Followers

Saturday, October 30, 2010

Now Playing Chapter 14

Maraming maraming salamat po sa lahat ng patuloy na sumusubaybay sa kwento ko. The story may have taken a darker path, pero patuloy nyo pa rin itong sinusubaybayan. Maraming salamat po sa mga nagkomento, mga nangungulit na ibigay ko ang email address ko, pati mga nag-PM sa akin sa facebook, maraming salamat po.

The previous installment (Now Playing: The Symphony Of Sins) is intended to be a stand-alone piece about two people making love and sharing the passion within. Hindi po talaga siya intended for posting. Pero dahil nga po absent ako ng matagal, regalo ko na lang po sa inyo. Si Peej at JP ay iisa, pero hindi po iyon si Patrick dito sa kwento. Real-life counterpart, pwede pa.

Okay, salamat po sa inyo, and enjoy!
-------
Now Playing Chapter 14
Chain Of Fools

"Every chain, has got a weak link
I might be weak child, but I'll give you strength
Chain, chain, chain
Chain, chain, chain
Chain, chain, chain
Chain of fools.."
- Aretha Franklin, Chain Of Fools
-------
4:27 am

Tama kaya ang ginawa ko? Tama bang hinayaan ko ang sariling magpatangay sa pagnanasa? Sapat bang dahilan ang kalungkutang nararamdaman ko upang makalimot at magpaanod sa kamunduhan? Ginamit ko nga ba ang pag-ibig niya para sa pansamantala kong pagkalimot sa realidad? Naging patas ba ako sa mga nangyari?

Ito ang paulit-ulit na bumabagabag sa akin simula pa kanina. Hindi ako nakatulog pagkatapos ng aming pinagsaluhan. Tinignan ko ang mukha ng anghel na nakayakap sa akin. Nakangiti ito habang natutulog. Tama bang nakipagsiping ako sa kanya dahil sa kalungkutan? Oo, mahal ko pa nga siya. Alam kong mahal niya ako. Dapat bang isipin ang ganitong mga bagay gayong may mas malaki akong problemang dinadala? Oo, kailangan ko ng karamay, ngunit siya ba ang talagang hinahanap ko ngayon? Siya ba ang tunay na hinahanap ng puso ko?

Dahan-dahan kong inalis ang kanyang mga kamay na nakayakap sa akin. Tumayo ako at pinulot ang damit kong nagkalat sa sahig. Isa-isa ko iyong isinuot. Blangko ang isip ko. Tinignan ko ang natutulog na anghel. Wala sa sarili, pinulot ko rin ang kanyang nagkalat na damit at isinuot iyon sa kanya. Mabuti na lang at hindi siya nagising. Tinitigan ko ang kanyang mukha, at napabuntong-hininga na lang ako.

"Bakit ka ba pumayag sa nais ko? Sana hindi mo tinugon ang mga halik ko. Huwag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat para maayos ang lahat sa buhay ko. Maraming salamat." at ginawaran ko siya ng halik sa noo. Tumayo na ako at lumabas ng kwartong iyon.
-------
Nadatnan ko si Lex, Clyde at Ash sa kusina. Hindi pa yata sila natutulog, at mukhang may seryosong pinag-uusapan. Hindi na sana ako tutuloy, ngunit nakita ako ni Ash.

"Edge, halika dito. Gusto mo ng kape?" ang nakangiti niyang sabi sa akin.

"Hindi nagkakape 'yan. Halika pagtimpla nalang kita ng gatas." ang sabi ni Lex. Tumango na lang ako at nagpasalamat. Lumapit ako sa lamesa. Tumingin ako kay Clyde. Alam kong nakita ko ang malungkot niyang mukha, ngunit bigla rin iyong nawala nang magsalita siya. Hindi ko na lang pinansin.

"Mabuti na ba ang pakiramdam mo? NAKATULOG ka ba?" ang tanong niyang nakangiti. Bakit pakiramdam ko may laman ang kanyang mga sinabi? Hmm..

"Uh, yes." ang pagsisinungaling ko. Hmmp, there's something here that I don't know. Nakita kong ngumisi si Ash, at biglang may tumamang pandesal sa ulo niya. Si Lex pala ang bumato, dala ang gatas ko.

"Hey, para saan iyon? Sana sinamahan mo na ng palaman." ang natatawang sabi nito kay Lex.

"Mokong ka!" at pinandilatan ni Lex si Ash.

"Uh, oo, kapatid ko si Escargot. Ano'ng meron?" ang tanong ko sa kanila. Ayan, slow na naman ako. Natawa sila sa sinabi ko, at nakitawa nalang din ako. Maya-maya, nakita kong nagtinginan silang tatlo, parang nag-aalangan na magsalita.

"Uhm.." si Lex, at biglang namula ang kanyang mukha. Ha?

"Bakit?" ang tanong ko sa kanya.

"Kasi.." ang sabi ulet niya. Nagtataka talaga ako sa mga ito. Matagal silang natahimik, bago nagsalita si Clyde.

"You did it." ang tangi niyang sinabi. Teka. Ako lang ba iyon o mapait talaga ang pagkakasabi niya sa mga salitang iyon? Tinignan ko siya sa mga mata.

"I did what?" ang tanong ko. Blangko pa rin ang isip ko.

"Sex-" ang nasabi ni Ash bago takpan ni Lex ang bibig niya. Oops. Naramdaman ko ang biglang pag-akyat ng dugo ko sa aking mukha. Paano nila nalaman ang tungkol dito?

"Don't get mad, but we heard you. Good thing the guys are already asleep when you two decided to ascend to heaven." ang nakangising tugon ni Lex. Damn! Hindi ko alam ang gagawin ko. Parang gusto kong mag-evaporate nalang ako kesa lamunin ng lupa.. Tsk.

"Uh.." ang tangi kong nasabi. Grabe, nakakahiya. Pakshet!

"E di ginawa nyo nga. Naman, kahit pa i-deny mo, alam namin ang narinig namin." ang sabi ni Ash. Naman! Tang'na, gusto ko na ata talagang mamatay! Nakakahiya! Tinignan ko sila. Si Lex medyo namumula pa rin, at parang wala lang naman ang ekspresyon ni Ash. Maliban sa malungkot na mukha ni Clyde, nagtataka ako kung bakit parang hindi sila nadidiri sa mga nalaman nila.

"Uh.. Aren't you.. Uhm.. Grossed?" ang tanong ko na lang, umaasang mawala ng bahagya ang kahihiyang nararamdaman.

"No, not much. Actually, if I liked boys too, I'd be half tempted to try you myself. Damn, mukhang nakarating si Pat sa langit ng ilang ulit.." ang sabi ni Lex na nagpipigil ng tawa. Kung nakakamatay ang pamumula ng mukha, kanina pa sumabog ang mukha ko sa sobrang pula nito. Kasi, versatile ako pagdating sa sex. At oo, medyo maingay si Pat nung.. Alam nyo na.. Tsk. Hindi na nila napigilan ang kanilang mga sarili, at tuluyan na silang humalakhak.

"Oh, Edge, naku, kapag isang araw nagising akong bisexual na, shotain mo ako, ha? Ang cute mo, ang sarap halikan! Hahahaha" ang sabi ni Ash. Waaahhh! Ayoko na! Ano ba? Dumampot ako ng isang bacon sa lamesa at ibinato ko kay Ash na sinangga naman nito gamit ang isang platito. Ang daya! Waaaahhh!

"Ayoko na! Pinagtutulungan 'nyo ako! Madaya kayo! Hmmp! 'Dyan na kayo!" ang sabi kong patampo ang himig. Sh*t talaga. Akmang tatayo na ako nang hawakan ni Clyde ang kamay ko.

"Bitawan mo ako! Isa ka pa, kala ko ba bestfriend kita? Madaya ka." ang sabi ko sa kanya.

"Ito naman, binibiro ka lang namin. Dito ka muna." ang sabi ni Clyde. Habang hawak ang kamay ko, umikot siya sa lamesa papunta sa lugar ko. Niyakap niya ako at bumulong sa akin.

"'Wag ka nang magtampo. Pinapasaya ka lang naman namin."

Tinignan ko ang mga mata niya. Bakit kaya gan'un? Bumulong din ako sa kanya, dahil nais kong malaman kung ano ang ibig sabihin ng mga nakita ko.

"Pinapasaya 'nyo nga ako, at pinapasaya mo ako. Pero bakit mukhang mas malungkot ka pa kaysa sa akin?" ang tanong ko sa kanya. Muli akong tumingin sa mga mata niya. Hindi siya agad sumagot, bagkus nagbaba siya ng tingin.

"Sabihin mo sakin, Clyde. Kanina, ikaw ang nakinig sa akin. Ngayon, ito naman ang pagkakataon ko para makinig. Oo, may problema ako, pero may problema ka rin. Alam ko yan, dahil ganyan din ang itsura ko sa salamin. At dahil mag-bestfriend tayo, diba walang iwanan? Edi dapat sabay tayong hahanap ng sagot sa mga problema natin. 'Wag kang madaya. Hayaan mo akong tulungan ka rin." ang bulong ko ulit sa kanya. Niyakap ko siya, at hinigpitan naman niya ang yakap niya sa akin. Sabi na nga ba. Hindi lang ako ang may dalang bagahe.

"Oo, may problema ako, pero hindi naman ito importante. Hayaan mo, sasabihin ko rin ito, kapag hindi ko na kayang mag-isa. Salamat ha? Kahit may problema ka, inaalala mo pa rin ang iba." ang sabi niya sa akin. Bumuntong-hininga na lang ako, at hinigpitan ko ang yakap sa kanya. Kahit halos mamatay ako sa kalungkutan, ginagawa ko pa rin ang lahat ng makakaya ko para makatulong sa iba. Kasi kapag nasilayan ko ang mga ngiti nila, naiibsan rin kahit paano ang bigat sa aking puso.
-------
"Ehem! Lex, yakapin mo nga rin ako, nilalamig ako eh." ang sabi ni Ash.

"Eto, gusto mo?" sabi ni Lex sabay pakita ng kamao niya. Oo nga pala. Medyo matagal yata kaming magkayakap ni Clyde. Alam nyo naman na ang dahilan kung bakit gan'un ako kapayapa sa mga bisig niya, diba? Kumalas ako sa pagkakayakap, at nginitian siya. Ngumiti rin siya sa akin.

"Naku, matapos ng honeymoon, umaalembong na agad." ang sabi ng nakangising si Lex. Bakit ba? Eh sa payapa ako sa mga bisig niya. Tumingin ako kay Clyde na nakatingin rin pala sa akin. At sabay kaming ngumiti sa isa't-isa.

"So.. 'Di pa kayo natutulog?" ang pag-iiba ko sa usapan.
-------
Bandang 7:00 am nang magpasya kaming umuwi na at bumawi ng tulog. Sa almusal namin kila Lex, nagkakwentuhan pa rin kami. Kahit nagpaparinig ang mga mokong, alam kong ligtas pa rin ang sikretong moment namin ni Pat sa iba. Hay, naman. Nagpresinta si Pat na ihatid ako sa amin, ngunit tumanggi ako. Baka malaman niya ang.. Alam 'nyo na. Nagpumilit pa nga ito, at mabuti na lang, to the rescue si Clyde. Kahit na nainis siya, wala na siyang nagawa.
-------
"Gusto mo, d'un muna tayo sa amin." ang sabi ni Clyde nang tumapat kami sa gate ng bahay namin. Ang bahay na naging tahanan ko sa loob ng 20 taon.

"Ah, hindi na. Ayos na ako. Salamat." ang sabi ko sa kanya, sabay pakawala ng ngiti. Tinignan niya ako, at tumingin rin ako sa kanya. Nakita ko ang nag-aalala niyang tingin. Umiling ako para sabihing 'wag na niya akong alalahanin pa. Bumuntong-hininga siya at hinila ako palapit sa kanya para yakapin.

"O sige. Pero kung kailangan mo ako, i-text o tawagan mo ako. Darating agad ako, ok?" ang bulong niya sa akin.

"Ok. Pero may isang bagay-" hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang bigla siyang kumalas sa pagkakayakap, hinawakan ang dalawa kong balikat at tumitig sa mga mata ko.

"Ano 'yon? Sabihin mo." ang nag-aalala niyang sabi. Hala. Napangiti ako ng bahagya at nagsalita.

"Pasahan mo ako ng load, check-op na ako." ang sabi ko, at tuluyan akong natawa. Napakamot naman siya ng ulo sa narinig niya.

"Loko ka! Kala ko kung ano na." ang sabi niya.

"Ito naman. Sabi na kasing ayos lang ako eh. 'Wag kang makulit. Hehehe" ang natatawa kong tugon. Napangiti naman siya, at yumakap ulit sa akin.

"Ok, sige, sinabi mo eh. Basta, dadating ako agad, ok? Una na ako, ha?" ang paalam niya. Tumango ako, at kumalas na siya sa pagkakayakap. Kinawayan ko na lang siya ng magsimula na siyang humakbang palayo.

"Ngayon, kailangan kong pakinggan ang musikang nasa harapan ko." ang bulong ko sa sarili ko, at tumingin sa tahanang nakasanayan ko.
-------
"Nandito na po ako." ang sabi ko nang makapasok ako ng pinto. Tinignan ko ang paligid. Ang malambot na sofa na lagi kong hinihigaan, ang lamesang patungan ko ng mga paa ko at lalagyan ng mga lumang dyaryo, ang TV na madalas naming pag-agawan ni Alfie, ang vase na puno ng tulips na paborito ni mama, ang recliner ni papa, at ang family picture na nakasabit sa pader. Bakit kaya ganito ang kinalabasan ng lahat? Ito ba ang kabayaran ng paghahangad sa kaligayahan? Ang laki pa nga ng kapalit, ang buong buhay ko. Nakakalungkot, ngunit kailangan kong kayanin ito.

"Iho, nandiyan ka na pala." ang malungkot na bati ni mama. Ang mama ko. Hindi siya lumapit sa akin. Nakita ko ang malungkot niyang mga mata na pilit ikinukubli sa isang mapagpanggap na ngiti. Alam ko, nararamdaman ko ang pag-aalangan niya sa paglapit sa akin. Ang mama ko.

"Uhm.." ang tanging nasabi ko. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin. Ngunit sa isang iglap, lahat ng mga masasayang ala-ala ko sa pamilyang ito ay nanumbalik. Parang pelikula na paulit-ulit na nagpe-play sa isipan ko. Ang mga yakap ni mama, ang paglalambing ni mama, mga pangaral ni mama. Lahat iyan, paulit-ulit kong naaalala. Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha mula sa aking mga mata. Hindi, hindi ko sila kayang iwanan. Hindi ko sila kayang kalimutan.

"Mama.." ang usal ko. Agad akong lumapit sa kanya at umiyak sa kanyang dibdib. Hindi ko mapigilan ang kalungkutang pumutol sa relasyon ko sa pamilyang ito, at unti-unti na naman akong kinakain nito.

"Anak ko.. " ang pahagulgol na sabi ni mama. Habang ako ay nakayuko at umiiyak, ginawaran niya ako ng halik sa noo, sa pisngi. At niyakap niya ako ng pagkahigpit-higpit. Ang hirap tanggapin ng katotohanang ako ay hindi tunay na anak ng taong ito, na walang ibang inasam kundi ang kaligayahan ko. Wala akong magawa kundi ang umiyak.

"Ma, bakit ganon? Kasalanan ko na naman po ba ito? Lagi nalang ako ang nakikita ng langit. Mali po ba ang maghangad ng labis na kaligayahan? Bakit po ba ako na naman ang pinaglaruan ng tadhana? Ma, sabihin mo sa akin na hindi mo ako iiwan. Paano na ako kung wala ka? Ayokong mapunta sa mga taong hindi ko alam na nabubuhay pala. Hindi ko sila kilala! Ma, diba hindi mo hahayaang mangyari iyon?" ang tanong ko sa kanya. Patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko, at pinapahid naman ni mama iyon.

"Anak, patawarin mo kami. Hindi namin sinasadya ang mga nangyari. Sana intindihin mo na lahat tayo biktima ng sitwasyon. Mahal na mahal ka namin, anak. Kaya hindi namin sinabi sa iyo ang tungkol dito. Natatakot kami na baka kunin ka ng pagkakataon sa amin. Ngunit eto, nangyari na. At wala kaming karapatan sa iyo. Nandito na ang tunay mong pamilya. Anak, sana unawain mo rin sila. Sa loob ng 20 taon wala silang ibang hinangad kundi ang makasama ka. 'Wag kang magagalit sa kanila. Isipin mo na lahat ng ito ay may dahilan. Lahat tayo nagkakamali, at lahat tayo nasasaktan. Magpakatatag ka anak. Kakayanin mo iyan, kakayanin natin ito. Hindi man ikaw ang tunay naming anak, ikaw ay pamilya pa rin namin. Ikaw ay ANAK namin, Edge. Walang magbabago." ang sabi niya sa akin.

"Ibig bang sabihin n'un pinapamigay nyo na ako sa kanila?"

"Anak, hindi sa ganon. Gusto namin na kilalanin mo rin sila, dahil kung wala sila, hindi ka darating sa buhay namin. At katulad namin, mahal na mahal ka rin nila." ang sagot ni mama.

"Mahal? Ano'ng parte ba ng salitang iyon ang hindi nila naiintindihan? Kung mahal nila ako, hindi nila ako ipapa-"

"Anak, 'wag kang mag-isip ng ganyan. Ginawa nila iyon dahil gusto nilang mapabuti ang buhay mo. Isipin mo na lang na ang lahat ng bagay o pangyayari ay may kani-kanyang dahilan." ang sabi ni mama. Bakit ba hindi ko matanggap ang mga sinasabi niya?

"Kung gan'un, ang buhay ko ay isang malaking pagkakamali lang." ang matipid kong tugon.

"Anak, hindi! Pakiusap, 'wag kang mag-isip ng ganyan." ang malungkot na tugon ni mama.

"I can't help it, Ma." ang sabi ko. Hindi ako makawala sa kalawanging kadenang nakapulupot sa aking puso. "Ano pa ba ang dahilan ng lahat ng ito? Ayoko na, Ma. Lagi na lang kalungkutan ang nakapaligid sa akin. Ano ba'ng dapat kong gawin para makamit ang mailap na kaligayahan? Ang kapayapaan ng kalooban? Hindi ko kayang lokohin ang sarili ko na may pag-asa pa-" ang dugtong ko. Ngunit naputol ang sinasabi ko nang bigla akong sampalin ni mama.

PAAAKKK!!!

"Ma.."

"Makinig ka! Kahit kailan, matigas ang ulo mo bata ka! Akala mo ba ikaw lang ang nalulungkot sa mga nangyari? Akala mo ba ikaw lang ang nahihirapan? Hindi lang ikaw, anak. Pati kami, lahat ng taong nagmamahal sa iyo, nahihirapan din sa paghihirap mo. Alam ko, alam naming nahihirapan kang tanggapin ang katotohanang ito. Ngunit isipin mo rin kami anak. Kami na napamahal na sa iyo, at sila na hinahangad ang pagtanggap mo. Patawarin mo kami sa mga pagkakamali namin. Sige, kung gusto mong isipin na isa kang pagkakamali, sige lang. Ngunit alam mo ba, na ang pagkakamaling iyon ang naging daan upang maging bahagi ka ng buhay namin. Sa lahat ng kamalian na nagawa ko, ang isang iyon lamang ang bukod-tangi at habang-buhay kong ipagpapasalamat." ang umiiyak na tugon ni mama. Sh*t! I made her cry. It's all my fault! Para akong nabagsakan ng malaking bato sa ulo ko. Ang kalungkutang ito ang nakapagpapabingi, nakapagpapamanhid, at bumubulag sa akin. Hinayaan ko na namang linlangin at lamunin ako ng labis na kalungkutan. At nakasakit pa ako ng damdamin ng isang taong mahalaga sa akin. Natauhan ako sa mga narinig. Oo, pagtanggap lang naman ang dapat kong gawin, ngunit talagang nahihirapan lang ako sa bilis ng mga pangyayari.

"Ma.. Ma, I'm sorry." ang sabi ko sabay yakap sa kanya. Damang-dama ko ang paghihirap ng kalooban niya. Bakit nga ba sarili ko lang ang iniisip ko? May mga tao pa palang mas naghihirap ang kalooban kaysa sa akin. Kahit kailan makasarili ako. Lagi na nga akong nasasabihang manhid, kailangan pa palang sampalin ako para malaman kong bulag rin pala ako.

"Ma, I'm sorry, I'm sorry.." sabi ko habang pinupunasan ang kanyang mga luha.

"Son, I love you so much. I'm sorry if I hit you. Baby, I'm so sorry.." ang sabi ni mama sabay haplos sa aking pisngi.

"Don't worry, Ma. Actually, I thank you. I think I needed that. I was too preoccupied with things that I thought ruined me. I'm so stup-"

"No, son. You're not. You're supposed to hit Rock Bottom in this kind of situation. Acceptance is one of the hardest things to learn, and it usually go with time." ang nakangiting tugon niya. Si mama talaga. Nagawa pa ngang isingit ang Rock Bottom sa usapan. Napangiti rin ako sa naging turan niya.

"Hala, si mama. Ayan, kakanood ng Spongebob, pati pangalan ng lugar d'un sinasali sa ganitong usapan. Ma, salamat po, ha? Sa pag-intindi, sa mga yakap mo, sa pagmamahal mo. Lagi kang nandiyan para sa akin. Pangako mo po, na ikaw pa rin ang mama ko, ha?" ang sabi ko sa kanya. Nakita kong ngumiti siya, at hinagkan niya ang aking noo.

"Oo, at ikaw rin ang anak namin."

Ito ang unang hakbang ko sa pagtanggap sa mga nangyari. Hindi ito magiging madali para sa akin. Ngunit sa tulong ng mga taong nagmamahal sa akin, alam kong malalampasan ko rin ang lahat ng ito.

"Oh, anak, kumain ka na ba? Nagluto ako ng omelet. Halika sabayan mo ako sa pagkain." ang paanyaya ni mama matapos ang ilang saglit naming pananahimik. Nginitian ko siya, at isang tango lamang ang isinagot ko.

"I love you, mama." at hinalikan ko siya sa pisngi.
-------
Tok Tok Tok!

"Edge, anak?"

Naalimpungatan ako nang marinig ko ang mga katok na iyon. Si mama. Teka, bakit kaya? Tumayo ako sa kama at tinungo ang pintuan. Tumingin rin ako sa orasang nasa lamesa.

4:07 pm.

Hay, hapon na pala. Napahaba ata ang tulog ko.

"Ma? Bakit po?" ang tanong ko ng buksan ko ang pinto.

"Ah, anak, may bisita ka." ang parang alangan na tugon ni mama. Bakit kaya?

"Sino po?" ang tanong ko. At sa sinabi niya, naintindihan ko kung bakit nag-aalangan siya.

"Si Cedrick."

"Ah, sige po. Magbibihis lang po ako." ang sabi ko na lang. Nakita ko ang nag-aalalang tingin ni mama sa akin. Pumihit ako papunta sa kanya at niyakap siya.

"I'll be fine, ma. This 'acceptance' thing is the hardest thing for me right now, but I'll do my best. Wish me luck." ang nakangiti kong tugon kay mama. Dahil sa huli kong sinabi ay napangiti siya. She kissed my cheeks, and walked away.
-------
Ngayon, kailangan kong harapin ang sarili kong mukha sa kanyang pagkatao.
-------
"Chase" ang bungad ni Cedrick sa akin. Nakangiti niya akong sinalubong sa sala, ngunit ang mga mata niya ay alangan pa rin. Lumapit ako sa kanya at bumati.

"Hi." ang matipid kong sagot. Sa totoo lang, hindi ko alam ang gagawin o sasabihin sa kanya. Ni hindi ko siya binigyan ng ngiti. Makita lamang ang mukha niya ay sapat na para maalala ko ang kalungkutang pilit kong kinakalimutan.

"Uhm, uh.." ang tila naba-blangko niyang tugon. Alam kong hindi rin niya alam ang kanyang sasabihin ngayong magkaharap na kami.

"Bakit, ano'ng kailangan mo sa akin?" ang pambasag ko sa katahimikang panandaliang lumukob sa amin.

"Kasi.. May gagawin ka ba ngayon? Pwede bang lumabas tayong dalawa?" ang tanong niya sa akin. Kung sa ibang sitwasyon siguro matatawa ako, dahil nga magkamukha kami, parang inaaya ako ng sarili ko sa isang date. Ngunit sa pagkakataong ito..

"Sige. Saan naman tayo pupunta?" ang sagot ko sa kanya. Ginawa ko ito hindi para sa kanya, kundi para sa aking sarili. Ito ang pagkakataon ko para kilalanin siya, at ito rin ang makatutulong sa akin para sa unti-unti kong pagtanggap sa mga nangyari.

"Talaga? Kahit saan. Basta masaya." ang nakangiti niyang tugon. Ang kaninang alangan niyang tingin ay napalitan ng saya at pag-asa. Alam kong gustung-gusto niya rin akong makilala, makasama. Sa totoo lang, magaan ang loob ko sa kanya. Kapatid ko nga talaga ito, ang naisip ko.

"Ok. Saglit lang ha, may kukunin lang ako sa kwarto." ang panandalian kong paalam sa kanya. Ngumiti naman siya, bakas ang saya sa kanyang mukha. Natatakot ako sa mga nangyayari, ngunit alam ko, dadalhin niya ako sa landas ng pagtanggap sa aking tunay na pagkatao.
-------
Ilang sandali pa ay lumarga na kami ni Cedrick. Nagpaalam ako kay mama. Mabuti at naintindihan niya ang pagpayag ko sa imbitasyon ni Cedrick. Hinagkan niya ang aking pisngi at sinabing mag-ingat kami.

Sa una'y nagkakailangan pa kami ni Cedrick, ngunit ng maglaon ay wala kaming ibang inatupag kundi ang magdaldalan at magtawanan. Animo'y close na close na kami kaagad. Basta, napakagaan ng loob ko sa kanya. Pansamantala kong nalimutan ang katotohanan sa aking buhay dahil sa mga ngiti niya. Gumala muna kami sa bayan. Wala lang, wala kaming magawa eh. Pumunta kami sa Dry Goods section ng palengke. Punta sa bargain, bumili ng eggballs, nag fried noodles, pumunta sa HBC, sa mga RTW, pati grocery at yung pusit at isda pinag-trip-an namin. Parang tanga. Sabi nga nung mga saleslady sa Dry Goods, kambal daw kami. Madami pa ngang tingin ng tingin sa amin, mukha daw kaming artista. Haha basta kahit walang katuturan ang pag-ikot namin sa buong palengke, nag-enjoy ako sa company niya.

Kapatid ko.

Nag-take out kami sa Jollibee at pumunta sa maliit na beach sa lugar namin, doon sa tinambayan namin n'un ni Bea. Na-landscape kasi ang lugar na 'yun, may elevated part na may mga damo at puno at may mga concrete na lamesa at upuan, at may mababang parte na buhanginan na patungo sa dagat. Naupo kami sa lilim ng puno ng talisay, at inilatag ang binili naming pagkain. Ilang sandali kaming natahimik habang kumakain. Weird, pero talagang ang gaan ng pakiramadam ko. Nawala lahat ng kalungkutang naranasan ko ilang oras pa lang ang nakararaan. Basta, nakukuha ko nang ngumiti ng palihim kahit papaano.

"Chase.." ang pagbasag ni Cedie sa katahimikan naming dalawa.

"Hmm?" ang naging sagot ko habang ngumunguya ng french fries at nakatingin sa dagat.

"Salamat, ha?" ang sabi niya. Tumingin ako sa kanya, nagtataka sa sinabi niya.

"Salamat saan?" ang tanong ko naman sa kanya.

"Salamat at pinagbigyan mo akong makasama ka. Ang tagal kong hinintay na dumating ka, Chase. Simula nang malaman ko ang tungkol sa iyo, ginawa ko ang lahat para mahanap ka. May mga panahon na halos sumuko na ako, pero mabuti nalang at hindi ako tuluyang bumitaw. That tiny glint of hope in me showed me a miracle I've never expected. Alam mo, hindi ko in-expect na sasama ka sa akin ngayon. Akala ko nga ipagtatabuyan mo ako kanina. Salamat talaga, ha? You don't know how much you made me happy today." ang nakangiti niyang sabi. Kitang-kita sa mukha niya ang sayang nadarama niya. I can't help but smile, masyadong contagious ang ngiti niya.

"You don't have to thank me. Ako dapat ang nagpapasalamat sa iyo, kasi hindi ka sumuko sa akin. Oo, hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap ang nangyari, ang katotohanan.. Pero alam kong darating din ang panahon para d'un, sa tulong mo at lahat ng taong nakapaligid sa akin. At salamat din, kasi naging masaya ako ngayon. Ayoko nang mag-emo pa. Masakit na ang mga mata ko. Hahaha" ang tugon ko sa kanya. Nakita kong lumuha ang mga mata niya. Tumigil ako at wala sa sariling pinunasan ang mga pisngi niyang nadaanan ng mga luha.

"Iyakin ka pala, KUYA." ang sabi ko sa kanya, sabay ngiti.

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig, hindi makapaniwalang tinawag ko siyang kuya. Ngumiti ako sa kanya, at siya naman ay lumuluhang nakangiti. Niyakap niya ako, at paulit-ulit na nagpasalamat.

"Chase, salamat. This is too much for me, I don't think I can handle more happiness today. Thanks bro. Thank you so much." ang sabi niya.

"Pwede 'wag ka nang umiyak? Diba dapat ang mas bata ang iyakin? Hahaha" ang natatawa kong sabi sa kanya.

"I don't care kung iyakin ako. Eh kung ikaw naman ang magpapahid ng mga luha ko, why not?" ang nangingiti-ngiti niyang sabi.

"Hoy kuya bolero ka rin pala. Panget mo." ang sabi ko, at sabay kaming tumawa ng tumawa.
-------
Akala ko makakatulog ako ng nakangiti ngayong gabi. Hindi pala.
-------
Nalaman ko na may kamag-anak pala sila kuya Cedie dito sa lugar namin. Bale kamag-anak ko na rin. Pansamantala silang nakituloy doon dahil nga sa pakay nila na paghanap sa akin. Inaya niya ako na sumama muna doon, para makita rin daw ako nila Mr. and Mrs. Lewis (my biological parents) pati ng mga tito at tita daw 'namin'. Pumayag na rin ako, wala naman sigurong mawawala sa akin.

Iyon ang akala ko.

Pumunta kami sa isang parte ng bayan na maganda ang kabahayan. Hindi ito subdivision, parang mga apartment style ang mga bahay dito. Pero parang subdivision na rin dahil nasa loob ito ng secured zone. May checkpoint nga papunta at palabas sa lugar na iyon. Actually pamilyar na ako sa lugar na iyon, karamihan kasi sa mga kaklase ko ay taga doon. Minsan kasi gumagala kami d'un. Sa pagbaba namin sa pampasaherong jeepney na sinakyan namin, napansin ko na dumaan kami sa isang kalye na pamilyar sa akin. Aba, kapit-bahay ata nila ang kaklase ko. Narinig ko ang pagbati ng mga taong nakakakilala sa akin.

"Edge! Psst! Kamusta! Teka, bakit dalawa kayo?" ang bati ni Ate Lena, ang may-ari ng tindahan na madalas naming tambayan. Inakbayan ko si kuya at ngumiti sabay kaway sa kanya. Maging ang mga bata na madalas naming kakulitan kapag walang magawa, binati kami.

"Hala mga kuya sino po sa inyo si kuya Edge?" ang halos pare-pareho nilang tanong sa amin na ikintawa nalang namin.

Huminto kami sa tapat ng isang bahay na napamahal na rin sa akin. Nagtataka ako kung bakit kami narito, kaya tumingin ako sa kanya. Ngiti lamang ang isinukli niya sa akin.

"Tara." ang aya niya sa akin. No. Bakit nandito kami? Kahit na parang may ideya na ako, hindi pa rin ako makapaniwala. Bakit dito pa? Pinili ko munang manahimik, baka kasi nagkakamali lang ako.

"Nandito na po kami." ang sabi ni kuya Cedie nang makapasok kami sa loob. Nagkataong nandoon sa sala si Mr. at Mrs. Lewis, pati sila..

"Edgar! Kamusta! Ang tagal mong hindi dumalaw, ah?" ang bati ni Tito Tristan.

"Iho, biro mo, kamag-anak ka pala namin!" ang natutuwang bati ni Tita Minerva.

Biro? Hindi biro ito. Hindi! Hindi pwedeng nandito ako? Bakit? Bakit ganito na naman ang nangyari? P*ta, akala ko tapos na ang lahat. Nagsimula na akong makaramdam ng pagka-inis, galit, at pagkahabag sa sarili. Kani-kanina lang masaya ako, tapos eto na naman! Sa isang kisap mata, nalunod ako sa kalokohan ng tadhana. Bakit lagi nalang ako? BAKIT?!

Kinuyom ko ang kamay ko para pigilan hinagpis na nadarama ng aking puso. Upang hindi nila mahalata, ipinasok ko ang kamay ko sa bulsa ng aking pantalon. Sh*t, kailangan ko 'siyang' makita, kailangan ko 'siyang' makausap. Kailangan kong malaman ang katotohanan.

"Iho, mabuti naman at pumayag ka na sumama kay Cedrick. At mabuti ay pumayag kang sumama rito." ang sabi ni Mr. Lewis sa akin. Kahit pilit ay binigyan ko siya ng isang ngiti.

"Para rin po kasi sa akin ito, kailangan ko pong maintindihan ang LAHAT-LAHAT. Sa palagay ko po kasi, ito ang pinakamabuting paraan." ang sabi ko sa kanila. Tango lamang ang naging sagot nila.

"Chase.. ANAK.." ang naluluhang sabi ni Mrs. Lewis sa akin. Hindi nyo ba napansin na Mr. at Mrs. Lewis ang tawag ko sa kanila? One Lewis is enough for a day. Darating din ang panahon na magagawa ko rin silang tawagin na mama o papa. Pero mukhang
matatagalan pa iyon dahil sa isa pang katotohanang nasa harapan ko ngayon.

Nilapitan ko at niyakap pa rin si Mrs. Lewis. It's one of my weakness - I don't want to see mothers crying. Niyakap naman kami pareho ni Mr. Lewis. Umiiyak sila pareho, marahil sa tuwa, ngunit umiiyak naman ako dahil sa panibagong pagkabigo ng aking puso. Akala siguro nila na umiiyak din ako dahil sa tuwa. Hindi, hinding-hindi.

"Salamat at narito ka, patawarin mo kami sa mga nangyari. Anak sana 'wag mong isipin na hindi ka namin mahal kaya ka namin-"

"'Wag na po nating pag-usapan pa, nakaraan na po iyon. Tapos na. Ang mahalaga po ay ang ngayon, at ang bukas. Wala na po tayong magagawa pa doon. Mahirap pong tanggapin ngunit inuunti-unti ko naman pong intindihin, at alam ko pong kakayanin ko po ito. Maaari po bang humiling ako sa inyo ngayon?" ang pagputol ko sa kanyang sinasabi.

"Sige anak, kahit ano. Sabihin mo lang." ang sabi ni Mrs. Lewis sa akin. Hindi ako hihiling dahil ito ang nais ko, kundi ito ang kailangan ko ngayon, dahil sa panibagong dagok na naranasan ko.

"Sana po, 'wag na ninyo akong iwan ulit." ang tangi ko na lang nasabi. Napangiti sila habang patuloy na lumuluha, at muli nila akong niyakap at hinagkan sa pisngi.

"Oo anak. Pangako, hinding-hindi na." ang sabi nila sa akin.
-------
Saglit pa kaming nag-iyakan bago ko hinarap sila Tito Tristan at Tita Minerva. Yumakap ako sa kanila, at sila naman kahit naiiyak ay tuwang-tuwa sa mga nangyari.

"O paano iho, lagi ka nang magpupunta rito, ha?" ang sabi ni Tita Minerva.

"Opo tita." ang sabi ko. Talagang pupunta ako dito, dahil alam kong hindi lang ako ang nagdurugo ang puso.

"Welcome to the family, for real!" ang bati naman ni Tito Tristan. Sana lang ay matanggap rin 'naming dalawa' ang kapalaran naming ito.

"Salamat po, Tito, Tita. 'Nga pala, nandiyan po ba 'siya'?" ang tanong ko sa kanila. Kanina ko pa 'siya' gustong makita, yakapin, at humingi ng tawad dahil pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat ng ito.

"Oo, mabuti pa at akyatin mo na sa kwarto niya. Kanina pa natutulog iyon. Napuyat yata dahil sa thesis ninyo." ang sabi ni Tito sa akin.

"Sige po, puntahan ko po muna 'siya'." ang paalam ko sa kanilang lahat. Tumango lamang sila. Tumingin ako kay kuya Cedie at nginitian naman niya ako.

Habang unti-unti akong lumalapit sa 'kanyang' kwarto, pabigat ng pabigat ang mga paa ko, at patuloy na nagdurugo ang aking puso. Mabuti nalang at nakatalikod ako sa kanila, hindi nila napansin ang pagpatak ng aking mga luha dahil sa panibagong kalungkutan.

Ang pinto ng 'kanyang' kuwarto.
-------
Wala akong ibang magawa kundi haplusin na lamang ang kahoy na pintuang iyon. Pinanghinaan na ako ng loob sa mga sampal na inabot ko kay tadhana. Pero kailangan kong harapin siya, kailangan kong humingi ng tawad sa kanya.

Kasalanan ko ang lahat ng ito.

Ibinuhos ko ang natitira kong lakas sa pagkatok sa pintuan ng 'kanyang' kwarto. Sa bawat katok ay nasasaktan ako, at patuloy na nalulunod sa aking mga luha. Walang sumagot, at dahil hinang-hina na ako, napasalampak na lang ako sa sahig at napasandal sa dingding sa tabi ng pinto. Patuloy ang aking pagluha ng mga sandaling iyon. Ano'ng gagawin ko?

Kinuha ko ang cellphone ko. Mabuti na lang nagpa-load ako kanina. Hinanap ko ang numero 'niya', at tinawagan ko ito.

Krrriiinggg...

Krrriiinggg...

Krrriiinggg...

"H-hello?" ang humihikbing sabi 'niya'.

"... Pagbuksan mo naman ako ng pinto. Alam kong nandiyan ka. Ako ito, si Edge. Pakiusap, buksan mo ang pinto." ang umiiyak kong sabi. Narinig ko ang paggalaw niya sa 'kanyang' kwarto, at hindi rin nagtagal ay nagbukas rin ang pinto.
-------
Nasabi ko ba sa inyo na nasa bahay kami ng mga Achilles?
-------
"Edge.." ang umiiyak na sabi niya sa akin.

"Patawarin mo ako, kasalanan ko ang lahat ng ito, Patrick." ang sabi ko sa kanya. Niyakap namin ang isa't isa, at sabay kaming tumangis sa iisang kalungkutan.
[ITUTULOY]

2 comments:

  1. ang sadista mo mr. author, hehe. puro nalang apsakit ang binibigay mo kay edge. gusto ko yan. pero sa totoong buhay ayoko po.

    ReplyDelete
  2. Mula umpisa hanggang sa episodes na eto, puro kasawian Mr Writer... bakit ganun... napakahabag naman.... sobrang sakit na kasi at ang hirap tanggapin... haist

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails