Followers

Saturday, October 9, 2010

Now Playing Chapter 11

Now Playing Chapter 11
I Love You, Goodbye

"You'll need someone
Who'll be the one that I could never be
Who'll give you something better
Than the love you'll find with me
Oh I could say that I'll be all you need
But that would be a crime
I know I'd only hurt you
I know I'd only make you cry
I'm not the one you're needing
I love you, goodbye
- Nina, I Love You, Goodbye
--------
8:02 am.

Sunday.

Ayan ang kauna-unahang bumungad sa akin pagmulat pa lamang ng aking mga mata. Hay, naman. Tinatamad akong bumangon. Hindi na bale, matutulog nalang ulit ako.

Teka..

Nagulat ako nang maramdaman ko na may nakayakap sa akin mula sa likod. Ang mga kamay ng taong iyon ay nasa tiyan ko. Nararamdaman ko pa ang mainit niyang hininga sa batok ko.

"Clyde?" ang pabulong kong sabi. Dahan-dahan kong nilingon ang taong nakayakap sa akin. At hindi nga ako nagkamali. Si Clyde nga. Naman. Dito nga pala siya natulog kagabi. Paminsan-minsan talaga parang goldfish lang ang utak ko, madalas magka-amnesia. Hahaha. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Napakapayapa. Bakit kaya nakayakap sa akin ang mokong na ito? Wala sa sarili, hinaplos ko ang kanyang mala-anghel na mukha.

'Mahal na nga ata talaga kita..' ang bulong ng isip ko. Kahit anong gawin ko, kahit ano pang pagpigil ko sa sarili ko, wala akong magawa.

'Mahal kita..' ang bulong ng puso ko.

Alam ko. Nararamdaman ko. Ang mainit na pakiramdam na nagmumula sa kaibuturan ng pagkatao ko. Alam kong nagsimula nang lumiyab ang apoy na iyon sa akin.

Ngunit hindi maaari.

Hindi ako puwedeng mahulog sa isang straight na lalaki.

Well, kung iisipin kasi, akala ko straight si Patrick. Siguro nga straight pa rin siya. Maaaring bi-curious lang. Wala kasi akong ibang narinig sa kanya kundi magagandang at seksing babae. Pero kahit na. Alam ko naman na mahirap ang makipagrelasyon sa isang straight guy. Marami na akong nabasa, narinig, nakita. Para kang nagdidikit ng dalawang bato gamit ang hangin.

Pero posible kaya na bi din itong si Clyde? O kaya bi-curious din?

O talagang tanga lang ako sa mga ganitong bagay?

Naalala ko ang nangyari kagabi.

Muntik na kaming maghalikan.

Aaaarrrggghhh! Nakakainis naman kasi yung alert na iyon kagabi, hindi tuloy natuloy! Waaahhh! Ang aga-aga, kung anu-ano ang iniisip ko! Naman! Hay..

Siguro nga hindi pa tumatakbo ng maayos ang utak ko. Inaantok pa ako. Pero puno na ang pantog ko. Kaya dahan-dahan akong tumayo at tinungo ang banyo.
-------
Habang naghuhugas ako ng kamay, tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin. Nakita ko ang isang lalaking ni minsan ay hindi ko naisip na nasa akin pala.

Isang lalaking naghahangad ng tunay na pag-ibig.

Akala ko, ayos na ang pagmamahal na ibinigay sa akin ng mga magulang at mga kaibigan ko. Ngunit eto ako, naghahangad pa ng mas higit pang damdamin kaysa roon. Hindi kaya nagiging sakim ako sa pag-ibig? Ano ba ang pag-ibig? Ano ba ang pagiging sakim? Hindi ba ito ang paghahangad sa mga bagay na ikaliligaya natin? Kung ganon, bakit ba negatibo ang impresyon ng tao sa salitang ito kung ito ay para sa kaligayahan ng iyong puso? Dahil ba ito ay ang paghahangad ng labis? Labis-labis na nga ba ang pag-ibig na nakapaligid sa akin? Sakim nga ba ako?

O gusto ko lang maging masaya sa buhay na ito?

Napakahirap kasi ng ganitong klaseng kalagayan. Kahit pa sabihin kong may mga taong tanggap ang pagkatao ko, may mga pagkakataon pa rin na naghahanap ako ng kalalagyan sa mundong ito.

Bakit ba kasi ako naging ganito?

Nagpakawala nalang ako ng isang buntong-hininga. Alam kong wala na akong magagawa sa ngayon. Naisip ko lang, may maliit pa rin palang bahagi ng sarili ko ang hindi pa tanggap ang pagkatao ko. Totoo pala ang sabi nila: HOMOSEXUALS ARE THE BIGGEST HOMOPHOBES. Well, I'm not gay, but as a bisexual, member pa rin ako ng ikatlong lahi. Nakakalungkot, pero kailangan kong patunayan na ito ay para lamang sa mga duwag na hindi kayang tanggapin ang katotohanan na dala ng buhay.

Dapat maging masaya ako.
-------
"Edge?" ang narinig kong pagtawag sa akin ni Clyde mula sa labas ng banyo.

"Buds, saglit lang" ang sagot ko naman sa kanya. Nagising na pala ang prinsipeng nasa kama ko. Binuksan ko ang pintuan ng banyo, at agad niya akong binati.

"Good morning best!" ang sabi niya na nakangiti. Sh*t, tumalon ang puso ko sa nakita ko. Ang kanyang masayang mata, ang puti at pantay-pantay na mga ngipin, ang kanyang buhok na hindi alam kung saan lulugar na bahagya pang natatamaan ng sikat ng araw na nagbigay sa kanya ng ethereal appearance.. Mukha siyang isang inosente at tunay na anghel na nakangiti sa akin. Parang nawala ang lahat ng nakapaligid sa akin, at siya lang ang tangi kong nakikita.

"Hoy, sabi ko, good morning!" ang nakangisi niyang sabi sa akin. Naman. Nawala pala ako sa sarili. Nakakahiya.

"Uhm, ah.. G-good morning!" ang nauutal kong sabi. Grabe, ang lakas talaga ng epekto niya sa akin.

"Ayos ka lang ba?" ang tanong niya sa akin. Tango lang ang naisagot ko dahil nadadala ako ng mga matang nakatitig sa akin. Hindi ako makapagsalita, ni makapag-isip.

At bigla niya akong niyakap.

"C-Clyde.."

"Ang cute ko, 'no?" ang bigla naman niyang banat. Napangisi tuloy ako. At namula. Ang mokong na ito. Kumalas ako sa pagkakayakap niya at piniga ang ilong niya.

"Umm, ayan. Cute ka na. Hahaha" ang natatawa kong sabi. Ngumiti lang siya sa akin at ginulo ang buhok ko. Hay, nako.

"O sige na, maghilamos ka na at kumain muna tayo. May toothbrush diyan sa cabinet, buksan mo nalang. May tuwalya din diyan. Dali na, nagugutom na ako" ang sabi ko.

"Teka, ano'ng sasabihin ko sa parents mo? 'Diba hindi nila alam na nandito ako?' ang sabi naman niya. Oo nga pala, sa bintana dumaan ang mokong na ito.

"Ako nang bahala 'dun. Bilis na, yung mga bulate ko nagrerebelde na" ang pagmamadali kong sabi sa kanya.

"Opo, dad. Eto na" ang natatawa naman niyang sabi. Tumalikod na ako sa kanya at dumiretso sa kama para ayusin ito, ngunit niyakap naman niya ako sa likod at sinabing

"Ang cute mo." sabay halik sa pisngi. Mabilis naman siyang kumalas at pumasok sa loob ng banyo. Aaarrggghhh! Nakuryente ang pisngi ko! Sh*t!

Tuwang tuwa naman ako sa ginawa niya. Para akong lutang habang inaayos ang kama. Eeeehhh.. Kilig talaga.. Naman eh..

Ngayon, gustung-gusto ko na ang salitang cute.
-------
"Tara na, hiya-hiya ka pa d'yan." ang sabi ko kay Clyde. Palapit na kasi kami sa kainan. May mahiyain-epek pa itong mokong na ito. Haha.

"Edge, nakakahiya talaga. Ayos lang ba talaga? Umuwi na lang kaya ako, ano?" ang tila nininerbyos na sabi niya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay, at hinila na lang siya papunta sa komedor.

"Goodmorning Ma, Pa, Alfie" ang bati ko sa kanila. Nakita kong nagulat sila nang makita nilang may kasama ako.

"Uh.. G-goodmorning iho. Mukhang may bisita ka." ang sabi naman ni Mama sa amin. Napansin kong sobrang makatitig si Papa. At si Alfie rin. Bakit kaya? Teka.. Oh.. Hindi ko pala sinasadyang mahawakan ang kamay ni Clyde habang hinihila siya papunta dito. Tinanggal ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Alam kong bahagya akong namula, pero carry pa rin.

"Ma, Pa, Alfie, si Clyde. Bestfriend ko po. Clyde, ang mga parents ko, at ang kapatid ko, si Alfie" ang pakilala ko sa kanila.

"Uhm.. Magandang umaga po" ang nahihiya pa rin niyang turan. Naku, hiya-hiya pa raw..

"Sige iho, maupo na kayo at kumain na tayo" ang pag-aya ni Papa sa amin. Tinignan ko si Clyde. Hahaha, nahihiya pa rin, pero wala naman siyang magawa. Nagsimula na kaming kumain. Kuwentuhan pa rin. Siyempre, sinasali ko sa kwentuhan si Clyde. Hindi pwedeng ma-OP ang mokong na ito. Napatingin ako kay Alfie, at nabasa ko ang mga mata niya.

'I don't believe you, Kuya.'

I just rolled my eyes on her. TH na naman. Hahaha.

Tamang Hinala.

Madali namang nakapalagayang-loob ni Clyde ang pamilya ko. Maging si Alfie ay nakuha niya ang loob. Hay, naman. Sabi ko sa inyo, eh. Masarap kasama itong si mokong. Kung anu-ano ang napagkwentuhan nila. Saan nakatira, ilang taon na, may kapatid ba.. Ano 'to, slumbook?

Nagulantang ang pagkatao ko nang magsalita si Papa, sa harap naming lahat.

"Clyde, iho, GAANO NA KAYO KATAGAL NA MAG-ON NITONG ANAK KO?"

What the f*ck?!

Dahil sa sinabi ni Papa, Mom giggled, Alfie smirked. Nanlaki ang mata ko, at nasamid si Clyde.

"PA!" ang namumula kong sabi. Binigyan ko muna ng tubig si Clyde, at hinimas ang likod niya.

"What? Son, masama bang magtanong?" ang sagot naman ni Papa na parang wapakels lang sa mga nangyari.

"Pa, ang sabi ko po sa inyo kanina, best friend ko si Clyde. He's not my boyfriend! We're NOT boyfriends!" ang namumula kong tugon. Hay, naman. Ang agang embarassment nito.

"Really? Eh diba gan'un din ang pakilala mo kay Micco? Best Friend.." ang sabat naman ng nakangiting si Mama. Ouch.. Micco daw..

"Turned lovers. At pansin ko lang, you said 'bestfriend' as two separate words. Alam kong it really means 'bestBOYfriend'. Hahaha" ang dugtong ni Alfie sa sinabi ni Mama. Naman. Ang mga ito. Alam kong mas mapula pa ako sa makopa. Nilingon ko si Clyde, na nakatingin rin pala sa akin. At magkasing-pula pala kami. Oh, great. Tinignan ko siya sa mga mata, at humingi ng dispensa.

'Pasensiya ka na, ha?' ang mensahe ko sa mga titig ko. Binigyan nalang niya ako ng ngiti, para sabihin na ayos lang sa kanya.

"Ma, Pa, ano ba? Nakakahiya naman kay Clyde, oh. Basta, we're not boyfriends, ok? At isa pa, hindi kami talo nito. Diba?" at tumingin ulit ako kay Clyde. Nakita kong medyo malungkot ang mata niya, ngunit agad din iyong nawala.

"Okay, sige, sinabi mo eh. Balak ko pa naman sana siyang interogahin mamaya kapag nalingat ka, at tanungin ng 'What is your intention to my son?'" ang sagot ng nakangising si Papa.

"PA!" ang halos hindi makapaniwala kong sabi. Nagtawanan silang tatlo, at nakitawa na rin kami ni Clyde.

Hay, buhay.

Nakakahiya talaga.
-------
"Hey, pasensiya ka na, ha? They have a tendency kasi to make my friends uncomfortable. They didn't intend to be so-"

"It's okay. I think that's great, actually. That may appear as a joke, but let's look on a wider perspective. Maybe it's their own way to protect you. Alam naman nating kung ano ang nangyari noon, diba?" ang nakangiti niyang sabi.

Oo nga naman. Pero whatever. Grabe, ang bait talaga niya. Nginitian niya ako, at nginitian ko nalang din siya.

"Salamat, ha?" ang sabi ko sa kanya.

"Salamat saan?" ang nagtataka niyang tanong sa akin.

"Salamat sa lahat. Ang bait mo kasi sa akin. Pasensiya ka na talaga ha?" ang muli kong paghingi ng dispensa.

"Sus, ang kulit mo, alam mo ba iyon?" ang sabi niya, sabay yakap sa akin. Haay.. Naman..

"Uh, Clyde?"

"Yes?"

"Pwede bang.. 'wag mo akong sanayin sa ganito?" ang tanong ko sa kanya.

"Sa alin?" ang tanong naman niya.

"Sa.. P-payakap-yakap mo. Baka kasi.. Hanap-hanapin ko eh.." ang nahihiya kong sabi. Tinignan niya ako. Alam kong namumula na naman ako. Eeehhh, kasi naman eh. Hahaha. Nakita ko ang amusement mula sa mga mata niya, at parang punung-puno iyon ng kislap.

"Talaga?" ang natutuwa niyang tugon. Bigla siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin. Pumunta siya sa likuran ko, at mula doon ay niyakap niya ako. Nasa harap kami ng salamin, at mula doon ay tumingin siya sa akin. Waaahhh! Grabe!

"Uh, Clyde.."

"Sshh.. Just let me do this, will you? Since I'm your bestfriend, I'm priviledged to do this everytime I wanted to, or even every chance that I've got. Okay?" ang sabi niya. What?

"O-okay. If you say so" ang tangi ko nalang nasabi.

"Uhm.. Clyde.."

"Yes.. Again?" and he giggled.

"Paano mo nalaman na dito ako nakatira? Wala naman akong nataandaan na sinabi ko sa'yo na dito ang bahay namin." ang tanong ko sa kanya.

"I asked Lex." ang maikli niyang tugon. Oo nga pala, si Lex, Kier at Mac pa lang ang nakakaalam ng eksaktong lugar ng bahay namin. 1 taon pa lang kasi kami sa bahay na ito.

"Pati ang kwarto ko?" ang tanong ko ulit.

"Of course. I wouldn't be knocking on your window if that isn't yours" ang naaaliw niyang sagot. Men, ang hirap mag-isip. Kung napansin n'yo, my questions are so lame. E kasi naman, hanggang ngayon nakayakap pa rin siya sa akin. Eeehhh.. Ahahaha.
-------
Naman. Wala akong magawa kundi magpadala sa gusto niya. Palay na ang lumapit sa manok. Ano pa ang karapatan kong tumanggi?

Sana nga lang, makayanan ko pa ring pigilan ang damdaming nagsimula nang umusbong.

Kasi alam kong sa huli, ako pa rin ang matatalo.

Iibigin ko na lang siya sa paraang alam ko.
-------
Hindi rin nagtagal si Clyde sa amin. Nagpaalam rin ito dahil darating daw ang 2 niyang kapatid. Ang nakakainis nga lang..

Nami-miss ko na siya kaagad.
-------
"Kuya! KUYA!" ang sigaw ni Alfie. Huh? Ano'ng meron? Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko. Agad naman akong hinila ni Alfie palabas.

"Teka, ano'ng-"

"Kuya, 'wag kang magulo. Basta sumama ka sa akin" ang sabi niya sa akin. Dinala niya ako sa sala, at bigla, muli, tumalon ang puso ko.

"Hi Edge"

"Bea.."

Tumayo siya mula sa sofa, hinalikan ako sa pisngi at yumakap sa akin.

"Hello dear." ang maikli niyang sabi. Oh my.. Her voice softly fills my ears..

"Bea.. Na-miss kita. Anong ginagawa mo rito?" ang tanong ko sa kanya.

"Uhm, guguluhin ang buhay mo? Hahaha" ang natatawa niyang sabi.

"Talaga? Well, I'll allow you to do that kung may pasalubong ka sa akin." ang biro ko sa kanya.

"Meron. Eto, oh" sabay halik sa labi ko. Sa LIPS! Oh.. I think my lips were electrocuted by her pleasurable kiss, and it sent shivers down to my spine. I can't help but to be lost on her lucious reds.

"Oh.. Ehem.. Bea, iha! Kamusta? Hahaha" ang biglang pagputol ni Papa sa eksena naming dalawa. Mukhang tuwang-tuwa ito sa nasaksihan. Para akong batang nahuli na nakasuksok ang kamay sa cookie jar. God, nadala ako ng mga halik niya.

Habang nagku-kwentuhan sila Bea pati sila Papa at Mama, inakay ako ni Alfie sa sulok. Bumulong ito sa akin.

"Salawahan ka, kuya." ang sabi niya na ikinagulo ng isip ko.

"Ha?" ang tanging tugon na nasabi ko.

"Kaaalis lang ng boyfriend mo pero eto ka nakikipag-LIP-SUCK kay Bea" ang walang kyeme-kyeme niyang sabi.

"Alfie, Clyde and I aren't together! Ang kulit mo. And Bea's a friend. We do kiss once in a while.. Well, nung nandito siya sa 'Pinas" ang paliwanag ko.

"And you got lost in her kisses 'once in a while?'" ang sagot naman niya.

"No, just.. Now.." ang nakayuko kong sagot. Hay, bakit ba natangay ako ng isang inosenteng halik lang?

"You're still.." hindi na tinapos ni Alfie ang sinasabi niya. Tinignan niya ako sa mata.

"She's a friend" ang tangi kong nasabi sa kanya. Alfie let out a sigh.

"Yeah, right. And I'm mother Theresa. Okay kuya. Bahala ka. Sinabi mo eh" and she left me alone in the corner.

Ginugulo nga niya ang buhay ko.
-------
Lumabas kami ni Bea para mag-lunch. Umuwi daw kasi siya sa kanila ngayon (sa subdivision rin siya nakatira tulad ni Clyde). Nais daw niyang sulitin ang natitira niyang araw sa Pilipinas sa lugar na kinalakihan niya. Babalik na kasi siya sa London para doon na talaga mag-stay, FOR GOOD. Nalungkot ako bigla sa mga nalaman ko. Kababalik lang, aalis na agad. Ngunit ipinakita ko na masaya ako para sa kanya.

"Edge, ang ganda ng dagat ano?" ang sabi niya sa akin. Tumambay kami sa ***** pagkakain namin. May maliit kasi na beach dito sa amin. Beach kasi ang nakasanayang tawag ng mga taga rito sa lugar na ito, kahit na ang napakaliit lang nito.

"Dagat? Oo, tama ka. Payapa. At ang ganda niya. Kumikinang. Para bang ang saya-saya niya at nakangiti sa atin. Walang problema, kalmado ang kalooban." ang medyo senti kong tugon sa kanya. Ang sarap kasing pagmasdan ng dagat. Nakapagpapakalma ng kalooban.

"Alam ko ang iniisip mo, Edge. Gusto mong sana maging ganyan kapayapa ang kalooban mo" ang sabi niya sa akin. Napatingin ako sa kanya. Ano daw? Kung sabagay, tama siya. Pero paano niya nalaman ang nararamdaman ko? Nakasulat ba iyon sa noo ko?

As if reading my mind, she continued. "How did I know? Nabasa ko sa mga mata mo. You're longing for simplicity. But life won't give you that. Life won't give us that. It always have to be complicated, in order for us to face the every ebb and flow of it." ang sabi niya sa akin. Napatitig ako sa kanya. She just told me the very answer that I'm always searching.

"Dumarating ang mga bagay na nagpapakumplika sa buhay hindi upang saktan at idapa ka, kundi para hubugin at tulungan kang maging matatag at tunay sa iyong sarili" ang sabi pa niya sa akin. Geez, why did she have to be so perceptive at everything? Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko. Muli bumalik ang lahat sa akin. Damn. Bakit ba naalala ko na naman. Alam kong kung gaano kaliit ang pagsubok na iyon kumpara sa nararanasan ng iba. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"Just cry, my dear. Let it all out. Naiintindihan ko ang kalungkutan mo. It's not easy being you, it's not easy being me. And it's not easy being a human being. We all have these stupid things called problems, sh*ts, or baggages. But all of these are nothing compared to the happiness we feel after we defeat these hurdles." ang sabi niya habang inaalo ako. Ang babaeng ito. Kahit kailan, lagi siyang nandiyan para sa akin. Pero bakit ngayon pa siya aalis? At for good?

"You already had your fair share of heartbreaks, Edge. But don't give up. You're too young to let youself bathe in a sea of sorrow. Marami pang darating dyan para sa iyo. And I know that sometimes you feel alone. Naghahanap ka ng kagaya mo. Don't look anywhere, Edge. Lahat tayo naghahanap ng kalalagyan sa mundo. Straight, gay, bi, lesbian. We all live under the same sky. And we all wanted to find a place to belong. A person to love, and a reason to live." ang sabi ulit niya sa akin. I never missed a bit of what she said. It's all true. I know I'm so blind to these, or just too preoccupied to take notice. I never thought I was this dense to everything.

"Bea.."

Nginitian niya ako.

"You're right, Bea. I shouldn't be feeling like sh*t. There ain't no perfect world, anyway." ang tangi ko nalang nasabi.

Thank you, my goddess.
-------
"How did you know I'm.. 'broken'?" ang tanong ko sa kanya.

"Simple lang. You're not as happy as you are four years ago, before I went to London" ang sabi niya sa akin. Four years ago? Well, si Amber ang girlfriend ko that time. I'm so in-love sa kanya, and Bea knew that. Oo nga. And after umalis ni Bea, Amber ditched me for some dickhead. Pfft.

"Naaalala mo pa iyon? Ok, I'm heartbroken. But.."

"It's not a girl." ang mahinahon niyang sabi.

"Yeah. Ang hirap pala ano?" ang sabi ko.

"Gaano kayo katagal?"

"2 years." ang sabi ko. I really, really thought that this issue won't cause me pain anymore. And I'm badly mistaken.

"First?" ang tanong uli niya.

"Yeah." ang maikli kong tugon.

"I thought you won't do guys?" ang balik niya.

"Akala ko rin mawawala iyon eh. Hindi pala" ang sabi ko.

"Naging masaya ka ba?" tanong niya.

"Oo. Dahil sa kanya.."

"Naging malaya ka." ang dugtong niya. Tumingin uli ako sa kanya. Alam niyang bisexual ako. Pero ang sabi ko sa kanya dati hindi ako makikipagrelasyon sa lalake. Wala lang, hindi kasi pumasok sa isip ko iyon noon. I'm in-love rin with Patrick noon, and from there parang wala rin kasing pag-asa ang m2m relationship. Well..

"You've had 5 ex-girlfriends, Edge. Bakit parang hindi ka pa nasanay mag-move-on?" ang nangingiti niyang sabi.

"He's different. He pulled me away from a hetero mask, and thaught me how to live and love the life I once hate. He made me feel nothing but to be loved in every inch of me. Tell me how could I forget an angel like him" ang malungkot kong tugon.

"Unforgettable. But.. Every INCH?" Ang nakangisi niyang tugon. Namula ako doon.

"Herbivore ka na ba? GREEN mo kasi" ang natawa kong tugon.

"Nope. Hahaha. I'm sorry dear. I just want to make you smile. You don't deserve to be sad - nobody does." ang sabi niya. Oo, tama nga siya.

"Last na ito. Mahal mo pa ba siya?" ang tanong niya.

"I'll always love him, Bea. No matter what happens, he'll always be in my heart." ang sabi ko sa kanya. Hinding hindi ko makakalimutan si Micco. Iyon ang sigurado.

"Ok. At least, you still 'feel'" ang sabi uli niya.

"What do you mean?" ang naguguluhan kong tugon.

"I thought all this crap will make you feel EMPTY. I just tested you. Now I know." ang nakangiti niyang sabi.

"I love you, Bea"

"I love you too, Edge."
-------
Marami pa kaming napag-usapan ni Bea. Naikwento ko ang tungkol sa revelations ni Patrick, ang affinity ko kay Clyde, and Xander's vague actions. Siya naman ay nagkwento tungkol sa isang classmate niya na pumuporma sa kanya, mga kaibigan niyang bisexual, nightlife niya sa London, at kung anu-ano pa. We reminisced too. At bago kami nagpaalam sa isa't-isa, hinalikan niya ako muli sa labi.
-------
Maaari ngang para sa kanya, ang 'I love you' ay para sa isang kaibigan.

Ang sa akin naman ay para sa isang minamahal.

Salawahan. Hahaha.

Oo, mahal ko rin siya ng higit pa sa isang kaibigan.

Binuksan ko ang iPod ko, isinuot ang headset, at nagkinig. Bumuntong-hininga ako dahil sa kantang narinig.

She won't love me that way.

"... I love you, Goodbye.."
[ITUTULOY]

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails