pero dapat nilang malaman ito. Dahil simula pa noon, nakuha ko na ang suporta nila.
"Kaya pala may pa inum-inom ka pa kagabi. Chaka mo" ang sagot ni Alfie. Chaka daw. Si Alfie talaga. Ganyan talaga iyan. Ayaw niya kasi ng sad moments. Minsan nga narinig ko ang mga kaibigan niya habang nagti-trip sila ng kung anu-ano, 'Candidate number 1, Miss Rizalina Alfia Villegas, a.k.a. Miss Sunshine'. Kahit papano, naaapreciate ko ang pagpapagaan niya sa mabigat na mood na nagawa ko. Thank God for sisters.
"Wala yun sis. Pa-epek lang. Hehehe. Pero ngayon, ok na ako. Kitam?" sabay pahid ng ketchup sa ilong niya at ngumiti.
"Weeehhh kuya naman eh ano ba yan! Gross!" sabay tawa ng malakas. Nakitawa rin ako.
Hindi nakaligtas sa pakiramdam ko ang matamang pagtitig sa akin ni mama at papa. Alam ko ang iniisip nila, nakikita ko iyon sa mga mata nila - pag-aalala. Alam ko sa sarili ko na hindi pa ako ayos. Ako ay isa pa ring iyaking bata na ninakawan ng kendi. Wasak na wasak. Ngunit kailangan kong maging matatag. Mula sa mga basag na piraso ng aking kahapon na sumugat sa aking puso, bubuo ako ng isang bagong Edge - mas malakas, mas matatag, at mas marunong. Hindi maaaring ang isang pagkadapa lamang ang tuluyang lulumpo sa akin. Mahal ko rin naman ang sarili ko, kaya gagawin ko ang lahat para maging masaya ulit. Tiningnan ko sila ng mata sa mata. At ako ay nangusap sa kanila.
'Ma, Pa, ayos lang ako. Gan'un po talaga, hindi lahat ng nais ko ay mapapasakin. Kakayanin ko ito, magtiwala kayo.' Nginitian ko sila, bilang pagpapakita na ayos lang ang lahat. Walang dapat ikalungkot. Wala.
Wala.
Wala.
-------
Nagpadala nalang ako sa mga ngiti at tawa ni Alfie. Hindi puwedeng malungkot na naman ako. Nakikitawa na lang ako sa mga ka-aningan nitong kapatid ko. Masarap tumawa, nakakagaan sa pakiramdam. Walang silbi ang kalungkutang nararamdaman ko, nakaka-stress lang.
Nang humupa na ang tawanan namin, tinignan ako ni mama at sinabing
"Anak, anong balak mong gawin ngayon? Summer break na diba?" paglilihis niya sa usapan. Oo nga pala. Summer break na. Ang birthday ko ay pumatak sa simula ng summer break. Isa pa, summer break nga. Summer break-up.
"Ma, eh diba may OJT kami ngayong summer? Balak ko po sa Manila mag-apply para 'dun. Naayos ko na po yung mga requirements. At pwede po ba kila tita Vivian nalang ako tumira, para menos gastos" ang paliwanag ko sa kanya.
Si mama, o si Rodorina Villegas ay isang mabuting ina sa amin ng kapatid kong si Alfie. Noong umamin ako na bisexual ako, dali dali niya akong niyakap at sinabing 'Kahit ano ka pa, anak, o maging sino man ang piliin mo sa buhay, tanggap kita. Hindi dahil anak kita, kundi dahil mahal kita. At hangad ko ang lahat ng kaligayahan mo sa mundo.' Waahh. I love you Mom.
"Sigurado ka na ba diyan?" ang pagsabat ni Papa sa usapan.
Si Papa naman, o mas kilala bilang Mr. Arkanghel Villegas sa kanyang mga katrabaho at amigo, ay isang amang maaaring tatahi-tahimik ngunit labis na mapagmahal. Noong umamin ako na bisexual ako, saglit siyang natahimik. Tinanggap ako ni Alfie at ni Mama. Pero ang laki ng takot ko nang tumingin ako sa kanya. Hinintay ko ang magiging reaksiyon niya sa mga bagay na isiniwalat ko. Matapos ang mahabang pananahimik, nagsalita rin siya 'Anak, mahirap para sa akin na malaman na may pagka alanganin ang anak kong lalaki. Pero ano bang magagawa ko. Lahat ng tao ay may karapatang lumigaya. Kahit ano pa ang mangyari anak, asahan mo na lagi lang akong nandito para sa iyo. Mahal na mahal kita. Basta ipangako mo lang sa akin at sa mama mo na kahit sino pa ang makatuluyan mo, bibigyan mo kami ng apo' ang nangingiti niyang turan. Tuwang tuwa ako sa pagtanggap na iyon. Doon ko napagtanto na ang suwerte-swerte ko.
"Oo Pa, at saka 25 days lang ang span ng OJT ko, para makagala din ako on the remaining days" ang sagot ko naman sa kanya.
Madami pa kaming napag-usapan sa hapunan. Pero to make the long story short, I'm set for Manila.
-------
Two days later natuloy din ako sa Manila. Ang saya saya ko ngayon. Parang walang downfall na nangyari. Hehehe.
Sa biyahe pa lang, excited na akong makarating sa bahay ng aking tiyahin. Kasi naman, bukod sa sarili kong pamilya at sa pamilya ni Micco (tss, ayan na naman), ka-close ko rin ang pamilyang Maclor. Kamag-anak ko lang sila ngunit anak na ang turing nila sa akin. Ayan, hindi ko mapigilan ang ngumiti. Para akong tanga sa bus, pero bakit ba? Hahaha.
Binuksan ko ang cellphone ko upang aliwin ang sarili. Matagal pa naman kasi ang biyahe. Hay, naman. Mga picture namin ni Micco nandito pa pala. Tsk. Binura ko ang mga iyon, yung iba inedit ko. Crop image blah blah, yung mukha ko lang ang itinira ko. Bahala ka diyan. At nang matapos, binuksan ko nalang ang browser ng cellphone ko at nagbasa na lang ng updates sa Facebook. Nag-open ng isa pang window at pumunta sa BOL. Naman, bakit puro heartbreak ang mga chapter ngayon? Pero sabi nga ng isa sa mga characters ng isa sa mga kuwentong sinusubaybayan ko,
'Keribels..' Oo, tama. Dapat keribels lang ang buhay. Hahahaha.
Sige na nga, I should carry on.
-------
Dumating ako sa bahay ng mga Maclor. Sinalubong agad ako ng pinsan kong si Mikka. Siya naman ay nasa 13 anyos na.
"Kuya Edge!" sabay akap sa akin at gawad ng halik sa aking pisngi. "Weeehhh! Ang gwapo kong pinsan nandito samin! Mommy! Daddy! Mga kuya! Andito na si kuya Edge!" ang nakakaeskandalong sigaw ni Mikka sa mga kasama sa bahay. Hinatak niya ako papasok sa loob. Nakita ko si Erol, kuya ni Mikka at ito ay dali daling lumapit at umakap sa akin. 17 naman si Erol.
"Wahaha kuya Edge! Kamusta ka na? Na-miss na kita!" ang sabi nito habang mahigpit pa ring nakayakap sa akin.
"Ayos naman ako bunsoy, na-miss din kita" ang sabi ko sa kanya. Nagulat ako nang halikan niya ako sa pisngi. Pero nginitian ko nalang siya.
"Iho! Kamusta na!" ang malakulog na boses ng aking tiyo Oliver mula sa likuran. Galing na naman ito marahil sa kanyang pinakamamahal na hardin. Ang malaking mamang ito, kinakausap ang mga bulaklak? Dali dali akong nilamon ng mala-troso niyang mga bisig, at ikinulong ako sa isang mahigpit na bear hug. Tama nga talaga ang hinala ko. Oso siya na nag-anyong tao.
"Ahaha tito ayos lang po ako, hehehe h-hindi ak-o mak-a-hing-nga" ang sabi ko na pilit kumakawala sa kanya.
"Ah ganun ba iho? Hehe pasensya ka na nami-miss ka lang talaga namin, ang tagal mo na kasing hindi dumadalaw dito." ang sabi nito na kumakamot pa sa ulo.
"Edgar! Iho! Halika nga dito't yakapin mo si tita" ang malambing na salubong sa akin ni tita Vivian. Tsk. Isa pa ito. Mabait naman ang mag-asawang ito. Weird nga lang. Kung anong ikinalaki ng katawan at boses ni tito Oliver, siya namang ikinaliit ni tita Vivian. Isang pusa. Hay. Buti hindi nakuha ng mga anak nila ang kakaiba nilang mga anyo. Mga Martian. Hahahahaha.
At least, I still know how to have fun.
In a mean way nga lang. Haha.
-------
Katulad sa pamilya ko, alam din ng pamilyang Maclor ang pagiging bisexual ko. Wala naman daw kaso sa kanila iyon. May mga katrabaho at ilang kamag-anakan din silang miyembro ng ikatlong lahi, at so far, wala naman daw silang reklamo. Para sa kanila, walang kwenta ang kasarian pagdating sa kabutihan. Muli naisip ko na suwerte talaga ako sa mga taong nakapaligid sa akin.
Katulad ng dati, mainit pa rin ang pagtanggap nila sa akin. Ang ipinagtataka ko lang ay masyado atang dumidikit sa akin itong si Erol. N'ung nagmimiryenda kami, todo asikaso siya sa akin. Pinunasan pa nga ang mga labi ko. Ano kaya 'yun? Sa ngayon, hindi ko alam. Pero malalaman ko rin naman.
-------
Si Charles Aerol Maclor ay pangalawa sa magkakapatid na Maclor. Siguro naman ay nagkakaintindihan tayo kapag sinabi ko na siya ay GWAPO. Oo, capital G-W-A-P-O. Hindi naman sa pagmamayabang, pero maganda ang lahi namin. Hahahaha. Oo nga pala, magkapatid si mama at si tita Vivian. Parehong magagandang babae. Pareho ring may matitipuno at gwapong asawa. Kaya hindi na rin nakapagtataka kung naging maganda ang mga bunga. Hahahahaha. Ang yabang ko naman. :)
Naisingit ko lang naman si Erol dahil nawiwirdohan ako sa mga ikinikilos niya. Para naman daw akong may sakit kung maka-asikaso. May problema kaya ang mokong na ito? Hindi na bale, kakausapin ko nalang siya mamaya.
-------
Nagsisimula na kaming mag-hain ng hapunan nang dumating ang isa pang prinsipe ng mga Maclor. Si Ariston Inigo Maclor o Aries. Siya ay 20 anyos na rin. Natatandaan 'nyo ba yung sinabi kong GWAPO si Erol? Well, GWAPO rin si Aries, pero nirerekomenda ko na i-highlight mo ang salitang GWAPO, set to bold, underline (for emphasis), and set the font size to 40. Opo. Puwera biro. Mas gwapo pa siya kay Brad Pitt. I swear. Exaggerated ba? Eh sa gan'un siya ka-gwapo eh, anong magagawa ko? Sayang nga lang, straight ang mokong. Pero kahit na gan'on, hindi niya ako pinakitaan ng kahit ano mang indifference. Siya nga ang bestfriend ko kung tutuusin.
"Pinsan! Wohoho, kamusta?! Mokong ka, bakit ngayon ka lang nagpakita! Halika nga dito!" ang sabi nitong hindi pa nga nailalapag ang gamit ay humahangos na papunta sa akin.
"Uhm, hi, pinsan?" sh*t, bakit ba kinikilig ako sa pinsan kong ito? Kainis naman kasi eh. Kahit pawisin, gwapo pa rin.
"Teka, anong gagawin mo?" ang tanong ko nang makita ko ang matamang pagtitig niya sa akin. Ang mga matang iyon. Teka, natutuwa ba itong makita ako o... nang-aakit?
"Woi Aries mag- Oof!" ang mabilis na pagkawala ng hangin sa aking baga matapos niya akong yakapin. Waaahh, niyayakap ako ng isang diyos mula sa Olympus. At hinalikan pa ako sa pisngi. Hinalikan? Waahh, hinalikan nga niya ako!! Aaarrggh, malulusaw na ata ako..
"P-pinsan.." ang hindi makapaniwala at nauutal kong sambit.
"Taena ka. Na-miss kita ha, alam mo ba iyon? Kamusta na ang PINAKAMAMAHAL kong pinsan?" ang malakas niyang sabi. Hindi nakaligtas sa akin ang pagbibigay-diin niya sa salitang 'pinakamamahal'. Hindi ko nalang pinansin.
"Ayos lang naman ako, I g-guess.." pilit na pagbabalik sa composure na pansamantalang nawala sa akin.
"Insan naman, kung maka-akap ka sa akin parang wala nang bukas. Naubos hangin ko doon, ha? At isa pa, bakit may pa-halik-halik ka pa? Eew, lagkit na tuloy ng pisngi ko, huhuhu" ang sabi ko sa kanya.
"Naks naman pinsan, pa-demure ka pa ngayon ha? Gusto mo rin naman. At saka, nami-miss naman talaga kita. Hindi mo ba ako nami-miss?" ang tugon niyang patampo ang himig.
"Hoy Ariston Inigo Maclor! Magtigil ka ha, magpinsan tayo. Hindi tayo talo! At saka, syempre naman nami-miss din kita." ang pang-a-alo ko sa kanya.
"Talaga?" ang tanong niya.
"Talaga." ang sagot ko.
"Talagang talaga?" ang balik niya.
"Opo sir. Talaga. Alam mo, ang weird mo. Hala, sige na at magpalit ka na ng damit, kakain na tayo" ang taas-kilay na pagtataboy ko sa kanya.
"Weeehh, ang cute cute mo talaga." sabi niya sabay pisil sa ilong ko. Kainis ito ha. Alam na ngang ayaw ko na tintawag akong cute. Sinimangutan ko nga ang gago.
"Ito naman, naglalambing lang.." sabay akap sa akin mula sa likod.
Sabay kaming napatalon sa gulat ng marinig namin ang sadyang pagbagsak ng mga plato sa lamesa. Pagtingin namin, nakita namin si Erol, hindi maipinta ang mukha.
[ITUTULOY]
Followers
Saturday, October 9, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
No comments:
Post a Comment