by: bx_35
e-mail address/YM ID: bx_35@yahoo.com
Chapter 2 – Ethan
Sabi nila, kung ang babae ay nagce-celebrate ng debut sa ika labingwalong kaarawan nila, ang mga lalake naman ay sa pagsapit ng ika dalawampu’t isang kaarawan. Naniwala ako, kaya naging excited ako. Gusto kong paghandaan ang nalalapit kong ika 21st birthday, ini-imagine ko, kailangan din bang merong 21 roses, 21 candles, 21 balloons, 21 gifts at kung ano ano pa. Pero sa 21 roses at 21 balloons pa lang, di na kakayanin ng budget ko. Inisip ko na lang na magkaroon ng simpleng selebrasyon, iimbitahan ko ang mga malalapit kong kaibigan, yung mga kabarkada ko noong high school at college.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-iimbita sa kanila ng maisipan ko kung totoo ba iyon? Bakit yung mga kabarkada ko, wala ni isa sa kanila ang nagyaya sa akin, “Bro, punta ka sa ika 21st birthday ko, debut ko”. Totoo man iyon o hindi, nagyaya pa rin ako, parang thanksgiving na rin dahil maganda naman ang trabaho ko at first time na magkakasama ang mga kabarkada ko noong high school at college.
“Bro, musta na? Ang tagal nating di nakita, ah” sabi ko kay Ethan, isang araw na nakasakay ko siya sa jeep.
“Eto, ok lang. Di pa rin graduate, parang pinagti-tripan kami ng Thesis Adviser namin, laging dine-delay ang approval. Nakaka-inis nga, gusto ko ng mag-graduate para makapag trabaho na ako” paliwanag ni Ethan.
“Ano naman balak niya sa inyo?” tanong ko.
“Ewan ko sa kanya, bahala siya. Kami nga lang ang kawawa. Eh ikaw, musta ka na?” tanong ni Ethan sa akin.
“Eto, mahigit isang taon na sa trabaho. Kahit paano sinuwerte at malapit ng ma-regular. Siyanga pala, punta ka sa birthday ko, nasabihan ko na sina Randolph at Rico siguradong pupunta sila, sabay ka na lang sa kanila” pagyaya ko kay Ethan. Nabigla nga ako sa pagyaya sa kanya, kasi di naman talaga kami close.
“Paano yon, di ba birthday din ni Rico?” tanong ni Ethan.
“Naka-usap ko na si Rico, umaga daw gagawin ang handaan sa kanila at gabi naman sa amin” paliwanag ko kay Ethan.
“Sige, text ko na rin sila para sabay-sabay na kaming pumunta sa inyo” pagpayag ni Ethan.
“Ok. Maraming salamat. Asahan ko ang pagdating nyo. Eto na, ako ng magbabayad” sabi ko kay Ethan.
“Salamat din. Nakakahiya naman ikaw pang nagbayad” si Ethan
Di ko maintindihan ang sarili ko noon, bakit ko niyaya si Ethan di naman kami close. Gusto ko lang kasing pumunta yung mga malapit ko lang na kaibigan, pero wala na akong magawa, nayaya ko na siya at nakakahiyang bawiin. Nagpalitan din kami ng number bago ako makababa sa jeep.
“Hello” pagsagot ko sa phone ko.
“Bryan, si Ethan ito. Pinagamit kasi sa akin itong phone, free call daw, ikaw ang una kong naisipang tawagan, ilang araw na rin naman simula noong masakay kita sa jeep. Sasabay nga pala ako kina Randolph at Rico sa birthday mo.” sabi ni Ethan.
“Ok, maraming salamat. Kung gusto mo dito ka na lang matulog.” pagyaya ko ulit kay Ethan.
“Sige, payag ako diyan. Pero baka naman nakakahiya sa inyo, baka marami kang bisita?” tanong ni Ethan.
“Konti lang naman ang mga niyaya ko.” sabi ko kay Ethan.
Nabigla na naman ako, kasi bakit kailangan yayain ko pa siyang matulog sa amin. Ewan, bakit ganito na lang kagaan ang loob ko sa kanya? Yun ngang mga kabarkada ko di ko niyayang matulog sa amin, pero bakit siya, nakuha kong yayain. Pero kung sakali mang matulog siya sa amin, ok lang. Enjoy.
Linggo. Birthday ko na. Excited akong umuwi ng bahay pagkagaling ko sa trabaho. Gusto ko ng makita ang mga makukulit kong mga pinsan, nakikita ko na ang pagsalubong nila sa akin pagpasok ko pa lang sa kanto. Pero mas sabik ako sa pagsalubong sa mga kabarkada ko, masaya ako na makakapunta sila sa kabila ng busy nilang mga schedule. Masaya ako kasi pinaglaan nila ako ng oras, di importante sa akin ang regalo, importante sa akin ang presensya nila, at alam kong wala rin silang pambili ng regalo sa akin.
Nakarating ako ng bahay, ang gugulo ng mga pinsan ko habang tinutulungan kong maghanda ng pagkain ang nanay ko. Ang tatay ko naman ay busy sa pag aasikaso sa alak, masaya siya kasi unang beses na magpapa-inom ako sa amin. Lights lang ang binili niya, ayaw daw niya na Red Horse ang inumin namin kasi matapang daw. Kung alam lang sana niya na noong high school ay gin ang iniinom namin dahil na rin sa kakapusan ng budget.
Gabi na. Nagsimula ng dumating ang mga kaibigan ko, by batch pa kung dumating. Nauna ang mga malalapit, yung mga tropa ko noong high school, sunod yung mga kasama ko noong college.
Kainan. Kwentuhan. Inuman.
Hilong-hilo ako di dahil sa alak, kungdi dahil sa pag-entertain ko sa mga bisita ko, di ko alam kung sino ang uunahin kong asikasuhin sa kanila. Pero ganoon pa man, masaya ako at pinaunlakan nila ang imbitasyon ko, miss ko na sila, miss ko na ang mga kalokohan na pinag gagawa namin dati. Sana di na matapos ang gabing ito, kung sakali man, sana bukas maulit ito, kung hindi man, sana sa susunod na lingo naman, kung di pa rin papalarin, pwedeng sa susunod na buwan naman, at kung mamalasin pa rin, sana sa susunod na taon, pwede na. Kahit matagal, maghihintay ako basta makasama ulit ang mga taong ito at babalikan namin ulit ang mga kulitan at masasayang alaala na pinagsamahan at pinagsaluhan namin.
Lumalalim ang gabi, eto na ang ayaw ko, ang makita ko ang pag-alis nila, tanda na tapos na ang pinakamasayang kaarawan ko. Pero di ko naman sila mapipigilan, may sarili silang mga buhay at hindi pwedeng ikulong sila sa amin para araw-araw kasama ko sila.
“Bryan, alis na kami. Kailangang makarating ako sa bahay bago mag 12midnight, gusto ko kasi na pamilya ko ang kasama ko bago matapos ang araw na ito” paalam ni Rico.
“Shot pa, kahit ngayon araw na ito nag-mature ang isip ni Rico” biro ko sa kanila at sabay tawanan.
“Ikaw talaga, wala ka nang ibang nakita kung di si Rico. Sige na, alis na kami, maraming salamat at nag-enjoy kami ng sobra. Kita ulit tayo sa Huwebes, despedida ko.” paalam ni Randolph.
“Sige, maraming salamat din sa pagpunta at asahan mo rin ang pagdating ko sa inyo sa Huwebes. Hatid ko na kayo sa may sakayan ng jeep” sabi ko sa kanila.
“Maraming salamat. Nag-enjoy ako at nakaka-inggit naman ang samahan nyo ng kabarkada mo. Kahit madalang na lang kayo magkita-kita, masaya pa rin kayong tignan. Gusto ko sanang matulog sa inyo kaya lang baka ma-OP ako, di naman ako makakasabay sa kulitan ninyo.” sabi ni Ethan sa akin, habang naka-akbay sa akin habang naglalakad kami papuntang sakayan ng jeep.
“Oo nga, siguradong mamaya pa uuwi ang mga yon, may hinihintay pa kasi kami. Yan tuloy, di ka naka-tulog sa amin, pero pagkatapos nito, babawi ako sa iyo” sagot ko kay Ethan.
Nahatid ko sila sa sakayan ng jeep at sa pagkaka-alam ko ay nakitulog na lang si Ethan kina Randolph. Pagbalik ko sa bahay, tuloy pa rin ang kulitan naming magbabarkada sa gitna ng beer at yosi. Patuloy na binalikan ang masasayang alaala noong high school.
Lumabas ang tatay ko, tinignan kung sapat pa ang stock ng beer namin at noong makitang meron pa, kinumusta naman kami. Natuwa ang tatay ko kasi di niya ako nakitang nagyo-yosi samantalang ang mga kaharap ko ay naka-ilang kaha na sila ng sigarilyo. Pag-alis ng tatay ko, pigil ang pagtawa nila at pabulong na sinasabing “kung alam nyo lang po kung gaano kalakas manigarilyo ang anak nyo, andito lang siya sa inyo kaya di makapag-sindi kahit isang stick lang.” Tawanan pa rin, tuloy pa rin ang kulitan.
Natapos din ang araw ng Linggo. Natapos ang birthday ko. Pero enjoy.
“Musta ang birthday?” unang text na nabasa ko kinabukasan, galing kay Ethan.
“Ok naman, late na ako natulog, hindi na nga ako nakapagligpit ng kalat dahil sa sobrang pagod, buti na lang nasa labas lang si tatay, he he” reply ko sa kanya pagkatapos magsindi ng TV.
“Sayang nga, gusto ko talaga makinig sa mga kwentuhan nyo kaya lang baka di ako maka-relate” text ni Ethan.
“Ok lang iyon, sige bawi ako, pang-umaga ako sa Miyerkules, pwede tayong manood ng sine paglabas ko ng 3PM at day-off ko naman kinabukasan” reply ko ulit habang nakatutok na ako sa paborito kong palabas, Pokemon.
“Sige, magandang ideya yan. Kinabukasan ay despedida naman ni Randolph kaya pwede tayong mag-sama ng dalawang araw” pagsang-ayon ni Ethan, habang gulat siya sa electric shock ni Pikachu.
Tuloy lang ang panonood, hanggang matapos at napalitan na ng “Detective Conan” ang palabas. Trabaho ulit. Excited sa pagdating ng Miyerkules.
Miyerkules, nagmadali akong lumabas sa trabaho. Nagtaka ang kapalitan ko kasi madalas OT ako ng isang oras para makipagkwentuhan sa kanya. Pumara ng bus, huminto naman at sinakay ako. Bumaba ako at nagmadaling pumunta sa amin, naligo at nagbihis. Nagpaalam sa nanay ko na di ako uuwi, himala, pumayag siya, may trabaho na kasi ako.
“On the way na ako” excited na text ko kay Ethan.
“Ok, kanina pa ako naka-bihis, hintay ko lang ang text mo para maka-alis na rin ako” sagot ni Ethan.
Nagkita kami ni Ethan sa pinakamalapit na mall sa kanila. Dumiretso kami sa sinehan, nalito kami kung ano ang papanoorin namin, “Hide and Seek” ni Robert de Niro o “Scary Movie 3”. Sa pag-aakala namin na nakakatakot ang “Scary Movie 3”, yung unang pelikula ang napili namin. Mukhang enjoy naman si Ethan kasi ang dami niyang ka-text habang nanonood kami. Pagkatapos ng sine, kumain kami sa Chowking, at pagkakain, nagpunta na kami sa kanila.
Tulog na ang mga tao sa kanila kaya di na niya nakuhang pakilala ako sa magulang at mga kapatid niya. Dumiretso na kami sa kwarto niya at nakisama ang Red Horse sa kwentuhan namin. Naka-ilang bote lang kami ng magpasyang matulog na kami.
“Bro, maraming salamat” sabi ni Ethan habang nakahawak sa isang kamay ko at nilagay pa sa dibdib niya.
“Wala iyon, kailangan kong bumawi sa’yo, dba?” sagot ko sa kanya.
Kinabukasan ay maaga akong nagising at nagpaalam na rin kay Ethan. Tulog pa rin ang mga tao sa kanila kaya di rin nila ako nakita. Sanay kasi akong ganoon, noong high school kasi kapag kasama kong natutulog ang mga kabarkada ko, maaga rin kaming nagigising at umuuwi. Pagkahatid sa akin sa kanto nila ay pinaalala na susunod siya sa amin para sunduin at sabay na kaming pumunta kina Randolph para sa despedida niya papuntang Taiwan.
Pagkauwi ng bahay ay natulog muna ako at nag-alarm para magising ako para di ko mapalampas ang episode ng Pokemon. Kapag meron akong nakakaligtaang episode, di naman nakakalimutan ng pinsan kong anim na taon na i-update ako. After lunch na ng dumating sa bahay si Ethan, nag-request siya na sunduin ko sa may kanto, nahihiya daw kasi siyang pumasok, tumanggi ako noong una pero nakita ko na lang ang sarili ko nasa kanto na pala ako.
Pagkababa niya ng jeep ay diretso kami sa tindahan para kumain ng halo-halo. Pagkatapos noon ay pumunta muna kami sa amin, at noong wala kaming magawa, dumiretso na kami kina Randolph. Pagdating namin ay nandoon na ang iba naming mga kakilala. Kain at konting inom lang. Sa gitna ng kwentuhan, napansin namin na niyaya ni Randolph si Ethan sa kwarto niya, pero di na namin gaanong pinansin yon, siguro kailangan nila ng private moment kasi aalis na nga si Randolph, tatlong taon din siya doon. Tatlong taong walang Randolph, yon ang pumasok sa utak ko kaya ko pumayag akong makipag-kaibigan kay Ethan sa pagkakataong ito. Weird na naman.
Sa amin natulog si Ethan noong gabing iyon. Kinabukasan ay naramdaman kong gising na siya kaya nagising na rin ako. May kausap siya sa phone, pagkatapos ay bigla kong naitanong sa kanya kung sino ang kausap, sabi niya yung kaklasi daw niya, nangungumusta. Naniwala naman ako kahit na alam kong si Randolph ang kausap niya. Kita ko sa mata niya ang lungkot, siempre mawawala ng tatlong taon ang malapit niyang kaibigan. Ewan, pero nakaramdam ako ng saya kasi sa wakas magiging kaibigan ko na si Ethan, si Randolph lang naman ang dahilan kung bakit ako umiwas sa kanya dati.
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
No comments:
Post a Comment