Love at its Best (Book2 part3)
by: Migs
Maraming Salamat po ulit sa lahat ng nagbasa ng naunang chapter at sa lahat ng nagcomment.
Nais ko ring magpasalamat sa ilang piling tao:
Drei: Salamat sa pagtulong sakin, kahit na may lakad ka pa kinabukasan. Promise Mr. Antukin, bawi ako sayo sa Book3. Sinusulat ko na siya actually.
Idol bx: Salamat sa pagbibigay sakin ng ideya kung pano maayos to.
Ate Dalisay: para sa pagbubukas ng aking mga mata sa lahat ng kapalpakan
disclaimer: Ang chapter na ito ay para malinawan lahat ng naguluhan sa part 2 ng series na ito, sana makatulong ito para maintindihan na niniyo ang, "flow" ng story.
Comments, Suggestions and Violent reactions are still welcome.
__________________________________________________________________________________
Its my first session sa aking anger management class. Di parin ako komportable na ang dalawang yun ang magfafacilitate. Nagbuntong hininga ako, kung tutuusin, pwede ko namang tanggihan ang anger management session na ito at magpasisante na lang, pero naisip ko rin, na isa ang ospital na ito sa mga the best na pwede kong mapagtarbahuhan, saka pangit naman kapag nagapply ako sa ibang ospital na may record akong attitude problem, kaya siguro tama narin na solusyonan ko na ang problemang to, kasi kung hindi ngayon, alam kong paulit ulit na may makakaaway ako. Tinignan ko ang relos ko “5pm.” sabi nito, just in time. Pag liko ko sa may hallway nakita kong bukas ang pinto ng HR office, andun na si Cha, may kausap. Tinignan ko ulit ang relos ko “5:01pm.”, “busy pa siguro, balik na lang ako mamya.” sabi ko sa sarili ko.
“What are you playing at, kuya?!” pasinghal na tanong ni Cha. Napatigil ako, di ako makaalis, alam ko na di magandang makinig sa isang private conversation, pero di talaga ako makaalis.
“di ko sinasadya Cha, naguguluhan ako.” sagot naman nung lalaking tinatawag na kuya ni Cha.
“Alam mo bang kamakailan lang, iniwan ni Jon si Migs, dahil sayo?! Pinapili ni Jon si Migs nung birthday ko kung sino mas gusto niya, ikaw o si Jon, nagisip si Migs, and from then on alam na ni Jon na wala na siyang pagasa, kasi kung si Jon nga naman ang tanging mahal ni Migs, dapat hindi na siya magiisip, with a snap of a finger, dapat si Jon na agad ang isasagot ni Migs. Pero hindi nagisip pa siya, kaya umiwas na lang si Jon. Di naman sa gusto ko si Jon para kay Migs, natuwa pa nga ako nung naghiwalay sila eh, kaso nasasaktan si Migs, kuya, feeling niya, naging mali ang desisyon niya na hayaang umalis si Jon.” pasinghal ulit na sabi ni Cha. Lalo akong napako sa kinatatayuan ko.
“Alam ko. Nasabi niya sakin kagabi. Sinabi rin ni Migs na mahal na niya ako.” sabi nung lalaki.
“yun naman pala eh! Anong nangyari? Bakit parang pinagsakluban parin ng langit at lupa si Migs?! Kaninang umaga, tinawagan ko pero parang bangag na bangag at tunog depressed na depressed ang hung hang!” tuloy tuloy na sabi ni Cha.
“So it was Jon who left Migs!” sabi ng nadedemonyo kong utak at pumalakpak nanaman ang tsismoso kong tenga. “may alas na ako kay Jon at Migs.” sabi nanaman ng nadedemonyo kong utak.
“sabi ko kay Migs na mahal ko... si Lei.” mahinang sagot nung lalaki na animo'y nahihiya. “pero I swear, I like Migs, its just that, I love Lei.” pahabol na sabi nung lalaki.
“Ah kaya pala depress depressan ngayon ang bakla, at hindi pa talaga pumasok. Na feel ko na nung una pa lang kuya, nung sa kasal pa lang ni kuya Mau, na gusto ka na ni Migs. Tapos kung akitin mo pa si bakla atag na, tapos ngayon sasabihin mo na hindi mo siya gusto at ang mahal mo si Lei, Shit kuya pamatay yun! Hay nako. Ayusin mo yan kuya. Alamin mo kung anong gusto mo. Sa huli baka parepareho lang kayong masaktan.” sabi ni Cha.
“di ko alam kung anong gagawin ko, Cha.” sagot nung lalaki.
“alamin mo kung ano sinasabi niyang puso mo, for the meantime ako na muna ang bahala kay baklang Migs, aayain ko mamya sa Malate, para makapagunwind.” sagot ni Cha.
“On a Tuesday night?” balik tanong nung lalaki. Mukhang di naman narinig ni Cha ang tanong na yun at hindi na ito sumagot. Tumahimik ng matagal, nagulat ako ng biglang sumulpot ang lalaking kausap ni Cha sa pinto at tinignan ako, sumunod naman si Cha.
“Baks, andyan ka na pala, sige pasok ka lang sa loob, hatid ko lang saglit si kuya.” sabi ni Cha, tumango lang ako. Nang bumalik si Cha sa office ng HR, iiling iling pa ito.
“hay nako, ano ba tong nangyayari sa mundo, si kuya may Lei na at lahat, nagkagusto pa kay Migs, tas ngayong sinabi ni Migs na mahal niya si Kuya, deny ever naman si kuya at mahal niya raw si Lei. Ginagawang kumplikado ang buhay buhay tsk! Tignan mo sa huli hahabol habol din yang si Kuya kay Migs. Ay Baks wag mong ipagsasabi lahat ng narinig mo ah. Secret lang natin yun. Lalo nang wag mong sasabihin kay two timer gay jerk na si Jon ha? Di parin makaget over kay Migelita yun eh, baka jombagin ever si Kuya pag nalaman na sinaktan ni kuya si Migs.” at ngumiting nakakaloko si Cha.
“ano yung tinawag mo sakin?” tanong ko.
“Baks, short for bakla.” sabi ni Cha.
“hin..hindi ako bakla.” mariing sabi ko.
“Baks, wag mo ng itago. The stench is too strong for you to deny.” sabi ni Cha sabay ngiti.
“yeah, whatever.” mariing sagot ko kay Cha. “kuya mo yon?” pahabol tanong ko kay Cha.
“yup. Gwapo no?” sagot ni Cha.
“whatever. Can we start na?” matipid kong sagot.
“of course Baks.” at ngumiti ulit ito.
Sa buong session, pinakwento lang sakin ni Cha ang buhay ko simula pagkabata, at ang ibang questions daw ay sa susunod na session na. Kahit hindi ako kumportable na ikwento ang buhay ko, nagawa ko parin yun. Sa ngayon dalwang tao pa lang ang nakakaalam ng buhay ko, si Cha at si Sam.
“tha'st it for now, yung ibang questions ko ay sa susunod na session na, anong feeling mo ngayon baks?”
“Ok lang naman, medyo magaang sa pakiramdam.” sagot ko.
“kaya naging magaan ang pakiramdam mo, kasi, after seven years nabawasan yung load mo, by sharing it to me. Dapat laging ganyan, dapat lahat ng problem shineshare or vinevent out, kasi kapag hindi nabawasan ang bigat na nararamdaman mo maiipon lahat yan sa dibdib mo, and because hindi mo naman siya mai-share, sa ibang paraan siya lalabas, tulad ng pagsusungit at paninigaw na hindi naman talaga nakakatulong.” pagpapaliwanag sakin ni Cha. Siguro nga tama si Cha, ang huling sinabihan ko ng aking problema ay si Sam pa, siguro nga sa loob ng pitong taon na puro sama ng loob sa pamilya ko, pagiging perfectionist ko at ang di ko parin pagtanggap sa nangyari kay Sam ang nakapagpatigas ng puso ko at nakapagpabago sakin ng husto. Bago pa man ako tuluyang makalayo ng office ng HR, narinig kong may kausap si Cha sa telepono niya.
“hello kuya?! Alam mo ba kung asan si Migs?! Di kasi siya pumasok ngayon, tinatawagan ko sa landline hindi naman siya nasagot, pati yung cellphone niya dinedeadma niya.” si Cha.
“ah ganun ba, sige sige pupuntahan ko na lang sa bahay niya.” sabi ni Cha, at naglakad na ako palayo. Di pa man ako masyadong nakakalayo nang tawagin ulit ako ni Cha.
“Baks!” sabi ni Cha, habang humahangos.
“buti na lang naabutan kita, nakalimutan kong sabihin na wala pala ako bukas, si Jon na ang magfafacilitate ng session mo bukas.” at ngumiti ito, marahil nakita niya ang kaba sa mukha ko.
“ahmm Bak..Baks? sa..Salamat ah.” nauutal kong sabi ko kay Cha.
“no problem, Baks!” at ngumiti ulit ito.
Kung anong gaang ng pakiramdam ko nung nagshare ako kay Cha kahapon, siya naman bigat ng pakiramdam ko ngayon, and hung hang na si Jon na ang magfafacilitate ng session ko ngayon, halos di ako makausap ng mga tao, di ko maayos ang trbaho ko at di ko mapaliwanag kung kinakabahan ba ako o ano. Tinignan ko ang orasan ko “4:55pm.” Lalo akong kinabog. Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Jon sa likod ko.
“hey! Oras na para sa session mo.” sabi sakin ni Jon.
“ah o sige. Sunod na lang ako sa HR office, tapusin ko lang tong progress notes ko sa pasyente.” sabi ko kay Jon habang kinakabog parin ang dibdib.
“hindi tayo dun magse-session eh, inatyin na kita dito.” sagot ni Jon, nagtaka naman ako, pero tinapos ko narin ang ginagawa ko, as usual hindi ako makapagtarbaho ng maayos dahil nakatingin siya sakin.
“pakshet! Bakit ba ganito ang epekto ng mokong nato sakin!” sabi ko sa sarili ko.
“tapos ka na?” tanong ni mokong sabay killer smile. Tumango na lang ako bilang pagsagot ko sa tanong niya.
“teka teka teka, Di ba pwedeng si Bak...si Cha na lang ang magfacilitate ng anger management sessions ko?” tanong ko kay kumag.
“busy siya ngayon eh, in case you don't know siya rin ang HR ng hospital.” nangingiting sabi ni Jon.
“napakadami naman atang posisyon dito ni Cha?” takang tanong ko kay Jon.
“haha, siya rin ang nagmamanage ng canteen.” natatawang sabi ni Jon. At hinatak na niya ako papuntang labas ng ospital.
“san tayo pupunta Jon?” takang tanong ko sa kaniya.
“sa session natin.” maikling sagot ni Jon.
Sumakay kami ng jeep, taka naman ako kung san ako dadalhin nitong si kumag, hindi naman sa pagmamayabang, pero hindi narin ako sanay sumakay ng jeep, kaya naman nung nagkakagitgitan na, sisinghalan ko na sana yung katabi ko dahil sa sobrang ginigitgit na niya ako. Pero pinigalan ako ni Jon at nginitian.
“manong naman masyadng close sa kaibigan ko.” natatawang sabi ni Jon sa manong na gumigitgit sakin.
“ah eh hijo, pasensya na ah, may kalakihan kasi ako eh, teka at uusod ako.” sabi naman ng katabi kong kanina lang ay nanggigitgit. Nahiya siguro.
Biglang pumara si Jon at hinila ako pababa, natatawa namang kinawayan ako ni Manong na katabi ko kanina. Kung hindi ko kasama si Jon, malamang napaaway na ako, malamang nasinghalan ko na ang manong na yun, na kalaunan ay nalaman kong mabait naman pala.
“ikaw talaga, mangaaway ka agad, pwede namang makiusap muna diba?” pagpapacute na tanong sakin ni Jon. Habang hinihila ako paakyat ng hagdan.
“teka lang Jon, san ba tayo pupunta? Naka duty tayo ano ka ba?” pagpapaintindi ko kay Jon.
“we still have...” sabay tingin sa relos niya “50minutes doon sa binigay na isang oras na session satin ng ospital.” at ngumiting gago si kumag.
“saan ba kasi tayo pupunta?” tanong ko ulit kay Jon.
“dyan lang.” matipid na sabi nito.
Nagbayad si kumag ng dalawang ticket para sa LRT, hindi ko narinig ang sinabi nitong lugar. Hinatak niya ako papuntang gate kung san pinapasok ang ticket para makasakay kami ng tren.
“shoot!” sabi ko sa sarili ko.
“oh, anong nangyari?” tanong sakin ni Jon.
“baliktad ata yung, pagkakasuksok ko dun sa ticket.” kinakabahan kong sabi kay Jon. Lumapit na sakin yung mga gwardya. At nagsisimula nang dumami ang tao sa likod ko.
“boss may problema ba?” tanong nung isang gwardya.
“ah eh Sir, baliktad ata yung pagkakasuksok ko dun sa ticket.” sagot ko naman.
“ah eh Sir ngayon ka lang ba sasakay dito sa LRT?” tanong nung isang gwardya. Nagpantig naman yung tenga ko dun sa lintik na gwardyang yun, “anong tingin niya sakin, ignaorante?” sisinghalan ko na sana ito nang biglang sumingit si Jon.
“ah eh, pagpasensyahan nyo na po ang kasama ko mga boss, galing kasing probinsya yan eh.” sabi naman ni Jon. Tinignan ko siya ng masama. Pero mukhang effective ang palusot na ito ni Jon at binigyan ako ng bagong ticket ng mga gwardya. Sumakay na kami sa tren na nung mga oras na yun ay punong puno dahil rush hour pala.
“chill lang.” bulong sakin ni Jon.
“eh ininsulto kaya ako nung gagong yun!” sagot ko sa kaniya, habang dagdag ng dagdag ang tao sa loob ng tren.
“UN AVENUE” sabi ng operator ng LRT.
“EXCUSE ME! EXCUSE ME!” sabay tulak ng isang babae, para makalabas ng pinto. Napalapit ako kay Jon na nuon ay kaharap ko. Halos dalawang pulgada na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko. Bigla naman akong lumayo ng konti.
“may tao talagang ganon doki, di man nila alam na nakakapanlait na sila eh tuloy tuloy parin sila sa pagsasalita. Pero ikaw di mo naman agad kailangang idaan sa init ng ulo.” sabi ni Jon at ngumiti ito sakin ng nakakagago nanaman na parang di muntik magkadikit ang mga labi namin kanikanina lang.
“are you saying na ignorahin ko lahat ng panlalait sakin?” maanghang na tanong ko kay Jon.
“di naman sa ganon doki, ang ibig kong sabihin intindihin mo muna sila at kung san nanggaling yung kumento nilang yun, malay mo namang hindi naman pala intensyon nung nagsabi na mainsulto ka.” pagpapaliwanag ni Jon.
“di ko parin maintindihan yung point mo, Jon.” makling sabi ko.
“ito lang ang tandaan mo doki, hindi sa lahat ng pagkakataon dapat pairalin ang init ng ulo. Sa tingin mo ba makakatulong ang pagsusuplada mo dun sa gwardya kanina? Kung itinuloy mo na sinungitan yun, baka mamya di tayo agad nakaalis dun, doki. At baka di napakiusapan agad ang mga yun. Gets mo ba? Atsaka sa dinamidami ba naman ng isla ng pilipinas, sa tingin mo bawat probinsya parepareho ng ugali? Syempre hindi. Ang nakakainsulto sayo, maaring papuri sa iba. Marami ring trabaho sa mundo doki, ang nakakainsulto sa inyong mga doktor maaring hindi nakakainsulto sa gwardya na yun. Malay ba natin na kaya ganoon ang paraan ng pagkakatanong nung gwardya na yun ay dahil madalas siyang nakakencounter ng ganuong sitwasyon, kung saan baliktad ang pagkakapasok ng ticket. Hindi sa lahat ng pagkakataon init ng ulo ang pairalin mo. Try to justify and rationalize situations sometimes.” pagpapaintindi sakin ni Jon. Ngumiti siya saglit. Di ko napansin napatitig na pala ako sa kaniya.
“andito na.... tayo.” sabi ni Jon at ngumiti ito sakin, binawi ko naman ang tingin ko sa kaniya.
“tinititigan mo ba ako?” tanong ni Jon. Habang nalabas kami ng tren.
“hi.. hindi ah! Teka central station to ah?! Ano bang ginagawa natin dito?!” iwas ko sa tanong niya. “shit! Nahuli niya ako, bakit naman ba kasi ako tumitig.” isip isip ko.
“punta tayo sa SM.” sabi nito.
“ha?! Di pa ba tayo magsesession?” tanong ko kay Jon, habang kinakaladkad niya ako papuntang SM.
“basta.” matipid na sabi ni Jon.
Ganun parin ang SM Manila, ubod parin ng dami ng tao, students galing U belt, mga nagrereview from Gapuz saka Pentagon, mostly mga teenagers. Niyaya ako ni mokong na magkape sa starbucks, magkatabi kami ni mokong sa pila. Napansin ko namang may tinetrain na bagong barista ang supervisor dito. Nakita ko kung pano pabulong na sinisinghalan ng bisor ang trainee na barista. Umupo na kami ni Jon, pagkakuwa ng kape.
“napansin mo kung anong epekto ng pagalitan ka ng bisor mo sa harap ng maraming tao?” tanong ni Jon, habang nakaupo kami at ineenjoy ang kape. Parang alam ko kung anong tinutumbok ni Jon.
“tulad mo, ayaw ko naring magtiwala dun sa barista, pano kung sa paghahalo ng kape ko siya magkamali, diba? Ganyan din sa mga staff sa ospital doki, pwede mo naman silang sabihan, pwede mo kaming sabihan, as long as tayo tayo ang nakakarinig. Tulad ng nararamdaman nating alinlangan dun sa barista na yan, yun din ang nararamdamang alinlangan ng mga relatives ng pasyente doon sa mga staff na pinapagalitan mo. Wala ng relatives ang magtitiwala sa mga staff ng ospital pag sa harap mismo ng relatives mo pinagalitan ang mga staff. Wala nang matitiwala sa staff ng ospital, o kaya sa buong ospital pag nagkataon.” mahinahong sabi ni Jon. Habang pabalik kami sa ospital, narealize ko na tama ang mokong, ito yung mga bagay na akala ko, okay lang dati. Di ko alam na ang pagiging perfectionist ko ang siya mismong nakakasira sa lahat. Tahimik lang kaming magkatabi sa LRT nang biglang may tanong na pilit sumisiksik sa isip ko.
“Jon?” panimula ko.
“yes, doki?” at ngumiti ito.
“bakit mo iniwan si Migs?” walang preno kong tanong, nakita kong nabura ang ngiti ni Jon.
“kasi ramdam ko na hindi na ako ang mahal niya.” matipid nitong sagot.
“hindi mo ba siya ipaglalaban? Kasi narini... kasi malay mo naguguluhan parin yung gusto ni Migs ngayon. Malay mo may pag-asa pa.” pagpapaintindi ko kay Jon. “ano ba yun, muntik na akong madulas.” sabi ko sa sarili ko.
“Si Ed na ang mahal niya. Nasasaktan ako, Oo, kesa naman habang buhay akong masaktan kung ipilit ko ang sarili ko sa kaniya. Saka alam ko andyan lang yung taong para sakin. Malay mo doki ikaw yun.” mahinahon at nanggagagong sagot ni Jon sabay tawa ni kumag.
“It only took Migs, days to fall out of love from me. Mahigit isang buwan na ang nakaraan nung sumulpot si Cha kasama ang kuya niya sa pinto ng apartment namin, at simula nun naging kakaiba na ang kilos ni Migs. At alam kong hindi basta basta ang pagtingin na yun ni Migs kay Ed, or else hindi niya ipagpapalit ang matagal na panahon naming relasyon para sa isang crush lang. Mahal na ni Migs si Ed, at wala akong karapatang hadlangan yun. Kaya wala akong nakitang ibang paraan kundi ang umiwas narin kay Migs.” Mahabang sagot ni Jon.
“pero impossible yun. Sa nagyon, ilang buwan pa lang silang nagkakakilala diba? Ganung kabilis? Ngayon mahal na nila ang isa't isa?” tanong ko kay Jon.
“Mahigit isang buwan pa lang ngayon, to be exact” Malungkot na sagot ni Jon habang tumatango tango. Hindi na ako nagtanong ulit hanggang makabalik kami sa Ospital. Nawala na ang ngiti sa mga labi ni Jon. Feeling close naman kasi ako eh, ayan nalungkot tuloy bigla si hunghang.
“Salamat Jon.” tahimik na nasabi ko kay Jon, gaya ng kay Cha naging thankful ako kay Jon dahil marami siyang naituro sakin, kahit sa mga simpleng bagay lang, nabuksan niya ang mga mata ko. Tinuruan niya ako kung pano mabuhay. Kung pano i-control ang galit ko. Kung pano intindihin ang tao sa paligid ko.
“salamat saan?” tanong ni Jon sabay ngiting nakakagago.
“sa session natin.” nahihiya kong sagot.
“anong session?? Nagdate tayo diba?” at ngumiti itong nakakagago sabay kindat. Nauna itong pumasok sa ospital. Napangiti ako sa sinabing yun ni Jon. Pagkatapos ng pitong taon, ngayon lang ulit ako ngumiti.
Napahawak ako sa pilat sa kaliwang kamay ko at nagtaka, for the first time in seven years, ni isang beses sa buong araw na ito, hindi ito sumakit.
Itutuloy.
ang cute ng story pero galit pa din ako kay jon.... two timer gay jerk...!!! un ang pinakaayaw ko salahat two timer....
ReplyDelete"LHG"
waaaaaaaa!!!ang KEWL talga ng story!!!basa basa pa ako!!
ReplyDeleteokay, it takes so much courage for Jon to let go of Migs dahil lang nainluv na si Migs sa iba,, naiitindihan ko kung paanung itinatago ni Jon ang saket, ang pag iisa at pangungulila, ang di ko lang maintindihan kung paanong naatim at nakakayanan nya na hayaan na lang ang 6 years ata na pinagsamahan nila ni Migs na mwala na lang ng ganun2x lng, baket??? ipaintindi nyo sken,, haha apektado kasi ako eh,, damn! that is 6 years, it doesn't have to end like that,, ang saket nun,, huhuhu
ReplyDeleteAng sakit naman patama Ito sakin, same Kay migz 6 yrs din ako nakipagrelasyon, sa isang taong nakilala ko iniwan ko sya but wala akong pinagsisihan dahil minahal ko ung bago ko naka 3 yrs din kami. Masaya sa bandang huli masakit
ReplyDelete"Jun" cavite