Followers

Sunday, October 10, 2010

Now Playing Chapter 12

And as promised, ito na po ang latest chapter ng Now Playing series. Haha I posted the previous chapters po agad para isabay-sabay ang updates ko sa mga blogs.. Hehehe

Salamat po ulit kay sir Mike para sa opportunity na i-post ang stories ko dito sa MSOB. Pasensya na po sir kung lagi ko po kayong kinukulit sa fb. Hahaha

Sa mga readers na nagustuhan ang story ko, maraming salamat po talaga sa inyo. Nakakaoverwhelm ang comments nyo! Love you all!

P.S. Wag nyo po ako i-po, bata pa po ako. I'm only 19. :)

Enjoy!
-------
Now Playing Chapter 12
The Saltwater Room

"So tell me darling do you wish we'd fall in love
All the time?
Time together is just never quite
enough
When you and I are alone, I've never felt so home
What will it take to make or break this hint of love?
We need time, only time.."
- Owl City, The Saltwater Room
-------
Monday, 8:57 am

3 minutes nalang bago magsimula ang klase. Hay, mabuti nalang. Nandito na ako ngayon sa Campus. Pero kahit na, binilisan ko pa rin ang lakad ko. Sa basement pa kasi naka-locate ang room namin ngayon.

Habang naglalakad ako, maraming bagay ang pumapasok sa isip ko. Naalala ko ang eksena noong Sabado. At maliban kay Clyde, hindi ko pa nakausap ni-isa sa mga kabarkada ko. Nag-walk-out nga pala ako. At sino ba naman kasi ang hindi? I've experienced a roller coaster of emotions that day, and that revelation shocked the hell out of me. Naman. Hindi ko tuloy mapigilan ang mag-isip ng kung anu-ano. Paano ko haharapin si Patrick? Kung totoo ngang mahal niya ako, then nasaktan ko na siya agad sa ginawa ko. Ano kaya ang naramdaman ng barkada nung hindi ko sila pinansin? Masama kaya ang loob nila? At anong gagawin ko kay Clyde? Paano kung maglambing na naman ang mokong?

Hay, naman. Eto na naman ako, nag-iisip ng mga bagay na hindi naman dapat binibigyang pansin. Naku naman.

Pagpasok ko ng classroom, bigla akong nanibago sa katahimikang bumabalot dito. Pakiramdam ko lahat ng mga mata ng mga tao dito ay nakatitig sa akin. Umaandar na naman ang paranoia ko. Ano ba'ng nangyayari? Ano'ng iniisip ng mga ito? Hindi, hindi ako pwedeng matinag. Dire-diretso lang ang lakad ko hanggang sa marating ko ang isang silya sa likuran. Hindi ako sanay ng ganito. Hay, bahala na.

Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang binder ko. Bigla namang may tumawag sa pangalan ko.

"Edge, musta best?" si Clyde. Bakit parang madilim ng bahagya ang mukha nito?

"Ayos lang. Kararating mo lang?" ang sagot ko naman sa kanya.

"Oo, parang gan'un na nga" ang sabi niya na halatang naiinis ang tinig.

"Pissed?" ang tanong ko ulit.

"Yeah" ang maikli niyang tugon.

"Care to spill?" ang wika ko. Sa halip na sumagot ay tumitig siya sa akin. Teka..

"Why are you looking at me like that?" ang naiilang kong tanong. Man, those gray eyes swallows me whole.

"Why did you left me?" ang tanong niya. Ano daw?

"Huh?" ang naguluhan kong tugon.

"Akala ko ba sabay tayong papasok?" ang inis na sagot niya. Ha? Oo nga pala, nangako ako sa kanya na sabay kami papasok. Patay.. Pero teka..

"E diba kararating mo lang din? Eh di halos sabay na rin tayong pumasok." ang sabi ko sa kanya.

"Sabay? Hindi Edge. Nauna ka." ang sagot naman niya. Naku, nagtampo ang mokong. Hala.. Pero ang cute niyang magtampo, ha. Ang sarap halikan. Hahaha. Hey, psst! Edge! BEHAVE. Hahaha.

"Asus, nagtampo naman daw siya. Halika dito upo ka. 'Wag ka nang magtampo, please? Sorry po, nawala po sa isip ko eh. Ha? Sorry na" ang pang-aalo ko naman sa kanya. Hahaha, para akong nagpapaamo ng iyaking bata. Ang cute talaga niya. Ang mga noo niyang naka-kunot, ang mga labing nakanguso sa inis, mga matang bahagyang nagsingkit, ang kunyaring hindi pakikinig sa mga sinasabi ko, at ang bahagya ring namumula niyang pisngi.

Ang sarap halikan.

"Hoi, 'wag ka nang magtampo. Inaamin ko namang nakalimutan ko eh. Pasensiya na talaga. Alam mo namang marami akong iniisip, diba? Yung mga napagkwentuhan natin n'ung nakitulog ka sa amin, si Bea, yung mga reports at lessons, ikaw-" at bigla akong natigil sa pagsasalita. Pakshet, bakit ko ba nasabi iyon? Wow Edge. Great. Masyadong madulas ang dila mo. Nag-toothbrush ka ba? Parang may margarine pa ata d'yan ah. Tsk. Kailangan ko itong lusutan. Tumingin ako sa kanya, at nakita kong nakatingin siya sa akin. Nakita kong nagkaroon ng kislap ang mga mata niya, at may hint ng smile sa kanyang mga labi.

"Iniisip mo ako?" ang tanong niya. Ayan, nagbago na ang tono niya. I can sense the amusement in his voice. Oh, this is it. Stop being so stupid, Edge. Don't you dare say the wrong words, or you'll be castrated. Hmmp.

"O-oo naman. Ang kulit mo kasi eh." ang sabi ko sa kanya.

"Hmm, 'yun lang ba?" ang nakangiti na niyang tugon. Ang mapuputi niyang ngipin na sumisilip mula sa kanyang kulay rosas na mga labi. Sh******t..

"Y-yes. Of course. Are there any other reasons?" ang tanong kong umiiwas sa kanyang mga titig. Eeeeehhh...

Inilapit niya ang mukha niya sa tainga ko. Grabe! Ang mainit niyang hininga ay naramdaman kong humahaplos sa aking pandinig. OMG! Napakapit ako sa desk dahil sa sobrang.. Pleasure. WEAKNESS KO ANG TAINGA KO! Oh.. Control yourself, Edge. UTANG NA LOOB!

"Hindi mo ba ako na-miss? Kasi ako, na-miss kita." ang bulong niya sa akin. Goddammit! Why did he have to be so close? And why whisper? Nagsimula na akong mag-hyperventilate. God, give me the strength to last all day without losing my sanity to the antics of this tempting boy beside me. PLEASE.

As if God heard my wish, the bell rang and the professor came it wearing a pink ballet tutu. Joke! Hay, naman. Nakahinga ako ng maluwag doon. Tumingin ako sa kanya, at nakatingin na rin pala siya sa akin. Nagulat ako nang ayusin niya ang buhok ko. Ano ba? Naman eh. Tinaasan ko siya ng kilay, at ngiti naman ang isinukli niya. Hay..

Kaya nga lamang, I became uneasy. Parang may kung ano, o kung sinong nakatingin sa akin. Ang bigat bigla sa pakiramdam. I scanned the room, and guess what?

Si Patrick. Malungkot ang mga mata niya, ngunit agad iyong napalitan ng galit. At umiwas siya ng tingin. Napabuntong-hininga na lang ako.

Oh, great.

Don't you know you've caused his sadness?

Bravo, Edge.

This will be a very long day.
-------
As usual, every Monday, after the morning class ay 3:00 pm pa ang next class namin. At dahil diyan, tambay mode na naman. Kaya nga lang, I have to face the guys. I'll apologize sa mga nangyari n'ung Sabado. Palabas na ako ng room nang may humatak sa akin. Si Lex.

"Uh, Lex?"

"Hi Edge" ang bati niya sa akin habang hawak ang braso ko. Hinila niya ako at ewan ko kung saan ako dadalhin.

"Uhm, where are we going?" ang tanong ko sa kanya.

"Basta" ang sabi niya. Hay, ano ba.

"Uh, Lex. About last Saturday. Sorry ha? Hindi ko kayo pinansin. It was very rude of me. I was just-" hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil bigla siyang nagsalita.

"It's ok. At bakit ka ba nagso-sorry? Wala ka namang ginawa sa amin. Kami ang dapat mag-sorry sa iyo. Isinikreto namin ang tungkol sa bagay na iyon. Gusto kasi namin na si Patrick mismo ang magsabi sa'yo" ang paliwanag niya. Ok, so they knew.

"Gaano n'yo na katagal alam 'yun?" ang tanong ko sa kanya. Bumitaw na siya sa pagkakahawak sa braso ko. Wala namang rason para tumakas ako.

"Actually, n'ung last school year pa, ilang araw bago mag-start ang summer break. Ilang araw din bago ang birthday mo. 'Diba right after marelease ang mga clearances natin umalis ka na agad dahil sabi mo may pupuntahan ka? Nag-inuman kami n'un sa bahay nila Mac. Alam mo na siguro from there. Lasing, kung anu-ano ang pinagsasabi. Eh nadulas ang mokong. Iyon, aminan na. We told him na sabihin sa iyo, pero he was so scared. Paano daw kung - " pinutol ko ang sinasabi niya.

"I-reject ko siya, o mag-iba ang pakikitungo ko sa kanya?" ang wala sa isip kong dugtong sa sinabi niya.

"Uh, yes. We told him na kung gan'un man ang mangyari, e di harapin niya. Walang 'sigurado' sa tunay na buhay. Kung hindi niya iri-risk ang bagay na iyon, then there's no chance na malaman mo ang katotohanan. Isa lang ang alam ko, Edge. Mahal ka niya. Kahit na medyo lasing siya n'un, alam niya ang sinasabi niya. He doesn't care kung ano ang magiging opinyon namin sa kanya. Basta ang para sa kanya, MAHAL KA NIYA." Ang sabi niya. I winced. Tinamaan ako doon. Kung noon kaya sinabi ko nang mahal ko siya, may pagkakataon pala na maging kami. Dahil sa mga narinig ko, lalo akong humanga kay Pat. Ang tapang niya.

"Gusto ko lang tanungin, Edge. You're not 'straight', diba?" ang bigla niyang dugtong. Hindi ako sumagot. Tumingin nalang ako sa mga mata niya na sa pagkakataong ito ay kulay sapphire.

"We don't care, Edge. Kahit pa hindi mo sabihin, alam namin. May mga bagay na kahit hindi mo ibahagi sa iba ay nalalaman pa rin ng iba. May nakararamdam. At sa kaso mo, wala kaming pakialam. Ikaw pa rin si Edge. Ikaw pa rin ang kaibigan namin" ang sabi niya sa akin. Oh. Nagsimula nang mamasa ng mga mata ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Kahit nasa pathway kami, wala akong pakialam. Niyakap ko siya. Isa na naman ang tumanggap sa akin ng buo at walang alinlangan. Nagpasalamat ako sa kanya, at wala nang iba pang lumabas sa mga labi ko kundi puro pasasalamat.

"Salamat talaga Lex." ang sabi ko sa kanya.

"Edge, you don't have to thank someone for treating you as a person. Under the blue skies above, we all serve the same purpose. That's why our feet is on the ground. No matter what differences each of us possess, we are all standing on a common ground. We are all equal on God's eyes." ang sabi niya na ikinaluha ko. Sobrang saya ko sa acceptance na nakamit ko. It was like winning a billion-peso lottery. Well, scratch that- it was like winning the whole world. Ang sarap sa pakiramdam. Ayan, hindi ko na kailangan pang magsuot ng maskara. Buburahin ko na ang pekeng mukha na lagi kong isinusuot.

"Don't cry, Edge. Baka sabihin nila pinapaiyak kita. Bugbugin pa ako ni Patrick at Clyde" ang nakangiti niyang sabi habang pinapahid ang luha ko. Ano daw?

"Teka, bakit napasok si Clyde dito?" ang naguluhan kong tanong.

"Asus, kunyari ka pa. Well, 'manhid' ka nga naman. He likes you" ang as-a-matter-of-fact niyang sabi. Clyde likes me?

"Wait a sec. Paano ka naman nakasisiguro d'yan sa sinasabi mo?" ang tanong ko sa kanya.

"Duh-balyu. Nako, Edge. Ayokong magturo ng obvious." ang natatawa niyang sagot. Hay, naman..

"Ok, fine. If Clyde likes me-"

"And the Xander guy does too-"

"Teka, ano na naman iyan?" ang tanong ko ulit sa kanya. Ang mokong na ito, umandar na naman ang matabang utak.

"Ed, actually I think you like Xander. Bigla kasing nagliwanag ang mukha mo n'ung tumawag siya sa'yo nung Sabado" ang sagot naman niya. Si Xander? Eh kasi..

"Well, si Xander kasi, bestfriend ko din iyan. Natural matutuwa ako kapag tumawag iyan o kahit mag-text lang" ang sagot ko naman sa kanya.

"Ok, sige, sinabi mo eh. Pero payo lang pre. Piliin mo ang taong itinitibok ng puso mo, hindi ang dinidikta ng utak mo, o ang hinahanap ng katawan mo. Isa lang naman ang dapat mong gawin eh. Mahalin mo ang sarili mo. Mula doon matututunan mong magmahal ng tunay, at maging maligaya." ang sabi niya sa akin. Tama nga naman siya. Muli, nagpapasalamat ako sa mga taong ito. Sila ang kayamanan ko.

"Yes, boss. That's what I'm doing right now. Magulo, pero alam kong malulusutan ko rin ito. Salamat talaga ha? Napakabuti n'yo sa akin." ang sabi ko sa kanya.

At isang ngiti lamang ang kanyang isinukli.
-------
***** Secret Garden

Dito pala niya ako dadalhin. Ano kayang binabalak nitong si Lex? Napansin kong isang grupo lang ng mga estudyante ang nakatambay dito ngayon. Teka.. Sila Tobi iyon ah? Nandito ang barkada? Woah, ano'ng nangyayari? Ibubuka ko pa lang ang bibig ko para magsalita ngunit agad nagsalita si Lex.

"Shut up, Edge. Just do this, ok?" ang sabi niya.

"Do what?" ang tanong ko sa kanya. Hindi na niya nasagot ang tanong ko nang biglang lumapit si Clyde at hinatak ako.

"Hey, what's this?" ang tanong ko sa kanya. Sa halip na sumagot, dinala niya ako sa tagong bahagi ng Secret Garden. Mayroon kasing isang puno ng mangga doon na halos sakupin ang daanan patungo sa likuran na bahagi ng campus. Sa parteng iyon na tago na, may isang shed na ginawang upuan ang apat na sides na may lamesang kahoy sa gitna. Iilan lang ang tumatambay dito dahil medyo masukal ang daan dahil malalaki ang mga damo dito.

Akala ko naman kung ano ang gagawin ko dito. Itatanong ko sana kung ano nga ang gagawin ko, ngunit napatigil ako. Nakita ko na ang sagot.

Si Patrick.

Nakaupo siya sa shed. Ngayon, alam ko na. Gumawa ng paraan ang barkada para magkausap kami. Napangiti naman ako sa realization na iyon. Kakausapin ko rin naman si Pat, kaya nga lang inunahan nila ako. Oh, well. Mabuti na rin siguro ito, para makapag-usap na kami agad.

Hinatid ako ni Clyde hanggang sa shed. Ngayon ko lang napansin na wala siyang imik. Tinignan ko siya, at tumingin siya sa akin. Pagkatapos ay tumingin siya kay Pat. Tumingin ako kay Pat, at nakita kong tumingin siya sa akin bago tumingin kay Clyde. Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa dalawa. Hmm.. Ano na naman kaya ito? Pagkatapos ng ilang saglit ng nakakaumay na pagtitig nila sa isa't-isa na ewan ko kung para saan, umalis rin si Clyde ng walang imik. Hay, eto na. I need to do this. Kasalanan mo kung bakit malungkot siya ngayon.

"Maaari bang tumabi sa'yo?" ang tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot. Nakikita ko ang kalungkutan sa mga mata niya. Nanatili siyang tahimik. Natural, ano ba'ng ine-expect mong gawin niya? Umupo nalang ako sa tabi niya, at nagsalita.

"Ayokong magpaliguy-ligoy pa. Pasensya ka na sa akin, ha? I'm sorry if I snapped. I freaked out because of what you've said. I never really expected anything like that to come from you. I thought you're joking, but by looking in your eyes, I knew that you're not. 'Twas like altering reality by your bare hands. It's not what I thought was 'real'. Please, tell me the truth, Pat. Do you really love me the same way as you said?' ang tanong ko sa kanya. Matagal siyang tumahimik, na animo'y pagod na sa paulit-ulit na katanungang naririnig.

"Oo, Mahal kita Edge." ang sabi niya, sabay tingin sa akin. Ang kanyang tsokolateng mata, na minsan nang naging sanhi ng pagkalunod ko sa mga panaginip, ang ngayo'y nagsasabi ng katotohanang kay tagal kong inasam.

"Patrick.."

"Ewan ko, Edge. 'Wag mo na akong tanungin kung bakit. Dahil hindi ko alam kung paano nangyari. Ni minsan hindi sumagi sa isipan ko ang ganitong pangyayari. Hindi ko talaga alam kung ano ang dahilan. Basta dumating ang pagkakataon na hinahanap-hanap na kita. Akala ko nami-miss ko lang ang kulitan natin noong mga bata pa tayo. Bigla kasing lumayo ang agwat natin sa isa't-isa. Ang hirap mo nang abutin, kahit nandiyan ka lang sa tabi ko. Pero hindi pala. Ang akala kong simpleng pagka-miss sa isang kaibigan ay mas malalim na damdamin pala. That's all I can say, I guess. At ngayon napagtanto ko na na ang salitang 'impossible' ay posible rin pala. Ang salita na mismo ang nagsabi : 'I'm possible'. Mahal kita Edge, at iyon lang ang alam ko.." ang naluluha niyang sabi.

Wala sa sarili ay pinahid ko ang luhang dumadaloy sa kanyang pisngi. Nakasakit na naman ako ng isang taong malapit sa akin. Ngunit sa pagkakataong ito ay ako ang dahilan ng lahat. Ang hirap ng ganito. Hindi ko alam ang gagawin ko. Niyakap ko siya ng mahigpit. Kumapit siya sa akin at tahimik na lumuha sa aking balikat. Pinakiramdaman ko ang aking sarili. I used to love him the way he feels right now. Ang tanong, mahal ko pa rin ba siya hanggang ngayon? Tumitibok pa rin ba ang puso ko para sa kanya? Ayokong magkamali ulit. Ayokong masaktan muli. Naalala ko ang sinabi ni Lex kanina. Dapat hindi na ako magkamali.

"Pat.."

"Please, sabihin mo sa akin kung ano'ng nararamdaman mo. Ayokong mangapa, Edge. Mahirap kasi. Sana sabihin mo na. Kasi mahal na mahal kita.." ang sabi niyang lumuluha pa rin. Hinimas ko ang likod niya at nagsalita.

"Sige Pat, sasabihin ko sa iyo ang lahat. Noon pa man mahal na kita. MAHAL NA MAHAL KITA. And I thought you're straight, or there's no chance of us in a relationship. Alam mo ba kung gaano kahirap pigilan ang pakiramdam na iyon? I sulked, I moped, I deprived myself the hope of being loved by you. It wasn't easy forgetting you. You're always there, popping out of nowhere. I accepted everything rational and realistic. There's no chance of you and me. Kaya tinanggap ko iyon. The hard way. It's so painful, but what pains me most makes me happy. Lagi namang ganoon eh. Akala ko talaga walang 'tayo'. Bakit kasi ngayon lang, Patrick, kung kelan tanggap ko nang hindi pwede, at kung kelan ayoko munang magmahal ulit? Totoo nga siguro na best things come last. But sa kasong ito, the best came too late. I-" pinutol niya ang sinasabi ko nang bigla siyang magsalita.

"Is it Clyde?" ang sabi niya. Si Clyde na naman?

"What about Clyde?" ang balik ko sa kanya.

"You.. " ang tangi niyang nasabi.

"Yes." ang diretso kong sinabi. Ito na iyon. Ayoko nang magkaila. Mabuti na ito, para malaman ang katotohanan.

"What is it about him that erased your feelings for me?" ang malungkot niyang tanong. Nagulat ako doon. Hindi ko talaga ini-expect ang ganitong mga salita mula sa kanya.

"It's not because of him. It's the realizations and the circumstances that did. Oo nga, mahal ko na siya, pero katulad noon, wala kaming pag-asa. Straight siya, Pat. At mamahalin ko siya katulad ng pagmamahal ko sa iyo noon. Patago, sa paraang ako lamang ang nakakaintindi. Isa pa, my feelings are not 'erased'. Lagi lang iyon nandito sa puso ko. Habang buhay na magiging bahagi ko" ang sabi ko sa kanya.

"Kung ganoon, give us a chance, Edge. I love you so much. Please, just let me make you happy. I won't hurt you." ang pagmamakaawa niya.

"Why are you begging to be loved? You shouldn't do that, Pat."

"I can't help it. I can't think of any other way to make you love me again" ang sagot naman niya.

"I still love you, Patrick"

Nakita kong lumaki ang mga mata niya. Halatang hindi makapaniwala sa mga sinabi ko.

"T-tama ba ang narinig ko?" ang tanong niya.

"Yes. But not as intense as before" ang pag-amin ko sa kanya. Oo, mahal ko pa rin siya. Pero may mas nakahihigit na sa kanya ngayon. Isang taong hindi ko na naman kayang abutin.

"Please, Edge. Let me show you how much I love you. Give me a chance to prove it. Give me a chance to be with you." ang sabi niya.

"Pat, please try to understand. I love you, I love him more but there's no chance, and I'm not ready to be with someone again. If ever na pumayag ako na maging tayo, it would be unfair to you. I'm loving someone else too. Kaya nga sinabi ko ang lahat ng ito. You deserve someone else" ang sabi ko naman sa kanya. Wala akong magagawa. Ito talaga ang nararamdaman ko.

"Then I'll let you love him, just let me love you, give us a chance" ang patuloy niyang pagmamakaawa sa akin. Hindi niya dapat ginagawa ito. Hindi dapat.

"Stop! Can't you see it? It's unfair. You're hurting yourself. Just be real, Pat. You'll end up hurting yourself in the process, I'll end up hurting myself in the process, and we'll end up hurting each other as well. Just-"

"Just give us a chance! I know it's unfair. Life IS unfair. That's given. All I want is to be happy, no matter what. And being happy is to be with you, Edge. You are my happiness. That's all I'm asking." ang sabi niya sa akin. Ano ba? God, please don't let me commit another mistake.

Tumahimik muna ako ng saglit. Nag-isip. Nagnilay. Nangapa ng damdamin. Ano ba ito? Ito ba ay ang paraan para tuluyan nang malimot si Micco? Ang pagkakataon para palayain ang sarili sa tagong pagsamba kay Clyde? Ito ba ang kaligayahang hinahanap-hanap ko?

Liwanag.

"Maaari bang pag-isipan muna natin ang mga bagay-bagay? Ikaw, sigurado ka na ba talaga? Ako kasi, maraming gumugulo sa isip ko. Nais ko munang payapain at isaayos ang lahat. At nais kong malaman mula sa sarili ko kung talaga bang mahal pa rin kita, at kung makakaya kong paligayahin ka." ang sabi ko sa kanya. Naguluhan ako nang makita kong ngumiti siya, at niyakap niya ako.

"Pat.."

"At least alam ko na kahit papano may pag-asa. Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya" ang bulong niya sa akin. Napakapit ako ng husto sa kanya nang tumama ang hininga niya sa tainga ko.

"Pat.."

"Basta tandaan mo, mahal na mahal kita." ang sabi niya. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin, hinawakan ang magkabila kong pisngi. At ginawa ang isang bagay na noon ay inasam ko na kanyang gagawin.

Hinalikan niya ako sa labi.

Hindi ako makagalaw. Ang kauna-unahang lalaking pinangarap ko ang siya ngayong humahalik sa akin. Napapikit ako sa nangyari. Mainit. Sabik. Agresibo. Ang kanyang mga labi ay punung-puno ng kanyang damdaming nais patunayan sa akin. Wala akong nagawa upang pigilan iyon. Sa halip, natangay ako ng kanyang mga halik.

Lumaban ako. Pinantayan ko ang kanyang halik. Kung anong alinlangan ang mayroon ako ay pinawi niya iyon, at pinalitan ng pagmamahal niya.

'Mahal kita, Edge.'

'Naguguluhan ako, Pat.'

'Huwag kang matakot, nandito ako.'

'Hindi ko alam ang gagawin.'

'Hayaan mong mahalin kita.'

'Mahal ko rin siya.'

'Mahal ka ba niya? Kasi ako, mahal kita.'

'Pat, natatakot ako.'

'Hayaan mong burahin ko ang alinlangan mo.'

'Ito ba talaga ang gusto mo?'

'Wala na akong mahihiling pa.'

Naghiwalay ang sugpong ng aming mga labi. Pareho kaming humihingal. Nagtinginan kaming dalawa. Magkadikit ang dulo ng mga ilong namin. Pareho kaming hinihingal, at nakayakap sa isa't-isa.

"I love you Edge."

"I think I'm not ready. Let's think of it more." ang sagot ko.

"I can wait. I will wait. I love you so much, Edge" at muli niyang idinikit ang kanyang mga labi sa akin. Sa pagkakataong ito, mas malumanay, mas masuyo, at mas may damdamin.

Sana, tama ang ginagawa ko.
-------
"Hey Ash, kiss mo ako, bilis" ang sabi ni Tobi kay Ash, na sinakyan naman nito.

"Ito na oh.. Mwwaahhh!" ang natatawang tugon nito. Pagkatapos n'un ay nagtawanan ang barkada. Naman. Namula ako doon. Halata kasi sa mga labi namin na naghalikan kami. Parehong namumula, halatang may pinagdaanang laban. Tumingin ako kay Pat, at nakangiti ito na namumula pa rin. Nakatingin rin siya sa akin.

"Shut up" ang mahina kong sabi.

"So, kayo na?" ang tila walang pakialam na tanong ni Mac. Tumingin ako kay Pat, at tumingin ulit siya sa akin.

"Ewan. SANA" ang tila nagpaparinig na sabi ni Pat. Napangiti ang grupo sa narinig.

"Ang arte nyo, halata namang nag-" naputol ang sinasabi ni Crys ng takpan ni Kier ang bibig niya.

"Basta, kahit anong mangyari, suportado namin kayo, ha?" ang sabi ni Kier. Lihim akong napangiti sa narinig ko. Ayon, tanggap nila kahit ano pa man kami.

"So, what's the real score?" ang sabi ni Clyde. Iba ang pagkakasabi niya. Masaya nga ang tono niya, ngunit naramdaman ko ang kalungkutang nagtatago doon. Bakit kaya?

"Wala po." ang tangi ko nalang nasabi.

"LIAR" ang sabay-sabay na sabi ng barkada. Tumingin ako kay Pat na nakangiti sa akin. Tumingin ako kay Clyde na ngumiti sa akin. Ngumiti nalang din ako.
-------
Isang linggo pagkatapos n'un, iba na ang set-up namin. Mas lalo akong napalapit sa barkada. Si Clyde naman, naglalambing pa rin sa akin. Nakikitulog pa rin siya sa amin. Niyayakap pa rin niya ako at sinasabing nami-miss niya ako kapag kaming dalawa lang ang magkasama. Ngunit napansin ko na parang may dinadala siya. Malungkot siya. Ngunit hindi ko siya inusisa. Nais ko na siya mismo ang mag-open sa akin ng lahat. Si Pat naman ay naging mas sweet. May paakbay-akbay na iyan, panakaw-nakaw ng halik. Dini-date rin niya ako kapag wala kaming ginagawa. Para bang nililigawan niya ako. Ayii! Hahaha. Oo, mahal ko pa nga siya. Pero sana nga lang, maging handa na ako sa commitment.
-------
And so I thought that's all.

I'm badly mistaken.
-------
Saturday

Nang sabadong iyon, napagkasunduan ng barkada na asikasuhin ang thesis namin. Yes, kami-kami rin ang magkakasama. Bale last day ito ng midterms namin, kaya celebration na rin pagkatapos. Well, actually, alibi lang naman ang thesis. Hahaha.

Sa bahay nila Lex kami 'gagawa ng thesis'. Wala daw kasi siyang kasama ngayon, out-of-town daw ang parents niya.

Umuwi muna kami sa mga bahay namin para magpalit ng damit. Magkasabay kami ni Clyde syempre, sa labas lang ng subdivision ang bahay namin.

"Best, daanan kita sa inyo ha?" ang sabi niya sa akin.

"Ok, sige. Ano'ng oras na ba?" ang tanong ko sa kanya.

"5:00 pm na"

"Six ka pumunta ha?" ang sabi ko.

"Sige sige" sabay tapik sa balikat ko at tuluyan na siyang tumalikod. Nang humarap na ako sa pinto ng bahay namin, bigla akong kinabahan. Hmm, bakit kaya? Hinawakan ko ang doorknob, at lalong lumakas ang kabog ng aking puso. Bakit? Hindi ko alam ang gagawin. Ano kaya ito? At tuluyan na akong pumasok sa loob.

"Nandito na po-" naputol ang sasabihin ko nang makita ko ang mga tao. Sa single seater nakaupo si Papa, sa isa pa si Mama na umiiyak. Nakatayo sa likod si Alfie na nagpapahid ng luha. Sa mahabang sofa naman nakaupo ang isang lalaki at babae, mag-asawa ata, at isa pang lalaking...

Kamukha ko.

Sino kaya ito? Well, hindi ko naman kamukhang-kamukha, hindi lang basta kahawig, pero parang mukha ko iyon 2 years from now. A more matured version of me. Kahit na naguguluhan ako, bumati pa rin ako sa mga bisita.

"Ah.. Magandang hapon po" ang bati ko.

"I-ikaw ba si Chase?" ang tanong ng binatang lalaki na kamukha ko.

"Ah, yes. Ako po si Edgar Chase" ang sabi ko sa kanya. Nagulat ako sa mga nakita ko sa kanyang mga mata. Shock, happiness, longing - and a multitude of others that I can't figure out. Ano'ng ibig sabihin nito? Nagsimulang humagulgol ang bisita naming babae na sa palagay ko ay nanay nitong binata, at parang nabigla ang lalaki na tatay ata ni binata. Ano ito?

"Ah, uhm.. B-bakit po? Ayos lang po ba kayo?" ang tanong ko sa babae. Pinunasan niya ang kanyang mga luha, at pilit na nagsalita.

"Anak, patawarin mo kami." ang sabi niya. Ha? Ano daw? Tumingin ako kila mama at papa na sa pagkakataong ito ay umiiyak na rin. Ano ba talagang nangyayari? Naguguluhan na ako!

"Ah, teka sandali po. Ano po ba'ng ibig sabihin nito?" ang tanong ko sa kanilang lahat. Saglit silang tumahimik. Pagkatapos ay biglang nagsalita ang binata. Mga salitang nakabibingi. Mga salitang sumira sa mundong inaakala ko ay tama. Mga salitang bumura sa konting kasiyahan na mayroon ako. Mga salitang humatak sa akin paibaba.

Mga salitang pumatay sa aking katauhan.

"Kami ang pamilyang Lewis. Kami ang TUNAY mong pamilya, Chase."
[ITUTULOY]

3 comments:

  1. natatawa lang ako... nang maisip ko.

    parang orphanage na yata ang website na to.
    Ang daming apon ahahhaha.

    ReplyDelete
  2. hahaha napasinsin ko nga rin hahah, di kaya related sa real life ng sumulat ang mga stories......

    ReplyDelete
  3. Pure imagination ang paggawa ng story na ganito.. may pagkakataon na nangyayari sa totoong buhay pero ang iba, kathang isip na lang

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails