Chapter 4
-Yuri-
Pagkatapos kong
kumain sa canteen, dumeretso na ako sa pinakaayaw kong subject sa lahat ng
courses ko. Ito kasi ang kaisa-isang
programming course na kinukuha ng lahat ng estudyante ng engineering. Nakakatawa man sa karamihan pero hindi ako
marunong gumamit ng computer!
Hindi ako nagkaroon ng interes na matuto sa computer
dahil ang focus ko talaga ay sa pag-tetrain at pag-aaral. Kapag me reports sa mga requirements, laging
sulat kamay lang ang aking isinasubmit.
Hindi naman tumututol ang aking mga naging instructor dahil ang aking
sulat kamay ay maihahalintulad na sa mga printed reports. Ung iba nga ay mas gusto pa ito dahil tiyak
na hindi lang basta basta ginaya.
Bakit ko kinuha agad ito? Me narinig kasi ako nung registration na
marami raw bumabagsak sa course na ito. Ako,
na walang computer sa bahay at walang kaalam alam tungkol dito, malamang sa oo
na bumagsak ako. Ayoko namang madelay sa
pag graduate kaya kinuha ko na para kung mahulog nga ako ay at least pede pa
akong kumuha next semester. Hindi ko pa
nararanasang bumagsak sa klase pero sa tingin ko naman maiintindihan ni ina
kung ibabagsak ko itong course na ito.
Hindi naman magiging problema ito dahil kung tutuusin
advance na ako sa aking courses. Palagi
akong kumukuha ng summer classes para sa huling semestre ko ay hindi maging
mahirap para sa akin.
Halos unohin ko naman lahat ng aking mga engineering na
subject na naging dahilan na rin kung bakit kilala na ako sa buong college
namin. Bibihira kasi ang nakakakuha ng ganoong
grado kaya naman hindi nila ako makalimutan.
Idagdag pa ang aking anyong hapon at pagiging introvert, talagang kilala
na ako sa college namin kahit nang mga hindi ko naging kaklase.
Pag pasok ko sa computer room na aming magiging
classroom sa course na ito, pumili ako ng isang upuan sa likuran. Ilang sandali pa ay nagsidatingan na rin ang
aking mga classmates at ang aming instructor.
“Ako nga pala si Engr. Andy Ramoso. Ako ang magiging instructor nyo sa laboratory
part ng course na ito” ang kanyang panimula. “Bilang panimula, ipakilala nyo ang inyong
sarili.”
“Ok class, group yourself into two” ang kanyang tinuran
matapos na lahat kami ay magpakilala.
“Your chosen partner will be your companion until the end of the
class. Bawat meeting natin, meron tayong
exercise. The output of the exercise
will be a program that will be named after you and your chosen partner. Sa makatuwid, galingan nyo ang pagpili sapagkat
ang pagbagsak ng isa ay pagbagsak na rin ng isa sa mga exercises.”
Dali-dali namang
nagsi tayuan ang aking mga classmates para humanap ng kapareha at pumili. Halos lahat sila ay magkakakilala at ako
naman ay kilala sa pagiging suplado at introvert dahilan upang walang umaya sa
aking maging kapareha. Hindi ko rin
naman magawang makipag-usap para makahanap ng kapareha dahil alam kong magiging
pasanin lang ako ng partner ko.
“O Mr. de Leon bakit wala ka pang kapareha?”, ang
napansin ng aming instructor matapos makita lahat ay may partner na. “Ok don’t worry, baka meron pang pumasok na
absent ngayon next meeting. Pero kung
wala talaga, baka mag-isa ka na lang sa isang unit.”
‘Patay, siguradong bagsak na ako nito’ ang tangi ko na
lang nasabi sa aking sarili sa kung saka-sakaling mag-isa nga ako sa isang
computer unit.
Nasa ganoon akong pag-iisip ng may biglang kumatok sa
aming classroom. Napangiwi na lang ang
aming instructor habang binubuksan nya ang pintuan at iniluwa ang isang kakamot
kamot sa ulong lalaki.
Nabulabog naman ang ilan dahil ang nasa pinto ay isa sa
sikat na pigura ng aming eskuwelahan. Si
Keith ang College Rep namin sa Student Council.
Bukod kasi sa pagiging aktibo sa student council, hinahangaan rin siya ng
karamihan dahil sa angking taglay na kakisigan.
Isa kasi siyang perpektong halimbawa ng tall, dark and handsome.
Miyembro rin siya ng tinatawag sa iskuwelahan na ‘campus
royalty’. Mga taong binubuo ng apat o limang
estudyante na bukod sa may angking kakisigan, ay masasabing pinakamayaman na
mag-aaral sa buong unibersidad. Sa mga
miyembro nito, dalawa lamang ang nakita ko na at kasama na nga dun si
Keith.
Katulad ng nakasanayan, ibinaling ko na lang ang aking
paningin sa isang lugar matapos siyang makita ng panandalian. Isa rin kasi siya sa hinahangaan ko sa campus
kaya dapat mag-ingat. Mahirap na at baka
may makahalata. Katulad ng nakagawian, ikukwento ko na lamang ulit kay ina
mamaya.
Hindi ko na napakinggan ang usapan nila ni Sir. Bahagya na lamang akong nagulat ng mapansin
kong ang tinutumbok nito ay ang upuang katabi nung sa akin.
Binulungan pa niya ako ng makaupo sa tabi ko ng, “Hi
partner. Ako nga pala si Keith Sarmiento. Ikaw na ang bahala sa exercises natin, ha?”
ang nakangiti nyang bati sa akin.
-Keith-
Patay!
Napasarap ang kuwentuhan naming magbabarkada ng mapansin
kong lampas ala-una na ng hapon. Mayroon
nga pala akong klase sa computer room ng college namin ng 1 PM. Hindi pa naman basta basta ang attendance dahil once a week lang iyon. Kaya kahit first day ng klase kailangan kong
pumasok. Mahirap ng maforce drop dahil
sa excessive absences. Alam ko kasing
maraming pagkakataon na baka hindi ako makapapasok dahil sa pagiging busy sa
student council at sa orgs ko.
Ako nga pala si KEITH PAUL ROXAS SARMIENTO, 19. College representative ng engineering. Laging busy sa extracurricular. Wala at nawalan ng girlfriend dahil sa
pagiging busy. Pa’no ba naman, ikaw na
ang College Rep., ikaw pa ang head ng tatlong organizations, ewan ko lang kung
hindi ka magiging busy. Matalino rin
naman kaso dahil sa mga extracurricular hindi ko magawang makapag-aral ng
mabuti. Ang resulta, laging malapit ng
bumagsak ang grades. Kailangan pa naman
ng extra effort kapag nag-aaral sa aming mga courses sa Electrical Engineering.
Hindi naman ako sinisita ng aking mga magulang sa
mababang marka. Tingin kasi nila ay mas
mahalaga ang mga extracurricular activities.
Saan ka ba naman nakakakita ng ganoong magulang? Para sa kanila kasi, ang pag establish ng
connections ay mas mahalaga kesa sa pag-aaral.
Para na rin siguro sa future ko.
Kaya ok lang sa kanila ang mga babagsaking kong grades basta pumapasa lang
at maging active ako sa mga organizations na sinalihan ko.
Ako rin pala ang pangalawa sa panganay sa apat na
tagapagmana ng aming mga kompanya. Sa
ngayon, sari-saring businesses na ang may shares ang aming pamilya. Pero ang pinagmulan ng mga ito ay sa
construction. Kaya ito rin ang pinakuhang
kurso sa akin kahit hindi talaga ito ang aking unang gusto.
Dali-dali akong nagpaalam sa kanila at tinungo ang
sariling kotse. Pinalipad ko ito
hanggang sa makarating sa parking lot ng college namin. Pagbaba sa sasakyan, lakad-takbo kong tinungo
ang aming silid. May mga bumabati sa
akin pero tanging tango at simpleng ‘hi’ na lang ang aking naitugon dahil sa
pagmamadali.
Nang makarating ako sa aming silid, narinig kong nagsasalita
ang aming instructor. Kinatok ko na ang
pintuan pagkatapos kong huminga ng malalim.
Pinagbuksan naman agad ako ng instructor na may iritadong itsura at sabay
tanong ng, “Are you in this class?”
“Yes sir” ang aking itinugon.
“Mr. Sarmiento right? By the way, I am Engr. Ramoso. I
will be handling this class. And since
you are late, you have no option to choose your partner now. Mr. De Leon will be your partner in exercises
and future works here in this course” ang
ngingiti-ngiti at nakakaloko nyang tinuran.
“Now take your sit beside him.”
‘Shit’ ang nasabi ko sa aking sarili. Kilala ko na ang tinutukoy ni Sir. Siya ung hilaw na hapon na kilala sa aming
college sa pagiging matalino at suplado.
Nabalitaan kong halos unuhin nya ang aming mga courses sa engineering
sciences na halos ikabagsak ko naman.
Pero dahil may pagkaintrovert at may minsanang straight forward na mga
hirit, wala siyang malapit na kaibigan.
Isang beses, kinausap ko siya para alukin ng aking boto noong
nakaraang eleksyon. Tumango lang siya
pagkatapos kong makapagsalita ng napakahaba at derederetsong naglakad ng tila
walang narinig. Ikinuwento ko ito sa
kanyang mga coursemate at tinawanan lang nila ako. Ang sabi nila “Naku, napakahirap pakibagayan
nyang si Yuri. Kapag nagiging classmate
namin siya, hindi talaga nagsasalita ang mokong at parang robot dahil ni hindi
nagbabago ang ekspresyon ng mukha.”
Pero dahil sa matalino naman siya, ok na rin kung magiging
magkapareha kami. Baka nga mahila pa nya
ung grade ko pataas.
Nilapitan ko siya at umupo sa tabi nya. Pasimple ko naman siyang binulungan ng ako ay
makaupo.
“Hi partner. Ako
nga pala si Keith Sarmiento. Ikaw na ang
bahala sa exercises natin, ha?” ang nakangiti kong turan sa kanya.
Aba ang mokong, ni hindi man lang lumingon. Bigla namang nagsalita si Sir nang,
“I assume that everyone of you knows how to use a
computer. I hope you will enjoy the
course as I . . . Yes Mr. De Leon?”
Hindi pa tapos mag salita si Sir ng makita niyang nagtaas ng kamay si
Yuri. Napatangin naman ang lahat sa
kanya dahil wala namang itinatanong si sir.
Tiyak na may sasabihin itong kakaiba.
“Sir, I am sorry to disappoint you but your assumption
earlier is not right” mataman siyang tinitingnan ng lahat. “Hindi pa po kasi
ako nakakahawak ng computer sa buong buhay ko at wala po talaga akong kaalam-alam
sa paggamit niyan.” Ang derederetso at
walang kahiyahiya niyang pag-amin.
‘Patay!’ ang tangi kong nasabi sa sarili matapos niyang
magsalita.
No comments:
Post a Comment