Followers

Friday, October 1, 2010

TO ALL CONCERNED WRITER-CONTRIBUTORS OF MSOB

Magsagawa po ng housecleaning ang MSOB at balak ko pong tanggalin ang mga kuwento na may regular na updates sa ibang site ngunit pinabayan na ang mga ito dito sa MSOB.

Nanawagan po ako sa mga concerned authors na ito na sana ay mag-update kayo, o i-delete na lang ang mga nasabing kuwento.

Nakadagdag po ang mga ito sa confusion at pagkadismaya ng mga readers. Kasi nga, updated sa ibang site pero sa MSOB hinayaan na lang ninyo itong nakabinbin. Naiirita po ang ibang mga readers. Hindi po siya nakakatulong.

Two weeks po ang hihilingin kong palugit. Sana ay huwag na pong hintayin na ako pa ang magtanggal ng mga posts na napabayaan.

Para po doon sa hindi nakapag-update dahil busy o ano pa man (at wala talagang update kahit sa kanilang sariling blogsite), OK lang po iyon. Naintindihan ko kayo. Kasi ako man ay ganoon din. Ang medyo hindi lang po maganda ay iyong halos matatapos na ang kuwento sa ibang site kung saan nila mas type na magpost, ngunit sa MSOB, ay pinabayaan na lang.

Kaya kung iiwanan ninyo lang pala ang kuwento ninyo na nakabinbin kahit matatapos na ito sa ibang site, tanggalin niyo na lang po ito dito.

I-klaro ko lang po: masaya po ako at naapreciate ko nang lubos ang pag-volunteer ninyo at pagbigay ng tiwala na mag-post ng mga akda ninyo sa MSOB ng LIBRE. Maaring hindi ako nakakapag-comment sa mga gawa ninyo o aaminin ko, minsan hindi ko na rin nababasa ang ibang mga posts dahil po sa kapos na kapos po ang oras ko sa trabaho (at bawal po sa akin ang mapuyat). Ngunit full-force po ang support at pasasalamat ko sa inyo. Isang araw, kahit papaano ay maipakita ko rin sa inyo ang aking lubos na pasasalamat, kahit sa isang munting ala-ala na balak kong ibigay sa inyo, sa sunod kong bakasyon kapag may pagkakataon na magkita tayo.

Sana klaro po ang aking mga punto, at uulitin ko:

1. Masaya ako na nagvolunteer kayo sa pag-post dito.

2. Libre kayong nag-volunteer na mag post sa MSOB ngunit libre din po kayong umayaw kung ayaw niyo na talaga; wala pong “in-between” please. Nakikiusap ako na tanggalin ang post kung hindi pala ninyo type na tapusin ang kuwento sa MSOB. Unfair kasi ito para sa MSOB kung ang mga readers nito ay doon na magpatuloy na magbasa ng continuation ng story sa ibang site dahil hindi na ninyo ina-update ito dito;

3. Commitment lang po ang kailangan ko sa inyo sa pag-volunteer ninyo na mag-post; kung may kasama pa itong respeto, bonus na po ito para sa akin. Ngayon, kung hindi pala ninyo kayang panindigan ang kahit commitment man lang para sa MSOB at sa palagay ninyo ay mas pinapaboran ninyo ang ibang site, paki delete na lang po ang post ninyo na nasimulan na dito sa MSOB;

4. Ok lang kung hindi makapag-update kahit 48 years pa; huwag lang na may update na pala sa ibang pinapaborang site samanatalang sa MSOB, batong-bato na ito;

5. Sana ay i-trato ninyo ang MSOB ng parehas sa ibang site kung saan pa kayo nagpo-post din. Kung sa tingin ninyo ay second-class lang ang MSOB at hindi ito nakakatulong sa iyong personal na hangarin, you are free to delete your posts and leave.

6. Ang MSOB ay hindi monetized. Ibig sabihin, kung hindi kayo kumikita sa pag-post ninyo dito, hindi ko rin pinagkakitaan ang posts ninyo. Kung mapapansin ninyo, wala tayong ads sa site natin. Hindi rin ako nanghihingi ng “donations” to maintain the site. Kaya kahit na aalis kayo sa MSOB, parehong walang mawawala sa parehong sides natin.

Pasensya na po sa med’yo straightforward na mensahe. I am just encouraging you to be honest and to be true. Para sa akin, it is far better to let go one honest person, than to live with a cheater for the rest of your life…

Sana ay naintindihan ninyo ang side ko.

Maraming-maraming salamat po.


-Mikejuha-

PS.
Gusto ko ring ipaabot ang aking taos-pusong pasasalamat sa mga writers na nad'yan para sa MSOB...

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails